Tumgik
#pakiexplain
chereserene · 1 year
Note
Pakiexplain nga ng maharlika funds.
Hmm. Pwede naman if open ka for wide discussion abt it since alam naman natin na hindi yun beneficial sa mamamayan. And if you're one of working professionals you should know what maharlika funds is since as a filipino citizen dapat aware tayo sa mga nangyayari and demand accountability.
1 note · View note
elfilibusterismo · 2 years
Note
kung history major ka nga, pakiexplain pls ang history ng baket ang hilig ng mga apollo 10 supporters gumamit ang mga emojis HAHAHAHAHHA
mukhang inde ko ata to field ssob HAHAHAHA pero fr wala pa akong nababasa so far na article/research ineexplain yung language at linguistics ng apollo 10 supporters 🤔 kailangan ko pa maghanap
3 notes · View notes
pag-alpas1994 · 1 year
Note
Shit. Rombab lang healing niyan sir
Rombab as in Romantic Baboy? Ehehe pakiexplain anon
0 notes
badingangbato · 3 years
Photo
Tumblr media
For years this has baffled me. Maybe I should try it. #catphenomenon #pakiexplain https://www.instagram.com/p/CU6e2S0BlMF/?utm_medium=tumblr
0 notes
diarywithoutalock · 4 years
Photo
Tumblr media
Ano kaya inaabot ni Fluffy sa panaginip nya? #Fluffythedog #pakiexplain https://www.instagram.com/p/CFM1JHqH3ZF/?igshid=nlupyx03w2xn
0 notes
imblocking-you · 3 years
Note
Tumblr media
sana naalala mo pa yung kanta–
SANDALI
PAKIEXPLAIN
HINDI KO MAHALUNGKAT SA UTAK KO
12 notes · View notes
ano-po · 4 years
Text
Bullshit Filipino Conversations #3
*Kapitbahay brings me a plate full of espageti and pancit and cake (tapos yung pancit meron nang icing ng cake) because it's someone's birthday*
Me (raised in Southern Tagalog, aka, mahilig mahiya): Ay, sandali, huhugasan ko lang yung plato.
Kapitbahay (Bicolano or Bisaya): Ay asksbdjs huwag!!!!
Me: ?
Kapitbahay: Para may panhanda pa sa susunod.
Me: ????!
//sa mga bicolano at bisaya dyan, pakiexplain po. Mga ilang beses na to nangyari sakin//
30 notes · View notes
kalamansisa · 4 years
Text
hi wala lang hindi ko talaga magets yung point nung may bago na kayong jowa tas nagagawa niyo pang makipagusap sa ex niyo. i mean gets ko naman maturity shts pero kasi pre, may awoj ka na so bakit pa? anong point? bakit mo pa ichachat? namiss mo ganon? HAHAHAHA hINDI KO TALAGA MAGETS PAKIEXPLAIN YUNG POINT PLS?
1 note · View note
tryin2getbetter · 7 years
Video
Sorna, I was just amazed! #magic #science #pakiexplain #defyinggravity #mema #igdaily #teamios #teamiphone #teamiphone6s #lagalag (at SM Bicutan)
0 notes
iambryanc · 7 years
Photo
Tumblr media
Still trying to figure out how we ended in Alabang when the plan was to eat pansit in GMA... #PakiExplain #BumbleBeesInAlabang #BumbleBesh #QueenBees 😊❤️🐝🏙️🛣️ (at Westgate Alabang)
0 notes
patsypat03 · 2 years
Photo
Tumblr media
#315of365 pakiexplain nga pano tumatagal yung aesthetics nung mga pinopost sa tiktok at home buddies na restock kineso. Bakit parang araw araw ako nagrerestock ng mga kinakain ni javier? 🤔😅 https://www.instagram.com/p/CWIxZWcv_9D/?utm_medium=tumblr
0 notes
cleverpan · 6 years
Text
nakaearphones ako tapos kakausapin mo ko tapos magagalit ka? tapos kasalanan ko pa? pakiexplain thnx
8 notes · View notes
diarywithoutalock · 4 years
Photo
Tumblr media
Talaga hanggang dito sasamahan mo ako? #Rainbowthecat #puspin #rescuekitten #pakiexplain #clingykitty https://www.instagram.com/p/B5tj6qfnmiW/?igshid=1t3pt2hgzhuhd
0 notes
creativegago · 3 years
Text
IN BETWEEN WORLDS (A Short Story)
Deleted wattpad post under the pseudonym goldiiblox
Started: May 4, 2017
Ended: April 1, 2018
Language used: English, Filipino
SYNOPSIS:
"The promised finally accepted her fate."
Status: Completed
Genre: Fantasy, Short Story
Three parted story.Tagalog-English story. Mild language used. Everything is used in a fictitious manner or a product of the writer's imagination.
Tumblr media
I (date of final revision: October 11, 2017)
Heart strings.
I thought they were just used in expressing deep thoughts in our hearts.I thought they were only made up to deepen the emotions of someone who is loved, brokenhearted and in vain.
And yet, they are real, holding the parts of our heart, to keep it from malfunctioning that will slowly lead us to death. Well, we'll die at the end anyway. It's like discovering the lost history of humanity.
Or perhaps I'm exaggerating things, again.
"Ms. Acosta, are the windows teaching a lesson to you?" Binaling ko ang tingin ko sa matandang guro namin sa English.
"Hindi naman ma'am. Bakit?"
Sagot ko sa kanya habang nakapangulumbaba.
"Pilipino naman po tayo, nag-eenglish pa."
"Speak English."
Iritado niya namang sagot.
"Then can you give us all the kinds of Figurative speech and their uses." Tinitigan ko lang siya ng blangko, yung parang hindi ko alam ang sagot. Nakakatamad lang kasing ubusin ang laway sa mga salitang inuulit na lang lagi.
"Hindi ko po alam. At sorry na po dahil hindi ako nakikinig sa lesson."
Pakiramdam ko, ang mga nangyayari sa buhay ko, naulit na, naikwento na. Kumbaga, ako yung isang bida sa isang kwento pero ang buhay ko ay boring, pangkaraniwan at pinagsawaan na.
Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makontrol ang buhay ko, marami na siguro akong nagawa. Pero lahat siguro na nangyayari sa ating lahat ay planado na ng tadhana.
"Ms. Acosta, are you even listening? I'm not telling you to just stand up, you are distracting the whole class."
Mula sa pagtingin ko sa sahig ay tiningnan ko siya, ang mga matang natatakpan ng malinaw na salamin upang makakita ng maayos.
Hay, sana may mangyaring ring maganda sa buhay ko.Tahimik na lang akong umupo at hinintay matapos ang buong subject. Babagsak na lang siguro ako sa section D next year.
----
Natapos rin ang halos walong oras. Walong oras na mabubuhay pa lalo ang katamaran ng isang estudyante kung matutulala ka lang at hindi na makikinig. Napabuntong hininga na lang ako ng makauwi sa bahay.
Wala na naman si mama.
Pati na rin si papa.
Inggit na naman ako sa mga batang masayang nakahawak sa mg kamay ng kanilang magulang.
Pero, Dawn Acosta, hindi ka na bata.
Hindi naman siguro ako pagagalitan kung umuupo ako sa isang makapal na sanga ng puno ng Acacia. Kasalanan ko bang mamatay at mabuhay ulit? Kung hindi ko man kasalanan, ano naman ang dahilan?
II (date of final revision: October 11, 2017)
Sabado.
Tumingala ako sa langit na medyo natatakpan ng mga dahon at sanga sanga ng puno. Ang asul nitong kulay ay nandyan lang at umaalis lang kapag gumagabi na at pinapalitan ng repleksyon ng misteryosong kalawakan. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring makaupo sa ulap, ngunit mahuhulog pa rin ako sa lupa. Ang paggalaw nila ay tilang isang grupo ng hanging pinagsama sama at kahit saan sila ay nakakapunta ng malayang malaya at payapang payapa. Kahit kadalasan ay laging silang nagkakahiwalay.
Pero bakit kaya may kakaibang kilos ang mga ito? Tinitigan ko lang ito ng naniningkit na mga mata. Ang asul na kalangitan ay unti-unting nagiging mga maliliit na alon sa dagat at lumalakas ng lumalakas. Nagulo ang mapayapang kalangitan. May gulo na naman yatang paparating. Sa pagkurap ko ay bumalik na ito sa dati.
"Dawn!" Nakita ko si Cassandra sa baba at kumakaway kaway pa ito sa akin.
"Anong libro?"
Tumalon ako at pakiramdam ko ang mga binti at paa ko ay nabalian.
"Ang galing mo talaga manghula!"
May bahid ng tuwa at pagkamangha ang kanyang mukha. Lagi naman siyang lumalapit sa akin para ipaayos ang mga sirang libro niya.
"Masakit pa? Tsaka bakit ka na naman nagcutting kahapon?"
"Pwede ka naman kasing bumaba na lang, hindi yung tatalon ka pa."
Sermon niya sa akin habang inaalalayan akong tumayo.
"Wala ka na dun."
"Boring naman talaga ang school, magiging masaya lang kapag graduation kasi bakasyon na at nagrhyme pa talaga sila. Graduation, Bakasyon."
Ngumiti siya sa sinabi niya at kinalikot ang loob ng bag niya.Kaya ko pa naman sigurong maglakad pauwi.
"O, eto. Maganda rin yan, ok lang sa akin kung basahin mo. Matagal ko na rin yang hinahanap sa bahay, nandun lang pala sa kwarto ni mama...."
Mama.
Sana nakalimot na lang ako sa araw na iyon.
Hindi naman dapat sila-
"Dawn? Huy, buhay ka pa?"
Tiningnan ko siya at kinuha ang libro. Binuksan ko ito at nakakita ng mga sunog na pahina.
"Magagawan mo pa yan ng paraan?"
"Sunog na. Ita-tape ko na lang yung ibang punit. Ibalik ko na lang sayo sa Lunes." Sinabi ko sa kanya at naupo sa isang bench malapit doon sa punong Acacia.
"Alam mo, bakit ang tanda ng bahay na tinitirahan mo? Ancestral house? May multo?"
"Hindi at walang multo doon."
Maliban na lang kung magparamdam sila mama at papa.
"Dawn. Ipaayos mo kaya."
"Ayoko. Umalis ka na."
Marahil ay naguguluhan ang isipan niya dahil sa desisyon kong sinabi sa kanya. Sa pag-alis niya ay tinitigan ko ang librong hawak ko ngayon.
"11:11" Ang nakalagay na title. Imposible naman na ito yung pinauso ng mga koreano na oras para magwish. Ang totoo, hindi ko rin alam kung sinong nagpauso basta naririnig ko lang sa mga tao. Hindi ko na rin nakita kung kailan ito ipinublish. Halos lahat ng ipinapaayos niya sa akin ay mga bagong biling libro.
Ano naman kayang pumasok sa isip niya at nagbasa na siya ng mga luma? Manipis lang naman ang libro kaya may pakiramdam akong pinagloloko niya ako. Ilinagay ko ang libro sa ibabaw nung study table ko at nagsindi ng kandila. May litrato yata ng babae sa cover pero nabura na dahil sa kalumaan ng libro.
"Luma na nga, ipapaayos pa. Grabe siya."
Bulong ko sa sarili ko habang pinagtatagpi ang cover gamit ang shoe glue. Hinawi ko ang kurtina at pumasok naman kaagad ang liwanag ng buwan. Nakakainip naman kapag mag-isa ang isang tao.
Grade 9 na ako next year pero ang edad ko hindi pang Grade 8. Ang habang panahon ng lumipas tapos ngayon pa lang ako nag-aral? Ha? Ano? Pakiexplain. Pero dapat siguro hindi na lang ako nag-aral para mas maitago ko pa ang sarili ko. Kung pwede lang ibalik ang oras.114 years old. At least, may 14. Tsaka kung umabot man ako ng lagpas 500, ano naman kaya ang maabutan ko? Ano naman kaya ang sasabihin kong edad ko sa mga taong makikilala ko sa mga panahon na yan? 14 pa rin?
Natapos ko ng maayos ang punit sa libro at napagdesisyunan ding basahin.
"11:11, it opens."
"11:11, it closes."
Yun lang naman ang nakalagay sa mga pahina. Pambata siguro ito.Tch, linoloko niya na talaga ako.Binuklat ko ng mabilis ang ibang pahina at wala naman akong nakitang sunog.
Letse, ang sinungaling. Pero kinain ko lahat ng inisip ko nang makita ko sa mga gilid na kulay itim.Binalikan ko ulit ang mga naunang pahina, pero tanging nakita ko lang ay mga pangungusap na pinaunahan ng '11:11'.
Ngayon lang ako nakabasa ng children's book na ganito kagulo.Taydra yung pangalan ng author.Kaya naman pala, pati yung author, weird din ang pangalan.
"11:11, the roses had thorns, virgins mourn."
Manyak ang libro.
Pero baka tinago niya lang ang tunay niyang pangalan sa Taydra na yun.Lumabas ako ng bahay at nagpatungo sa kakahuyan at naglakad. Nagdala ako ng flashlight para hindi na ako madapa.
Plop.
Tubig.
Bago pa makalabas ang sigaw ko ay nahulog ako sa isang katubigan.
Yung flashlight!
Hinabol ko ito pababa pero bakit parang ang bilis naman ng paglubog nito? At maya maya ay nawalan na ito ng ilaw.Lumangoy ako pataas pero bumibigat lalo ang katawan ko. Sinubukan ko rin ang paglutang pero hinahatak ako ng tubig pababa.Saan na ako mapupunta nito?
"11:11, colorful imaginations blossom."
************************************
"11:11, doors welcome you forcefully."
"11:11, mysteries are bound to come."
"Hiding in the depths of happiness, the promised encounters them."
"Walking through time, letting it pass by."
"Someday, at 11:11, the promised shall bear the weight of worlds."
"If death leads the promised to freedom, the latter will be regretful."
"As the melancholic happening is approaching, the offerings are bound to be prepared. For they have the chance to be spared."
"Dearest time, sacrifice the promised, at the time everyone is in deep slumber."
************************************
Iminulat ko ang mata ko at naubo. Marami na yatang pumasok na tubig sa akin. Gah! Ang tanga kong bata. Nakita ko ang mga ulap. At napakalapit na nito.
Ano?!
Kinusot ko ang mata ko at hindi nga ako namalik-mata. Nakita ko ang isang butas sa gitna ng katubigan at doon na siguro ako nanggaling. May mga alon ring inaalon rin papunta dito sa lupang natatapakan ko at bumabalik ito sa karagatan. Nilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang kahit ano. Tanging ang mga tubig lang na nagdala sa akin papunta rito. Walang kahit anong nilalang.
Wala.
Wala ring kulay ang dalampasigang tinatapakan ko at kapag tumitingala ako ay ulap lang ang nakikita ko.
Bakit kaya ang lapit ko sa ulap?
Tumalon ako at napakataas ng naabot ko. Tumagos lang ako sa ulap na iyon at nakakita pa ng marami.
Anong lugar ito?
Bakit andito ako?
Lumangoy ako pabalik sa butas ng tubig na pinanggalingan ko at may iba na naman akong napuntahan.
Nakabalik na pala ako sa Earth.
Bigla akong nahulog sa mga kakahuyang at sumalubong sa akin papalabas ang isang parke at may mga bata pang naglalaro doon.
Namiss ko na naman ang kabataan.
"Saglit! Masusunog mo!"
"HINDI AKO DUWAG!"
Nakita ko ang isang lalaking nagpapalabas ng maliliit na bola ng kuryente sa kanyang mga palad at akmang itatapon na sana ito sa kakahuyan ng pinigilan ko siya.
Nahawakan ko ang mga kamay niya at nawala bigla ang mga bola ng kuryente sa kamay niya.
Teka, hindi ito Earth! Nasaan na ba talaga ako?!
"Pasensya na. Baka kasi--"
"ANONG GINAWA MO?! BAKIT TINANGGAL MO ANG KAPANGYARIHAN KO?!?!"
"Anong ginawa mo?"
Naputol ang pagsasalita ko ng sinubukan niyang magpalabas ulit ngunit nabigo siya.
Napatakip ako ng tenga sa bigla niyang pagsigaw.
Anong nangyari? Mas lalo akong naguluhan ng umiyak ito at tumakbo papasok sa mga kakahuyan. Nakita ko rin ang ibang taong nakatingin sa amin. Pero karamihan ay parang walang nangyaring kakaiba kanina.
Baka mapahamak siya, kailangan kong sundan.Ano nga ba ang ginawa ko?
Naalisan ba siya ng kapangyarihan dahil sa akin?
Hindi, kailangan ko munang hanapin kung nasaan siya, baka hanapin ng mga magulang niya.
III - END (date of final revision: April 1, 2018)
Tumakbo ako ng tumakbo habang nakikita ko sa may kalayuan ang bata na tumatakbo palayo.
Lagot na, baka may mangyari sa kanyang masama, at yung mga ahas baka matuklaw siya.
Ang bata niya pa naman.
LAGOT NA TALAGA.
"Teka lang!"
Buong lakas kong sinigaw pero mas lalo pa siyang bumilis.
Napatigil ako at pilit na hinanap ng mga mata ko ang bata. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pag-alis ng mga ibon sa mga puno at ang mga huni nilang naghalo halo ang ipinaparating na mensahe. Sa sobrang liblib at tahimik ng kakahuyang ito, sino pa ba ang hindi mag-aalangang tumakbo paloob rito?
Kakaunti lamang.
At nagbasakali na rin akong walang nangyaring masama sa batang iyon at siya ang nasa lugar kung nasaan nagsiliparan palayo ang mga ibon.
At nakita ko nga siya roon.
Nagsisipa at nagwawala dahil nga siguro sa nawalan siya ng kapangyarihan.
Gumagawa nga talaga siya ng ingay.
Puno ng galit ang sarili niya at kahit ang buong katawan niya ay wala na ring nagawa at sinunod ang mga iniisip niyang gagawin, kahit gaano pa ito kaliit at hindi pa gaanong malakas para saluhin ang lahat ng galit na nararamdaman niya. Mas lalo pa tuloy na nagulo ang isip ko at kung paano ko naalis ang kapangyarihan niya samantalang hinawakan ko lang ang kamay niya.
Napakabata niya naman para magalit siya ng ganyan.
Kung sabagay, karamihan sa mga ganyang bagay, walang edad at kahit sino ang pinipili, patay man o buhay.
Lumapit ako sa kanya at nag-isip ng mga sasabihin.
Akmang tatakbo ito palayo pero nahawakan ko ang braso niya.
Parang nanigas ang katawan niya at tumingin siya sa akin ng may halong kaunting takot.
"Saglit! Pwede wag ka muna umalis?"
Gusto ko na talaga siyang iuwi sa mga magulang niya at tanungin kung anong nangyari.
Naghanap ako ng pwedeng maupuan niya at itunuro ko ang isang clearing ng isang puno.
"Bakit ka galit sa akin? Nasaan ang mga magulang mo?"
Tumitig siya sa akin ng matalim at habang ako ay pakurap kurap na hinihintay kung anong sagot niya.
"Paano?"
"Inalis mo ang kapangyarihan ko."
Nalipat ang tingin ko sa purol na dulo ng kanyang sapatos. Sa wakas din at nakasagot siya.
"Paano? Hindi mo ba naramdaman? Hindi ako sinungaling na bata, kaya bakit ikaw ganun din?"
Napakunot noo ako sa nasabi niya. Isang daang taon mahigit na ako at hindi pitong taong gulang.
"Hindi ako nagsisinungaling. Pinigilan lang kita na matamaan mo ang kahoy kanina para hindi mo maipalabas ang kidlat mo kanina."
Nanghina pero nakatakbo palayo? Ano daw?
Medyo nanlaki ang mata niya.
"Hindi talaga? Pero bakit nanghina ako kanina ng mahawakan mo ang kamay ko?"
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wala na sila. At ayoko na ring bumalik kung saan man ako nakatira ngayon."
Pero baka naman iba pa ang ibig sabihin nito.
Tumingin ako sa mata niya, marami na pala siyang naikwento pero walang ni isang taong nakinig.
Naglaban ang galit at ang pagkainosente niya at naiipit ang pagkatao niya sa gitna nito.
"Mas mabuti pa ring makauwi ka. Kahit siguro doon mas ligtas pa kaysa sa pag-iisa mo dito sa gitna ng kagubatan."
"Parehas lang naman. Kahit saan ka pumunta, hindi ka pa rin lulubayan ng kapahamakan kahit pa, ikaw mismo ay gumagawa rin nito."
"Ang bata mo pa, ha? Para magsasabi ng ganyan. Kung naalis ko nga ang kapangyarihan mo, paano ka nakatakbo ng ganito kalayo? Nagawa mo pa ngang magsisipa ng ganyan."
Naguguluhan na talaga ako.
"11:11."
Sinabi niya bigla habang nakatunganga na sa kawalan.
"Ikaw na yata yun."
Dagdag niya.
"Wala ka talagang nararamdaman?"
"Anong pinagsasabi mo? Sagutin mo ang tanong ko."
Kumunot na naman ang noo ko. Baka naman maging permanente na ang pagkakunot nito, eh.
"Ang lakas mo, at kahit maibalik ko ang kapangyarihan ko at kalabanin kita, mamatay lang ako."
Magsasalita na sana ako ng ibuka niya na naman ang bibig niya.
"At masaya na ako. Siguro makakasama ko na nga ang paraiso. Makakalangoy at kahit paulit ulit pang malunod, hindi makikitil ang buhay ko."
Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Alam mo. Nakalimutan mo lang."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Gusto mo na ba talagang mamatay?"
Tanong ko.
"Wala pa akong nakalimutang nangyari sa buhay ko."
"Lahat tayo ay may nakalimutan. At kung nakalimutan mo, parehas lang ang mangyayari sa atin, ang kamatayan kasabay ng pagkawala ng buong mundo sa kalawakang ito."
"Naguguluhan ako. Sino ka ba? Anong nagawa ko at natanggal ko ang kapangyarihan mo?"
Sa halip na makakuha ako ng maayos na sagot ay isang ngiti lang ang isinagot niya.
"Hindi na rin ako nabubuhay, pero, kung gagawin mo ang dapat mong gawin, masasalba ang karamihan kahit sa pinakamasakit na paraan."
"At anong mangyayari sa akin? Pinag-alala mo lang ako sa kawalan, ipagdarasal ko na lang ang iyong kaluluwa."
Bumalik ako sa lugar na iyon.
"Maraming mangyayari. Ipagdarasal ko rin ang iyong kapalaran."
Sa huling ngiti niya ay nawala siya ng parang bula, at naglaho rin ang buong lugar.
Ang lugar kung saan malapit ang ulap sa kalupaan ng kawalan.
Ang lugar na wala kang makikita kundi ang asul na katubigang napakalinis ngunit walang nakatirang hayop o mga halaman.
Siguro nga may gulong paparating. Ang mga alon na kanina ay napakatahimik ay ngayon namang lumakas ng lumalakas. Sa kabila ng gulong iyon, mas mahirap pa rin ang mararanas kong kapalaran.
"Ano na nga ba ang mangyayari sa akin?"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kapalarang pasanin ang bigat ng mga mundo. At dito mismo sa lugar na ito."
Napakapait ng timpla ng mundo ngayon. Marahil na rin dahil sa aming mga tao, ang sama na rin kasi namin at naging abusado na. Pero sa wakas, may silbi na rin ang pagiging immortal ko. Naalala ko na, kung bakit nawala sila mama at papa. Pero hindi na rin sila makikita, habang buhay.
Cassandra, sana huwag mo nang hanapin ang libro, dahil baka maidamay mo pa ang sarili mo.
×~•~×
Ipinikit niya ang mga mata niya habang ang mga alon ay naitapon na siya pabalik sa dagat.
Nanatili pa rin siya doon, pikit matang pinapakiramdaman ang sakit na ibinibigay ng mga mundo.
Naamoy niya ang dugo.
Narinig niya ang pagputok ng mga baril at pagtama ng dalawang espada.
Narinig niya ang mga sigaw at iyak ng mga inosente at makasalanang mga tao.
At kung bubuksan niya ang mga mata niya, hindi niya matatanggap ang makikita niya.
Kaya nanitili siya sa pinakailalim nito, at ang pagkamalay niya ay naglaho dahil hindi na niya napigilang mamanhid.
×~•~×
Lumipas ang mga panahon at naalis na rin sa isip ni Cassandra ang pagkawala ni Dawn, pero may mga tanong pa rin sa isip niya tungkol kay Dawn, at walang sinuman sa buong mundo ay nakaaalam ng sagot dito.
"Dawn? Dawn? Nasaan na kaya ang babaeng yun?"
Tanong ni Cassandra sa sarili niya, at hawak hawak ang lumang librong ipinaayos niya sa misteryosong kaibigan niyang si Dawn.
0 notes
gabotaf · 3 years
Text
[TOPIC] How do you apply the 30% component of DTE per EO 77
[TOPIC] How do you apply the 30% component of DTE per EO 77
Pakiexplain naman po yung nakaencircle. For example po is Region 1 (1,500 DTE) yung travel and WITHIN 50KM radius siya, yung maximum amount po ba na pwedeng iclaim for meals is 30% of DTE meal component which is 135.00 lang for 3 meals na yun? Pag travel po kasi ng OUTSIDE 50KM is 30% of total DTE, so 450.00 po siya. Ganun po ba yung explanation niyan? Kasi po pag iaanalyze mo is parang mas…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
akolangito · 3 years
Text
Pakiexplain ng kawalang kwentang dahilan!!!!!!
0 notes