Tumgik
#ang gabing nahulog ang buwan
lakanamihan · 1 year
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
2: Ang awit ng mga nagmumultong anino
Namimitig na ang mga binti ni Tomas kakatakbo. Magkasinghapdi na ang sugatang pisngi at pagod na mga biyas. Tinahak niya ang kabuuan ng ilog. Sa pagkakatanda niya ay tulay ang pinakamalapit na dulo na mararating niya sa sinundan niyang direksyon. Inasahan niya ang mas malawak na parte ng ilog at ang mga kapunuan sa paligid nito. Kaya hindi malinaw kung paano, pero imbes na mga puno ay natagpuan niya ang sarili na kaharap ang malawak na dalampasigan.
Samyo ng malamig na hangin at amoy ng alat sa tubig ang bumati sa kanyang pagdating. Dumidilim na rin. Agad? Hindi na inalintana ni Tomas ang oras. Inilibot niya ang mata. Inihatid siya nito sa batuhang hinahampas ng mga alon. Sa abot-tanaw ay nakatanghod ang buwan na marahang lumilitaw.
Ilang sandali pa ay nakatingala na si Tomas sa bilog na buwan. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod ang mga tunog.
Sa likod ng mga batuhan, maging sa lugar na kanyang pinanggalingan na ngayon ay kahabaan na ng mabuhanging aplaya na nababalot na ng dilim, at pati sa magkabilaang direksyon, may umaalunignig na ritmo. Tunog ng mahinang tambol ng dalawang metal na pinagpupukpok.
Naririnig ni Tomas ang agos ng dugo niya sa sariling tainga, sabay ng tibok ng kanyang puso. Lalong dumidilim ang paligid. Sumisikip ang espasyo sa isip niya.
Ang laki na ng buwan sa ulunan niya. Iniangat niya ang kaliwang kamay. Hindi gumagalaw ang mga kamay ng relo. Nakapako lang ang mga ito sa 12 na numero. Pero hindi lang iyan ang nakakapagtaka. Mas ikinagulat ni Tomas na tila nangangapal ang balat niya sa kamay. Parang may kaliskis o balat ng buwaya, magaspang at kulay itim na kumikintab kapag tumatama sa liwanag. Nagsihabaan din ang kanyang mga daliri at nakausli sa dulo nito ang matutulis na kuko.
Lumalakas ang ugong. Lalong lumalaki ang buwan sa puntong parang madadaganan na siya nito. At ngayon ay natuklasan niya ring hindi siya makapagsalita.
Ma? Sinubukan niya ang kanyang boses. Walang lumabas sa bibig niya.
Ma…
“Tumakas ka na, anak,” ani ng isang nakalimutang tinig. Malalim, pang-lalaki, pero hindi matandaan ni Tomas kung kanino iyon. 
Tumingala si Tomas sa madilim na gabi. Sa maliwanag na buwan. Pero ngayon ay nawala na ito. Sa dapat kinalalagyan niyon ay nakapwesto ang nag-iisang ulap. May aninong gumagalaw sa likod nito.
Tila nangungusap ang anino. 
“Huwag mo akong kukunin!”
Hindi maipaliwanag ni Tomas, pero sa puso niya, alam niyang sa likod ng ulap na iyon nanggagaling ang panibagong boses.
Iba na ang narinig niyang tinig. Babae. At mas takot na ito. Mas galit. Mas malayo ang loob kay Tomas.
Lumalakas na ang mga tunog. Nagwawala na ang ritmo. Papabilis nang papabilis, inuusig siya. Sa pumapaligid na kadiliman ng gabi, may mga nagkikislapang ilaw. Nang tinitigan itong mabuti ni Tomas, nalaman niyang mga pares ito ng mata. Marami sila.
Naramdaman niya ang panganib bago pa maubo ang salita at kahulugan nito sa kanyang isip. Hindi niya namamalayang tumatakbo na naman siya ulit.
“Ayun! Ang Bakunawa! Palayasin niyo ang halimaw! Palayasin niyo ang Bakunawa!” sigaw ng mas marami at halo-halong boses.
Huhulihin nila ako. Kapag nahuli nila ako, siguradong ikukulong nila ako. Ikukulong nila ako.
Parusa ang pagtakbo sa buhanginan. Pero kahit na ganun ay parang wala lang ito kay Tomas. Sa katunayan ay parang lalo siyang lumiksi. Gumaan ang mga hakbang niya na para siyang nakakalipad. Ang tubig ang pakay niya. Kung mga tao ang humahabol sa kanya, malamang ay hindi nila gugustuhing sundan siya sa malamig na dagat.
Tinatanaw pa rin ni Tomas ang mga humahabol sa likod niya kaya nakaligtaan niya ang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Malabong pigura. Aakalain mong usok lang, pero may parte sa utak niya na pinaglalaruan ang imahe at ginagawa itong grupo ng mga lalaking may hawak na mga iba’t ibang uri ng sandata. May mga kamay na humawak sa kanya. May humihila sa kanya pababa.
Bumigay ang lupang kinatatayuan ni Tomas. Una ay naging malambot na putik, at pagkatapos ay tuluyang naging walang hanggang tubig. Patuloy ang paglubog niya sa ilalim ng dagat.
Dito ako nakakulong.
Nagdilim ang lahat.
Nalulunod si Tomas sa hangin nang magkamalay siya. Natagpuan niya ang sarili sa kwarto. Nakahiga siya sa kama. Naglalapot sa pawis. Bukas ang bintana kaya nakita niyang madilim na sa labas. Mabilis ang tibok ng puso niyang kinapa gamit ang kaliwang kamay. Napabaling na siya sa relo. “Ala-sais?”
Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang huling naaalala niya ay tumatakbo siya, tapos… tapos ang gulo-gulo na.
Dito ako nakakulong.
Napatigil siya sa mga salitang lumitaw sa isip niya. Nakakamangha ang pakiramdam, na may pagka-nakakabahala rin, dahil merong konteksto sa isip niya na hindi niya mapunto kung saan nagmula o ano ang tinutukoy, pero pakiramdam niya dito siya nakakulong, sa katawan na ito.
“Holy shit!” bulalas niya sa natuklasan. “Dito mismo ako nakakulong—sa buhay na ‘to! ‘Yun ‘yung ibig sabihin ng panaginip ko!”
Shet, ang lalim, isip niya. “Ang angas ng panaginip na ‘yun ah. In fairness.”
Nag-inat-inat si Tomas. Nang tuluyang bumalik sa wisyo ay napagtanto niyang nagugutom na siya. Kaya naman, bilang may sariling utak, nauna na naman ang mga paa niya sa paghatid sa kanya sa kusina.
Papalapit sa pinto ay nadaanan niya ang cabinet niyang may malaking salamin. Nakita niya ang natuyong sugat sa kanang pisngi.
Natagalan bago niya mapagtanto. Pero nang matauhan ay nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa sariling repleksyon.
“Bwakanang-shet! Totoong nangyari ang lahat ng ‘yon?!”
Tarantang napakaripas si Tomas palabas ng bahay, diretso sa veranda, at doon niya nakumpirma ang hinala. Nandoon pa nga sa pasimano ang pinag-inuman niyang tasa ng kape kaninang umaga. Marahan ang paisa-isa niyang hakbang palapit dito. Nag-aagaw ang pagkalito at kagustuhang alamin ang misteryo ng araw na iyon sa utak niya. Nang makalapit ay hinawakan niya ang tasang kapihan.
Mayroon talagang nangyaring kakaiba kaninang umaga. Ah! Tama. Naalala niya. ‘Yung mahiwagang kumikislap na liwanag. Nasa likod iyon ng puting ulap. At siyempre...
“Si Boy Tagâ...” napasinghap si Tomas sa rebelasyon at walang-malay na napahawak sa sugatang pisngi.
Tulalang napaupo si Tomas sa upuan malapit sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala. O at least, hindi niya alam kung ano ang mga kulang na impormasyon na kailangan niya para maintindihan ang lahat ng ito.
Wala sa wisyong kinuha ni Tomas ang tasa at inihatid ito sa kusina. Nakatayo siya sa lababo nang marinig na tumunog ang cellphone niya mula sa kwarto. Agad niya itong pinuntahan.
Tunog ng alarm ang narinig niya. Sa notifications, nakasulat ang reminder na kailangan niyang magpadala ng bayad sa renta na pinaghahatian nila ng pinsan niyang si Jao sa kanilang condo unit sa Manila.
Mahigit sampung araw pa lang siya sa probinsya. Umuwi siya noong nakaraang linggo dahil nga inilibing ang Mama niya. Iniwan niyang mag-isa ang pinsan sa condo. Hindi niya pa sigurado noon kung makakabalik agad siya ng Manila. Wala nang tatao sa bahay nila dito. Medyo masakit din ang pinagdaanan niya nitong nakaraan kaya hindi siya nakapagdesisyon agad. Pero dahil sa mga nangyari nang umagang iyon, parang nakaramdam siya ng seguridad na may lugar siyang matatakasan.
Sa hindi maipaliwanag na kagustuhan ay tinawagan niya si Jao. Gusto niyang makarinig ng ibang boses bukod sa sarili niya. Naisip niya na baka binabaliw lang siya ng pag-iisa. 
Sumagot ang kanyang tinawagan.
“’Ya?”
“Jao.” Naramdaman ulit ni Tomas ang mga paa niya sa lupa. Parang totoo na siya ulit. “’Sa’n ka?”
“Sa shop, kuya. ‘Daming client kanina. Bakit?”
“’Daming nagpapatato?”
“Same-same. Bakit ka napatawag, ‘ya? Anong meron?”
“Uh, wala...ano,” nakalimutan ni Tomas ang sasabihin, bago niya ito masundan ng, “Ah, ‘yung renta. Babayaran ko na lang ‘pag nakarating na ‘ko.”
“Uuwi ka?”
“Oo, ‘tol. Ayaw mo ba?”
“Hindi, tange. Gusto naman. ‘Di ka nga lang medyo kawalan pero mapagtyatyagaan din.”
“Gago,” natawa si Tomas.
“Eme lang. Akala ko lang kasi, you know...”
“Okay na ‘ko, ‘tol. Salamat sa concern.”
“Sure ‘yan ah?”
“Oo, oo...” nakatiim ang mga ngipin siyang humigop ng hangin. “Ano lang kasi... Ano...”
“Ano?”
“Ano...”
“Ano? ‘Ya?? Sabog ka ba?”
“Hindi! Ano kasi...” nakipagpatintero siya sa option kung magsasabi ba o hindi. Sa huli, sinabi niya rin sa kanyang pinsan ang mga bumabagabag sa isip niya. “Minumulto yata ako dito.”
Tumawa si Jao sa kabilang linya.
“Angas! That’s new. Eh sa pagkakaalam ko hindi ka naman mukhang naniniwala sa multo.”
“Ano naman ang kaibahan ng hitsura ng naniniwala sa hindi? Tsk. Iba ‘to, Jao.” Kung posible lang marinig ang iling sa linya ng cellphone, narinig na sana ni Jao, kaso hindi. “’Pag uwi ko, makikita mo. Tinaga ‘yung pisngi ko eh.”
“...Ng multo?”
“’Di ka naniniwala ‘no?” may pagkaaburidong komento ni Tomas.
“Malamang! Paano ka naman matataga, eh technically wala nang physical form ang multo. ‘Di ba? Duh! Sigurado ka talaga, hindi ka sabog?”
“Basta, Jao. Pramis. May kakaiba talagang nangyayari dito.”
“Jao!” rinig ni Tomas. Malayo ang boses sa cellphone. Kilala niya ang boses. Si Alas, boss ni Jao at master tattoo artist sa pinagtatrabahuhan nitong shop. “May naghahanap sa’yo dito. Nagpa-book daw online.”
“Ay. Sige, sige,” sagot ni Jao. Mukhang nakaharap na agad at kinausap na ni Jao ‘yung client kaya na-preoccupy ito at hindi agad naibaba ang tawag. Hindi sinasasyang napa-chismis si Tomas sa usapan nila.
“Hi,” sabi ng boses ng babae. Malambing ito at tunog-masiyahin. Hindi pa nakikita ni Tomas ang mukha nito pero nai-imagine niya na ang potential... Pero pinilit niyang huwag magpadala sa kalikutan ng pala-desisyon niyang isip.
“Uy, hi!” masiglang bati ni Jao. “Mariya, right?”
Teka—ano?!
“Jao—anong sabi mo? Sino?”
Hindi pinapansin ni Jao si Tomas. Hindi siya nito marinig na parang hindi na nakatapat sa tainga ang cellphone. Nakikipag-usap pa rin ito sa dumating na kliyente. 
“Jao?” ulit ni Tomas.
Napansin na siguro ni Jao ang tuloy-tuloy pa ring tawag. Narinig ni Tomas ang muling paglapat ng cellphone nito sa tainga. “Hello, kuya? Sorry, busy. May client na dumating. ‘Maya na lang. Bye.”
“Jao! Teka—”
*Click.* The call has ended.
Tama ba ang narinig niya? ‘Yung pangalan ng client ni Jao... Pero imposible.
“Kapangalan lang ‘yun, Tomas. Ano ka ba!” natawa siya sa sarili. “Praning. Ha! Ha! Ha!”
Ayaw niyang pansinin ang pangamba na marahang umuusbong sa sikmura niya.
Buong magdamag siyang hindi tinantanan ng kutob. Hindi man aminin ni Tomas, alam niya sa sarili niyang hindi na siya titigilan ng pakiramdam na ito simula ngayon.
“Gutom lang ‘yan,” kumbinsi niya sa sarili. Kaya sinimulan na lang niyang maghanda ng hapunan.
Halos ilang minuto nang nagpapaikut-ikot si Tomas sa higaan, hindi makatulog, nakikipagtalo sa sariling konsensya.
“Tsk! Kailangan ba talaga ‘yon???”
Oo. Kailangan niya talagang malaman kung sino nga si Mariya. At kung ito ba ang parehong babaeng hinahanap nung ilaw na naging lalaki.
“At kung hindi?”
Kung hindi, hindi niya masisiguro na tapos na, huli na, last niya na ‘yung encounter with The Golden Man with the Sword na nangyari kaninang umaga. Kailangan niyang masigurong wala talaga siya sa panganib. Na walang gustong tumumba sa kanya.
“I-make sure lang na ordinaryong tao lang ang kliyente ni Jao. Tama?”
Tama.
“Tapos, tapos na. Tama?”
Tapos, tapos na.
“Okay. Magiging okay din ang lahat, Tomas.”
Tama. Walang kailangang ipangamba. Tama naman...
“’Di ba?...” nag-aalalang tanong ni Tomas sa walang-imik na silid.
0 notes
babaengmadaldal · 4 years
Text
Tumblr media
Mga Kwentong Hindi Nasabi Habang Tayo Pa
Unang araw at gabi kitang nakilala, nahulog na sa'yong mga mata. Kumaway ako para ako'y iyong makita. Tinitigan kita kahit hindi mo ako tinitignan. Hinawakan ko ang iyong mga kamay na akala mo'y nanginginig sa kaba.
"Huy, late ka na a.", banggit ko. Tinitigan mo lang ako at nginitian. Nahulog muli sa'yong mga ngiti at sinabi sa sariling, "Shit, eto na yun. Mahal ko na nga talaga 'to." Corny man pakinggan pero alam kong umpisa palang, ikaw na hanggang dulo. Sasamahan kita hanggang makita natin ang walang hanggan. Marami na agad tumatakbong senaryo sa isipan habang ika'y tinitignan.
Pumunta tayo sa lugar na maaari tayong uminom at kumain, sa lugar na kita ang kalangitan. Akala ko nga sa araw na iyon ay uulan. Buti kasama kita at naging maganda ang kadiliman.
Nag-uusap lang tayo at nakikinig ng musika na tinutugtog at kinakanta ng mga mang-aawit at banda. Nilagay ko ang aking ulo sa'yong balikat at sinambit ang, "Mahal kita, JK." Ngunit, hindi ka sumagot. Nginitian mo lang ako dahil usapan kapag sinabi mo na ang mga salita, tayo na.
Dumadami na ang ating naiinom at lumalalim na ang gabi. Pagpatak ng oras bago maghatinggabi, hinalikan kita sa labi. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ko pero gusto ko malaman mong mahal kita.
Mas lalong kumabog ang dibdib dahil sumagot ka ng, "Mahal din kita." Tila, nabingi sa mga kumakanta, ingay sa paligid ay hindi na rin naririnig. Ikaw lang ang nakikita sa gabing iyon. Tila kamerang naka-focus sa'yo ang aking mga mata. Hindi mapigilang ngumiti dahil sa narinig. Tayo na. Sa araw na 'to ay tayo na.
Lumalalim na ang gabi. Lagpas alas-dose na at tila Cinderella na hinahabol ang oras dahil maaga pa aalis kinabukasan. Naglakad muna tayo sa daan dahil ayaw pa natin umuwi kahit madaling araw na. Tinitignan ang bituin dahil saksi sila sa pagmamahalan. Binaybay natin ang daan habang magkahawak ang daan.
"Totoo ba 'to?", sabi ko sa aking sarili.
Habang nasa ilalim ng mga bituin at buwan, hinalikan kitang muli. Paalam mahal. Magkikita pa tayo kinabukasan.
Maligayang dalawang taon, mahal. Ako na lamang ang magbibilang. Andito lang ako, mag-aantay sa pagbabalik mo. Mahal na mahal kita.
7 notes · View notes
gboyahoo · 4 years
Text
"Landas"
Aba teka! Parang gusto kong sumulat, pero walang pamagat. Ang kwentong ito ay hango sa isang tao, ay hindi.....(isa, dalawa...) dalawa. Dalawang tao pala. Ang kwentong ito ay hango sa dalawang taong nagkrus ang landas, at lumakad paatras. (Isang lalake at babae na walang pagkakahalintulad ang inyong masusubaybayan.)
Hello sa inyo! Ang pangalan ko nga pala ay Emilio, hindi ko na babangitin ang aking apelyido.
"Simulan natin ang storya ng lalaking hindi alam ang landas ng kanyang buhay. Isang lalaking naligaw ng pupuntahan, maligalig ang isipan at walang tamang paroroonan".
"Ako'y lubos na nalilito! Bakit nga ba ang bilis magbago ng isipan ko?! Panandalian lamang at iba na ang gusto ko? Ano ba talaga ang gusto ko?" Ika ni Emilio. Marahil, si Emilio ay tunay magmahal ngunit binabalewala ng karamihan. Mula pagkabata ay masiyahing tao na si Emilio, palatawa, palangiti, palabiro, at mapaglaro. Siya ay nagtapos ng elementarya at hayskul sa isang pribadong paaralan, sa Muntinlupa. At nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Computer Science sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Laguna. Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran ni Emilio sa paaralan dahil siya ay nagpapalit palit ng kurso bago nakapagtapos. "Ano ba 'tong ginagawa ko? Pinapaaral na lamang ako ngunit panay pangit na grado pa ang nakukuha ko." Hindi matalinong tao si Emilio ngunit masipag siya, handa siyang malaman at matutunan ang mga bagay bagay. Si Emilio ay mapaglaro sa mga babae, maharot kumbaga. Walang isang salita, mabilis mahulog, mabilis mabighani, mabilis magsabi ng nararamdaman. Maraming nahulog kay Emilio dahil sa kanyang matatamis na salita, ngunit walang nagtagal sa kanyang mga karelasyon, mabilis din itong iniiwan sa hindi malaman na dahilan. Taong 2017 ng magtapos ang binata ng pag-aaral, siya ay pumasok bilang isang Intern sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa. Disyembre 11, 2017 kaarawan ng Ama ni Emilio at kasalukuyang naka konfine sa ospital ang kanyang Nanay (Lola) dahil sa nakamamatay na sakit.
Emilio: Dito tayo kakain mamaya?
Ama: Oo, dito na ako magcecelebrate para kasama Nanay.
Emilio: Sige po, balik na lang ako mamaya pagkatapos ng trabaho.
Ama: Oo sige, wag kana masyadong magpalate ng punta dito at hahanapin ka ng nanay.
Emilio: Sige po.
Masayang pinag-usapan ng mag ama ang mangyayari sa kainan sa loob ng ospital. Lumisan na si Emilio upang bumalik sa Trabaho. Nang biglang nangyari ang hindi inaasahan ng lahat..................
"Dok! Dok!" sigaw ng isang nars sa ospital. Mabilis na nagtungo ang halos tatlong Doktor at tatlong nars sa kwarto namin. "Ready, Clear! Ready, Clear!". (Nay! Naaaaay! Gumising ka Nay!) Sigaw ng lahat.
Kinutuban ng masama si Emilio habang nasa trabaho. Tila bang, gusto niyang bumalik sa ospital para makita ang kanyang Nanay. Bumalik si Emilio sa ospital at napansing bukas ang pinto ng kwarto, maraming naka kulay puting uniporme at nasa labas naman ang kanyang Ama at mga Tiya.
Emilio: Bakit kayo nasa labas? (Masayang wika ni Emilio)
Tiya: Wala na ang Nanay. (Umiiyak na nagsalita)
Emilio: Anong wala na? Lilipat tayo ng kwarto?
Tiya: Wala na Nanay, patay na. (Umiiyak)
Emilio: Ha?! (Sabay takbo papasok ng kwarto)
Nakita ni Emilio ang kanyang pamilya na umiiyak. Hindi narin napigilan nito ang umiyak ng makitang walang buhay na nakahiga ang kanyang Nanay. "Nay! Birthday ni daddy, magkakainan pa po tayo mamaya". Hindi na agad nakabalik sa trabaho si Emilio dahil sa kanilang pinagdaraanan. Kitang kita sa mukha ng buong pamilya ang sakit at lungkot sa pagkawala ng isang napakabuting tao.
Emilio: "Calling......" Hello Polen, si Nanay. (Umiiyak)
Polen: Bakit? Anong nangyari? (Gulat na nagtanong)
Emilio: Wala na si Nanay, patay na. (Mas matinding pag iyak)
Polen: Hala?! Sorry sa masamang balita. Tatagan mo loob mo, pupunta kami mamaya ni Echo.
(Si Polen at Echo ay ang matatalik na kaibigan ni Emilio nung sila ay nasa kolehiyo)
Nakalabas na sa ospital sila Emilio, dinala narin sa polinarya ang kanyang Nanay para bihisan. Pag uwi sa kanilang bahay, sila ay nagkwentuhan tungkol sa nangyari. Wala ng bakas ng lungkot sa mukha ng bawat isa dahil alam nilang ayaw ng kanilang Nanay ng malungkot. Binuksan narin ng Ama ni Emilio ang mga regalong natanggap nito mula sa kanyang mga anak.....Oras na upang sila ay magtungo sa lugar na pagdarausan ng ilang gabing pamamahinga ng kanila Nanay. "Gusto ko doon tayo sa pinakamalaing kwarto. Gusto ko magandang maganda ang mga bulaklak ng Nanay, gusto ko maraming ilaw", ika ng isang tiya ni Emilio.
Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng pamamaalam nila Emilio sa kanilang Nanay. Maraming tao, lahat ng kamag-anak, mga mahal sa buhay, mga kaibigan, mga natulungan, mga kapit bahay, mga kasamahan. Napakaraming nakiramay dahil napakaraming nagmamahal sa Nanay ni Emilio. Umagos muli ang luha sa mga mata ng bawat isa, hindi mapigilan ang lungkot na nadarama. Matapos mamaalam ng buong pamilya, sila ay nagtungo sa isang mall sa Alabang upang kumain at magpalipas ng oras. Masaya nanamang nagkwentuhan ang buong pamilya, tila bang walang mabigat na pinagdaraanan. Marahil, alam ng lahat na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang Nanay, kapiling na nito ang lumikha. Panatag na ang loob ng lahat, dahil sa wakas, natapos na ang hirap na pinagdaraanan ng kanilang Nanay.
(June 11, 2018......ng matanggap sa trabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa si Emilio)
Hindi maipinta ang saya sa mukha ng binata, dahil sa wakas ay may trabaho na siya matapos ang mahabang pag aaply sa iba't ibang kompanya. Masaya ang binata sa kanyang trabaho, masaya siyang tumutulong sa mga tao. Maraming hirap na pinagdanan sa trabaho ngunit hindi ito sumuko. "Hindi ako pwedeng sumuko, babawi pa ako sa mga magulang ko". Nagpatuloy si Emilio sa kanyang trabaho hanggang sa nakilala niya ang isang babaeng nagngangalang, Cassie. Si Cassie ay isang dalaga at namasukang intern sa opisina nila Emilio, at hinangaan ito ni Emilio dahil sa anking ganda, talino, bait, at iba pa. Ngunit may ibang gusto ang dalaga kaya hindi ipinilit ni Emilio ang kanyang nararamdaman para dito. Nakakita ng iba si Emilio sa ibang departamento, at agad niya itong pinormahan. Pinormahan ng pinormahan hanggang sa malaman ni Emilio na hindi pala sila pareho ng relihiyon.
Babae: Anong relihiyon mo?
Emilio : Katoliko ako, ikaw ba?
Babae: Nako, patawad ngunit hindi ako maaaring magmahal ng isang katoliko, Kristiyano ako.
Hindi umayon kay Emilio ang gusto niyang relasyon, dahil pinatigil siya sa pag porma dahil sa magkaiba nilang relihiyon. "Ewan ko ba, hindi naman hadlang ang relihiyon sa pag-iibigan, pero iba ang pananaw niya" ika ni Emilio sa kanyang sarili. Hindi naging madali kay Emilio ang nangyari dahil ang kanyang puso ay nahirapan. "Talo nanaman, nakakasawa". Lumipas ang tatlong buwan at natapos na ang kontrata ng mga intern sa opisina nila Emilio, kabilang dito si Cassie.
Emilio: Cassie picture naman tayo, para lang sa ala-ala.
Cassie: Sige po sir, walang problema.
Emilio: Wag mo akong kakalimutan ah?
Cassie: Ala, OA naman. Syempre hindi.
Namaalam si Cassie kay Emilio ng masaya, ngunit malungkot naman si Emilio. "Ni hindi ko manlang nasabi kay Cassie na gusto ko siya", ika ni Emilio sa kanyang isipan. "Hay nako, makakahanap din ako ng para talaga sakin, yung hindi sapilitan". Naging magkaibigan sina Cassie at Emilio sa labas ng opisina, nadadalas ang pagkikita nila kasama ang mga barkada. Ngunit wala pading alam ang dalaga sa nararamdaman ng binata para sa kanya. Lumipas pa ang ilang buwan, at hindi na maitago ni Emilio ang nararamdaman. Nagparamdam na ito sa dalaga sa pamamagitan ng Chat, text at maging sa personal na kilos. Naguluhan ang dalaga at tila nailang. Dumidistansya ito kay Emilio, ngunit hindi nagpatalo si Emilio. Mas ipinakita ng binata ang kanyang magandang intensyon para sa dalaga.
April 26, 2019.....Magkakaroon ng konsert ang mga bandang Pilipino at niyaya ni Emilio na sumama si Cassie kasama ang mga barkada.
Emilio: Cassie, sama ka samin ah? Nood tayo konsert.
Cassie: Nako ayoko, hindi ako sanay sa maraming tao.
Emilio: Kasama naman ang barkada natin.
Cassie: Ayoko talaga.
Emilio: Sige na (nagmamakaawa)
Cassie: Sige pag-iisipan ko.
Emilio: Yes! Sige sige. (masayang masaya)
Dumating ang araw ng konsert at nakarating din si Cassie. "Hala, napakaganda niya talaga", ika ni Emilio sa sarili habang nakatitig kay Cassie.
Cassie: Ang daming tao, nakakahiya
Emilio: Ayos lang yan, samin ka lang dumikit lagi
Tugtog dito, tugtog doon. Kanta dito, kanta doon. Aliw na aliw si Emilio at ang mga barkada nito sa mga tumutugtog na banda. Habang tila hindi nagugustuhan ni Cassie ang nangyayari.
Emilio: Okay ka lang ba? Parang hindi ka masaya
Cassie: Okay lang ako, sige lang enjoy ka lang.
Nagpatuloy ang kantahan, sigawan, sayawan at talunan sa konsert. Masayang masaya si Emilio ngunit hindi parin nito mapigilan na mag-alala kay Cassie. Tumabi si Emilio kay Cassie habang nakaupo ito sa damuhan. "Oh, bakit? Pagod kana noh?" ika ni Cassie kay Emilio. "Hindi, eh hindi ka naman masaya eh." ika naman ng binata kay Cassie. Natapos ang konsert at mag-uuwian na ang mga tao. "Parang hindi siya natuwa, dapat pala hindi ko nalamang siya niyaya."
Emilio: Parang hindi ka naman natuwa.
Cassie: Natuwa ako, hindi lang halata.
Emilio: Talaga?
Cassie: Oo nga.
Emilio: Okay sige. HAHAHAHA!
Simula noon ay palagi ng niyayaya ni Emilio ang dalaga na lumabas ng silang dalawa lang. Masaya namang sumasama ang dalaga. Hanggang sa dumating ang araw na umamin na ng nararamdaman ang binata.
Emilio: Cassie, gusto kita matagal na.
Cassie: Seryoso ba?
Emilio: Oo, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito para umamin sayo.
Cassie: Wala akong masabi, pero ramdam ko naman dati pa. Hindi lang ako sigurado, ngayon sigurado na ako.
Naging mas komportable ang dalawa sa isa't-isa, wala ng hiya, bukas sa lahat ng klaseng kwentuhan, at nakakapagsabi na ng sikreto. Dumating ang araw ng kaarawan ni Cassie, at niregaluhan ito ni Emilio. "Isang camera? (masayang tanong)" ika ni Cassie kay Emilio. "Oo para makuhanan natin ang bawat sandaling magkasama tayo", ika ni Emilio. Dala dala ni Cassie ang camera kapag umaalis sila ni Emilio. Nagsimulang manligaw si Emilio kay Cassie, at hindi ito naging madali para sa binata. Dahil sa mga nakaraan ni Cassie kaya takot na ito na magtiwala muli. Ngunit pinakita ni Emilio ang kanyang malinis na intensyon para sa dalaga. Unti unti nitong nakuha ang loob ng dalaga. Nagkaroon ng tiwala si Cassie kay Emilio, isang tiwala na hindi niya pinagkaloob sa iba. Naging maganda ang samahan ng dalawa, walang bahid ng lungkot sa kanilang mga mata. "Ito na siguro yung pag-ibig na hinihintay ko" ika ni Emilio kay Cassie. Lumipas pa ang mga araw at buwan, at dumating ang gabi na hindi inaasahan ni Emilio. Habang sila ay nakatambay ni Cassie sa kanilang paboritong tambayan....
Emilio: Tayo na ba? (Seryosong tanong ng binata kay Cassie)
Cassie: (Matagal na nag isip) Oo
Emilio: Talaga? Walang biro? (Tarantang tanong)
Cassie: Oo nga.
Emilio: YES!!!! May girlfriend na kooooo!
Niyakap ng mahigpit ni Emilio si Cassie at hinalikan sa pisngi. "Thank you! I love you!" ika ni Emilio habang nakayakap kay Cassie. Isang hindi malilimutang sandali ang gabing 'yon para kay Emilio, napakasaya ng binata. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi, dahil sa wakas ay binigyan ito ng dalaga ng pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal at ang malinis na intensyon. Nagpatuloy ang pagmamahalan ng dalawa, dumating narin ang mga pag-aaway at pagtatampuhan. Naging sobrang negatibo sa pag-iisip ni Cassie, na tila bang si Emilio ay mawawala at iiwan siya palagi. Ngunit hindi sumuko si Emilio kahit na naubos na ang pasensya nito dahil sa sobrang negatibong pag-iisip ng dalaga. "Nangako ako na si Cassie na ang huli at siya na ang aking pakakasalan. Mamahalin ko siya kung sino siya, tatanggapin ko siya kung ano siya", ika ni Emilio sa sarili.
Nang dumating ang isang nakakamamatay at hindi inaasahang sakit, ito ay ang Covid-19. Isang sakit na nakakahawa sa pamamagitin ng laway na tumalsik sa isang bagay at nadikitan ng iba. Lahat ay natakot sa sakit na ito, kaya ipinatupad ng Presidente ng Pilipinas ang Lockdown at Quarantine sa buong bansa upang mapigilan ang pagdami ng mga taong apektado ng nasabing sakit. Totoong napakahirap ng Lockdown, dahil hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga tao kung wala itong mahalaga at katanggap tangap na rason. Lalo pang naging negatibo ang pag-iisip ni Cassie, dahilan upang mag-away sila ni Emilio.
Cassie: Hindi ko na kaya 'tong lockdown. Gusto ko ng lumabas.
Emilio: Hindi tayo pwedeng lumabas dahil delikado. Baka mahawa tayo.
Cassie: Bagot na bagot na 'ko dito sa bahay.
Emilio: Hindi mo ba naiintindihan na nakamamatay yung Covid-19? Hindi birong sakit yon.
Cassie: Pero gusto na kitang makita.
Emilio: Gusto nadin kitang makita, pero kailangan natin mag tiis pa.
At ipinaliwanag ni Emilio kay Cassie ng mabuti ang sitwasyon upang mapanatag ang pag-iisip nito. "Yayakapin kita ng mahigpit at hahalikan na marami kapag nagkita tayo pagkatapos ng lockdown" ika ni Emilio kay Cassie.
Hanggang ngayon ay lockdown padin ang buong Pilipinas, ngunit panatag na ang pag-iisip ni Cassie dahil sa tulong ni Emilio, hindi na ito negatibo mag-isip. Maraming salamat kay Emilio dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang kasintahan na si Cassie. At maraming salamat din kay Cassie dahil sa patuloy nitong pag-aalaga kay Emilio kahit sila ay hindi makapagsama. Patuloy ang pamumuhay ng dalawa bilang magkasintahan, masaya ng muli, nag mamahalan, at patuloy na magmamahalan hanggang sa walang hanggan.
Hanggang sa susunod na yugto ng dalawang taong walang pagkakahalintulad ngunit nag krus ang landas.
1 note · View note
erroreena · 4 years
Text
Tangi
Papa: Sino ba ‘yang lalaki na ‘yan? Pakilala mo nga sa amin.
Ako: Ipakikilala ko naman, eh. (Patlang.) Kung gusto rin niya ‘ko.
Nangilid na lang ang luha ko nang mga oras na ‘yun at sumirit ang katiyakan kung gaano ako kaseryoso sa ‘yo. Handa kitang ipakilala sa pinakamamahal kong mga magulang at amining ang bunso nilang lesbiyana ay nahulog sa iyo. 
Kapag tinatanong ako ng mga tao kung ano na ang sekswalidad ko matapos ang nakalipas na dalawang taong naglaro ako, alam ko naman ang sagot. Iba ang pagmamahal sa paglalaro. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Katangi-tangi ka. Marunong kang magmahal, wala kang bahid ng machisimo, mataas ang respeto mo sa kababaihan, palagi mong sinisigurado na kumportable ako sa sarili ko, at pinapaalala ang mga kalakasan ko. 
Huwag kang mag-alala at hindi ko naman inaasa ang kaligayahan ko sa ‘yo dahil kaya ko mag-isa. Hindi ko hinihiling na magustuhan mo ‘ko. Ang gusto ko lang ay panahon kasama ka. 
Sa alternate universe, magiging nobyo kita kahit ilang buwan lang. Parehas naman nating alam na lilisan ka rin, mag-uumpisa ng panibagong buhay sa ibang bansa pero sana kahit sandali lang magkaroon tayo ng pagkakataon. Kahit minsan, gusto kong kumapit sa kasalukuyan at lasapin ang bawat minuto nito. Pagod na akong balikan ang nakaraan para manghinayang at magsisi. Pagod na akong matakot sa kawalang katiyakan ng hinaharap.
Napanood ko ang IG story mo na nasa UP ka at inassume ko na nag-attend ka ng lantern parade kasama ang crush mo. Nasa table ako nun kasama sina Mama at Papa. Pakanta ko pang binanggit sa kanila na malamang ay kasama mo siya. Bigla na lang bumuhos ang luha ko. Niyakap ako ni Papa. Umiyak ako sa kanya. Saan nanggagaling ang mga luhang ‘to? Bakit ko kailangan maramdaman ‘to? Bakit ako nasasaktan? Mabuti pa si Papa, natanggap niya ang  mga luhang ‘to.  
Napagpasiyahan kong makipagkita sa best friend ko at magwalwal. Gusto lang talaga ilabas lahat. Sa kalagitnaan ng kwento ko, nakita ko ang manipis mong katawan, suot-suot ang maluwag na puting t-shirt, at nakapusod ang buhok  Alam kong ikaw ‘yun. Bahagya akong nangingig sa kilig at excitement. Siyempre kinalabit kita at kinausap saglit. Kung pwede ko lang sigawan muli ang uniberso para sabihing “Hoy, ano naman ang gusto mong iparating?” Kung tutuusin, hindi naman talaga malayo ang posibilidad na makita kita sa gabing ‘yun at maliit lang mundong ginagalawan natin. Umakyat ako sa maliit na events place na ‘yun. Karamihan sa mga attendees ay iisa ang hulma ng pormahan at hilig. Kung tutuusin, ang dami kong nakasalubong na pasok sa hulma ng type kong babae. Pero nanlabo lang ang aking paningin. Hindi pa rin sila ang nakikita ng mga mata ko dahil ikaw pa rin ang nasa isip ko. 
Sabi ko magmu-move on na ako. Move on bago amin. Pinagtatawanan ko na lang ang sarili kong kagagahan. 
Kaibigan: Bakit magmu-move ka na agad?
Ako: Wala naman akong choice. Wala namang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kaniya. 
Sa isang phone call natin, nagsabi ako ng “I love you” sa iyo habang nagpapaalam. Bukod sa nakasanayan kong sabihin ‘yun sa mga kaibigan ko sa pagtatapos ng pag-uusap, nais ko lang din alamin ang iyong isasagot. “Ingat,” ang naging tugon mo. 
Palagi kang magiging mahalaga sa akin kahit anong mangyari. 
2 notes · View notes
calabarzonlore · 4 years
Text
Alamat Ng Bulkang Taal
Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay. Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:
“Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa.”
“Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?”
“Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka,” sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.
“Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina.”
“Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina,” sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.
Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.
“Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!”
“Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na,” paamong wika ng Datu.
Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.
“Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo,” paliwanag ng Datu.
“Salamat ng marami po, Ama ko,” ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo.“
Ilang sandali pa ang lumipas. ” Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na,“ pakiusap ng Datu.
"Siya pong mangyayari Ama ko,” Sagot ng Prinsesa.
Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba’t ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.
Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.
Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.
Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.
Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. “Isang himala ito!’ laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?.”
Kaya’t ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa. Subali’t ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.
Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.
Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.
Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.
nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.
Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat. Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.
Source:  Alamat ng Bulkang Taal. (n.d.). Retrieved from https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/alamat-ng-bulkang-taal/
Tumblr media
0 notes
trickramirez · 6 years
Text
juichi-ji
Tumblr media
14.4338° N, 121.4113° E (JULY 31, 2017 / 11:00 PM)
please play “Autumn Leaves by Ed Sheeran”  and “New York by St. Vincent” while or after reading the poem
ITO AY ISANG KATHANG AKING NAISULAT APAT NA BUWAN NA ANG NAKAKALIPAS, NOONG MGA PANAHONG NATATANAW KO PA ANG PAG ASA, NOONG MGA PANAHONG MAY LINAW PA ANG LAHAT … NOONG MGA PANAHONG UMASA ANG PUSO NA PWEDE PA, NA PWEDE NA …
O, Pag-ibig,
Bakit tila isang sasakyan kang mabilis na pumasok sa akin?
Parang isang lindol na sa buong mundo ko’y yumanig,
Bakit pag-ibig?
Sabihin mo sa akin
Tila isang magandang tugtugin ang iyong hatid,
Labis banayad, sapat na upang ako’y mahimbing
At sa pagkakatulog ay may isang nilalang na dumating,
Dulot nya’y amihan na s’yang pumapawi sa lungkot at pighati
O, Pag-ibig,
Bakit ganito ang nadarama?
Walang karapatan, ngunit bakit ako’y nasasaktan?
Hindi ko s’ya pag-aari, ngunit bakit ramdam ng puso na sya’y sa akin?
Bakit tuwina’y ninanais madinig ang kanyang tinig?
O, Pag-ibig,
���Di ko batid
Ngunit ang alam ko lamang, sya’y aking tinatangi
Gaya kung gaano ka espesyal ang manga t’wing sasapit ang Mayo,
Gaya kung gaano kahalaga ang tamang anggulo sa bawat litrato,
At …
Gaya kung paanong tinangi noon ni Nora si Tirso
O, Pag-ibig,
Sadyang ika’y mapagbiro,
Hindi inaasahan ngunit bakit ganito?
Ako’y nahulog na ng todo
Nakakalito,
Ewan ko,
Nakakahilo,
Nakakakilig,
Siguro’y ito na nga … pag-ibig
Silakbo ng damdamin ay ‘di mapigilan
Kaya’t ako sana’y iyong pagbigyan –
Bumilang ng tatlo,
Pakinggan ang bulong ng iyong puso,
Pakinggan ang mga mumunting mensaheng binibigay nito
O, irog ko,
Nawa’y bigyang puwang si Santito
O, ikaw na bumabasa nito,
Nais kong sabihin na ang tulang ito ay nilikha lamang para sa iyo
Sana’y pagbigyan ang hiling,
Sa iyong puso nawa ako’y iyong papasukin
At sa gabing ito,
Aking sasambitin
Bilang sa huling pahina, ika’y nakarating …
“Maaari ba kitang ligawan?”
Oo, batid kong ‘di kagalingan pagdating sa agawan,
Pagkat ako’y isang manunulat lamang na tapat na nagmamahal
Sa isang nilalang na may pang-gitnang “Cunanan”
3 notes · View notes
tutorlife-blog · 5 years
Text
Makaligtaan ko kayang hindi mag-abang
Na magbukas ang pinto't magbigay daan?
Magkaro'n kaya ng espasyo't kalulugaran
Ang tago't tahimik kong nararamdaman?
Sapat ba ang pagtingin ko sa malayo?
Kung alam kong may isa pang tumatanaw sa'yo?
Sapat ba ang laro ng aking salita?
Kung batid kong ikaw ay bahagi na ng ibang katha?
Dapat ba akong mangahas na pangarapin ka?
Kung isang taon ka na niyang inaadhika?
Mag-isa man siya'y batid kong ikaw ang laman,
Ng kanyang mga panaginip,
Sa bawat gabing madilim.
Kaya mahal, paano kita mamahalin?
Kung alam kong mayroon pang mas karapat-dapat kaysa sa akin?
Paano kita mamahalin?
Kung ako'y baguhan lamang, at siya'y matagal nang nagli-lihim?
Dumaan ang isa, dalawa...apat na buwan,
Patuloy akong nahulog, nagmahal, nag-abang.
Habang patuloy din siya sa pagtanaw, sa paghintay na lumipas muli ang mga buwan.
At nag-desisyon akong humakbang.
Kahit maputikan, kahit masaktan.
Kahit na malubak ang daan,
O kahit walang kasiguraduhan,
Lalapit ako,
At hahabulin ka.
Dahil 'di tulad niya,
Hindi ako sanay maghintay.
Naningalang-pugad ako sa'yo habang siya'y nanatili sa kinalulugaran,
Palihim kang iniibig sa bawat pagtingin.
Sinuyo kita nang malapitan,
Habang siya'y pinaganganiban ka sa malayuan.
Sa uwian, palagi kitang hinahatid,
Habang ginagabayan ka naman ng kanyang panalangin.
Palagi kitang kasabay maging sa pagkain,
At palagi ka ring laman ng kanyang bawat hiling.
May galak ngunit may pangungulila ang iyong bawat pagtitig.
May init ang iyong mga palad ngunit may natatagong lamig.
Sa t'wing kausap ka'y naroon ang pagsinta,
Ngunit batid kong ang pag-ibig mo'y nasa kanya.
Gayunpaman,
Kakapit ako sinta.
Kahit alam kong mahapdi ang pagkapit sa manipis na sinulid,
At kahit alam kong ako'y may mas mabigat na kahati.
Ako ba ang mahal mo?
Alam kong hindi.
Dahil kahit ibinigay mo na sa akin ang matamis mong "oo",
Patuloy pa ring nag-aabang ang iyong puso.
Hindi ako sapat,
Ngunit ginawa ko ang lahat.
Kahit sa bawat paghawak ko sa iyong kamay
Ay nangangahulugan na malapit mo na akong bitawan.
Kahit sa tuwing pinapatong mo ang iyong ulo sa aking balikat
Ay nangangahulugang siya pa rin ang 'yong hinahanap-hanap.
Masakit malaman na ako ang iyong unan
At siya ang dahilan ng iyong pag-iyak.
Ako,
Ang iyong kumot,
Pero siya ang dahilan ng lamig.
Ako,
Ang araw na nagbibigay liwanag,
Pero siya ang iyong umaga.
Maaaring ako ang bituin na lagi mong tinitingala,
Ngunit kailanma'y 'di ko mapapantayan ang natatanging buwan.
Ako ang nagsilbing lunas,
Sa sugat ng inyong tahimik na pag-iibigan.
Kaya't ano pa ang silbi kung ikulong kita sa aking bisig?
Kung igapos kita sa labis na pag-ibig?
Kung hawakan ko ang dalawa mong kamay,
Kung hagkan kita nang gaano katagal,
O kahit sakupin ko pa ang iyong buong katawan--
Kung alam kong ang buong puso't kaluluwa mo'y
Sa kanya lamang nakalaan?
Ano pa ang silbi,
Kung sabihin mo nang paulit-ulit na "Mahal kita"
At tugunan ko nang mas matatamis pang mga salita,
Mahal--
Anong silbi ng aking tula?
Kung alam kong kahit kailan,
Hindi ko mapapantayan ang kwento ninyong dalawa?
0 notes
theyoungsagi-blog · 5 years
Text
The Tulip in a Bed of Roses
Ikaw ang Tulip sa isang Bed of Roses na aking natagpuan.
Isinulat ko tong liham na ito dahil gusto kong maalala at siguro, magpasalamat na rin sa’yo dahil sa sandaling panahon na nakilala kita ay binago mo ako. 
Naaalala ko pa ang unang beses na napansin kita. Nasa library tayo noon. Nakaupo ako ilang yapak ang layo sa’yo. Sa aking paglingon ay napatingin ka rin. Ika’y ngumiti sa akin. Nagtaka ako at napaisip ng “Sino ka? Kilala mo ba ako?”. Sa aking pag-alis sa aking pwesto ay bigla mo kong nilapitan at ika’y nakisuyo na iabot ang pera sa aking kaibigan. Nabigla ako noon dahil hindi pa kita nakausap ni minsan. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo. Pero sabi ko sa’yo, “sige”. 
Lumipas ang magdamag at di kita maalis sa isipan ko. Ang iyong ngiti at ganda ng iyong mga mata pero highit sa lahat, ang boses mo, tila ba inaakit ako. Nagtanong ako kung sino ka, at doon na nagsimula ang pagkakaroon ko ng interes sa’yo. Isang gabi habang nagprapractice ang banda, dumating ka. Nandoon ka at nanonood ka samin. Syempre, ginalingan ko. Masaya akong makasama ka kahit saglit lamang noong gabing iyon. Di ko mapigilang matuwa at mapaisip kung maaari bang may mamagitan sa ating dalawa. Ang hindi ko inaasahan ay ang mga susunod na pangyayari.
Kinabukasan,nakatanggap ako ng message galing sa’yo. May suggestion ka sa akin. Isang lumang kanta. Ang kantang Muli. Natuwa ako. SOBRA. Kahit kailan, wala pang taong gumawa nito maliban sa magulang ko. Parang may kakaiba. “Di kaya may pagtingin ka sa akin? Hindi siguro. Sino ba naman ako?” yan ang tumakbo sa aking isipan pagkatapos nun. Agad agad, binigyan kita ng kopya ng version ko ng kanta. Nagkakwentuhan tayo. Bahagyang nagkakilanlan. Unti unti na rin akong nahuhulog sa’yo. Ilang beses pa tayong nagkasama, nagkakwentuhan. Naging malapit ka sakin at ganun din naman ako sa’yo. Dumating ang gabi ng Akwe,isang gabi ng pagtitipon at kasiyahan para sa mga miyembro ng ating org. Habang ako’y nakaupo sa likod ng aking sasakyan, nakikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan, dumating ka at lumapit sakin. Nagulat ako nang bigla kang nagtanong kung pwede ka bang tumabi sa akin. Kahit mahirap umakyat at may kasikipan na ay tumabi ka sa akin. Di ko mapigilang kiligin at magtaka noong mga panahong yon. Sa ilalim ng mga bituwin sa gabing madalim, tayo’y magkatabi. Muntik na akong sumandal sa iyong balikat pero naisip ko na baka magtaka ang mga kaibigan natin kaya pinigil ko.
Lumipas ang mga araw, madalas pa rin tayong magkasalubong at magkausap. Higit sa lahat, di ko malilimutan ang pagpuna sa bagong gupit kong buhok. Alam mo bang puno ng pangungutya ang aking buhok mula pa noong bata ako dahil sa nipis ng mga hibla nito? Pero ikaw, iba ang reaksyon mo. Hinawakan mo ang buhok ko na para bang ika’y namamangha. Ilang beses mo tong ginawa at lalu akong nalito. “Gusto nga kaya niya talaga ako?” sabi ko sa sarili ko. Nang tanungin kita kung bakit, ang sagot mo lamang ay dahil sa ito’y malambot. Maliit na bagay. Pero di ko maiwasang kiligin.
Dumating ang isa sa mga pinakahihintay nating gabi. Ang gabi ng UP Lantern Parade. Pagdating ko dun ay hindi agad kita nakita. Nalungkot ako. Mukhang sayang ang pagmamadali ko. Pero habang kami’y naglalakad, nakita kita. Ika’y nakatayo sa isang tabi habang nakabalot sa’yo ang iyong scarf. Ang ganda mo at di ko alam kung anong sasabihin ko hanggang sa ikaw na mismo ang lumapit sakin. Magkasabay tayong naglakad sa ilalim ng ambon at malamig ng gabi kasabay ng mga kumukutitap at naggagandahang mga parol. Nang maikwento ko sa’yo na may avocado ice cream na nilalako sa paligid, nagningning ang yong mga mata at dahil dun ay naging desidido ako. Hindi pwedeng hindi kita maibili nito bago ka umuwi. Pero bigla kang umalis. Naglibot ka kasama ng iyong mga kaibigan. Sa mga pagkakataong may mga naglalako ng sorbetes sa tabi, ikaw naman ang wala. Nanghinayang ako. Sabi ko pa nun sa kaibigan ko “pagdating sa pang apat na tindero at wala pa rin siya, hindi talaga”. Pero saktong pagdating sa pang apat na karitela ay siya namang pagbalik mo sa tabi ko. Sa kasamaang palad ay wala ang sorbetero at pabalik na kayo sa bus para umuwi. Ilang minuto tayong naghintay pero wala talaga. Nang mag-aya ka na ay sumige na rin ako. Marahil ay hindi talaga. Pero nung sinabi mong gusto mong mag CR muna sa isang malapit na building ay nabuhayan ako ng loob dahil alam kong may nagtitinda malapit dun. Dali dali akong tumakbo papunta doon habang ika’y nasa loob ng building. Halos madapa ako sa pagmamadali. Nahulog pa ang payong ko. Pero walang kasing saya nung makita ko ang iyong ngiti nang iabot ko sa’yo ang ice cream na inaasam. Nagpasalamat ka sakin. Masaya tayong lahat habang hinatid namin kayo pabalik sa bus. Sa aming pag alis ay naisip ko na “Ito na ata ang simula”. Dun ako nagkamali.
Lumipas ang mga araw, ilang beses kong sinubukan na kausapin ka at makita ka rin pero, madalas ay pinuputol mo agad ang usapan at napupurnada ang mga tangka kong pagpunta sa kung saan maaari kitang makita. Hanggang sa heto, pasukan na ulit. Simula ng bagong semestre. Pero bakit sa simulang ito ay naging malamig ka naman sa akin. Lumayo ka. Dumistansya. Hindi na katulad ng dati. Di ko maintindihan.
Isa kang kakaibang bulaklak. Namumukod tangi. Binigyan mo ng liwanag ang mga araw ko. Pinasaya mo ko. Sa bawat pag udyok mo sakin ay nabuo ang loob ko. Dahil sa’yo ako ay nagbago. Dahil dun, salamat. Di ko malilimutan ang mga masasayang sandali natin. Simple pero rock. \m/ Di ko malilimutan ang hand sign na yan sa tuwing magkakasalubong tayo. Kakaiba ka talaga. Pero mukhang nagkamali ako ng akala. Marahil ay palakaibigan ka lang talaga at nang mapansin mong may pagtingin ako sa’yo, napili mong lumayo kaysa sabihin sakin na hindi pwede. Naiintindihan ko kung ganon ang lagay. May mga bagay talagang mas madaling gawin kaysa sabihin. Di ko alam kung saan tayo patungo sa mga huling buwan na tayo’y magkakasama. Kung may kapupuntahan man itong maganda, salamat sa Diyos. Kung pipiliin mong tuluyang lumayo ay ayos lang din. Sana bago maglayo ang mga landas natin ay masabi ko sayo ang lahat ng to, Vestine. 
0 notes
asdfghjklsadxx-blog · 5 years
Text
Paano nga ba nagsimula? nag kakilala tayo sa di inaasahang pag kakataon, isang gabing malamig at nag hahanap ng mag hahatid nakakatawa kung iisipin dahil nung una'y tinatanggihan ko pa ang iyong alok na " ihahatid na kita ". naalala ko pa, nung gabing yon hindi matanggal ang malapad na ngiti sa aking labi, hindi maintindihan ang nararamdaman kumakalabog ang puso sa bawat mensaheng natatanggap mula sayo, napakasarap isipin na ngayo'y hawak na kita. Ngunit sandali lang mamaya na tayo jan gusto ko munang mag kwento... Ilang beses tayong nag kikita, wala mang pera pinipilit parin para lang ika'y makita. di na baleng mag lakad sa kalagitnaan ng araw, ang mainit na kalsada at hangin, isang kilometro ang lalakarin, mag sasakripisyo upang masilayan ka at ang iyong mga ngiti na alam kong hindi naman ako ang dahilan. habang tumatagal lalo kitang nakikilala ng palihim lalo kong nakikita kung gano kalungkot ang iyong mga mata, kung pano haplusin ng boses mo ang puso ko habang ikaw ay umaawit hindi ko na namalayan nahulog na pala ako sayo ng biglaan. Bumilang ako ng isa hanggang sampu, pinag isipan kung itutuloy ko ba ito, nag pasya akong OO pero biglang gumuho ang mundo nung nalaman kong meron na pala, umiwas ako ginawa ko lahat ng paraan kasama na run ang pag alis ko ngunit bakit ganon? hinahanap kita, kinakamusta kita sa iba.. hanggang sa nalaman ko wala na, tapos na. Dun sumibol ang pagkakataon at tuwa sa puso ko ngunit tang ina, hindi mo ko gusto... Hanggang sa muli nag pasya ako na iiwasan na kita ayoko na, pero makulit ka mahal ko, ikaw na ang kusang lumapit at nag tapat ng damdamin mahal Tatlong buwan kitang hinintay, marami na tayong napagdaanang bagay, mahal natatakot ako NATATAKOT PARIN AKO na baka bigla isang araw GUMISING ULIT AKO NASA PILING KA NA ULIT NG IBANG TAO.
0 notes
trshacali-blog · 6 years
Text
Ang Pinakahuli
Hayaan mo akong isulat itong tula na para sa iyo..   Hayaan mo pa rin akong magsulat tungkol sa iyong mga mata, Na isa sa paborito kong kulay, Matapos ang mga araw na unti-unting nalilimutan, At mga larawan na hindi nawawala sa aking isipan   Hayaan mo pa rin akong magsulat tungkol sa iyong pagtawa, Na isa sa paborito kong tunog, Matapos ang mga araw na kay saya na unti-unting lumisan At napunta sa katahimikan   Hayaan mo pa rin akong magsulat tungkol sa iyong ngiti Na isa sa paborito kong guhit ng linya, Matapos ang mga araw na malamig at ang pangalan mo’y namumuhay Sa bawat tulang isinulat ko tungkol sa pag-ibig.   Hayaan mo pa rin akong magsulat tungkol sa iyo, Na isa sa pinaka paborito ko sa lahat, Matapos ang mga araw na pinangarap lamang kita, At ngayon…nagmimistulang pangarap lang pala.
         Heto na naman ako, nakatitig sa blankong papel. Hindi alam kung ano ang isusulat, hindi alam kung ano ang masasabi. “Pag-ibig na naman?” Sabi nila. Pero ano pa nga ba? Kaya magsisimula ako sa umpisa, sa araw na una kitang nakita.
Ikaw yung tipong joker sa classroom. Bata pa lang tayo, pinapasaya mo na ang ating mga kaklase. Ikaw yung tipong hindi nawawalan ng mga biro. Pero sa lahat ng mga biro mo sa ating mga kaklase, ni minsan hindi mo ako kinausap. Isang araw, sinabihan mo akong maganda. At dahil nakilala kita na mapagbiro, tumawa lamang ako. Unti-unti, naging malapit tayo sa isa’t isa. Ikaw ang kasunod ko sa bawat linya, ikaw ang palagi kong kasama sa recess, ikaw ang palagi kong nakakausap na lalaki. Hindi ko na namalayan ang oras kapag kausap kita, at dahil bata pa tayo noon, itinuring kitang isa sa pinaka malapit ko na kaibigan. Ikaw ang kaibigan na kasama ko sa aking mga kabaliwan, mga halakhak na umaalingawngaw sa bawat silid-aralan na nadadaanan, at kasama ko sa bawat pagkain ng street foods.
Tumblr media
Pero nagbago ang lahat nang lumipat ako sa isang unibersidad. Minsan na lamang tayo nagkakausap, minsan nga’y hindi.  Nagkaroon tayo ng iba’t ibang mga kaibigan, hanggang sa bawat pagkikita, ngiti at tango lamang ang naibibigay.
Dalawang taon ang nakalipas, may nakabangga ako sa hallway at nahulog ang aking mga gamit. Isang pamilyar na lalaki ang tumulong sa akin. Ikaw pala. Muntik ko ng hindi kita makilala. Dati, pareho lamang tayo ng height, ngayon, mas mataas ka na sa akin. Blanko ang iyong mukha, pero ngumiti ka at sinabing, “Okay ka lang?” Doon na tayo nagkausap ng matino, nagkamustahan, may maikling kuwentuhan at nagka-ilangan. Lumipat ka pala sa unibersidad na pinasukan ko, pero pagkatapos ng isang buwan sa bagong school year lang kita nakita. Ni hindi mo man lang ako sinabihan, pero masaya rin naman ako at nagkita tayo muli.
Ang daming nagbago, pero ang mapagbiro na personalidad mo ay nananatili pa rin. Natatandaan mo pa ba na palagi tayo’ng nalelate sa klase? Tanda ko pa na binulungan mo ‘ko ng “Hi, goodmorning” sa harap ni Ma’am habang nagpapapirma. Hindi kita pinansin dahil baka magalit si ma’am, pero hinintay mo ako sa labas at hinatid sa hagdan at ikaw naman ay pumunta sa library. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa nangyari. Pati yung sobrang pag-aalala mo nung naglindol, hindi mo ‘ko tinantanan kapag hindi ko sinasagot ang mga tawag mo. Inaamin ko na sa bawat oras na kausap kita, nahuhulog ako. At hindi ko iyon gusto dahil kaibigan tayo at alam kong kaibigan lang din tingin mo sa akin, kaya pinigilan ko ang aking sarili. Unti-unting bumalik ang pagkamalapit natin sa isa’t isa at sa puntong ito, nahulog na nga ako ng tuluyan. Tuwing nagbibiruan ang ating mga kaibigan tungkol sa atin, sinasakyan natin sila. Masaya na ako kahit biro lang.
Dumating ang panahon na may nakilala kang babae. Niligawan mo siya dahil gustong gusto mo siya, kumbaga “ideal girl.” At dahil kaibigan kita, sinuportahan kita. Kapag nalulungkot ka, ako ang nasa tabi mo. Kapag gusto mo ng karamay, ako ang nasa tabi mo. Kapag gusto mong mag stress-eating, nandyan pa rin ako, at hindi naman ako makakatanggi dahil libre mo. Kinalimutan ko ang pagtingin ko para sayo, dahil imposibleng maging tayo. May nakapagsabi nga na may hawig raw kami, pati personalidad at sa paraan ng pagtawa at pagsasalita. Pero binalewala ko iyon dahil para sa akin, hindi naman talaga at ayaw ko ring ikumpara ang aking sarili sa kaniya dahil magkaiba kami.
Tumblr media
Isang araw, nagkasakit ako, at umabsent ako ng halos dalawang linggo. Kinabahan na ako dahil maraming homeworks, projects at performance tasks ang dapat kong ipasa, nagkatambak-tambak ang mga gawain at hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Pero dumating ka, at tinulungan akong makapasa. Nasabi ko ba’ng magaling ka’ng magdrawing? Idol nga kita eh, at naging inspirasyon kita sa bawat drafting plates na naipasa ko. Kaya sobrang pasasalamat ko sa iyo dahil kung wala ka, sino ang tutulong sa akin?
Tumblr media
Gabi ng Graduation Ball natin, nilapitan mo ako at inayang sumayaw. Napaka gwapo mo sa iyong kulay dark blue na tuxedo, ang mga mapupungay mong mga mata at napakaamo mong ngiti. Sa gabing iyon, inamin ko sa sarili ko na ikaw pa pala. Na kahit ilang lalaki na ang sumubok na mapasagot ako, ikaw pa rin pala. Ilang minuto ang nakalipas, isinayaw ako ng aking kaklase, at ikaw, isinayaw mo siya.
Kahit ganun, hindi nagbago ang ating pinagsamahan. Malapit pa rin tayo sa isa’t isa. Minsan na lang tayo nagkakasama pero kapag kailangan mo ako, andito lang ako. Kahit ilang araw pa o linggo, hindi tayo nauubusan ng kuwento, kumbaga komportable na tayo sa isa’t isa sa simula pa lang, at ayaw ko’ng may magbago.
Naalala mo pa ba na kinuwento ko sa’yo na may nanliligaw sa akin? Ang saya mo para sa’kin, ang dami mo pa ngang tawa at sa wakas may nanliligaw na talaga sa akin. Hindi mo alam pero biro lang yon. Kaya sa puntong iyon, nakapagdesisyon ako na kung may darating man, tatanggapin ko at bibigyan ko ng chance ang sarili ko na maging masaya rin. Sa oras na iyon, nakilala ko si “S”. Naging magkaibigan kami at naging malapit rin.Hindi naman sya mahirap magustuhan, napaka-maalaga niya, maginoo, at higit sa lahat masaya ako sa kanya. Tuwing gabi, kinakantahan niya ako ng paborito ko’ng mga kanta. Para sa akin, siya ang “ideal boy” ko, pero hindi ko kayang maging malapit pa ng todo sa kanya. Dahil konti na lang, bibigay na ako at mahuhulog na naman ako. Kumbaga sa ingles, “He’s too good for me.” Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nakakalimutan yung nararamdaman ko sa’yo. Inakala ko na sa aking pagtataya sa kaniya, maaari ko’ng malimutan ang nararamdaman ko sa iyo. Gustong-gusto ko ng kalimutan ito dahil sabi ko nga, ayokong may magbago sa atin, kahit yung pagkakaibigan natin.
Pero mapaglaro ang tadhana…nagkamalabuan kayo. Heto na naman ako, sinasalo lahat ng luha mo, nakatuon lang lagi yung atensyon ko sa iyo, at nakalimutan ko na may “S” pa pa lang naghihintay sa’kin. Alam mo ba’ng ang lungkot-lungkot ko? Makita lang kita na malungkot, nag-iiba mood ko. Kaya kahit masakit, tiniis ko, kahit kasiyahan ko. Si “S”? Kahit gusto ko siya, pinili kita. Mali naman kasi na siya ang pipiliin ko kahit ikaw naman ang sinisigaw ng sistema ko. Mahirap nga’ng magmahal ng isang taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Kaya sa ganoon, ayokong masaktan rin siya. Sugal nga talaga ang pag-ibig no? Sorry lang ang nasabi ko at alam kong hindi madaling mawala ang sakit na dinala ko.
Tumblr media
Kahit marami pa’ng iba dyan na pwedeng dumating, hindi pa rin matutunan ng pusong to na limutin ka dahil patuloy ka pa rin nitong hinahanap. Kaya kahit sa pagtulong bilang kaibigan lang, magagawa ko’ng mapasaya kita kahit halos hindi ka na kumakain at iniisip ang sarili. Ganito ka pala masaktan.Ganito ka pala sobrang magalit. Nandito lang ako sa bawat oras na kailangan mo ako, alam mo yan pero minsan naiisip ko, ganito na lang ba palagi? Na sa bawat paggising ko, ikaw ang una ko’ng naiisip? Na sa bawat oras na mag-isa ko, nag-aalala ako sa’yo? Na sa pagtawag mo lang ng aking pangalan at humihingi ng tulong, magpapakatanga na naman ako?
 Isang araw, hindi ka nagparamdam. Ano ba ang problema? Isang araw mong ginulo ang isip ko. Yun pala, okay na pala kayo. Napakasaya mo’ng tingnan, at makita lang kitang masaya ay masaya na rin ako. Pero masaya nga ba ako? Kaya nakapagdesisyon ako na lumayo. Kahit sa ganitong paraan, malilimutan ko lahat ng sakit. Malilimutan ko ang nararamdaman ko sa’yo dahil kaibigan lang naman ako. Mahirap man para sa’kin pero titiisin ko na mapalayo sa’yo at sulyapan kang maging masaya. Matutuhan ko’ng magmahal at magsugal muli. Umukit ng malalim na sugat ang bawat beses na sinabi ko’ng “di na kita mahal.’’ Pero kakayanin ko dahil ikakasaya ko ito.  Pasensya na kung naging ganito man, hindi ko naman akalain na magiging ganito. Ang tanging alam ko lang ay ang magmahal at Makita kang masaya.
Tumblr media
Alam ko’ng may marami pa’ng iba dyan at bata pa tayo. Noong una pa lang, sana pinigilan ko dahil sa simula pa lang alam ko na kung ano ang kinahahantungan nito. Hindi ko na sana binigyan ng halaga ang bawat salitang binitiwan mo na kinagigiliwan ko. Kahit di mo ito alam, ayoko rin namang malaman mo, sana nga’y walang magbago. Sana napigilan ko… Huwag ka’ng mag-alala, okay lang ako.
Sa tulang ito ikaw ang nilalaman
Na ihahalintulad ko sa aking puso’t isipan
Ngunit ito na ang huling tula na isusulat ko para sa iyo
Sapagkat sa mga susunod na tulang isusulat ko
Hindi na ikaw ang magiging pamagat nito.
-PeculiArian
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Aspiring writer Tomas Francisco unwittingly finds himself in an extraordinary ordeal smack-dab in the middle of an out-of-this-world—literal!—love polygon. Pinagbintangan ba naman siya ng anak ng Sun God na sinulot ‘yung jowa nitong anak ng Moon God??? He needs help! At dapat extraordinary, God-level of help din! But now he crosses paths with the heir to the Death God’s throne, and he’s also looking for the missing Moon descendant!!
And to top it all off, mababalitaan niya pang he’s the reason why the princess is missing. He’s the Bakunawa’s present reincarnation! And he, too, has a destiny to fulfill sa wild goose chase na ito! Are they going to take each other out? On a date or with a gun, alin kaya ang mauuna????
Lintek, naguluhan din ako!
Starring silly goofy poet Tomas, forlorn lover pre-colonial King Taneo, and R-Ji as both a rockstar cool guy and neutral evil Deity of the Underworld.
Status: On-going
Author’s note: Okay. Eto. Ahm... Ik di pa tapos yung Dedz pero hear me out... hinahanap ko pa writing style ko okay hdjdjdj!!*@*# Naisip ko lang tong plot for shits and giggles so easier to create siya for me.
Anyway na-inspire lang ako ng Tomas brain rot ko to come up with the plot. Matatapos ko din lahat ng on-going fics ko padayon lang. Claiming it! 🤞
1: Umagang nasa langit pa ang araw
Mabagal ang buhay sa probinsya. Mahinang humahaplos ang malamig na hangin sa pisngi kapag ganito pa kaaga. Maingat pa sa balat ang tapik ng araw. Uyyy, tapik lang. Maya-mayang tanghali, sa katirikan niyan, maglalapot ka talaga na parang natutunaw na kandila. Maaga nang nag-umpisa ang trabaho sa bukid.
Pero hindi magsasaka si Tomas.
Ang umpisa ng umaga niya ay umagang nagmamasid mula sa veranda. Nakaupo siya sa pasimano. Hawak niya ang tasa ng kape. Nakatitig lang siya sa malawak nilang bakuran. Mugto ang mata niya. Walang-malay na napalamukos ng kumukunot na noo ang bente-singko anyos na binata. Nang maalalang binata pa rin siya ay lalong kumunot ang noo niyang lalo niyang nilamukos. Malalim ang kinuha niyang hininga. Tanginang ‘yan. Wala na ngang jowa, wala pang masulat, isip niya.
“Nangungulila na nga sa irog. May kakapusan pa man din sa tula.” Pinaglaruan niya ang mga letra sa isip. Iniba-iba ang porma. Binuo, pinatay, inilibing, tapos ay binuhay ulit. ‘Yan ang trip. Wala siyang maisip na magandang opening sa kwentong gusto niyang simulan, pero ni ayaw lumabas sa blankong Word document ng mga istorya. Kahit sa papel, hindi epektibo—kulang sa potency, ayon sa kanya, ‘yung mga letrang nag-aappear sa harap niya.
Ilang umaga na siyang ganito. Ilang gabi. Ilang madaling araw. Sa loob nitong nagdaang linggo. Ang huli niyang koleksyong nabuo, wala pa ring publisher na gustong kumana. ‘Yung koleksyong mas nauna pa doon, maganda ang naging run, lalo na nung nakaka-gig pa siya sa mga Open Mic nights at Spoken Word performances. Pero four years ago na ‘yun. At ngayon, gusto niya nang sumulat ng isang kompletong nobela. Isang ganap na libro.
“Saan ba ako huhugot ng plot?!” ungot ni Tomas.
Inum-om niya ang kape nang isang tunggaan. Nasamid, pero dahil sa pagkabugnot ay ininda niya na lang. Ibabalik na dapat niya sa kusina ang tasa pero may pumukaw sa kanyang atensyon. Sa langit, sa liwanag ng umaga, sa likod ng isang malaki at malusog na puting ulap, may kumislap. Mabilis lang, parang side mirror ng jeep na natamaan ng sinag ng araw. Pero malamang hindi side mirror ‘yun dahil una, wala siya sa highway at pangalawa, hindi naman bumabiyahe pa-himpapawid ang jeep. (#NoToJeepneyPhaseout! -author)
Sinipat niya ang layo. May kutob siyang kapag sinundan niya ang pinagmumulan ng ilaw, makakarating siya sa may bandang ilog. Malapit lang sa dati nilang tinatambayan noon ng mga pinsan niya nung bata pa sila. Sumilip siya sa loob ng bahay at tinanaw ang kusinang walang tao. Mag-isa na siya ngayon. Nilamon siya bigla ng kalakihan ng isang medium family-sized na bahay ngayong mag-isa na lang siya. Masyadong ganap ang mga puwang at espasyo. Na-miss niya bigla ang yumao niyang nanay. Isang linggo na rin pala ang nagdaan...
Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng lungkot, napukaw muli ng kakatwang liwanag ang atensyon niya. Kumislap na naman ito. At sa mangha niya, napansin niyang parang lumalaki ang kislap. Parang lumalapit.
“Sa ilog nga ‘yun.”
Wala nang pag-aatubili. Tinatawag talaga si Tomas ng sinag. Hindi na niya nga naihatid pa sa lababo ang tasa ng kape. Dali-dali siyang nagtungo at isinara ang gate. Tinahak ang mga bahayan hanggang sa makarating sa mga bukid. Lampas nito, ang highway na patungong bayan. Pero sa kaliwa ng daanan ang pakay niya, direktang palayo sa bayan, kundi papunta sa ilog.
7:23 AM ang nakasaad sa relo sa kaliwang pulsuhan ng kamay ni Tomas na nakasalag sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Sinipat niya ang asul na langit. Namataan niya ang malusog na ulap. Sapul sa retina si Tomas nang masaktuhan ang muling pagkindat ng dilaw na liwanag.
“Aray! Shet,” kinusot ni Tomas ang kanyang mata. “Curious lang naman ako, eh. May balak pang mambulag 'to.”
Sa isip niya, baka—teka, ano nga bang inaakala niyang pinagmumulan ng ganitong klase ng liwanag? Naisip niyang baka something flying—like drones, o ‘di kaya ay jet na may reflector. Baka kidlat... Pero habang hinahalungkat niya ang utak sa kung ano ang posibleng pagmulan ng liwanag, bigla na lang nahati ang malusog at maputing ulap sa gitna.
Gumagalaw ito kahit na walang hanging nagpapagalaw dito. Sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik ay para na ngang huminto ang oras. Tumigil ang mundo.
Napaigtad si Tomas. Pakiramdam niya ay parang may humihila sa kanya para lalong lumapit sa mismong kinatitirikan nitong nahating ulap. Pinilit niyang huwag magpadala sa pwersa.
Dahan-dahang iniluwa ng nahating ulap ang nagtatagong liwanag sa gitna nito. Parang...tao?
“Huh?!”
Is it a bird? Is it a plane?? Hindi—tao talaga siya! Kung hindi pa makumbinsi si Tomas sa bruskong porma ng katawan nitong mala-God of War, ang kutis-golden brown nitong balat na akala mo ay perpetually na naka-golden hour, at mahaba at itim nitong buhok na lumalarawan sa pang-Primetime King nitong mukha, ay ewan ko na lang!
“Hindi ko alam kung mai-insecure muna ako o matatakot eh! Bakit naman parang nagpakita yata sa’kin si Adonis?” reklamo ni Tomas sa sarili. Para ibsan ang kaba, bumaling siya sa lalaking mabilis nang papalapit nang papalapit sa kanya. Batak ang mga hita at binti nitong exposed sa suot na gintong bahag habang tumatakbo at gusto yata siyang i-running tackle attack. “Hindi ako si Richard Gomez, sir! Kamukha ko lang. Hindi ako ‘yung umagaw ng title mong Adonis ng ‘Pinas! Tsaka problematic ‘yun. ‘Wag mo nang alalahanin!”
Walang epek! Sa puntong ito, kumbinsido si Tomas na kung hindi siya nagha-hallucinate dahil sa puyat, ay baka mimumulto siya ng nanay niyang hindi niya naabutan sa huling gabi ng lamay nito bago ito ilibing.
“Ma naman! Akala ko ba napatawad mo na ako?” hinaing ni Tomas sa langit. “’Di ba napag-usapan na natin ‘to? Nasa barko pa 'ko nun, tumatawid pa ako ng dagat! Hindi ako naka-biyahe agad kasi may bagyo nga, ‘di ba? Tsaka, ‘di ba nung biglang kumalma ‘yung dagat, tsaka umaliwalas ‘yung langit, ‘di ba sign na ‘yun na napatawad mo na ‘ko? ‘Di ba, Ma? Walang buwan nung gabing ‘yun, tandang-tanda ko. Ma, nag-agree ka talaga sa’kin, pramis! Hindi ako nagsisinungaling!” Saglit na natahimik si Tomas. Bakas ang guilt sa bahagyang napangangang bibig. “Hindi na usually!” mabilis niyang disclaimer.
“Ikaw!”
Halos malulon ni Tomas ang Adam’s apple niya. Bukod sa kaba, dumagundong din kasi ang boses na parang kulog na natutong mag-Tagalog ang pinanggalingan ng salita.
"A-ako??" nauutal na tugon ni Tomas. Magkaharapan na sila ng ginintuang abs. Sa malayo ay mukhang higante ang anyo nito. Pero sa malapitan ay hindi na nagkakalayo ang height nila. Lumiit ba ‘to? O lumaki lang ako?
“Nasaan si Dayang Mariya?”
May gumuhit na lungkot sa likod ng matikas na mukha ng lalaki pagkasabi nito ng pangalan. Maria. Maria? Sino naman ‘yun?
“Sino ho?”
Sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang kilalang Maria. Baka short for something? Ewan. ‘Di siya sure.
"Mama ko ho ‘yung kausap ko, sir, hindi kayo. Baka nagkakamali lang po kayo—"
Isang kalunos-lunos at nagmamakaawang sentimetrong pagitan ang nagpatahimik sa bibig ni Tomas—ang pagitan ng hindi pa nawawakwak na leeg niya at ng dulo ng talim ng espada ng lalaki. Tila hinugot lang nito ang sandata sa hangin at nag-appear na lang ito bigla sa kanyang kamay. Maingat na nilunok ni Tomas ang, quite possibly, ay second to the last niyang hininga kung lalo niyang mainis ang kausap niya.
“Wala nga akong kilalang Maria!”
“Mariya,” giit ng lalaki.
“Mariya nga! ‘Yun nga sabi ko!”
“Wala ka namang binatbat. Hindi pa nga nalalapatan ng aking kampilan ang ‘yong leeg, nakaluhod ka na sa lupa,” padurang bitaw ng lalaki. “Anong ginawa mo kay Mariya? Saan mo siya dinala?!”
“Wala akong kilalang Mariya, okey!? Kaya pwede ba ilayo mo na ‘yang espeda mo. Tsaka kung papatayin mo ako ngayon, lalong wala kang mapapala dahil wala ka nang mapagtatanungan kung nasaan ‘yang Mariya mo!" Okay, white lie ‘yon. Dahil pwede namang maghanap ng ibang manoy dyan sa tabi itong si Prinsipe Abs kung, *sign of the cross*, papatayin niya si Tomas. Pero ‘yun na lang ang naisip niyang sabihin para iligtas ang sarili.
“’Di umamin ka rin! Ikaw nga ang kumuha sa kanya!”
Nagsasayaw na sila sa isang bilog ng nag-iiwasang leeg, at iba pang body parts, at dulo ng matalim na kampilan. Sa huling mga salitang binitawan ng kausap niya napahinto si Tomas. “Kumuha?”
Huminto rin sa pag-amba ng kanyang sandata ang lalaki, pero hindi nito inalis ang dulo nito sa mukha ni Tomas. “Nagsumamo ka sa Langit, bago mawala ang pinakamamahal kong si Mariya. Nakatakda kaming mag-isang-dibdib. Pero dahil sa mga tawag mo...” napahinto ang lalaki. Napaismid sa tila mahapding pakiramdam, dala siguro ng pait ng mga salitang namimintana sa mga labi nito. Dahan-dahan niyang pinalaya ang mga salitang iyon. “Iniwan niya ako sa seremonya. Hindi siya dumating.”
“Bro...” Natameme si Tomas. Ngayon, maging siya ay nararamdaman ang sakit sa puso na kasalukuyang pinagdadaanan nitong si Boy Borta. “Ayos ka lang?”
“Ikaw ang dahilan!” muli nitong iniamba ang patalim nang manumbalik ang galit kay Tomas. “Ikaw ang dahilan ng pagbaba ni Mariya dito! Ngayon, nasaan siya?! Ibalik mo sa’kin si Mariya!”
“Paano ko naman ibabalik sa’yo ang wala sa’kin?! Medyo ‘di ka nag-iisip eh,” pabalang na sagot ni Tomas. “Wala tayong mapapala kung puro ganito. At this point, hindi na rin ako natatakot sa kampilan mo na ‘yan. Puro ka naman amba.”
*Shwing!*
Akala ni Tomas, tinnitus lang. ‘Yun pala, hinati na ng matalim na espada ang hangin sa pagitan nito at ng kanyang mukha. May naramdamang parang kagat ng lamok si Tomas sa kanan niyang pisngi. Unti-unti itong humahapdi.
Hinawakan niya ito. Basa. Tinignan niya ang kamay niya. May dugo.
“JOKE LANG EH!”
Napaupo na lang si Tomas nang muli na namang iniangat ni Boy Galit ang hawak nito. “Okay, okay! Ganito na lang.”
May plano si Tomas. Una, kukumbinsihin niya ang lalaki na magtulungan na lang silang hanapin ang runaway bride. Pangalawa—wala nang pangalawa. Dahil ang totoo, sa oras na makawala siya sa dulo ng espada nitong si Boy Kampilan ay ipagbibigay-alam niya agad sa awtoridad na may nagwawalang lalaking humahabol sa kanya. Kalaboso ka agad, Boy Pantene. Kalbo ‘yang long hair mo.
Pero wala sa plano ni Tomas na hindi makikinig ang lalaki. At nakipag-unahan na ang sarili niyang mga paa upang ilayo siya sa kapahamakan.
Takbo, Tomas! Tumakbo ka hangga’t may lupa. Hindi niya na sinubukan pang lumingon. Basta, kumaripas lang siya ng takbo.
Sa likod niya, habang papalayo siya nang papalayo, nakatayo na lang ang lalaki na tumatanaw sa kanya. Maya-maya, bigla itong nawala.
Nawala ang lahat—ang ulap, ang lalaki, ang kampilang nabahiran na ng dugo ni Tomas. Nawala rin ang kislap ng umagang iyon. Tila kumulimlim ang paligid. Mistulang nawala ang araw sa gitna ng kalangitan.
0 notes
cooljoanners-blog · 6 years
Text
Babalik (Tula)
Sampu, sampung beses tayo nagkatagpo
Nagkita sa mga gabing hinahalikan ng malamig na hangin ang aking balat
Sampung beses naging masaya, dahil nakikita kita
  Siyam, siyam na mga halik
Halik na mas malambot pa sa unang dinadaluyan ng luha ko pag hindi tayo nagkakasundo
Ang mga halik na galing sa‘yo ang hinahanap-hanap ng puso kong ligaw
  Walo, walong mga matatamis mong bungisngis lang ang kinailangan ko para mahulog ako sa ‘yo
Mahulog sa bangin ng pag-ibig na ayokong  lisanin
Dahil kahit hulog na ako, ay alam kong gano’n din naman ang nararamdaman mo
  Pito, pitong oras na katabi kitang matulog
Buong gabi akong hindi makatulog dahil hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko
Tuwing katabi kita, kayakap sa malamig na gabing nagpahumaling sa magulo kong isip, pero
  Anim, anim na mga salita lang ang binitawan mo,
Pinangako ang mga katagang, “Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko.”
Ngunit hanggang pangako lang yata ang mga ito dahil
  Lima, limang buwan mo akong pinaikot ang basag kong puso sa mga mabubulaklak mong salita
At ako namang si tanga, napaniwala dahil sino ba ang hindi?
Limang buwan tayong puno ng ngiti at tawa, pero
  Apat, apat na hindi pagkakasunduan lang ang kinailangan natin
Para matapos ang lahat ng ating pinagsamahan,
Hindi ako makaalis sa bangin ng pagmamahal mo, nahulog ako kaya
  Tatlo, tatlong araw kitang iniyakan,
Alam kong pwede itong umabot ng tatlong buwan, taon, hindi ko alam
Ang alam ko lang ay umiiyak ako, dahil nasasaktan ako
  Dalawa, dalawa tayong magkaibigan, na nauwi sa pag-iibigan,
Sabay nahulog sa bangin ng pag-ibig, dalawang taong may pangarap para sa isa’t isa,
Put*ng*n*, ayokong lumisan, ang hirap lumayo pero
  Isa, nagbilang nanaman ako, pabalik sa umpisa kung saan ako nalang ulit mag-isa
Pero kakayanin kong magbilang pabalik sa sampu, pabalik sa taas ng bangin,
Nangangarap at umaasang magiging masaya kahit wala ka na sa akin, pangga.
0 notes
fahbylous217 · 6 years
Photo
Tumblr media
It's been more than a month simula ng nakilala kita. Nakilala kita as naisama lang din ni Sir Kim sa gala. Nakilala kita with other friends. December 1, 2017 - isang buwan na simula nung nakilala kita individually. I got the chance to know you more, we got the chance na magkasama tayo ng tayo lang at napagkwentuhan ang madaming bagay (family background, etc), uminom, tumawa, at nagkatanungan kung may bf/gf hanggang sa sinabihan mo ako na may bf ako ata ako tapos sabi ko wala at 2 yrs na akong single. Tapos bigla mong sinabi na "ako boyfriend mo". Simula nung gabing yun biglang nagbago mundo ko, nagbago pakiramdam ko. Nagbago kasi napangiti ako, at araw araw napapangiti ako. Ganun kabilis nahulog loob ko sayo. Siguro dahil nakita ko yung pagiging totoo mong tao, yung pagiging gentleman mo, yung sweetness mo. Hanggang sa parang gusto ko araw araw nakakausap kita (which is una palang alam kong malabo kasi sabi mo di ka mahilig magtext at kahit chat) pero pinush ko padin kasi para sakin ok lang. Basta makapag reply ka ng isa dalawa o tatlo ok na ako, masaya na ako. Ang saya saya ko everytime na nakikita kita. Kung gano kabilis nahulog loob ko sayo at nakampante ako sayo't nakaramdam ng comfort, ganun din pala kabilis na mawala yung saya ko. Hanggang ngayon tuloy punung-puno padin ako ng tanong. Hanggang ngayon ang dami ko pading bakit. Hanggang ngayon nagmamakaawa padin ako sa sagot mo sa lahat ng bakit ko. Sana kung gano ako kabilis nahulog sayo, ganun din kabilis maging ok ako. Hays. I miss you a lot and it's killing me. Salamat sa saglit. Hayaan mo nalang munang mahalin kita, mamiss kita. Para san pa't mapapagod din ako. #saglit #theonethatgotaway #movingon
0 notes
3babybelleclouds-27 · 6 years
Text
Yosi at Ikaw
Tirik ang araw nung nakita kita
Nandun sa tindahan nagyoyosi
Higop sabay buga
Di naiwasang tignan ang iyong labi
Ang labing dati ay akin
 Umiwas sa iyong tingin
Pero sa pangalawang pagkakataon
Sumulyap ako,
Sulyap na nagpaalala ng lahat,
Lahat ng sakit, tawa at
Lahat ng mali at tama,
 Habang ako’y lumakad palayo
Tinawag mo ako at ngumiti
At ako naming si tanga tumingin
Di sadyang mapatingin sa iyong mga mata
Tila para bang kumikislap
 “hindi” ang sabi sa sarili
Hindi ko ipapakita na nasasaktan ako
Hindi ko ipapakita na umaasa parin ako
At lalong hindi,
Hindi ko sasabihin na mahal parin kita.
 Limang taon ko na ring tinatanong ang sarili
“bakit nga ba mahal parin kita”
Sa wakas nalaman ko na ang sagot
Nakita sa iyong mga mata
Hindi ako nahulog sa itsura o intension mo
At lalo na sa mga bulaklakin mong salita.
Nahulog ako saiyong mga mata,
Mga matang dati ay ako lang ang hanap,
Ang dating asam
 Gabing nangako tayo sa buwan
Na tayo parin hanggang dulo
Pero tignan mo ngayon,
Ako nalang ang nagiisa
Andun kana sa dulo
 Mga luha kong papatak na
Tila pinaglaruan lang pala ng tadhana
Bumalik sa realidad
Oo nga pala nandito pa tayo
Sa ating kinakatayuan
“may yosi ka?” tanong mo
“meron pero last one ko na”
 Sana hindi ko na narinig
Mga salitang nakakadira pakinggan
“ganyan ka naman eh di parating ikaw”
Gusto kitang murahin, ibato ka sa kalawakan,
Gusto kitang sampalin nung oras na yon
Pero nilabas ko ang huling yosi ko
“eto, ang akin ay sayo din”
Sabay ngiti
“dating gawi?” sabi mo
Ngumiti ako dahil kahit papano di mo parin pala nakakalimutan
Ang dati nating gawi kung saan tatakas tayo papunta sa lugar
Kung saan tayo lang ang may alam
Pero ngumiti ako sa huling pagkakataon
Na naintindihan mo naman ang sagot
Naglakad papalayo,
Papalayo sa sakit
Papalayo sa alaala
Papalayo sayo
Masaya kana
At ako’y magiging masaya rin
0 notes
Text
iniisip ko paano ba tayo nag simula? ang alm ko lng napagod ako sa buhay ko. then bigla nlng nag chat ka sakin, "madaling araw na matulog kana" since sobra nmn tayu close . that chat of you start all the conversations and plans in our life. nag ka kulitan. kwentohan hanggang madaling araw sa mag kabilang linya. hanggang sa isang gabi ay sinabi mu nlng uli na gsto mu ay mgng tau ulit, since nahulog uli ang luob ko sau . nag risk ako kaht alm ko ang magging kapalit nito, hinding hindi ko pag sisisihan na nag risk ako, d nagng madali bago tayu ngng stable dalwang beses mu pa gsto bumitaw ksi ang hrap ng sitwasyon natn until un nag kita tayu sa batangas. ewan ko ba may mga plano tayu nuon manuod ng sine pero ayaw ko lumabas gsto ko kasama lng kita mag hapon. nag simula na ang mga plano natn sa buhay. ng hanap ako ng trabaho sa mnl para mag kasama na tayu duon . luckily natangap nmn ako agad . nag sama tayu sobrang saya bawat gabi ay puno ng saya bawat araw ay puno ng kulay. andami natng mga ngng pangarap mag kasama .ngng date sa luob ng ilang buwan surprises.. sana maulit ulit. pero ayun nga kapalit ng paggng smooth ng laht ay ang mga gabing nangangamba nako dhl paratng na ang kinatatakotan ko baka ksi malaman nila pag hwalayin tayu. pero d ako natinag tnapus ko ang kng anu man ang dapat tapusin at patuloy ako nakisama sau. pag kakamali ko lng ay nagalit ako sa sarili ko dahl minsan ay my mga guilt padn ako narramdaman . ikaw ung napag buntunan ko ng galit d ko alam kng bkit ako ngng ganun alm ko kng ganu kita kamahal alm ko kng gaanu mu ako kamahal pero bakit ko un gnawa sayo, laht ng efforts ay gnawa mu para saakin sundo hatid, laba luto pagkain linis trinato mu akong prinsesa. d ko alm kng bt kita sinagad ng ganun kng bkit kita inabuso sa sobrang bait mu. hanggang iniwan muko minsan hinabol kita pinuntahan kita sa alm kng pwede mung pntahan . napabalik kita . di pa ako nadala nag patuloy padn ako sa pagging maldita ko sau . patuloy ko padn gnagawa ang ayaw mu. ngaun october 11, umalis ka ng tuluyan .wala na akong alam kng san kita hahabulin ksi alam kng wala kanang ibang pupuntahan kundi ang umuwe sa inyu. sinubukan ko mag suicide ksi ayun lng ang alm kng paraan para maalis ang sakit na narramdaman ko pero d ako nag tagumpay. ginawa ko ang laht para macontact ka ulit. ung kaibgan mu ung nanay mu kinausap ko na sila . at buti nmn mabait ang mama mu para bgyan ako ng pagkakataong makausap ka. pero patuloy ang pag iwas mu wala na ko nagawa kundi puntahan ka sa inyu para lng makuha uli ang contact num mu at mag makaawa sayo tatlong beses akong lumuhod sa harapan mu pero galit ka talaga. bumalik ako sa mnl na ang dala ko lang ay number mu ang hrap d ako makakain hanggng sa d na kinaya ng katawan ko at nag colapse ako sa trabaho . pnu kita maiibalik? panu tayu maggng okay? sabhn mu nmn gngawa ko nmn lht para sau d ko na uulitin ulit ang mga un pls lng bumalik ka na nakita ko na laht ng gnawa mu hndi ko na un bbaliwalain ulit . mahal na mahal kita bumalik kana sakn baby ko
0 notes
lifeofyoben-blog · 7 years
Text
10 dahilan kung bakit kailangan na kitang isuko
10. SAMPUNG araw na akong balisa, halos mapabayaan ko na sarili ko sa lungkot. Ang hirap, halos nakalimutan ko na ang pakiramdam ng masaktan, at ang sakit sakit nga pala 9. SIYAM na beses akong nagtangka na magsabi Sayo ng aking nararamdaman, siyam na beses akong nagisip kung ako na ba ang dapat manligaw, pero sa siyam na beses na yun, naduduwag ako, kaya pinaramdam ko na lang. Hanggang sa nasabi ko na, pero mukhang huli na ang lahat 8. Halos WALONG buwan na tayo magkakilala, pero hanggang ngayon di mo pa rin makita ang tayong dalawa. Samantalang kayo, ilang linggo palang nagkakakilala pero nakapasok agad sya dyan sa puso mo. 7. Hindi ko alam kung marami pa pero PITONG lalaki na ang nabangit mo sakin na nakikipagkita ka, at sa totoo lang, masakit, pero di ko pinapakita, dahil ayokong isipin mo na sinasakal kita. Ayokong isang araw bigla mo na lang linawin na "anu ba tayo? Anu ba kita? 6. ANIM na beses akong nagising ng gabing yun. Sa bawat pagmulat ng aking mg mata, luha ang dumadaloy sa aking pisngi. Mahirap, sobrang hirap. Masakit, sobrang sakit. 5. Mahigit LIMANG beses kong pinagisipan kung may kabuluhan ba ang aking pinaglalaban. Ngunit sa bawat araw na dumadaan, lalo ko lang napapagtanto na masaya ka na sa piling nya, sino pa ba ako para kumontra. 4. APAT lang sa mga kaibigan ko ang nakausap ko hingil sa sitwasyon ko, at lahat sila, iisa ang sinsabi- bakit pa ako nagpapakatanga sa taong simula palang alam ko nang wala akong pag asa. 3. TATLONG lata ng alak sa magkakaibang gabi ang aking karamay sa kalungkutan. Minsan napapatanung ako sa sarili ko, "worth it pa ba ang magpakalango sa alak at iyakan ang isang taong ni minsan di naman naging sa'yo?" 2. DALAWANG beses mo na akong sinaktan. Una ay nung sinabi mo sakin na meron nang nagmamay ari sa puso mo. Oo matagl na kitang nagugustuhan, naramdaman ko to nung binalita mo sakin na may kasintahan ka na. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko nun. Alam kong may mali sa nararamdaman ko dahil bago pa lang tayong magkakilala nun, kaya pinagsawalang bahala ko na lang. Late ko nang narealize na yun na pala ang simula na mahalin kita. Ngayon may iba ka na namang nagugustuhan. Ang daya mo, hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na makita na nandito lang ako, naghihitay, naghihitay na mapansin mo 1. ISA lang naman ang gusto ko, ang may magmahal sakin. All this time, pinapakita ko sa mga tao na malakas ako, na kaya ko lahat ng pagsubok na darating sa akin ng mag isa, pero, at the end of the day, gusto ko rin na may isang taong magpaparamdam sakin na mahina ako, na nandyan lang sya sa likod ko at handang sumoporta. Oo may mga kaibigan ako, pero iba parin yung may katuwang ka sa lahat ng gagawin mo. In return mamahalin ko nang buong-buong kung sino man yung taong yun. Aalagan ko sya katulaad ng pag aalaga ko sa sarili ko. Akala ko ikaw yun, dahil sa yo ko nahanap lahat ng katangian na yun. Ikaw yung nakikita kong makakasama ko hanggang sa pag tanda ko. Pero mali ako, handa mong ibigay lahat ng pagmamahal na hinahanap ko, pero hindi sa akin. Handa kang sumugal, pero hindi sakin. Ang swerte nya. Ang swerte-swerte nya dahil binigyan mo sya ng pagkakataon. Dahil yung lalaking pinapangarap ko, sya ang pinili. Pareho kaming nahulog, pero sya yung sinalo mo. Masakit makita na yung taong inaakala mo na sasalo sayo ay may kargang iba habang masayng papalayo sa nakahandusay kong katawan. Pero kailangan kong maging masaya, pinili kong mahalin ka kaya kailangan ko rin piliin kung saan ka mas sasaya, at alam kong sa kanya yun. P.S. Sa ngayon, isusuko na kita, isusuko na kita dahil gusto ko masaya ka. Isusuko na kita, dahil alam kong mahal mo sya. Ngunit kung sakaling iwanan ka nya, pakiusap ko sa'yo, huwag kang babalik. Huwag kang babalik dahil malungkot ka. Wag kang babalik dahil kailangan mo nang panakip butas sa puso mong nabutas. Huwag kang babalik dahil alam mong mahal parin kita. Huwag kang babalik dahil mas masakit makita na yung taong mahal ko ay sinaktan ng iba. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. At kung maisipan mo man na piliin ako, pakiusap ko sayo, hilumin mo muna ang puso mo, at isipin mong mabuti kung ako ba talaga ang mahal mo.
0 notes