Tumgik
#usok
nice2meetyouu · 1 year
Text
Nagko-commute naman ako dati. Araw-araw. Kung saan-saan ako nakakarating. Proud pa nga ako kasi feeling ko adaptable ako. Kahit saan, basta pwedeng marating ng public transport, mararating ko. Pinakamalayong napuntahan ko on my own 'yung Paracelis sa Mountain Province.
Recently, tuwing nagko-commute ako, may feeling ako na kawawa ako, parang api. Hindi ko alam kung pumangit lang ba 'yung public transpo situation or naging maarte lang ako. Nasa bingit na ako ng pag-accept sa isang job offer na itago na lang natin sa initials na MG, pero dahil sa pagbisita ko sa isang friend na nakatira sa BGC, na-feel kong bad idea na mag-commute pa-Makati araw-araw (always knew it was a bad idea pero I thought kaya ko naman).
Initially, sabi ko 'yung hindi rush hour ang slot na kukunin ko, such as... graveyard shift, pero kahit gano'n, nagdadalawang isip pa rin ako. Iba kasi 'yung quality of life pag naglalakad lang papunta sa workplace. I guess umikli na 'yung patience kong makipagtulakan sa tren at makipag-unahan sa jeep.
Pero ang wish ko na lang talaga ay magkaroon ng kotse at parking. Naiinggit ako dun sa top 10 sa PLE, binigyan sya ng kotse ng alma mater niya yata o ng city. Basta may kotse siya.
Ang kotse ay isang luxury at isang necessity. Hindi ko na kayang magtatlong sakay!!! Mababa na ang "real life" tolerance ko. Kanina pala, nasagasaan ng jeep na sinakyan ko 'yung isang tricycle. Parehas silang na-damage. Mukhang may mahaba pa silang diskusyon so bumaba na ako at naglakad para maghanap ng jeep pauwi.
Hindi option 'yung Grab kasi nasa 600 pataas 'yung one way pa lang, GrabShare pa. I guess pag walang wala na, Angkas na lang, nasa 300 ang halaga. Kaso mahirap kasi pag umuulan saka pag inaantok ako.
Gusto ko lang naman ng urban planning, livable cities, at convenient na transportation system...
Buti pa 'yung friend kong nagwowork sa Bangko Sentral, nagga-grab everyday.
Okay, tama na ang self-pity, wala tayong choice, hindi tayo WFH. Adaptable noon, suko na ngayon. Or baka nag-adapt lang ako in a different way. Depende sa lugar pero base sa mga pinupuntahan ko lately, mas efficient naman kasi talagang magkotse.
7 notes · View notes
undercaffeinatedsoul · 9 months
Text
Kaulayaw
Hindi ko mapigilang pagmasdan ka. Ang sarap mo lang kasi panooring uminom ng kape.
Malumanay mong iaangat ang tasang porselana palapit sa iyong bibig upang hipan ang usok na sumasayaw sa ibabaw nito. At kapag handa ka nang mapaso, dahan-dahan mong ilalapat ang iyong mga labi, tapos ay banayad mong hihigupin ang mainit at mapait na likido — ninanamnam mo pa nga muna bago mo tuluyang padaluyin sa iyong lalamunan.
“Bakit?” Tanong mo nang mahuli mo akong nakatitig sa iyo, “Namiss mo ‘ko, ano?”
Bakit nga ba tayo nawala? Ah. Oo nga pala, hindi nga pala tayo.
“Hindi.” Pabirong tugon ko, “Ikaw, namiss mo ba ‘ko?”
Gaano na nga ba katagal? Nalalasahan ko pa rin sa aking mga labi ang tamis ng iyong ngiti.
“Sa palagay mo,” Bigla na lang naging seryoso ang tono ng iyong boses, tono na may bahid ng panghihinayang at pagnanasa, “pwede pa rin kaya tayo maging tulad ng dati?”
Hindi ako umimik dahil pareho lang tayong hindi alam ang sagot sa tanong.
Ano nga ba ang nangyayari sa matalik na magkaibigan matapos nilang magtalik?
43 notes · View notes
solreix · 8 months
Text
random thought pero tsukishima kei as yn's masungit na tindero ng barbecue sa tapat ng bahay nila.
"magkano po isaw?" tanong niya nang nakatitig lang sa mga paninda.
"lima."
napaangat siya nang tingin nang marinig na hindi si aling mayet ang nagtitinda. napanguso siya sa sarili at tumango. "dito sa barbecue?" dugtong niya.
"twenty."
"five na ulit yung isaw, pero twenty na yung barbecue... hmmm..." bulong niya sa sarili.
"alam mo pala presyo bakit nagtatanong ka pa?" masungit na tanong ng tindero. mabuti na lang at walang ibang bumibili dahil halos kabubukas lang nila.
"sungit mo naman!" singhal niya. "malay ko ba kung nagbabago yung presyo. kita mo nga nabago oh, sais 'yan kahapon tapos eighteen 'yung barbecue." umirap siya rito.
syempre, hindi nagpatalo si tsukishima. pairap niya ring kinuha mula kay yn ang limang isaw na hawak nito pati na ang apat na barbecue. "ang takaw mo ah."
"wala kang paki. sumbong kita kay tita mayet. masungit ka na nga, pakielamero ka pa."
"magsumbong ka, nasa likod mo siya."
nanlaki ang mata niya nang tumuro ito sa likod niya. paglingon ay nasa likod niya nga ito at mukhang nakikinig sa usapan nila ni tsukishima kanina pa.
"nag-aaway na naman kayo?" natatawa nitong tanong.
"hello po! hindi po, nang-aaway lang po 'yang pamangkin niyo." lumapit pa siya kay aling mayet. "malulugi kayo sa kaniya, tita. napakasungit ng tindero niyo—malas 'yon!" suhol niya pa.
mas lalong natawa si aling mayet sa kaniya, at tiningnan nang nanunuyang tingin si tsukishima. "ikaw lang naman sinusungitan niyan eh."
"eh?" sinamaan niya ng tingin si tsukishima na namumula dahil siguro sa usok ng iniihaw. "dahil lang naputol ko pambura mo no'ng grade 3?"
ang paghiram niya ng pambura noon ay ang unang interaction nila, at nang ibalik niya ito, sinimulan na siyang sungitan ni tsukishima.
"nako, hindi—"
"ninang kanina ka pa hinahanap ni mama sa loob," putol ni tsukishima. narinig niya pa ang muling pagtawa ni aling mayet bago ibinaling ni tsukishima ang tingin sa kaniya. "ikaw naman, 'wag kang assuming. hindi ko nga maalalang pinahiram kita ng pambura."
"ang sungit." umirap siya, at nang makitang luto na ang isaw ay kumuha siya ng isa. naglagay na siya ng sawsawan niya sa tabi kaya naman kumakain siya habang hinihintay pang maluto ang iba. "eh bakit ang sungit mo? crush mo ba 'ko?"
"susunugin ko barbecue mo."
"uy hindi din-eny!" at sinundan niya pa ng halakhak.
"umuwi ka na nga!"
"teka—"
pumuwesto ito sa likod niya at itinulak siya direkta sa katapat lang, bahay nila. "uwi."
"hindi pa 'ko tapos—"
"ihahatid ko na lang! uwi!"
"hindi pa 'ko bayad—"
sumama ang tingin ni tsukishima, pero hindi mapigilan ni yn na matawa dahil namumula ang buong mukha nito. halatang-halata dahil sa napaka-puting balat.
"ako na. dadagdagan ko pa ng isaw, uwi."
ngumisi si yn. naningkit ang mata niya habang naglalakad patalikod, nakaharap pa rin kay tsukishima kahit nakatawid na siya't hawak na ang gate nila.
sumigaw siya, "ma! may ulam na tayo, crush ako ni sungit!"
napailing na lang si tsukishima.
39 notes · View notes
nabichuun · 2 years
Text
BUONG GABI
Tumblr media Tumblr media
Kung saan na meet mo ulit yung nakasama mo under the slide, red strobe lights with al james singing as bgm.
💭 lee haechan sa ur summer fling, smut. (Part 2)
‼️ written in taglish, ⚠️ contains explicit content not suitable for minors.
🎧 Ngayong Gabi by Al James
(read part 1 here)
“Ohmygod natapos din” sabi mo ng matapos mo ang case study niyo, tumayo ka at nag unat unat. Agad mong kinuha ang phone mo at nag scroll sa notifs and you saw na hinahanap ka na ng mga tropa mo. Napatingin ka sa bintana at nakita mong palubog na ang araw. You’ve been doing the case study for hours sa library di mo napansin na pagabi na pala. 
Nang makarating ka sa condo niyo ay agad sumalubong sayo ang mga kaibigan mong mga nag aayos. Right, may gala nga pala. 
“Aba saan ang punta niyo?” tanong mo habang binababa ang mga gamit mo. Napatigil naman ang kaibigan mong si Joy sa paghahanap ng damit. 
“Sis di mo ba nabasa texts ko? Kanina ka pa namin hinahanap!” bulyaw nito. She took out a piece of clothing at tumabi kay Marie para mag ayos. 
“Were you in the library again? Friday naman sana pinahinga mo na” sabi ni Marie habang nag lalagay ng mascara. Tinawanan mo lang ang mga kaibigan mo sa kanilang pa-nenermon. Very usual na yung mga ganitong scene sainyo, the two of them nagging at you kasi you always miss the fun madalas. 
“Opo nabasa ko po text niyo kaya nga umuwi na ako. Malapit na yung due nung case study kaya ginawa ko na” pag eexplain mo. It took you a week para matapos yung case study na yun buti na lang natapos mo na. 
“So? Saan nga kayo pupunta?” pagtatanong mo uli. 
“House party kina Yangyang, 9pm” Joy replied habang nagbibihis na. 
“Akala ko ba hindi na tayo pupunta sa parties ni Yangyang kasi sabi niyo it's ‘too wild’? Tsaka 9pm? Eh 7pm palang at parang aligaga na kayo?” sabi mo habang pinapanood mo ang dalawa mong kaibigan. 
“I heard pupunta yung crush ko from la salle kaya pupunta tayo. And dadaanan pa natin si Chi bago pumunta dun plus traffic na din mamaya kaya mag bihis ka na at maka gora na tayo” sabi ni Marie at hinagisan ako ng damit. 
Wala kang magawa kundi mag ayos na din. Sinuot mo yung hinagis sayo na damit, it’s a black backless dress then you wore a cute sandals to match it. 
As usual si Joy ang designated driver niyo bilang mataas and alcohol tolerance siya ang nag aalaga sainyo kapag lasing na kayo. Nang masundo na nyo si Chi ay agad na kayong pumunta sa party. 
Usual ‘weekly’ house party lang naman to. Hindi pa kayo nakakapasok ay kita na agad na maraming pumunta ngayon. People are really stressed talaga sa mga ganitong panahon. Best way to de-stress? Walwal.
“Sana maka swerte ako tonight” sabi ni Chi habang inaayos ang sarili bago lumabas ng kotse. 
“Nako andyan naman si yangyang” Tumawa naman si Marie at inasar si Chi. Inirapan lang siya ni Chi at nauna ng lumabas. Only god knows why Chi and Yangyang are ‘just’ friends
“Tara na nga! Baka may makauna pa kay Yangyang”
Pag pasok niyo ay agad sumalubong sainyo ang usok at ang mga tao. As expected, Yangyang never disappoints pag dating sa ganito. Medyo marami rami na ang mga tao kaya naman nakikipag siksikan kayo para makarating sa couch nila yangyang para batiin sila. 
Nakita niyo sina Yangyang at Hendery naglalaro sa couch. 
“Ano mag lalaro nalang kayo diyan?” biglang sabi ni Chi na naka pamewang pa sa harap ng dalawa. Napatingin naman si Yangyang pero bumalik din sa pag lalaro
“Si Hendery kasi nag aya” sabi ni Yangyang na parang nanunumbong. 
Umupo kayong dalawa ni Joy sa couch habang si Marie naman ay gumora para batiin ang mga ibang kakilala nito. 
“Hindi niyo man lang kami bibigyan ng beer? Yangyang you’re better than this” pag paparinig ni Chi at umupo sa tabi ng binata. 
“Oh ayan ikaw mag laro at i’ll go and get beer. Ano ba gusto niyo?” sabi ni yangyang at biglang binigay kay sof ang phone niya. 
“Mule lang okaya san mig” sagot mo naman sa kanya. Ayaw mong mabigla kaya you’ll start with something light lang
“Yun na lang din samin ni Chi” dagdag ni Joy, tumango naman si Yangyang at pumunta na ng kusina. You sighed and threw your head sa couch, nagsisimula palang ang gabi at nakakaramdam ka na ng pagod. 
“Himala hindi ka ata rumarampa ngayon” biglang tanong sayo ni Joy. tinaasan mo siya ng kilay at tinawanan. 
“Pagod lang” sabi mo. sobrang draining ng uni kaya pati energy mo sa pag socialize at pag landi ay nawala na din. 
“That’s new, hindi ba ikaw nagsabi na stress reliever mo ang pag landi?” biglang sabi ni Chi na kakadating lang at tumabi kay Hendery. 
“Oo nga ikaw? Mapapagod sa ganito? Impossi-” dagdag ni Hendery pero agad ng naputol ang sasabihin niya when his phone rang, nang makita niya kung sino ang caller ay agad siyang tumayo at sinagot ang tawag. 
“Hoy hendery ampota wag mokong iwan dito!” bulyaw ni sof na naglalaro gamit ang cellphone ni yangyang 
“Teka lang may tumatawag- Hello? Pre? Andito na kayo?” Umalis bigla si Hendery at pumunta sa labas. dami namang bisita
“Teka parang ang tagal naman ni yangyang dumating” pagrereklamo ni Joy.
“Pupuntahan ko na wait nga” sabi mo at tumayo ka. Para na din mabati mo yung mga kakilala mo sa loob. After exchanging a few hellos ay nakarating ka sa kusina nakita mo naman si Yangyang nakikipag daldalan habang nag lalabas ng alak.
“Yangs nagrereklamo na sila dun ang tagal mo daw” sabi mo at tinulungan mo na si Yangyang sa pag bitbit ng mga alak. Napatalon ka naman ng biglang may mga nag sigawan. Nanggagaling yung ingay sa salas. 
“BROO!! LONG TIME NO SEE!! PASOK LANG KAYO!!” Dinig na sigaw ni Hendery mula sa labas
Nang matapos na si Yangyang ay bumalik na kayo sa pwesto niyo. nilapag niyo yung mga alak sa table at muli kang napatingin sa malapit sa pintuan ng batiin ni Yangyang ang mga bagong dating. 
Agad namang naningkit ang mga mata mo when you saw a familiar figure, lalapitan mo na sana ng hilahin ni Joy ang braso mo. 
“OH OH TARA TARA CHEERS” sigaw ni Joy habang itinataas ang bote ng san mig. Nakicheers ka naman at agad na lumingon kung saan ka nakatingin kanina. Agad namang nawala yung nakita mo kaya you shrug it off at nakipagkwentuhan nalang. 
After a few hours ay nakaramdam ka na. Low tol ka lang kaya medyo nararamdaman mo na after a few bottles. You decided to take a break at kumain na lang ng pizza. Napatingin naman kayong lahat ng Joy ng bigla itong nag salita.
“Yangyang sino yung mga dumating kanina?” Pasimpleng tanong ni Joy. 
“Joy, the one na may two-tone hair yung crush ko from la salle!” Agad na singit ni Marie. Nanahimik ka lang kasi hindi mo naman nakita yung mga bagong dating kanina.
“Feel ko type mo yung moreno kanina, gwapo shet” biglang sabi ni Chi sayo habang umiinom from her mule. You scoffed at napaayos ng upo. Edi okay sila na nakakita ng gwapo. 
“Kung ganun ano pang hinihintay natin? Yangyang pakilala mo naman kami sa kanila” you cheekily said. 
Medyo may tama na ako. You mentally cursed ng narealize na the alcohol is taking its effect on you based sa malanding tono mo. Pero okay you’re feeling bored na din naman kaya naman bakit hindi?
“Okay wait akyatin ko si- Oh ayan na pala eh, PRE! Patawag naman yung iba may papakilala ako sainyo” sabi ni Yangyang at nilapitan yung isang lalaki na naka dark green na sweater. Napalingon ka naman para tingnan ito.
“Okay okay i’ll go and call them” sabi nito. Tinitigan mo si kuyang naka dark green na sweater habang paakyat ito para tawagin yung iba. You started feeling uneasy, the familiar feeling that the guy gives off makes your heartbeat fast. he looks familiar...
“Sino sasama sakin? Kuha ako ng beer para dun sa mga dadating” ani ni Hendery. Tumayo naman si Joy at nag presinta na tumulong. Hindi mawala sa isip mo yung lalaki kanina at for some reason ay kinakabahan ka. Shet ano bang meron today.
You felt a presence coming sa likod mo yet di ka lumingon. You’re too scared and nervous for some reason parang may mangyayari na hindi mo inaasahan.
“Yo guys sina Mark, Renjun, Jaemin, Jeno, at si Haechan, mga tropa ko from uni” pakilala ni Yangyang sa lima. You looked away dahil sa gulat and tried to hide your face sa likod ni mon ng makarating to. Napansin naman ni Joy ang kinikilos mo kaya tinignan ka niya at tinaasan ng kilay. 
"What the fuck?" You silently cursed.
“Gaga nakatingin sayo yung isa, kilala mo?” mahinang bulong ni Joy. 
Shet shet shet anong gagawin ko. Hindi ko sila kayang harapin. Napatayo ka sa pwesto mo at hinila si Joy sa kusina. You fanned yourself using your hands and let out a frustrated groan.
“Hoy anong meron?” nagtatakang tanong ni Joy.
“Kasi...” napakagat ka naman ng labi, nag iisip kung sasabihin mo ba. 
“Kasi?”
“Naka momol ko yung isa sa kanila.” pag amin mo sa kaibigan mo
“Oh tapos?” sagot ni mon na parang it’s a normal thing. 
“Hindi. hindi lang momol yun. Naalala mo yung sa resort?” you explained further, naalala mo na kinuwento mo sa kanila kaagad yun pag balik mo ng manila. Nanlaki naman ang mata ni Joy ng maalala ang kwento mo
“OHMYGOD! the one na you made out with sa pool?” 
“Yes”
“Gaga ka sino diyan sa kanila?” sabi ng kaibigan mo at sinilip yung pwesto niyo kanina. 
“Yung naka momol ko? Yung naka peach na checkered na long sleeves...”
“What the fuck, sinagip mo ba ang mundo sa past life mo at naka momol ka ng ganun ka gwapo?” Joy said with a tone of disbelief. Totoo naman kasi masyadong too good to be true. 
Sa kabilang banda ay habang nag uusap kayo ni mon sa may kusina ay may mga pares ng mata ang nakatitig sayo. 
Walang duda, ikaw nga.
Napangisi si haechan ng makilala ka niya right away, how can he ever forget you?
Nabali naman ang atensyon ni haechan ng bigla itong tinawag ni Jaemin. 
“It’s her, bakit ayaw mong lapitan?” kalmadong tanong ni jaemin habang nakatitig din sayo. Hindi siya sinagot ni haechan at uminom lang mula sa bote ng beer. Halatang di niya alam kung paano ka i-aapproach.
“Dude, really? That’s new.” Jaemin laughed as he felt haechan’s frustration. Renjun overheard the conversation and decided to join in
“Ang tumal mo naman ngayon” sabi ni Renjun at inakbayan ang kaibigan. Sinamaan lang ito ng tingin at tinanggal ang pag kakaakbay. 
“Fuck off, alam ko ang gagawin ko.”
“Tara na bumalik na tayo dun” pag aaya sayo ni Joy. 
“Nahihiya ako” Umiling ka dahil ayaw mo pa bumalik.
“Naka momol mo na at lahat lahat?” Sumbat ni Joy. That’s the point! Naka momol mo kaya nahihiya ka!
“Gaga bahala ka dyan babalik ako nangangawit na ako kakatayo” dagdag ni Joy at biglang tumalikod. Hindi mo siya pinigilan at pumunta ka nalang din sa labas. Kailangan mo magpahingin at pakalmahin ang sarili mo. 
Pag labas mo ay bumungad sayo ang pool at garden sa bahay nila yangyang. You decided to chill sa may nipa hut sa may pool side dahil wala namang nakatambay dun. Mas konti ang tao dito sa may labas kesa sa loob. 
You took out your phone and scrolled through your camera roll, finding a certain picture. Nang mahanap mo yung picture ay tinitigan mo ito. It was a picture nung papel na binigay sayo ni Haechan last summer, you decide to took a picture of incase na mawala mo. 
After that day, you never dared to contact him. Pinangunahan ka ng hiya. Ano namang sasabihin mo if ever you did? Hello? Ako nga pala yung nakamomol mo under the slide? No way.
You’re too distracted by your thoughts kaya di mo napansin na someone’s coming. He smiled when he saw your face na naka simangot. With two bottles of beer in hand he casually sat in front of you. 
Kita sa mukha mo ang gulat pero hey you expected this to happen. Sandaling nagtama ang mga mata niyo at agad kang umiwas ng tingin.
“What are the odds? Sinong mag aakala na we’ll meet each other again?” He said with a grin plastered in his face. You badly want to punch him in the face pero he’s too hot. 
“Uhh did we meet before?” hala tangina ang bobo mo self!
Haechan raised his brows and stared at you, “I see, ganito pala. I'll play along” he said with a smirk on his face. You can feel your heartbeat increasing again, sino ba kasi ang nagsabi na magpanggap ka pa? 
“What do you mean?” you said, still playing your act. Bahala na!
“We made out in the pool” Haechan bluntly said nasaktuhan naman na umiinom ka kaya naman muntik mo na mabuga yun iniinom mo. you look at his with widened eyes and looked around if may nakarinig. 
“No we didn’t, anyway see you around” you said with a nervous laugh. You quickly stood up and umalis sa nipa hut. Felt a grip around your wrist kaya napatigil ka. Huminga ka ng malalim and hinarap siya. 
“Then, shall I make you remember babe?” Haechan said while looking straight at you then he cocked his head towards the pool. Tangina, what does he mean by that?
“Okay fine I remember, happy?” you decided to drop the act, Ayokong umuwi ng basa.
“You okay?” pag balik mo sa look ay agad kang tinanong ni Chi at inabutan ka ng juice, sa totoo lang? Hindi na ata.
“So ano nangyari?” bulong ni Joy, sasagot ka na sana ng biglang sumigaw si mark. 
“Hey! You’re here?! Wassup!” sabi ni Mark and greeted you. Ngayon nasayo na naman ang atensyon ng lahat. Nung binati ka ni Mark ay sunod sunod ka ng binati nila Jeno.
All of you enjoyed the rest of the night. nag laro kayo ng spin the bottle and other stuff. Halata na lasing na ang iba dahil si Jeno yakap na yakap na kay Renjun at yung iba naman ay tumatayo na at sumasayaw. Habang tinatawanan mo sa Jaemin na sumasayaw na ngayon sa gitna at biglang nag tama ang mata niyo ni Haechan. 
Mula nung nangyari sa may backyard ay hindi na kayo masyado nagpapansinan ni Haechan, Kasi naman para saan yung nangyari kanina sa pool? Ang gulo ha
Tinaasan mo ng kilay si Haechan and mouthed him ‘ano?’, Haechan stood up at nilapitan ka. Agad ka  namang napasandal sa couch ng ilagay niya ang kamay niya sa mga gilid mo at ilapit niya ang mukha niya at bumulong. 
“You look pretty”
And what if that is my last straw?
Haechan stood up and went to the kitchen leaving you dumbfounded. what the fuck? Agad naman kang tumayo at sinundan si Haechan. Nakita mo siya kumukuha ng alak
“What was that for?” You asked habang naka lean sa counter top. 
“I mean it babe”
“Can you please stop calling me babe?”
“Would you like to be called mine instead?” Haechan said with a flirty tone. Pero syempre hindi ka papatalo. 
You pulled his checkered sleeves and whispered to his ear, “i’d like to see you try” 
Haechan smirked and slowly closed the distance and nung tatakas ka na haechan trapped you between his arms. Ayan sandal ka pa sa counter top ah.
“Okay mine, would you like to be mine for the rest of the night?” Haechan said as he gazed upon your lips and eyes. Napatango ka lang naman unconsciously. 
He moved his head closer and you closed your eyes waiting for his lips to touch yours. Bigla ka namang napadilat ng maramdaman mo ang labi niya sa cheeks mo. 
“As much as I want to kiss you right now, madaming makakakita satin baby.” sabi ni Haechan and he tucked a hair in your ear. 
“Tara na hinahanap na nila tayo” he said at hinila ka niya pabalik sa pwesto niyo.
biglang dumami yung tao sa pwesto niyo at halos isang tao na lang ang kasya sa couch. Mabilis mong tinanggal ang pagkakahawak ni Haechan sayo (buti walang nakakita!) at pupunta ka na sana sa tabi ni Joy ng pigilan ka ni haechan. 
“Wala ka ng pwesto dun” 
“Oh okay i’ll get a chair nalang”
“No sit here” sabi naman ni Haechan and you confusedly stared at him. 
“Sit where? Eh halos wala ng space dyan” turo mo sa tabi pagitan ni Haechan at ang katabi niyang si Jaemin. 
“Sit on my lap” Haechan said and tapped his thighs. ano saan ako uupo?
“Maraming tao gago ka ba?” medyo napalakas ang pag kakasabi mo  kaya naman meron iilang napatingin sa gawi namin, by ‘iilan’  ay ang mga kaibigan mo. 
“Does it matter?” pabalik niyang tanong sayo. He has a point, ano naman kung kakandong ka sa kanya?  Ilang segundo kayo nag titigan trying to see kung sino mas matigas sa inyong dalawa. But in the end you gave up and made yourself comfortable in his lap. 
“Much better” Haechan said and wrapped his other arm around your waist. You blushed at his gesture.
Everyone’s super wasted, you can hear all of your friends whining and groaning dahil sa kalasingan. Surprisingly you’re still not THAT drunk kasi sinasalo ni Haechan yung tagay mo. naramdaman mo naman na nilagay ni Haechan ang baba niya sa shoulder mo. yes nasa kandungan ka pa din ni Haechan. 
“Ohh? Are you drunk na?” you asked and side eyed him. 
“No not yet,” he said at umiling. His faint breathing tickles your neck and ears. 
“Sa dami ng tinagay mo di ka pa nalasing?” you said with an amusing tone. 
“High tol ako” he said at tumawa. 
“Sus talaga ba? baka naman niloloko mo lang ako”
“Babe if im drunk di mo ako makakausap ng maayos”
“Hmm good point” 
You felt hot so you decided to tie your hair. habang nag tatali ka ay you felt something soft touch your neck. It sent shivers down your spine. fuck, you silently cursed. Backless nga pala yung dress mo and now you have your hair tied up your back is exposed. 
“You smell good, ” Haechan said, still kissing your back. you squirmed in his lap as his lips continues to place butterfly kisses on your back.
“Haechan...” you said with a warning tone. Kahit na lasing na yung mga kasama nila andami pa din tao na pwedeng maka kita sa inyo. 
“Hmmm” he hummed in response, he’s now kissing your shoulder up to your neck. Huminga ka ng malalim at tumayo sa kandungan niya. 
“Wag dito” sabi mo and you grabbed his hand and pulled him sa kusina. Haechan smirked and let you drag him. Buti naman walang tao sa kusina kaya naman Haechan pinned you against the wall kaagad. He didn’t kiss you agad which made you impatient. 
“So ano titigan mo nalang ako?” mataray mong sabi. Haechan laughed and smiled
“You’re so pretty. I can’t help but to stare” he lifted your chin up and kissed you, passionately. The kiss made your legs wobbly, napakapit ka sa braso niya. 
You missed this feeling, you missed his kisses, you missed him.
“Haech” you accidentally moaned when he bit your lips. Nagulat ka naman when the kiss became intense. He pressed his body onto you kaya naman dikit na dikit ka sa wall. teka di naman ako mawawala
Haechan broke the kiss and tapped your thighs, “Legs up, baby” 
Despite your tight fitted dress you lifted your legs up and let Haechan carry you and gently place you at the counter top. You automatically placed your hands at the back of his head and pulled him for another kiss. 
Haechan chuckled and placed his hands around your waist. As the two of you kiss like there’s no tomorrow. One of your friends shouted that made you and Haechan jump in surprise
“Hoy gaga! Text me kung uuwi ka! Pero mukhang hindi! Basta text mo nalang ako! Mauuna na kami!” Joy shouted mula sa sala, both you and Haechan stared at each other’s surprised faces and laughed. 
Haechan placed a quick kiss at your nose and asked, “My place?”
You giggled and nodded at him. He grabbed your waist and helped you makababa ka sa countertop na medyo mataas pala. paano niya ako naakyat dun? you wondered. Pag labas niyo ng kusina ay nakatanggap kayong dalawa ng asar at mga kantsaw sa mga kaibigan niyo. 
“Grabe meant to be ata kayo”
“Hinay lang naman”
“Respeto sa single”
“Get a room”
“Sana all nalang”
Mabilis niyong dinaanan ang mga kaibigan niyo at nagtungo na sa labas. Nasa parking kayo and haechan stopped at a dashing red mustang. Napasipol ka naman at tintigan ang kotse.
“Nice ride” 
“Right, and you will be riding me next” he playfully said nang makapasok siya sa loob. Hinampas mo naman siya at tinakpan mo ang mukha mong namumula. 
“Gago ka talaga”
“Bakit? Am I wrong?” Jesus take the wheel na po.
Haechan started the engine and looked back para makaalis sa pag kaka park. He placed an arm in your headrest and slowly drove the car in reverse. 
And that’s the hottest thing that you’ve seen today, it feels like Haechan became 100x hotter than before. Nang makaalis na kayo sa pwesto ay nag drive na si Haechan papunta sa condo niya.
The two of you were silent until his phone rang, may text message. Haechan picked his phone up to check the message with his other hand. 
“Hay nako, eyes on the road mister” sabi mo then you crossed your arms. Haechan gave you a quick glance at binaba ang phone niya. 
“My bad, out of habit lang” sabi niya at bigla ulit kayong natahimik. Unsure what to do with the awkward silence between you too you reached out your hand and tapped his thigh. 
“Baby, not here.” Haechan jokingly said and lightly slapped your hand away. Nanlaki naman ang mata mo at hinampas siya
“Hoy nakakailan ka n-” hinapas mo siya uli
“Isa pa hahalik- teka i'm driving!”
“Ikaw kung ano ano nasa isip mo! tatanungin lang kita if i can listen to music” you immediately said at tumawa naman si Haechan. He placed his hand to your thigh and gently caressed it. 
“Naninigurado lang ako. i'm up for it but baby safety first, okay?” sabi niya, inirapan mo lang siya at pilit mong kinakalma sarili mo dahil you’re feeling things dahil sa kamay sa hita mo. 
Not gonna lie, you could get used to this.
Haechan pulled up and both of you hurriedly went inside, atat lang?
As soon as the door closed Haechan immediately pinned you against the wall and claimed your lips. you pressed your body to him and kissed him back. Haechan’s hands travelled down from your arms to your waist, feeling every inch of your body.
“God, this dress does wonders on you” he said between the kiss, his kisses went down to your neck and you tilted your head to give him better access. 
“Hmm? I think I look better without it” you teased, lifting his chin to meet his eyes. His eyes went darker and you yelped when he flipped you around. 
“I bet you do”
With your face facing the wall, Haechan peppered your bare back with kisses and his hands reaching for your breast. A tiny moan escaped when he squeezed your left boob.
“No bra? How convenient” 
You gasped when you felt his hand in your inner thighs. He placed his thigh between your legs for support.
“Haech” you moaned his name when you felt something weird in your stomach when haechan traveled his hands up to your thighs. He hummed and continued to tease you
you whined and turned around, you badly want to feel him too. You placed your arms around his neck and kissed him. He lifted you up and you wrapped your legs to his waist. 
Pumunta at umupo si Haechan sa couch without breaking the kiss. You’re now sitting on top of him kaya naman you smirked and rolled your hips. The unexpected friction made the both of you moan. Haechan slid his tongue inside of your mouth and placed his hands at your waist to press you harder to him as you grind on his lap. 
“Fuck baby” he moaned and threw his head back the you latched your lips to neck, leaving marks. You bit your lips when you felt his clothed member become hard as you grind your hips. Haechan grabbed your ass and lifted you up once again. 
This time he gently placed you on his bed and removed his shirt. Exposing his toned body, he smirked when he saw you staring at his body. 
“Like what you see?” Haechan said as he crawled between your legs. He tugged the hem of your dress and removed it. Haechan stared at you for a moment. He felt his heart skip a beat when he saw you sprawled in his bed, bare and pretty.
He gave you a sweet kiss and placed his forehead to yours, 
“Are you ready?”
You and Haechan shared each other’s warmth that you thought you didn’t need. Magkayakap at magkatabi kayo buong gabi.
Alas nwebe na ng umaga ng magising ka, pag bukas ng mga mata mo at agad sumalubong sayo ang sinag ng araw. You find yourself alone sa kama. Napaupo ka at tumungin ka sa paligid. 
“Hindi ko to kwarto” mahinang sabi mo sa sarili mo, napatigil ka naman sa pag unat ng mag sink in sayo kung nasaan ka at kung ano ang nangyari kagabi. 
Agad namang namula ang pisngi mo at nakaramdam ng kilig. Tangina ang aga aga
You reached out to your phone at nakita mong may iilan kang message from your friends. 
From: Joy
Gaga ka talaga, happy landi! Wag mong kakalimutan na you have class sa tanghali. 
From: Chi
Gm bestie <33 balita ko di ka daw umuwi. Edi sana all may dilig.
Tuluyan namang nagising ang diwa mo sa text ni Joy. Shit, you have anaphy class mamayang 11 pm at heto ka naka hilata pa din sa kama ni Haechan. Nag bihis ka at dahan dahan mong binuksan ang pinto palabas ng kwarto. 
Pag dating mo sa kusina ay agad na tumumbad sayo si Haechan na nakatalikod, Napangiti ka naman kasi you know you made the right decision nang makita mo siya nag luluto ng almusal. 
“Hey” mahinang bati mo sakanya. Napalingon naman si Haechan at ngumiti. Itinigil niya muna ang ginagawa niya at binigyan ka niya ng tubig. 
“Hey good morning, you good?” He said at hinalikan pisngi mo. 
“Medyo dry at masakit lang lalamunan ko but im okay” 
“You screamed my name non-stop kagabi, no wonder masakit lalamunan mo” he said with a smile. muntik mo na mabato sakanya ang baso
“Haechan! Ang aga aga” sigaw mo sa kanya at tinawanan ka lang niya. Pinaupo ka niya sa lamesa at nag almusal na kayo. The two of you talked about random things about each other hanggang sa biglang nagtanong si haechan
“So…why didn’t you called me?” Napatigil ka naman sa tanong niya. 
“Bakit? Hinihintay mo ba ako?”
“I did, so bakit nga?”
“Nahiya ako, and ano gusto mong bungad ko sayo? Hi Haechan it’s me yung naka momol mo sa pool” 
“Well tama naman?” He teasingly said.
“Shut up, andito na ako sa harapan mo okay” sabi mo at inirapan siya. 
After niyo kumain ay nag handa ka na umalis, you told him na may pasok ka today. 
“Hatid na kita”
“Nakakahiya, wag na”
“Baka malate ka if nag commute ka kaya tara na” Makakatanggi pa ba ako?
Bago ka pumunta ng school ay nagpadaan ka muna sa condo mo para kunin ang ibang libro and to your surprise nakasalubong niyo ni Haechan ang Mama mo. Naestatwa ka lang ng makita mo siya palabas ng elevator. Huminga ka ng malalim ng makita mong papalapit ang mama mo sainyo. 
“Sabi nila umalis ka daw sa- oh? Hijo!” Agad namang napansin ng mama mo si Haechan. Ngumiti si haechan at binati ang mama mo. 
“Hi po tita!” Masayang bati nito. Agad mo namang siniko si Haechan, hoping na tumahimik muna siya. 
“Ah ma-” naputol ang sasabihin mo nang nagsalita ulit mama mo. 
“Hijo magkakilala pala kayo ng anak ko, what a coincidence!” Haechan side eyed you bago sumagot. 
“Common friends po tita” he calmly said.
“I see pero bakit kayo magkasama ng anak ko ng ganito ka-aga?” Mama sorry huhuhu
“Mama ano kasi-”
“Nililigawan mo ba anak ko?” Deretchong sabi ng Mama mo nagulat ka naman dahil Haechan is definitely not courting you. Tinapik mo ang Mama mo at pinanlakihan mo ng mata
“Mama ano ba! hindi no magkai-”
“Kung papayagan niyo po ako ng anak niyo at syempre kung papayagan niyo din po ako tita. Manliligaw po ako”
End.
101 notes · View notes
annexca · 2 months
Text
#176 Simbagal ng pag-unlad ang daloy ng trapiko Matinding sikat ng araw pati init ng mga ulo Likod ng usok ay silipin, habang nakatengga Baka mamataan, pakupas nang pag-asa Mga pusong nag-aapoy sa pag-aaklas Siniguro ang unang payapang rebolusyon Patunay na masa ang mas malakas Sandaling pinahanga ang buong mundo Diwa ng nakaraan ay ating buhayin Aral ay baunin, kamalia'y 'wag ulitin Mga taksil ay huwag nang sasambahin pa Yakapin kapangyarihan na 'di mananakaw - EDSA
Tumblr media
5 notes · View notes
xxtiinneee · 1 year
Text
As someone who is soooo impulsive, hindi ko na maantay mag monday naiwan ko kasi vape ko. At kahapon pa naghahanap ng usok baga ko. Kaya nagpalalamove nalang ako kahit na sobrang mahal ng delivery fee 😮‍💨
14 notes · View notes
storkmuffin · 1 month
Text
the idea of being able to fake an id to gain entry to the us stresses me THE FUCK OUT as a person who spent TONS of time and money and anxiety going through alllll of the visas - diplomatic dependent visa, visitor visa, student visa, h1b visa, and now for Koreans, the expedited visa free registration. (I'm glad riley made it to the USok)
6 notes · View notes
huminahon · 1 month
Text
Solid din yung init ngayon, nakapagbilad ako ng mga unan, tas natuyo agad mga linabahan kong bedsheets. Ang galing din ng instinct ko, pagkasamsam ko ng mga bedsheets, saka nagpa-usok si papa nung iniihaw nya hahahaha tas yun mga unan naman lutong lutong sa araw hahaha yun tipong kapag pinalamanan mo ng dough sa pagitan ng unan e magiging tinapay na hahahahah
5 notes · View notes
biyahengpinas · 2 months
Text
Pagtuklas sa Yaman ng Kasaysayan at Kultura sa Unibersidad ng Santo Tomas
Sa mapangahas na byahe patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas, hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan. Marahil may mga kuwento akong narinig mula sa mga kaibigan at nabasa sa social media tungkol dito, ngunit may sariling bagay na dala ang bawat paglalakbay.
Nang huminto ang bus sa tabi ng kalsada, agad akong sinalubong ng init at usok mula sa iba't ibang sasakyan. Isang maalinsangan na umaga sa isang lugar na inakala ko lamang noon sa mga litrato.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas, o kilala bilang "UST," ay isa sa pinakamatandang unibersidad na matatagpuan sa Pilipinas, partikular sa lungsod ng Maynila. Ito ay hindi lamang isang lugar ng pag-aaral, kundi isang saksi sa kasaganaan ng kultura at kasaysayan ng bansa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sa aking paglalakbay sa unibersidad, nasaksihan ko ang yaman ng mga gusali at mga tanawin na nagpapakita ng diwa nito. Isa-isa kong binisita ang mga espasyong itinuturing na mahahalagang bahagi ng institusyon. Sa bawat hakbang, marami akong natuklasan at naranasan.
Una kong pinuntahan ang Santísimo Rosario Parish Church, kung saan nadama ko ang katahimikan at kapayapaan. Ang pagtungo sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pagkakataon na magbigay-pugay at magpahinga, na nagpapalakas sa aking pananampalataya at pananaw sa buhay.
Tumblr media
Pagkatapos kong libutin ang buong simbahan, napadpad ako sa UST Museum of Arts and Sciences. Dito, napusuan kong masdan ang mga likhang-sining at artipakto. Nakapupukaw ang bawat eksibit dito na nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating natatanging mga kayamanan.
Tumblr media Tumblr media
Nang lumabas ako sa museo, napansin ko ang UST Plaza Mayor, kung saan matatagpuan ang UST Tiger Statue na madalas puntahan ng maraming tao. Ang pagtayo sa harap nito ay hindi lamang isang pagkilala sa simbolo ng paaralan, kundi isang pagsasalamin din ng aking sariling lakas at determinasyon na harapin ang mga hamon ng buhay.
Tumblr media Tumblr media
Pagdating ko sa Arch of the Centuries, ako ay talagang bumalik sa nakaraan at naantig sa kahalagahan ng tradisyon at simbolo ng unibersidad. Para sa akin, ang arko ay nagpapakita ng tagumpay at pagpapahalaga sa kasaysayan ng paaralan.
Tumblr media
Sa bawat lugar na aking pinuntahan sa Unibersidad ng Santo Tomas, nadama ko ang kahalagahan ng kasaysayan at kultura. Ang bawat espasyo ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-unawa sa ating yaman bilang mga Pilipino. Ang bawat gusali ay may sariling kuwento at kahalagahan, naglalarawan ng pagiging isang Pilipino, at pagtitiwala sa misyon ng paglilingkod sa bayan at sa Diyos.
Sa kabuuan ng aking paglalakbay sa unibersidad, hindi lamang ako namangha sa mga gusali at tanawin, kundi ako rin ay nabighani sa diwa at identidad ng lugar. Ang bawat hakbang ay isang paglalakbay sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa na maging bahagi ng pagpapalaganap at pagpapahalaga sa yaman ng ating kultura.
Tumblr media
Kung naghahanap kayo ng isang lugar na hindi lamang nagbibigay ng magandang tanawin, mairerekomenda ko ang Unibersidad ng Santo Tomas bilang isa sa mga makasaysayang destinasyon na dapat puntahan. Ang mga karanasan ko rito ay hindi pangkaraniwan at nagbigay sa akin ng malalim na pag-unawa at inspirasyon.
Mga Sanggunian:
University of Santo Tomas. (2023, September 8). History - University of Santo Tomas. https://www.ust.edu.ph/university-history/
The Varsitarian. (2023, September 28). UST breaks into 2024 THE World University Rankings. The Varsitarian. https://varsitarian.net/news/20230928/ust-breaks-into-2024-the-world-university-rankings
3 notes · View notes
whooolaanmo · 4 months
Text
Tumblr media
back to normal
🤣🤣🤣 Tapos na Coco Festival balik trabaho na ulit buong San Pablo, dapat matapos ako ng 11:30 am para makauwi pa ako sa bahay tas may lakad ulit ako mamaya hapon pagabi na, apaka busy nanaman ng ferson 🙋🏻‍♀️ 🤣🤣🤣.
Napakatrapik pa rin doon sa kantuhan sa amin napabalita naman kahit ano tv station yung Oil Mill sa Laguna ayon may mga apoy usok pa rin kasi koprahan nga kasi.
Jan. 17, 2024 10:55 am
4 notes · View notes
undercaffeinatedsoul · 8 months
Text
Kape at Ikaw
Nangingilid ang mumunting butil ng luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang usok ng kape na sumisingaw nang mahinay sa ibabaw ng tasa. Pinapaalala nito sa akin ang unang beses na nakasama kita sa kapehan kung saan mismo ngayon ay nakaupo akong mag-isa.
Aking nagugunita. Makulimlim ang kalangitan at panakanaka ang ulan noong ako’y iyong inimbitahan. (Dahil sa kundisyon ng aking kalusugan, iniiwasan ko talagang uminom ng kape dati, ngunit para lang makasama ka, tinraydor ko ang aking sarili.)
Dalawang tasa ng mainit na kape, para sa iyo at sa akin. Sa lamesang maliit, ang ating mga kamay ay di naiwasang magdikit. Kalahati pa lamang ang aking nainom nang may naramdaman akong kakaiba.
Bahagyang nanginig ang aking pakiramdam, tibok ng puso ko’y bumilis na parang kinakabahan — hindi ko sigurado kung iyon ay epekto ng mapait na kape, o epekto ng matamis mong ngiti.
Ang masamang dulot ng kape sa akin ay hindi ko alintana, tila isang bisyo na ang tanging hatid ay lubos na ligaya. Nang dahil sa kape, naging madalas ang ating pagsasama, at ang pagkakaibigan natin ay mas lumalim pa.
Subalit, isang araw ikaw ay aking nadatnan, may kasama kang iba dito sa kapehan. Ipinakilala mo siya sa akin bilang iyong kasintahan. Buhat noon, hindi na kita muling nasilayan.
Dahan-dahan nang gumugulong sa aking mukha ang mumunting luha. Pinagmamasdan ko pa rin ang kape na ngayon ay wala nang usok na isinisingaw. At dahil hindi na ako nauuhaw, tatalikuran ko na ang aking bisyong kape at ikaw.
31 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 4 months
Text
3. Lahat tayo'y maaagnas, ang tanong ay kailan, Pagtatala ko sa mga unang araw ng kuwarentina. Tila pagtatakda ko na rin ito sa sariling mortalidad. Biro ko nga, handa akong mamatay, hindi lang ako Handang gumastos. Kaya sinimulan kong sumunod Sa mga palabas sa internet na magpapalakas ng katawan, Mga ehersisyong magpapabaskog sa baga. Humigop Ng salabat imbes na kape. May hiniwang limon Sa pitsel ng tubig. Nagkulong sapagkat ito ang kailangan Kahit sa loob ang kumukulong pagnanasang makalaya. Hinayaan ko nang maubos ang baterya ng orasan sa dingding. Hindi na rin pinilas ang mga dahon ng kalendaryo. Madalas, natatanaw ko ang pagpapalit-liwanag Ng langit sa pagdaan ng mga mayang-pula: hila-hila Ang awit ng lunggati ng lungsod na makalayo. Minsan, Nagsusuot ako ng sapatos kahit alam kong wala akong Pupuntahan. Magtatakbo sa loob ng bahay para sa ilusyon Ng paggalaw. Nililito ang nakangangang pinto't Dilat na dilat na bintana. Balisa nang humihinga ang mga kalsada. Katulad din natin sila na hinahanap ang malutong Na pagtapak ng mga takong, ang biglang-kapit Na bakas ng mga gulong matapos ang pagpreno. Napapabalikwas sa tuwing may humahagibis na sasakyan. May isinisilang na ginaw sa tuwing pinapaalalahanan Na bawal, bawal ang maghawak-kamay. Araw-araw May nadadagdagan sa mga tantos sa pisara ng kamatayan. Tumatalas ang ating ilong sa bawat sumusundot na usok, Tinitiyak na hindi ito mula sa natutupok na katawan. Ang lamig na nasa dibdib ay unti-unti nang nagiging Kumpol ng yelo at wala kahit na anong init ng mga palad Ang makatutunaw dito. Buhay pa kami pero Para na rin kaming nakalibing.
Enrique Villasis, mula sa "Crucifixion (Unfinished)" sa Manansala (University of Santo Tomas Publishing House, 2023)
5 notes · View notes
ligayangdala · 2 years
Note
last na for tonite (ata!!)
bf!jeno kapag inasar mo siya habang kasama mga kaibigan niya by wearing tiny shorts and a tube top. ang hot tangina like, sampalin mo puke ko ako pa magsosorry aking daddæ 😵‍💫😵‍💫
— 🧃
NSFW TWT
"kamay sa likod, baby" paalala ni jeno habang pinaglalaruan ang puke mo, deserve mo bang maparusahan ngayon? para kay jeno, oo. pumunta kasi mga kaibigan niya ngayon dahil bumili ng bagong laro si jeno, pero nabadtrip ito nang lumabas ka sa kwarto niyong dalawa na parang exposed na exposed ang buong katawan mo. halos kita na pwet mo, pinartneran mo pa ng tube top na sobrang nipis, halatang halata na 'yung nipples mo. kung isang cartoon si jeno, malamang kay nagbubuga na ito ng usok sa ilong at tenga niya sa sobrang inis. hindi mo pa ata nabasa ang mukha niya at talagang lumapit ka pa sakanilang lahat, kaya naman napatingin ang buong tropahan sa'yo. kung anong suot mo ngayon, dapat para sa mata lang ni jeno ito.
"ano 'yun, ha? nagpapapansin ka sa mga tropa 'ko?" sabi niya, nararamdaman mo ang magaan na palo niya sa puke mo. "sagot."
"hindi ko sinasadya..."
"ahh, hindi mo sinasadyang iparada 'yung katawan mo sakanila..." lahat na ng buhok sa katawan mo ay tumayo, sobrang kalmado ni jeno kaya kinakabahan ka at sabay pa nito ang palalaro sa'yo. onti-onting bumibilis ang pag galaw ng kamay niya, nararamdaman mo na rin na malapit ka na labasan pero naudlot 'to nang bigla niyang tanggalin ang kamay niya. "you don't deserve to cum, alam mo ba 'yun?"
47 notes · View notes
octoberautumnbox · 5 months
Note
Hmm Yuri visits PH for the so good, so clean experience? Haha
teh satrew lng,,,,, ndi cguro nya magugustuhan d2 wahahaha ang inet tsaka ang usok bka masaksak pa bigla tsaka ang chaka kaya ng mga lalaki rito 💀💀 dun nlng sha sa korya malamig pa
3 notes · View notes
fujianvenator · 1 year
Text
me sticking my face up close to an active grill para singhotin yung usok na amoy inihaw
Tumblr media
7 notes · View notes
kimhortons · 1 year
Text
medyo sunod sunod na naman atake ng hika ko ngayon, siguro nga may triggers din ako sa pagkain. HS na ko nagkaron nito—since nagkaron nga ako ng lung disease non and simula bata ako, may primary complex na ako—pero until now di ko pa kabisado yung ibang triggers ko, lalo na sa pagkain. nakaka trigger din pala nito yung mga bagoong at tuyo? panay yun kasi inuulam namin dito. e mahilig naman din ako sa bagoong at tuyo kaya sige lang din ako. ayun, hindi rin nawawala yung wheezing ko kaya bumili na naman tuloy kami ng gamot at inhaler ko. pero feeling ko lumalala lang siya.
may napanuod pa ako sa Youtube about sa pag gamit ng albuterol. sabi kasi ng doctor nun, 2 puffs a day. kaloka haha. e 2 times in one week lang pala dapat 'to. sinabi narin nung driver samin dati na di raw maganda 'to kasi nakakalala lang. pero siguro lalala lang siya kapag mali yung gamit. kaya sinearch ko kung tama ba yung pag gamit ko. buti nakita ko 'to.
tsaka di naman na ako masyadong nag pupuffs, kapag hirap lang talaga ako huminga at may wheezing. ayaw ko rin kasi ng feeling nito minsan, kahit nga yung montelukast na prescribed sakin na gamitin for 30-60 days every night, di ko sinunod. haha. medyo masakit kasi sa ulo kapag sunod sunod, tsaka parang masyadong mahaba tulog ko kapag nagti-take ako nun. usually 7 days ko lang siya tinitake, or hanggang sa mawala na yung wheezing.
pero sure ako sa mga triggers ko; alikabok, kaya araw araw talaga ako nag wawalis at lampaso dito sa kwarto ni J since mas madalas akong nakatamabay at nagwowork dito sa kwarto. usok, may mga times din kasi na sobrang lakas din ng apoy ni tita kapag nagpriprito ng ulam lalo pag isda, dun talaga ako inaatake. tsaka yung amoy ng katol sa kwarto nila umaabot dito sa kwarto ni J, kaya balak niya ipaayos 'tong kwarto papasementohan na yung dating pinto dito na papunta sa kwarto ni tita, tsaka lalagyan ng kisame.
yang dalawa lang naman talaga mas malala ang trigger sakin. sa pagkain lang talaga di ko pa masyadong kabisado. kaya pala yung pinsan ko before, na may hika rin pati yung anak niya, pinapahinay hinay rin ako sa chocolate kasi nakakahika nga daw pag sobra. di naman ako masyado mahilig sa matamis kaya keri lang pero oobserbahan ko next time.
11 notes · View notes