Tumgik
#gagowagako
ashpen · 7 years
Text
Para Sa’Yo, Gago
Siguro naaalala mo pa nung una ka naming makilala, Unang araw yon ng eskwela kung tama ang aking pagkakaalala At noong araw din na iyon nagsimula ang istorya, Istorya ninyo ng kaibigan kong mahal ko ng sobra. Ilang araw ang lumipas at umamin ka na Totoo nga at may nararamdaman ka para sakanya, Kaming magbabarkada'y masyadong natuwa, Pagkantyaw sainyo amin na ngang ginawa. Noong una ayos pa ako sa mga pinapakita mo samin, Pero ano tong balitang saakin ay nakarating? Kaibigan ko raw ay inaaway mo? Dahil nagseselos ka sa mga kaklase ninyo. "Anong karapatan mo?" Gusto kong itanong sayo, Pero sarili ko ay pinigilan ko, Dahil ayaw kong masaktan ka kapag tinuloy ko hanggang sa "e wala namang kayo" Lumala pa nga ang sitwasyon, At kahit ako nararamdaman ko yung tension, Kaya't kinailangan na naming gumawa ng aksyon, Bago pa mawalan kayo ng koneksyon. Kinausap ko sya at pilit pinaamin, Oo raw, sayo siya'y may nararamdaman din, Kaya't dali dali sya sayo ay umamin Paglayo mo, kanya daw pipigilin. Nagulat ka sa nangyaring pag-amin. Aaminin ko, maging ako man din, Pero wala akong magagawa kung hindi ang sumuporta, Dahil alam kong sa'yo sya sasaya. Kinausap mo ako, pati na ang buong tropa, "Papatunayan ko yung sarili ko" pangako mo pa, Kaya kami naman ay umasa, Na baka mali nga ang sinasabi nila. Sa amin kasi ay mayroong nakapagsabi "gago" ka raw, babaero pa ang terminology, Pero pinili naming sa iyo ay maniwala, Dahil ayaw namin ang husgahan ka. Pero dumating na ang araw na pinatunayan mo ang iyong sarili, Gago ka nga, akin lang masasabi. Kapal ng muka mo, kaibigan ko pa 'yong sinisisi, Kahit na ikaw naman talaga ang syang lumandi. Hahanap ka na lang ng pamalit, yung kaklase pa talaga ninyo, Natanong ko na lang sa sarili ko, kung alam mo ba yung salitang "respeto" Kasi yung ibang kilala ko, gago lang pero marunong gumalang sa nararamdaman, Nararamdaman ng taong kanyang iniwan. Pero pipilitin ko na pasayahin muli ang kaibigan ko, Sana maging masaya ka rin, diyan sa bago mo, Siguro nga ay hindi naging sapat ang kaibigan ko, Dahil para sayo, mas matimbang ang pusoy dos kesa uno
5 notes · View notes
caaatwomaaan · 11 years
Text
Hindi ka matatamaan kung wala kang kinalaman :D
3 notes · View notes