Kaninang umaga ko lang napansin na wala na pala akong coffee. I messaged my friend kung trip nya kong samahan sa grocery, what if magkape na lang daw kami? Ayun sabi ko g, after two hours dumating sya sa bahay with another friend.
Dahil sa kape, nauwi kaming tatlo sa Tagaytay. Nag SB, Papa Dom's, at Tap Station. Ang mahal naman maubusan ng kape.
Kung ikaw ay ulan—ikaw 'yong tipong pumapatak sa bubong nang marahan. Ikaw 'yong gusto akong i-hele sa paghimbing at samahan pa rin hanggang sa paggising. Ikaw 'yong pipiliting dumampi sa'king mga balat kahit ang payong ko'y matayog namang nakaangat.
Kung ikaw ay ulan—ikaw ay aking aawitan. Ikaw lang ang musikang pakikinggan. Ikaw ang tunog na babalik-balikan. Ikaw ang paborito kong ulan.