Tumgik
Text
navigate thru choeaedol
a short how to make an account in choeaedol and vote for bts!!
1. download the app.
Tumblr media
2. make an account - it will directly direct you to this page. choose the best account that you can use to access to vote for this app.
Tumblr media
3. tick the check boxes with “I agree to the Terms and Conditions/Privacy Policy” presented on the page, tap next step.
Tumblr media
4. make your nickname. ten tap “Sign up complete.”
Tumblr media
5. start voting!!
0 notes
Text
hoax: taehyung’s filipino ethnicity
hoax, fake, not true, peke, hindi totoo
p.s. rant posted here is the same rant i had from facebook
warning: discussions about death (of tae’s grandma)
Tumblr media
wala po, ni isang proof na may dugong filipino si taehyung. pwede bang itigil na 'tong kalokohan na 'to.
wag niyo po ako lapagan ng screenshots galing sa google kasi pati ang mga information galing sa amino apps, quora, etc. ay nanggagaling lang din sa ibang armys na tulad natin.
wala ni isang interview (video/written) na inadmit ni taehyung or ng bighit na may dugo siyang pinoy.
dapat po yung proof niyo nanggaling mismo sa bts/bighit dahil sila ang source directly associated kay taehyung. since 5 years ago pa ako naghahanap ng proof na may sinabi silang ganito pero wala talagang lumalabas.
ITIGIL NIYO NA PLEASE,,, fake news nanaman
discussions i had when i posted this on facebook:
Thristine
Seaech mo kaya sa google teh "taehyung grand mothers nationality" tignan naten kong sino ang totoo ngayon
my reply
Tumblr media
ito po ba? (see photo above) sinabi ko na po na hindi reliable source ang quora. para po yang facebook na kung saan kahit anong itype mo mauupdate sa website, ginagamit ko rin po yan if may mga tanong na kaya kong sagutin. 5 years na ako sa fandom na 'to at ni-isang RELIABLE PROOF wala, walang sinabi si taehyung, ang bts, pati ang bighit. sana matuto po tayong magresearch ng mabuti, hindi po lahat ng nasa internet mapagkakatiwalaan
i opened the same quora link,, there was only one post (picture below) that claimed that he was part filipino thought no reliable source/proof was provided.
Tumblr media
and the way it was type-written is very similar to a facebook troll user whom we frequently see using [DYK] tags, with information containing no truths.
i have talked to a facebook friend, under the name Joeylyn, cross-checking the info with me about taehyung’s grandmother’s nationality. i reasoned out that there were no proofs about this claim and i couldn’t just believe the claim without any proof.
at this point, i was getting frustrated, bakit sobrang naniniwala sila? ano yung naghohold ng belief na yun? delusion? wishful thinking? or may proof sila na namisinterpret lang? those were the thought running in my head.
finally, joeylyn mentioned this
“Kasi sabi ni v nung namatay yung Lola my grandmother passed away was in philippines“
i finally got it, this girl, among the other ph armys, believe na may dugong pinoy yung lola ni taehyung because of this. now, i can finally debunk a common belief and not just chuck this in my rant/opinion section.
okay let me give you the answer i gave to joeylyn
“nooo, ibig sabihin nun when he was here in ph. namatay yung lola niya“
it was during the mbc show champion back in september 3, 2016 in manila, philippines wherein nareceive niya yung news na namatay yung lola niya in south korea. nasa pilipinas siya dahil may concert, nung nalaman niya yung news na namatay yung lola niya. she didn’t die here in the philippines.
we learned about this information when taehyung talked about it in seoul, south korea during their concert for 3rd muster (november 12, 2016). youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=eSCWLkybxXA
Tumblr media Tumblr media
he was in not saying that his grandmother died in the philippines.
“and i heard the news about my grandmother when i was in the philippines”
“at narinig ko ang balita tungkol sa lola ko nung nasa pilipinas ako”
please itigil na po natin ang pagkalat ng mga maling impormasyon, hindi po siya nakakatulong kanino man.
0 notes
Text
haters and bashers
opinion log 001 (27 jun 2020)
first, i wanna say na i wholly understand where armys are coming from. gets ko kung bakit gusto niyo pumatol, kung bakit gusto niyo sila awayin, kung bakit gusto niyo subukan i-explain sa kanila kung bakit dapat hindi i-bash ang bts and all. pero guys, tandaan niyo ito parati, applicable din ‘to sa totoong buhay (besides sa fan girl/boy life natin)
hindi makikinig ang taong ayaw makinig.
hindi mo ma-pplease lahat ng tao sa mundo.
para saakin, kailangan muna ‘tong maaccept ng mga tao para mas malaya na silang maglet go at hindi pumatol sa mga haters o bashers.
seryoso guys, pabayaan niyo na, sa mundong ‘to sabi nga ni namjoon sa mic drop:
“haters gonna hate, player’s gonna play”
sa paniniwala ko, tumigil na rin ang bts magroast/mag address ng kanta (diss track) para sa haters nila. napansin niyo nawala na ang cypher diba? this was just a speculation (usap usapan lang) mula sa twitter armys na ang mic drop na raw ang huling kanta para i-diss ang haters. dahil sa lyrics na ito:
“there’s no need to meet again, this is the final goodbye there’s nothing to say, don’t even apologise”
it really does feel like they’re finally done with the haters and ‘di na nila ‘to i-aaddress. kaya kung ang bts ay tumigil na sa haters nila, dapat tayo rin.
alam kong mahirap, na pabayaan silang maliitin ang bts. pero, sa sarili natin alam naman natin kung ano ang worth ng bts sa puso natin, sa south korea (grabe national treasures pa nga), at sa mundo.
hayaan natin na ang focus natin ay nasa bts lang, wag na rin tayong makielam sa ibang fandoms. hindi tayo naging army para subaybayan ang galaw ng ibang grupo, armys nga diba - sa bts tayo.
so ano ang suggestion ko na gawin natin?
report then block, wag nang patulan. dedmahin niyo.
hindi natin kailangan ng toxicity sa buhay natin, hayaan niyo silang mag-aksaya sa grupong ayaw nila. sinong talo? di ba sila? yung mga haters yung galit at nag-aaksaya ng oras. talong talo sila.
kapag pinapatulan niyo kasi, nagiging toxic, hindi rin siya okay for the mental health (in all honesty). nag aaksaya ka ng energy, lalo na’t mga troll at walang magawa sa buhay ang mga yan kaya sa bts sila naglalaan ng energy.
bakit galit na galit sila sa mundo kaya sa bts nadidisplay yung hatred nila sa mundo. 
sabi nga ng bts sa ugh (namjoon’s line):
“which one is rage, you know? pretending it's rage and killing, real rage”
pinapatay na ng mga haters/bashers ang tunay na “galit” dahil sa pekeng galit nila, like yung hatred nila para sa bts? para saan yun? at bakit? nawawalan ng saysay yung tunay na pakiramdam ng galit dahil sa mga taong tulad nila kaya wag na tayong dumagdag pa.
ang isa pa, guys don’t GO LOW - wag kayong below the belt pag sumasagot sagot sa mga tao. sinabi na rin ni hobi sa ugh:
“i can rage, but if there were to be damage done to others' lives, i don't like stop it, ayy”
ayaw nila ng mga hate na nakakasakit sa iba. don’t stoop so low okay? we have to learn from bts kung iniidolo mo talaga sila, we have to follow by their good principles. lalo na if para sa mabuti ang tinuturo nila.
ito magiging straight to the point na ako, wala nang sugar coating and all. please sana mataandaan niyo ito, dahil dapat talaga matuto tayo mag-ingat magbitaw ng mga salita online. hindi lang sa bts ito magrereflect kundi sa kung anong klaseng prinsipyo ang meron ka sa buhay.
ano ang mga dapat hindi tinatapon sa mga nakaka-away mo online:
physical appearance niya (mapayat, mataba, may acnes, may imperfections man siya na nakikita mo, etc.)
sexuality niya (PLEASE hindi po insulto ang pagiging bakla, tibo, trans, etc. matuto po tayong rumespeto dahil nagiging insulto po ito pag ito ang ginagamit niyo sa argument. tao rin po sila, di sila naiiba sa atin, tao po sila. kung hindi mo sila kayang respetuhin, may mali talaga sa mga prinsipyo mo sa buhay)
economic status (hindi po katuwaan ang pagiging mahirap, huwag po itong gamitin as a form of insult)
don’t post their faces and name out in the open (kapag magrerepost kayo ng screen shot, pakicover po ang mukha. dahil nakita niyo naman po kay sharlene louise borleo ang naging bunga sa pag expose ng mukha niya, grabe ang pagiinsulto ang nakuha niya. kahit po na hater/basher sila lagi niyo pong tandaan na bago sila maging g*go tao pa rin sila, may feelings na pwede matapakan pati pagkatao. ‘wag po natin sila idrive away into changing themselves, let them prove to us na kaya nila magbago). also, avoid spreading their private information!
skin color and ethnicity (di rin po ‘to nararapat na gamitin pang insulto dahil parte po yan ng pagiging tao, wag po natin tapakan ang pagiging tao nila dahil below the belt po ‘yon)
**currently none,, will update if i can add something**
0 notes
Text
bawal ba ang 13 year olds sa concert?
ugalin po nating huwag magkalat ng fake news, lalo na’t delikado ang ganitong gawain. as a civilian naman, ugaliin din po nating magresearch bago maniwala sa mga binabasa natin.
tulad po ng picture na nasa baba nito, fake news po ito.
Tumblr media
ang sagot po ay PWEDE.
mali pong ikalat ang mga maling impormasyon, sa isang frequently asked questions (faq) ng pulp; na-tweet po nila ang requirements of age for a concert (link: https://twitter.com/pulpliveworld/status/1227185510612733952?s=12)
ang basis po nito ay mula sa pinaka recent na kpop concert which is yung sa nct dream na naganap sa new frontier theater, ang sagot po sa tanong ay makikita sa picture below.
Tumblr media
“5. Is there a minimum age required for attendees?
Allowed in seated areas: 
Ages 4 years old and above.
Allowed in standing areas: 
Ages 12 years old and below; accompanies by parent/guardian with a ticket of the same section. 
Ages 13-17 years old, with a waiver signed by their parent/guardian”
translation:
“5. Mayroon bang pinakamababang edad na kailangan para maka-attend ng concert?
Ang pinakamababang edad na pwede sa naka-upong lugar: 
Ang edad na nasa 4 na gulang pataas.
Ang pinakamababang edad na pwede sa nakatayong lugar: 
Ang edad na nasa 12 na gulang pababa; kailangan may kasamang magulang/tagapag-alaga na kung saan ang magulang/tagapag-alaga ay mayroon ding ticket sa parehas na section sa kanyang babantayan.
Ang edad na nasa 13-17 na gulang, mayroong pagpapabuya (letter na pinapayagan ng magulang ang bata na umattend ng concert) na mayroong pirma ng magulang.”
kung meron pa po kayong tanong, magsend lang po sa “ask me.”
0 notes
Text
saan makakabili ng official army bomb/merch?
context: as of june 25, 2020; dalawang official army bomb version nalang ang available/being sold by bighit, which is army bomb ver. 3 and army bomb mots ver.
so saan nga ba nakakabili ng official army bomb/merch if taga pilipinas ka? at ano ang mga tips ko sainyo?
tips
tandaan: maging maingat para hindi ma-scam!! maghanap ka muna ng feedbacks/reviews sa shop na pagbibilhan mo.
i-search mo yung pangalan ng shop na napili mo, hanapan mo kung may issue siya sa ibang customers. kapag meron, automatic red flag. mag-isip isip ka na if oorder ka pa sa shop na yan.
magbrowse ka muna, maghanap ng presyong affordable. dahil ang benta ng iba ay umaabot ng php 3,000. samantalang ‘pag sa south korea mo ‘to bibilhin kalahati lang ng presyo nyan ang benta, mataas talaga ang tubo dahil mabenta, at dahil konti na ata ang stocks.
kapag bibili ka sa mga reseller, na nagcclaim na official ang army bomb ver 3 at mots ver, tanungin mo if na-scan na niya yung qr code. kung oo, bigyan ka ng proof from the seller’s “my nx” (see photo) kasi that serves as a proof na legit yung army bomb niya. hingan mo rin siya ng dalawang ID, at ipacover mo ang mga necessary info dapat itago. dapat same yung info nung ID sa isa’t isa at yung picture is kamukha talaga nung seller.
kapag re-seller siya ng army bomb ver 1 and 2, hindi mo ‘to mahihingan ng qr code since walang qr code yun.
Tumblr media
humingi rin ng proofs na legit yung army bomb (you can search it online kung pano malaman, maraming youtube videos)
kung ayaw niya magprovide ng mga hinihingi mo, ‘wag kang bibili sa kanya.
saan makakabili?
1. twitter
pag sa twitter kailangan mong i search ang mga common tags used by the shops na nagbebenta ng army bomb. example of these tags would be: army bomb ph go, abv ph go, abv3 ph go, etc. basta wag mong kalimutan ang ph go dahil pre-ordered lahat ng kinukuha nila so, ang makukuha mong army bomb ay bago, wala pa ever na nagmay ari niyan.
may mga re-seller din dito try mo nalang magsearch ng: army bomb ph, abv ph, abv3 ph, etc. 
tandaan ang mga tips na binigay ko, kung legit ang benta nila wala sila dapat na tinatago.
2. facebook
never akong bumili sa facebook, kasi parang tago yung mga identity ng seller dito at napakadaming scammer.
punta ka lang sa market part ng facebook at i search ang gusto mong bilhin tapos lagyan mo ng ph go, para pre-ordered at bago ang army bomb mo.
gamitin mo lang ang mga tags na ginamit at sinulat ko sa number 1, makakahanap ka na agad ng results.
pero tandaan, laging maging maiingat sa pagbili.
3. re-sellers: twitter, facebook, carousell, etc.
ito yung mga preloved or owned by someone else na, and they’re selling it.
mag-ingat din sakanila, maging maiingat at hingan mo sila ng proof!
type mo lang ang army bomb ph, abv ph, abv3 ph, etc. both in twitter and facebook, pwede may lumabas na. sa carousell naman search mo lang automatic lalabas na rin :)
terms used in ph go-s or from the online selling community:
DOP: deadline of payment
expected date kung kelan sila magtatanggap ng bayad mo, tandaan bumili lamang if makakabayad ka on time. pwede kang ma-tag as bogus buyer or joy reserver if hindi ka makabayad on time.
MOP: mode of payment
ito yung accepted ways kung paano ka makakabayad, basahin ‘to ng mabuti kasi baka mamaya MOP nila is gcash/paymaya tapos wala ka naman account, edi hindi ka makakabayad. so, problema yung to sellers and to you kasi baka ma-tag ka as bogus buyer
DOO: deadline of orders
ito yung date na magtatanggap sila ng orders, kung gusto mong bumili sa shop na ‘to dapat bago ang DOO or on the day mismo ng DOO naka-order ka na sakanila (i.e. nakafill up na ng form/nakapagdm na sakanila/etc.)
ETA: expected time of arrival
they give out the date kung kelan nila ineexpect na dadating yung order, para alam ng buyer kung kelan marereceive nung shop ang product (kasi ang mga pre-ordered goods ay laging galing sa ibang bansa), kaya medyo matagal.
basta ang ETA ay ang expected time of arrival sa pilipinas, ETA sa shop, hindi sa buyer. pag dumating na sakanila yung goods, mag uupdate sila kung kelan nila idedeliver yung mga goods, dahil binabalot pa nila yan isa isa.
LFB: looking for buyer
naghahanap ng bibili.
usually ang makikita mong tag na kasama nito ay WTS. (LFB/WTS)
LFS: looking for seller
naghahanap ng nagbebenta.
usually ang makikita mong tag na kasama nito ay WTB. (LFS/WTB)
WTB: willing to buy
pinapaalam mo na kung sino man ang meron ng product na gusto mo, ay willing kang bilhin.
usually ang makikita mong tag na kasama nito ay LFS. (WTB/LFS)
WTS: willing to sell
pinapaalam mo na willing kang i-sell ang product/merch.
usually ang makikita mong tag na kasama nito ay LFB. (WTS/LFB)
0 notes
Text
paano mag-navigate?
hello, salamat sa interest mo dito. lagi mong tatandaan na ang best interest ko ay nasa ph armys, kung mayroon man kayong tanong don’t be afraid to ask me.
so, unang una. paano nga ba ninyo mahahanap ang mga naisulat ko?
sa unang punta mo sa website idadala ka niya sa home, dyaan makikita mo ang recent writings ko. pero kung may gusto kang specific topic gustong hanapin sundan mo lang to.
1. paano mahanap ang ibang writings na ginawa ko?
desktop ver.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
at ayan, maari ka nang magscroll down at piliin ang mga gusto mong basahin.
mobile ver.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2. paano magtanong sa akin?
desktop ver.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
at pwede na kayo magsend ng tanong at message saakin.
ang “ask anonymously” will allow you to ask me without me knowing who you are!!
mobile ver. 
Tumblr media
0 notes