Tumgik
ynarii 9 days
Text
I find writing a habit, a hobby, and a way to release every feeling.
May was a tough month for me; puro responsibilities, self-care, and dala-dala ko yung pressure ko sa sarili kong standards. Cried every second na I doubted myself sa mga kakayahan ko, sobrang scared na wala maging bunga yung hardwork ko. I swear I knew how weak I was. I tried to comply naman with every requirement I had JUST to graduate, this sem was the hardest one since alam kong bare minimum na lang yung napprovide ko and my friends knew that.
But here I am, crossing every bridge, earning an award from my internship, as well as receiving recognition from past semesters. It was really a roller coaster ride of emotions; from online classes to hybrid classes (mixed f2f and online). Hindi pa rin siguro nagssink-in until now na na-exit ko na yung arch, cleared all of my deficiencies and enjoyed hanging out with friends. Sobrang surreal pa rin talaga na i'm graduating with flying colors, worth it yung sleepless nights to accomplish every project and hardwork ng parents ko. I will always make them proud. Congratulations to all graduates 馃
1 note View note
ynarii 22 days
Text
I will always appreciate how strong you are, my love!! 馃┒
hindi ko alam kung kailan nagsimula.
kahit na sa discord ko lang nakilala sina yna at david, sobrang laki na ng impact nila sa buhay ko. since last year pa, kada inaatake ako anxiety at bigla nalang nagbi-breakdown, isa si david sa nakikinig lang sa akin hanggang sa kumalma ako. despite of our age gap, sobra ko silang nakasundo ni yna.
mas lalo pang lumalim friendship namin ngayon pagkabalik ko ng discord. although friends kami sa lahat ng social accts namin, mas nakakapag-usap talaga kami sa discord ng maayos. tas ayon, umabot na sa punto na naging safe place ko na sila. minsan sila na hinahanap ng sistema ko. kahit wala kami pag-usapan, basta andyan presensya nila sa voice channel, okay na ako doon. kuntento na ako.
Tumblr media
si yna kausap ko sa dms tungkol sa pag relapse ko. di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko rin kay david. siguro nga dahil sa kanila ko nararamdaman na safe ako, walang pagda-dalawang isip na shinare ko rin sa kanya. ga muntik ako mapahagulhol ng iyak sa replies niya. sobrang comforting para sa akin ng mga sinabi niya.
kaya lagi ko nababanggit ung age gap namin, malaking factor kasi talaga sa akin iyon plus ung fact na nagmi-meet kami nila yna at david kahit na ang laki ng agwat ng edad ko sa kanila, sobrang sarap sa feeling. na totoo nga talaga ung sinasabi nila na walang age ang friendship. ngayon, naniniwala na talaga ako doon. marami rin ako natututuhan sa kanila na mga bagay na wala sa knowledge ko. at nakakatuwa lang din marinig mga experiences nila sa buhay.
sa ngayon bukod sa mga dogs ko at sa partner ko, sila talaga ung comfort ko. sa kanila ako nakakahinga ng maluwag at nakakarelax kahit na papaano. sabi ko nga eh, sana maglast itong friendship namin. joke ko pa kay yna na ako kunin niyang magca-cater or bake sa kasal niya if ever.
5 notes View notes
ynarii 24 days
Text
Sobrang hirap pala talaga pag ang taas ng expectations mo sa sarili mo no? Grabe struggles ko from JHS pa, tapos nung una in denial pa ako kasi feeling ko expectations ng mga magulang ko yung nararamdaman kong bigat pag nakakakuha ako ng mababang score. I knew na sobrang grade conscious and perfectionist ako sa bagay-bagay. Nadodown, nagbbreakdown, and binablame ko sarili ko kasi "hindi ako nag-eeffort," pero sa loob ng ilang years, ang dami ko rin narealize.
Narealize ko na hindi naman porket bumagsak ako, hindi na ako nag-effort, kitang-kita naman na aral na aral ako sa mga subjects. Hindi ko na inisip sarili ko, puro nalang "kailangan ko aralin" "kailangan kong mamemorize 'to." Nakita ko sarili ko na nagsstruggle every time na pinepwersa or pinipilit ko sarili ko, and ang stressful pala talaga non.
On the brighter side, I learned na pwede pala i-balance ang time mo sa games, or any leisure activities na kung saan nahahanap mo yung comfort and peace mo. You will always need some time off sa academics, wag na wag mong ppwersahin sarili mo because mas magiging prone ka sa stress and madali ka mabburnout 馃ぉ Important ng well-being natin all the time!!
鉂わ笍
2 notes View notes
ynarii 27 days
Text
Feeling ko sa buong buhay ko, nabalutan ako ng fears and worries na madali lang ako iwanan ng tao. Dahil dun, I tried reaching and wondering kung anong ineexpect ng tao saakin, I tried giving them everything para lang hindi ako maiwan mag-isa. Attachment issues, trust issues and personal issues kinakalaban ko araw-araw, nakakabaliw din pala no?
Tumblr media
Super eye-opening ng lahat, yung mga naexperience ko and mga naexperience ng friends ko na nashare lang saakin. Dapat makilala ko pa sarili ko and dapat maging aware ako sa mga nakakasalamuha ko, kasi minsan hindi naman pala clear yung intentions nila, and plan ka lang pala paglaruan + gamitin. Dapat pala matuto akong paliitin yung circle ko doon sa mga friends na alam kong may concern saakin. Hindi ko naman need ibigay lahat para lang hindi ako iwan, hindi ko kailangan magdwell pa sa past. I have my bestfriends, @moonlightrieu @switlaber69 para masabihan ng mga problems ko. Plus, mga og college friends ko; sobrang thankful ako sakanila. Tama talaga yung pag may aalis, may papalit.
Siguro sinusulat ko na lang 'to para maisip ko na ang layo na ng narating ko, pati gaano na ko nag grow as a person. With the help of my friends, yung mga supporters ko. I will forever be grateful.
Labis-labis ko kayong mamahalin at papasalamatan, mga mahal.
5 notes View notes
ynarii 1 month
Text
Tumblr media
Everything is painful nowadays.
It may be because of pressure from parents, relationships that turned out bad, and cutting off friendships. Ang dami kong natutunan and alam kong marami pa kong matututunan after 22. Pero narealize ko lang na kahit anong gawin mong pagtanggap at pagmove forward, basta nandyan yung memory, masakit pa rin pala and nandoon ka pa rin talaga.
Nakakaproud lang siguro na kahit ang dami kong pinagdadaaman din sa buhay, pinipili ko pa ring lumaban. Gaya nga sa sabi dito sa application na to:
Growth is painful. Change is painful. And still, you continue to show up for it.
Naisip ko na maraming mawawala, pero marami ring papalit and kahit mangyari man sayo yun ng paulit-ulit, pipiliin ko pa rin yung mga taong naniniwala saakin at lumalaban din para saakin. Oras na rin para piliin ko yung kung saan ako magggrow as a person, and malaman ko kung ano yung worth ko. Hindi na dapat ako nagsesettle for less than I deserve, hindi ko na dapat sinasalo yung mga traumas ng iba.
Maniniwala pa rin ako sa sariling kakayahan ko, and mamahalin ko pa lalo yung mga kaibigan ko, self ko, pati yung parents ko. Tatayo pa rin ako hanggang huli at hindi ako susuko basta-basta.
1 note View note
ynarii 1 month
Text
Tumblr media
Life's been so tough lately.
I've been trying to be okay lalo na pag tinatanong saakin kung okay lang ba ako. Alam ng friends ko kung paano ako nagsstruggle each day para lang malaman ng parents ko na para sakanila 'tong ginagawa ko, and ang hirap pala na ganun palagi no? Parang para sa iba ko na lang 'to ginagawa imbes na hanapin ko kung ano talaga yung para saakin. Then sa end, di man lang maappreciate yung mga small efforts mo kahit pagod na pagod ka na.
At this point, ayoko na rin pala magdwell and pansinin kung paano sila nagrereact, ano yung mga sinasabi nila and all. Kung gaano ako kalugi sa words of affirmation sa parents, narealize ko nabigay naman yon sa friends ko mapa-online friends or mga college friends ko. Yung mapasimpleng "i'm proud of you" or mga pagbati lang, sobrang laking bagay na para saakin. I will forever be thankful for them. Syempre kahit di naman nila makita 'to, gusto ko lang magpasalamat.
Thank you for finding me, thank you for making me feel safe, and thank you for being there for me at my lowest.
5 notes View notes