Tumgik
tatlongespasyo · 9 years
Text
Huli.
Madami pa kaming bigas na kakainin upang maabutan kung ano ang meron sila ngayon. Pero lubos kaming nagpapasalamat sa pagpapatuloy nila sa tatlong espasyo na nagbigay daan upang mas lumawak pa ang pagintindi namin sa reyalidad ng buhay. At sa kaba, saya at karanasan na nadama ng bawat isa. Salamat.
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Iba't ibang larawan: Ang Nilalaman
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Iba't ibang larawan: Tauhan
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Iba't ibang larawan: Grupo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Iba't ibang larawan: Indibidwal
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Tatlong Espasyo: Pagkatapos
Stephanie Rabano: 
Dahil sa danas suri na ito nalaman ko kung gaano kaimportante ang pagtatrabaho . Nasa mataas ka man o hindi ang importante ay nasa maayos ka nman na trabaho at masaya ka. 
Daniella Ayrra Maranan:
May mga panahon na natatawa lang ako kasi paulit ulit lang sila, at nasa isip ko na ‘hindi ba sila napapagod’. Minsan naman sinasagot ko ang tanong nila sa isip ko , pag naiisip kong pag-ibig o kasintahan ang hanap ko at natatawa na lang din ako sa sarili ko. Minsan dumating na din sa punto na di ko na lang sila pinapansin kas nga paulit ulit na din. Ngunit ng maranasan ko ito, naramdaman ko ang pakiramdam nila . Nakakapagod, nakakasakit ng lalamunan, nakakangalay pero pag andun ka na at nakikita mo na ang mga tao na gustong bumili sa’yo nararamdaman mo ang pananabik na makabenta at pag nangyari iyon ay sobrang kasiyahan ang mararamdaman mo. Iisa lang naman ang nais natin sa ganitong uri ng trabaho at iyon ay ang makabenta, at dahil din doon, gagawin natin ang lahat makamit lang mithiing iyon. Napag isip isip ko din na kailangang marunong kang kumausap kapag marami ng mamimili. Maari kasing umalis sila pag di mo sila pinansin o inentertain. Matinding pasensya at tyaga ang kailangan sa trabahong ito. Masasabi kong mahirap pero masaya ang naging karanasan namin dito. Natapos ang danas suri namin na may ngiti ang aming mga labi at hanggang sa byahe ay pinaguusapan pa rin namin ito. Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang karanasan sa buhay ko at kahit kailan ay hinding hindi ko pagsisihang aking naranasan. 
Katelyn Mae Cabrera:
Nagpasalamat kami ng buong puso sapagkat pinyagan nila kami ng papuntahin at magdanas. Hangang sa pag-uwi hindi parin mawawala ang pagbibiruan namin. Naging masaya, pagod at hindi malilimutang araw ang aming dinanas sa aming pagtitinda sa maraming tao .Palagi namin sinasabi ang katagang "Anong Hanap N'yo?" sa Tatlong Espasyo ng tindahan , naging MASAYA ako kahit isang araw lamang ang  naranasan ko maging isang tindera sa Palengke ng Alfonso.
Paula Rodriguez:
Salamat sa lahat ng tumulong para mangyari ang danas suri na ito. Pati na din sa may ari ng tatlong espasyo at si Ate Red. Hinding hindi ko malilimutan itong karanasan na ito. Naging masaya, determinado at bagong karanasan. Alam na ang hirap nila at kung paano nila tinataguyod ang bawat araw,
Kimberly Dinglasan:
Hanggang sa matapos ang araw na nakabenta kami, puro tawa at selfie. Worth it naman lahat ng pagod nakatulong na kami, nakagawa pa kami ng requirement.
Louriel Nopal:
Nung pagalis namin medyo bitin kasi ang saya ng experience na magtinda. Pero satisfying naman yung nangyari kasi na feel namin yung pressure kung pano magtinga. Ang saya!
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Kimberly Dinglasan | Unang Karanasan
Ginising agad ako ng aking Daddy at sinabing tara na sa palengke diba gagawa kayo ng danas suri nyo ?!
Nakakangalay mag-intay at nakakagutom. Pagdating nila sa palengke ng Alfonso, ay agad-agad kaming sa 7-eleven ng cupnoodles,tinpay at iba pa.
Sinamahan ako ng aking magulang pumunta sa pwesto kung saan kami mag dadanas suri, agad kong tinawag ang aking mga kagrupo.
Masaya pero nakakapagod palang magtinda.
Tumblr media
Sabay magtatanong ka “ ano pong hanap ? “ “ ano po sa inyo ? “.
Hindi nga lang namin alam ang mga presyo ng mga paninda at tinatanong pa namin kay Ate Mely o kya ay Kay Ate Red.
Tumblr media
Masaya mag benta kasi habang nag bebenta ka nakaka kilala ka ng iba’t-ibang uri ng tao
.
Tumblr media
Pagwala namang nabili ay nagdadaldalan kami at nag tatawanan hindi naging boring, naging masaya ang bawat sandali ng aming pagbebenta.
'Yung kuyang bumili ng payong na worth 360 na tinawaran ng tinawaran hanggang sa maging 300 nalang.
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Louriel Nopal | Unang Karanasan
Nung una medyo nakakahiya kasi hindi ako makagalaw ng ayos tsaka hindi ko alam kung paano ko iaapproach yung mga tao na dumadaan kasi wala naman ako experience sa pagtitinda.
Tumblr media
Kada tao na dumadaan lagi ko silang inaalok ng mga paninda namin. Ang hirap kasi hindi naman lahat ng dumadaan dun eh bibili. Kaya tyaga tlaga aang kailangan. Tapos nung una kaming nakbaenta, sobrang tuwa ko. Kasi feeling ko ang galing ko magsales talk. Hahahha. Tapos ayun, ang sarap sa feeling.
Tumblr media
Hanggang sa tumagal ng tumagal yung pagstay namin dun naging komportable na sakin yung pagtitinda. Hanggang sa nakakabenta na kami ng madami.
Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Katelyn Mae Cabrera: Unang Karanasan
Kaagad kami pumunta sa pwesto ng aming dadanasin, ang tindahan ay maraming mga nakatinda tulad ng mga laruan, damit , gamit pang eskwela at marami pang iba ang mayroong sa Tatlong Espasyo ng aming Boss.
Tumblr media Tumblr media
Hindi nagiging madali ang aming ginawa sapagkat hindi namin kabisado lahat ng presyo ng mga tinitinda, ngunit bakas parin sa amin ang diterminasyon at sikap na makatulong sa aming boss! Marami kaming nakikila ng mga kaibigan isa  sa aming naging "close" ay si ate Red. Hindi maiwasan, ang biglaang pagkarami ng tao sa palenke kaya lubusan kaming nahirapan sa pagtitinda.
Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Katelyn Mae Cabrera | Umaga
Paggising palang ay nagmadali na ako pumasok upang pumunta sa aming gagawing "Danas Suri" sa Filipino 7.
Ang napili naming lokasyon ng aming proyekto ay ang bayan ng Alfonso Cavite, isa sa aming grupo ang nakatira dito at mayroong kakilala na nagtitinda sa palengke ng alfonso. Malaking tulong ito para sa aming gagawing danas suri.
Una sumakay kami ng papuntang Olivares upang makaputa sa aming lokasyon, bakas sa aming mukha ang pagod nadarama, pati ang pagkakulo ng aming mga sikmura sapagkat karamihan sa amin ang hindi pa nag aalmusal. Bagkus pinili pa rin namin pumunta sa aming "Danas Suri".
Isang oras din ang gumugol sa aming biyaheng Alfonso. Sapagkat hindi namin ito nakaila sapagkat masaya at tawanan ang aming nadama sa loob ng jeep. Nang kami na ay nakarating sa Tagaytay, kaagad namin naramdaman ang  lamig at lakas ng simoy ng hangin. "Grabe Paula dapat pala nag dala tayo ng panlamig!" kaagad ko sinabi ito sa aking kaibigan sapagkat parang yelo ang lamig ng probinsya ng Tagaytay.
Hindi pa natapos ang aming paglalakbay,sumakay kami ulit ng jeep papuntang Palengke ng Alfonso. Bakas ang ganda ng probinsya ng Tagaytay at Alfonso sa magandang tanawin ng mga bundok at ang Bulkang Taal.
Nang kami na ay nakababa sa bayan ng Alfonso kumain muna kami sa "7-11" bago patuloy na mag Danas , kumain kami ng noodles at tinapay , hindi mawawala ang biruan at asaran sa aming anim. 
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Paula Rodriguez: Unang Karanasan
Isa na siguro 'to sa pinaka magandang experience na naranasan ko ngayong taon. Iba't ibang tao, iba't ibang personalidad pero 'yung karanasan? Ibang iba.
Nagsimula kaming magbenta kasama si Ate Red, na siyang orihinal na tiga-bantay sa tatlong tindahan pati na din ang may kanya nung tatlon espasyo.
Sa una'y hindi ako nagseseryoso dahil sobrang awkward dahil hindi namin alam ang gagawin, ngunit nandon lamang sila Ate upang kami'y gabayan.
Tumblr media
Siya ang kauna-unahan naming customer. Kusa syang lumapit at nagtanong kung mayroon bang tinda na sintas. At lahat kami'y nagkagulo sapagkat hindi namin alam ang gagawin at hindi namin kung saan hahanapin. Pero sa kabutihang palad ay naibigay namin ang hinihingi nya at ang saya sa pakiramdam kasi nakita namin 'yung unang sampung piso na kinita namin.
Tumblr media
Sa nakalipas na oras, dumami bigla ang mamimili at nakakatuwa na nakakakaba sapagkat baka may magreklamo sa serbisyo ngunit wala naman at naging masaya dahil nakakamangha na dumadating 'yung pera dahil sa pagsisilbi mo. 
Tumblr media
Sa saglit na panahon lamang ay mabilis kaming nakagalaw at nakasabay. "Ma'am, ano po hanap?" "Pasok kayo!" "Ano po 'yon?"
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Paula Rodriguez | Umaga
Intrams week sa aming paaralan ngunit napag desisyunan namin na gawin ang Danas Suri para sa Filipino 7. Kulang sa tulog at wala pang laman ang tyan ay tumungo na kami sa Alfonso upang gawin ang Danas Suri. Mahigit isang oras ang byahe at medyo malayo pa ang mismong palengke kung saan nakapwesto ang tatlong espasyo.
Ngunit bago ang lahat, pinunan muna namin ang aming tyan ng iba't ibang pagkain. Dito'y sabay sabay kaming kumain habang nagtatawanan at nagkukulitan.
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Daniella Ayrra Maranan: Unang karanasan
Maganda at magiliw ang pagtanggap sa amin ng may-ari pati na rin ang mga nagtitinda doon. Noong una nga nagkakahiyaan pa. Pero nung magkahiwahiwalay na kami at napunta ako sa damitan, doon ko napagtantong, eto na ang inaabangan kong karanasan.
Tumblr media Tumblr media
Huminga muna ng malalim at ngumiti. At ng may dumaan aming isinigaw “ano pong hanap, pili na po!”. Nagkatawanan pa nga kami nina Louriel at Paula noon pero sinabi sa amin ni Ate Red (isa sa mga tindera doon) na wag daw kami tumawa, dahil baka daw walang lumapit na customer, kasi baka isipin din nila na pinagtatawanan namin sila. Naging seryoso na kami pero bakas pa rin sa aming mga labi na nais namin tumawa.
Lumipas ang ilang minutong pagtayo, may dumating na na isang mama na bibili ng sintas, doon kami una nakabenta sa pwesto namin. Di man ako ang pinagbilhan o nakausap, nakakatuwa pa rin kasi may bumili na sa amin.
Lumipas na rin ang mga oras at marami rami na ring bumili sa kanila. Isa din sa di ko makaklimutan doon ay ang pagbenta namin ng payong na automatic. Tulong tulong kaming anim noon at nadala naman namin si kuya sa salestalk. Tuwang tuwa kaming lahat sa insidenteng iyon. 
Tumblr media
Parang noon lang mga panahon na nagpupunta ako sa may palengke sa’min , lagi ako nakakarinig ng mga katagang “ate anong hanap”, “pili na po kayo”, “pasok lang po”. 
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Daniella Ayrra Maranan | Umaga
Pagmulat ng aking mata, napangiti ako sa kaisipang danas suri na namin. Wohooo! Panibagong karanasan, mga inaabangang tawanan at kalokohan at galang may kasamang kainang walang humpay. Nang lumingon ako sa paligid, maliwanag na pala, napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at napagtanto kong tatlumpung minuto na lang bago ang itinakdang oras ng aming usapan. Patay na ‘ko neto!. Late na naman ako. Taga dorm na nga lang ako, late pa rin ako. Hahaha. Pasaway talaga. Nagmadali na rin ako ng oras na yon at nakarating naman sa oras. Mabuti na lang mabilis ako kumilos at may mas late pa sa’kin.
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Stephanie Rabano: Unag Karanasan
Sa una mahirap maghanap o makiusap sa mga may-ari ng tindihan, ang Iba ayaw ang iba naman nahihiya. Pero isang tindahan ang napansin ko at hindi nga ako nagkamali, pinagbigyan ako sa paggawa ng danas suri.
Tumblr media
Ayos, tanong at alok dito pati doon para makatawag sa mga posibleng mamimili na tumitingin-tingin sa tindahan. Sa una ay mahirap ang paulit ulit na pagtatanong na kung ano ang bibilhin nila at kung ano ang mga pangangailangan na gusto nila. Mararanasan mo din sa ibang costumer na masungit at minsan ay mababait din.
Tumblr media
Kahit mainit at nakakapagod gora lang sa pagtitinda, pansinin ka man o hindi ay tuloy pa din basta masaya ka sa ginagawa mo. 
Tumblr media
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Stephanie Rabano | Umaga
Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! isang malakas na tilaok ng manok ang narinig ko. Umaga na pala, at ito na ang araw para gawin ang danas suri. Panibagong karanasan na naman ito para sa akin. Habang ako ay naghahanda, iniisip ko kung ano ang maaring gawin ko at kung ano ang pakiramdam sa paggawa nito. Sa hindi kalayuan sa aming Unibersidad (Cavite State University - Main Campus Indang), matatagpuan ang isang tindahan ng mga damit na kung saan ay ito ang aking gagawing danas suri.
0 notes
tatlongespasyo · 9 years
Text
Tatlong Espasyo.
Unang espasyo:
Tumblr media
Matatagpuan ang iba't ibang damit, gamit sa kusina at mga panregalo.
Ikalawang espasyo:
Tumblr media
Dito naman matatagpuan ang gamit pang-eskwela at gamit pang kusina.
Ikatlong espasyo:
Tumblr media
At ang pinakahuling espasyo kung saan makikita ang gamit pansarili. Katulad ng mga tali, hikaw, sapatos at bag.
0 notes