Tumgik
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan
Tumblr media
Napakaraming nadagdag sa ating kasaysayan at wika dahil sa pagsakop sa atin ng mga banyaga noon. Unang makikita natin dahil halata agad ito ay ang pag angkop natin sa kanilang kultura sa paraan ng pananamit, pagpili ng pagkain at binibiling mga produkto, hindi ko sinasabing maganda ito pero ito ay isang halimbawa ng nabago sa ating kasaysayan nang dumating ang mga banyaga. Sa kasalukuyan ay lagi nating nakikita at naririnig ang ating mga naangkop sa mga banyaga mula sa ating mga kapwa Pilipino, halimbawa nito ay ang lagi nating naririnig sa mga bata na “awts gege” na galing sa ingles na salita na “ouch” at ang lagi nating sinasabi pag tayo ay nag sisimula ng paguusap sa personal man o sa internet ang salitang “kumusta” na mula sa espanol na salitang “como estas”; isa pang halimbawa ay ang nauuso ngayong porma ng pananamit na mula sa mga Amerikano na tinatawag na “streetwear” at dahil din sa pagsakop nito sa ating kaisipan ay marami paring naniniwala na ang pag sasalita ng ingles ang basehan ng katalinuhan kaya maraming mga bata ang mas gustong mag salita ng ingles dahil iniisip nila na mas madali makisalamuha sa ibang tao kung ito ang salitang gagamitin nila. 
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Hapon
Tumblr media Tumblr media
- Taong 1940: sinira ng Japan ang mga himala sa himpapawalang Amerikano. Si Heneral Douglas MacArthur ay dinala ang kanyang pamilya at tauhan mula sa Corregidor patungong Australia. - Noong panahon ng kolonisasyon ng Hapon, pinilit nila ang maraming bilang ng mga Pilipino sa mga detalye ng trabaho at inilagay pa sa mga bahay-alak ang mga kabataang Pilipino, para lamang sa kanilang sariling kasiyahan. - Sa loob ng ilang taon, humigit-kumulang 500,000 mga Pilipino ang namatay bilang resulta ng pagka-alipin at prostitusyon. - Lahat ng iyon ay nagbago nang bumalik si General MacArthur sa Pilipinas na may dalang 700 na sisidlan at 174, 000 kalalakihan. Ang mga Pilipino ay naghimagsik laban sa Japan, ngunit bilang na sila sa oras na iyon. - Ipinagamit ang mga katutubong wika sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan; sa panahong ding ito namayagpag ang panitikang Tagalog. - Mahigpit na pinagbabawal ang paggamit ng wikang Ingles at maging ang paggamit ng mga aklat o anomang peryodikong may kaugnayan sa Amerika. - Muling napagbigyan edukasyon ang mga Pilipino at binuksan ang paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wika ng mga Hapon na kung saan ang Gobyerno-Militar ang siyang nagturo sa mga guro, ngunit mas pinagtuunan ng pansin ang paggamit ng wikang Tagalog.
Dc, D. (n.d). Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapon. Wordpress. Retrieved from https://kompanyero.wordpress.com/2018/09/20/kasaysayan-ng-wika-sa-panahon-ng-hapon/ 
(n.d.). Retrieved October 6, 2020. Retrieved from https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pananakop_ng_mga_Hapones_sa_Pilipinas
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Amerikano
Tumblr media
- Noong 1898 – 1941 BCE sumailalim ang Pilipinas sa United States of America.  - Sabi sa aklat ni Dr. Nemesio Prudente na “Sa Kuko ng Limbas” nahahati sa dalawang yugto ang pananakop ng Amerikano. - Una ang lantarang pananakop, kasama na din ang panahon ng komonwelt.  - Ikalawa naman ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na “ipagkaloob” noong   Hulyo 4, 1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism). - Ninais na sirain at baguhin ng America ang kultura at edukasyong Pilipino sa pamamagitan ng mga guro na mula sakanilang bansa at ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo na naglalayon ng hindi pagkakaintindihan o pagkakaunawaan ng mga Pilipino.  - Tumulong ang Estados Unidos sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas mataas na antas ng edukasyon sa kolonya at nagturo sa kanila ng mas mahusay na paraan upang mabuhay. 
PAGSAKOP NG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS. (n.d.). Retrieved October 06, 2020, from https://www.google.com/amp/s/estadosunidosiii.wordpress.com/2018/09/11/the-journey-begins/amp/
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Rebolusyonaryong Pilipino
Tumblr media
Sa panahong ito maraming mga Pilipino ang nag-alab sa kanilang Damdaming Nasyonalismo at nagtungo sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.  -Sa panahon rin na ito ay maraming akdang naisulat sa wikang tagalog, mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga kastila. -Pinili nila ang tagalog bilang pangunahing wika sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham at talumpati. -Tagalog ang ginagamit na wika sa pahayagan.    -Si Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, Mariano Ponce ay naniniwala na ang wika ay isang malaking bagay na makakatulong upang mabuklod ang kanilang mga kababayan. Sila at ang iba pang propagandista ay nagsulat sa wikang kastila.
Fuentes, S. (2016, July 27). PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO. Retrieved October 06, 2020, from https://prezi.com/fgx3wob6tcf6/panahon-ng-rebolusyong-pilipino
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Kastila
Tumblr media
- Nag-aral ang mga misyonerong Espanyol ng mga wikang katutubo dahil naniwala sila na ito’y mas epektibo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo dahil mas madaling matutunan ang wika ng isang rehiyo kesa ituro sa lahat ang wikang Espanyol  - Nagsulat ang mga prayle ng mga diksiyonariyo at aklat panggramatika, katekismo, at mga kumpesyonal para mas mabilis ang pagkatuto nila sa mga katutubong wika - 1593 – Nailimbag ang Doctrina Christiana sa pamamagitan ng silograpiko. Ito ang unang aklat na isinulat gamit ang Alibata. Ito ay naglalaman ng Pater Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung utos ng Diyos, Mga Utos ng Sta. Iglesiya Katoliko, Pitong kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at Katekismo. Ito ay isinulat ni Padre de Placencia at Padre Domingo Nieva - 1602 – Ang Nuestra Señora Del Rosario ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Isinulat ito ni Padre Blancas de San Jose. Nilalaman nito ang Talambuhay ng mga Santo, mga Nobena, at mga Tanong at Sagot sa Relihiyon.
Da Ven. (2015). Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Retrieved from https://www.studocu.com/ph/document/mariano-marcos-state-university/accountancy/summaries/kasaysayan-ng-pambansang-wika/4048456/view.  Austria, J. (2017, Oct. 17). Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng Kastila at Rebolusyon. Retrieved from https://www.slideshare.net/JeffAustria/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-kastila-at-rebolusyon.
Abion, C. (2018, Aug. 6). Timeline: Kasaysayan ng Wikang Pambansa noong Panahon ng Kastila. Retrieved from https://prezi.com/p/tz9-hrr6gjji/timeline-kasaysayan-ng-wikang-pambansa-noong-panahon-ng-kastila/
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Katutubo
Tumblr media
- Noong unang panahon ay ginagamit ng mga ninuno natin ang biyas ng kawayan, dahol ng palaspas at balat ng punong kahoy bilang papel at dulo ng matutulis na bakal naman ang kanilang panulat. - Baybayin o alibata naman ang tawag sa katutubong paraan ng pagsusulat ng mga ninuno natin bago sakupin ng mga dayuhan ang ating bansa. binubuo ng labingpitong titik, 3 patinig, labing-apat na katinig. - Ang kavi na paraan ng pagsulat ng mga java ay ang inspirasyon upang mabuo ang alibata o baybayin.  - Ginamit ito noong ika-14 siglo hanggang ika-19 siglo. - Ang paraan ng pagsalin ng panitikan noon ay pasalin- dila, bihira lamang na isulat ang mga panitikan. - Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan sitwasyon o sa pormang patalinhaga.
Fajutag, V. (2017, September 24). Wika sa Panahon ng Katutubo [Video]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=I-MgZDa_rjw Javier, C. (2010). Panitikang Pilipino Noog Panahon ng Katutubo at panahon ng pananakop ng Kastila [PowerPoint slides]. Retrieved from https://pt.slideshare.net/christinejjavier/panitikang-pilipino-noong-panahon-ng-katutubo-at-panahon-ng-panankop-ng-kastila-5240707/2 
Katutubong Panitikan. (2015, April 17). Retrieved from https://katutubongpanitikan101.wordpress.com/2015/04/17/katutubong-panitikan-2/
0 notes
aisabelmorongblog · 4 years
Text
Timeline ng Kalayaan ng Pilipinas
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note