Tumgik
#NakaraanNaNagbagoNgTuluyan
aisabelmorongblog · 4 years
Quote
Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan
Tumblr media
Napakaraming nadagdag sa ating kasaysayan at wika dahil sa pagsakop sa atin ng mga banyaga noon. Unang makikita natin dahil halata agad ito ay ang pag angkop natin sa kanilang kultura sa paraan ng pananamit, pagpili ng pagkain at binibiling mga produkto, hindi ko sinasabing maganda ito pero ito ay isang halimbawa ng nabago sa ating kasaysayan nang dumating ang mga banyaga. Sa kasalukuyan ay lagi nating nakikita at naririnig ang ating mga naangkop sa mga banyaga mula sa ating mga kapwa Pilipino, halimbawa nito ay ang lagi nating naririnig sa mga bata na “awts gege” na galing sa ingles na salita na “ouch” at ang lagi nating sinasabi pag tayo ay nag sisimula ng paguusap sa personal man o sa internet ang salitang “kumusta” na mula sa espanol na salitang “como estas”; isa pang halimbawa ay ang nauuso ngayong porma ng pananamit na mula sa mga Amerikano na tinatawag na “streetwear” at dahil din sa pagsakop nito sa ating kaisipan ay marami paring naniniwala na ang pag sasalita ng ingles ang basehan ng katalinuhan kaya maraming mga bata ang mas gustong mag salita ng ingles dahil iniisip nila na mas madali makisalamuha sa ibang tao kung ito ang salitang gagamitin nila. 
0 notes