Tumgik
vj-mac · 4 years
Video
youtube
SA AKING PAGLAYA, Komposisyon ni Jess Macatugal at musika ni Miguel Caro...
0 notes
vj-mac · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Komedya Online Edition at Hashtag Komedyafied
Buong puso naming inihahatid sainyo ang KOMEDYA: Online Edition. Samahan niyo kami sa online stage at ating balikan ang mga nabuong istorya at tangkilikin ang mga bagong orihinal mula sa KDG.
But wait there’s more!
Mas kilalanin rin natin ang mga artista ng Moro Moro sa pamamagitan ng #Komedyafied. Alamin ang kanilang istorya, buhay teatro, at marami pang iba.
Tuloy ang pagtatanghal. Tuloy ang kuwento sa Komedya Ng Don Galo.
Para sa mas tuloy tuloy na kuwentuhan, iyakan, tawanan,at online pagtatanghal, follow our social media accounts:
Facebook Page: https://www.facebook.com/KDGTheaterGroup/ (Click the WATCH VIDEO button)
Instagram: https://www.instagram.com/komedyangdongalo/
Subscribe to our YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UCu7Cf4_xEulqZWZawuI8A-w
TRANSFORMING LIVES THROUGH PERFORMING ARTS
Likhang Paskil ni Jess Macatuggal at Abigail Sandoval
#KDG #KomedyaNgDonGalo #Tourism #KomedyaOnlineEdition #Komedyafied #Paranaque
0 notes
vj-mac · 4 years
Photo
Tumblr media
“Ang daming bawal sa mundo sinasakal nila tayo. Buksan ang puso at isipan, paliraparin ang kamalayan!” The song Ang Huling El Bimbo will never be the same after watching this. Maraming Joy sa mundo at marami ring Banlao pero mas maraming Anthony, Hector at Emman. Ikaw? Pipiliin mo bang mabuhay kahit patapon? Isang istoryang higit pa sa istorya. Mabuhay ang Philippine Theater! Ang Huling El Bimbo, is now streaming for free until tomorrow. 
0 notes
vj-mac · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Para sa lahat ng mga bayaning lumalaban sa COVID19, MARAMING SALAMAT PO, frontliners!
Malalagpasan rin natin ang pagsubok na ito.
Pasasalamat mula sa Komedya ng Don Galo
0 notes
vj-mac · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
I regard the theatre as the greatest of all art forms, the most immediate way in which a human being can share with another the sense of what it is to be a human being. - Oscar Wilde
Maraming Salamat sa lahat ng naki iyak, nakitawa, at kinilig sa kuwentong aming hatid, ang SENADALA AT PERSYANUS.
Mabuhay ang Tanghalan! Mabuhay ang Moro Moro! Maraming Salamat KDG! Maraming Salamat CCP!
Jess Macatuggal Manunulat at Direktor
Mula sa malikhaing lente ni Rhon Velarde
0 notes
vj-mac · 4 years
Video
SA AKING PAGLAYA
Mula sa Senadala at Persyanus: Ang Bagong Mukha ng Moro Moro
Musika at areglo: Bren Miguel Carolino
Titik at Melodiya: Jess Macatuggal
Iniaalay ko ang awiting ito para sa aking pamilya at kaibigan; sa Komedya ng Don Galo na siyang dahilan kung bakit ako lumilikha ng orihinal; at sa iyo, Oo ikaw, ikaw na patuloy na hinahanap ang tunay na kalayaan, kapayapaan, katarungan at pagmamahal. Mabuhay ang sining at ang bayan!
Pasasalamat kay: Fedjorie Aguilar
0 notes
vj-mac · 4 years
Video
SENTENARYO Written by Jess Nazz Macatuggal Arranged by Maestro Edwynn Castillo Sung by Queenie Lynne Jimenez Shaira Licos Ortiz and Froylan Fronda DGES Promotional Video Produced by DGES Principal Misyel Camposano and ICT Head Shamin de Jesus Videographer: Kyle Justin Gaebriel Dorado Featuring the following: DGES Teaching and Non Teaching Staff DGES PTCA headed by Charlyn Licos Ortiz DGES Supreme Pupil Government KDG Actors Mea Ortiz Thea Mercado and Paul Lee
0 notes
vj-mac · 4 years
Photo
Tumblr media
Naniniwala ka ba sa perfect timing? Ako hindi. Pero dati yun. Ngayon, oo naniniwala na ako.
2005 unang beses akong tumuntong sa Cultural Center of the Philippines bilang artista ng teatro. Sa tuwing nakaka kita ako ng poster, tarpaulin, at souvenir program nangarap akong balang araw babalik ako sa CCP at makikita ko din ang pangalan ko.
Taong 2015. Rodante ni Atty. Max Allanigue, unang sabak ko bilang direktor. Maraming mali, maraming palya, maraming gusot at maraming luha bago namin narinig ang mga palakpakan. Pero may kulang. Hindi ako masaya. Mas may kaya pa kaming maabot. Oo tama ang iniisip mo, ambisosyo ako. Mataas ako mangarap. Libre lang naman eh kaya sinusulit ko na.
Naisulat ko ang Senadala at Persyanus taong 2017 kasabay ng pagsiklab ng gulo sa Mindanao. Nakakadurog ng puso ang mga nakita ko sa balita pero mas naramdaman ko ang sakit nang personal kong makausap ang mga kapatid nating Muslim na nakilala ko sa Maynila. Sila ang inspirasyon ko bakit ko ito nagawa. Nang matapos ko ang buong script, pinangarap kong maipalabas ito sa CCP pero hindi nangyari.
Makalipas ang ilang taon, sa darating na February 21, 2020, sa wakas ay ilalabas na sa entablado ng CCP ang Senadala at Persyanus: Ang Bagong Mukha ng Moro Moro. Para sa lahat ng kasama kong nangangarap para sa atin ‘to! Para sa mga kritiko, makikinig po ako 😊
Php250 lang ang ticket. May student, PWD at SC discount. Makakakuha sa CCP Box Office, TicketWorld o pwede din sakin may libre pang prayers at coffee. 😉
Magkita kita tayo sa tanghalan! 🎭
0 notes
vj-mac · 5 years
Photo
Tumblr media
Naging makulay ang salitang Malaya noong Ika 15 ng Agosto. Naimbitahan akong maging Guest Speaker ng Medium Security Compound – Special Classes for Children in Conflict with the Law sa Bilibid Muntinlupa. Ito ay para sa pagdiriwang nila ng Buwan ng Wika. Sa kabila ng mahigpit na seguridad sa loob ng kampo ay nawala naman ang aming takot at kaba sa mainit at masayang pagtanggap ng buong pamunuan, mga staff at ng mga kapatid nating naghihintay ng paglaya.Nagsimula ang programa para sa Buwan ng Wika. Pinasinayaan ito ng mga pinuno ng kampo at paaralan. Malayang ipinamalas ng mga mag-aaral ng SC-CICL ang kanilang angking galing sa pagsulat ng tula, sa paglikha ng poster at pagtatanghal ng katutubong sayaw. Ang aking grupo na Komedya ng Don Galo ay nagpamalas din ng isang maikling pagtatanghal ng Moro Moro mula sa aking orihinal na Engkwentro. Isa sa mga pinaka inabangang bahagi ng programa ay ang Flip Top Battle na kinikilala ngayon bilang modernong balagtasan na may ritmo at malayang taludturan. Naging paksa ng mga kalahok ang argumentong “Sino ang dapat na tunay na kilalaning Pambansang Bayani? Si Gat Jose Rizal o Emilio Aguinaldo?” Sa pagtatapos ng patimpalak ay nagwagi ang grupo ni Gat Jose Rizal. Huling bahagi ng palatuntunan ay aking mensahe para sa mga mag-aaral. Binigyang diin ko ang pagpapahalaga at pagtangkilik sa ating sariling wika at wikang katutubo. Sa pagwawakas ng programa ay nagkaroon ng maikling salo salo. Naging espesyal ang mga pagkaing iyon dahil gawa ito ng mga kapatid nating naghihintay ng paglaya. Sa pag alis namin sa kmapo at sa pagbaybay namin pauwi. Madami akong napagtanto sa mga nangayari. Tayong mga nasa labas o nasa malayang lipunan, kadalasa’y nakakaligtaan natin ang tangkilikin, gamitin at pahalagahan ang wikang sa atin. Samantalang sila na nasa loob ng bilangguan ay pinaghahandaan at pinahahalagahan ang malayang wika ng ating bansa. Sino ba sa atin ang tunay na Malaya? Siguro nag’y aabutin pa ng mahabang diskuros ang usaping ito. Pero sa labindalawang buwan na meron tayo sa isang taon, isang buwan lang ang mayroon upang bigyang parangal at pagkilala ang ating wika. Kaya naman nararapat lang na ito’y gunitain ng may pagpaparangal at pagkilala. Nais kong tapusin ito sa mga katagang mula sa aking talumpati kahapon. Kung hindi mo kayang mahalin ang iyong sariling wika, huwag mong ipagmalaking ikaw ay Malaya.
0 notes
vj-mac · 7 years
Text
Liham ng isang guro para sa kanyang guro:
 Halos mag iisang dekada na simula nang tayo’y magkakilala. Pero sariwa pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari bago at pagkatapos ng ating pagtatagpo. Hayaan mo akong balikan natin ang mga sandaling iyon. 
Marami ang nagsasabi sakin, hindi raw ako magaling, pero naroon ka laging ibinubulong kung gaano ka kabilib sa akin. Maraming kamag-aral ang walang tiwala sa aking kakayahan ngunit naroon ka laging nag-papaalalang isa akong espesyal. Kilala ko pa ang mga gurong kay baba ng tingin sa akin sabi pa’y wala raw akong mararating ngunit mas natandaan ko ang bilin mo na balang araw magtatagumpay ako. Marami akong kasabayan sa trabaho ang matatalino na tila ba’y napag-iiwanan ako ngunit binaon ko ang turo mong hindi lahat ng bagay ay natututunan sa libro. 
 Lumipas ang napakaraming taon. Panahon para aking harapin ang realidad at hamon ng buhay. Pinasok ko ang isang propesyong wala sa aking hinuha at akalaing magiging kabahagi. Ang pagiging isang guro. Maraming nagtatanong bakit raw iyon ang pinili ko. Bakit raw iyon ang buhay na ginusto ko. Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot. Siguro’y hindi na sapat na magkaroon pa ng kasagutan ngunit sapat ng alam kong masaya ako sa aking kalagayan. Doon ko mas nakita ang iyong halaga. Ang halaga hindi lamang ang mga araling mula sa libro ngunit higit ang mga aral at leksyon ng buhay na iniwan mong asignatura para sakin. Sa aking pagiging guro ay mas pinahalagahan ko ang mga ginoo, binibini at ginang na nagsilbing aking mga pangalawang magulang. Panahon na para ako naman ang magsilbing sulo sa mga kabataan. Oras na para ipasa ang mga leksyong aking natutunan sa apat na sulok ng paaralan. At bilang isang guro, kayong mga guro rin ang aking inspirasyon upang ipagpatuloy ang paglining ng isang indibidwal.
 Hayaan ninyo akong tapusin ang liham na ito sa pamamagitan ng mga salitang mula sa dakilang bayani na si Gregoria De Jesus, “Igalang ang mga gurong nagpapamulat ng isip, pagkat kung utang sa magulang ang pagiging tao ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao.”
 Lubos na may paggalang, respeto at pagmamahal,
 Ang inyong mag-aaral. 
 HAPPY WORLD TEACHERS’ DAY!
0 notes
vj-mac · 7 years
Text
{Insert Title Here}
Tumblr media
Bakit hindi nagtatagal ang mga millenials sa romantic relationship? Bakit andaling magsawa ng mga kabataan ngayon? Sa materyal na gamit, sa eskwelehan, sa biglaang desisyon? sa love? Sa 7,107 na islang bumubuo sa Pilipinas #relatemuch siguro ang di mabilang na mga taong bahagi ng so called “millenials”. Alam kong di makakatulong 'to pero sa iba effective kaya subukan mo na din 'tong 3 recipes of life na to. Sige na. Nagmamaka awa ako. Marami ng natulungan 'to. Mga dalawa. Ako tas yung bespren ko (pinilit ko din sya eh) malay mo ikaw yung pangatlo. Para perpekto.
Nga pala OPINYON ko 'to, wag kang ano!
LISTEN. SET PRIORITIES. BE GRATEFUL.
Isipin mo 'to, putulin mo ang kanang tenga mo, tapos yung kaliwa naman? Ano meron? #eeewww!!! kadiri diba? Pero kung tutuusin, pagdikitin mo ang dalawang tenga makakabuo ka ng isang puso. Oo. Puso. Dahil ang taong marunong makinig ay marunong magmahal. ( ooopps!! di ko yan kinuha sa twitter ahh) Oo. Marami sa mga kabataan ngayon ang di na marunong makinig. Nakikinig  lamang sila para magbalik ng panibagong tanong at argumento sa kausap. Sa mundong pilit nilalamon ng sistema.  Social Networking sites.  Ang dapat na dahilan ng pagkakaroon ng “connection” ang syang nagiging dahilan kung bakit din tayo may “disconnection”. Kaya ang mga magulang at nakakatanda ay nahihrapan ng pagsabihan ang mga kabataan ngayon. To my beloved youth, let us learn to value the teachings and advices of our elders. Darating ang panahon, kapag kayo na ang nasa katayuan nila, mauunawaan niyo rin ang lahat.
Subukan mo to. Pagbilang ko ng tatlo, pagdikitin mo ang iyong kamay ng magkapatong ang dalawang hinlalaki. Oo yung parang nagdadasal. Wait lang. Chill ka lang. Wala pa. 1,2,3, Go! 'wag mo muna paghihiwalayin ah. Isang guro ko noon ang nagsabi sakin na kapag ang kanang hinlalaki mo ang nasa taas ikaw daw ay isang matalinong bata. Pero kapag ang kaliwang hinlalaki mo naman ang nasa taas ikaw daw ay isang maganda o gwapong nilalang. Ehem…Marami na sa kabataan ngayon lalo na sa mga millenials ang nawawala sa focus sa madaming aspeto ng buhay. Akala ng iba lahat nadadaan sa itsura o kaya naman matalino nga wala namang diskarte. Ang hilig ng mga kabataan ngayon dapat instant. Pagpasok sa relasyon. Pagbili ng materyal na gamit at pagpili ng kurso sa kolehiyo. Naku mga bros at mars! You are living a life of doom! Pumunta ka sa Makati sa may CBD hanap ka mga sampung strangers and ask them if they are practicing their degree. Pupusta ko. (Ibebenta ko heart ko sa OLX tutal slightly used lang naman eh.) Sa sampung millenials na makakausap mo isa o dalawa lang sakanila ang nakakapag apply ng kung anong natapos nila. Yung iba, nagtatrabaho sila para kumita. Don't get me wrong. Hindi ako impokreto para sabihing hindi natin kailangan ng sweldo. Pero diba mas maganda kung ang ginagawa natin ay yung bagay na alam at gustong gusto natin? Work on what you love and you will never work a day in your life. Pursue on work that is in the boundary of your talent or at least closest to it. Set your priorities straight. Wag tayong magsayang ng oras. Life is short. Set your goals and find your genuine happiness. Nga pala, pwede nyo paghiwalayin mga kamay niyo.
Last but not definitely not the least (paboritong spiels pag huli na yung tatawagin) dapat tayong lahat di lang ang millenials, we should have this attitude of gratitude. Learn to say thank you to our elders, parents, mga taong di sumuko sa kabila ng kahinaan natin, at higit sa lahat 'wag mong kalimutang baunin at magpasalamat sa mga experiences na meron ka. Trust me, yan ang magiging pinaka matatag na sandata mo sa buhay. (lakas maka graduation speech no?) Pero, tandaan mo, sa likod ng isang matagumpay na indibidwal ay nagtatago ang multo ng nakaraang pilit nilagpasan. Naroon ang sikmurang kumakalam dahil imbes na ipang kain ay iipunin na lang pang matrikula. Naroon ang isang ina na kalyado na ang kamay kakalaba mapagtapos lang ang anak at naroon ang halos di mabilang na OFW na nangungulila mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang pamilya. Kaya ikaw, kung ano man ang meron ka at naabot mo ngayon magpasalamat ka. Baka sa sobrang taas ng tingin natin sa sarili natin nakakalimutan nating tumingala sa mas mataas sa atin. Ang Diyos. Oo. Merong malaking role ang Diyos sa buhay nating lahat.
Kaya ikaw. Oo. Ikaw na nagbabasa nito. Bilang Kabataan matuto kang makinig para mas maging maayos ang mga plano mo sa buhay dahil sa huli, papasalamatan mo rin sila sa kung ano ka man at kung saan man ang narating mo. (O ha? Napaisip ka no? ) Masyado na 'tong mahaba ikaw na bahala sa title. More entries more chances of winning. Tutal tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kwento. Lakas maka MMK.
0 notes
vj-mac · 7 years
Text
#KDG
“SA BATAS NG DIYOS, MAY KAPATAWARAN”
SA BATAS NG BAYAN, MAY KAPARUSAHAN
ITONG PAGKAMARTIR, SA KAPAYAPAAN
AY HINDI SUKATAN, NIYANG KATAPANGAN”
Komedya ng Don Galo has been the official theatre organization of Brgy. Don Galo. It was established in the year 2004 and mounted numerous production in different settings. This year, KDG is celebrating its 13th year Anniversary, and for an early Christmas gift to the Don Galo Community, will once again bring us another Komedya production entitled ARGOS AT ALMOHAR. This year is really something they look forward to specially now that the author and director of the production is Mr. Charles Ortiz,LCB who was also part of the pioneer batch of KDG.
Komedya ng Don Galo will continue its mission in developing and transforming the lives of every young people through performing arts. By this, young people can express their real feelings and voice out their concerns specially on the difficulties and predicament of our society. If no one among this generation will continue to appreciate the rich culture of our country then no one will. Komedya ng Don Galo will serve as an inspiration to all the young people to preserve and promote the culture of our own and pass it to younger generation.
“MAGING PANGINOON, AY NAGTUBOS BUHAY
KASALANAN NG TAO, SIYA’Y NAGING ALAY
PULA MAN O ASUL, MORO O KRISTYANO
    TAYO’Y MGA ANAK, NG DIYOS NA TOTOO”
ARGOS AT ALMOHAR
DECEMBER 10, 2016
6PM DON GALO GYMNASIUM
1 note · View note