Tumgik
#nasaktan
mejo-shygirl · 2 months
Text
Dear RJPDS,
Hi! Syempre dyan ko naman talaga sisimulan yung letter ko. :p kidding aside, anw. Kamusta ka na? Hope you’re always okay. Actually, ‘di ko alam pa’no ko sisimulan or kung pa’no ko ilalathala ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng pagsulat ng liham. (Wow ang lalim, sasali ba ko sa buwan ng wika? Lol) So, nevertheless, sisimulan ko na. siguro, magkukwento na lang ako..
Tbh, unang meet ko pa lang sayo. Attracted na ko wala ng explain-explain. Alam mo naman na kung bakit kasi maka-ilang beses ko na din sinabi sayo yan noon, pero sige, for the sake of this letter, susulat ko ulit. :p xd Kasi nga, LONG HAIR ka, lakas maka-attract sakin ng long hair guys talaga, pero yung attractiveness ko sayo, kakaiba. Like, kakaiba kung pano ko i-appreciate yung iba.. ganun. Pero umpisa palang ‘to ah. Hahaha.
Tapos, ayun na. Lumaon na yung mga araw na medyo nakakasama na kita hahaha, nakakailang talaga sa umpisa eno? Haha ewan ko ba.. naalala ko na naman yung araw na first time na nga lang natin mag-iinteract sa isa’t isa.. putek nay an, na-talkshit pa kita, kahit kasi sabihin nating kalimutan na natin yun, hindi talaga kaya.. alam mo kung bakit? Kasi dun nagsimula lahat e hahahaha. First ever memory ko yun with you e. Funny, right?
Naalala ko pa nga, eto din yung mga time nakakachat na kita e, tandang-tanda ko pa yung sinabi mo nung panahon na yun. ‘Di ko alam kung nanttrip ka ba o ano e, kasi nabanggit ko sayo na lahat sila mga nahingian ko ng hug ikaw lang hindi. Aba, may patampo pa ang Lolo mo R, sabi mo ba naman sakin. “Alam ko namang mas trip mo sila.” pero tignan mo ngayon, trip pa din ba tong nararamdaman ko na to?
Naalala mo din ba yung time na dapat di mo ako isasabay kasi nagugutom ka? Haha. Pinasa ako sa iba hmp! Pero ano ka ba, nung araw naman na yun. ‘di naman ako nagmamadaling umuwi. Bukod sa malapit lang naman ako and wala naman akong importanteng gagawin haha, and I don’t mind din naman. Kaya I insisted na samahan ka, ang cute non kasi kung anu anong kwento yung nakkwento ko haha. Kaso nga lang unang time pala na nakasabay kita sa pagccommute, pangit pala ng topic natin non. Xd di ko na yun sasama dito, kasi ikaw ang bida dito. Ayos ba yun? 😉
This day (mybad, di ko na maalala yung exact date).. dito na talaga nagsimula lahat. Hehe, naalala mo yung time na niloloko kita hahaha. Sabi ko, “pakain ka naman!” haha, gulat nga ako e. nag-go ka agad e. ^^ tapos sa Popeyes to e, yung time na ‘to, the moment na pagpasok natin sa sasakyan mo. Dun ko naramdaman na.. “shemz, kakaiba na ‘tong pakiramdam na ‘to..” dun ko na naramdaman na gusto kita, hahaha. Tamang soundtrip pa nga tayo e, huling kantang pinatugtog pa nga non fave all time song ko e [Do I Wanna Know- Arctic Monkeys♥]. Alam mo ba, buti na lang napigilan ko yung sarili ko nung oras na yun, dapat kasi talaga dun palang. Ikikiss sana kita e hahaha. Buti na lang at napigil lol.
Nov. 30, 2019 ~
So yun na, hanggang sa lumabas na ulit tayo. Hehe, sorry ah, eto lang talaga tinago kong pic mo e nung nag-Venice tayo. First time kasi natin lumabas non ng weekends haha. Kaya dapat yung ganon para sakin tinetreasure yung ganon. Cute cute mo talaga, R. :> Naalala ko pa, eto yung isa sa mga kilig moment ko e.. yung time na nahagip ng mata ko yung booksale na shop hahahahaha e kaso nabalaan ng apala kita noh, na once makakita ako ng something related sa books, hatakin mo na ako agad. ‘di ko naman expect na ganun mo ko hahatakin hahahaha. Umakbay ka sakin palayo ng booksale. T^T Goodbye books. T^T pero alam mo ba, sobrang pula ng mukha ko non, buti na lang madilim na kaya ‘di na masyadong kita hehe. :p
Jan. 12, 2020 & Feb. 15, 2020 ~
Pagsamahin ko na yung 2 date ha? Eto yung dates ng staycation natin hahaha walang pictures kasi ikaw e. Ayaw mo talaga akong kasama sa picture e. Panget ba ko ha? 🙁 Kaya ayaw mo? :< wala tuloy ditong picture mo hahahaha. Pero ayun nga, sa mga panahon na to, sobra sobrang kilig ko kasi akalain mo yun, pumayag ka sa mga pag ganyan ko hehe. Wala lang, masaya lang sa pakiramdam, ikaw ba, do you feel the same way like I did?
Sa dami daming ganap sa buhay natin sa loob ng isang taon.. Lumalim ng lumalim hanggang sa di ko na napigilan sarili ko.
Aug. 24, 2020 ~
Eto na yung time na nagconfess ako sayo through chat, gusto ko lang malaman mo na sa sobrang kaba ko, umiiyak ako habang nagttype non, kasi di ko alam kung anong irreact mo e, kung aayawan mo ba ko, kung gugustuhin mo din ba ko as in wala akong idea kasi di ka naman ka-vocal sa feelings mo e. Luckily, di ka naman umiwas. Hehe. Pero tbh, natatakot ako na baka one day, marealize mo na.. Ang lahat ng iyon, mauuwi lang pala sa thank you hehe.
Sobrang haba na neto, R. Wala akong hinihinging kapalit sa lahat ng ginagawa ko, gusto ko lang naman din malaman mo na gustung-gusto talaga kita. I know it’s kinda awkward na ako yung ganto pero pasensya ka na. Tao lang naman din ako, nakakaramdam ng emosyon. Fyi, di din naman ako nagmamadali kung ano yung mga magiging desisyon mo at kung ano yung magiging hakbang netong pinaggagawa ko, basta one thing for sure. Ayun lang talaga and I don’t easily give up except na lang kung talagang sayo na mismo manggagaling yun. Sana basahin mo to hehe. If ever naman na mabasa mo, thank you. If ever na hindi, thank you pa din. Basta, maraming salamat, nawa’y dumami pa ang memories natin together. More galas, kain, roadtrip, ‘silay’ at kung anu ano pa to come. Always remember din na, “I’ll be here, even if you don’t want me no more”. Daisuki desu. (I like you! ♥) Ayun lang nman hehe.
Disclaimer: Alam kong kinikilig kayo sa sulat ko, pero sa totoo lang, nawalan akong chance to do this letter, wala e, sobrang busy sa work at ayun nga.. Dito sa susunod na mababasa n'yong letter, heto na yung mga rason, para malaman nyo na din kung anong nangyare:
Hi RJPDS,
Kumusta? Matagal na din tayong hindi nag-usap, mula nung madami na kong nasagap na mga balita? Don't worry, 'di ko naman ginawa 'tong letter na 'to para mapabalik pa ang lahat, gusto ko lang din na maglabas ng sama ng loob.. pati gusto ko lang malaman mo na.. minahal talaga, nang alam kong walang kasiguraduhan, pinipilit kita nung mga time na yon, baket? Kasi medyo napapatagal na ata, 'di pa ba enough ang 1-2 years para magbigay ng 'assurance'? Oh well, baka para lang naman sakin yon, alam mo ba... wala naman din talaga akong balak magtanong about sa mga nalalaman ko, pero kung siguro 'di ko ginawa yon, patuloy pa din yang mali mong gawain... Naalala ko pa yung mga date (not exact, pero itatala ko dito yung mga taon.) na ngayon ay itatala ko rito:
Dec. 2020
Eto yung time na nanghingi ako ng favor sayo na umangkas, pero tinanggihan mo, rason mo sakin? "ayaw ko ng issue", kahit san ka lumingon at kahit anong gawin mong pagmamalinis, magkakaron at magkakaron ka pa din ng issue, kahit saan meron yan, di yan mawawala, alam mo ba nung time na yon, nagtampo ako sayo non, pano kasi, IKAW na lang talaga last resort ko non, nakahiram naman na ko ng helmet non, tapos tumanggi ka pa, masakit sakin yon, dinamdam ko yun, kaya magmula non, 'di na ko nanghingi ng pabor sayo na isabay ako pag-uwi kahit along the way lang naman tayo.
Dec. 8, 2020
Etong time naman na 'to, magkasama tayo neto, 'di ko maintindihan kung baket ganon yung panaginip ko, sabi mo sa panaginip ko, "ibblock kita ah?", tapos pinilit kong gumising non. Sabay sinilayan ko ang maamo mong mukha, ginising pa nga kita non e, tinanong pa kita kung gising ka like 5-10 mins. ago, e halata namang tulog na tulog ka... kaya triny kong balewalain yung panaginip na yon.. pero hindi e, dinadala ko yung hanggang sa kasalukuyan e..
Year 2021
'Di ko alam, basta nung panahon naman na 'to, wala naman akong ibang magagawa kundi intindihan ka, kasi ganon kita kamahal. Huling pagsasama natin neto, February 5, 2021 pa. Mula nun, tumumal na, hanggang sa nalaman ko na lang sayo na na-hospital pala si Meme (mama) mo, diyan naman sa part na yan, wala akong right magreklamo, kasi nga kahit naman ako e, ganyan din gagawin ko nung time na yon, uunahin ko talaga ang pamilya ko over anything, saludo ako saiyo 'ron.
Hanggang sa feeling ko naman getting well na si Meme mo, at nanghihingi ako ng time sayo, kahit simpleng labas lang naman or something, pero ang dami mo laging dahilan, rason... basta pagdating sakin. Tapos, malalaman ko na nakakasama ka naman sa mga gala nila, tulad ng rides ganon. Inaamin kong nakakatampo sa part na yan, like bakit kapag sila ambilis mong gawing libre yung oras mo, pero pagdating sakin, ganto ganyan.. pinilit naman kitang intindihin e, kaso nakakarami ka na e..
I think this time, it's around August, Sept or October, 'di ko na matandaan, pero we had an argument that time to the point na sinabi ko sayo na nagtatampo ako, pero ikaw naman di mo alam gagawin hahaha ewan ko ba tapos nabanggit ko din sayo na baket kapag ako nanghihingi ng oras, lagi kang may rason.. and the worst thing I said, "alam mo nakakasakit ka na..", and this time, dito mo naopen yung about sa 'pahinga' na yan, pero nung time na yan, 'di ako pumayag, baket? "Yang mga pahinga na yan, 'di na yan bumabalik."
Hanggang sa dumating na ang December.. dito sa panahon na 'to, we're going good(?) but unti unti ko nang nararamdaman ang coldness mo, actually, nagsimula kong maramdaman yon? March pa. Triny ko naman to make up with you, sakin ka na nga nagkulang pero tignan mo sa pagmamahal na meron ako para sayo... ginagawa ko ang lahat, para lang masalba sa kung ano mang meron tayo.. ganon ka kasi kahalaga sakin. Dito sa month na 'to nagkaron ng time sakin, isipin mo ah? Mula Feb, ngayong December lang nagkaron, inintindi ko na sige, busy ka. Ganyan, pero nagtataka ako, baket ngayon lang?
January 2022
Natapos ang 2021, eto din yung birthmonth ko! Hehe. At.. eto din ang time na ang kulet lang kasi binigyan mo ko ng regalo, binigyan mo pa nga ako ng panyo non e hahaha. 'Di ko din alam baket panyo? Binati mo pa nga ako nung birthday ko e, but I feel, you're not the same R I met before.. hahaha, I felt.. hurt.
Gang sa umabot na tayo ng February 2022, dito mo na talaga inopen yung “pahinga” na yan. Potrages na pahinga yan. iyak ako nang iyak that time kasi pakiramdam ko. Ubos na ubos na ko. Nauubos na ko kakainvest sayo tapos ikaw yung mapapagod? Hahahaha tanggala naman, R. Ayos ng trip mo ah? Umiiyak ka rin that time. Ano yun? Bakit? Gang sa sinambit mo na “mahal din naman kita.” Pero alam mo yung nararamdaman ko after non? Meron talaga mali. Like napakalaking mali.
March 2022
Eto na, hulihan time. Hahhahahahha this time, nagulat ako.. binigla mo naman ako hehe. Nung time na to, nangangamusta lang naman ako sayo. Gang sa tumatawag yung number mo sakin, nagtataka ako kasi di ka naman talaga pala-tawag. Sinagot ko. Pero babae yung sumagot. “Can yoy please stop?” yung huling sambit sabay baba ng phone. Ayos ah? Napagtitripan ba ko ng tadhana? Hahahahaha. Pero okay lang. I chose to believe in you naman hahaha. Kaso wala e. Big fat ass liar~
Thank you na lang sa memories, I’ll keep them forever, will never forget those times na naging okay ang pakikitungo mo sakin. Kaso nga lang, alin nga ba don ang totoo? O simula palang ay gago ka na rin tulad ng mga nakilala ko? You even said na mahal mo ko. May paiyak-iyak ka pa ha? Ano yon? Para convincing hahaha. Out of guilt kaya mo yan nasabi. Ayaw mo makasakit? Pero no ginawa mo? Ganon pa rin. Pinatagal at pinalala mo lang sitwasyon. Bitch ass mofo hehe.
So ayun nga, ang moral lesson ko lang dito ay wag na wag tayong magsesettle for less and it’s not bad to ask assurance, kapag di nabigyan. Girl. Protect your heart and LEAVE.AS.FAST.AS.YOU.CAN. Tinatamad na kong ituloy tong letter na to and dito ko na rin tutuldukan ang sinulat kong lagda.
nagmahal pero 'di pinili,
mejo-shygirl now signing off.
2 notes · View notes
satunaynabuhayblog · 2 years
Text
Aanhin mo ang pag-iibigan na hindi naman pang walang hanggan?
15 notes · View notes
breastmaster64 · 2 years
Text
well fuck me ig lol
0 notes
makatang-iska · 2 years
Text
After Us
Note: So these are some of the things my ex told me when we broke up over the phone lol. Translated of course, she said these in Filipino. I tried to write poetic questions for each statement. These are just a few of her statements that made me feel like my heart was physically shattering. Hurts a lot, but writing about it helps me process it. 
“You did nothing wrong.” - Nic [ex]
Do you think telling me this will make our break up hurt less?
I did everything right but we still end up in this fucking mess!
-
“I loved you.” - Nic [ex]
Did you really? Or was it just out of convenience?
Until now, it does not make any fucking sense!
-
“I woke up one day, the love was not there.” - Nic [ex]
Maybe if you met me halfway, then we could have made it last.
I guess you were just too eager to move on way too fast.
-
“I am sorry, you deserve better.” - Nic [ex]
What the hell? I thought you were the best?!
Were you just supposed to be a lesson--a test?
Why can’t you do better, be better for us?
Your actions made me more anxious. Don’t know if I could again trust.
-
“I know I can never tell my parents that you are my girlfriend, sorry.” - Nic [ex]
Three years and 5 fucking months together and you tell me this just now?
You must really like toying with me. It’s fucking sick of you, wow!
Why then did you ask me to be your girlfriend?
You could have not disturbed my peace, if you know that we will end.
1 note · View note
darkhopping · 2 years
Text
“comelec ka ba? paki recount nga kung san ako nagkulang” HAHSDHGAHHAHSDGHSG
0 notes
dimagapi · 1 year
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
149 notes · View notes
akosichay · 9 months
Text
minsan yung mga taong umaalis, sila yung mas nasaktan at may valid reason. hindi naman yan basta basta susuko at aalis kung hindi sinubukan ng ilang beses
56 notes · View notes
lihimlihamtinta · 8 months
Text
Maraming bitbit na lihim ang aking mga mata
Kasing dami ng beses na pinigil nyang lumuha
Kasing dami ng pagkukunwaring 'di ako nasaktan
Kasing dami ng pagpipigil na manuntok sa mukha
Maraming salitang hindi lumabas sa aking bibig
Mga salitang naglalaman ng hinanakit at hinagpis
Mga salitang dala ay pagmamahal na kay lalim
Mga salitang ikinubli dahil dinadaga itong dibdib
Maraming kanta ang nakabisa ng aking tainga
Mga awit na naglalaman ng tunay na pagsinta
Mga awit na para bang hinugot sa ating alaala
Mga awit na ako mismo ang naglapat at tumipa
Marami ang laman ngunit kakaunti ang lumabas
Siguro ay hindi sapat ang inipong tapang
Marahil ay hindi sapat ang aking mga dahilan
Maaring wala namang magbibigay halaga
27 notes · View notes
kapetalista · 5 months
Text
Hindi ako fan o basher ng Kathniel. Gusto ko yung mga palabas nila. Nalungkot and nasaktan din ako sa break-up nila. Pero simula nung mapanood ko mga interview nila, makikita nyo sa mga sagot ni guy na ang redflag pala talaga nya. Wag tayo martyr, deserve ni Kath makahinga :>
8 notes · View notes
souledead · 6 months
Text
porket ba you don't chase you attract na ang motto mo, you'll just let the person na nasaktan mo to just walk away with all the bruise and scar at hindi ka na mag-eeffort to be accountable on what you did. angas mo naman tamang inner healing ka lang naka-gain ka pa ng lesson samantalang yung nasaktan mo might be traumatized forever. I hope you'll get what you deserve.
13 notes · View notes
chereserene · 3 months
Text
I was so dumb making decisions before I always think that it will affect others lalo na if ako nagdedecide pero when I started teaching I learn to make decisions kahit alam ko na makakasakit sa iba emotionally bc it is the right thing to do. Kahit alam ko na nasaktan ko sila I know nasa tama ako. Sabi ko nga if hindi sila nagreflect na mali sila baka nga something is wrong within them at sila lang yung kailangan na maitama.
Kapag teacher ka para ka rin talagang magulang. I have students talaga na gusto ko pagbigyan at sometimes kasi I know it will make them happy. Pero ayun may times talaga na kahit ang sama mo na sa patingin nila, alam mo yun yung tama and ayaw mo lang na sila yung pagalitan ng mas mataas.
I always say na okay na ako yung makahuli kasi hindi ko sila pagagalitan and pagsasabihan ko lang sila then after wala na.
Sobrang strict ko and masungit alam nila yun but still I manage to implement boundaries. And nakakatuwa lang that may mga students na nakakappreciate sayo.
5 notes · View notes
ligayangdala · 2 years
Text
Tumblr media
📂 KUYA’S BFF EP 9 : SANA KUNG PWEDE NA, PWEDE PA | MASTERLIST
📣 JAEMIN NA. smut, angst, kuya’s bestfriend!au, childhood friend!au
✍ written in taglish | ⚠ violence, mentions blood/bruises, mentions toxic relationship, mentions cheating, unprotected sex (but reader is on the pill!) | 📅 posted on july 25th, 2022 | 🔞 minors, do not interact!
🎧 LISTEN: this playlist HAHAHAHA pakinggan niyo and bahala na kayo mamili ng kanta tutal bagay naman lahat yan sa ep na 'to eheheh
Tumblr media
NALAGPASAN MO ANG DEFENSE, PERO HINDI NALAGPASAN NI JAEMIN SI JENO.
pagkatapos ng defense niyo, sinundo ka ni jeno. nung una inaaya ka ng mga kaibigan mo na uminom pero dahil wala kang tulog kakaiyak at wala ka sa mood sumama, nagpasundo ka sa kuya mo at umuwi. kitang kita ni jeno kung gaano ka nasaktan sa nangyari kagabi, ayaw mong kumain, ayaw mong makipag-usap kahit kanino. natulog ka lang sa kwarto mo at naglock ng pinto kahit na hindi mo naman talaga ginagawa ‘yun madalas for safety purposes. tinatawagan ka rin ni jaemin pero hindi mo sinasagot dahil ayaw mo pang marinig ang boses niya o kausapin siya, pakiramdam mo kasi kapag narinig mo nanaman siya, masisira ka nanaman at babalik sa kanya. tama na siguro ang desisyon mo kagabi na tapusin na ang kung anong meron sainyo. 
kasalukuyang magkasama si ria at jeno, gusto ka kasing bisitahin ni ria at ayain kang magbonding kayong tatlo dahil kapatid na rin naman ang turing nito sa’yo simula nung nagkakilala kayo. pagbaba nila ng kotse, natanaw ni ria si jaemin sa hindi kalayuan sa parking kaya naman agad niya itong sinabi sa nobyo. umiling si jeno, hindi makapaniwala na may lakas pa ng loob si jaemin na puntahan ka sa building kaya naman nilapitan niya ang kaibigan. pinagsabihan ni jeno si ria nahintayin siya sa harap ng kotse niya at maguusap lang sila ni jaemin. nakatalikod si jaemin sa kanya kaya hinablot ni jeno ang balikat nito para harapin siya.
“ano nanamang ginagawa mo dito, jaemin?” galit na tanong ni jeno, “guguluhin mo nanaman kapatid ko? tangina, tigilan mo na si y/n, utang na loob. sobrang nahihirapan na ‘yung kapatid ko sa’yo.”
“jeno, gusto ko lang magpaliwanag sa kapatid mo—”
“nag-usap na kayo kagabi, siguro naman tama na ‘yun? inalisan mo siya kagabi, hindi ka nag explain, sapat na ‘yun na rason para mamulat ang mata ni y/n kung gaano ka ka-gago” saad ni jeno, “pre, kapatid ko ‘yun eh… nag-iisang kapatid ko, bukod sa kung tinago niyo sakin kung anong meron kayo nung una, nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sa kanya.”
“pre, mahal ko si y/n, hindi ko gagawin sa kanya ‘yung mga iniisip mong gagawin ko… hindi ko siya kayang saktan tol.” sagot ni jaemin, “‘yung picture na sinasabi ni y/n? ‘yung kasama si ally. matagal na ‘yung picture na ‘yun, bago pa kami maghiwalay two years ago, nagkataon lang na iisa ‘yung suot kong damit at alam mong hindi ako nagbabago ng gupit. inaamin kong nagkita kami ni ally pero—”
hindi na natapos ni jaemin ang sasabihin niya at naramdaman niya na ang kamao ni jeno sa mukha niya. nagulat si ria kaya naman napatakbo siya papunta kay jeno at pinigilan ito, pero malakas si jeno at nakatapon pa ng ilang suntok hanggang sa bumagsak si jaemin sa sahig at pinatungan siya ni jeno, dumudugo na ang labi nito at may namumuo na ring pasa sa mukha ni jaemin, pero ni isang beses hindi sumuntok pabalik si jaemin. jeno himself was shocked to realize that he was hurting his best friend, he realized this when he threw the last punch on his face. he wasn’t the one to be violent dahil pinalaki siya ng parents niyo ng maayos, ito na ata ang unang beses na sumuntok siya ng tao at hindi lang basta tao, kung hindi ang best friend niya.
“jeno, please, tama na…” sabi ni ria, pero tila hindi ito naririnig ng nobyo. walang gwardya sa loob ng basement parking ng building kaya naman walang makapag-awat sa dalawa. “jeno… jeno, si y/n…”
lumingon si jeno sa pintuan entrance ng building at nakita ka, suot suot ang damit na suot mo kagabi paguwi mo. kung paano ka niya nadatnan nung isang gabi, hindi ka rin makagalaw sa pwesto mo. “y/n…” sabay nilang sabi ni jaemin, agad namang inalis ni ria si jeno sa pagkakapatong kay jaemin at tinulungan pa si jaemin na tumayo. nakahawak si jaemin sa tyan niya dahil isa ito sa mga nasuntok ni jeno kanina ng malakas bago siya bumagsak sa sahig.
nagtama ang mga mata niyo ni jaemin, nasasaktan ka sa nakikita mo, nasasaktan ka sa ginawa sakanya ng kapatid mo. tumingin ka naman sa kuya mo, alam mong nagawa niya ‘yun dahil sa sobrang galit, pero nagulat ka dahil hindi mo ito inaasahan. napailing ka at agad na tumakbo pabalik sa elevator, at pagsakay mo, siyang buhos ng luha mo.
“jaemin, please… tigilan mo na ‘yung kapatid ko” pagmamakaawa ni jeno, “aalis na siya ng bansa, kaya tigilan mo na siya” bumitaw si jeno sa pagkakahawak sakanya ni ria at pumasok sa loob, sa emergency exit na siya dumaan dahil matatagalan pa pag hinintay niya ang elevator na bumalik. naiwan si jaemin at ria sa parking, sobrang bait ni ria at inalalayan pa niya si jaemin na makabalik sa kotse nito.
“ria, totoo? totoong aalis si y/n?” tanong ni jaemin bago pa umalis si ria, “sabihin mo saking nagsisinungaling si jeno, ria, please… hindi pwedeng umalis si y/n ng bansa… hindi pwede hangga’t hindi niya naririnig ang paliwanag ko”
tumango si ria, “pasensya ka na sa sasabihin ko jaemin ah, alam mong hindi ako madalas ganito magsalita pero… tama si jeno, hayaan mo na si y/n. totoong aalis siya ng bansa, pupuntang europe si y/n, hindi ko lang alam kung gaano siya katagal dun.” sagot ni ria, “jaemin, wala ka rin namang karapatan pigilan si y/n eh… wala namang kayo, tapos… ‘yung nangyari pa nga sainyo.”
naglakad na palayo si ria, at tuluyang iniwan si jaemin.
ang totoo nyan, hindi naman recent ‘yung picture ni ally at jaemin. matagal na ‘yun at gaya nga ng sabi ni jaemin, hindi siya madalas magpalit ng gupit ng buhok. totoo na nakipagkita siya kay ally, pero para mag-usap at magbigay ng proper closure para sa isa’t isa kaya siya pumayag na kitain ito. nabanggit rin kasi ni ally na gusto niyang makipagbalikan kay jaemin, pero agad itong tinaggihan ni jaemin dahil nga andyan ka na— dahil ikaw na ang pipiliin niya. sobrang traumatizing ng relasyon nila ni ally para kay jaemin, bukod sa hindi siya tanggap ng parents ni ally, nagawa pa siyang lokohin nito kaya hindi rin madalas mag-seryoso sa babae si jaemin dahil pakiramdam niya lahat ng babae ay gagaguhin siya. 
pero iba ka, iba ka sa kanila, hindi ka katulad nila. tulad mong kwinestyon ang nararamdaman mo para sakanya, kwinestyon rin niya ang nararamdaman niya para sa’yo nung mga unang araw niyong maging friends with benefits. kaya nga paborito kang bisitahin nito dati sa school mo, sa condo mo kapag wala ang kapatid, your small dates in the middle of the night, tuwing tatakas ka sa kapatid mo at siya ang kasama, jaemin appreciates it dahil hindi niya ito magawa dati kay ally. you made him feel loved in a way he feels appreciated, he feels home, he feels safe. 
naiinis siya dahil hindi naman hahantong sa ganitong eksena dapat kung nagpaliwanag siya, kung hindi siya natakot tignan ka sa mata at sabihin na lahat ng nangyari ay isang misunderstanding. imbis na bumaba siya sa kotse at pigilan kang maglakad palayo, nauna ang takot niya at siya na mismo ang umalis. gusto sana niyang iliko ang kotse niya nung gabing ‘yun, pero huli na ang lahat.
pag-uwi ni jaemin, agad niyang hinubad ang damit at tinignan ang mga pasa na namuo sa katawan at sa mukha. napabuntong hininga nalang siya at binuksan ang gripo para maghilamos, he winced when he felt the cold water on his face. there were cuts on his lips, nose, may pasa siya sa mata at pisngi. he can’t be mad at jeno, naiintindihan niya kung saan nanggaling ang galit ng kaibigan. 
tinigilan ka na rin ni jaemin pansamantala, pumapasok pa rin siya sa eskwelahan at nakakasalubong ang kapatid mo dahil iisa sila ng course. pareho rin silang naghahanda para sa graduation, mauuna nga silang dalawa grumaduate kaysa sa’yo dahil may internship ka pang tatapusin. naaalala niya tuloy ang sinabi mo sakanya bago kayo maghiwalay, “defense at one semester of internship nalang, jaem and i’m one step closer sa graduation.” naalala niyang sabi mo, napangiti siya sa alaala dahil isa ‘yun sa gabi na paboritong paborito niya, nakahiga lang kayo sa kama mo habang magkayakap at nagkukwentuhan.
dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nabugbog siya ni jeno, gumagaling na ang mga sugat niya at nawawala na rin ang mga pasa niya. mabuti nga at gumagaling na ito dahil malapit na rin silang kumuha ng graduation picture, ang pangit naman kung tatakpan niya ng makeup ang mga sugat at pasa. kasalukuyang nagtutuloy si jaemin ng isa sa mga final plates nila, ala una na ng madaling araw pero dahil marami siyang ginawa ngayong araw, hindi niya natapos ito. 
“saglit lang” sabi nito nang marinig niyang tumunog ang doorbell niya, “ala una na, punyeta, sinong nasa tamang isip—” hindi niya inaasahan na ikaw ang nakatayo sa labas ng condo niya pagsilip niya sa monitor ng intercom, agad naman siyang pumunta sa front door para pagbuksan ka ng pinto. “y/n”
“hi…” bati mo, hindi ka makatingin sa mga mata niya kaya sa sahig ka lang nakatingin. “um… pwede ba tayong mag-usap?”
tumango si jaemin at gumilid, binibigayang daan ka para makapasok sa loob ng condo niya. “p-pasok ka,” sabi niya, hinubad mo ang sapatos mo at dumiretso sa sala kung saan siya nakapwesto kanina sa drafting table niya.
“is this a good time, jaemin? gumagawa ka pa ata ng plates,” sabi mo at hinarap siya, “balik nalang ako—”
“hindi, okay lang. next week pa naman pasahan niyan so okay lang,” sinungaling, mamaya na ng 5 pm pasahan niyan. “anong pag-uusapan natin?”
bumagsak ulit ang ulo mo at inumpisahan mong paglaruan ang mga daliri mo, hindi ka mapakali dahil ang dami mong gustong sabihin. kinuha mo ang kamay ni jaemin at umupo kayo, naglabas ka ng first aid kit galing sa bag mo at nagumpisang maglagay ng betadine sa sugat niya sa mukha. “i know this is late but i never had the chance to clean your bruises kasi natakot akong harapin ka nung araw na ‘yun,” sabi mo, napangiwi si jaemin dahil kanina ay tinanggal niya ang namuong dugo sa sugat niya kaya medyo mahapdi ang pakiramdam ng betadine dito. “on behalf of kuya jeno, gusto kong magsorry sa ginawa niya sa’yo. itong ginawa niya sa’yo, you know kuya isn’t violent but… what he did is just… because he was angry— until now actually, tumakas lang ako to say sorry and to talk to you personally”
“baby…” this time, ikaw naman ‘yung napangiwi, naramdaman mong nilapit ka ni jaemin sa kanya dahil ang mga kamay niya ay nasa may bewang mo, “baby, i’m sorry”
“jaemin, ako muna ang magsasalita, please?” sabi mo at tumango siya, sumenyas na ituloy mo ang sasabihin. “aalis ako ng bansa, 6 months sa europe… it’s a long internship pero suggestion ng dean ng department ko ‘yun dahil magiging maganda daw sa resume ko ‘yun. mamayang gabi na ang flight ko,” tumigil ka sa paglagay ng betadine sa kanya at nagbukas ng bandaid, “tumakas ako kay kuya kasi… i want to address my final goodbye to you personally and hindi sa text o sa tawag, i want to look into your eyes and finish it all right now, dahil hindi lang ako mag-iinternship sa abroad, gagamitin ko rin ‘yung chance na ‘yun para magheal. ang daming nangyari sa isang taon, at kahit na maikling panahon lang ‘yung anim na buwan, gagamitin ko ‘yun para kalimutan ka”
nagpipigil ng luha si jaemin, dati kasi ay hindi mo kayang umamin sa kanya na nakatitig sa mga mata niya pero ngayon nagagawa mo na. kinuha ni jaemin ang kamay mo at hinawakan ito ng mahigpit, “baby, iiwan mo ‘ko?” malungkot na tanong nito, “baby, please… ‘wag, mahal kita… hindi ko ata kaya na wala ka sa tabi ko,” tumulo na ang luha ni jaemin, at hinalikan ang mga kamay mong hawak niya. the sight of him crying breaks your heart, but you needed to be strong. “y/n, please… gagawin kong tama lahat, aayusin ko lahat, please, ‘wag mo ‘kong iwan”
sometimes you hate how much you love jaemin, everytime he says he wants you to stay, you would. everytime he tells you how much he loves you and how much he wants to be with you, you’re willing to throw everything and just be with him. but being with him brings you so much pain, and that’s why you wanted to finish this— you wanted to end whatever it is you have. 
dahil ayaw mo ring makita ka ni jaemin na umiiyak, pinagdikit mo ang mga labi niyo. nararamdaman mong naghahalo ang mga luha niyo. hindi mo ineexpect na hahalikan ka nito pabalik, ang mga kamay niyang nakahawak sa’yo ay ngayon nasa panga mo na at nilalaliman ang pagkakahalik sa’yo. humiwalay siya at pinagdikit ang mga noo niyo, “baby, one night… one night lang please,” pagmamakaawa niya, “please stay with me and i’ll let you go na,”
“jaem…”
“please, baby…”
in a way, inisip mo kapag nagstay ka dito sa kanya ng isang gabi, kinabukasan ay makakalimutan mo na siya. one last taste before you completely let go of each other. one last moment before you leave. tumango ka kay jaemin at hinalikan ulit siya, nagulat ka nang bigla ka niyang buhatin na parang bagong kasal— hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi niyo. mabuti nalang at bukas ang pintuan ng kwarto niya, gamit ang isang paa, tinulak niya ito para magsara at binaba ka sa kama niya ng dahan-dahan. 
umalis ang labi niya sa labi mo, at unti-unting binuksan ni jaemin ang butones ng damit mo, kasama na ang pantalon pati ang suot mong undergarments. sinunod niya ang sarili at naghubad na rin bago siya pumatong sa’yo. hinalikan ka muna niya sa noo, sa dalawang mata mong nakapikit, sa ilong, sa pisngi, sa panga at ang huli, sa labi. “jaemin” ungol mo nang maramdaman mong hinawakan niya ang suso mo bago ito ilagay sa bibig, “baby please,” bihira mong tawagin siyang baby dahil mas gusto mong tawagin siya sa pangalan niya, malungkot siyang napangiti habang dumedede sa’yo kaya naman pinakawalan niya na ang suso mo at dumiretso sa pag halik ng gitna ng dibdib mo. pinaghiwalay ni jaemin ang dalawa mong hita at pumwesto siya sa gitna at dahan-dahang pinasok ang ari niya sa’yo.
napaungol kayo ng sabay nang ipasok niya ito ng tuluyan, binaba niya ulit ang sarili niya para halikan ka habang bumabayo ng dahan-dahan. tila ayaw maghiwalay ng mga labi niyo at muling nararamdaman ni jaemin ang mga luha mo sa pisngi niya. “baby, please stay” sabi nito nung humiwalay ka para huminga, “please stay with me, dito ka na lang sa tabi ko” humalik siya sa pisngi mo, “please, baby?”
“j-jaemin,” nararamdaman niyang nagkukuyom na ang puke mo kaya alam niyang malapit ka na, binilisan niya ng onti ang pagbayo kaya pinulupot mo ang mga braso mo sa likod ng leeg niya at ang mga binti mo ay nasa bewang niya. “jaem…!”
ilang segundo pa at patuloy lang si jaemin na bumabayo sa’yo hanggang sa naramdaman niyang nilabasan na siya, ilang minuto siyang nakahiga sa’yo habang nakayakap ka sakanya. “baby, mahal na mahal kita” bulong nito sa tenga mo bago niya tanggalin ang sarili sa loob mo, bumitaw ka na rin sa pagkakayakap mo sa kanya. “i love you so much, y/n lee… please ‘wag mo ‘kong iwan” sabi nito at humalik sa labi mo.
“i love you too, jaemin na”
hindi niyo namalayan na nakatulog kayong dalawa sa sobrang pagod at sa sobrang daming emosyong nalabas niyo. nagising si jaemin dahil pagikot niya sa kama para yakapin ka ay wala siyang na yakap kundi ang unan niya. agad siyang nagising at tumayo, nagsuot ng boxers para hanapin ka sa loob ng condo. wala ka sa banyo, sa kusina, sa sala pero may nahanap siyang sticky note sa drafting table niya.
jaemin na,
when i told you i love you last night, that was true. mahal kita pero kailangan kitang pakawalan. sobrang mahal kita umabot na sa punto na pareho na tayong nasasaktan— hindi dapat ganun dahil hindi ganun ang tunay na pagmamahal. jaemin, baby, ang sakit sakit mong mahalin. i’m sorry kung kailangan kong umalis, kung kailangan kong kalimutan ka dahil sa sakit na nararamdaman ko. i’m sorry kung iiwan kita, baby. i’m sorry for running away this time.
hindi tayo para sa isa’t isa, maybe when a time comes pwede na. we need to fix ourselves first, love ourselves first.
gaya nga ng sabi nila, sana kung pwede na, pwede pa. 
mahal na mahal kita jaemin, sobra pa sa sobra.
125 notes · View notes
ginniemouse · 7 months
Text
wala, nasaktan nanaman ako.
14 notes · View notes
hashirun · 9 months
Text
I've been feeling a bit down since kaninang hapon, na-open ko kasi kay Mama na i'm planning to start looking for a job next week kasi nga di na sumasapat yung kita ng private resort. Balak ko kahit bpo na lang muna ulit while i gather myself but she told me na kung sya ako maghahanap na lang sya ng trabaho abroad, kahit anong work pa yan kasi daw at this point naman parang huli na para mag-establish ako ng career. So dapat ang isipin ko na lang eh kung pano kumita nang malaki.
Nasaktan lang ako kasi di ko inexpect na marinig yon sa kanya lalo last week lang nag-open up din ako na nalulungkot ako kasi parang walang nangyayari sa buhay ko career wise, parang wala akong patutunguhan. Na i'm already in my mid 30s pero i'm still not good at anything, i don't have any skills na in demand sa job market. She comforted me and told me that it's not too late, that i've always been good at communication and public speaking so why not look for a job along those lines, like maybe apply for a job as a teacher or trainer.
She's always been my biggest supporter, so i was really surprised when she told me kanina na it's too late to start a career. Siguro napagod na lang din sya sa akin kasi lagi na lang ako pumapalpak.
I regret coming home nung nag-pandemic, siguro kung nag-stay ako nun sa Manila i wouldn't get caught up with managing the private resort, i wouldn't think it's a good idea to finally open my dream cafe, i wouldn't quit my job, i wouldn't be neck deep in debt, i would still have a life and a career. I wouldn't feel as useless and pathetic as i feel now.
13 notes · View notes
juyoniee · 12 days
Text
Hindi ko pinagsisihan na sumugal ako ulit sa'yo.
Ilang beses mo man akong nasaktan, ilang beses pa rin kitang pinatawad. Pero ngayo'y nasaktan mo na naman ako.
Naging masaya ako sa'yo, kahit panandalian lang. Hindi mo man ako minahal katulad ng inakala ko, alam kong naging mahalaga pa rin ako sa'yo.
Gusto ko mang magalit, pero hindi ko ginawa.
Mahal kita, sapat ng sagot 'yon sa lahat ng tanong mo— at alam kong isa lang din ang sagot sa mga tanong ko sayo.
Ano?
Napagtanto ko na mahalaga lang ako, pero hindi mo mahal.
Words never said // realizations
Tumblr media
2 notes · View notes
levsnokov · 13 days
Text
back again.
i simply hate it when my mom comes home pissed and even if she's supposed to be mad at one person, nadadamay kaming lahat.
my brother just so happens to forget to do 4 of his projects and imbis na magalit ako, nagmagandang loob nalang ako and nag print ng mga pics na kelangan niya. nagpunta sa chs para doon magpa-print kasi wala na colored ink printer namin kaso sarado print shops there. and wala rin akong dalang phone at the time so dumeretso ako kina josel. nakakahiya kasi wala man lang akong pasabi sa kaniya but he was kind enough at hindi ako pinagbayad. im very thanful sa kaniya non kasi idk, it made me emotional nung andoon ako.. kasi biruin mo yun, someone's kind enough to do u one thing at the exoense of nothing.
i kept thanking him before i left to drive home. madilim na rin non at the time and i was rushing home para may masimulan na si ian bago siya maabutan ni mama na walamg ginagawa.
i got home and gave the papers and he got to work agad. mama arrived 5 minutes after i did nung una, okay naman siya, parang hindi naman ganun ka-galit. kaso nung nakita na niya si ian, doon na siya sumabog. sinisigawan niya si ian, normal na samin yun. pero smth abt today felt different and nasaktan din ako.
one thing led to another and si mama and papa na nagsasagutan. padabog kasing sinara ni mama yung pinto sa cr tapos hinagis yung timba palabas, naiinip si papa. alam niyang galit si mama pero pwede bang maging mahinahon tayo. sinasabihan kami ni mama na magaling lang kami manira pero ano bang ginagawa niya?
edi pinulot ni papa yung mga timba na hinagis ni mama tapos pabulong na sinabing "kainis naman" tapos bumuntong hininga siya. narinig ni mama.
while eating dinner, nagsasagutan na silang dalawa and it rlly drained me kasi pinapatulan nila isa't-isa. and i worried over ian kasi he has this blank look on his face and it's becoming evident sakin na nagiging normal nalang yung away magulang sa kaniya. napatingin si mama kay ian tapos binalibag sa muka niya yung takip ng baunan niya tapos binaling na naman niya galit niya kay ian and i felt my stomach drop kasi nakita ko reaction ni ian. and i felt so bad, so guilty and so helpless.
nakakahiya, buong apartment complex naririnig yung ingay sa bahay namin. tapos sakin na naman napunta yung galit niya kasi "dinadaganan" daw ng bag ko yung bagong camera and i looked over kung ano sinasabi niya and my bag isnt even directly above the camera bag and just out of fucking nowjere she threw my bag sa sahig, padabog, pagalit. lahat ng gamit ko binato niya, may basag na salamin ko.
doon na ako napuno kasi nung sinubukan kong i-explain na hindi naman, sinisigawan lang niya ako. she wont lsiten and it hurt me a lot kasi i cant even defend myself, laging siya yung tama, kami mali. bawal an raw namin gamitin yung camera, wala daw kaming pake, wala kaming malasakit, wala kaming pagiingat, di kami nagpapahalaga.
so i had to quickly text my cm, si tin, kung owede ba camera niya tom. i was practically begging and i felt so humiliated by it.
that film mattered to me tapos gagaguhin lang ako ng ganon.
iko-compare pa ako kay mark kasi nakita siya ni mama na "tablet" lang ang gamit to film..
my chest hurts so bad and i cant breathe.
2 notes · View notes