Tumgik
#funnypinoy
hahatyme · 10 months
Text
Tumblr media
kiss me darling
0 notes
sirk1189 · 10 years
Text
"CHANGE"
Bago ako magsimula, hindi sukli ang ibig kong sabihin.. What is the only constant thing in this world?... CHANGE.. Pagbabago, lahat ng bagay ay nagbabago. Ito ang nagiisang pangyayari na hindi mo mapipigilan kahit na first honor ka pa. Isang bagay na masasabi kong phenomena sa buhay ng bawat isa. Pero mabuti ba ito o masama? Ano ba ang sanhi at dulot ng pagbabagong pinagsasabi ko? Sa mundo natin ngayon, kahit mas matalino ka lng ng bahagya sa langgam e makikita at mapapansin mo ang mga pagbabagong nagaganap, magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakaimportanteng detalye may makikita kang bagay na hindi na katulad ng date. Una, mga bagay na dati ay libre, ngayon ay pinagkakagastusan na kahit hindi kailangan. Isa na dito ang tubig, dati libre ang tubig, kahit nasaan ka, pwede mo sabihing "pwede ho bang makiinom ng tubig?", o kung di man marami kang pwdeng kuhanan ng tubig na maiinom, sa poso, sa gripo, lalo na nung nageexist pa yung "malinis na ilog" o "malinis na batis o balon" o kahit ano pa yan, basta wala kang tae sa kamay hindi ka magdadalawang isip na humigop ng tubig galing doon sa tuwing mauuhaw ka. Kapag nasa bahay ka naman, yung tubig sa drum o galing mismo sa sarili nyong gripo e okay na.. Pero ngayon iba na, sa labas ng bahay bottled water, sa loob ng bahay bottled water pa rin. Lalo sa US, karamihan ng mga establisyimyento don ay ipinagbabawal ng uminom ng "tap" water o yung tubig na nanggagaling sa gripo, kailngan na nilang bumili ng Drinking water para sa mga empleyado at kustomer nila just in case, dahil ang tap water daw ay ginagamit na lang for cleaning purposes.. Panghugas ng pinggan, panlinis ng kotse, panghugas ng pwet, o pangice bucket challenge, ang gulo samantalang napakadaming tao ang namamatay sa sobrang uhaw sa Africa.. No wonder kung bakit lahat ng bansa gustong bombahin ang US.. Isa pa, nagawa mo na to, nagawa na nila, nagawa na nating lahat. RINGTONE. Pambihira, Phones used to ring for free, tama? pero binibili na natin to ngaun, may mga tao talaga na hindi na kayang makuntento sa simpleng "kriiiiiinnng kriiiinnnng" lang, kailangan ung ringtone nila ay sumasalamin pa sa personality nila kaya gusto nilang ringtone e SexyBack. Pathetic. Sa huli nyan, kung magpapatuloy ang Row 4 mentality natin, siguradong ganito ang mangyayari... Phone Company, bibilhin ang Ringtone Company, sabay magbebenta sila ng Phone na hindi nagriring!!!! "Hello, Hello, hello," aftr 2mins "Hello, hello, hello, chncheck ko lang baka kasi may tumatawag na, wala pa kasi akong pambili ng punyetang ringtone.." Sabi ng isang advertisement na nakita ko, "Change for the better world.." KALOKOHAN! Change for easy living ang sabihin nila dahil nagpapakabatugan ang tao! Habang nagbabago ang mga bagay sa mundo, kasunod na rin nito ang pagbabago ng tao. Kung dati ay masaya ka na sa isa, ngayon ay hindi ka na makuntento sa lima.. Natatandaan ko nung bata pa ako, nakatira pa kame ng pamilya ko sa Pilipinas. May isang gabi na ayaw kaming papasukin ng nanay at tatay ko sa loob ng kusina, sinara nila ang pintuan para di kame makasilip, hindi namin alam kung may nililibing silang patay o gumagawa sila ng baby basta ayaw nilang makita namin ang ginagawa nila. Nung buksan nila ang pinto sumigaw sila ng "SURPRISE!!!!" may dala dalang hotdog at tosino yung tatay ko na sya naming uulamin nung gabi na yun, napakasaya namin magkakapatid, kahit yung bunso naming 2yrs old pa lang noon e napamura rin ata sa sobrang kaligayahan. Kinikilabutan pa din ako sa tuwing naalala ko ang moment na yun.. Pero ngayon, ngayong nakatira na kame sa ibang bansa, ngayong isang pindot mo lang sa cellphone mo e may magdedeliver na ng kahit anung pagkaing gusto mong kainin.. May adobo, caldereta, kare kare, chopsuey, piritong dinosaur at kung ano ano pa sa mesa pero may magsasabi pa din ng "umorder na lang tayo ng Pizza, wala na namang pagkain e.." Tapos itatapon lahat ng matitira.... Nakakalungkot.... Kung puro negativity ang nakikita mo sa mga nasabi ko, pasensya na. Walang masama sa pagbabago, tama naman sila. Pagbabago ang susi sa pataas na progreso ng buhay, parang yung slogan ng Mayor sa City namen although lasenggero pa rin sya at walang pagbabago. Pero kung minsan naitanong mo na ba sa sarili mo kung ano kaya kung wala na lang nagbago? kung ang dati ay dati pa rin? Kung walang nagbago e may mababago kaya? o ganito pa rin ang kalalabasan natin? parang tanga yung tanong ko. -Sir
5 notes · View notes
hahatyme · 10 months
Text
Tumblr media
pinoy funny meme picture
0 notes