Tumgik
ssenippahylno 4 years
Text
Hindi marunong magsinungaling ang bawat salitang inilalapat ko sa papel gamit ang paubos na tinta. Bago man mawala ang itim na kulay naisulat ko pa ang salitang "mahal kita". Ito ang pinakamalabo sa lahat ng nakasulat pero alam kong ito ang pinakang totoo. -HyzlMy
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Tumblr media
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
"Ang tanga at ang bobo ko din sa part na binoto ko yung mga taong dahilan ng galit at pag iingay ko sa social media ngayon"
Ganyan sana gusto ko mabasa馃槄 baka kasi karamihan sa maingay ngayon sila din ang dahilan kung bakit may inerereklamo sila ngayon
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
"Pasensya na kayo kung ito na lang ang nakikita kong paraan para mas mapatagal pa ang buhay ko. Tandaan nyo na kapag ako ang namatay at tuluyang nawala wala ng lunas, takas at gamot ang makapagliligtas sa inyong lahat". - panaghaw ng isang inang nagdadalamhati
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Takot ako sa Dilim
1 note View note
ssenippahylno 4 years
Text
Darating ang bukas ng merong ako at ikaw pero wala ng tayo
Tatahakin ang direksyong maglalayo mula sa magkayakap na anino
Sunod na hakbang ang magbibitaw sa magkahawak na kamay
Maglalakad bitbit ang sariling minsa'y naging iyo
Pabalik ba ito? Sa istoryang ako na lang ulit ang bida
O isang bagong eksena lang na iba naman ang makakasama?
Tumalikod ka na, at nang makatalikod na rin ako
Unti unti kong ilalakad ang mga paa sa magaspang na landas
Masasanay din ako..
Ang hapdi ay magiging parte ng dugong dumadaloy
Masanay ka na rin..
Sa saliw ng bawat gabing luha ang bumabalong
Wag kang tumakbo at damhin ang pighati
Mas masarap ang sakit ng masayang alaala
Kesa sa kirot ng pagdapa sa kagustuhang makalimot
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
ITULOG MO YAN
"Nay ang sakit ng tiyan ko"
-"itulog mo yan, pag gising mo wala na yan"
"Nay masakit po ang ngipin ko"
-"itulog mo lang yan, para di na sumakit"
"Nay natatakot akong magisa sa kwarto"
"-itulog mo lang yan, di mo na mapapansin ang takot"
"Nay pagod na pagod na po ako" Daing ko kay inay ng muli nyang sambitin ang "itulog mo yan, ng makapagpahinga ka na"
Tama ang inay, sa pagtulog lang ako makakahanap ng pahinga.
Tama nga ang inay, sinunod ko lang ang inay na matulog na lang at ngayo'y malaya na sa lahat ng sakit.
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Alam mo ba yung pakiramdam ng parang ang layo layo mo na sa sarili mo. Hindi literal na malayo kundi parang ang layo na ng loob mo sa dating ikaw. Hindi mo na alam kung paano pasayahin ang sarili mo. Hindi mo na alam kung nasa tamang lugar kapa o tama pa ba yung yapak na sinusundan mo. Minsan mapapatanong ka na lang at maguguluhan kung tama ba pinili mo, tama ba ang kasama mo, dapat ba andyan ka, dapat ba wala ka dun.Yung hindi mo alam kung alin pa ba sa mga ginagawa mo ang tama. Ginagawa mo lang yung mga bagay na yun, dahil yun ang kelangang gawin. Yun bang ang dami dami mong plano pero hindi mo nakikita yung future ng ganon. Minsan nga pag lalo mong pinaplano ang lahat lalo pang nagiging magulo ang lahat, lalo pang nawawala sa ayos ang lahat. The more kasi na magplano ka the more din yung expectation mo na mangyayari yun. Yun bang naghahanap ka ng sagot sa mga tanong mo, o ng kahit na ano o sinong masisisisi mo, peropagtapos ng araw umiiyak ka kasi alam mong kasalanan mo yun, at kulang pa ang lahat. Mapapagod kana lang kaiiyak sa gabi kasi alam mong pag sapit ng umaga wala parin namang magbabago. Isa ka pa rin namang malungkot na taong nagtatago sa masayahing maskara mo.
Dumating ako sa point na kelangan kong gawing abala lagi ang sarili ko, pinapagod ko ang sarili ko para lang tumigil na yung utak ko kaiisip. O kaya naman ay lagi kong kakamustahin yung mga taong mahalaga sakin, para lang ipaalala sa sarili kong may halaga pa ako. Pero bakit ganon? Sumasapit parin yung oras na patuloy saking ipaparamdam yung pagiging walang halaga ko. Yun bang iniiyakan ko ang sarili ko para lang makatulog. Yung tatakpan mo yug dalawang tainga mo kasi nakakarindi na yung mga bumubulong sa isip mo. Dun mo maiisip yung mga nangyari sayo dati. Yung mga sakit na idinulot ng nakaraan. Yung masakit na nga lalo pang ipapaalala. At dun mo din maiisip na masarap siguro kung merong andyan para damayan ka, para pakinggan ka. Nakakapagod na din kasi.. Nakakapagod na sa pagiging malakas mo para sa kanila. Sya namang pagtalikod nila sayo sa panahong mahina ka. Iisipin mo na lang kung bakit ba mas kaya mo pang gawan ng solusyon ang problema ng iba kesa sa sarili mong problema. Ang daming tanong, ang daming tumatakbo sa isip ko pero pag may nasasagot lalo lang nadadagdagan yung tanong.
Minsan na ding sumagi sa isip ko ang sumuko. Tumigil na lang kaya ako kasi hindi ko pa alam kung masaya pa ba ako sa ginagawa ko o magiging masaya pa ba ako. Hindi ko alam kung ano ba talagang magpapasaya sakin. Ayoko na lang ding dumating sa puntong gustuhin ko ng magpahinga. Hindi lang sa araw na to, sa mga susunod pang araw o sa ilan pang mga sandali, kundi pahingang panghabang buhay. Baka kasi doon di ko na maramdaman yung sakit at pagod. O baka sakaling doon wala na akong maramdamang kahit ano.
1 note View note
ssenippahylno 4 years
Text
Hello I am B this is an open letter for all of my friends.
If you think I failed you for being your bestfriend. I apologize for that. Sometimes I also wonder who I really am and what i really want, I don't intend to hurt you just because of my mistakes and wrongdoings. No and you know that. But I hope giving up on me will never become your option. I'm sorry if i am too late for this art of improving myself. I'm still confused about everything and I'm trying to keep up with it. Don't even also think I'm useless as a person, cause I dont, yes i Don't. I might be weird and strange for you sometimes but that isnt enough reason for you to leave me. I just couldn't really see what I was supposed to be. I'm just having a hard time figuring out how to express myself . Im really scared of being alone and being no one. And if you think that I always seeking for your attention. I sincerely ask for your forgiveness.
And if you think you've brought me too much pain, don't worry because you won't need to apologize anymore. Before you even apologize, I forgave you and will always forgive you. If you have said anything harsh to me. Don't worry you won't hear anything from me. I won't show that you hurted me that much, but that doesn't mean and i wont promise that I'll forget about it. But always remember that even if you dont choose me again and again, I will always be there for you. I'll never turn you away and I will stay as a friend you can always trust. I will never leave you and I will always remind you how much I love you.
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
I am lost!! Probably lost
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
And at the end of the day, people will going to change despite of their promise to stay that way from the day you first meet them.
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Day 3 of 366 days
2 days wasted and its not fine
Where's my promises?
Where's the new one?
Still stock here at the moment of last year
Sadness
Cant move
Cant walk
Cant run
From the memories of my stupidity
It sucks me when i close my eyes
It become loudly when its calm
Voice of anxiety
Please just leave my poor life
My lost soul
My hopeless self
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Love me for what i can be just to make you stay forever.
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Three words isnt just "I Love you" anymore
"Just Stay Forever" will always be my favorite three words
In this world of fake first three word can say sincerly
Not all of us can won the field of my favorite
0 notes
ssenippahylno 4 years
Text
Just let the time tells
Let the pain heals
Let the right love comes
Everything has its own perfect time
Dont rush
Dont push
Dont fit in
Those thing will fix by waiting
By patience
By strength
And by hopes
0 notes
ssenippahylno 4 years
Photo
Tumblr media
1K notes View notes
ssenippahylno 4 years
Text
Nature always has its own color
Tumblr media
1 note View note