Tumgik
ros4rt · 11 months
Text
She's smiling
Yet crying inside
She's laughing so hard
Yet she screaming for being so coward
Rumors said she don't feel tired
The truth is,
She want to rest eternally
Tumblr media
5 notes · View notes
ros4rt · 11 months
Text
Hey, my little lovely bird
You are free to do the things you want
I don't want to be your CAGE
I want to be your HOME
@Herescapeace
3 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
There is this someone
My eyes caught
Moves like waves
No one could stop
There is this someone
Glowing like a star
Into darkness
Full of traps
There is this someone
Shines like the sun
I am the moon
Couldn't reach her
There is this someone
I met a day
Knocking down the invincible
—Wall I set for a life time
There is this someone
So special
Never thought that
I would fall to a cliff
There is this someone
I want to be with
But this isn't
The right time yet
Tumblr media
6 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#11
“Walang iwanan”
Pero walang tulungan
“Walang iwanan”
Pero may sakitan
“Walang iwanan”
Pero may bangayan
“Walang iwanan”
Pero pataasan
“Walang iwanan”
Pero nagsisiraan
“Walang iwanan”
Salita walang laman
“Walang iwanan”
Lagi sinasabi yan
Pero nang iiwan
Tumblr media
2 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
From the advice of our teacher Danny Duque.
"Life is like a high way full of dogs. Stop and be afraid to every barking dogs and you will not be able to go on your destination."
This is a big lesson to me. I will remember and share it here because this is a motivation to every person who is struggling to the barking dogs also known as challenges and problems.
6 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#10
Rosas
Isang bulaklak na napakagandang pagmasdan
Naakit ka at iyong nilapitan
Pansin mo ang tinik sa kaniyang katawan
Sinubukan mong hawakan ngunit ika'y nasaktan
.
Subukan mong itulad ito sa isang tao
Hinangaan mo taglay niyang ganda
Lumapit ka, di ka kilala kaya't binalewala
Ikaw nagtapat, resulata'y pinagsisihan mo
.
Takot ang mga taong lumapit muli at magtapat
Sa kanila siya'y isang rosas puno ng tinik
Hawakan, sila'y masasaktan, ito ay sapagkat
Hintay niya taong hahawak ang kaniyang tinik
Tumblr media
Photo not mine. Cttro.
3 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#9
Hername
She looks and smells like the beautiful flower
She will bloom and shine even beside an old tower
Yet careful to touch it and red liquid will drip
Her name is Rose and now you can skip
Tumblr media
Photo not mine. Cttro
1 note · View note
ros4rt · 1 year
Text
#8
WHO ARE YOU
Tumblr media
Who are you to make my heart rate rise
Who are you to make my day as sun rise
Who are you to be so kind and handsome
Who are you to make my life wholesome
Who are you to make me so foolish of you
Who are you?
Or should I ask, who am I? to fall for you.
Photo not mine CTTRO
13 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#7
Untitled
There's this someone I know and I admired him
He is kind and gentle to everything he touch
He is cool and his cares is not rough but his tough
He smells like rose, I can't forget about him
Tumblr media
Photo not mine
Cttro
5 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#6
You are what you are
At any angle she is pretty
Smile so bright
At any position she is sexy
Her waist so light
You want to be like her?
Yet you are...
You're beautiful just the way you are
No need to prove them
Don't let worthless words be the scar
Know yourself not them
1 note · View note
ros4rt · 1 year
Text
#5
Sunset
Tumblr media
As the sea eat the sun
Waves cannot stop waving
He kneel and show a ring
Words he blunt cannot be undone
Tomorrow is the wedding
4 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#4
Lihim
Tumblr media
Sa bawat ngiti mo
Katumbas ng kasiyahan ko
Sa bawat kislap ng mata mo
Ay iba ang epekto
Ika'y palihim na minamahal
Mula sa malayo ikaw ay aking tanglaw
Alam kong ako'y isang hangal
Hindi malalim, hindi mababaw
Natatakot magtapat
Baka ako iyong layuan
Hawak ang patpat
Tusok sa buwan
Lihim na pagtingin
Damhin ang nadarama ng dalaga
Hangal na kailanman 'di mapapasin
Ito ay aking lihim na kataga
11 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#3
Ten years gap
Everyone stand as she walk on snow gently
An angelic lady in white gown
Holding flowers, look so lovely
Giggled happily as she look around
Water stream down on her cheek
As she reminisce
A guy that she long seek
She seek his warm kiss
She then believe love is trash
Cause it made her heart bleed
Vowed that she would never trust
It's darkness of love, indeed
Getting along as day passed by
It melt the coldness of her heart
She wish a wish from the sky
Asking not to let him be apart
She's eighteen, he's twenty eight
She stop in front of the casket
It this their painful fate?
Shame it was too late to ask it
As the sky drop the snow
Father said "I pronounce you husband and wife."
Witnesses can't stop the tears flow
She then state "It will be long but wait me in the afterlife."
I can't wipe my tears like falls
I took a deep breath and shook
It gives my heart a holes
As I close the book.
This poem is inspired from the book TEN YEARS GAP written by Francis Raphael Herrera also known in Wattpad as Owwsic
2 notes · View notes
ros4rt · 1 year
Text
#2
Mistake
Crumpled paper is my brain
Bleeding pen is my voice
Cellphone is my chain
I did a mistake choice
Tumblr media
4 notes · View notes
ros4rt · 2 years
Text
#1
Full moon 🌚
Middle of darkness
A circle of brightness
Shining like the sun
In the middle of darkness
Tumblr media
6 notes · View notes
ros4rt · 2 years
Text
Balete white lady
Tumblr media
May sabi-sabi na kumakalat sa bayan namin tungkol sa isang babaeng walang mukha na naka suot ng puting bestida. Kuwento ng mamaat papa ko, simula nang bata pa sila ay mayroon ng puno ng balete sa liblib na daan palabas ng bayan at halos lahat ng mga dumadaan doon sa kalagitnaan ng gabi ay nakikita ang babaeng nakaputi at naaaksidente. Ang iba'y namamatay at ang mga nabuhay ay takot ng dumaan doon sa kalagitnaan ng gabi, ayaw makitang muli ang babae. Tinawag nga nila itong white lady.
Labing walong taon na ako at hindi naniniwala sa mga kuwento-kuwento tungkol sa mga multo dahil hindi pa naman ako nakakita ng multo. Maniniwala lang ako sa isang bagay kung ito'y nakita ng dalawang mata ko o hindi kaya'y nahawakan ng palad ko.
"Inay!" tawag ko sa aking lola. "Alam niyo po ba kung bakit na roon ang babaeng walang mukha at naka bestida ng puti?" puno ng kuryosidad na tanong ko.
Lumingon si lola sakin at niyaya akong umupo sa tabi niyang bangkito. "Kuwento noon ng aking inay ay isa siyang napaka gandang dalaga na naaksidenteng namatay sa liblib na daan na iyon. Subalit hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa totoong pangyayari sa babaeng nakaputing bestida." Pahayag ni lola at pagkatapos pinagpahinga ko na siya sa kaniyang kuwarto.
Nagtungo ako sa labas ng bayan upang makipagkita sa mga kaibigan ko dahil isa sa kanila ay kaarawan niya at bumili ng mga gamit at bitamina nina lola at lolo. Nagabihan na ako dahil sa kasiyahang naganap at halos kalagitnaan na din ng gabi. Inaya nga nila akong matulog na nalamang doon ngunit tumanggi ako. Hinatid na lamang nila ako sa bungad ng bayan namin. Maglalakad ako papunta sa bahay at malalampasan ko ang puno ng balete kung saan na roon ang white lady. Hindi ako takot, masnatatakot ako sa mga taong maitim ang budhi.
Nang nakatapat ko na ang balete sa amin. Wala namang kakaiba sa puno. Madilim dahil sa makapal niyang dahon. Tinitigan ko ito at hinahanap ang babaeng walang mukha at naka bestidang puti.
Nagulat na lang ako nang may tatlong lalaki na nakatayo sa likod ko. Hindi ko sila masyadong makita. Tiningnan ko lang sila na may pagtataka. Magsisimula na sana akong maglakad pero hinawakan ako sa braso ng isa sa mga lalaki. Hindi ko masilayan ang kanilang mukha dahil sa sobrang dilim. Inaasahan ko sana na ang white lady ang makita ko ngunit mukhang mali ako.
"Ano pong kailangan niyo? Saka pakibitay po." may galang ko pang tanong.
Hindi sila nagsalita.
Hinigit ko ang aking braso at handa ng tumakbo pero nakaramdam na lang ako pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko at bumagsak na ako.
Pumikit ako. Nagdasal na sana ay mayroong tumulong sa akin. Rinig ko man ang pagpunit nila sa damit ko ay mariin pa rin akong nakapikit umiiyak, nakiki-usap at sumisigaw nang saklolo.
"Huwag po! Tama na! Nakikiusap ako! Tama na!" hiyaw ng isang babaeng maganda ang boses ang narinig ko. Siguradong hindi iyon nanggaling sa akin pero naramdaman ko rin ang paggalaw ng labi ko. "Nakikiusap ako!" minulat ko ang aking mata. Humahagulgol ako. "Paki usap!" nagsasarili ang labi ko. Pinilit kong tumayo pero nanghihina ako at muli namanhid ang ulo ko dahil sa matigas na tumama. Ramdam ko ang mainit na likidong sumusirit. Hindi ako makagalaw. Naririnig ko silang nag-usap ngunit hindi ko sila maintindihan iba ang lenguwaheng gamit nila.
"Enterrémosla." ito ang narinig ko bago ko narinig ang pagpala at paghakot nila sa lupa.
Ililibing nila ako? Tanong ko sa aking sarili. Sa loob-loob ko'y sumisigaw, nagwawala. Gusto kong makalabas pero ang katawan ko'y hindi nasang-ayon.
"Rosa! Gising!" minulat ko ang mga mata ko at bumungad doon ang lola ko. Hindi maipinta ang mukha niya. Halatang nag-aalala. "Apo, diyos ko! Anong nangyare sa iyo? "
"Anong nangyare, inay. Bakit ako nandirito?"
"Nakita ka ng iyong tiyo na nakatayo na lang sa harap ng puno ng balete na parang wala sa sarili at nang ikaw ay naka uwi na tatlong araw ka namang hindi gumising sa pagkakatulog. Para kang isang bangkay sa nagdaang tatlong araw." Kuwento ni lola habang hinahaplos ang buhok ko.
5 notes · View notes
ros4rt · 2 years
Text
Scandalmonger
Tumblr media
Kwento ng 12 taon at 13 taon pa lamang noong 2017 at dalawa silang high school student. Ang pangalan ay Roozumatii at Keycee.
Sa una at ikalawang markahan ni Roozumarii ay naging maayos naman ang takbo ng kaniyang pag-aaral. Hindi nga lang siya tulad ng ibang kaklase niyang matatalino at may mga ranko sa larangan ng akademiko o tulad ng mga kaklase niyang magagaling sa larangan ng atletiks. Siya'y isang normal na estudyanteng tahimik na nakikinig at nag-oobserba sa loob ng klase.
Katulad ng iba may iilan din siyang kaibigan isa rito si Keycee, ang maldita. Siya ang laging kasakasama, pumunta man bumili sa canteen, kumain ng tanghalian, at magbanyo. Minsan nga'y masgugustuhin nilang manatili sa banyo kahit magkakahalo ang amoy ng tae at ihi at mga basurang nakakalat dahil para sa kanila walang mga masmabaho pang nabubulok na tao na nakapaligid sa kanila sa loob ng klase. At katulad din ng mga high school girls o boys ay mayroon ding hinahangaan at pasulyap-sulyap naman sila kapag nakita nila ang mga tipo nilang lalaki. Minsan nga'y nakakasabay nilang pumunta sa banyo, Wala naman silang magawa kung hindi ang sumulyap lang sabay tulakan dahil sa kilig.
Sa ikatlong markahan, ang mga practice teacher ay nagdatingan. Sila ang pansamantang papalit sa mga guro. Sa una ay maayos naman ang lahat, nakikilahok naman si Roozumarii at Kaycee sa mga aktibidad na kailangan nilang gawin. Naging tambayan na rin nila ang banyo, ang tagalinis para hindi na mabaho gaya ng dati sabay pasulyap-sulyap sa mga crush nilang lalaki.
"Uy, tingnan mo oh. Nandito si Junwein, yung crush mo!" May kalbit pa na sabi ni Keycee kay Roozumarii.
"Kilig ka lang kase kasama niya si Krisyan." Bato naman ni Roozumarii kay Keycee sabay sundot sa tagiliran. Inikot na lang ni Keycee ang mata bago muling sinulyapan ang hinahangaan niyang lalaki.
Pumasok si Roozumarii sa loob ng banyo para umihi nang marinig niya ang sigaw ng kasama niya.
"Hoy, Junwein! Crush ka ni Roozu!" Sigaw ni Keycee suit ang demonyo niyang ngiti. Iniisip niyang naisahan na naman niya ang kaibigan niya.
Mga ilang buwan naging kumportable na ang mga estudyante sa mga practice teacher samantalang hanggang sulyap naman ang crush nila roozumarii at Keycee dahil sa mga pagtambay ng dalawa sa banyo.
Hanggang sa naging laman ng bibig ng iba ang tungkol doon.
"Alam niyo may bf daw iyong dalawang kaklase natin. Balita ko nga nakikipagdate daw iyong dalawa sa CR. Mga malanlandi talaga ano? Huwag niyong sasabihin sa iba, ha." Sabi ng isa sa mga tsismosa estudyante one.
"Duh. Wala silang delekadesa sa CR pa talaga?" Kumento naman ng tsismosa estudyante two.
"Anong pinag-uusapan niyo? Anong date sa CR? Sino namang mga estudyanteng yon?" Sabat ng tsismosa P.E practice teacher one.
"A ganito Kasi ma'am..." At nagkwento naman ang tsismosa estudyante tree.
Naging parang apoy sa gubat ang mga kwentong barbero tungkol sa dalawa. Para itong maraming langaw na ang lakas ng alingawngaw.
"Ma'am Adviser, alam niyo ba si Roozumarii at Keycee nakikipagdate sa CR. Idadahilan iyong pag-ihi ma'am. Minsan nga tambay sila doon kahit mabaho, yack!" Chika ng tsismosa estudyante one.
"Totoo? Mga babaeng yon malalandi. Bibigyan ko sila ng advice mamaya pag-umpisa ng klase natin. " Kumento ni tsismosa adviser teacher one.
Nang nag-umpisa ang klase ng adviser teacher ay agad niyang tinawag ang dalawa.
"Bakit po ma'am?" Magalang na tanong nilang dalawa.
"Bakit anong ginagawa niyo sa CR? Rinig ko nakikipagdate kayo?" Tanong nito na may pataas baba ang kilay.
"Nag CR po, ma'am. Minsan tambay po don ma'am. Saka kami din po tagalinis don. Lagi po kasing dugyot yon." Sagot ni Keycee.
"Mga dahilan niyo talaga." Iling-iling ng adviser teacher na sabi.
Dahilan!? Tanong ni Roozumarii at Keycee sa utak nila.
"Hindi po." Pagtanggi naman ni Roozumarii habang pinapanatili ang ulo niyang nakatingin na sahig.
"Haynako. Mag-aral nga kayo hindi puro date date. Doon pa talaga kayo sa CR makikipagdate e ang daming lugar. Bakit kayo doon tatambay? Mga dahilan niyo palpak. Mag-aral kayo hindi yung landi dito landi doon." Payo ng advicer teacher nila.
"Pero ma'am hindi naman po kami nakikipagdate doon—" pinutol ng advicer teacher ang balak sabihin ni Roozumarii l.
"Itatanggi pa e kitang kita na. Huli na nga kayo sa akto itatanggi pa. Manahimik ka na lang at mag-aral."
"E, ma'am. Kami na nga tagalinis don tapos sasabihin niyo pang nakikipagdate. Sino po bang nagsabi na inyo na nakikipagdate kami. Ni wala nga kaming kasintahan para idala doon." Pabalang na sagot naman ni Keycee habang gumagaralgal ang boses.
Samantalang si Roozumarii ay nagsimula ng lumuha.
"Oho! Guilty lang kayo!" Sabat ng tsismosa estudyante one.
"O! Bakit totoo naman ah! Kami Taga linis don. Kayo nga ihi na nga lang Di pa kayang buhusan!" Bulyaw ni Keycee sa tsismosa estudyante one. Hahakbang pa sana siya nang hawakan ni Roozumarii ang braso niya.
Umawat agad ang advicer teacher habang may malokong ngiti na naka taas ang kanang kilay.
"Wala kang maners, Keycee. Nasa harap ka ng guro!" Sabi ng advicer teacher.
"Totoo naman yon ma'am!" Laban ni Keycee.
"Maupo ka na! Nasa harap mo pa ako ganyan ka na! Walang hiya!" Hiyaw ng advicer teacher.
Sasagot pa sana si Keycee subalit hinila na lang siya ni Roozumarii paupo para hindi na maslumaki ang apoy. Tumagal ang naging apoy. Malaki ang sinakop na hanggang sa labas ng campus ay maririnig ang pangalan na Roozumarii at Keycee at ang istoryang kumakalat.
Dalawang linggo ang lumipas, na pagpasyahan na lamang nila pumunta sa bubongan ng iskwelahan at sabay na tumalon.
Marami ang mga mata, na akala mo'y mga teleskopyo sa layo ng natatanaw. Tainga na tila elepante na kung ano-ano ang naririnig. Bibig na parang machine gun na hindi kailangan ng katotohanang bala para ika'y tamaan o maihahambing mo rin ito sa isang nabubulok na basura. Utak, advance and utak nila, hindi mo pa nagagawa may nakahanda ng istorya. Malay mo isa ka sa sikat na biktima nila, wala silang pinipili. Sa kalye man sila o sa iskwela.
1 note · View note