Tumgik
ashpen · 5 years
Text
a fools guide to not wanting to die anymore
by me, a fool who doesnt wanna die anymore 
never make a suicide joke again. yes this includes “i wanna die” as a figure of speech. swear off of it. actually make an effort to change how you think about things.
find something to compliment someone for at least 4 times a day. notice the little things about the world that make you happy, and use that to make other people happy.
talk to people. initiate conversation as often as you possibly can. keep your mind busy and you wont have to worry anymore
picture the bad intrusive thoughts in youe head as an edgy 13 year old and tell them to go be emo somewhere else
if someone makes you feel bad most of the time, stop talking to them. making yourself hang out with people who drain you is self harm. stop it.
470K notes · View notes
ashpen · 5 years
Text
Society should stop having that stereotypical image of abuse
Abuse isn’t always bloody noses and hungry babies.
Constant yelling/belittling/humiliating your child is abuse.
Making fun of your child’s interests/clothes/looks/insecurities is abuse.
Threatening your child to hurt them if they disobeyed you is abuse.
Calling your child names is abuse.
Making your child feel unsafe is abuse.
Making your child feel guilty for being different is abuse.
This stereotypical image is what makes a lot of abuse survivors doubt their abuse.
Emotional abuse is valid and it’s NOT less important than physical abuse.
19K notes · View notes
ashpen · 6 years
Text
Society should stop having that stereotypical image of abuse
Abuse isn’t always bloody noses and hungry babies.
Constant yelling/belittling/humiliating your child is abuse.
Making fun of your child’s interests/clothes/looks/insecurities is abuse.
Threatening your child to hurt them if they disobeyed you is abuse.
Calling your child names is abuse.
Making your child feel unsafe is abuse.
Making your child feel guilty for being different is abuse.
This stereotypical image is what makes a lot of abuse survivors doubt their abuse.
Emotional abuse is valid and it’s NOT less important than physical abuse.
19K notes · View notes
ashpen · 6 years
Text
Luha at Ulan
Naisip mo na ba kung ano ang pinagkaiba ng luha at ulan?
Pasensya ka na sa aking random na katanungan,
Hindi ko naman intensyon na ikaw ay maguluhan,
Nais ko lang namang sayo ay may mapatunayan.
  Hindi ba't ang luha at ulan ay tila iisa lamang?
Hindi ba't kapag umuulan ay pilit nating hinihiling na ito ay tumila?
Hindi ba't ganito rin ang ating ginagawa sa ating kapwa?
Hindi ba't kapag may tumatangis sa ating harapan ay hinihiling natin na sila ay tumahan?
Dahil ang ingay na kanilang nililikha ay di na natin makayanan.
Hindi ba't alintana sa atin ang pagpatak ng ulan?
Tulad na rin na alintana sa atin ang pagtangis ng ating mga kaibigan.
Hindi ba't kaya natin sila pinapatahan,
Ay tinuturing natin ang kanilang pagtangis, bilang isang kaartehan.
  Kaya naman pilit kong pinag-aralan,
Ilang buwan ko rin pinagpursigihan,
Ang tumangis na tanging ang nakakaalam ay aking mga unan,
Dahil ayaw kong maging alintana sa aking mga kaibigan,
Dahil ayaw kong maging tulad sa mga patak ng ulan,
Na isang malaking abala sa mga taong masasaya.
1 note · View note
ashpen · 6 years
Quote
small things are nothing for those who do not know how to appreciate
a
0 notes
ashpen · 6 years
Text
Hesus pagmasdan mo ang kalagayan ng mundo,
Hindi ba’t ang pagdiriwang sa iyong kaarawan,
ay para rin sa kanilang, mga anghel ng lansangan
1 note · View note
ashpen · 7 years
Text
anG GANDAAAAA HUHUHHUHUH
A FAREWELL TO LIFE
As the sky screams in different colors,
And the birds sing songs,
I was staring at the beautiful world.
The beautiful world I am in, I am helpless in.
As I was staring, I realized how lucky I was to be given a chance to meet great people. To be with them.
The memories of my existence came to me like an avalanche.
Rushed, strong and powerful. Something that I can’t stop.
I remembered the people I will be leaving.
The people I loved more than I loved my self.
The people I hurt, the people I helped and the people who helped.
To those people I hurt, I truly am sorry for everything that I have done.
To those people I helped, I am glad that I was once became part of small successes in your life.
To those people who helped me, words are not enough to show how grateful I am. Thank you for everything.
Now, I want to tell you something that not everybody knows.
“I fear life more than I fear death.”
For me, living is scarier for everyday is an adventure.
An adventure that can either make us or break us.
An adventure that can abandon us with an empty heart.
While death is the day God will call for us.
The day we can be with our Creator.
For me, death is a sign that tells us we already achieved His task for us.
That our responsibilities and purposes in life were done.
Through this, I want you to smile for me because I am now in a place where I will be safest.
And I want you to smile for me because I now accomplished my greatest success.
I accomplished the challenges of life and am now done with the tasks God asked me to do;
As the sky screams in different colors,
And the birds sing songs,
I am staring at the beautiful world.
The beautiful world I was in, I was helpless in.
The beautiful world I can never be physically in again.
The laughters and tears, the strengths and fears.
The joy and the disappointments life had brought will join me here;
The painted strokes of oranges and pinks and purples and blues illuminated the sky.
I want the sound of laughter, not cries, fill the place.
As I travel from earth to space.
I am glad that a part of me will forever remain in this beautiful world.
Through my ashes that will be dispersed in the air while the sun is going down.
Through your memories.
And through your hearts;
Now,
I, Kyle ,
Bid my final goodbye.
Bid my farewell to life.
Until we meet again.
2 notes · View notes
ashpen · 7 years
Text
Patawarin Mo Ako
Sa ilang taong namalagi ako sa mundong ito,
Aaminin ko marami akong natanggap na regalo,
Pero kahit gaano karami pa ang mga ito,
Kayo at kayo pa rin ang aking paborito.
Hindi ko na alam kung paano tayo nagsimula,
Hindi ko na maalala kung saan tayo unang nagkasama,
Nakakainis naman, lahat na lang hindi ko alam,
Pasensya na ha, sana ako’y iyong maintindihan.
Sa aking biglaang paglisan, ako sana’y mapatawad mo,
Hindi ko rin naman nais na umalis sa tabi mo,
Kung may kakayahan lang akong pigilan ito ay gagawin ko,
Lalo pa’t marami pa kong hindi nasasabi sayo.
Patawarin mo ako kung hindi ako naging tapat sayo,
Natatakot kasi akong malaman mo ang aking mga sikreto,
Dahil baka maging sanhi ito ng paglayo mo,
at baka saakin ay magbago ang tingin mo.
Patawarin mo ako kung hindi kita nabigyan ng mga pangaral sa tuwing may problema ka,
Ayaw ko kasing isipin mo na pinangungunahan kita,
Kaya’t dalawang tenga na lang ang inilalaan ko,
Para maibsan ang problemang dala-dala mo.
Patawarin mo ako kung hindi kita nasabihan ng mga salitang makapagpapagaan sa loob mo,
Tuwing tumatangis ka sa harap ko,
Tanging kapirasong tela ang naiaabot ko,
Kaakibat ang dalawang brasong, yumayapos sa kalungkutan mo.
Patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sayo ang mga salitang, “Mahal Kita”.
Dahil duwag ako at sadyang nahihiya,
Pero sana ay naramdaman mo ang pagmamahal ko,
Sa mga simpleng bagay na ginagawa ko para sayo.
Ngayon kaibigan, pwede ba akong humiling?
Pwede bang ikaw ang maghatid ng aking huling habilin?
Sana ay walang tatangis sa aking libing,
Dahil gusto ko ay Masaya tayo sa huling araw na kayo ay aking kapiling.
Salamat sa mga ala-alang ibinigay ninyo,
Sa aking paglalakbay ito ang baon ko
Wag kayong mag-alala babantayan ko kayo
Sana lang ay manatili ako sa puso at ala-ala ninyo.
2 notes · View notes
ashpen · 7 years
Text
PAMALIT
Bakit parang napakadali nang humanap ng kapalit? Na parang hindi na pinapahalagahan ang bawat mga gamit, Na wala ng pakialam kahit mawala ito ng saglit. Bakit? At ito pa ang mas masakit At hindi ko maiintindihan kahit saglit, Ito Ang paghanap ng kapalit, Sa taong nagpasaya sa'yo para lungkot ay mawaglit, Ang taong pumawi sa lahat ng sakit, At ang taong tinanggap lahat ng pait. Bakit? Sa akin ba ay hindi ka na masaya? Ako ba para sa'yo ay wala ng halaga? Ako ba, na minsan sa'yo nagpasaya, Ay puro pasakit na ang dala? Bakit? Siguro tama ang sabi nila, Na sa'yo ay may ibang nagpapasaya na, Na magbibigay sa'yo ng pagpapahalaga, Dahil nakita ko, Nakita ko, sa iyong mga mata ang kakaibang saya, Kakaibang saya na sakanya mo lang nadama. Pero bakit para sa'yo ay napakadaling humanap ng kapalit? Bakit sa'kin ganito ka kalupit? Siguro hindi mo ako minahal kahit saglit, Para iparanas ang ganito katinding sakit.
1 note · View note
ashpen · 7 years
Text
Tampalasang paghiling at hamon din
Maaari po bang ang mga tula ko din ng pag-ibig sa bayan ay irepost at pusan ninyo, at hindi lamang ang mga hinagpis ng aking puso mula sa sakit ng ‘di maipilit na pag-ibig sa isang tao?
3 notes · View notes
ashpen · 7 years
Text
Para Sa’Yo, Gago
Siguro naaalala mo pa nung una ka naming makilala, Unang araw yon ng eskwela kung tama ang aking pagkakaalala At noong araw din na iyon nagsimula ang istorya, Istorya ninyo ng kaibigan kong mahal ko ng sobra. Ilang araw ang lumipas at umamin ka na Totoo nga at may nararamdaman ka para sakanya, Kaming magbabarkada'y masyadong natuwa, Pagkantyaw sainyo amin na ngang ginawa. Noong una ayos pa ako sa mga pinapakita mo samin, Pero ano tong balitang saakin ay nakarating? Kaibigan ko raw ay inaaway mo? Dahil nagseselos ka sa mga kaklase ninyo. "Anong karapatan mo?" Gusto kong itanong sayo, Pero sarili ko ay pinigilan ko, Dahil ayaw kong masaktan ka kapag tinuloy ko hanggang sa "e wala namang kayo" Lumala pa nga ang sitwasyon, At kahit ako nararamdaman ko yung tension, Kaya't kinailangan na naming gumawa ng aksyon, Bago pa mawalan kayo ng koneksyon. Kinausap ko sya at pilit pinaamin, Oo raw, sayo siya'y may nararamdaman din, Kaya't dali dali sya sayo ay umamin Paglayo mo, kanya daw pipigilin. Nagulat ka sa nangyaring pag-amin. Aaminin ko, maging ako man din, Pero wala akong magagawa kung hindi ang sumuporta, Dahil alam kong sa'yo sya sasaya. Kinausap mo ako, pati na ang buong tropa, "Papatunayan ko yung sarili ko" pangako mo pa, Kaya kami naman ay umasa, Na baka mali nga ang sinasabi nila. Sa amin kasi ay mayroong nakapagsabi "gago" ka raw, babaero pa ang terminology, Pero pinili naming sa iyo ay maniwala, Dahil ayaw namin ang husgahan ka. Pero dumating na ang araw na pinatunayan mo ang iyong sarili, Gago ka nga, akin lang masasabi. Kapal ng muka mo, kaibigan ko pa 'yong sinisisi, Kahit na ikaw naman talaga ang syang lumandi. Hahanap ka na lang ng pamalit, yung kaklase pa talaga ninyo, Natanong ko na lang sa sarili ko, kung alam mo ba yung salitang "respeto" Kasi yung ibang kilala ko, gago lang pero marunong gumalang sa nararamdaman, Nararamdaman ng taong kanyang iniwan. Pero pipilitin ko na pasayahin muli ang kaibigan ko, Sana maging masaya ka rin, diyan sa bago mo, Siguro nga ay hindi naging sapat ang kaibigan ko, Dahil para sayo, mas matimbang ang pusoy dos kesa uno
5 notes · View notes
ashpen · 7 years
Text
Kaguluhan
Isang araw, puno ng kaguluhan, Sa iba’t ibang bansa, sa iba’t ibang bayan, Pero bago ko to simulan, nais ko lamang ipaalam, Na ang tulang ito ay para muna sa aking bayan.
Pilipinas, ikaw ang bayan ko, Mula pa noon ay may nangyayari ng gulo, Kung kaya’t hanap ng mamamayan mo ay pagbabago, Pagbabagong makatarungan sa lahat ng tao.
Hanggang sa maihalal ang isang pangulo, Kaya nya raw magbigay ng pagbabago, Sa loob ng anim na buwan raw, makakaasa kayo, Na mapupuksa ang krimen sa bayang ito.
Hindi pa man nagsisimula ang kanyang termino, Napakaraming buhay na ang naperwisyo, Mga katawang wala ng buhay nagkalat sa kanto, Ayon sa kinauukulan, “nanlaban” ang mga ito.
Pagpatay sa mga ‘nanlaban’ ay mas umigting pa, Pati kabataan, at buntis ay nadadamay na. Akalain mo bang madamay ang isang buntis na manganganak na sana, Sa paanong paraan nila masasabing, nanlaban siya?
Maraming tao sa Presidente ay nagalit, Lalo na nang mabalitaang, may nadadamay ng paslit, Pero teka, intindihin muna natin saglit, Kailangan ba talagang buhay ang kapalit?
Maraming paraan, kung ating iisipin, Maaari silang dakpin, at sa prisinto ay dalhin. Kung manlalaban, sa binti ninyo barilin, Dahil ang pagpatay ay hindi ninyo gawain.
“To serve and protect”, yan ang pangako nyo, Pero mga taong inosente, ay pinapatay ninyo, Para sa sikwenta mil, o sa pagtaas ng ranggo, Mamang pulis ito ang tandaan mo, may Diyos na laging nanonood sa'yo.
At para naman sa'yo mahal naming Pangulo, Oo nga’t inaasam namin ang pagbabago, Pero hindi ito ang pagbabagong gusto ko, Lalo na’t buhay ng tao ang kinukuha mo.
Anim na taon ang isang termino ng pangulo, May limang taon pa, para sa pagbabago, Kung pwede po ay pagisipan ninyo ito nang husto, Dahil hindi makatarungan ang pagkitil sa buhay ng tao.
7 notes · View notes