Tumgik
lakanamihan · 4 months
Text
Part 3
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
lakanamihan · 4 months
Text
Part 2
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
lakanamihan · 4 months
Text
Blackmouth chapter titles, part 1
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
lakanamihan · 4 months
Text
Tumblr media
Title: Zero Kills
0 notes
lakanamihan · 5 months
Text
Character list for my next fic, Nevergod.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
lakanamihan · 6 months
Text
Tumblr media
currently writing a seventeen fanfic on aff/ao3. i'm not gonna post the story here, since it's gonna be a bit long, (idk, i might post it as a long post in the future after i finish writing it), but anyway here's the summary:
Blackmouth
Howie (THE8) finds a clue that could lead him to recover his lost memories in the form of a sequence of letters and number: PZCY9. His chance at decoding this falls into his willingness to trust his coworkers at The Roundtable, who seem to be hiding secrets of their own.
check out the link to find more about the rest of the story! thankssss
1 note · View note
lakanamihan · 1 year
Text
Some general updates
I finally finished writing The Beauty Collector (na inabot ng 1 year bago ko nasimulan; while inabot naman ng 2 years bago finally matapos). It’s posted up on my WP and AO3 accounts.
Also, I’ve decided to republish DEDZ NA DEDZ as a socmed AU ulit. At sinusulat ko siya sa bago kong Twitter account: @/lakanamihan.
You can always find me on my personal blog, my AFF, AO3, and Twitter accounts. But also, meron din akong mina-manage na writers community on Twitter, TAGIMPAN Writers Community, na pwedeng sumali both fanfic and original fiction writers. May mga friendly activities dun na mainly friendly conversations about writing in general, at kung anu-ano pang mga topics that makes writing enjoyable for both writers and readers. Medyo IA pa ang community dahil konti pa lang ang members. Pero sana dumami na mga tao dun, para maging masaya ‘yung experience, at lumago pa lalo ang TAGIMPAN.
Currently working on finishing my latest fiction, Ang Gabing Nahulog Ang Buwan, which is both original and fanfic (kasi ginamit ko lang na portrayer ang ALAMAT members, but it’s still my original storyline. Honestly lahat naman ng fic na sinusulat ko, I only think of the idols as actors I would cast if ever na pelikula or series siya. Kaya laging OOC ang mga characters ko. Clout-chaser lang talaga ako LMAO).
Meron na akong isusulat right after kaya sana matapos ko siya nang maganda at maayos, ASAP. Naka-post na sa Twitter ‘yung description nitong bago kong isusulat, pero hindi ko pa pina-publish sa AFF at AO3 kasi hindi pwedeng mag-drafts sa AO3. Sabay ko kasing pino-post, like sa AGNAB, para hindi ako nalilito. It’s entitled YMT × 3.
‘Yun lang updates so far.
links:
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan: AFF, AO3
The Beauty Collector: Wattpad, AO3
DEDZ NA DEDZ: Twitter
YMT × 3: Twitter
TAGIMPAN Writers Community: Twitter, CuriousCat
My personal blog: @pamelasomething
My Twitter account: @/lakanamihan
1 note · View note
lakanamihan · 1 year
Text
Santa ng Kasalanan
Anne
Walang ulo ang bangkay ng kapatid ko nang inilibing ito, kaya iniukit na lang namin ang mukha niya sa nitso.
Itong puting marmol na ito ang naging himlayan niya walong taon na ang nakakaraan. Dito siya nagpahinga at namalagi simula noon. Naririnig ko pa rin sa aking tainga ang sarili kong mga iyak na parang ibang tao ang may gawa. Si Mary, tumatakbo papalayo sa akin; ang mga kamay kong nakabitin sa ere na nanggaling sa pagkakabitaw. Nararamdaman ko pa ang hapdi sa dibdib ko na parang bukas na sugat.
At higit sa lahat, ang sundang sa kanyang leeg.

Maagang pumasok si Mary dahil kasama siya sa mga mag-aasikaso para sa General Assembly ng bagong school year bilang miyembro ng SSC, kaya hindi niya kami kasabay pumasok ni Lilianne, ang bunso namin.
Sa aming tatlong magkakapatid, si Mary talaga ang pinaka-independent. May sariling mundo daw talaga ang mga panggitnang anak, kaya siguro ganun.
Hawak ko ang kamay ni Lillianne nang parahin ko ang tricycle. At kahit nakasakay na kami, hawak ko pa rin ang kamay niya. Paborito yata ako nitong batang ito at ayaw mahilaway sakin. Ilang taon din ang agwat namin magmula kay Mary. Ako, disi-otso, nasa huling taon na ng high school; si Mary na labinlimang taong gulang, at si Lilianne na edad sampu.
Hanggang makababa na kami, magkahawak-kamay pa rin kami ni Lilianne. Nakasalubong namin si Ms. Anderson at sinabihang bilisan na namin dahil malapit nang magsimula ang assembly, at nasa loob na raw si Mary kasama ng ibang SSC.
Karaniwang araw sa karaniwang umpisa ng taon. Iyon lang dapat ang mangyayari. Hindi ko alam pero nag-iba na pala ang ihip ng hangin sa paaralang ito.

Academia de Sta. Magdalena ang pangalan ng eskuwalahan namin. Isang sectarian school sa isang sectarian government. Pinapalakad ito ng mga miyembro ng samahan na kilala lang namin bilang Kalipunan. Mula sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno hanggang sa pinakamababang klase ng mamamayan, lahat iisa lang ang sinusunod na pamamalakad—ang pamamalakad ng Kalipunan.
Asul na palda at puting blouse ang kulay ng uniporme ng mga kakabaihan sa Academia. Sa mga kalalakihan, itim na pantalon at puting polo. Ang mga babae, maiikling hanggang babâ ng tainga ang haba ng buhok, sa mga lalaki, dapat ding maikli at malinis. Si Sta. Magdalena ang patron na sinasamba ng Kalipunan, ng mga mamayaman, ng mga magulang namin, at bilang ekstensyon, pati na rin naming mga estudyante.
Pagkatapos kaming kausapin ni Ms. Anderson ay dumiretso na kami sa covered court. Sinalubong ako ni Emma, ang classmate at best friend ko, morena at medyo maingay dahil mabilis ma-excite. Ang malaki niyang ngiti ang sumalubong sa amin.
"Anne! Halika, ni-reserve ko na yung upuan mo. Katabi ni TJ," sabay hila ni Emma sa kamay ko, dahilan para mahila ko rin ang kamay ni Lilianne.
"Tara, Lily, dun ka na rin umupo banda sa'min," dagdag niya pagkakita sa kapatid ko.
Sa upuan malapit sa exit kami pumwesto, katabi ko nga si TJ. Sabi nila may gusto daw sakin itong classmate namin na ito pero hindi ko naman maramdaman, kaya binabalewala ko na lang. Sila Emma lang ang natutuwa kapag tinutukso nila kami.
Maingay pa ang mga estudyante. Wala ang mga SSC. Napansin ko, sa paligid ng court, may mga taong nakahilera na nakatalukbong ng puting saklob ang mukha at ulo, nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon ang mga ito. Lahat sila lalaki.
Maya-maya ay may babaeng tumayo sa stage kung saan dapat magsasalita ang mga speakers sa araw na iyon. Nakasimpleng pambahay na damit siya, lumang sando at maong na shorts. Maikli ang buhok niya. May hawak siya sa kaliwang kamay na hindi masyadong kita kung nasaan kami, nakatago ito sa gilid niya. Ang kanang kamay, may hawak na sundang, duguan.
"Malapit na siyang magbalik!" pasigaw na kinuha niya ang atensyon namin. Parang malapad na kumot ang katahimikan na bumalot sa lahat nang bigla itong bumagsak sa amin. "Kaya magsisi na kayo bago pa mahuli ang lahat!
"Nagpakita siya sa akin! Oo! Ang Diyos na Makapangyarihan! Isinugo niya ako upang ipakalat ang mensaheng paparating na siya! Kaya magbago na kayo at lumayo sa mga tukso—ilayo niyo ang bawat isa mula sa kasinungalingan ng mga taong huwad at palalo!"
Kasabay ng mga katagang iyon ang paglahad niya ng hawak sa kabilang kamay—ulo ng lalaki, kulay ube na sa namuong na dugo.
Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko. Isa itong kaso ng spiritual psychosis. Habang lumulutang ang isip ko dahil sa mga nangyayari ay tuloy sa pagpapaliwanag ang babae.
Ulo ng doktor ang hawak niya. Doktor na palalo. Doktor na walang Diyos. Doktor na naniniwala sa siyensiya at kung anu-ano pa. Doktor na walang pinaniniwalaan.
"Ngayon, kailangan ko ng tulong niyo. Kailangan maligtas tayong lahat. At maliligtas tayo sa ating pananampalataya. Kailangan nating magkaisa..."
Masama ang kutob ko... Alam ko kung paano magpatakbo ang kalipunan. Hindi pa man niya sinasabi ay alam ko na ang hinihingi nila—isang alay mula sa amin.

Mary
Tumakbo si Mary papasok, malapit sa exit kung saan kami nakapwesto. Hawak niya ang anak niyang wala pang anim na buwan, at nang makita ako ay agad itong ibinigay sakin.
"Ate," maluha-luha siya habang ipinapasa sa akin ang anak. "Alam kong makasalanan ako. Patawarin mo ako sa lahat ng mga naging kasalanan ko. Huwag mong pababayaan ang anak ko."
Bumagal ang mundo kasabay ng pagbigat ng dibdib ko. Napuno ako ng takot. At lungkot. Nakita ko si Mary na pumunta kung nasaan ang babaeng may hawak ng sundang at ulo. Nakita ko kung paanong magmakaawa si Mary na siya na lang ang kunin, kung paano siya humingi ng tawad. Nakita ko kung paano nagsihiyawan at lundagan sa tuwa ang mga estudyanteng nailigtas ni Mary sa araw na iyon. Nakita kong itinaas ang sundang, puno ng natuyong dugo, para lang idikit sa leeg ni Mary. Matagal at nakakahindik kung paanong nilagare ang ulo ng kapatid ko mula sa katawan niya.
Hindi ko na naririnig ang hiyaw ko. Ang kapatid ko. Huwag ang kapatid ko. Bakit? Huwag ang kapatid ko...
Kulog na lang sa dibdib ko ang boses ko, hindi na tunog. Sa dagsa ng mga nagsisigawang kabataan, nandoon ako, yakap si Lilianne sa bewang ko, ang pamangkin ko sa aking dibdib, si Emma na nakayakap sa akin, pati si TJ, tuliro at bakas ang takot sa mga mata.
"Aalis ako." Gusto kong tumakbo at tumakas pero pinigilan ako ni TJ, at sabay turo sa mga nakapilang lalaking walang mukha sa gilid.
Hindi pwede.
Wala na akong nagawa kung hindi umiyak na lang. Tahimik na umagos ang luha ko, wala na ang mga sigaw. Humupa na rin ang selebrasyon. Umalis ang sugo ng Diyos, kasama ng kalipunan.

Ang mga mesiyas hindi batas. Sila ang mga tunay na alay na tupa. Sila ang mga isinasakripisyo ng Kalipunan. Isa lang siya sa mga ordinaryong babaeng ginamit na kasangkapan sa mga pagpatay.

Hindi na namin nabawi ang ulo ni Mary, dahil ginagamit itong pagpapatunay ng Kalipunan sa mga sakripisyong ginagawa nila. Ginawang tropeyo ang pagkakakilanlan ng kapatid ko, na hindi man lang nila mabigyan ng pangalan. Mga Ulo ng mga Makasalanan. Mga patunay na tinutubos ng Diyos ang mga hindi naniniwala.
Mabuting tao si Mary. Hindi niya dapat pagdusahan nang ganoon ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad. Anong parusa ang ipapataw sa tumubos sa buhay ng ina ng sanggol na walang gagabay at mag-aaruga?

Lily
Dumiretso na ako sa kulungan pagkagaling ko sa puntod ni Mary. Pagkatapos ng masalimuot na pagbalik sa nakaraan, kakaharapin ko naman ang mapait kong kasalukuyan.
Pagdating ko ay pinasadahan ako ni Hepe ng mga nakatakdang mangyari sa araw na iyon. Hapon ang oras kung kailan bibitayin si Lilianne, may ilang oras na lang ako para makausap siya.
Hindi ko alam pero halos mapuno ang isip ko ng amoy ng kalawang, malansang hangin ng mga selda, at mapanghusgang mga ilaw. Hindi ako pinayagang tumuloy sa selda ni Lilianne. Nakaupo lang siya sa bakal na upuan na nakakabit sa pader.
Labingwalong taong gulang na siya ngayon, gaya ng edad ko noong magsimula ang lahat ng ito. Pareho pa rin ng gupit niya noong mga estudyante pa rin kami. Hindi tulad kong humaba na nang humaba ang buhok hanggang sa bewang, minamarkahan ang bawat paglipas ng taon, ipinaaalala ang mga nawalang hindi na maibabalik pa.
Nakasuot si Lilianne ng mahabang puting damit, pinili niya ito at ipinakiusap na iyon ang ipasuot sa kanya sa araw na ito.
"Kamusta na, Doktora?"
"Lily, bakit? Nandun ka nung araw na 'yon. Nakita mong pinugutan nila si Mary. Bakit mo nagawang sumapi sa kanila?!"
"Hinayaan mo siyang mamatay!"
"Kung pinigilan ko siya, kayong dalawang bata ang mapapahamak!"
Hindi ko alam kung paano niya naisip na ang pagsali sa Kalipunan ang solusyon sa mga naging problema namin. Hindi ko alam kung paano niya naisip na makakahanap siya ng hustisya sa mismong mga taong nakikinabang sa kawalan nito.
"Nakinabang ka lang din. Iniligtas mo lang rin ang sarili mo sa pananahimik mo," sumbat ni Lilianne sa akin.
"Pero hindi ako pumatay ng tao, Lily."
Simula nang mamatay si Mary, nagkaroon ng kakaibang obsesyon sa kalipunan si Lilianne. Subsob ako sa pag-aaral sa kolehiyo at pag-aalaga sa pamangkin namin kaya hindi ko na siya masyadong naintindi. Lagi lang rin naman siyang hindi kumikibo. Inisip kong nagluluksa lang siya.
Pero nang ilang taon na ang lumipas, tuluyan nang lumayo ang loob namin sa isa't isa. Inisip ko na lang na tulad ko, sa pag-aaral na lang niya ipinapamanhid lahat ng sakit na hinding-hindi na mawawala pa.
Akala ko ganun lang. Pero isang araw, hindi na umuwi sa amin si Lilianne. Nalaman ko na lang na tuluyan na siyang sumali sa Kalipunan, at siya na ang pinabagong mesiyas ng mga ito. Hawak na niya ang sundang. Hawak na niya ang mga ulo. Ilang beses kaya niyang nadaanan ang ulo ni Mary? Ano kaya ang naramdaman niya nang makita niya itong muli makalipas ng ilang taon.
Sa mismong araw ng ika-labingwalang kaarawan niya ginanap ang unang pagtubos—ang una niyang pagpatay. Pagkatapos pa ng ikaapat na biktima bago siya hinuli ng mga awtoridad. Pakiramdam ko isa rin siya sa mga biktima. Walang ibang pangalang binitawan si Lilianne, wala siyang gustong isuko.
Pinili niyang saluhin lahat ng parusa.
"Ikaw ang uuwi, Lily. Hindi ko pwedeng dalhin ang bahay natin papunta sa'yo," giit ko. "Pero hindi ka umuwi. Kahit kailan hindi mo sinubukang bumalik. Wala akong magagawa kung ayaw mo na sa'min."
"Hindi mo ako iniligtas," sumbat ni Lilianne.
Kinuha ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang litrato ni Marianne, ang anak ni Mary. Pitong taong gulang na siya sa sa larawan, mahaba ang hanggang bewan na itim na buhok tulad ko.
Tumayo ako para umalis. Pero bago iyon, ay muli kong tinitigan ang kapatid ko, at namaalam sa kanya sa huling pagkakataon.
"Sana man lang naging masaya ka sa mga pinaggagawa mo. Sana masaya ka sa lahat ng mga kinuha mo, gaya ng pagkuha nila kay Mary mula sa atin. Sana nakaranas ka ng kapayapaan, dahil 'yan ang hindi na namin mararanasan dahil sa inyo."
"Sa kanya ka nagkasala, Lily. Sana naibigay sayo ng mga taong pinili mo ang hustisyang hindi niya mararanasan."
Iniwan ko ang kapatid ko sa seldang iyon. Hindi ko na balak masaksihan ang isa pang pagpatay sa isa ko pang kapatid.
Suko na ako. Kailangan ko pang bunuin ang mga natitirang araw ko sa mundo nang hindi nalalaman kung saan hahagilapin ang mga nawawalang tao, nawawalang koneksyon.
Hangga't hindi ko pa sila mahanap, hahayaan ko na munang lumipas ang mga susunod na araw.

Author's note: Napanaginipan ko to 😭 as in buong plot, pati yung pag-unfold ng story, pati mga dialogue. I felt a sense of hopelessness nung magising ako. Gusto ko i-try i-encapsulate yun kapag isinulat siya. I hope ganun nga yung naging effect.
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
Bumubula yung bibig ko sa ganito pleek picturan ko na lang utak ko
Tumblr media
95K notes · View notes
lakanamihan · 1 year
Text
A Series Of
Two. Papikit-pikit. Ayaw manatiling gising. Ang daming kailangang mangyari na hindi mabuo-buo. Inabandona na lang sa hiwaga. Nasa hinagap na lang ang lahat. Kung para sa akin ako nabubuhay, bakit kailangan ko pang mabuhay, kung pwede namang manatili na lang ako sa sarili ko?
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
May ngiti sa mga labi ko habang inaalala ko kung paano natin pinagsiksikan ang isa’t isa sa maliit kong payong.
Sakto ang buhos ng ulan sa bugso ng sarili kong damdamin, parang Habagat na nag-aalimpuyo. Alam ko namang hindi ko pa nararanasan ‘yung proverbial butterflies in your stomach, kahit noon pa. Bumabagsak lang ang puso ko sa ilalim ng tiyan ko at napipigil nang panandalian ang aking paghinga. Umaakyat ang dugo sa mukha ko at para akong sinikmuraan sa kaba. Brutal ang kilig, sa totoo lang.
Pero, pareho nito ang thrill na nararamdaman ko sa Wild River na ride sa amusement park. ‘Yung dahan-dahan kang dadalhin sa tuktok at bigla kang ihuhulog pababa—para kang lumilipad kahit saglit lang. At uulitin mo nang ilang beses para makabisado mo ‘yung pakiramdam.
May madalas sabihin sa mga ganito eh: ‘parang naiwan ‘yung kaluluwa ko sa tuktok!’ Siguro nga naiwan ang kaluluwa ko sa’yo.
Nababasâ na ang braso ko dahil sa pagtulo ng tubig galing sa payong mismo, dahil nga hindi tayo kasya. Ikaw na rin ang naghawak sa payong ko dahil tumitiklop ka na sa kakayuko sa tangkad mo.
“’Yan kasi, hindi nagdadala ng payong,” pang-aasar ko sa’yo.
Ngumiti ka sa’kin nu’n sabay sagot ng, “Sira eh.”
Nakakalunod ka. Para akong nahihilo sa pagkalutang nu’ng mga panahon na ‘yon. Gusto kong nandu’n lang tayo, magkatabi sa ilalim ng maliit kong payong na walang laban sa malakas na ulan.
Habang nakasapo sa sarili kong damdamin, hinayaan kong anurin ng daloy ng tubig-ulan ang isip ko. Hindi na ako nagulat nang sa’yo ito mapadpad.
Nararamdaman kita kahit hindi ako makatingin sa’yo. Hindi ko nga lang alam ang laman ng isip mo. Kinakain na ako ng kaba sa mga panahon na ‘yon. Pero napagtanto ko na, kung hahayaan kong lumipas ang pagkakataon na ito na wala akong ginawa, baka habang-buhay kong pagsisihan.
“Dean…”
Lumingon ka agad pagkabanggit ko sa pangalan mo. Tinaasan mo lang ako ng kilay, at humimig ng mahinang “Hmm?” bilang tugon. Sa lakas ng buhos ng ulan, hindi ko na rin narinig ‘yung tunog. Nakita ko na lang ang magkadikit mong mga labi at ang mga mata mong nakatuon na pala sa’kin.
Mas malakas ang kalabog ng dibdib ko kesa sa pagdadabog ng ulan sa kawawang nylon ng payong natin.
“Dean, I like you.”
At bumulusok na ako pababa. Naiwan ang kaluluwa sa tangwa ng ligtas na distansya sa pagitan nating dalawa. Nahulog ako kasama ng puso ko. Handa akong mabalian ng buto, handa akong tawanan mo o asarin at balewalain ang katotohanang inialay ko sa’yo nang sandaling ‘yon.
Basta, hindi ko pagsisisihan na hindi ko nasabi sa’yo ‘to. Kung anuman ang isasagot mo, tatanggapin ko nang bukal sa loob ko.
Umiwas ka na nu’n ng tingin. Hindi ko agad nalaman ang reaksyon mo dahil itinago mo ‘yun sa’kin. Dala ng kaba, at ng iba pang mga emosyon na nagbabadya, nangilid na nga ang luha ko. Hindi ako sanay na ganito ako tuwing kasama ka, dahil madalas tayong maglokohan lang at mag-asaran. Dahil komportable akong laging nakikipagtalo sa’yo, kasi nakakatuwa kang kadiskurso. Kung bibiguin mo ako, sana ngayon na.
Kahit ayaw kong biguin mo ako.
Malungkot ang mga mata mo nang tumingin ka ulit sa’kin. Parang may bumara sa lalamunan ko nu’n na sinlaki ng piso kaya napapigil ako ng hininga. Halos labinlimang segundo yata ang itinagal bago ako huminga ulit.
“Ano?” tanong mo sa’kin na parang hindi mo narinig nang maayos ang sinabi ko.
Ayoko nang ulitin, Dean. Bakit ba ang tigas ng ulo mo minsan?
Imbes na mamamatay na ako sa kaba, bigla akong napikon sa’yo. Gusto kitang sipain sa tuhod.
“Narinig mo naman eh. Niloloko pa ‘ko nito. Akala mo lagi akong nakikipag-biruan.” Tuloy-tuloy na lumabas sa bibig ko ang inis na naramdaman ko. Hindi na ako nakapag-preno.
“Uulitin mo lang eh,” malumanay mong sabi, may halo nang panunuyo. Naghalo na ang kaba, kilig, hiya, at yamot ko.
Unti-unti nang humihina ang ulan. Pwede nang mapiga ang manggas ng t-shirt kong naulanan rin.
“Gusto nga kita, sabi ko,” pag-uulit ko. Medyo nakakailang at para na naman akong tinutulak mula sa ibabaw ng bangin, pero nandyan ka na bilang audience. Walang kasiguraduhan kung sasaluhin mo ako o panonoorin lang na bumagsak sa lupa.
Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Nilalamon ako ng kahihiyan. Sinabi ko naman na gagawin ko ‘yun para hindi ko pagsisihan, ‘diba? Oh ayan. Pagtiisan.
“Parang tanga eh,” bulong ko. Kung sino ang tinutukoy ko sa’ting dalawa, hindi ko na alam.
“Gusto rin kita.”
Hindi na ako nakatingin sa'yo nu’n dahil sa inis ko sa'yo ilang segundo pa lang ang nakalipas. Pero narinig ko ang malambing mong tawa sa pagitan ng mga tatlong salitang ‘yun. Hindi ko na napigilan ang mga ngiti ko.
3 notes · View notes
lakanamihan · 1 year
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
2: Ang awit ng mga nagmumultong anino
Namimitig na ang mga binti ni Tomas kakatakbo. Magkasinghapdi na ang sugatang pisngi at pagod na mga biyas. Tinahak niya ang kabuuan ng ilog. Sa pagkakatanda niya ay tulay ang pinakamalapit na dulo na mararating niya sa sinundan niyang direksyon. Inasahan niya ang mas malawak na parte ng ilog at ang mga kapunuan sa paligid nito. Kaya hindi malinaw kung paano, pero imbes na mga puno ay natagpuan niya ang sarili na kaharap ang malawak na dalampasigan.
Samyo ng malamig na hangin at amoy ng alat sa tubig ang bumati sa kanyang pagdating. Dumidilim na rin. Agad? Hindi na inalintana ni Tomas ang oras. Inilibot niya ang mata. Inihatid siya nito sa batuhang hinahampas ng mga alon. Sa abot-tanaw ay nakatanghod ang buwan na marahang lumilitaw.
Ilang sandali pa ay nakatingala na si Tomas sa bilog na buwan. Hindi niya maalis ang tingin niya dito. Makalipas ang ilang segundo ay sumunod ang mga tunog.
Sa likod ng mga batuhan, maging sa lugar na kanyang pinanggalingan na ngayon ay kahabaan na ng mabuhanging aplaya na nababalot na ng dilim, at pati sa magkabilaang direksyon, may umaalunignig na ritmo. Tunog ng mahinang tambol ng dalawang metal na pinagpupukpok.
Naririnig ni Tomas ang agos ng dugo niya sa sariling tainga, sabay ng tibok ng kanyang puso. Lalong dumidilim ang paligid. Sumisikip ang espasyo sa isip niya.
Ang laki na ng buwan sa ulunan niya. Iniangat niya ang kaliwang kamay. Hindi gumagalaw ang mga kamay ng relo. Nakapako lang ang mga ito sa 12 na numero. Pero hindi lang iyan ang nakakapagtaka. Mas ikinagulat ni Tomas na tila nangangapal ang balat niya sa kamay. Parang may kaliskis o balat ng buwaya, magaspang at kulay itim na kumikintab kapag tumatama sa liwanag. Nagsihabaan din ang kanyang mga daliri at nakausli sa dulo nito ang matutulis na kuko.
Lumalakas ang ugong. Lalong lumalaki ang buwan sa puntong parang madadaganan na siya nito. At ngayon ay natuklasan niya ring hindi siya makapagsalita.
Ma? Sinubukan niya ang kanyang boses. Walang lumabas sa bibig niya.
Ma…
“Tumakas ka na, anak,” ani ng isang nakalimutang tinig. Malalim, pang-lalaki, pero hindi matandaan ni Tomas kung kanino iyon. 
Tumingala si Tomas sa madilim na gabi. Sa maliwanag na buwan. Pero ngayon ay nawala na ito. Sa dapat kinalalagyan niyon ay nakapwesto ang nag-iisang ulap. May aninong gumagalaw sa likod nito.
Tila nangungusap ang anino. 
“Huwag mo akong kukunin!”
Hindi maipaliwanag ni Tomas, pero sa puso niya, alam niyang sa likod ng ulap na iyon nanggagaling ang panibagong boses.
Iba na ang narinig niyang tinig. Babae. At mas takot na ito. Mas galit. Mas malayo ang loob kay Tomas.
Lumalakas na ang mga tunog. Nagwawala na ang ritmo. Papabilis nang papabilis, inuusig siya. Sa pumapaligid na kadiliman ng gabi, may mga nagkikislapang ilaw. Nang tinitigan itong mabuti ni Tomas, nalaman niyang mga pares ito ng mata. Marami sila.
Naramdaman niya ang panganib bago pa maubo ang salita at kahulugan nito sa kanyang isip. Hindi niya namamalayang tumatakbo na naman siya ulit.
“Ayun! Ang Bakunawa! Palayasin niyo ang halimaw! Palayasin niyo ang Bakunawa!” sigaw ng mas marami at halo-halong boses.
Huhulihin nila ako. Kapag nahuli nila ako, siguradong ikukulong nila ako. Ikukulong nila ako.
Parusa ang pagtakbo sa buhanginan. Pero kahit na ganun ay parang wala lang ito kay Tomas. Sa katunayan ay parang lalo siyang lumiksi. Gumaan ang mga hakbang niya na para siyang nakakalipad. Ang tubig ang pakay niya. Kung mga tao ang humahabol sa kanya, malamang ay hindi nila gugustuhing sundan siya sa malamig na dagat.
Tinatanaw pa rin ni Tomas ang mga humahabol sa likod niya kaya nakaligtaan niya ang nakaharang sa kanyang dinadaanan. Malabong pigura. Aakalain mong usok lang, pero may parte sa utak niya na pinaglalaruan ang imahe at ginagawa itong grupo ng mga lalaking may hawak na mga iba’t ibang uri ng sandata. May mga kamay na humawak sa kanya. May humihila sa kanya pababa.
Bumigay ang lupang kinatatayuan ni Tomas. Una ay naging malambot na putik, at pagkatapos ay tuluyang naging walang hanggang tubig. Patuloy ang paglubog niya sa ilalim ng dagat.
Dito ako nakakulong.
Nagdilim ang lahat.
Nalulunod si Tomas sa hangin nang magkamalay siya. Natagpuan niya ang sarili sa kwarto. Nakahiga siya sa kama. Naglalapot sa pawis. Bukas ang bintana kaya nakita niyang madilim na sa labas. Mabilis ang tibok ng puso niyang kinapa gamit ang kaliwang kamay. Napabaling na siya sa relo. “Ala-sais?”
Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang huling naaalala niya ay tumatakbo siya, tapos… tapos ang gulo-gulo na.
Dito ako nakakulong.
Napatigil siya sa mga salitang lumitaw sa isip niya. Nakakamangha ang pakiramdam, na may pagka-nakakabahala rin, dahil merong konteksto sa isip niya na hindi niya mapunto kung saan nagmula o ano ang tinutukoy, pero pakiramdam niya dito siya nakakulong, sa katawan na ito.
“Holy shit!” bulalas niya sa natuklasan. “Dito mismo ako nakakulong—sa buhay na ‘to! ‘Yun ‘yung ibig sabihin ng panaginip ko!”
Shet, ang lalim, isip niya. “Ang angas ng panaginip na ‘yun ah. In fairness.”
Nag-inat-inat si Tomas. Nang tuluyang bumalik sa wisyo ay napagtanto niyang nagugutom na siya. Kaya naman, bilang may sariling utak, nauna na naman ang mga paa niya sa paghatid sa kanya sa kusina.
Papalapit sa pinto ay nadaanan niya ang cabinet niyang may malaking salamin. Nakita niya ang natuyong sugat sa kanang pisngi.
Natagalan bago niya mapagtanto. Pero nang matauhan ay nanlaki ang mga mata niyang napatitig sa sariling repleksyon.
“Bwakanang-shet! Totoong nangyari ang lahat ng ‘yon?!”
Tarantang napakaripas si Tomas palabas ng bahay, diretso sa veranda, at doon niya nakumpirma ang hinala. Nandoon pa nga sa pasimano ang pinag-inuman niyang tasa ng kape kaninang umaga. Marahan ang paisa-isa niyang hakbang palapit dito. Nag-aagaw ang pagkalito at kagustuhang alamin ang misteryo ng araw na iyon sa utak niya. Nang makalapit ay hinawakan niya ang tasang kapihan.
Mayroon talagang nangyaring kakaiba kaninang umaga. Ah! Tama. Naalala niya. ‘Yung mahiwagang kumikislap na liwanag. Nasa likod iyon ng puting ulap. At siyempre...
“Si Boy Tagâ...” napasinghap si Tomas sa rebelasyon at walang-malay na napahawak sa sugatang pisngi.
Tulalang napaupo si Tomas sa upuan malapit sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala. O at least, hindi niya alam kung ano ang mga kulang na impormasyon na kailangan niya para maintindihan ang lahat ng ito.
Wala sa wisyong kinuha ni Tomas ang tasa at inihatid ito sa kusina. Nakatayo siya sa lababo nang marinig na tumunog ang cellphone niya mula sa kwarto. Agad niya itong pinuntahan.
Tunog ng alarm ang narinig niya. Sa notifications, nakasulat ang reminder na kailangan niyang magpadala ng bayad sa renta na pinaghahatian nila ng pinsan niyang si Jao sa kanilang condo unit sa Manila.
Mahigit sampung araw pa lang siya sa probinsya. Umuwi siya noong nakaraang linggo dahil nga inilibing ang Mama niya. Iniwan niyang mag-isa ang pinsan sa condo. Hindi niya pa sigurado noon kung makakabalik agad siya ng Manila. Wala nang tatao sa bahay nila dito. Medyo masakit din ang pinagdaanan niya nitong nakaraan kaya hindi siya nakapagdesisyon agad. Pero dahil sa mga nangyari nang umagang iyon, parang nakaramdam siya ng seguridad na may lugar siyang matatakasan.
Sa hindi maipaliwanag na kagustuhan ay tinawagan niya si Jao. Gusto niyang makarinig ng ibang boses bukod sa sarili niya. Naisip niya na baka binabaliw lang siya ng pag-iisa. 
Sumagot ang kanyang tinawagan.
“’Ya?”
“Jao.” Naramdaman ulit ni Tomas ang mga paa niya sa lupa. Parang totoo na siya ulit. “’Sa’n ka?”
“Sa shop, kuya. ‘Daming client kanina. Bakit?”
“’Daming nagpapatato?”
“Same-same. Bakit ka napatawag, ‘ya? Anong meron?”
“Uh, wala...ano,” nakalimutan ni Tomas ang sasabihin, bago niya ito masundan ng, “Ah, ‘yung renta. Babayaran ko na lang ‘pag nakarating na ‘ko.”
“Uuwi ka?”
“Oo, ‘tol. Ayaw mo ba?”
“Hindi, tange. Gusto naman. ‘Di ka nga lang medyo kawalan pero mapagtyatyagaan din.”
“Gago,” natawa si Tomas.
“Eme lang. Akala ko lang kasi, you know...”
“Okay na ‘ko, ‘tol. Salamat sa concern.”
“Sure ‘yan ah?”
“Oo, oo...” nakatiim ang mga ngipin siyang humigop ng hangin. “Ano lang kasi... Ano...”
“Ano?”
“Ano...”
“Ano? ‘Ya?? Sabog ka ba?”
“Hindi! Ano kasi...” nakipagpatintero siya sa option kung magsasabi ba o hindi. Sa huli, sinabi niya rin sa kanyang pinsan ang mga bumabagabag sa isip niya. “Minumulto yata ako dito.”
Tumawa si Jao sa kabilang linya.
“Angas! That’s new. Eh sa pagkakaalam ko hindi ka naman mukhang naniniwala sa multo.”
“Ano naman ang kaibahan ng hitsura ng naniniwala sa hindi? Tsk. Iba ‘to, Jao.” Kung posible lang marinig ang iling sa linya ng cellphone, narinig na sana ni Jao, kaso hindi. “’Pag uwi ko, makikita mo. Tinaga ‘yung pisngi ko eh.”
“...Ng multo?”
“’Di ka naniniwala ‘no?” may pagkaaburidong komento ni Tomas.
“Malamang! Paano ka naman matataga, eh technically wala nang physical form ang multo. ‘Di ba? Duh! Sigurado ka talaga, hindi ka sabog?”
“Basta, Jao. Pramis. May kakaiba talagang nangyayari dito.”
“Jao!” rinig ni Tomas. Malayo ang boses sa cellphone. Kilala niya ang boses. Si Alas, boss ni Jao at master tattoo artist sa pinagtatrabahuhan nitong shop. “May naghahanap sa’yo dito. Nagpa-book daw online.”
“Ay. Sige, sige,” sagot ni Jao. Mukhang nakaharap na agad at kinausap na ni Jao ‘yung client kaya na-preoccupy ito at hindi agad naibaba ang tawag. Hindi sinasasyang napa-chismis si Tomas sa usapan nila.
“Hi,” sabi ng boses ng babae. Malambing ito at tunog-masiyahin. Hindi pa nakikita ni Tomas ang mukha nito pero nai-imagine niya na ang potential... Pero pinilit niyang huwag magpadala sa kalikutan ng pala-desisyon niyang isip.
“Uy, hi!” masiglang bati ni Jao. “Mariya, right?”
Teka—ano?!
“Jao—anong sabi mo? Sino?”
Hindi pinapansin ni Jao si Tomas. Hindi siya nito marinig na parang hindi na nakatapat sa tainga ang cellphone. Nakikipag-usap pa rin ito sa dumating na kliyente. 
“Jao?” ulit ni Tomas.
Napansin na siguro ni Jao ang tuloy-tuloy pa ring tawag. Narinig ni Tomas ang muling paglapat ng cellphone nito sa tainga. “Hello, kuya? Sorry, busy. May client na dumating. ‘Maya na lang. Bye.”
“Jao! Teka—”
*Click.* The call has ended.
Tama ba ang narinig niya? ‘Yung pangalan ng client ni Jao... Pero imposible.
“Kapangalan lang ‘yun, Tomas. Ano ka ba!” natawa siya sa sarili. “Praning. Ha! Ha! Ha!”
Ayaw niyang pansinin ang pangamba na marahang umuusbong sa sikmura niya.
Buong magdamag siyang hindi tinantanan ng kutob. Hindi man aminin ni Tomas, alam niya sa sarili niyang hindi na siya titigilan ng pakiramdam na ito simula ngayon.
“Gutom lang ‘yan,” kumbinsi niya sa sarili. Kaya sinimulan na lang niyang maghanda ng hapunan.
Halos ilang minuto nang nagpapaikut-ikot si Tomas sa higaan, hindi makatulog, nakikipagtalo sa sariling konsensya.
“Tsk! Kailangan ba talaga ‘yon???”
Oo. Kailangan niya talagang malaman kung sino nga si Mariya. At kung ito ba ang parehong babaeng hinahanap nung ilaw na naging lalaki.
“At kung hindi?”
Kung hindi, hindi niya masisiguro na tapos na, huli na, last niya na ‘yung encounter with The Golden Man with the Sword na nangyari kaninang umaga. Kailangan niyang masigurong wala talaga siya sa panganib. Na walang gustong tumumba sa kanya.
“I-make sure lang na ordinaryong tao lang ang kliyente ni Jao. Tama?”
Tama.
“Tapos, tapos na. Tama?”
Tapos, tapos na.
“Okay. Magiging okay din ang lahat, Tomas.”
Tama. Walang kailangang ipangamba. Tama naman...
“’Di ba?...” nag-aalalang tanong ni Tomas sa walang-imik na silid.
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Aspiring writer Tomas Francisco unwittingly finds himself in an extraordinary ordeal smack-dab in the middle of an out-of-this-world—literal!—love polygon. Pinagbintangan ba naman siya ng anak ng Sun God na sinulot ‘yung jowa nitong anak ng Moon God??? He needs help! At dapat extraordinary, God-level of help din! But now he crosses paths with the heir to the Death God’s throne, and he’s also looking for the missing Moon descendant!!
And to top it all off, mababalitaan niya pang he’s the reason why the princess is missing. He’s the Bakunawa’s present reincarnation! And he, too, has a destiny to fulfill sa wild goose chase na ito! Are they going to take each other out? On a date or with a gun, alin kaya ang mauuna????
Lintek, naguluhan din ako!
Starring silly goofy poet Tomas, forlorn lover pre-colonial King Taneo, and R-Ji as both a rockstar cool guy and neutral evil Deity of the Underworld.
Status: On-going
Author’s note: Okay. Eto. Ahm... Ik di pa tapos yung Dedz pero hear me out... hinahanap ko pa writing style ko okay hdjdjdj!!*@*# Naisip ko lang tong plot for shits and giggles so easier to create siya for me.
Anyway na-inspire lang ako ng Tomas brain rot ko to come up with the plot. Matatapos ko din lahat ng on-going fics ko padayon lang. Claiming it! 🤞
1: Umagang nasa langit pa ang araw
Mabagal ang buhay sa probinsya. Mahinang humahaplos ang malamig na hangin sa pisngi kapag ganito pa kaaga. Maingat pa sa balat ang tapik ng araw. Uyyy, tapik lang. Maya-mayang tanghali, sa katirikan niyan, maglalapot ka talaga na parang natutunaw na kandila. Maaga nang nag-umpisa ang trabaho sa bukid.
Pero hindi magsasaka si Tomas.
Ang umpisa ng umaga niya ay umagang nagmamasid mula sa veranda. Nakaupo siya sa pasimano. Hawak niya ang tasa ng kape. Nakatitig lang siya sa malawak nilang bakuran. Mugto ang mata niya. Walang-malay na napalamukos ng kumukunot na noo ang bente-singko anyos na binata. Nang maalalang binata pa rin siya ay lalong kumunot ang noo niyang lalo niyang nilamukos. Malalim ang kinuha niyang hininga. Tanginang ‘yan. Wala na ngang jowa, wala pang masulat, isip niya.
“Nangungulila na nga sa irog. May kakapusan pa man din sa tula.” Pinaglaruan niya ang mga letra sa isip. Iniba-iba ang porma. Binuo, pinatay, inilibing, tapos ay binuhay ulit. ‘Yan ang trip. Wala siyang maisip na magandang opening sa kwentong gusto niyang simulan, pero ni ayaw lumabas sa blankong Word document ng mga istorya. Kahit sa papel, hindi epektibo—kulang sa potency, ayon sa kanya, ‘yung mga letrang nag-aappear sa harap niya.
Ilang umaga na siyang ganito. Ilang gabi. Ilang madaling araw. Sa loob nitong nagdaang linggo. Ang huli niyang koleksyong nabuo, wala pa ring publisher na gustong kumana. ‘Yung koleksyong mas nauna pa doon, maganda ang naging run, lalo na nung nakaka-gig pa siya sa mga Open Mic nights at Spoken Word performances. Pero four years ago na ‘yun. At ngayon, gusto niya nang sumulat ng isang kompletong nobela. Isang ganap na libro.
“Saan ba ako huhugot ng plot?!” ungot ni Tomas.
Inum-om niya ang kape nang isang tunggaan. Nasamid, pero dahil sa pagkabugnot ay ininda niya na lang. Ibabalik na dapat niya sa kusina ang tasa pero may pumukaw sa kanyang atensyon. Sa langit, sa liwanag ng umaga, sa likod ng isang malaki at malusog na puting ulap, may kumislap. Mabilis lang, parang side mirror ng jeep na natamaan ng sinag ng araw. Pero malamang hindi side mirror ‘yun dahil una, wala siya sa highway at pangalawa, hindi naman bumabiyahe pa-himpapawid ang jeep. (#NoToJeepneyPhaseout! -author)
Sinipat niya ang layo. May kutob siyang kapag sinundan niya ang pinagmumulan ng ilaw, makakarating siya sa may bandang ilog. Malapit lang sa dati nilang tinatambayan noon ng mga pinsan niya nung bata pa sila. Sumilip siya sa loob ng bahay at tinanaw ang kusinang walang tao. Mag-isa na siya ngayon. Nilamon siya bigla ng kalakihan ng isang medium family-sized na bahay ngayong mag-isa na lang siya. Masyadong ganap ang mga puwang at espasyo. Na-miss niya bigla ang yumao niyang nanay. Isang linggo na rin pala ang nagdaan...
Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng lungkot, napukaw muli ng kakatwang liwanag ang atensyon niya. Kumislap na naman ito. At sa mangha niya, napansin niyang parang lumalaki ang kislap. Parang lumalapit.
“Sa ilog nga ‘yun.”
Wala nang pag-aatubili. Tinatawag talaga si Tomas ng sinag. Hindi na niya nga naihatid pa sa lababo ang tasa ng kape. Dali-dali siyang nagtungo at isinara ang gate. Tinahak ang mga bahayan hanggang sa makarating sa mga bukid. Lampas nito, ang highway na patungong bayan. Pero sa kaliwa ng daanan ang pakay niya, direktang palayo sa bayan, kundi papunta sa ilog.
7:23 AM ang nakasaad sa relo sa kaliwang pulsuhan ng kamay ni Tomas na nakasalag sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Sinipat niya ang asul na langit. Namataan niya ang malusog na ulap. Sapul sa retina si Tomas nang masaktuhan ang muling pagkindat ng dilaw na liwanag.
“Aray! Shet,” kinusot ni Tomas ang kanyang mata. “Curious lang naman ako, eh. May balak pang mambulag 'to.”
Sa isip niya, baka—teka, ano nga bang inaakala niyang pinagmumulan ng ganitong klase ng liwanag? Naisip niyang baka something flying—like drones, o ‘di kaya ay jet na may reflector. Baka kidlat... Pero habang hinahalungkat niya ang utak sa kung ano ang posibleng pagmulan ng liwanag, bigla na lang nahati ang malusog at maputing ulap sa gitna.
Gumagalaw ito kahit na walang hanging nagpapagalaw dito. Sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang tahimik ay para na ngang huminto ang oras. Tumigil ang mundo.
Napaigtad si Tomas. Pakiramdam niya ay parang may humihila sa kanya para lalong lumapit sa mismong kinatitirikan nitong nahating ulap. Pinilit niyang huwag magpadala sa pwersa.
Dahan-dahang iniluwa ng nahating ulap ang nagtatagong liwanag sa gitna nito. Parang...tao?
“Huh?!”
Is it a bird? Is it a plane?? Hindi—tao talaga siya! Kung hindi pa makumbinsi si Tomas sa bruskong porma ng katawan nitong mala-God of War, ang kutis-golden brown nitong balat na akala mo ay perpetually na naka-golden hour, at mahaba at itim nitong buhok na lumalarawan sa pang-Primetime King nitong mukha, ay ewan ko na lang!
“Hindi ko alam kung mai-insecure muna ako o matatakot eh! Bakit naman parang nagpakita yata sa’kin si Adonis?” reklamo ni Tomas sa sarili. Para ibsan ang kaba, bumaling siya sa lalaking mabilis nang papalapit nang papalapit sa kanya. Batak ang mga hita at binti nitong exposed sa suot na gintong bahag habang tumatakbo at gusto yata siyang i-running tackle attack. “Hindi ako si Richard Gomez, sir! Kamukha ko lang. Hindi ako ‘yung umagaw ng title mong Adonis ng ‘Pinas! Tsaka problematic ‘yun. ‘Wag mo nang alalahanin!”
Walang epek! Sa puntong ito, kumbinsido si Tomas na kung hindi siya nagha-hallucinate dahil sa puyat, ay baka mimumulto siya ng nanay niyang hindi niya naabutan sa huling gabi ng lamay nito bago ito ilibing.
“Ma naman! Akala ko ba napatawad mo na ako?” hinaing ni Tomas sa langit. “’Di ba napag-usapan na natin ‘to? Nasa barko pa 'ko nun, tumatawid pa ako ng dagat! Hindi ako naka-biyahe agad kasi may bagyo nga, ‘di ba? Tsaka, ‘di ba nung biglang kumalma ‘yung dagat, tsaka umaliwalas ‘yung langit, ‘di ba sign na ‘yun na napatawad mo na ‘ko? ‘Di ba, Ma? Walang buwan nung gabing ‘yun, tandang-tanda ko. Ma, nag-agree ka talaga sa’kin, pramis! Hindi ako nagsisinungaling!” Saglit na natahimik si Tomas. Bakas ang guilt sa bahagyang napangangang bibig. “Hindi na usually!” mabilis niyang disclaimer.
“Ikaw!”
Halos malulon ni Tomas ang Adam’s apple niya. Bukod sa kaba, dumagundong din kasi ang boses na parang kulog na natutong mag-Tagalog ang pinanggalingan ng salita.
"A-ako??" nauutal na tugon ni Tomas. Magkaharapan na sila ng ginintuang abs. Sa malayo ay mukhang higante ang anyo nito. Pero sa malapitan ay hindi na nagkakalayo ang height nila. Lumiit ba ‘to? O lumaki lang ako?
“Nasaan si Dayang Mariya?”
May gumuhit na lungkot sa likod ng matikas na mukha ng lalaki pagkasabi nito ng pangalan. Maria. Maria? Sino naman ‘yun?
“Sino ho?”
Sa pagkakatanda naman niya ay wala siyang kilalang Maria. Baka short for something? Ewan. ‘Di siya sure.
"Mama ko ho ‘yung kausap ko, sir, hindi kayo. Baka nagkakamali lang po kayo—"
Isang kalunos-lunos at nagmamakaawang sentimetrong pagitan ang nagpatahimik sa bibig ni Tomas—ang pagitan ng hindi pa nawawakwak na leeg niya at ng dulo ng talim ng espada ng lalaki. Tila hinugot lang nito ang sandata sa hangin at nag-appear na lang ito bigla sa kanyang kamay. Maingat na nilunok ni Tomas ang, quite possibly, ay second to the last niyang hininga kung lalo niyang mainis ang kausap niya.
“Wala nga akong kilalang Maria!”
“Mariya,” giit ng lalaki.
“Mariya nga! ‘Yun nga sabi ko!”
“Wala ka namang binatbat. Hindi pa nga nalalapatan ng aking kampilan ang ‘yong leeg, nakaluhod ka na sa lupa,” padurang bitaw ng lalaki. “Anong ginawa mo kay Mariya? Saan mo siya dinala?!”
“Wala akong kilalang Mariya, okey!? Kaya pwede ba ilayo mo na ‘yang espeda mo. Tsaka kung papatayin mo ako ngayon, lalong wala kang mapapala dahil wala ka nang mapagtatanungan kung nasaan ‘yang Mariya mo!" Okay, white lie ‘yon. Dahil pwede namang maghanap ng ibang manoy dyan sa tabi itong si Prinsipe Abs kung, *sign of the cross*, papatayin niya si Tomas. Pero ‘yun na lang ang naisip niyang sabihin para iligtas ang sarili.
“’Di umamin ka rin! Ikaw nga ang kumuha sa kanya!”
Nagsasayaw na sila sa isang bilog ng nag-iiwasang leeg, at iba pang body parts, at dulo ng matalim na kampilan. Sa huling mga salitang binitawan ng kausap niya napahinto si Tomas. “Kumuha?”
Huminto rin sa pag-amba ng kanyang sandata ang lalaki, pero hindi nito inalis ang dulo nito sa mukha ni Tomas. “Nagsumamo ka sa Langit, bago mawala ang pinakamamahal kong si Mariya. Nakatakda kaming mag-isang-dibdib. Pero dahil sa mga tawag mo...” napahinto ang lalaki. Napaismid sa tila mahapding pakiramdam, dala siguro ng pait ng mga salitang namimintana sa mga labi nito. Dahan-dahan niyang pinalaya ang mga salitang iyon. “Iniwan niya ako sa seremonya. Hindi siya dumating.”
“Bro...” Natameme si Tomas. Ngayon, maging siya ay nararamdaman ang sakit sa puso na kasalukuyang pinagdadaanan nitong si Boy Borta. “Ayos ka lang?”
“Ikaw ang dahilan!” muli nitong iniamba ang patalim nang manumbalik ang galit kay Tomas. “Ikaw ang dahilan ng pagbaba ni Mariya dito! Ngayon, nasaan siya?! Ibalik mo sa’kin si Mariya!”
“Paano ko naman ibabalik sa’yo ang wala sa’kin?! Medyo ‘di ka nag-iisip eh,” pabalang na sagot ni Tomas. “Wala tayong mapapala kung puro ganito. At this point, hindi na rin ako natatakot sa kampilan mo na ‘yan. Puro ka naman amba.”
*Shwing!*
Akala ni Tomas, tinnitus lang. ‘Yun pala, hinati na ng matalim na espada ang hangin sa pagitan nito at ng kanyang mukha. May naramdamang parang kagat ng lamok si Tomas sa kanan niyang pisngi. Unti-unti itong humahapdi.
Hinawakan niya ito. Basa. Tinignan niya ang kamay niya. May dugo.
“JOKE LANG EH!”
Napaupo na lang si Tomas nang muli na namang iniangat ni Boy Galit ang hawak nito. “Okay, okay! Ganito na lang.”
May plano si Tomas. Una, kukumbinsihin niya ang lalaki na magtulungan na lang silang hanapin ang runaway bride. Pangalawa—wala nang pangalawa. Dahil ang totoo, sa oras na makawala siya sa dulo ng espada nitong si Boy Kampilan ay ipagbibigay-alam niya agad sa awtoridad na may nagwawalang lalaking humahabol sa kanya. Kalaboso ka agad, Boy Pantene. Kalbo ‘yang long hair mo.
Pero wala sa plano ni Tomas na hindi makikinig ang lalaki. At nakipag-unahan na ang sarili niyang mga paa upang ilayo siya sa kapahamakan.
Takbo, Tomas! Tumakbo ka hangga’t may lupa. Hindi niya na sinubukan pang lumingon. Basta, kumaripas lang siya ng takbo.
Sa likod niya, habang papalayo siya nang papalayo, nakatayo na lang ang lalaki na tumatanaw sa kanya. Maya-maya, bigla itong nawala.
Nawala ang lahat—ang ulap, ang lalaki, ang kampilang nabahiran na ng dugo ni Tomas. Nawala rin ang kislap ng umagang iyon. Tila kumulimlim ang paligid. Mistulang nawala ang araw sa gitna ng kalangitan.
0 notes
lakanamihan · 1 year
Text
A Series Of
One.
Makailang ulit niyang sinubukang umpisahan ang ikukwento niya. Pagkatipa ng ilang letrang walang patutungahan sa keyboard, muli na naman niyang binura ang nakasulat. Ang ending, blankong puting pahina. Huminga siya nang malalim. Iyon na lang yata ang kaya niyang gawin nitong mga nakaraan: huminga. Palagi niyang tanong sa loob ng nakalipas na limang taon, tama pa ba itong ginagawa ko?
1 note · View note
lakanamihan · 2 years
Text
In All Things Familiar
“Ganun talaga, Art,” I told him, wearing false confidence disguised in condescension. I looked over to where he was sitting next to me, my eyes cladded in the perfect armor of social cues and age-old lessons, to meet his—two infinite pools of self-pity and preemptive rejection. “We can only let ourselves experience the love we know.”
“Ha?” he blurted, a half-scoff escaping from his mouth. “What, like we accept the love we think we deserve, ganun?”
“See, even you had it memorized,” I pointed out.
“Nah,” he dismissed.
“That’s the thing.”
Tonight, he was so beautiful it made my chest physically hurt. A gust of wind disturbed his already tousled hair; the light coming from the inside of the resto generating a halo effect that casted a shadow over his facial features. I sat leveled with the mystery of our friendship, a great deal of distance away: half a meter away from his chair, and a setlist of masquerade music from his heart—just a few more songs before midnight. There I was, good ol’ Cinderella waiting for the clock to strike 12.
“You know how you’re afraid of what could go wrong, you risk the possibility of things being right?” I asked Art. He just stared. He held his gaze to my eyes, like he always did. But this was a game I mastered long ago. And I fixed my eyes at his left browbone as every feeling and every thought melted in the peripherals like soft butter on hot toast, the haze both saving me from overthinking and killing me as he became the focus of this still shot.
“I’m a coward,” he said as he broke eye contact. He looked down at his fingers fidgeting with his lit cigarette. The smoke rising up from the embers looked like the ghosts of all the prayers that found comfort in between his hands clasped together. When he said those words, it was as if truth took its own life and set itself free. Whatever free meant at the moment. Whatever felt like the closest thing to ‘not being where this was.’
“If you weren’t, you wouldn’t be here,” I said with a snicker and a head shake for dramatic effect. 
He mimicked my actions and added, “True,” to my statement.
The thing was, we’re both cowards. I just noticed my leg had been bouncing from the way I was tapping my foot on the floor. I clutched my hand over my knee, a conscious decision to be a willing participant in this game of ‘I didn’t know.’ The fact was, of course, I knew. I just didn’t want to admit that I was setting myself up for failure when I readily clicked on the play button.
I love him.
I conceded. I was throwing that towel like the shrug my shoulders absently did when I finally let those three words flash themselves into the forefront of my fucking mind like an obnoxious neon signage.
I love you, Art. You stupid asshole.
I shook my head and laughed a little as the thought sunk in.
“What?” Art asked.
“Wala,” I lied. “‘Yan kasi ang hirap ‘pag nafa-fall sa best friend eh.”
Oh, this tale as old as time, as told by that Disney song. 
“It’s not the same with you though, and you’re my best friend,” Art continued. “Life’s crazy.”
“I’m your best friend. You’re her best friend,” I pointed out. “It’s kinda different when you really look at it.”
Like I was the fall guy in this sequence, in this dynamic between you and I, Art, I wanted to say. Like you were doing the damages in my narrative as she was in yours.
“Duwag ako, Alice,” he stated, more as a fact than an opinion.
“Duwag na, tanga pa.” 
He chuckled bitterly. The ashes from his cigarette fell on his jeans. He had to dust them off before it registered in his head that his stick was almost out. He squished the hell out of that poor stub on the ashtray.
“To hell with that, mate. I don’t think I can ruin our friendship.”
“And that’s exactly what I said. We can only let ourselves experience the love we know.”
He locked eyes with me again, but this time I knew he was just looking for the sake of looking. He was distracting himself from his own thoughts, as if having me there beside him, all ready for him to look at, was like opening a window to let cool air in whenever it started to get suffocating inside his mind.
All I could see was breaking in his eyes, while he searched to find comfort in mine.
To find comfort in mine, I repeated in my head. “Sometimes we mistake comfort with choice. We think that hurting within the safety in all things familiar is better than the possibility of unhurt within risks.”
I looked at him like I was witnessing an entire apartment complex burn. The tenants jumping off great heights from the broken windows; children screaming; fire engulfing concrete as black smoke smudged the walls with ancient calligraphy. There was pain and anguish, and an uncanny sense of gratitude from the fact that I was at a safe distance from all of it, and that none of the things ruined were mine. 
Because he was not mine.
“What the hell are you talking about?” Art jeered, trying his best to make light of the situation.
He understood what I was saying, but not what I meant.
“You really don’t get it, huh? Tanga ka nga.”
Midnight was closing in on me. In a few moments, we would go our separate ways and head back home.
3 notes · View notes
lakanamihan · 2 years
Text
The Spaces You Left
currently playing: Para Sa Mga Ex | Zack Tabudlo
The spaces you left burned and tainted orange hues at the corner of my eyes, like exposed photographs. When I walked out of your life, I thought it’d take me years to get over you. Turned out, I’d have you around more than the times we spent when we were together.
And yes, I walked away. I wonder if there was as much of a difference in this narrative than the stories we’ve heard before.
I woke up today and spent hours staring at the white walls of my kitchen, looking at the placeholder between the fridge and the counter were you used to stand. I tried making an outline of your image there, and was amazed at how easily my mind filled it in with colors, textures, character, being. You were there in an instant.
That was the moment when I realized, there was no shame in admitting I had loved you. That I might still love you now, but in a different sense. It’s as if I had a love for you that only empty spaces understood.
I never thought I could love anyone this way.
The first time I met you, it was not a whirlwind, and there were no butterflies, but instead a slow flood, rising a millimeter per hour. I didn’t know where the leak had started, but when I decided it was you, I never went back.
It wasn’t always like that between Mondays and I. I saw you standing at the far-end of the vacant room in my heart, like a cameo role in a blockbuster film. You were there, you were just not of importance. Not until I gave you a name.
No—you gave me your name. I gave you the role of the love of my life, the star of the show. 
The very first time you said my name was a comedic gold. I didn’t hear you then. I thought I was forever going to wait for you to say it; that I had to pray for better luck in my next lifetime. But no, I got lucky in this one. And I was even luckier because my name wasn’t the only thing you called me.
“Baby,” you used to call me. And in this most common, overused term of endearment, I felt safe. I felt yours. This was my transition from the sole audience of this cheesy romantic movie to the one that caught your eyes as the sentimental music played in the background while everything went slow-motion.
I saw you again, this time by the words displayed on the laptop screen as I found myself unwittingly staring at it. Your name’s so easy to get used to that I foolishly made a fortress inside it. Now, to me, your name sounded akin to home and comfort.
Tom, whatever did we do to fall this hard and break into pieces?
I almost forgot that there was no breaking. All there was, was a silent thud, like a kitten had just knocked over the tv remote control from the coffee table onto the carpeted floor.
I walked into the room we used to share, and there you were again: on the bed, your head resting on the board, legs crossed with your laptop sitting on your thighs. You were so oblivious.
We used to share the same passion about having a family and building a life together. Maybe we got lost in the potential, that I failed to see we were like the opposite poles of the Earth, and in no way could we meet in the middle. You were there, and I was here. You wanted to soar; and I wanted to be safe.
“It’s going to have to take everything from us,” you said. “I want this to work out. I’m not stopping until this pays off.”
I used to root for you. Maybe I still do. I just don’t know if I want you to realize the fault of your ways first, because that would mean you’d have to fall a couple of flights back.
I told you, I couldn’t be there for you, not like that.
That was when I drew the line and left for good. You didn’t seem to notice. Maybe I wasn’t able to occupy as much space in your reality as you had in mine.
You know what the funny thing was in all of this? You used to say “I love you” more than I did. You always said it; I only did once, and it wasn’t even those three words. I told you, your eyes were the most beautiful pair of cages to have captured me.
This was when I’ve made yet another decision. I figured I had to live my life with your scent still tied to memories; and your voice still tugging at my heartstrings. I could live without you, but I would not deny the fact that at one point, I thought I couldn’t. And I could never let myself regret that.
I don’t think I could ever forget your voice. I could still easily pick yours out in each of your songs. And I don’t think I’d be able to wipe the image of your smiling face from my mind.
Whenever I remember you, I promise not to run away from the feelings it invokes in me. So that I may learn not to associate fear with them once I feel them again for someone else. I was able to make room for you between the spaces of my fingers. I could always make room for someone new.
Ours was a goodbye like no other. I never knew letting go would be easy. But I didn’t know I had to choose to keep letting go every day as much as one had to choose to keep loving.
The spaces you left still bore your afterimages, like mirage hovering over hot concrete. And each time I saw an image of you, I had to remind myself that those were simply an image of you.
You would never be here again, would you? Where I built my safe home, you constructed a runway. I hope you soar as high as your wings would let you.
2 notes · View notes
lakanamihan · 2 years
Text
Tumblr media
The Beauty Collector (Part 1)
published on 9th december, 2021
written in oral history format
possible trigger warnings:     death     blood     gore     violence     stalking     obsessive behavior     psychological themes, etc
Galo Ruiz III (Journalist): Meeting Jericho Sandoval for the first time is like walking into an empty slaughterhouse fridge. It's too damn cold; you feel your own vulnerability as you stand in that open space. And your heart sinks to the pit of your stomach as you remind yourself what that place is for.
Miggy Bonifacio (Journalist): Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung ano 'yung reason, ba't ako nag-agree sa interview na 'to. 'Yung mere act na pag-recall sa mga pangyayari, parang nararanasan ko all over again 'yung mga panahong 'yon. I just wish na, sa dulo ng interview na 'to, matapos na rin nang tuluyan kung ano 'yung mga dapat na manatili na lang sa nakaraan.
Echo Sandoval (Curator and Gallerist at Banua Art Gallery): What can I say? Art is self-expression. An extension of one's soul. Hindi ba ang pinagkaiba ng tao sa hayop ay meron tayong sense of reason? To limit art, all forms of it, is to limit the soul.
- - -
From Magiliw Daily News: Jericho Sandoval, the 30-year old millionaire owner-director of the infamous art museum Banua Art Gallery in Pasay has just been held in custody by the Philippine National Police due to his involvement in a series of disappearance cases within this year. As of now, there is still no official statement released by the authorities coming from Sandoval himself regarding these allegations.
Galo Ruiz III: Seeing my friend, my batchmate, in that state for the first time was heartbreaking. He was so pale. His trauma was so obvious in the way he looked at me. I wanted to know everything, wanted to ask him right then and there but I couldn't hurt him like that. He was clearly breaking apart. The moment he tried to speak, his own doubts broke his words down into mere mouth noises, into silence.
Miggy Bonifacio: Naaalala ko pa lahat ng nangyari. Sobrang vivid at detailed. Ayoko nung feeling na nararamdaman ko 'pag naiisip ko 'yung tatlong mala-impyernong araw na 'yon na inilagi ko sa mansyon niya.
Echo Sandoval: Let me get one thing straight. This is not about your friend. Huwag mo akong mamaliitin. Of course, you wouldn't understand. What am I expecting from a media person like you? Eh buhay ng iba ang bumubuhay sa'yo. You lot can't stay out of people's business if it's the last thing that'll save you.
- - -
From Brgy. Magiliw News (BMN) late night news report: Authorities have now officially confirmed all allegations regarding millionaire curator Jericho "Echo" Sandoval's kidnapping charges. Statements from his last victim--the only remaining survivor of his criminal acts have now been filed by police authorities. The victim's identity will remain undisclosed due to personal requests from the victim and their family members.
Echo Sandoval: It's like preparing meat. Ano bang nararamdaman mo when you make yourself some steak? Ikaw, how do you feel when you make that adobo or bulalo? Diba, wala?
Galo Ruiz III: I have to remind myself not to get personal. This is still work. But I can't help but think, really? Likening it to preparing food. How low can you get? But even that is out of the question.
Miggy Bonifacio: 'Yan talaga ang mahirap dyan. Sinabi ko na 'yan. There's no way to go about this nang hindi ka maaapektuhan. Kahit na sabihin mong professional ka. Kapag taong malapit na sa'yo 'yung involved--kapag ikaw mismo 'yung involved, mare-realize mong ang hirap pala kapag ikaw 'yung biktima. 'Yung mga ini-interview ko noon, subject matter sila sa paningin ko. Oo, may pakikitungo. Pero iba pa rin when you start to see the world through their eyes. Ang baba ng tingin mo sa sarili mo. Parang ikaw 'yung pinaka-nakakaawang tao sa mundo.
- - -
Miggy Bonifacio: Nagkita kami isang araw, around October. Umo-order ako ng kape non. 'Yung barista, nakatingin sa'kin habang sinasabi ko 'yung order ko. Nasa likod ko na pala siya non. Hindi siya kataasan, mga hanggang baba lang ng tenga ko. Nag-hi siya sa'kin, eh masama ang timpla ko nun dahil hindi na naman na-approve 'yung pinitch kong scoop. Dahil nung mga panahong 'yun, naghahanap ako ng bagong scoop, bagong story na posibleng mag-end up sa primetime news. Anything. Siguro nga we should be careful about the things we wish for.
From Magiliw Daily News: The morning of May 8th has been robbed of peace and quiet for the residents of L'Alamat Village as locals have found a dead body by a secluded area within the gated community. Forensic specialists have identified the victim to be a woman, around age 26 to 30 years old. However due to severe mutilation, and the decapitation of the head, personal information about the victim will take a while to confirm according to local police.
From BMN late night news: Breaking news. Ngayong gabi ay may natagpuan na namang bangkay sa loob ng L'Alamat Village, malapit sa lokasyon kung saan din natagpuan ang biktimang kinilalang si Ara Magno dalawang buwan na ang nakalilipas. Binulabog ng malakas na sigaw ng isang ginang ang komunidad, na umano ay naglalakad pauwi nang makita sa gilid ng isang bakanteng lote ang hubo't hubad na bangkay ng isang babae. Ayon sa ulat, tulad ng nagdaang biktima, wala ring ulo ang bangkay ng katawan na natagpuan.
- - -
Miggy Bonifacio: Ano bang ginawa kong mali para maranasan ko 'to? Sabihin mo nga sa'kin. Ano bang nagawa kong mali?
Galo Ruiz III: There are a few trustworthy sources I could find about Jericho Sandoval's identity. One, he's the only child and heir to the owner of the million-peso shipping company, Sandoval Co. Growing up, he was a rather taciturn kid, and kept to himself a lot. As a child, he did not like to participate in any activities kids his age would usually enjoy. By the time he was a teenager, he grew even quieter, that made him an easy target for bullying. At fifteen, he was clinically evaluated by a psychiatrist and has been treated for his diagnoses* ever since.
Miggy Bonifacio: Naging classmate ko pala siya noon, kaya niya ako kilala. Kaya rin niya ako binati sa cafe nun. Alam mo 'yun, wrong place, wrong time, wrong person. Nandun ako sa gitna ng lahat ng 'yon. Naalala ko siya nung high school. Nadapa siya kaya umiyak. Habang umiiyak, pinagtatawanan pa siya ng ibang mga bata. Binigyan ko siya ng panyo pamunas sa sugat niya, tapos umalis na ako. Wala lang sa'kin 'yun, napaka-simpleng bagay. Pero 'yung mga ganun pala, minsan, para sa ibang tao, katumbas non ay ang patuloy na pag-ikot ng mundo nila.
×××
*Diagnoses are not specified to avoid further stigmatization of mental health issues. But it's necessary to specify that things like these are case to case basis. Do not generalize people who have been diagnosed; and those who show symptoms but have not been properly diagnosed by medical professionals.
0 notes