Tumgik
#louriel nopal
tatlongespasyo · 10 years
Text
Tatlong Espasyo: Pagkatapos
Stephanie Rabano: 
Dahil sa danas suri na ito nalaman ko kung gaano kaimportante ang pagtatrabaho . Nasa mataas ka man o hindi ang importante ay nasa maayos ka nman na trabaho at masaya ka. 
Daniella Ayrra Maranan:
May mga panahon na natatawa lang ako kasi paulit ulit lang sila, at nasa isip ko na ‘hindi ba sila napapagod’. Minsan naman sinasagot ko ang tanong nila sa isip ko , pag naiisip kong pag-ibig o kasintahan ang hanap ko at natatawa na lang din ako sa sarili ko. Minsan dumating na din sa punto na di ko na lang sila pinapansin kas nga paulit ulit na din. Ngunit ng maranasan ko ito, naramdaman ko ang pakiramdam nila . Nakakapagod, nakakasakit ng lalamunan, nakakangalay pero pag andun ka na at nakikita mo na ang mga tao na gustong bumili sa’yo nararamdaman mo ang pananabik na makabenta at pag nangyari iyon ay sobrang kasiyahan ang mararamdaman mo. Iisa lang naman ang nais natin sa ganitong uri ng trabaho at iyon ay ang makabenta, at dahil din doon, gagawin natin ang lahat makamit lang mithiing iyon. Napag isip isip ko din na kailangang marunong kang kumausap kapag marami ng mamimili. Maari kasing umalis sila pag di mo sila pinansin o inentertain. Matinding pasensya at tyaga ang kailangan sa trabahong ito. Masasabi kong mahirap pero masaya ang naging karanasan namin dito. Natapos ang danas suri namin na may ngiti ang aming mga labi at hanggang sa byahe ay pinaguusapan pa rin namin ito. Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa buhay ko at kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisihang aking naranasan. 
Katelyn Mae Cabrera:
Nagpasalamat kami ng buong puso sapagkat pinyagan nila kami ng papuntahin at magdanas. Hangang sa pag-uwi hindi parin mawawala ang pagbibiruan namin. Naging masaya, pagod at hindi malilimutang araw ang aming dinanas sa aming pagtitinda sa maraming tao .Palagi namin sinasabi ang katagang "Anong Hanap N'yo?" sa Tatlong Espasyo ng tindahan , naging MASAYA ako kahit isang araw lamang ang  naranasan ko maging isang tindera sa Palengke ng Alfonso.
Paula Rodriguez:
Salamat sa lahat ng tumulong para mangyari ang danas suri na ito. Pati na din sa may ari ng tatlong espasyo at si Ate Red. Hinding hindi ko malilimutan itong karanasan na ito. Naging masaya, determinado at bagong karanasan. Alam na ang hirap nila at kung paano nila tinataguyod ang bawat araw,
Kimberly Dinglasan:
Hanggang sa matapos ang araw na nakabenta kami, puro tawa at selfie. Worth it naman lahat ng pagod nakatulong na kami, nakagawa pa kami ng requirement.
Louriel Nopal:
Nung pagalis namin medyo bitin kasi ang saya ng experience na magtinda. Pero satisfying naman yung nangyari kasi na feel namin yung pressure kung pano magtinga. Ang saya!
0 notes
tatlongespasyo · 10 years
Text
Louriel Nopal | Unang Karanasan
Nung una medyo nakakahiya kasi hindi ako makagalaw ng ayos tsaka hindi ko alam kung paano ko iaapproach yung mga tao na dumadaan kasi wala naman ako experience sa pagtitinda.
Tumblr media
Kada tao na dumadaan lagi ko silang inaalok ng mga paninda namin. Ang hirap kasi hindi naman lahat ng dumadaan dun eh bibili. Kaya tyaga tlaga aang kailangan. Tapos nung una kaming nakbaenta, sobrang tuwa ko. Kasi feeling ko ang galing ko magsales talk. Hahahha. Tapos ayun, ang sarap sa feeling.
Tumblr media
Hanggang sa tumagal ng tumagal yung pagstay namin dun naging komportable na sakin yung pagtitinda. Hanggang sa nakakabenta na kami ng madami.
Tumblr media
0 notes