Tumgik
#pelikulang pilipino
linobrocka · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
A Portrait of the Artist as Filipino (1965)
directed by Lamberto V. Avellana cinematography by Mike Accion
74 notes · View notes
rubyglasses · 6 months
Text
Tumblr media
If you like Good Omens and The Good Place, I highly recommend this show on Prime Video! It's a spin-off of the well-acclaimed 2018 film Hintayan ng Langit. I hope this series gets more traction because it's truly unlike any Filipino series we've seen so far. Balancing the comedy and drama, it also boasts amazing performances from its lead actors Maris Racal and Khalil Ramos, who have an excellent chemistry btw 🔥story's quite intriguing, and I like when the show dives into sociopolitical commentary, and how bold it gets considering the political climate in the Philippines.
The first two episodes are out, with new episodes every Thursday ~ go check it out!!!
43 notes · View notes
kalakian · 11 months
Video
youtube
A Filipino-Canadian filmmaker travels to Buscalan, a secluded mountain community, to learn about the history and symbolism of Kalinga tattoos from the legendary artist Apo Whang-od and her apprentices. The film explores how this old practice, once banned and despised in Philippine society, has now evolved into a chic and in-demand type of body art that has become a source of pride and belonging for many Filipinos, both at home and abroad. The documentary also highlights the importance of preserving the tattoo culture for future generations and the challenges faced by the community in doing so. It also delves into the issues of stolen mummified bodies, cultural appropriation, stigmatization, and discrimination faced by tattooed individuals.
37 notes · View notes
ricosaheaux · 1 year
Text
Saan Darating ang Umaga? (1985).
Directed by
Maryo J. de los Reyes
Tumblr media
2 notes · View notes
kitkatguillermo · 4 months
Text
"We keep hearing the same stories; the only thing that makes them different is the lens through which we view them. And we humans are complex."
I'm happy to watch two MMFF film entries this year with my family and friends. A movie is something to be shared, and I hope to catch the other films as well.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Also, mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
1 note · View note
wrongcarwhy · 2 years
Photo
Tumblr media
"Walang lalim ang pagkatao ng isang taong ang hangad lang ay palakpak."
Respeto (2017), dir. Treb Monteras II
0 notes
upismediacenter · 11 months
Text
OPINION: Baling Balita: Ang Pagpokus sa Showbiz News ng Midyang Pilipino
Tumblr media
Photo credit: Anna Dalet
Alam mo bang walang nakuhang wreath sympathy flowers si Ogie Diaz mula kina Liza Soberano at Enrique Gil noong burol ng kaniyang ina? Noong Holy Week Break, nabalitaan mo bang in-upload ni Barbie Forteza sa kaniyang Instagram ang bikini photos kasama ng kasintahang si Jak Roberto sa Panglao, Bohol? Isa pa, narinig mo ba ang kahilingan ni Ellen Adarna na magkaroon ng isang “masaya at maayos na relasyon” ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at ang kasalukuyan nitong kinakasama na si Isabel Santos? Pero nabalitaan mo rin bang labis na nakapokus ang mga peryodista sa personal na buhay ng mga artista?
Kapansin-pansin na napupuno ng kwentong showbiz ang headlines at segment news ng mga tanyag na news program gaya ng TV Patrol ng ABS-CBN News at 24 Oras ng GMA News. Naging laman ng kanilang balita ang mga personal na isyu, gaya ng hiwalayan ng mga artista, pag-unfollow sa social media, pati na ang mga bagong relasyon. Sa hanay ng mga istoryang itinuturing na “balita,” alin ang may pakinabang para sa publiko? Ano nga naman ang maidudulot sa atin kung ikinasal, nag-away, naaksidente, lumipat, nanganak, o nagbakasyon ang mga sinusubaybayan nating artista?
Una sa lahat, ang showbiz o “show business” ay nakatuon sa buhay ng mga sikat na tao at iba’t ibang porma ng entertainment na nakaiimpluwensiya sa kultura’t madla. Sinasabing ang pagbabalita tungkol sa mga sikat na personalidad ay may kakayahang pumawi ng stress kaya malimit itong balik-balikan. Kung gayon, hindi na kataka-takang maging sentro ito ng mga kumpanya sapagkat ito ay isang halimbawa ng matalinong pagnenegosyo.
Ang balitang showbiz ay lubos ding tinatangkilik sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tulad sa Estados Unidos, naitala noong 2007 na 40% ng kanilang publiko ang nagsabing mas nakatuon sa midya ang balita tungkol sa celebrity news at Hollywood stars. Ito ang ibinabalita habang kasagsagan ng iba’t ibang isyu—gaya ng digmaan sa Iraq, pulitika, at krimen. Ayon pa rito, hindi rin gaanong naiuulat ang mga isyung pang-edukasyon, pangkalusugan, at ekonomiya. Isa namang artikulo ang nagtampok na kinahihiligan ng mga tao ang balitang Bollywood kung saan pinatingkad ang pwesto ng mga tinedyer sa midya ng India. Samakatuwid, nagkakatulad din ang mga bansa pagdating sa lagay ng kanilang pag-uulat sa midya.
Sa Pilipinas, buhay din ng mga artista ang laman ng mga balita. Nakita noong dekada ‘80 ang pagyabong ng mga palabas at balita tungkol sa entertainment industry na tuluyang “nagpabago sa cultural landscape” ng bansa. Hanggang nitong 2022, marami naman ang nag-search sa Google tungkol sa aspeto ng entertainment na nagpapakita ng patuloy na interes ng mga Pilipino sa larangang ito. Ilan sa mga hinanap nila ay ang mga bagong pelikulang Disney at k-drama, mga manlalaro ng basketball tulad ni Ricci Rivero, at mga popular na tao sa mundo gaya nina Johnny Depp, Cara Delevingne, at Ahn Hyo-seop. Dito, maaaring mahinuha na ang mga ganitong klase ng pag-uulat ay malapit sa mga tao sapagkat nais nilang makapagpalagayang loob ang isang artista sa pamamagitan ng paglubog ng sarili sa mga balitang showbiz na nagbibigay-daan sa pagpapagaan ng kanilang mga pinagdadaanan.
Dahil sa lumalawak na saklaw ng balitang entertainment sa iba’t ibang porma ng midya, mas madalas nitong napapaligiran ang mga tao. Ayon sa pag-aaral, kabilang ang balitang showbiz at celebrity gossip sa “Circles of Concern”—mga bagay na hindi kontrolado ng mambabasa pero mas binibigyan ng “reaksyon.” Kilala ang may taglay ng katauhang ito bilang “reactive” o tumutugon nang walang pagkilos. Ang ganitong midya na nakasalalay sa reaksyon o magiging damdamin ng mambabasa ay maaaring ng makaaapekto sa inisiyatibo nilang solusyunan ang isang isyu. Isa pa, maaari ring mahubog ang ganitong pag-uugali sa mga usaping may kinalaman sa lagay ng kanilang kababayan. Kaya naman, imbis na aktwal na tumulong sa naghihirap, hanggang sa pag-like sa social media na lamang ang nagagawa ng taumbayan. Walang kongkretong aksyon na pinaplano o isinasagawa. Dahil sa pagtuon sa personal na buhay ng mga artista, nalilimitahan nito ang kamalayan ng mamamayan na masabayan ang mga mahahalagang pangyayari sa lipunan. Samakatuwid, posibleng hindi maging produktibo ang resulta ng kamalayan nila ukol dito.
Kaya’t bilang mga tagapagbalita, mahalaga ang pagiging responsable sa pagpili ng mga kuwentong ibabahagi. Mas mainam na isantabi ang mga walang kabuluhang intriga; sa halip, dapat bigyang-pansin ang mga isyung may malawak na implikasyon sa lipunan tulad ng karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng showbiz, epekto ng showbiz sa kultura at pag-uugali ng mga Pilipino, at iba pang mga usaping kaugnayan ng lipunan at ekonomiya. O hindi kaya nama’y maaari ring itampok ang artistry ng isang artista kaysa sa kaniyang kasikatan. Anu’t anuman, kailangang bigyang-pansin ang pangangalap at pagsusuri sa mga impormasyong may kinalaman sa panahon, presyo ng bilihin, COVID, at iba pa. Hindi ba’t layon ng isang dyornalist na pagtuunan ng pansin ang mga isyung bumabagabag sa bayan?
Bukod sa pagbigay ng malalim at tamang anggulo sa mga kwento, mahalagang maipakita rin nila ang analisis ng isang balita. Kung gayon, kinakailangan nilang gamitin ang kapangyarihan upang maipaunawa sa mambabasa ang balitang artista sa pagsalaysay nito. Halimbawa, maaari nila itong ilatag bilang leksyon, inspirasyon, o gabay para sa masa. Sa halip na maghatid lamang ng impormasyon tungkol sa industriya ng showbiz, maaaring ang ipamahagi ay isang makabuluhang kuwento mula sa buhay ng mga kilalang personalidad. Maaari ring maging paksa ang kwento ng isang artista na nagtagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap. Sa ganitong paraan, mas mapalilitaw ang danas ng determinasyon nila; magsisilbing inspirasyon ang ganitong klase ng balita sa ibang tao, at hindi pawang mga life updates lang.
Lumulubha na ang sakit ng pamamahayag sa Pilipinas: ang pagbibigay-tuon sa mga pang-showbiz na balita ay binabago ang tunay na diwa ng dyornalismo. Unang patunay: nagpopokus na lalo ang lokal na balitang midya sa mga katuwaan at personalang nagaganap sa likod ng industriya at pag-aarte. Kung ano ang mas sikat, ito ang mas palalaguin ng mga taong midya. Ikalawa, dahil ihinalintulad sa isang pag-aaral na ang usaping artista ay produksyon ng kanilang mga kwento, maaaring palalain ng ganitong paraan ng pag-uulat ang kapitalismo sa hinaharap. Syempre, sino ba namang aayaw sa tone-toneladang kitang kalakip ng kontrobersyal at tao-sa-tao na mga usapin? At kung walang agarang sahod na makukuha mula sa isang artikulo, madali pa rin nilang mabibingwit ang pampublikong pansin ng mga susubaybay sa susunod pang mga ulat.
Sa kabuuan, parte man ang showbiz at entertainment ng kultura ng mga Pilipino, mahalaga na baguhin ang diskarte sa pag-uulat sa industriya ng showbiz sa tulong ng paggamit ng midya bilang magbigay ng mahalagang kabatiran sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga kwento’t isyung may kabuluhan na may malawak na implikasyon sa lipunan, maaari pang mabago ang pananaw sa showbiz na hindi lamang ito para sa negosyo; isa rin itong pagkukunan ng mga naratibo ng aral at gabay na agarang nasasagap ng mga mambabasa. Sa gayong paraan, naitataguyod pa rin ang esensya ng isang mambabalita kahit sa pag-uulat ng mga kwentong showbiz.
Nakakabahala na ang porma ng pag-uulat ngayon ay nagtatangkang lumihis sa gampanin ng dyornalismo, sapagkat dapat sana’y tumutulong ito sa pagbibigay at pagbubusisi ng kritikal at tamang impormasyon para sa mga mahahalagang pagpapasyang ginagawa ng sambayanan. Kaya habang maaga pa, kinakailangang maisulong ang pagkakaroon ng reporma sa pamamaraan ng pag-uulat ng midya sa Pilipinas, upang maitulak at maimulat ang mga tao sa mga balitang napapanahon at higit na kapaki-pakinabang. //nina Monique Gervacio at Zaeda Wadi
Mga sanggunian:
https://www.pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Aghamtao/2007/07_Chismax%20to%20the%20Max_%20The%20Celebrity%20Gossip%20Economy.pdf
(n.d.). Merriam Webster. Showbiz definition & meaning. Retrieved May 10, 2023, from https://www.merriam-webster.com/dictionary/showbiz
(2007, October 12). Too much celebrity news, too little good news. Pew Research Center. https:// www.pewresearch.org/politics/2007/10/12/too-much-celebrity-news-too-little-good-news/
(2022, January 13). Andrea Brillantes, Francine Diaz trend as they appear to unfollow each other on Instagram. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/entertainment/01/13/22/did- andrea-francine-unfollow-each-other-on-instagram
(2023, April 24). Marco Gumabao and Cristine Reyes are now Instagram official. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/867914/ marco-gumabao-and-cristine-reyes-are-now-instagram-official/story/
Bonoan, R. (2023, April 28). Ogie Diaz, nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique? Bandera. https://bandera.inquirer.net/348196/ogie-diaz-nakatang gap-nga-ba-ng-mensahe-ng-pakikiramay-mula-kina-liza-at-enrique
Byrne, C. (2022, September 15). Why we care so much about celebrity gossip, according to psychology. Everyday Health. https://www.everydayhealth.com/emotional-health/why-we- care-so-much-about-celebrity-gossip/
Clear, J. (n.d.). Stop overdosing on celebrity gossip, the news, and low quality information. James Clear. https://jamesclear.com/brain-food
CNN Philippines Staff. (2022, February 14). Vice Ganda, Ion Perez ‘get married’ in Las Vegas. CNN Philippines. https://www.cnnphilippines.com/entertainment/2022/2/14/Vice-Ganda- Ion-Perez-wedding-commitment-ceremony-Las-Vegas.html
GMA Integrated News. (2023, April 30). Liza Soberano gets real about love teams in showbiz: ‘We’re supposed to be a real couple on and off cam’. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/868553/liza-soberano-gets-real-about-love-teams-in-showbiz-we-re-supposed-to-be-a-real-couple-on-and-off-cam/story/
GMA Integrated News. (2023, May 1). Ellen Adarna wishes ‘happy and harmonious’ relationship for ex John Lloyd Cruz, Isabel Santos. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/ news/lifestyle/familyandrelationships/868618/ellen-adarna-wishes-happy-and-harmonious -relationship-for-ex-john-lloyd-cruz-isabel-sant/story/
Harris, J. (2004, January 20). Why do we cover celebrities? Poynter. https://www.poynter.org/archive/2004/why-do-we-cover-celebrities/
Herry, J. (2019, January 10). Pros and cons of entertainment news. Sooper Articles. https://www.sooperarticles.com/news-society-articles/business-news-articles/pros-cons-entertainment-news-1704142.html
Pagulong, C. J. (2022, December 27). Entertainment-related topics are among the ‘most googled’ by Pinoys in 2022. The Philippine Star. https://www.philstar.com/entertainment/2022/12/27 /2233403/entertainment-related-topics-are-among-most-googled-pinoys-2022
Pertierra, A. C. (2021). Entertainment publics in the Philippines, 179(1). Sage Journals. https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1329878X20985960
Tuazon, N. (2023, April 10). Barbie Forteza and Jak Roberto’s beach photos in Bohol set Instagram ablaze. Pep.ph. https://www.pep.ph/lifestyle/lifestyle/172602/barbie-forteza-jak-roberto-beach-holy-week-a721-20230410
2 notes · View notes
retseld · 2 months
Text
Ang naghihingalong Kultura ng Pelikulang Pilipino
Asan na ang sining?
            Sa kasalukuyang panahon ng mga makabagong teknolohiya, saan na nga ba patungo ang kultura ng paglikha ng pelikula?
            Mula sa film negative, naging beta tape at VHS tape, hanggang sa maging Hi8 at V8 at sa kasalukuyan ay naging P2 tape, SD card at micro SD card. At mula din sa projector, naging LCD at LED at ngayon ay OLED screen ng ating mga cellphone.
            Paliit ng paliit ang mga gadget. Hindi tumigil ang teknolihiya hanggat hindi nagiging portable lahat ng mga bagay sa paraang kakasya na ang lahat sa ating mga bulsa. Totoo namang malaking tulong at bagay na hindi ka na magbabayad pa ng 300-700 pesos sa mga sinehan para lang mapanood mo ang bagong movie ng Marvel at DC Studio. Magususubscribe ka lang at ilang araw lang ang hihintayin mo at mapapanood mo na ito kahit saan at kahit kailan mo gugustuhin.
            Batang 80’s at 90’s ako at inabot ko pa ang mga panahong sama-sama pa ang magkakapit-bahay na nakikipanood sa telebisyon ng medyo nakakaluwag-luwag na kapit-bahay. At kung medyo may konti pang pondo ang gobyerno nakakamiss din ang pagpapalabas ng mga pelikulang pilipino sa mga parke o basketball court, kung saan uupo ka lang at sama-sama kayong magtatawanan at mag-iiyakan ng mga kabarangay mo. Pero sa panahon ngayon kapag umupo ka sa parke o basketball court ang lahat ay may hawak na cellphone na maaring nagkukuha ng video, nanonood ng Netflix o Youtube, nag fafacebook, may kachat o di naman kaya ay naglalaro ng games.
            Isa ang Pilipinas sa mga bansang hindi nagpapahuli sa mga teknolohiya. Kaya naman laging updated ang mga pinoy, sa Pinas ka nga lang makakakita ng pinapalabas pa lang sa sinehan ang pelikula na hindi tinatao pero sa social media viral na ang buong pelikula at mapapanood mo na nang buong-buo.
            Dala ng modernisasyon ay ang unti-unting pagkamatay ng kulutura ng paggawa ng pelikula. Bukod sa mahal na ticket ay mas naging inn ngayon na entertainment ang cellphone at panonood ng mga vlog sa social media kung saan kapag nakafollow ka at subscribe sa isang vlogger ay kusa itong magnonotify sa iyong cellphone kapag may bago silang upload na video o post. Ang mga artista sa entablado at pinilakang tabing ay napalitan din ng mga tinatawag na influencer at vlogger. Ang lahat ay naging artista at fame sa cellphone. Pakita mo lang ang konti ng boobs mo, magsalita ka lang na parang alam na alam mo ang lahat, iprank mo lang ang nanay mo, ipakita mo lang ang pagkadulas mo sa kalsada habang naglalakad, kuhanan mo ang away ng dalawa mong marites na kapit-bahay, o di kaya ay ipost mo ang aksidenteng nadaanan mo sa kalye for sure instant fame ka na. magkakaroon ka na ng followers, uulan na ng comment sa newsfeed mo. At siguradong uulanin ng like at share ang post mo.
            Isa sa naging turning point ng entertainment na ito ang Pandemic. Nakulong ang lahat sa kani-kanilang bahay. Nabago ang source ng entertainment ng mga pinoy. Nakilala nila ang Netflix at youtube. Ginaya nila ang ilang mga show na nakikita nila, nangprank sila. Gumawa sila ng kani-kanilang short skit. Nagpodcast sila at nagkwento nang nag kwento ng mga review nila at mga opinion sa iba’t-ibang bagay sa ganoong paraan nagsimula ang makabagong pampalipas oras ng mga pinoy. Pero sa kabila nito ay meron din itong mga hindi kaaya-ayang naidulot sa ating mga pinoy. Naging opinionated at podcaster ang lahat to the point na hindi na nafifilter ang mga sinasabi nila at nagiging tagapagpalaganap na sila ng mga fakenews. Sa mga kabataan naman ay naging open sila sa internet at mga kwentong di pa kaaya-aya sa mga edad nila. Nagkalat ang mga pornsite ganun din ang mga vlogger na ang tanging aabangan mo ay ang pagluwa ng kanilang mga dibdib.
            Higit sa lahat ay biglang naghingalo ang pelikulang Pilipino. Mula sa pagiging sakitin nito dahil sa piracy at mahal na ticket sa mga sinehan ay bigla itong nag-agaw buhay dahil sa mga low quality film na lumalabas na agad mong maikukumpara sa mga gawa sa Netflix. Andaming biglang naging director to the point na mula sa pagiging content creator at gumagawa ng mga wedding video at music video ay biglang mga naging film director daw sila.
            Naniniwala akong kabataan ang pag-asa ng bayan, pero mahalagang magabayan din sila at matutunan ang tamang paglikha ng isang pelikula. Aralin man lang sana nila ang film languages  at mga film elements nang sa ganon ay maitaas natin ang ang antas at kalidad ng mga Pelikulang Pilipino. Dahil hindi lang basta pelikula ang pinapatay natin sa ngayon kung hindi maging ang Sining ng Pelikula.
0 notes
jammeyz · 4 months
Text
Ang realidad ng mga sa laylayan ng lipunan
youtube
"Alagwa," o kilala rin bilang "Breakaway," isang pelikulang Pilipino na idinirek at isinulat ni Ian Loreños. Ipinapakita ng pelikula ang malupit na katotohanan sa likod human trafficking sa Asya at poverty. Umiikot ang pelikula sa desperadong paghahanap ng isang ama para sa kanyang dinukot na anak at sa mga hamon na kanilang hinaharap sa gitna ng kahirapan at social hierarchy. Ang paglalarawan sa malalim na emosyon at ang realidad sa pelikula ang nakabugaw sa aking atensyon, sapagkat ipinapakita nito ang mga paghihirap ng ama, na nagtatrabaho bilang isang salesman at bahagi ng komunidad ng Filipino-Chinese, at ang kanyang anak, na kinakaharap ang pang-aapi at hirap dahil sa kanilang kapos na kondisyon sa buhay.
Inilarawan din sa pelikula ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak, dahil hindi tumitigil ang ama sa paghahanap sa kanyang anak na si Bryan, kahit na nangangahulugang kinakailangan niyang pasokin ang madilim na realidad at panganib sa Chinatown na pugad ng isang sindikato ng child-smuggling. Ipinapakita nito ang sakripisyo na handa gawin ng isang magulang para sa kanilang anak. Nagbibigay-diin ang pelikula sa realidad na kinakaharap ng mga nasa laylayan at kung ano nga ba ang tunay na  katotohanan sa likod ng kahirapan. Ibinahagi nito ang child sexual exploitation, ang limitadong access sa edukasyon at oportunidad para sa personal at ekonomikong pag-angat, ang pang-aapi, at kung paano napipilitang maging isip matanda ang isang bata sa napakabatang edad dahil sa kanilang kalagayan sa buhay. Ipinapakita rin ng pelikula ang kasakiman, sa paglalarawan ng pagsasamantala sa mga bata ng mayayaman.
Maihahalintulad din ang isyu sa lipunan na inilarawan sa pelikula sa kasalukuyang lipunan, sapagkat patuloy pa rin ang human trafficking. Ayon kay Lee-Brago (2023), noong 2023, iniulat ng gobyerno na natuklasan ang 1,277 biktima - 740 sa sex trafficking (490 babae, 37 lalaki, 148 batang babae, at 65 batang lalaki) at 537 sa labor trafficking (119 lalaki at 418 babae).
Naglalantad ang pelikula sa realidad ng mga bata na napapadpad sa panganib na sitwasyon, at nagpapakita ng malupit na realidad na kinakaharap ng mga marginalized na komunidad. Sa kabuuan, isang makapangyarihang pelikula ang "Alagwa,” sapagkat nagsasalaysay ito ng kwento ng pag-ibig, pagkawala, at sakripisyo sa gitna ng malupit na realidad ng buhay.
Sanggunian:
Breakaway. (2013, October 9). IMDb. https://www.imdb.com/title/tt2417490/ 
Cruz, F. J. (2013, October 19). ‘Alagwa’: Love on the run. RAPPLER. https://www.rappler.com/entertainment/movies/41741-alagwa-movie-review-francis-joseph-cruz/ 
Jorge, R. (2013, October 14). ‘Alagwa’: Frantic desperation. RAPPLER. https://www.rappler.com/entertainment/movies/41320-ian-lorenos-jericho-rosales-alagwa-movie-review/ 
Lee-Brago, P. (2023, June 18). Philippines retains Tier 1 ranking vs human trafficking. Philstar.com. https://www.philstar.com/nation/2023/06/19/2274859/philippines-retains-tier-1-ranking-vs-human-trafficking
0 notes
xxpangitsigianxx · 4 months
Text
A Silent Voice: Tunog ng Katahimikan
Tumblr media
Ang Silent Voice, isang pelikulang Hapones na naglalarawan ng masalimuot na paksa ng bullying, ay nagbibigay liwanag sa kahalagahan ng pag-unawa at pagpapahalaga sa isa't isa sa kabila ng ating mga pagkakaiba sa buhay. Sa pagsusuri natin sa pelikulang ito, tila ba tinatawag tayo maging boses ng mga taong biktima ng pangaapi.
Sa pangunahing tauhan na si Shoya Ishida, makikita natin ang paglalakbay niya bilang isang tao na nagbabago mula sa pagiging nang-aapi tungo sa pagpapakita ng pagmamahal at pang-unawa. Ipinapakita ng pelikulang ito ang epekto ng pang-aapi hindi lamang sa taong biktima kundi pati na rin sa taong nang-aapi, nagbibigay-diin ito sa kakayahang magbago ng mga tao at sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa iba.
Sa konteksto ng kulturang Pilipino, madalas na itinuturing na bahagi ng ating sariling depinisyon ng pagkatao ang pagiging malakas at matapang. Nagbibigay inspirasyon sa atin ang Silent Voice na baguhin ang ating pananaw at ipakita ang tunay na kalakasan at katapangan sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit at pag-unawa sa iba’t ibang tao.
Hindi natin kailangang manatiling bulag sa mga kahinaan ng iba. Sa pagsusuri sa Silent Voice, natutunan natin na makikita sa pagtutulungan upang wakasan ang kultura ng pang-aapi ang tunay na lakas. Maaaring maging isang mahusay na sandigan ang katahimikan, ngunit sa pagtutulungan natin sa iba, pwede tayo magiging boses ng pagbabago laban sa pang-aapi.
0 notes
madeldal-blog · 4 months
Text
Movie review: GOMBURZA
Tumblr media
GOMBURZA is a film entry in the 49th Metro Manila Film Festival. This film is directed by Pepe Diokno and bagged major awards during the festival's awards night.
It is a creative story-telling of what transpired during the time of the 3 Martyr Friars during the Spanish period. It is based on historical events in our country but was told in a very creative manner. The actors were composed of new and veteran actors in the film.
The portrayals of the characters were very effective rhat it travels behind the silver screen. Aside from the artistry, the movie was also able to touch the present by relating that through time, history really is repeating itself because of the actions of the people. The pl8ght of the Filipinos remains from the past til the present as justice was still always for thise with power and the poor were alwats the victim of these atrocities. The film is relevant in the present time to remind us the we are nit yet free from oppression whether from the Spaniards or even in our iwn goverbment. This is nit silelt a political film byt a signigicant event in our history that burns the passion and patriotism of our National Heroes to fight for our freedon and e joy the rights we have today.
Aside fro.the cultural relevance of this film, it's technical side was also applauded as tge set transports you to the past as well as tge make-up props and the over-all production of the film.
I would like to commebd the whole team for making a relevant mivie that is very educational andcan be a piece used in school to introduce again the heroic deed that Fr. Mariano Gomez, Fr. Jose Burgos and Fr. Jacinto Zamora did for our co7ntry that fuels the heart of a young Jose Rizal who paved the way to get our Independence.
All their awards are well-deserve. Worth every penny tgat you paid for your ticket. MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPINO!
0 notes
linobrocka · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Walang rape sa Bontok (2014)
direksyon ni Lester Valle
54 notes · View notes
sinethewrld · 5 months
Text
Pamilya Ordinaryo: Mga Pinabayaan ng Panlipunan
Pagsusuri ng Cinemalaya Classic "Pamilya Ordinaryo" (2016)
Tumblr media
Base sa kanyang pamagat “Pamilya Ordinaryo”, nais ipahayag ng pelikula na ito ang kahirapan na nangyayari sa mga lansangan ng Maynila. Napapanood dito ang sunod-sunod na mga hamon naidudulot sa batang magkasintahan na sina Jane at Ares na naninirahan sa lansangan kasama ang kanilang nag-iisang sanggol. 
Nagsimula ang trahedya ng mag-asawa nang kinidnap ang kanilang anak sa palengke. Desperado na mahanap ang kanilang anak, lumakbay sina Jane at Aries sa maalikabok na mga kalye ng Maynila at nakapag-tagpo ng iba't ibang mga katauhan at paghihirap sa kanilang pagsubok na makita ang kanilang anak. Nagbibigay ang pelikula ng hilaw at maligasgas na perspektibo sa buhay ng mga mahihirap at nagtatalakay ito ng mga isyu tulad ng kahirapan, kawalan ng tahanan, at ang malupit na katotohanan ng buhay sa urbanong Pilipinas. 
Nagustuhan ko sa pelikulang ito ang pagkuha nito na parang dokumentarya. Nakakabagabag ang sinematograpiya nito dahil nalalabas ng direktor, na si Eduardo Roy, ang pakiramdam na na sa totoong buhay ang lahat ng mga karakter at mga pangyayari. Nanginginig at parang hawak lamang sa kamay ang kamera na parang katulad sa tabingi na pag-angat ng mga paa kapag lumakad. Madalas nag-iiba ang pananaw ng pelikula sa surveillance camera tuwing may kasawian ang mangyayari. Pagpatay, pagtangay ng cellphone, at pagakaw ng isang sanggo ang iilan sa mga krimen nakikita sa perspektibo ng CCTV. Naaagaw pansin ko sa mga detalye ng pagkuha ni Roy sa mga mabibigat na eksena ng pelikula.
Tumblr media
Ngunit maliban sa kakayahan ng pelikula talakayin ang mga isyung panlipunan sa masinang na sinematograpiya, hindi labis napakilala ng kuwento ang mga pangunahing katauhan hiwalay sa kanilang pagdudurusa. Walang makatwiran na konklusyon binigay sa mga naipon na trahedya ni Jane at Aries at nauwi lang sa wala ang lahat. Kahit na walang takot napakita ang katotohanan ng kahirapan, nagiging tanawin lamang ang mga isyung ito sa huli. 
Tanong ni Aries kay Jane sa isang eksena na “Paano kung ang buhay ni baby Arjan doon sa pamilya na iyon maaalagaan siya ng maigi, maibibigay ang mga bagay na hindi natin kayang ibigay kukunin mo pa ba siya?”. Nakapukaw ito sa aking isip nang alalahanin ang kakulangan nila sa mga bagay-bagay na dapat may karapatan sila bilang tao. Walang paninirahan, trabaho, pera, at medikal na tulong, naiiwan sila ng walang kakayahan makapagbuhay ng kanilang sarili lalo na sa kanilang anak. Sa katunayan, napapabayaan ang mga mamamayan katulad nila Aries at Jane sa Pilipinas kaya’t lumulubhang salot sa bayan ang kahirapan.
Sina Aries at Jane ang mukha ng mga mamamayan sa ating lipunan na nabubuhay sa kahirapan. Ayon sa isang UN report noong 2022, higit sa 5 milyong batang Pilipino ang naapektuhan sa sukdulan ng kahirapan. Pinipigilan nito ang mga bata na tamasahin ang kanilang mga pangunahing karapatan. Humahadlang ang kahirapan sa kanilang paglaki dahil sa impluwensiya nito sa mga oportunidad nila sa buhay. Kung walang mga panlipunang programa nagproprotekta sa mga batang ito, napapahamak ang kanilang kaligtasan, gaya sa nangyari sa “Pamilya Ordinaryo”. Nagiging lakas ng pelikula ang kaniyang kakayahan na harapin ang mga mabibigat na paksang ito upang makapukaw ng ating mga isip at damdamin. Sa pamamagitan nito, nagbibigay-liwanag sa malupit na mga katotohanan ng buhay sa Maynila ang “Pamilya Ordinaryo”.
Mga Sanggunian:
Staff, C., & Staff, C. (2023, September 25). Filipino Children in Poverty: How to advocate for change. ChildHope Philippines. https://childhope.org.ph/children-in-poverty/#:~:text=The%20Philippine%20Statistics%20Authority's%202021,harsh%20realities%20of%20the%20country.
Social policy and governance. (n.d.). UNICEF Philippines. https://www.unicef.org/philippines/social-policy-and-governance
0 notes
kalakian · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Oro, Plata, Mata (Gold, Silver, Death) Directed by Peque Gallaga, 1982
---
Ang mga larawan ay kuha sa Twitter post ng Philippine TV & Film Updates
23 notes · View notes
ricosaheaux · 1 year
Text
"Pwede bang makausap ko, ang asawa mo, na asawa ko, na asawa ng bayan?"
- Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi 1983 (dir. Danny L. Zialcita
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
unbiasedph · 7 months
Text
EXCLUSIVE: ONE-ON-ONE INTERVIEW WITH DIREK DARRYL YAP!
“Gusto kong bumait pero ‘di ko magawa” Parang ito ang paboritong linya ngayon ni Direk Darryl Yap na matapos magtimpi ay tuluyan nang sumabog laban sa ilang bigating pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mitsa nito ay ang #MOM o Martyr or Murderer na yayanig hindi lamang sa mga anti-Marcos at Simbahan kundi sa pamilya Marcos mismo! Sa isang no holds barred na interview, may mga…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes