Tumgik
#kahilingin
ashpen · 7 years
Text
Patawarin Mo Ako
Sa ilang taong namalagi ako sa mundong ito,
Aaminin ko marami akong natanggap na regalo,
Pero kahit gaano karami pa ang mga ito,
Kayo at kayo pa rin ang aking paborito.
Hindi ko na alam kung paano tayo nagsimula,
Hindi ko na maalala kung saan tayo unang nagkasama,
Nakakainis naman, lahat na lang hindi ko alam,
Pasensya na ha, sana ako’y iyong maintindihan.
Sa aking biglaang paglisan, ako sana’y mapatawad mo,
Hindi ko rin naman nais na umalis sa tabi mo,
Kung may kakayahan lang akong pigilan ito ay gagawin ko,
Lalo pa’t marami pa kong hindi nasasabi sayo.
Patawarin mo ako kung hindi ako naging tapat sayo,
Natatakot kasi akong malaman mo ang aking mga sikreto,
Dahil baka maging sanhi ito ng paglayo mo,
at baka saakin ay magbago ang tingin mo.
Patawarin mo ako kung hindi kita nabigyan ng mga pangaral sa tuwing may problema ka,
Ayaw ko kasing isipin mo na pinangungunahan kita,
Kaya’t dalawang tenga na lang ang inilalaan ko,
Para maibsan ang problemang dala-dala mo.
Patawarin mo ako kung hindi kita nasabihan ng mga salitang makapagpapagaan sa loob mo,
Tuwing tumatangis ka sa harap ko,
Tanging kapirasong tela ang naiaabot ko,
Kaakibat ang dalawang brasong, yumayapos sa kalungkutan mo.
Patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sayo ang mga salitang, “Mahal Kita”.
Dahil duwag ako at sadyang nahihiya,
Pero sana ay naramdaman mo ang pagmamahal ko,
Sa mga simpleng bagay na ginagawa ko para sayo.
Ngayon kaibigan, pwede ba akong humiling?
Pwede bang ikaw ang maghatid ng aking huling habilin?
Sana ay walang tatangis sa aking libing,
Dahil gusto ko ay Masaya tayo sa huling araw na kayo ay aking kapiling.
Salamat sa mga ala-alang ibinigay ninyo,
Sa aking paglalakbay ito ang baon ko
Wag kayong mag-alala babantayan ko kayo
Sana lang ay manatili ako sa puso at ala-ala ninyo.
2 notes · View notes
Text
05.11.22 | Wednesday 08:27AM
This will be my last post about this matter. 😊
To Sir Bongbong Marcos, Sir congratulations po, hindi man ikaw ang aking sinuportahan at ibinoto ng nag daang eleksyon ay lubos ko pong tinatangap ang iyong pagkapanalo. Naway maging maayos at matiwasay ang iyong pamumuno sa ating bansa.
Pero may kaunting kahilingin lang po ako, na sana po ay mahalin mo ng lubos at totoo ang Pilipinas Sir, kasi na niniwala ako na pagmahal natin;
Tumblr media
- hindi nating ito kayang bigoin
- hinding hindi natin ito magagawang lokohin at saktan
- na magiging tapat tayo
- na iisipin po natin ang ikakabuti po ng bawat Pilipino
- na mas piliin natin ang seguridad ng Pilipinas at nasasakupan nito.
Sir, mahalin mo lang po ng lubos at totoo ang Pilipinas oks na po yung, susuporta ako para sa ikakabuti ng bansa dahil mag kaiba man tayo ng paniniwala at paninindigan wag sana nating kalimutan na Pilipino tayong lahat. ❤️
To VP Leni Robredo , wag pa kayong mag-aalala Ma'am hindi mo kami nakakalimot. Hinding hindi namin kakalimutan at hahayaang mawala ang pag-asang itinamin mo sa aming puso. Salamat sa magiting na pagtindig para sa bawat Pilipino. Sabi mo nga hindi dito nag tatapos ang laban, ito palang ang simula. 🌹
At sa bawat Pilipino naway wag nating bigoin ang ating bansa. Wag nating hilingin ang kalugmukan nito dahil lang iba ang pangulo sa inaasahan natin. Naway tayo'y magkaisa para sa ikakabuti ng lahat. Let's support and respect who ever sits pero hindi ibig sabihing tatahimik lang tayo pag may nakikita tayong mali. Pilipinas parin. 🇵🇭
This is me just saying laban lang Pilipinas. :)
Love above all. ❤️❤️❤️
Photo credits to the owner. Nakita ko lang abi ni. 😅
1 note · View note
henymagalona-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
FILIPINO BLOG KO: SA UGOY NG DUYAN
Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Refrain: Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh! inay ______________________________________
ISYU: Maiintindihan natin na ang kantang ito ay tungkol sa bata na gustong bumalik sa piling ni nanay. Isinisimbolo din ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Ang ating mga ina ay gagawin ang lahat ng makakaya nila para lang maibigay nila ang ating mga kailangan at kahilingin. Pero meron din ibang kahulugan ang kantang ito at ayun ang tungkol sa estado ng bansa. “nais kong maulit ang awit ni inang mahal” sinasabi dito na baka nga gusto ng umawit at sumulat ng kantang ito na bumalik ang Pilipinas sa dating niyang kaluwalhatian. Ngayon na si Duterte ang ating pangulo, baka sakaling matupad ang pagbabalik ng Pilipinas sa dating magandang lagay.
REAKSYON: Masasabi ko na ito ay napaka gandang tula na nagbibigay saatin ng aral na mahalin ang ating mga ina sapagkat walang iba na makakapag bigay ng lubos na pagmamahal kundi sila lamang. At sa ibang salita naman, sana maibalik at maayos ni Duterte ang bansang ito kagaya ng sinabi niya. Sana din ay mas mabigyan pansin ang kantang ito.
#UGOYSADUYAN #FILIPINOBLOGKO @ronacastro
1 note · View note
aazh-blog1 · 7 years
Text
Ala ala
Naaalala ko lahat. Naaalala ko lahat ng sakit. Naaalala ko kung pano ko pinipilit sarili kong makalimutan ka. Paano? Kung sa isang ngiti at tingin mo lang naaalala kong mahal kita. Naaalala ko lahat ng kahilingin kong mapasakin ka. Naaalala ko kung paano ako nagpapasalamat sa Diyos at nakilala ka. Naaalala ko kung pano mo pinasaya ang mundo ko. Naaalala ko kung pano ka naging bituin sa madilim kong gabi. Naaalala ko kung paano mo iniba ang buhay ko. Ganito pala kapag nagmamahal? Gumagaan ang lahat kapag ikaw ang kasama. Naaalala ko din kung pano moko binabaliwala. Naaalala ko kung bakit dimo maramdaman lahat ng pagmamahal na meron ako para sayo. Naaalala ko kung pano ko gustong lumayo, lumayo dahil sobrang sakit na. Sobrang sakit na sa lahat ng naaalala ko. Mas lumulutang ang ala ala ng mga sakit sa puso ko dahil ikaw yung taong minahal ko. Taong hinding hindi mapapasakin. Ayaw ko na maalala. Di ko kaya.
0 notes
shunyown · 12 years
Text
Simbang Gabi.
Malapit ng matapos ang siyam na araw mong pagpupuyat. Pero alam mo ba talaga kung bakit mo ito ginagawa? Totoo ba talaga na natutupad ang hiling mo kapag nakumpleto mo ang simbang gabi. Alam mo ba na posible ka magkaroon ng sakit sa iyong ginagawa dahil sa pagpupuyat mo kahit na bata ka pa lang. Nakumpleto mo nga ito ngunit anong kapalit sayo? Magkakaroon ka ng sakit na popoblemahin pa ng magulang mo dahil kailangan bumili ng gamot para sayong mabilisang pag galing. Swerte mo na lang kung hindi ka magkaroon ng sakit kapag natapos mo ang simbang gabi. Tandaan mo hindi basta basta matutupad ang kahilingin mo kung basta mo na lang ito sasabihin kailangan mo rin itong gawin para mangyari ang gusto mo. Hindi naman masama ang pagsisimbang gabi. Kailangan mo lang talaga ng ganitong impormasyon kahit papaano.
3 notes · View notes