Tumgik
#santa ng kasalanan
lakanamihan · 1 year
Text
Santa ng Kasalanan
Anne
Walang ulo ang bangkay ng kapatid ko nang inilibing ito, kaya iniukit na lang namin ang mukha niya sa nitso.
Itong puting marmol na ito ang naging himlayan niya walong taon na ang nakakaraan. Dito siya nagpahinga at namalagi simula noon. Naririnig ko pa rin sa aking tainga ang sarili kong mga iyak na parang ibang tao ang may gawa. Si Mary, tumatakbo papalayo sa akin; ang mga kamay kong nakabitin sa ere na nanggaling sa pagkakabitaw. Nararamdaman ko pa ang hapdi sa dibdib ko na parang bukas na sugat.
At higit sa lahat, ang sundang sa kanyang leeg.

Maagang pumasok si Mary dahil kasama siya sa mga mag-aasikaso para sa General Assembly ng bagong school year bilang miyembro ng SSC, kaya hindi niya kami kasabay pumasok ni Lilianne, ang bunso namin.
Sa aming tatlong magkakapatid, si Mary talaga ang pinaka-independent. May sariling mundo daw talaga ang mga panggitnang anak, kaya siguro ganun.
Hawak ko ang kamay ni Lillianne nang parahin ko ang tricycle. At kahit nakasakay na kami, hawak ko pa rin ang kamay niya. Paborito yata ako nitong batang ito at ayaw mahilaway sakin. Ilang taon din ang agwat namin magmula kay Mary. Ako, disi-otso, nasa huling taon na ng high school; si Mary na labinlimang taong gulang, at si Lilianne na edad sampu.
Hanggang makababa na kami, magkahawak-kamay pa rin kami ni Lilianne. Nakasalubong namin si Ms. Anderson at sinabihang bilisan na namin dahil malapit nang magsimula ang assembly, at nasa loob na raw si Mary kasama ng ibang SSC.
Karaniwang araw sa karaniwang umpisa ng taon. Iyon lang dapat ang mangyayari. Hindi ko alam pero nag-iba na pala ang ihip ng hangin sa paaralang ito.

Academia de Sta. Magdalena ang pangalan ng eskuwalahan namin. Isang sectarian school sa isang sectarian government. Pinapalakad ito ng mga miyembro ng samahan na kilala lang namin bilang Kalipunan. Mula sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno hanggang sa pinakamababang klase ng mamamayan, lahat iisa lang ang sinusunod na pamamalakad—ang pamamalakad ng Kalipunan.
Asul na palda at puting blouse ang kulay ng uniporme ng mga kakabaihan sa Academia. Sa mga kalalakihan, itim na pantalon at puting polo. Ang mga babae, maiikling hanggang babâ ng tainga ang haba ng buhok, sa mga lalaki, dapat ding maikli at malinis. Si Sta. Magdalena ang patron na sinasamba ng Kalipunan, ng mga mamayaman, ng mga magulang namin, at bilang ekstensyon, pati na rin naming mga estudyante.
Pagkatapos kaming kausapin ni Ms. Anderson ay dumiretso na kami sa covered court. Sinalubong ako ni Emma, ang classmate at best friend ko, morena at medyo maingay dahil mabilis ma-excite. Ang malaki niyang ngiti ang sumalubong sa amin.
"Anne! Halika, ni-reserve ko na yung upuan mo. Katabi ni TJ," sabay hila ni Emma sa kamay ko, dahilan para mahila ko rin ang kamay ni Lilianne.
"Tara, Lily, dun ka na rin umupo banda sa'min," dagdag niya pagkakita sa kapatid ko.
Sa upuan malapit sa exit kami pumwesto, katabi ko nga si TJ. Sabi nila may gusto daw sakin itong classmate namin na ito pero hindi ko naman maramdaman, kaya binabalewala ko na lang. Sila Emma lang ang natutuwa kapag tinutukso nila kami.
Maingay pa ang mga estudyante. Wala ang mga SSC. Napansin ko, sa paligid ng court, may mga taong nakahilera na nakatalukbong ng puting saklob ang mukha at ulo, nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon ang mga ito. Lahat sila lalaki.
Maya-maya ay may babaeng tumayo sa stage kung saan dapat magsasalita ang mga speakers sa araw na iyon. Nakasimpleng pambahay na damit siya, lumang sando at maong na shorts. Maikli ang buhok niya. May hawak siya sa kaliwang kamay na hindi masyadong kita kung nasaan kami, nakatago ito sa gilid niya. Ang kanang kamay, may hawak na sundang, duguan.
"Malapit na siyang magbalik!" pasigaw na kinuha niya ang atensyon namin. Parang malapad na kumot ang katahimikan na bumalot sa lahat nang bigla itong bumagsak sa amin. "Kaya magsisi na kayo bago pa mahuli ang lahat!
"Nagpakita siya sa akin! Oo! Ang Diyos na Makapangyarihan! Isinugo niya ako upang ipakalat ang mensaheng paparating na siya! Kaya magbago na kayo at lumayo sa mga tukso—ilayo niyo ang bawat isa mula sa kasinungalingan ng mga taong huwad at palalo!"
Kasabay ng mga katagang iyon ang paglahad niya ng hawak sa kabilang kamay—ulo ng lalaki, kulay ube na sa namuong na dugo.
Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko. Isa itong kaso ng spiritual psychosis. Habang lumulutang ang isip ko dahil sa mga nangyayari ay tuloy sa pagpapaliwanag ang babae.
Ulo ng doktor ang hawak niya. Doktor na palalo. Doktor na walang Diyos. Doktor na naniniwala sa siyensiya at kung anu-ano pa. Doktor na walang pinaniniwalaan.
"Ngayon, kailangan ko ng tulong niyo. Kailangan maligtas tayong lahat. At maliligtas tayo sa ating pananampalataya. Kailangan nating magkaisa..."
Masama ang kutob ko... Alam ko kung paano magpatakbo ang kalipunan. Hindi pa man niya sinasabi ay alam ko na ang hinihingi nila—isang alay mula sa amin.

Mary
Tumakbo si Mary papasok, malapit sa exit kung saan kami nakapwesto. Hawak niya ang anak niyang wala pang anim na buwan, at nang makita ako ay agad itong ibinigay sakin.
"Ate," maluha-luha siya habang ipinapasa sa akin ang anak. "Alam kong makasalanan ako. Patawarin mo ako sa lahat ng mga naging kasalanan ko. Huwag mong pababayaan ang anak ko."
Bumagal ang mundo kasabay ng pagbigat ng dibdib ko. Napuno ako ng takot. At lungkot. Nakita ko si Mary na pumunta kung nasaan ang babaeng may hawak ng sundang at ulo. Nakita ko kung paanong magmakaawa si Mary na siya na lang ang kunin, kung paano siya humingi ng tawad. Nakita ko kung paano nagsihiyawan at lundagan sa tuwa ang mga estudyanteng nailigtas ni Mary sa araw na iyon. Nakita kong itinaas ang sundang, puno ng natuyong dugo, para lang idikit sa leeg ni Mary. Matagal at nakakahindik kung paanong nilagare ang ulo ng kapatid ko mula sa katawan niya.
Hindi ko na naririnig ang hiyaw ko. Ang kapatid ko. Huwag ang kapatid ko. Bakit? Huwag ang kapatid ko...
Kulog na lang sa dibdib ko ang boses ko, hindi na tunog. Sa dagsa ng mga nagsisigawang kabataan, nandoon ako, yakap si Lilianne sa bewang ko, ang pamangkin ko sa aking dibdib, si Emma na nakayakap sa akin, pati si TJ, tuliro at bakas ang takot sa mga mata.
"Aalis ako." Gusto kong tumakbo at tumakas pero pinigilan ako ni TJ, at sabay turo sa mga nakapilang lalaking walang mukha sa gilid.
Hindi pwede.
Wala na akong nagawa kung hindi umiyak na lang. Tahimik na umagos ang luha ko, wala na ang mga sigaw. Humupa na rin ang selebrasyon. Umalis ang sugo ng Diyos, kasama ng kalipunan.

Ang mga mesiyas hindi batas. Sila ang mga tunay na alay na tupa. Sila ang mga isinasakripisyo ng Kalipunan. Isa lang siya sa mga ordinaryong babaeng ginamit na kasangkapan sa mga pagpatay.

Hindi na namin nabawi ang ulo ni Mary, dahil ginagamit itong pagpapatunay ng Kalipunan sa mga sakripisyong ginagawa nila. Ginawang tropeyo ang pagkakakilanlan ng kapatid ko, na hindi man lang nila mabigyan ng pangalan. Mga Ulo ng mga Makasalanan. Mga patunay na tinutubos ng Diyos ang mga hindi naniniwala.
Mabuting tao si Mary. Hindi niya dapat pagdusahan nang ganoon ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad. Anong parusa ang ipapataw sa tumubos sa buhay ng ina ng sanggol na walang gagabay at mag-aaruga?

Lily
Dumiretso na ako sa kulungan pagkagaling ko sa puntod ni Mary. Pagkatapos ng masalimuot na pagbalik sa nakaraan, kakaharapin ko naman ang mapait kong kasalukuyan.
Pagdating ko ay pinasadahan ako ni Hepe ng mga nakatakdang mangyari sa araw na iyon. Hapon ang oras kung kailan bibitayin si Lilianne, may ilang oras na lang ako para makausap siya.
Hindi ko alam pero halos mapuno ang isip ko ng amoy ng kalawang, malansang hangin ng mga selda, at mapanghusgang mga ilaw. Hindi ako pinayagang tumuloy sa selda ni Lilianne. Nakaupo lang siya sa bakal na upuan na nakakabit sa pader.
Labingwalong taong gulang na siya ngayon, gaya ng edad ko noong magsimula ang lahat ng ito. Pareho pa rin ng gupit niya noong mga estudyante pa rin kami. Hindi tulad kong humaba na nang humaba ang buhok hanggang sa bewang, minamarkahan ang bawat paglipas ng taon, ipinaaalala ang mga nawalang hindi na maibabalik pa.
Nakasuot si Lilianne ng mahabang puting damit, pinili niya ito at ipinakiusap na iyon ang ipasuot sa kanya sa araw na ito.
"Kamusta na, Doktora?"
"Lily, bakit? Nandun ka nung araw na 'yon. Nakita mong pinugutan nila si Mary. Bakit mo nagawang sumapi sa kanila?!"
"Hinayaan mo siyang mamatay!"
"Kung pinigilan ko siya, kayong dalawang bata ang mapapahamak!"
Hindi ko alam kung paano niya naisip na ang pagsali sa Kalipunan ang solusyon sa mga naging problema namin. Hindi ko alam kung paano niya naisip na makakahanap siya ng hustisya sa mismong mga taong nakikinabang sa kawalan nito.
"Nakinabang ka lang din. Iniligtas mo lang rin ang sarili mo sa pananahimik mo," sumbat ni Lilianne sa akin.
"Pero hindi ako pumatay ng tao, Lily."
Simula nang mamatay si Mary, nagkaroon ng kakaibang obsesyon sa kalipunan si Lilianne. Subsob ako sa pag-aaral sa kolehiyo at pag-aalaga sa pamangkin namin kaya hindi ko na siya masyadong naintindi. Lagi lang rin naman siyang hindi kumikibo. Inisip kong nagluluksa lang siya.
Pero nang ilang taon na ang lumipas, tuluyan nang lumayo ang loob namin sa isa't isa. Inisip ko na lang na tulad ko, sa pag-aaral na lang niya ipinapamanhid lahat ng sakit na hinding-hindi na mawawala pa.
Akala ko ganun lang. Pero isang araw, hindi na umuwi sa amin si Lilianne. Nalaman ko na lang na tuluyan na siyang sumali sa Kalipunan, at siya na ang pinabagong mesiyas ng mga ito. Hawak na niya ang sundang. Hawak na niya ang mga ulo. Ilang beses kaya niyang nadaanan ang ulo ni Mary? Ano kaya ang naramdaman niya nang makita niya itong muli makalipas ng ilang taon.
Sa mismong araw ng ika-labingwalang kaarawan niya ginanap ang unang pagtubos—ang una niyang pagpatay. Pagkatapos pa ng ikaapat na biktima bago siya hinuli ng mga awtoridad. Pakiramdam ko isa rin siya sa mga biktima. Walang ibang pangalang binitawan si Lilianne, wala siyang gustong isuko.
Pinili niyang saluhin lahat ng parusa.
"Ikaw ang uuwi, Lily. Hindi ko pwedeng dalhin ang bahay natin papunta sa'yo," giit ko. "Pero hindi ka umuwi. Kahit kailan hindi mo sinubukang bumalik. Wala akong magagawa kung ayaw mo na sa'min."
"Hindi mo ako iniligtas," sumbat ni Lilianne.
Kinuha ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang litrato ni Marianne, ang anak ni Mary. Pitong taong gulang na siya sa sa larawan, mahaba ang hanggang bewan na itim na buhok tulad ko.
Tumayo ako para umalis. Pero bago iyon, ay muli kong tinitigan ang kapatid ko, at namaalam sa kanya sa huling pagkakataon.
"Sana man lang naging masaya ka sa mga pinaggagawa mo. Sana masaya ka sa lahat ng mga kinuha mo, gaya ng pagkuha nila kay Mary mula sa atin. Sana nakaranas ka ng kapayapaan, dahil 'yan ang hindi na namin mararanasan dahil sa inyo."
"Sa kanya ka nagkasala, Lily. Sana naibigay sayo ng mga taong pinili mo ang hustisyang hindi niya mararanasan."
Iniwan ko ang kapatid ko sa seldang iyon. Hindi ko na balak masaksihan ang isa pang pagpatay sa isa ko pang kapatid.
Suko na ako. Kailangan ko pang bunuin ang mga natitirang araw ko sa mundo nang hindi nalalaman kung saan hahagilapin ang mga nawawalang tao, nawawalang koneksyon.
Hangga't hindi ko pa sila mahanap, hahayaan ko na munang lumipas ang mga susunod na araw.

Author's note: Napanaginipan ko to 😭 as in buong plot, pati yung pag-unfold ng story, pati mga dialogue. I felt a sense of hopelessness nung magising ako. Gusto ko i-try i-encapsulate yun kapag isinulat siya. I hope ganun nga yung naging effect.
0 notes
mammoney025 · 1 year
Text
there's this person, who once had been my very best friend, my sister. She was supportive of me, compliments me and all. But then I noticed a sudden shift with her. She felt...distant? Yea, distant. Ever since she had her lover, she rarely talks to us, rarely bonding with us. Kung kailan na nandiyan na siya, it irritates me when she would shift the topic sa kanya, as if she own the spotlight. Magsasalita ako, she would cut me off, saying 'btw, perfect ako sa exam ko' when clearly they're asking me my whereabouts since it's been a few weeks na hindi ako nag paparamdam. Nung sinabi ko lang na I ghosted someone, bigla na lang siyang magsasabi ng 'ang redflag mo talaga, dinaig mo pa si santa claus, ang dami ng list' you don't know how I kept up with that person's bs na I'd want to leave them, ghost them but no, it hurts. Hearing that from your best friend, it hurts. So I snapped at ger, but she edge me on, akala niya kasi nakikipagbiruan na ako and shits but fuck, nagagalit ako. Pero pag pinakita ko galit ko, ako na naman magmumukhang may kasalanan? Tapos siya yung tatakbuhan? Wow ha. You know what, I want to leave.
7 notes · View notes
piouscatholic · 2 years
Text
𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐬𝐢𝐠 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨
O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.
𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐡𝐢𝐤 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨
1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐓𝐚𝐲𝐨
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.
𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀,
𝐈𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈!
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Tumblr media
0 notes
falseq0d · 3 years
Text
movie date 🍿 | the grinch
who would’ve thought that i’d cry my ass out on this film! hindi ko rin alam pero felt a familiarity on this. it hits home kaya siguro sobrang naiyak ako. inaasar pa nga ako nila mommy, sabi ang tanda tanda ko na (grabe sa tanda tanda) pero kung umiyak ako sa ganyang palabas wagas daw. si elise nga raw dinaig ako HAHAHAHA bastos amputa. it’s so great na napanood ko ‘to kasi before, curious na ako kung bakit ayaw ni mr. grinch sa christmas. like ano ba kako meron sakanya. ‘tas ‘yun pala the reason why he hates christmas is because when he was a child, he spent it alone in the orphanage. gulat nga ako kasi orphan pala siya. ayun he felt extremely sad before. nung pinapakita nga yung clips ‘nun ni mr. grinch, naluluna na ako. kasi nakakarelate ako dun sa feeling nung loneliness ‘pag christmas. lalo before! nung wala both parents ko dito. alam mo yung even though may kasama ka, hindi mo talaga maramdaman yung festivity na dala ng christmas. anyway back to the film, nagsimula yung story nung nag-plan na mismo si mr. grinch ng paraan to stop the christmas from their village. so ayun he decided to disguise as santa claus and then kukunin niya lahat ng related sa christmas from each household. inaral niya yung anatomy ni santa claus, tapos kumuha siya reindeer! nako super cute nung reindeer na yun ang taba. si fred HAHAHA natatawa ako nung una kasi nung may ginamit si mr. grinch na pangtawag ng reindeer, goat yung lumapit sakanya ‘tas nakakatawa yung “mehhhh” 😂 eto itsura ni fred:
Tumblr media
and then after niya makakuha ng reindeer, kinuha niya yung sleigh ni bricklebaum! si bricklebaum according to mr. grinch yung most jolly person sa whosville. by the way, kung akala niyo sobrang cute ni fred, mas cute sakanya. si max!! HUHUHU
Tumblr media
MY LOYAL BOY 😭 MAX DESERVES THE WHOLE WORLD!! sobrang cute niya as in grabe talaga nakakagigil. lalo nung nag puppy eyes siya huhuhu 🥺 the cutest dog ever. naiyak nga ako nung binigyan siya ni mr. grinch ng laruan as a gift :( tuwang tuwa siya huhu
anyway nag succeed naman si mr. grinch until nung dumating siya sa bahay ni cindy lou. si cindy lou, may plan kasi siya na i-trap si santa claus tapos kausapin niya personally. eh kasalanan din ni mr. grinch kasi siya nagbigay nung suggestion na ‘yun eh HAHAHAHA :( naiyak ako dun sa wish ni cindy lou though :( sabi niya she wants to wish happiness for her mom. kasi alam niyang nahihirapan pero hindi nag-aask ng help. naiyak ako kasi alam mo ‘yun bata si cindy lou ‘tas nakikita nya hirap ng mom niya :( nakakasoft HAHAHA. so ayun, pagpunta ni mr. grinch sa bahay nila cindy lou, na-trap siya. ‘tas nag-usap sila ni cindy lou hahaha may sinabi si cindy lou kung bakit masaya feeling ng christmas eh. yung when you close your eyes ‘tas lahat daw kayo kumakanta, nararamdaman mo talaga siya. medyo nasosoft na nga si mr. grinch that time kaso pinigilan lang niya.
ngayon kinaumagahan syempre gulat lahat ng tao sa whosville kasi nawala lahat ng decorations. na-sad si cindy lou. sinisisi niya sarili niya, siya raw reason bat nawala lahat ‘yun. gusto lang naman daw niya magwish kay santa na magkaroon ng happiness yung mother niya. ‘tas although i saw this coming naman na, ang sabi nung mother it’s okay lang daw kahit walang christmas decorations or anything dahil ang christmas ay nasa heart. tapos okay lang daw yun dahil happiness niya si cindy lou 🥺😭 naiyak pa rin ako kahit napredict ko na HAHAHAHA POTA. ‘tas ayun bigla dumating si mr. grinch sa whosville ‘tas inamin niya na siya raw ang may kasalanan talaga dahil ang sad lang daw talaga for him nung nangyari before. parang nag-open up siya sa mga villagers. tas after that, may nakuha siyang invitation mula kila cindy lou. ‘tas ayun putaena dito na ako umiyak dire-diretso. nung pagpasok ni mr. grinch kila cindy lou hanggang ending ng film. di ko alam kung tears of happiness or sadness pero baka both. ang nice kasi sa feeling na maramdaman mo talaga yung true spirit ng christmas, yung complete talaga kayo na nagcecelebrate. kaya siguro ako naiiyak kasi it’s been years since nacomplete kami nung christmas. very close to home ang feeling HAHAHAHA im such a cry baby bro what the fUck
rating: 10000000/10
Tumblr media
1 note · View note
notbeauty · 5 years
Text
I am so tired.
I think I have a post last week regarding the frustration, and it's taking up the toll in me just because I have been keeping it on myself because I do not want to burden or hurt someone.
But it just urks me to death and the worst thing is that, no matter how hard I try to ignore, the more I remember it.
It really feels unfair to me, and it doesn't feel right. I felt wronged even if hindi ko naman talaga kasalanan just because may label na akong "masama ang ugali ko."
Oo na, puta. I'm the evil one right here, pero hindi ko kasi ma-attempt na magpaka-santa para lang makibagay sa taong hindi ko gusto ang ginagawa, and the audacity to play victim, na feeling nila, ang babait nila at wala silang ginagawang masama.
And this day, bukod sa frustrations ko sa eleksyon, sobrang humalo ulit yung frustrations ko last week.
Ako na naman mag-isa sa work. Siguro naman, excused yung may namatayan ka na kamag-anak.
pero shet, tutal andito nalang rin naman ako, (at wala naman nakakakilala sakin dito) ibubuhos ko nalang un sama ng loob ko.
Ayun, nagleave kasi yung officemate ko last Thursday, and I think she deserves it. It's just that, what irritates me the most is that, she extended it up until Monday, and it urks me to death na, hindi naman sya naka-file as "leave" and "inabsent" nalang nya. Like, gurl, mas tatanggapin ko pa kung sana finile mo nalang as leave, kaysa yung i-eextend mo pa sya just because "bitin" yung vacation mo.
Sorry, hindi ako perfect na tao. Naiinis rin ako.
Does that make me bad? wala ba akong understanding sa fact na yun?
Kagabi ko pa gusto maiyak sa office kasi. I just feel bad about it. Hindi ko alam kung bakit. Baka may saltik lang talaga ako sa utak. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Pramis. Para akong tanga ngayon kasi iniiyakan ko sya. Naiiyak ako sa inis.
Hindi ko alam, bakit ang unfair. Kahit yung ice-cream na binili ko, hindi sapat para maibsan yung inis ko.
Gusto ko ng malawak na space, malibang yung isip ko kasi, naiiyak lang talaga ako.
1 note · View note
ruthy-patootieee · 3 years
Text
Nga pala di ako nagpapaka santa, Madalas din akong nagkakasala pero wala namang mawawala kung manghihingi tayo ng kapatawaran sakanya sa mga kasalanan natin😊
0 notes
phgq · 3 years
Text
‘Yorme’ cancels Lenten gatherings, activities
#PHnews: ‘Yorme’ cancels Lenten gatherings, activities
MANILA – Manila’s city government has called off all Holy Week-related activities amid the increasing number of coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases in the city.
Being a predominantly Roman Catholic country, the Holy Week, which starts on March 29, is one of the most important religious celebrations among the faithful.
Manila has 2,155 active infections as of Friday after 356 were added. A total of 297 upped the recovery tally to 29,585.
Sampaloc and Manila still lead the active cases list with 337 and 249, respectively.
"Ang importante sa Semana Santa, 'yung relasyon natin sa Diyos sa panahon kung saan siya nagbayad ng dugo para sa ating mga kasalanan. Magnilay-nilay tayo (What is important during Holy Week is our relationship with God and keeping in mind that He sacrificed His own blood for our sins. Let us meditate on that)," Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso said in an interview over DZBB on Friday.
Domagoso said it is but logical to prevent large public gatherings from happening as these could easily turn into super spreader events, given the entry of new variants.
Six villages in Manila are under granular lockdown after the Manila Health Department recorded more than 10 confirmed cases in each.
The six barangays under a four-day lockdown until 11:59 p.m. on Saturday are Barangay 185 Zone 16 in Tondo 2; Barangay 374 Zone 38 in Sta. Cruz; Barangay 521 Zone 52 in Sampaloc; Barangay 628 Zone 63 in Sta. Mesa; Barangay 675 Zone 74 in Paco; and Barangay 847 Zone 92 in Pandacan.
"If you violate lockdown rules, we put you in a quarantine facility and you need to be tested. Maraming nag-violate sa first day, but as we progressed, nabawasan na nang nabawasan (There were many violators on the first day but as we progressed, it became less)," he said.
Domagoso said the city’s six district hospitals – Ospital ng Sampaloc, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Medical Center, Justice Abad Santos Memorial Medical Hospital, and Ospital ng Tondo – are experiencing an influx of patients.
"Kahapon ng alas-dose ay umabot na po tayo sa 55 percent occupancy rate. Two months ago, nasa 27 percent to 32 percent 'yan (Yesterday at about noon, we have reached a 55 percent occupancy rate. Two months ago, it was only at 27 percent to 32 percent)," he said. (PNA)
  ***
References:
* Philippine News Agency. "‘Yorme’ cancels Lenten gatherings, activities." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1134224 (accessed March 20, 2021 at 01:19AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "‘Yorme’ cancels Lenten gatherings, activities." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1134224 (archived).
0 notes
romejohn-princerj · 3 years
Photo
Tumblr media
12 - 25 - 2020 | Misa sa Araw ng Pasko Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat. Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo; sa Banal na Simbahang Katólika; sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan; sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao; at sa buhay na walang-hanggan. Amen. Maligayang Pasko 👆🙏😇 #MaligayangKaarawanHesus #KredongApostóliko #OneWithTheCatholicChurch #Kristogram #Kristogram_Faith #HolyEucharist (at Basilica Minor of the Immaculate Concepcion of Malolos) https://www.instagram.com/p/CJOFsIMDkxY/?igshid=1xgr4dgdsyt6t
0 notes
sapaduainarawan · 3 years
Photo
Tumblr media
Mga panalangin: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan; sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen Aba po Sanata Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong Anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw sa Amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkasala sa Amin at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen. Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggang. Siya nawa. (at St. Anthony of Padua Parish, Inarawan, Antipolo City) https://www.instagram.com/p/CHAqIjzHkpe/?igshid=1wiqfz5uaf8nm
0 notes
pilyongpinoy · 6 years
Text
Anger pt.V
Note: Ito ang huli sa limang bahagi ng post tungkol sa Anger bilang parte ng Seven Deadly Sins. Para sa unang apat na bahagi ay narito sa mga sumusunod na link: Anger pt.I, Anger pt.II, Anger pt.III, at Anger pt.IV. Maraming salamat - Pinoy
Kapag nagagalit tayo ay hindi natin maiiwasan na magmura. Para bang normal nalumalabas sa bibig natin ang mga salitang ito. Nagmumura tayo kapag galit na galit tayo sa kaklase natin o katrabaho dahil hindi naman natin sila masapak dahil tyak na pag ginawa natin yung Guidance o HR ang bagsak natin. Patay ang records natin. Lagot ka sa parents mo. Nakakapagmura din tayo dahil sa sobrang kasiyahan. Tuwang tuwa ka tapos napapamura ka sabay hampas sa katabi. May kakilala akong ganyan. Patatawanin mo na nga tapos mumurahin ka pa sabay ihahampas yung kamay nya sayo. Buti sana kung magaan pero ambigat ng kamay. May iba naman na magulat lang, mura na kagad ang bibigkasin. Like masasabi nya na “ay putang ina mo! Ginulat mo ko."Malalaman mo daw na palamura ang tao kung gugulatin mo sya at mapapamura sya. Nakakasanayan na kasi ng taong iyo ang pagmumura kaya natural na lumalabas na lang ito sa kanyang bibig kapag nagugulat.
Pero saan nga ba nagsimula ang pagmumura? Ito ba ay nagsimula sa panahon ng Marial Law? Hindi. Patagalin pa natin. Panahon ng pananakop ng mga Hapones? Hindi. Panahon ng mga Kastila? Maaari. Iniimagine ko na paano kaya nakikipag usap ang mga Pilipino sa panahon ng kolonisasyon. Ganito kaya sila magsalita?
1. Labanan natin ang mga putang inang mga Kastila na yan! - Marcelo H. Del Pilar
2. Mga kasama sabay sabay nating punitin ang mga putang inang cedula na yan! Para sa Pilipinas fuck you! - Andres Bonifacio
3. Ang mga asshole na kabataan ang pag-asa ng ating bayan - Jose Rizal.
4. Mga gago kayo fuckers! Amin ang bansang ito! Motherfucker! - Emilio Aguinaldo
5. Tang ina nyo mga taksil sa bayan! Fuck you sandamukal!! - Melchora Aquino.
Pagmumura na ata ang pinakacommon na paraan natin ng paglabas ng ating mga galit sa buhay na sasabayan ng ating middle finger. Hindi mo kailangang manapak ng tao at hindi mo kailangang ilihim ang sama ng loob mo.
Bukod sa pagmumura ay may magandang paraan para mabawasan ang ating galit o sama ng loob sa ating kapwa. Ayon kay Schwarts sa isang column sa Men’s Health Magazine noong July 2006, maaari tayong magsagawa ng Anger Management. Mahalaga ang anger management upang mabawasan ang ating dinadalang burden sa buhay. Narito ang mga tips upang maisakatuparan natin ang ating Anger Management.
1. Think before you speak.
Dala ng ating matinding emosyon at galit kaya maaari tayong makapagbitiw ng mga masasakit na salita sa kapwa natin. Maaaring magdulot ito ng impact sa kanila na maaaring makaapekto sa pagkatao nila. Nagkakaroon tayo ng domino effect. Maging maingat sa pagbibitaw ng mga salita dahil maaaring pagsisihan natin ito sa huli.
2. Once you're calm, express your anger.
Dahil nga karapatan natin ang magmahal. Wait. Este magalit, pwede naman tayong maging honest sa mga taong nasa paligid natin na galit tayo. Honesty is the best policy nga diba. Pero hindi ibig sabihin na nasaktan ka nila ay mananakit ka na din ng bonggang bongga. Kalma lang bes. Hindi naging solusyon ang init ng ulo para maayos ang gulo. Huwag sumabak sa gyera kapag mainit ang ulo. Mapapasubo ka lang! *bastos pakinggan*
3. Take a time out.
Isang dahilan kaya madalas na umiinit ang ating ulo ay dahil sa stress. Sa dami dami ng mga problema na nagkapatong-patong na. Hanggang sa sasapakin ka na lang sa katotohanan na huy, ano na priority mo?! Konting pahinga my friend lang ang kailangan at pwede ka na ulit umaksyon! *medyo bastos talaga pakinggan*
4. Identify possible solutions
Instead na tignan mo ang galit mo at pano mo gagantihan ang kaaway mo, isipin mo kung anong mga paraan ang dapat gawin para maayos nyo ang lahat. Maging sincere ha. Ayusin ang pananalita. Baka naman nakikipag ayos ka pero sasabihin mo "gago, bati na tayo ha. Putang ina mo kasi. Kasalanan mo tong lahat. Pero dahil mabait ako, pinapatawad na kita”. Very wrong my friend.
5. Stick with the “I” statement
Dahil walang ikaw, kaya walang tayo! Haha. Huwag mong iblame ang mga tao sa paligid mo. Hindi sa kanila ang mali o maaaring nagkamali sila pero hindi mo dapat iasa sa kanila ang mali. Hindi ka santa. Huwag mong hintayin na ipagtayo ka ng rebulto dahil hindi malinis friend. Kunin mo ang mga kasalanan na talaga namang sayo. Sa gayon, hindi na lumalaki pa ang away dahil sa paninisi sa iba.
6. Don’t hold a grudge
Wag kang gumanti bes. Sabi nga ni Kris Aquino ay love love lang. Sabi ko nga JAKOL NANG JAKOL lang (Just Always Keep On Loving). Make love not war. Sige ka, kapag gumanti ka, gaganti din sya, tapos gaganti ka na naman at hanggang sa matuklasan mo na magkapatid pala kayo dahil nabasa nyo ito sa isang diary! Whaaaaaat. Teleserye pala.
Ilan lang yan sa mga tips para mabawasan o maayos natin ang galit na nasa ating puso. Mahalaga ay magpatawad. Masarap kaya bes na kumilos ng walang kaaway diba. Mahirap mabuhay sa mundong mabubuhay ka pero gusto kang patayin ng mga tao sa paligid mo.
TANONG: Totoo ba na ang Honesty Is The Best Policy? Anong paraan ang ginagawa mo para mapatawad ang kapwa mo? Nagiging madali ba sayo ang pagpapatawad? Totoo bang meron lang ay ikaw at ako pero walang tayo? Saan napupunta ang pusong sugatan. Share your answer on the comment section below.
40 notes · View notes
wisepapersoul · 4 years
Photo
Tumblr media
Hindi kasalanan ninuman ang CoVid 19. Lalong hindi kasalanan ninuman bukod sa mga Lopez kung napaso at hindi na muling napagkatiwalaan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ang mga Lopez ang maysala ng kanilang ginawang paglabag. (at Santa Maria, Bulacan) https://www.instagram.com/p/CCz6Sjyp0HD/?igshid=1bee1tr0n1ucj
0 notes
piouscatholic · 2 years
Text
𝐍𝐎𝐁𝐄𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢
Diyos ko at aking lahat,
sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanma’y hindi ako mapapahamak;
iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo;
at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin.
Siya nawa.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐬𝐚 𝐀𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami.
Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan.
Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong.
Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo.
At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan.
(Banggitin ang inyong kahilingan)
O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo.
Siya nawa.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐬𝐢𝐠 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨
O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.
𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐡𝐢𝐤 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨
1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐓𝐚𝐲𝐨
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.
𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀,
𝐈𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈!
+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
millennialcatechist · 4 years
Text
PITONG HAPIS NI MARIA
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐌𝐎 𝐒𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 | Tunay ngang hindi si Maria ang ipinako sa krus, namatay at inilibing. Kaya tinutuligsa tayong mga Katoliko sa mataas na paggalang natin sa kanya. Subalit dapat maunawaan ng lahat na may mga galos at sugat siyang hindi natin nakikita.
Para mas malinaw, magbibigay ako ng halimbawa. Isipin mo ang pinakagusto mong artista, kpop-idol o maski yung crush mo. 'Tapos nabalitaan mong na-bully siya ng mga tao, nasaktan, isinugod sa ospital at nag-aagaw buhay. Ano ang mararamdaman mo? Kahit sinong normal na tao ay masasaktan. Kahit hindi sa 'yo mismo nangyari yun. Parang panonood lang ng teledrama. Kung nasasaktan ka sa k-drama na pinapanood mo, tiyak mas matindi ang sakit na naramdaman ni Maria. Dahil live niyang nasaksihan ang paghihirap at sakripisyo ng kanyang anak.
Kaya sa artikulo na ito, tatalakayin ko ang 𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐏𝐈𝐒 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀. At ipapaliwanag kung gaano kasakit ang bawat hinagpis na ito para sa kanya sa ngalan ng pagliligtas ni Hesus sa mga makasalanan.
[𝟏] 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐩𝐞𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐢 𝐒𝐢𝐦𝐞𝐨𝐧 (𝐋𝐔𝐊𝐄 𝟐:𝟐𝟐-𝟑𝟓)
"𝒜𝓃𝒹 𝒶 𝓈𝓌𝑜𝓇𝒹 𝓌𝒾𝓁𝓁 𝓅𝒾𝑒𝓇𝒸𝑒 𝓎𝑜𝓊𝓇 𝑜𝓌𝓃 𝓈𝑜𝓊𝓁 𝓉𝑜𝑜," Simeon said to Mary, Mother of Christ.
May isang mabuting lalaki na Simeon ang pangalan. Ihinayag ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesiyas. Sa araw ng paghahandog kay Hesus sa templo napagtanto ni Simeon na hawak niya ang Kristo. Nagpahayag siya ng, “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.”
"Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa bata. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip.
—𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐝𝐢𝐭𝐨, 𝐦𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐠𝐡𝐚𝐭𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐫𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨."
✠  Ang propesiya ni Simeon ang pinakauna sa mga pighati ni Maria. Bagaman tanggap ni Maria ang kapalaran na itinalaga ng Diyos, mas naging malinaw sa tagpong ito na maraming tutuligsa at magpapahirap kay Hesus. Batid din ni Maria ang mga nakatalang paghihirap na daranasin ng sanggol at ang mga buhay na maaaring mawala sa paglalakbay nila na matupad ang propesiya.
[𝟐] 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐄𝐡𝐢𝐩𝐭𝐨 (𝐌𝐀𝐓𝐓𝐇𝐄𝐖 𝟐:𝟏𝟑-𝟏𝟓)
Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin.”
Ipinapatay ni Herodes ang mga batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito mula sa edad na nabanggit ng tatlong pantas. Nagalit siya dahil nilinlang siya ng mga ito at hindi itinuro kung nasaan ang sanggol na si Kristo.
✠ Matindi ang pag-aalala na bumalot kay Maria. Bigla silang lumisan ng Bethlehem nang hindi lubos na handa. Malalim na ang gabi at malamig ang panahon. Hindi iyon maganda para  sa paglalakbay kasama ang isang sanggol. Pagod, puyat at takot silang mag-asawa na baka masalubong nila ang mga tumutugis sa bata. Batid din nila na maraming inosenteng sanggol na ipinapatay si Herodes. Pakiramdam ni Maria nakagapos ang kanyang mga kamay. Walang magawa na mailigtas ang ibang inosenteng sanggol. Ngunit kailangang matupad ang misyon ni Hesus. [Ref: Holy Innocents ang tawag sa mga ipinapatay ni Herodes. Itinuring silang mga banal sapagkat iniligtas nila ang sanggol na si Kristo sa pagtugis ni Herodes. Narito ang link: https://www.catholicculture.org/culture/liturgicalyear/calendar/day.cfm?date=2019-12-28 ]
[𝟑] 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 (𝐋𝐔𝐊𝐄 𝟐:𝟒𝟏-𝟓𝟐)
Sumagot si Jesus, “𝐵𝒶𝓀𝒾𝓉 𝓅𝑜 𝓃𝒾𝓃𝓎𝑜 𝒶𝓀𝑜 𝒽𝒾𝓃𝒶𝒽𝒶𝓃𝒶𝓅? 𝐻𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓅𝑜 𝒷𝒶 𝓃𝒾𝓃𝓎𝑜 𝒶𝓁𝒶𝓂 𝓃𝒶 𝒶𝓀𝑜'𝓎 𝒹𝒶𝓅𝒶𝓉 𝓂𝒶𝓂𝒶𝓁𝒶𝑔𝒾 𝓈𝒶 𝒷𝒶𝒽𝒶𝓎 𝓃𝑔 𝒶𝓀𝒾𝓃𝑔 𝒜𝓂𝒶?” Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niyang ito.
Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo.
✠ Si Kristo ang sentro ng buhay ni Maria. Sa Kanya umiikot ang kanyang mundo. Nang mawala si Hesus ng tatlong araw walang ibang sinisi si Maria kundi ang sarili. Sinisi niya ang sarili kung bakit hindi niya lubos na inalagaan at binantayan si Hesus. Hindi niya lang ito basta anak kundi Diyos niya rin ito na ihinabilin sa kanya. Dito lubhang naging balisa si Maria bilang ina ng Mesiyas.
[𝟒] 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚��𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐢 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐫𝐮𝐬 (𝐋𝐔𝐊𝐄 𝟐𝟑:𝟐𝟕-𝟑𝟏)
Nakasalubong ni Maria ang kanyang anak na si Hesus. Nasaksihan niyang mag-isang pasan ang mabigat na krus. Batid niyang ipapako sa krus ang kanyang anak. Mas nagpahirap pa rito ang mga sugat na tinamo nito mula sa mga sundalong romano. Wala na Siyang lakas, hindi na maiahon ni Hesus ang sarili sa pagbubuhat, minamadali pa siya ng mga sundalo sa paglalakad.
✠ Nagkasalubong ang mga tingin ni Maria at ni Hesus. Pakiramdam ni Maria wala siyang maibigay na saklolo sa kanyang Anak. May suot itong koronang tinik at umaagos ang dugo sa mukha Nito. Isang mata lamang ni Hesus ang nakamulat. Nais itong lapitan ni Maria ngunit hindi maaari. Hindi niya manlang mapunasan ang duguang mukha ng anak. Dama rin ni Maria ang bawat sugat Nitong nakalitaw sa paningin niya. Tunay nga ang sinabi ni Simeon na ang kaluluwa niya'y tila tutusukin ng patalim.
[𝟓] 𝐒𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐚𝐭 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐤𝐫𝐮𝐬 𝐧𝐢 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬 (𝐉𝐎𝐇𝐍 𝟏𝟗:𝟐𝟓-𝟐𝟕)
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “𝒢𝒾𝓃𝒶𝓃𝑔, 𝓃𝒶𝓇𝒾𝓉𝑜 𝒶𝓃𝑔 𝒾𝓎𝑜𝓃𝑔 𝒶𝓃𝒶𝓀!”  At sinabi niya sa alagad, “𝒩𝒶𝓇𝒾𝓉𝑜 𝒶𝓃𝑔 𝒾𝓎𝑜𝓃𝑔 𝒾𝓃𝒶!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
✠ Bago pa man tuluyang ipako si Kristo marami na itong sinapit na paghihirap. Nasaksihan ni Maria ang pag-akyat nito sa kalbaryo. Pinagtawanan at kinutya  ito ng mga romano habang naghihirap. At hindi pa natapos doon ang lahat, dahil sapilitan pa Siyang hinubaran upang yurakan ang dignidad ng katawan Nito. Nang ipako si Kristo saksi si Maria sa barubal na pagpako sa kanyang anak sa krus. Napunit ang laman nito at lumabas ang buto. Isang bagay na mahirap masaksihan. Ngunit hindi iniwan ni Maria ang anak at nanatili ito sa paanan ng  krus. Walang magawa si Hesus kundi panoorin ang kanyang ina na nagdadalamhati para sa kanya sa paanan ng krus. Naging saksi naman si Maria sa marahang paghihirap at malupit ng inarugang anak. Batid niyang ilang oras na lang ay malalagutan na ito ng hininga.
[𝟔] 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐫𝐮𝐬 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐤𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐥𝐢𝐦 (𝐉𝐎𝐇𝐍 𝟏𝟗:𝟑𝟖-𝟒𝟎)
Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato upang humingi ng pahintulot na makuha ang bangkay ni Jesus. (Dati ay inilihim ni Jose na siya'y isang alagad ni Jesus dahil sa takot niya sa mga pinuno ng mga Judio.) Pinahintulutan naman siya ni Pilato, kaya't kinuha niya ang bangkay ni Jesus.  Kasama rin niya si Nicodemo na noong una ay sa gabi nagsadya kay Jesus. May dala itong pabango, mga tatlumpung kilong pinaghalong mira at aloe. Kinuha nila ang bangkay ni Jesus at nilagyan ng pabango at binalot sa telang lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio.
✠ Karaniwan na magulang ang unang pumapanaw bago ang kanilang anak. Ngunit kabaliktaran ang sinapit ni Maria. Mas naunang pumanaw ang pinakamamahal niyang anak. Maging mas masakit ang nararamdaman niya nang mahagkan at iugot ang walang buhay nitong katawan. At habang nililinis ni Maria ang duguang katawan ni Hesus mas nagiging malinaw ang bawat sugat na tinamo nito. Doon lang nila napagtanto na nakabaon pala ang mga tinik ng korona na suot nito sa ulo ni Hesus. Ngunit sa kabila ng mga hapis, nanatiling matatag si Maria. Umaasa siyang pahahalagahan ng mga tao ang ibinuwis na buhay ng kayang anak balang-araw. Ipinagdasal niya sa Diyos Ama na huwag mabalewala ang pagliligtas na ito sa mga makasalanan.
[𝟕] 𝐈𝐧𝐢𝐥𝐢𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐬 (𝐉𝐎𝐇𝐍 𝟏𝟗:𝟒𝟏-𝟒𝟐)
Malapit sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan, at dito'y may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. 42 Dahil noon ay bisperas ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit ang libingang ito, doon nila inilibing si Jesus.
✠ Dapat natin alalahanin na hindi bago kay Maria ang paglilibing ng mahal sa buhay. Kasama siya sa paglilibing ng kanyang mga magulang na sina Santa Ana at San Joaquin. Naranasan din niya ang kalungkutan nang mamatay ang asawa, si San Jose. At ngayon naman ay ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na anak na si Hesus. Sanggol pa lamang ang anak batid na niya ang kapalaran nito bilang Mesiyas. Subalit kahit naging masaklap ang naging hantungan ng kanyang anak batid niya ang plano ng Diyos Ama. Muling babalik at mabubuhay si Hesus sa ikatlong araw. Kumapit lang at nanalig si Maria sa plano ng Diyos sa kabila ng dalamhati na naranasan niya.
𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒:
Walang galos na tinamo sa Maria sa katawan. Subalit ramdam niya ang bawat hagupit ng paghihirap ni Hesus. Isa si Maria sa mga ang kauna-unahang martir na nasaksihan ang pagpapakasakit ng Diyos Anak upang matubos ang lahat sa kasalanan. Ang hapis ni Maria ay hindi umiikot lamang sa kanya. Kundi pagpapaalala na minsan kailangan natin ilagay ang sarili sa posisyon niya upang maunawaan ang mga hirap na pinagdaanan ni Hesus. Ganito tayo kamahal ng Diyos, 𝐹𝑜𝓇 𝒢𝑜𝒹 𝓈𝑜 𝓁𝑜𝓋𝑒𝒹 𝓉𝒽𝑒 𝓌𝑜𝓇𝓁𝒹, 𝓉𝒽𝒶𝓉 𝐻𝑒 𝑔𝒶𝓋𝑒 𝐻𝒾𝓈 𝑜𝓃𝓁𝓎 𝒷𝑒𝑔𝑜𝓉𝓉𝑒𝓃 𝒮𝑜𝓃, 𝓉𝒽𝒶𝓉 𝓌𝒽𝑜𝑒𝓋𝑒𝓇 𝒷𝑒𝓁𝒾𝑒𝓋𝑒𝓈 𝒾𝓃 𝐻𝒾𝓂 𝓈𝒽𝑜𝓊𝓁𝒹 𝓃𝑜𝓉 𝓅𝑒𝓇𝒾𝓈𝒽, 𝒷𝓊𝓉 𝒽𝒶𝓋𝑒 𝑒𝓋𝑒𝓇𝓁𝒶𝓈𝓉𝒾𝓃𝑔 𝓁𝒾𝒻𝑒.
𝐑𝐄𝐒𝐎𝐔𝐑𝐂𝐄𝐒:
https://www.immaculee.com/pages/7-sorrows-rosary-prayer
http://pagnilayannatin.blogspot.com/2015/03/ang-pitong-hapis-ni-maria.html
https://www.biblegateway.com/passage/?search=JOHN+19%3A41-42&version=MBBTAG
0 notes
inangkaliwanagan · 5 years
Text
ANG PAMIMINTUHO SA INA NG KALIWANAGAN TUWING SABADO
Maisasagawa ang debosyong ito tuwing Sabado sa buong taon, maliban na lamang sa panahon ng "Siete Sabados," kung kailang gagamitin ang mga angkop na panalangin.
+Sa ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO. AMEN.
Panimulang Panalangin (Nakaluhod)
Kabanal-banalan at kalinis-linisang Ina ng Kaliwanagan, akong si __________ ay nagpapatirapa sa harapan ng karurukan ng iyong kaawaan, at halos mamatay sa hiya dahil sa marami at mabibigat kong mga kasalanan. Taglay ang taus-pusong pagsisisi, tinalikdan ko ang mga ito sapagka't ito ay labag sa kalooban ng iyong kabanal-banalang Anak, na ang Diyos at Panginoon kong kaibig-ibig, at sinisinta kong lalo sa lahat ng bagay. Pinagtitikahan ko mamamatay na muna ako bago ko siya muling pagkasalahan.
Magdalita ka, aking Ina, na ako ay tanggapin mong maging kababababaan mong anak sa ilalim ng iyong pag-aampon, at sa katamis-tamisang sinapupunan ng iyong maka-Inang pag-ibig, sapagka't ako, Inang lubhang maawain, ay buong-buong naghahandog ng sarili bilang alipin mo ngayon at magpakailanman.
Pinasasalamatan kita nang may pagpapakumbaba dahil sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo sa akin, at gayundin naman dahil sa pagliligtas mo sa akin samga kasamaan at panganib. Isinasamo ko sa iyo, aking Ina, alang-alang sa pagsinta mo sa Kabanal-banalan mong Anak, na ang lahat kong mga panimdim, wika at gawa, ang aking mga kahirapan at karalitaan, at ang buo kong buhay, sampu ng kamatayan, ay mapanuto nawa sa lalo niyang karangalan, sa iyong kapurihan, at sa kagalingan ng aking kaluluwa. AMEN.
Magdasal ng tatlong (3) "ABA PO SANTA MARIANG REYNA"
Talata mula sa Mabuting Balita (Nakatayo)
"Sapagka't lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan." (Lucas 1:78-79)
Panalangin
O Maria, Ina ng Kaliwanagan, masdan mo kaming dumudulog sa iyong paanan upang maghandog ng aming puso sa Diyos sa pamamagitan ng iyong mapagpalang mga kamay.
Liwanagan mo ang aming landas tungo sa buhay na walang hanggang dulot sa amin ng iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay upang kami’y hanguin sa kadiliman ng kasalanan.
Buksan mo sa liwanag ng katotohanan ang aming mga mata upang makita ang aming pagkukulang sa Diyos, sa aming kapwa, sa aming angkan, sa aming sarili, at sa kalikasan.
Puspusin mo sa liwanag ni Hesus ang aming puso upang lubusan naming talikdan ang pagkamakasarili at pagwawalang-bahala sa iba.
Buksan mo ang aming palad upang ang lahat ng nangangailangan ng aming tulong ay mapaglingkuran sa ngalan ni Hesus.
Ang lahat ng ito, Mahal na Ina ng Kaliwanagan, ay aming panalangin at panata sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus na iyong Anak at aming Panginoon. AMEN.
Sandaling katahimikan. Pakatibayin dito ang pananalig, pagkabuhayin ang pananampalataya, at hingin ayon sa kalooban ng Diyos ang biyayang ninanais na makamtan.
Namumuno: Ako ang Ina ng magandang pag-ibig, at banal na pag-asa. Niloob ko na sa kalangitan ay lumitaw ang isang liwanag:
Bayan: Na hindi magmamaliw ang kaningningan.
Namumuno: Manalangin tayo.
Panginoong Hesukristo, Liwanag na buhat sa Liwanag. Niloob Mong ang Mahal na Birheng Maria na Iyong Ina ay tawaging Ina ng Kaliwanagan. Isinasamo namin na sa tulong ng kanyang panalangin, kami ay makarating sa Iyong piling. Ikaw na siyang walang maliw na Kaliwanagan, nabubuhay Ka't naghahari, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. AMEN.
Namumuno: Purihi't pasalamatan ang Santisimo Sakramento sa Altar, at si Maria Santisima na Ina ng Diyos at Ina natin.
Bayan: AMEN.
+Sa ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO. AMEN.
0 notes
Video
youtube
THE BIBLE EVANGELIZATIONS - UPDATES JUNE 23, 2019
TEACHING OF GOSPEL TEACHING OF FAITH SPIRITUAL SALVATION’S MESSAGE OF GOD
"PAGMAMALASAKIT NG BANAL NA SANTA MARIA SA PAGPAPALAYA SA KASALANAN"
VISIT OUR BLOGSITE AND YOUTUBE PROMOTIONS:  
1.  http://thebibleevangelism.blogspot.com/
2.  https://www.youtube.com/channel/UCabx7DCbao1gpEInkdaDw7g
VISIT HERBERT CURIA WEBSITE:  http://herbertcuria.wixsite.com
0 notes
sorqpmusicmin · 5 years
Text
Kredo (Fr. Rey Magnaye)
youtube
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan Siya ang may gawa ng langit at ng sangkalupaan
Ito ang ating pananampalataya Ito ang ating ipinapahayag Bilang isang bayang nagkatipon Sa ngalan ni Kristong ating Panginoon
Sumasampalataya ako kay Hesukristong bugtong Niyang Anak Siya ay nagkatawang-tao at isinilang ni Birheng Maria Ipinako sa krus, namatay, at Siya’y inilibing para sa’tin Siya’y nabuhay muli, ngayo’y nakaluklok sa kanan ng Ama
Ito ang ating pananampalataya Ito ang ating ipinapahayag Bilang isang bayang nagkatipon Sa ngalan ni Kristong ating Panginoon
Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo Sa Santa Iglesia Katolika, sa kasamahan ng mga banal Sa pagpapatawad ng mga kasalanan Sa pagkabuhay na muli ng mga namatay na tao At sa buhay na walang hanggan
Ito ang ating pananampalataya Ito ang ating ipinapahayag Bilang isang bayang nagkatipon Sa ngalan ni Kristong ating Panginoon
Sa ngalan ni Kristong ating Panginoon
1 note · View note