Tumgik
#yung di mangiiwan
heyygela · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Last date with lalabs before we start getting busy. Di muna magkikita for a while, mababawasan din ang bebe time kase need namin mag focus sa iba't ibang bagay. Si lalabs sa new work nya, ako naman sa board exam. Tiis muna for the first quarter of the year. Bago ulit bumawi sa second quarter. Huling post ko din muna to, kailangan muna mag delete ng socmeds para maiwasan ang distractions. Lowkey muna, sa private conversations muna namin ni lalabs kami magkukwentuhan at magsusuportahan sa isa't isa. New chapter na nga naman. Kailangan harapin ang mga responsibilidad namin. Going three years na rin kami this year, sa pagtagal namin, paseryoso ng paseryoso na rin yung mga kinakaharap namin. Hindi na mga pasweet ang iniisip, kundi ang pagkakaroon na ng stable income at magkaroon ng mas better na buhay. Dami pa, dami pa naming kailangan kaharapin at maintindihan. Pero sa lahat ng yon, alam kong may isang taong di mangiiwan sakin, at si lalabs yun!! Kasama ko sya sa lahat. Kasama nya rin ako sa lahat. Partners kami sa buhay at sa pagabot ng mga pangarap. Goodluck satin mahal ko! Kaya natin to! 🤗❤️
3 notes · View notes
benefits1986 · 7 months
Text
Short Selling & Steroids
I think I'm back to my sedated self, thankfully. Let's see.
Why do you short sell yourself a lot? I get asked this question too many times in all aspects of my life --work, personal, and even landi. So, here we go. Must be because of this buttery 70s PL which is my go-to sedative apart from liters (if not gallons) of sangria. My universe is never and will never be bound by validation. I live for invalidation. This dates back to mother dragon's ways but as I revisit this archaic bit, I'm coming clean like Taylor Swift.
In every test paper I bring home, she would look at my mistakes and tell me that I'm too careless because she knew that I knew the answer. Always. Later, when I commit and omit actions, she'd always tag me as a "matalinong gago" with so much graphic words sans the curses. That's how great she was with weaponizing words, tone, style and the works. She rarely hits me, but when she does, it's one for the books. Hence, I come off as someone with too idealistic standards and intimidating. I was born and raised this way, I guess.
When I became the captain of mother dragon's sinking ship in her quest to her final destination, I was left with this burden that while I know I know how to power through with grit, with intention and with my maldita na "matalinong gago" ways, I will be going home defeated. That's when I embraced the world of utter invalidation. That I am never enough just because I can't cheat death, ever. Labo, I know, but, I was 17 when this era started. I was clinging onto to the dearest life form in my universe... my mom.
I guess, that's also where my anhedonia is truly, madly, deeply rooted. I've been so used to losing that winning is but a consolation prize. I had to stop and breathe deeper breaths before keying the previous line. It's true blue blood right there. I don't like validation because all my efforts and results are but pale in comparison to what my harsh reality is... mom's death. I know that this is purely irrational, but in love, emotions overrides any "matalinong kagaguhan" anytime.
Compliments in any shape or form do not mean anything to me. Mom left me even when I fucking gave all that I can and all that I'm not in our battle. She gave up on us. She gave up on me. So, sino pa bang hindi mangiiwan sa akin kahit na I burn myself to ground? Sino pa ba? Wala na. Walang forever. Fuck forever. Forever's but a social construct that even De Beers is milking the shit out of every giddy girl getting a ring on it. LOL. G na g, mhie? Talaga ba?
There are countless time when mom told me to step on the breaks since masyado kong sineseryoso 'yung routines, doc visits and after-care niya. Wala pang palliative care noon lalo sa Pinas at sa public hospitals. Ilang beses niya sinabi sa akin, anak, na-train nga kita kaso sumobra naman yata. I remember so many times na deep inside I was crying, but I told her na, sabi niya, the true test of a good teacher is when the student beats the shit out of the educator. Mom smirks with tiny tears at times. Alam ko naman I'm tough love on her, pero 'di power trip 'yun. Ego and empathy lang talaga. Kasi, 'pag sumuko ako, wala na e. She was no longer my strong, independent, OC mom. She was no longer undefeated. She was no longer my fortress. She is my liability, my only asset who's depreciating pretty quickly. She is my universe. HUY. Hahahahaha. Mommy's girl talaga ako.
However, I'm here and now. A few days back, I keep hearing steroids as meds. UGH. I discovered that it's my trigger. Mom had to take steroids to pump up her system. And yes, the side effects eventually kicked in and that is where things get fucked up. While steroids definitely helped prolong her life, iba e. Her totality was altered. HUY. Naiiyak na naman ako. Hindi tayo mag-spiral this Scorpio szn. Maraming labada at iwas-sunog ganaps.
Steroids are reminders that while I get triggers, I can hopefully turn this shit into a glimmer. UGH. I have to face the fact that steroids helped mom get by. And that, these designer and well-marketed drugs allowed her to power through even when was running on 5 to 10 kph; instead of her usual 160-180 kph. And that, I have to face my red flag. Hindi naman madali, pero hindi imposible. AYWAW. May character arc development na ba talaga this dalisay kuno girly? Abangan.
And you know what steroids brought me and mom? Because she was gaining weight and looking plumper in a good way, when she was in her casket, she looked undeniably good. FUCK HER TALAGA. Alam mo 'yung look na I FOUGHT TOO MANY GOOD FIGHTS. KBYE na look. She looked too peaceful, too unbothered, too accomplished. HUY. 'Wag nating pabagsakin ang luha na mala somatic yoga session. HAHAHAHA. Nagsusulat lang akong dyslexic bitch for today's video. CHZ. I can hear mother dragon saying right now na 'yan, 'yan. Ganyan. Gamitin mo kagaguhan ng utak mo sa matalinong paraan. 'Di ka natatakot kahit kanino 'di ba? Keep up. Keep up. Eto na nga, ma. Eto na nga. Tumabi ka na naman sa akin sa WFH session ko na 'to. Alis. Smirking Taurus na naman po siya ihh.
PS: Double whammy talaga pagsulat ng thought farts. Kasi, iba ang AI content and content from the Bronx. :D LOL. Iba talaga. Hindi ako magaling. Mahilig at marunong lang as a dyslexic person na pati dyslexia hirap ako spell. It reminds me that I'm bulletproof. Aywaw. Validation szn na ba? Shemay. Kaya ko na ba 'tong mature role na 'to? Abangan! Toodles. Balik labada and iwas-sunog na tayo. :p NP: Killing Me Softly With His Song - Roberta Flack Langya ka talaga, ma. Hyfe ka. Makikita mo hinahanap mo. Sorry na agad, ang tagal ko mag-move forward. Bwiset ka kasi e. Pero, I know, I know, mas bwiset ako. Lofffyoooohoooo.
0 notes
denenotdean · 1 year
Text
020623 - Monday
Pang ilang Lunes na ba 'to? Parang pagod na ako magbilang. As a person who's very kin to dates parang lahat big deal for me. Seems like...tangina parang ganito ako nung namatay si Papa. Lahat ng bagay big deal. Lahat ng bagay may meaning. I just don't want to reach the point where I just come home to sleep and get up to go to work...ayoko na. Sobrang ayoko na...
So ayon, back to the ball game. Bumangon akong nag-look forward sa araw na 'to but my lower back hurts. It hurts like hell. 'Di ko alam but I'm assuming that I'm gonna have my period soon. 'Tis probably some PMS...I guess. Sobrang stress ko na naman siguro kaya delayed. Yeah. Should be. I shouldn't be preggo or something. Or whatever. Should I see a specialist na? Idk. Anyways, pumasok ako ng office. Naglakad going to San Miguel Ave., looking forward to Monday. Supposedly chill day — but it wasn't a chill day. Nawala sa isip ko. May ttrain akong tao...of course, my impatient ass. Dude, sobrang simpleng instruction 'di magets. Buti nalang. Mel saved the day.
Lunch time, medyo natuwa mag-meeting ang legal team. 'Di ba uso pahinga sa inyo? 🙃 ni hindi ko na naman nahawakan masyado yung cellphone ko. Tapos kaliwa't kanang consult. 'Di naman nag-push through. Sayang sa oras! Sayang laway mag-explain. Hay nako.
So ayon, OTy na naman tayo mga mamsh dahil kadahilanan na nag-update ang aking OS at kailangan ko magsend ng letter sa ibang LA for our next content.
Tumblr media
Pauwi ako kanina. Sobrang baho ng amoy ng UV. As in nakakasuka yung amoy. Hindi masangsang pero forst time ko makaencounter ng ganong amoy na pabango. Duwal fest. Kaloka.
Nakauwi na naman ako na bedtime na dapat. Medyo gutom ako at hindi ko alam kakainin ko. Narealize ko hindi na ako ganon kaayos. Untrimmed eyebrows, no make up. I'm not even wearing lipstick. Nakakahiya kanina may client akong bumisita. Feeling ko muka akong basura 😭
Texted Vindy na gutom ako. Sabi niya sumama daw ako kasi ihahatid niya si Diane sa work
Tumblr media
Kakain dapat kami ng Angel's Burger kaso 'di ko bet yung burger ngayon. So we ended up going home. We talked about their agenda going to Canada. Mamimiss ko sila. Ayan na naman tayo eh. May mangiiwan na naman...
Anyways, ginawa ko nang diary 'tong Tumblr ko. Who cares about my day anyways? 😅 So 'yon. I have to prep for shoot on Wednesday. Beauty rest muna 'ko 😝
0 notes
jeuzwrld · 5 years
Text
Tama yung tropa ko wag mag invest sa babae kasi sa huli pag iniwanan o pinagpalit ka ikaw lang rin ang kawawa at iiyak sa huli.
9 notes · View notes
jessamynting · 9 years
Text
Di ba ganun naman talaga, kung sino pa yung pinili mo siya pa ang mangiiwan sayo.
5 notes · View notes
galpalpim · 4 years
Text
sa sobrang emotionally unstable ko, kapag sinabi kong “tama na” pipilitin ka nilang bumalik. Ineexpect nilang bumalik ka kahit anong sakit pa yan na dinulot nila. Pero dahil unstable nga ko, babalik ako. Babalik na parang halos wala lang.
Pero kapag sila, tangina. Bigla silang mangiiwan kasi gago pagod na daw sila sayo. Wala ka ng silbe kasi sa kanila, narealize na nila na dapat pala hindi nalang nila trinay na ibalik ka.
Kasi wala naman talaga magkakagusto sayo, kasi grabe yang anxiety mo. Kasi wala eh second hand ka na.
ang dami ko pang gusto sabihin pero wala di ko na macompose yung thoughts ko, di ko nga alam kung may sense pinagsasasabi ko pero tama siya na tama na.. back to zero ka na naman, Kim. tinaas ka masyado kaya alam mo na mangyayari sa iyo na naman.
0 notes
succsyd · 7 years
Quote
Yung taong kakausapin ka palagi hanggang sa maattach ka sakanya. Tapos bigla na lang mangiiwan ng walang dahilan. Tapos kapag malapit mo na siyang makalimutan, bigla na lang magpaparamdam.
Nakakatangina diba? Sana di na lang ulit nagparamdam. Haha ge!
21 notes · View notes
tilsunsetwitu · 5 years
Text
Kanina habang nasa bus ako pauwi, nakapikit ako pero gising yung diwa ko, biglang naramdaman ko nag vibrate yung phone ko. Nag message yung mama ko sabi nya, "nak, may iba na si jers, mag move on ka na, nakita ko sa post nya, in-unfriend ko na sya". Nung una natawa ko, di ko ineexpect na magmemessage sya ng ganon, kasi never ko naman nasabi sakanya na magjowa kami pero alam ko na alam nya. Tapos nagreply ako, sabi ko, "payakap ma." Sabi nya, "uwi ako bukas, hayaan mo na yun, ang mama mo lang ang makakapagbigay sayo ng unconditional love." Tapos umiiyak na ko sa bus, narealize ko, di ko naman pala kailangan pagdaanan to magisa. Pamilya mo lang talaga ang hindi mangiiwan sayo.
0 notes
klerrithromycin · 7 years
Quote
Hindi ko ginustong masaktan; pero ginusto kita. Ginusto kita, kahit alam kong walang kasiguraduhan. Kahit alam kong lahat ng bagay dito sa mundo ay panandalian lamang. Kahit na alam kong bukas o sa makalawa ay magbabago lahat, at ang matitira na lamang ay ang alaala ng nakaraan. Ginusto kita, kahit alam kong darating ang araw na gigising ako at hindi na muli ako makakarinig ng salitang “Magandang Araw” mula sa'yo. Na darating ang araw na gigising na lamang ako para batiin ang satili ko na, “Kaya ko ‘to”. Ginusto kita, kahit alam kong marami ka pang pagpipilian na iba. Na sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, alam kong hindi ako ang pinaka lamang sa lahat ng pagpipilian mo. Ginusto kita, kahit na alam kong pwede ka pang makahanap ng iba. Na pwede ka pang magmahal ng iba na pwede ka pang maghintay ng iba. Ginusto kita kahit na alam kong hindi naman ako yung tipo ng taong mapapagmalaki mo sa mundo. Na artistahin ang datingan at mala anghel ang tinginan. Ginusto kita, kahit na alam kong mahirap manatili sa katulad ko. Madaling mahalin pero mahirap kung papatagalin. Mahihirapan ka lang, masasaktan at sa huli, ikaw na yung mangiiwan. Ginusto kita, kahit na alam kong maraming paraan para masktan mo ko. Pero gaya nga ng sinabi ko. Ayoko masaktan, pero ginusto kita. Na kung tutuusin ay isang malaking kahibangan. Na bakit pa kita gugustuhin kung takot naman ako sa mga posibleng sakit na aking mararamdaman? Ginusto kita. Ginusto mo naman ako. Parang sugal kung tutuusin. Na parang bisyo na rin kung ituturing. Susugal kahit alam kong may posibilidad na manalo at matalo ako. Tataya kahit alam kong malaki ang naipundar ko, at malaki rin ang mawawala sa aking pagkatalo. Ginusto kita. Kahit masakit. Kahit mahirap. Kahit alam kong baka isang araw, walang patutunguhan. Magpanggap na lang siguro tayo. Tutal ginusto naman natin 'to diba? Magpanggap tayo na perpekto ang 'ikaw’ at 'ako’. Magpanggap tayo na may panghabang buhay pa sa mundo. Magpanggap tayo. Magpanggap tayo na di tayo masasaktan. Ginusto ko 'to. Ginusto kita. Ginusto mo naman ako. Kahit alam natin pareho, na masasaktan lang tayo.
selbor
2 notes · View notes
haydeediazcarreon · 7 years
Text
It's all about being alone
Ganito ba yung sinasabi nilang naiwan ka sa ere? Kasi kung oo.. MASAKIT. Oo masakit. Sobrang sakit. Kung kelan mo kailangan ng makakaramay, tsaka sila biglang mawawala. Tsaka sila biglang may gagawin. Tsaka sila biglang magiging busy. Tsaka sila biglang walang load. Tsaka sila biglang mawawala. Tsaka sila biglang di magtetext. Tsaka sila biglang mangiiwan. You've been there for them through their pain, through their sorrow. Through their worst moments. But they'll not be with you through your worst time in your life. Goodluck. Goodluck in wiping your tears because no one will wipe it for you. Goodluck in listening to your own cry, because no one will be there for you. Goodluck in making yourself happy coz no one will make you smile. Goodluck in surviving your wounds because no one will heal it for you. But I know God will be there.
2 notes · View notes
mvzng · 7 years
Text
9:21 am
ang dami kong gustong ikwento sa'yo e. miss ko na din yung araw araw mong pambwibwisit, miss ko na din pag kanta mo bigla. tsaka kahit minsan nakakainis yung mga selfies na sinesend mo. tapos yung minsan feeling concert ka sunod sunod voice messages mo. hoy nakakainis, sabi mo di ka mangiiwan, tapos ngayon iniwan mo na'ko. miss ko na din manglait kasabay ka haha.
1 note · View note
cessandee · 4 years
Text
Isa pang entry kasi lintek di ko alam bat bigla nalang akong naging affected ulit??? 🥺 Nakakafrustrate lang kasi alam ko wala na akong pake pero mas di ko mapigilan sarili ko maging curious eh. Ayan. Pinagpray ko naman to kay Lord so feeling ko di talaga will Mo to Lord na para samin ni Glan. Hirap pala kung may connection parin kayo. Naiisip nya kaya ko gaya ng pagkaisip ko sa kanya? Siguro titigilan ko na muna magpapansin talaga. Di nakakatulong eh lalo lang ako umaasa? Una gusto ko talaga maging friends ulit kami kasi dami na naming napagdaanan as friends. Kaso nung nakita ko yung post di ko pala kaya LOL walang kwentang post pero natatamaan ako hahahahahahaha. Ginusto ko naman yun epal ko talaga 😂 Move on for real na dapat kasi. Lord tulungan mo po ako nawala na ng feels sa kanya :( Naiisip ko din kasi minsan mga nangyare samin na kalandian... ko 😕 Nakakamiss yung feeling na inspired ka eh tas may nilolook forward ka everyday. Kala ko nakamove on na ko. Pinatrial lang pala ako lintek. Or baka need namin ng closure?? HAHAHAHAH nakakainis lagi nalang walang closure andrea?! Bat ganun hahahaha. Kaya parang gusto ko ibaling sa iba kasi yun yung way para makamove on ako eh. Kaloka yung tinanong nya ko nun kala ko yun na start ng love story talaga namin BWAHAHAHA SOBRANG FUNNY KO NAMAN. Andrea, makinig ka sakin. You dont deserve someone like that. You dont deserve someone na mangiiwan sa ere. You dont deserve someone — shet while typing this natauhan na ako BAKIT DI AKO GALIT SA GINAWA NYA?? HAHAHAHAH. JOKE ON ME. Gago sya. Gago ka Glan pakyu!!! From now on wala na talaga lahat ng may connections sayo tatanggalin ko na para di kita maalala ngayon. Di ako pede matalo dito. Di ka naman worth it!! Thankful ako natauhan ako agad 😭 May pa i know my worth pa kong nalalaman tapos nagpapakabulag ako sayo. Hmp! I really deserve someone better. Sorry, you are far from that someone. Hoping that this is the last time im writing an entry about you. Just be happy with your life. 🙂 I just made myself a clown. For real 🤡
04-06-2020 00:39 AM
0 notes
crescentalmond · 4 years
Text
03-09-2020
Akala mo ba ako hindi nasasaktan? Ang sakin lang naman sana kung nagagawa mong pumunta sa mga kaibigan mo sana samin rin nakakapunta ka. Tapos nakakainis yung mga tanong mo minsan feel ko tuloy ayaw mo naman talaga akong kasama? Kasi diba? Hindi ba matic nay yun? Yung nanay ko nga hinahanap ka eh tinanong kung wala raw ba kong kasama? Si yancy raw ba? Alam mo yun? Tangina lang sobrang bigat ng puso ko, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Tapos ikaw galit ka dahil sinabi ko sayo yung saloobin ko? Na dapat aayusin mo na pero ano? Nag mamatigas ka pa. Sobrang taas ng pride mo mas matangkad pa sayo. Pasantabi naman muna kahit minsan lang. Tangina kaya nga chinat na kita kasi ako di ko kaya. Ikaw ata eh kahit isang buwan pa tayong di mag usap walal lang sayo. Kasi ako naman lagi diba? Ako naman lagi una kumakausap pag mag kaaway tayo kasi ano? ako yung nag salita ng masakit? Kasi bakit may masasabi ka ba sakin? Ano ba may kulang ba ako? Mag iisang taon na tayo at mag dadalwang taon na mag kasama pero ano?? Mabibilang sa kamay kung ilang beses ka lang pumunta dito? Tapos ikaw pa yung sobrang sama ng loob? Akala mo ba di ako nasasaktan?? Tangina ang sakit sakit. Minsan di ko nalabg sinasabi kasi bak, baka lang naman malaman mo ng sarili mo. Sobrang sakit yancy na parang wala kang pake. Kung iniisip mo na nasaktan ka. Ako rin nasasaktan. Ang sakit sakit. Pero kung gusto mo pa 'tong maayos isantabi mo muna pride mo. Pero kung ayaw mo na. Alam ko naman. Na simula palang ikaw na mangiiwan kasi lagi naman diba. May bago ba?
0 notes
livshistoria · 6 years
Text
Gago kasi ang mundo!
Tama na! Ihinto na natin yung mga “bait-baitan” side. Sira ulo na kung sira ulo! Ganun din naman ang mundo. Pinapaikot lang tayo, masasaktan din naman tayo.
Alam mo kung ga’no ka gago ang mundo?
Tumblr media
Naexite ka na eh. Tapos sasabihin mong “Try again”? P*ta may “Besh” pa. Ang plastik lang! Unang una, wala tayong relasyon para magka endearment, maliwanag? Pangalawang-pangalawa, madumi sa kuko ang pagscratch. Ang dugyot! Sobrang dugyot! Ang dumi dumi ko...”besh”. Ganyan ka, dudumihan mo lang ako, tapos ibebesh-zone mo ko! 
Mali ko din naman ata na umasa ako na may maganda akong makukuha. Nakalimutan kong may posibility posibilitiES na matalo. Ang tanga lang kung bibili ulit ako at dudumihan ko ulit kuko ko para kaskasin at baka mabasa ko lang ulit yung “TRY AGAIN, BESH”. Tama ng isang tanga lang, wag na ulitin. Oh? Alam ko nasa isip mo, mahina loob ko kasi isang beses lang ako susubok. Di ba pwedeng natuto lang agad sa unang pagkakataon? Wag ka magalala, pag bumili ako ulit sasabihan kita na ganyan lang ulit ang makuha ko, at sasabihin mo na sakin ang tanga tanga ko kasi umulit pa ko. 
Gago ka kase! Kasi risk taker ka. Kasi sumugal ka. Kasi umasa ka. Kasi binigay mo lahat. Lahat ng oras, panahon, saya at ikaw. Wag madumi isip mo, binigay mo sarili mong kaligayahan ang gusto kong sabihin. Kaligayahan na pinagdamot mo ng matagal na panahon. Kaligayahan na kala mo sa kanya mo lang naramdaman. Kaligayahan na akala mo sya lang nagbigay. Shit as in tae! Ang baho at ang dumi! Nakakasulasok! Tapos ngayon mageemote ka na malungkot ka. Eh nabigay mo na nga lahat ng kaligayahan mo sa kanya. Nakalimutan mong magtira sa sarili mo. Nakalimutan mong ngumiti.  Nakalimutan mo ang depenisyon ng MASAYA. Yung totoong saya ah. Di yung pati sarili mo niloloko mo sa ngiting suot mo. Tapos papatugtog ka ng Bakit pa ba ni Jay-R. Edi pinanindigan mo talagang gago ka! Urur!
Ganto kasi yan, pag masaya ka na ngayon, may dadating na KJ na hahadlang sa saya mo. Pwedeng tao yan, pwedeng pangyayari, pwedeng sarili. Halimbawa, ang saya na ng relasyon nyo ng jowa nyo, biglang may opportunity sya abroad o namatayan o kahit anong letcheng dahilan para maghiwalay kayo. Pwede ding si ex nagchat ulit kay boyfriend or girlfriend. Putchang senario, tama na! Oo na, gets ko na, may kokontra. Gago nga kasi yung mundo.
Di ba talaga pwedeng maging masaya? Yung walang pipigil kahit tadhana, kahit alon sa dagat o kahit utot ng langgam? Dapat ba laging may nagagago at ginagago. Dapat ba maramdaman lagi ng tao na gago talaga ang mundo. Masaya ka, mamaya malungkot ka na. Kanina tumatawa ka, ngayon umiiyak ka. Sino kawawa? Puso o utak? O mata? Pero mas nakakapagod ang mundo, kasi ang sakit sakit na.
Ang sakit sakit na, na may mahal ako pero di sya akin. Na may kahawak akong kamay pero wala akong nararamdaman. Pinaglalaruan ba ko o sadyang pagsubok lang ito bilang tao? Pwede ba yung mangiiwan ako pero wala akong sasaktan. Maaari bang sarili ko naman ang piliin ko. Maaari bang bumalik sa kahapon? Maaari bang walang sakit na maramdaman? Paki sagot lahat ng bakit, kahit wala akong tanong na bakit. Quest
Pero salamat kasi pinaramdam mo yung tayo. Yung ako at ikaw. Yung tayo ang ang imiikot sa mundo at hindi yung mundo nagpapaikot satin. Salamat at pinaramdaman mo ako ang mundo kahit palayo at padurog ka din pala, epekto ng global warming. Salamat, kasi naramdaman ko muna ang La Niña bago ang La Niño. La Niña na sobrang buhos bago manuyot. Salamat sa hangin na binigay mo, ngiti na sakin lamang pinakita. Salamat sa hangin na unti unting naglaho kasabay ng luhang bagyo. Bumaha, natangay, nawala. Tapos na. Panibagong araw na naman, pero wala ka na.
Ay mali, mali yung istorya ko. Kasi ako pala yung nawala. Ako yung natangay. Ako yung umalis bago pa man bumagyo ng luha. Wala kasi akong makuhang sagot sayo. Wala akong makuhang sagot sa mga mata mo kung magaantay ba tayong mawala ang bagyo o lilikas na tayo. Pero napangunahan ako ng takot ko. Lumikas agad ako, umambon pa lang. Natakot ako. Nakakatakot kasi baka paggising ko, ikaw yung lumikas. Pinangunahan lang kita. Oo, ako yung mali. Ako yung gago at hindi yung mundo.
1 note · View note
jeuzwrld · 3 years
Note
Bakit biglang nawawala yung pagmamahal ng lalake? Kung tutuusin sinabi naman nya na almost perfect na ako, walang third party pero biglang hindi na nya ako mahal? Hindi rin nya alam kung paano nangyari. Parang kung paano nya ako minahal dati, hindi rin nya maipaliwanag. Basta naramdaman nya na mahal na mahal na nya ako. Ngayon hindi rin nya maipaliwanag kung paano nawala yung pagmamahal nya.
Tatlong bagay na pwedeng maging dahilan nang pagkawala ng pagmamahal niya. (My opionion)
1. Napagod na siya "SAYO" o napagod siya sa "KAYO" dito papasok yung away di mapagkasunduan tapos nakilala niyo na yung ugali ng isa't isa. Like perfect ka daw diba? Almost kaso nakafocus or yung inaalala niya yung wala o kulang dun sa ALMOST na tinutukoy niya. Compatibility yung problema NIYA kaya naguguluhan o nawala daw yung pagmamahal niya sayo.
2. May iba na madalas di naman nagsasabi yung iba na meron na silang iba nagugustuhan o mahal kaya sila nangiiwan. Fact yan, Fuck talaga pero totoo. Puro sila dahilan, sugar coating words. ang ending iiwanan kana. Yung tipong palusot na lang yung mga mema keyso di kana mahal ganon ganon, wala na etc. Tapos tignan mo kapag naghiwalay kayo may backup o iba na agad yan. Hindi kasi nakuntento at may iba na tunay na problema kaya daw nawala o hindi kana niya mahal.
3. Simply nawala na lang talaga yung love. Wala eh sila lang makakapagsabi sa sarili nila kung bakit nagkaganon, iintindihin na lang natin at wag na ipilit kapag tapos na dun sa tao, tapos na tho may chance pa naman kaso mahirap at konti na lang, chance na maibalik. Walang certain reason ang problema, but for me MERON AT MERONG DAHILAN. Nung minahal ka niya at minahal mo siya imposibleng bigla lang at walang dahilan, laging meron yan. Inside and outside, metaphysical and physical reasons, meron at meron yan. SAME sa dahilan kung bakit nawala na lang yung pagmamahal niya daw sayo bigla.
Hindi lang to about sa gender fam, about to sa all genders. Kung kaming mga lalaki ay nawawalan din ng love sa partner, ganon din kayong mga babae so ask yourself din kahit mahirap kung bakit nawala na? Wag ka lang magpapakalunod at makukulong dahil most of the time wala sayo yung problema, wala sayo yung kulang o sobra, nasa sa partner mo rin, walang mangiiwan kung may great communication and efforts.
May chance pa yan kung mag eeffort kayo maibalik pa kung nawala nga. Instead of finding another, cheating, mag bisyo, magpakawasak pa, mas magandang ifix muna kasi ang relationship pinaghihirapan yan di yan yung nalibugan ka lang, kinilig ka lang eh mag wowork na yan hindi ganon yan parang life. Example pinagaral ka ng magulang mo o nakapag aral ka, di don lang magtatapos ang pagaaral need mo mag aral, need mo mag effort para makatapos and next life. SAME sa relasyon, di porket nagsex kayo, nag ligawan kayo, nag kiss kayo don na lang iikot at yun na yon, paghihirapan yan na mag work at mag stay forever.
Sana maayos niyo pa yan fam, kung kayo talaga need niyo pa rin mag effort at mag communicate kasi love alone ay kulang di pwedeng love lang. Pag usapan at subukan ibalik kung nawala talaga.
Panda hug po.
2 notes · View notes
benefits1986 · 6 years
Photo
Tumblr media
11 of 100: So Much For Nostalgia Batang 90s
Note: Hindi ito review. Lalong hindi ito pangto-troll. Ito ay base mula sa observations ng isang batang 90s.
Tatlong grupo ang options ko para sa napaka promising na Ang Huling El Bimbo, but guess what? ‘Yung pinaka biglaan and last minute ang natuloy. Hindi na ako umabot sa gala night kasi ganun ko siya kagustong mapanood bilang malaking parte ng kabataan ko ang Pinoy bands ng 90s. Hindi man fan ang nanay ko ng mga banda, tumatakas ako para makahiram ng cassette tapes sa mga pinsan ko.
So, eto na na nga. Sabihin na lang natin na expectation is the mother of all shit in a nation. Maulan ang Biyernes. Galing ako sa meeting from Greenhills at sinuguro ko na nasa RW na ako ng hapon pa lang para sure na hindi ako ma-late. Ganun ang hype ko sa musical na ito. Hindi rin ako nagbasa ng kahit anong review or status para hindi ako mag-expect ng sobra.
Ang verdict. Eto na.
It reminds me of This Is Us meets MMK. As in. I was on the edge of my seat as the show started then poof. Bored na ako agad. There is something so off and weird. Walang oomph. Walang nostalgia. Walang vibe na down the memory lane. Tuloy sumilip sa utak at kaluluwa ko iyong intro na umaatikabo ng Rak of Aegis noong first ever run nila. Noong hindi pa ito sikat. Noong iilan lang ang manonood nito at noong andun mismo si Tony Meloto for GK during the time na pinanood namin ito. Sigh. Pero sabi ko, sige give a chance. Baka naman diesel ang peg ng plot but no. May mga moments na shining tulad nung mga jokes that tried to sound like Ang TV and Tropang Trumpo, pero again, ang pilit. Parang pinipilipit 'yung leeg ko habang nakikita 'yung snips ng 90s perp hindi swabe. Though creative 'yung scene involving ROTC drills, disturbing lang siya kasi you do not make fun of the drills. Seems so out of place talaga. Sorry. Private lang naman ako pero sobrang dami kong kaibigan na sinapuso ang ROTC trainings. Also, napaka dragging ng storya. Gusto nitong maging isang social commentary in a satirical manner pero kinulang sa asim, sa tamis at sa anghang. Saving grace naman iyong ilang kanta na nilapatan ng ibang flavor to prove a point.
Prod-wise, it could have worked better sa PETA instead of RW. Ewan ko ba pero when it comes to musical na local, PETA stage just nails it down kahit nung Mga Kwento Ni Lola Basyang days pa nila. Yung rape issue ni Joy, naitawid pero kulang sa galit. Kulang sa pakikibaka though nagpahaging silang mabuti sa mga nang-rape kay Pepsi Paloma at nagpa-rectify ng maling write up about it. Hindi ba? Very Eat Bulaga meets mythical male-dominated society sila doon. Gusto ko rin iyong part na rape culture is underground and it ought to be out in the open.
Maganda rin yung point ng mga magkakaibigan turned strangers turned enemies. Totoo naman din yun. Malimit kung sino pa pinaka malapit sa iyo, sila mismo mangiiwan sa iyo. Yung akala mong todo tiwala ka, puwedeng isang araw pag gising mo, poof wala na ni respeto sa iyo at sa pinagsamahan ninyo. Pinakita ng Ang Huling El Bimbo ang iksi ng timelines ng mga tao na nag-transition from kiddos to kiddos who are painfully trying to grow up. They thought na they had it all figured out pero like everyone else but, no.
Iyong mga struggles ng mga main characters are very common so dapat may hila 'di ba pero no. Being a part of the LGBT community, nakulangan ako sa libog ng scenes ni Jon Santos, isang magaling na aktor. I love his humor. I love his style but in this musical, damn girl! Hindi siya nabigyan ng justice. Yas. Siya iyong hindi nabigyan ng justice. Dahil sensational na rin naman ang usaping LGBT, sana mas nagkaroon ng lalim iyong mga hugot at bunot at hindi lamang na-confine sa pagsisiping ng mag-asawa ang usapin. While sex is essential in married life, hindi ba mas dapat i-communicate na bago ang sex, respeto muna sa identity ng tao ang dapat atupagin?
May issue rin ako sa fate ng kaisa-isang babaeng medyo main character. Yes. Medyo main character lang si Joy sa paningin ko. Sobrang kawawa lang ng character niya. Walang salvation. Iyong siya yung busilak, siya pang nauna sa kanila. Siya pa yung naapi ng sobra. It disturbs me because women should be portrayed in a better stance and must move beyond the “I have a really bad case of a broken heart kaya ganito ako kabobo kahit ang talino ko” state of mind, body and soul. Kung purposefully done man iyon, then, fuck it. Not buying that.
Nasira ang nostalgia ng 90s ko ng gabing iyon. Pero it just hit me now. Baka purpose talaga ng musical na ito na ipamukha sa mga batang 90s na times have changed and that the dragging scenes with shabby prod, with weird camera angles, with a hit and miss playlist is much like a depiction of our lives these days. Damnnnnnn. Or ang arte ko lang ba talaga sa subtext or pagsubok mag-subtext kaya ganun? Come to think of it, a good number of our days are wasted in a This Is Us meets MMK staged on a very, very old Eat Bulaga stage. Napabuntunghininga me. Shucks like fudge. What was that? I did not see it coming.
Baka nga ganun ang timpla ng kape ng Ang Huling El Bimbo. Baka nga. Sana nga. Sabi ko sa friends ko na manonood pa lang, balitaan ako kung anong comments nila. Sabi ko nga hindi ba? Hindi ako troll. Hindi ako basher. Isa lamang akong manood na parte ng batang 90s. Umasa. Nanood. Nasampal ng mas marami sa magkabilaan.
PS: I hate you more!
So nakakainis pa kasi ang katabi ko matandang couple meaning hindi sila batang 90s and apart from paglalandian which is mejj disturbing, they are reacting out loud in a manner na slow nila nagets 'yung takbo ng storya. Very MMK audience sila and I can not unhear and unsee them. So dagdag pa sa pagka-irk.
And I really do not know why people watching musicals here always clap after every frigging scene is done. Minsan nga hindi pa tapos palakpak na. Every single time. Tapos for this particular night the mode of the clapper crowd is hintayang clap crowd pa. Damndamin. Why. Why. Why. Kahit nga Wicked na unang run dito hindi every scene may papalakpak. Hindi ko sure talaga bakit kailangan ng ganun. Bakit?
0 notes