Tumgik
#bakasyunan
senperez · 1 year
Photo
Tumblr media
@bakasyunan in green, blue, brown, and white.💚💙🤎🤍 . . . . . . . . . . #SanSiSen #WhenInTanay #TanayRizal #Bakasyunan #BakasyunanTanay #Rizal2022 #ItsMoreFunInThePhilippines🇵🇭 #SummerInDecember #DecemberToRemember #CapturedonHuawei #TakenonHuawei #HuaweiP30PH #HuaweiP30Pro #RewriteTheDay #RewriteTheRules #EMUIMoments #HelloHuawei (at Plaza Aldea, Tanay, Rizal) https://www.instagram.com/p/CmyANAGviNzEsOsnMxgw-yv1kBXlzfWbWABEH40/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
blognirain · 7 months
Text
Umali kayo sa Baguio!
Tumblr media
Baguio, ito ang lugar na madalas na puntahan ng mga tao sa bakasyon. Ang Baguio City ay kilala bilang “Summer Capital of the Philippines” ng dahil sa malamig na klima nito. Ito rin ang tinagurian na “City of Pines” dahil ito ang lugar ng tropikal na kagubatan. Kayo ay aking ililibot sa mga larawan na aking nakuha at magbibigay ng depinisyon sa bawat litrato na aking ilalagay. Halina sa Baguio! Umali kayo!
Tumblr media
Lion’s Head. Madadaanan mo ito kung ang iyong piniling daan ay ang Kennon Road. Sa gilid naman nito ay mayroong mga nagtitinda ng mga souvenirs kagaya ng tshirt, keychain, sumbrelo, tsinelas, walis, at marami pang iba! Mayroon din nagtitinda ng napakasarap na strawberry taho at ice cream. Kung nahihirapan kang kumuha ng litrato kasama ang Lion’s Head ay ‘wag kang mag-alala dahil mayroon dito na mga tao na kukuhanan ka ngunit maging alerto at maingat dahil hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan.
Tumblr media Tumblr media
Vista De Pino. Ito ang aking napiling lugar upang matuluyan. Malapit ito sa Burnham Park upang mas madali akong makapunta sa mga lugar na nais kong puntahan. Maayos ito dahil hindi ka lamang makakapag pahinga ng maayos, kumpleto na rin ang kagamitan na iyong posibleng gamitin, maganda rin ang tanawin kapag ikaw ay lumabas.
Tumblr media
Burnham Park. Ito ang madalas na puntahan ng mga tao sa Baguio. Hindi ka lamang makakasakay sa mga bangka at mga bisikleta, mayroon din mga mascot ng mga cartoon character at siyempre, hindi mawawala ang mga sariwang mga prutas at strawberry taho.
Tumblr media
Diplomat Hotel. Ang Diplomat Hotel ay isang hotel na kinakatakutan ng karamihan. Ito ay natapos na gawin sa taong 1915 at itinato ito upang gawing bahay bakasyunan o retreat house ng mga Dominican. Ito ay ginawang hotel ngunit sa mga umusbong na mga kwentong katatakutan, inabandona ito dahil sa mga sabi-sabi na marami ang nagpaparamdam na ligaw na espirito.
Tumblr media
Botanical Garden. Ito ay ang Imelda Park at itinaguriang zoo sa taong 1970. Ngunit ito ay nag sarado sa nangyaring pandemya at habang sarado ito ay inaayos na ito pinangalanang “Botanical Garden”. Isa rin ito sa pina-pasyalan ng mga tao ng dahil sa tanawin nito. Sa loob nito ay may mga nagtitinda rin ng mga pagkain tulad ng burger, kape, at mga souvenirs.
https://google.com/2728826359907/62i4926/baguio-botanical-garden=736926
2 notes · View notes
aisusantos · 1 year
Text
May 7,2023 VXI Company outing at Bakasyunan tanay rizal.
Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
upismediacenter · 1 year
Text
LITERARY: Dyesebel
Tumblr media
Noon, pangarap kong maging isang sirena. Maganda, nababalot ng misteryo, at ubod ng hiwaga. Ang mga buntot nilang kulay ay iba’t iba, Mayroong berde, rosas—madalas ay kumikinang-kinang pa. Isang araw, tinanong ni lola, “Anong gusto mong maging sa ’yong paglaki?” “Isang sirena!”, sagot ko, pinapakita ang mga bunging ipin sa aking ngiti.
Tuwing nasa bakasyunan kami na mayroong pool, Isa ako sa mga unang nagtatampisaw at lumulusong sa tubig. Pinagdidikit ang aking mga binti at sumisisid na tila may buntot na kinokontrol. Walang talab sa akin kahit pa nanginginig na sa lamig. Umiikot-ikot, tumatambling-tambling sa malalim na bahagi, Pasukan man ng tubig sa ilong, mababad sa chlorine ang mata—saya ko’y bukod-tangi!
Paboritong karakter ko sa Disney si Ariel, Ngunit imbis na tulad niyang nais pumunta sa lupa at tumuklas ng mga tanawin, Pakiramdam kong pagtira sa dagat bilang isang ganap na sirena ang aking papel. Bukod sa paglangoy, pagkanta ay isa rin sa mga paborito kong gawain. Matapos ikondisyon ang lalamunan kasabay ng malalim na paghinga, Hinuhuni ko ang tonong inaawit ni Ariel sa pelikula, damang-dama ang pagkanta.
Isang araw, sinalubong ako ng magandang balita ni Tatay. Sa bakasyon daw ang unang beses na kami’y babyahe papunta sa dagat. Sabik na sabik ako! Iniisip ko na ang mga dadalhing bagay. Kailangan ko ng sunblock para ‘di masunog ang aking balat! At cute na swimsuit para maging isang magandang sirena na ako! Heto na, maabot ko na rin ang pangarap na kay lola’y aking pinangako.
Pagdating sa resort, agad akong tumakbo papunta sa tubig. Sa wakas, nakarating na rin sa aking magiging tahanan! Ang maalat na hangin at pagbagsak ng alon ang dumaan sa pandinig, Inaakit na akong lumusong sa malawak na karagatan. Splak! Malakas ang pag-dive ko sa tubig, nalimutan na ang bilin sa akin na maghunos-dili. Ngunit noong minulat ko ang mga mata sa ilalim, naku! Napakahapdi!
Kumaripas ako paahon mula sa dagat, Umiiyak na tumakbo sa aking nanay habang pinupunasan ang luha. Ang sakit! Sa bawat pagpunas ng mata, mga patak ng tubig-alat ay mas kumalat. Ang buhok ko rin ay tumigas, tila may pugad na sa itaas ng aking mukha. Ayoko nang maging isang sirena, hindi naman sila kahanga-hanga! Sa susunod, mas gugustuhin ko na lang maging isang prinsesa!
2 notes · View notes
charles077 · 2 years
Text
Simoy ng Hangin
Lumaki ako sa pamilyang kung saan tuwing naglilibot ay kasama ang aking tita at mga pinsan. Minsan ko lang maranasan na makalibot na kami lang apat ng papa, mama at ate ko. Ngunit sa unang pagkakataon magsasama-sama kami pumunta sa isang lugar na kami lang apat. Naguguluhan ang aking isipan kung dapat ba akong maging masaya o malungkot na pupunta kami doon para ihatid ang ate ko at mawawalay siya sa amin ng ilang taon. Ngayon Agosto, pumunta kami sa Baguio para ihatid ang ate ko sapagkat siya ay mag-aaral na roon at kailangan niya na tumira roon ng panandalian para sa kanyang pangarap. Nagpunta kaming Baguio na apat lang kami at naglibot upang sulitin ang oras na magkakasama kami. Tuklasin na natin ano nga ba ang mga sikat na libutan, pagkain sa Baguio.
Isa ang Baguio sa pinakamalamig na lugar sa bansang Pilipinas kaya tinawag itong Summer Capital of the Philippines. Masarap dinadayo ang Baguio sa buwan ng Enero sapagkat mararamdam dito ang napakalamig na hangin.
Tumblr media Tumblr media
LIBUTAN
Burnham Park
Unahin natin ang Burnham Park na kung saan maraming aktibidad ang pwedeng gawin katulad ng pamamangka, pagsakay sa mga bisekleta at piknik na kung saan makikita ang mga magagandang tanawin. Isa ito sa laging pinupuntahan ng mga turista na nagpupunta sa Baguio sapagkat sa kagandahan na taglay nito. Masarap maglakad dito tuwing gabi at maranasan ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng mga magagandang ilaw na nakapaligid sa buong parke.
Tumblr media Tumblr media
Wright Park
Unahin muna natin ang Wright Park kung saan makikita ang mahabang lakaran katabi ng tubig o parang ilog na itsura. Kasabay ng iyong paglalakad makikita mo ang mga bamboo tree na nakapaligid dito. Isa rin sa aktibidad na pwedeng gawin sa Wright Park ay sumakay sa mga kabayo at maglibot sa buong parke. Makakakita ka rin dito ng mga Igorot kung saan suot nila ang kanilang pangkasuotan at pwede ka magpakuha ng mga litrato rito.
Tumblr media Tumblr media
The Mansion
Ang the Mansion naman ay ang sinasabing pahingahan o bakasyunan ng Presidente ng Pilipinas. Ikaw ay pwedeng makapasok kung ito ay nakabukas sa pampubliko; at kung hindi naman ikaw ay hanggang sa may pintuang daan lamang.
Tumblr media Tumblr media
Night Market
Ngunit hindi makukumpleto ang paglilibot sa Baguio kung ikaw ay hindi pupunta sa Night Market. Ito ay isang sikat o mahabang pamilihan na nagbubukas lamang tuwing oras ng ikasiyam sa gabi. Makakabili dito ng maraming damit, sapatos at kung ano-ano pang gamit na murang mura lamang. Ngunit kailangan mong makipagsabak sa maraming tao sapagkat siksikan at punong puno ng tao dito.
Tumblr media Tumblr media
Kilalang prutas at kainan sa Baguio
Strawberry
Isa sa mga sikat na prutas sa Baguio ang ay strawberry. Isa itong prutas na napakamura at makikita mo kahit saan tuwing pupunta ka dito. Sa sobrang daming strawberry, ginawan na itong ibat ibang klase kagaya ng mga tinapay, palaman at syempre ay strawberry taho na makikita kahit saang parke o palengke ka magpunta. Isa ito sa sikat na panghimagas sa kadahilanang tamis na dala nito at magandang kulay na kaaya-aya sa ating mga panlasa.
Tumblr media Tumblr media
Grumpy Joe
Ang isa naman na masarap na kainan sa Baguio ay ang Grumpy Joe na matatagpuan lamang sa Baguio at ngayon ay meron na rin sa Pampanga. Isa itong kainan na may masasarap na pagkain na talagang tinatangkilik ng mga turista na nagpupunta doon.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Realisasyon
Sa aming pagpunta sa Baguio kasama ang aking pamilya, maraming bagay ako na natutunan doon. Una na rito ang pamumuhay at kultura ng mga nakatira doon at kung paano ang kanilang pang-araw-araw. Pangalawa ay ang kanilang mga salita na akala mo ay pagalit nilang sinasabi na ikaw ay makakaramdam ng kaba tuwing magtatanong ka. Ang panghuli ay ang kanilang lugar na napaka ganda na dapat ingatan ng maraming tao sapagkat nag-iisa lamang ito sa ating bansa.
Sa pagpunta namin doon, masakit na napalitan agad ng lungkot ang aming kasiyahan sapagkat iiwan na namin ang ate ko upang sa kanyang pag-aaral. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sapagkat mahihiwalay na ako at iniisip ko sino na ang magiging kakwentuhan at masasabihan ko ng problema. Ngunit natutunan ko na ganun talaga ang mangyayari bawat isa sa atin. Kailangan natin matutong tumayo sa mga sarili nating paa at maging malakas para sa mga pangarap natin. Kagaya ko na malapit ko na rin maranasan na mahiwalay sa aking pamilya pagtungtong ko ng kolehiyo, kinakailangan ko maging malakas at asahan ang aking sarili.
2 notes · View notes
ajang23 · 10 days
Text
•10 FILIPINO WORDS UNCOMMONLY USED•
Tumblr media
1. Sapantaha – a feeling or suspicion without conscious reasoning. (kutob, hinuha, hinala, bintang)
Example: Ang iyong sapantaha sa iyong kaklase ay mali.
Tumblr media
2.Hudhod – scrub dirt off skin paghudhod scrubbing dirt from off the skin. ( ikuskos )
Example: Hudhuran mo ng kalamansi ang iyong balat.
Tumblr media
3. Dumatal – it means reach, arrive, happen, come. (dumating)
Example: Dumatal na kanina ang aking ama galing sa ibang bansa.
Tumblr media
4. Binabagtas – it means to pass through. (nilalakbay)
Example: Binabagtas nila ang daan papunta sa kanilang bahay bakasyunan.
Tumblr media
5. Katipan – Filipino used term for girlfriend/boyfriend. (kasintahan)
Example: Nakapagpasiya na kami ng aking katipan kung saan kami kakain.
Tumblr media
6. Masimod – it means a person who is voracious. (matakaw, malakas kumain)
Example: Si John ay masimod kumain.
Tumblr media
7. Ganid – a person who is not pleasant or agreeable.( makasarili)
Example: Si Isiah ay hindi mapagbigay na tao siya ay isang ganid.
Tumblr media
8. Nagkukumahog – a person who is in hurry, rush, dash, hasten. (nagmamadali)
Example: Nagkukumahog na umuwi si David dahil mahuhuli na sa kaniyang trabaho.
Tumblr media
9. Bumunghalit – In English it means outburst; burst into laughter, anger or complaint. (humalakhak)
Example: Agad na bumunghalit si Andy sa biro ng kaniyang kaibigan.
Tumblr media
10. Talaarawan- is a chart, a document or a series of pages that showcase and informs us the number of days, weeks, months of a specific year.
Example: Ang ating anibersaryo ay sa ika-labinlimang araw ng pebrero yun ay ayon sa aking talaarawan.
1 note · View note
reynangrosas · 10 months
Text
ABOUT THIS YEAR'S (2023) COMPANY OUTING 2023 🌊
This 2023, we also had our Company Outing and Team Building. The location is quite far tho— it was held at Bakasyunan Resort and Conference Center in Iba, Zambales. It was a tiring trip as we had to travel from 1am of April 29, 2023. We arrived there at almost 7am. If I were to compare last year's and this year’s Company Outing and Team Building, I would pick the one from last year. But don't get me wrong as Bakasyunan Resort and Conference Center is also a nice place to stay. It's just a bit disappointing that the rooms we were able to book are far from each other. They were fully booked because of the long weeked— May 01 is a legal Holiday. Another thing is the travel itself is really tiring. It's hard to get a good sleep sitting in a compacted van. But probably, the most infuriating for me is our Team Building Activity. I'm grateful for the organizers of the resort as they have such a nice and wide area for the activities. It was my co-workers whom I'm disappointed with. They are very uncooperative. They started drinking liquors around the time that we will have the Team Building so most of them we're not able to participate. They are a bit childish in a sense and I can't help to feel embarrassed especially to the hardworking organizers. So in this video of our Team Building, you will notice that only few of us were playing.
There is also another thing which makes me uncomfortable during this Company Outing. I'm gonna probably tell it on a different blog entry. It's not a very good memory so I'm gonna try my best narrating it to the best of my ability. 😆
0 notes
samaybaybayin · 1 year
Text
Tumblr media
Sa Gitna ng Alon
Paraiso. Iyon ang aking mailalarawan sa lugar na ito. Magbubukang-liwayway pa lamang nang aming marating bakasyunan dito sa Pangasinan. Malapit sa baybayin ang bahay-bakasyunan na aming nirentahan, kaya maganda ang tanawin.
Kitang kita mula sa pangalawang palapag ang lawak ng dagat pati na rin ang mga mumunting isla sa may 'di kalayuan. Tatlong araw, dalawang gabi. Iyan lamang ang panahon na mayroon kami bago bumalik sa siyudad.
Dahil maikli lamang ang panahon, kailangan naming sulitin ang aming ipinunta rito. Maraming atraksyon sa lugar tulad ng banana boat ride at island hopping.
Masaya sana kung hindi lamang dahil sa isang bagay. Bagamat isang paraiso para sa aking ang dagat, impyerno rin ang dulot nito dahil sa aking takot. Nakakatawa lamang ito ang parehong pahingahan at kinatatakutan ko.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula, ngunit bata pa lamang ay malaki na ang takot sa dagat o sa kahit anong mayroong malalalim na katubigan. Maaaring dahil hindi ko alam kung ano ang nasa ibaba o kung saan ako mapapadpad kapag natangay ng alon.
Ngayong araw ay nagkayayaan na sumakay ng bangka at libutin ang lugar. Ako ang huling sumampa sa bangka na kinailangan pang pilitin at hilahin ng lahat upang sumama. Tahip-tahip ng kaba ko nang umandar na kami. Hindi naman siguro tataob to. Sana.
Una naming pinuntahan ay ang mga mumunting pugita na malapit sa latian. Ang dami at makulay. Mukhang sobrang lambot ngunit bawal daw hawakan o gambalain dahil sensitibo ang mga ito.
Pangalawang destinasyon, latian. Nang marating ang latian ay siya namang pag-ingay ng mga tao dahil sa takot na may buwayang biglang susulpot. Ngunit ayon naman sa mga lokal na gabay namin, bihira ang buwaya sa parteng iyon kaya naman ligtas ang magliwaliw.
Mayroong tulay na kawayan na nakakabit sa mga puno. Medyo madulas lamang dahil basa ngunit napakaganda maglakad dahil sa lilim at tanawin. Dito rin nagismula kumuha ng napakaraming larawan ang aking mga kasama. Mayroong mag-isa, grupo, at ang iba naman ay ang lugar lamang ang kinukuhanan ng litrato.
Pagkatapos, tutungo na raw kami sa aming huling destinasyon. Sa gitna ng dagat! Kung maaari lamang magpababa ngayon ay ginawa ko na. Ano bang gagawin namin sa gitna? Hindi ba malalim doon? Hindi ba delikado lalo na't may kasama kaming nga bata? Baka naman malunod kami, huwag naman sana.
Papalapit na kami sa gitna at tanaw ko na rin ang asul at malinaw na katubigan. Maganda oo, pero dahil sa takot ay hindi ko magawang mamangha.
Narito na kami at nagsisibabaan na ang aking mga kasama. Paanong hindi sila lumulubog? Baka marunong silang lumangoy. Ako kasi ay hindi. Paanong hindi rin lumulubog ang mga bata? Anong nangyayari. Mababaw lamang daw sa aming binabaan. Paano? Nasa gitna kaming dagat, paanong hindi malalim?
Nahila na naman ako! Tulong! Ha? Napakurap-kurap ako. Naaapakan ko ang buhangin. Hanggang bewang lang tubig. Hindi nga malalim. Habang nakatayo ay nagkaroon ako ng panahon na humanga sa ganda ng katubigan. Paraiso.
Nagsimula nang lumangoy ang iba samantala, ang iba naman ay nagbababad lamang. Inihakbang ko ang aking mga paa. Mababaw nga. Napakapresko ng tubig kahit na tirik na tirik ang araw. Kalmado ang tubig at walang alon.
Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling pagkakataon na naging kalmado ako sa katubigan. Hindi ko akalaing mapayapa sa gitna ng mga alon. Hindi lang pala takot ang kaya kong maramdam sa malawak na katubigan, pati na rin kapayapaan. Sa gitna ng alon pala matatangay ang mga pangamba at malulunod ang mga takot.
Larawan mula sa: Pinterest
1 note · View note
mylaazuelo13 · 1 year
Text
Tumblr media
Athena Single Firewall
Lumina Baras is located at Latigo Drive Brgy. Concepcion Baras, Rizal. It offers economic houses like Angelique Duplex, Angeli Single Firewall, Armina Single Firewall and Athena Single Firewall. It is less than 3 minutes or 1.3 kilometers away from the National Road, 5 to 10 mins away from schools, market and other establishments.
From tourists spots such as Punta De Fabian, Celossian Farm, CVM Eco Tourism Park, Bahay bakasyunan, Martessem, Treasure Mountain, JE Camp, Daranak Falls, Punta de Fabian, Lumina Baras is just 5 to 10 minutes away.
For more information: https://www.lumina.com.ph/property-listing/property/lumina-baras
0 notes
senperez · 1 year
Photo
Tumblr media
Capping off our @bakasyunan getaway with nothing but smiles and good vibes: @irmiegarcia and I tried the ATV ride for the first time while Mars @annelotupam and @kyrajeanneyang remained plunging on the pool.🚵‍♂️🚵‍♀️🏊‍♀️🫰🏻 To more adventures soon, ladies!🧍‍♀️🧍‍♂️🧍‍♀️🤞🏻🙏🏻 . . . . . . . . . . #SanSiSen #WhenInTanay #TanayRizal #Bakasyunan #BakasyunanTanay #Rizal2022 #ItsMoreFunInThePhilippines🇵🇭 #SummerInDecember #DecemberToRemember #CapturedonHuawei #TakenonHuawei #HuaweiP30PH #HuaweiP30Pro #RewriteTheDay #RewriteTheRules #EMUIMoments #HelloHuawei (at Plaza Aldea, Tanay, Rizal) https://www.instagram.com/p/CmlIRrWvAs47uW6yL0ZDwsomofgPzEjGKC_kTQ0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
cathmunoz · 1 year
Text
Tumblr media
EASY TO OWN ANNA ROWHOUSE IN LUMINA PILILLA
Lumina Pililla is located at San Antonio Feeder Road Brgy. Quisao Pililla, Rizal. It offers economic houses like Angeli Townhouse & Angeli Single Firewall.
It is approximately just 1 min or 900 meters away from the National Road, 3 mins away from schools, 5 to 10 mins away from Rizal's tourists spots such as Pililla windmill, Laguna de Bay, Bulawan Floating Restaurant, Bahay bakasyunan, Martessem, Treasure Mountain, JE Camp, Daranak Falls, Punta de Fabian etc.
0 notes
franseyyy04 · 1 year
Text
"Ala alang kay sarap balikan"
Tumblr media
Sa panahon ngayon tila marami sa atin ang nais maglakbay sa iba't ibang lugar. Tunay ngang napaka sarap mamasyal kasama ang ating pamilya at kaibigan. Kaya halina't humayo tayo sa aking karanasan sa Baguio.
Naalala kopa noong panahong ako'y nasa ika siyam na taong gulang palamang ng una akong nakapunta sa Baguio. Kami ay namasyal ng mahigit tatlong araw doon. Ang Baguio city ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Ito ay karaniwang dinadayo ng mga turista dahil na din sa kakaibang klima nito, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto itong pasyalan ng karamihan sa atin. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Ayon sa aking nasaliksik, Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Sa bakasyon na ito kasama ko ang aking dalawang tita at aking mga pinsan. Kahit ito ay biglaan dahil ito'y aming napagdesisyunan bago umalis ang aking tita patungong canada masaya pa rin kami sapagkat ito ang aming unang pagkakataon na makapunta sa Baguio.
Tumblr media
Bago kami makarating ng Baguio ay kinailangan muna naming bumyahe ng mahigit pitong oras mula dinalupihan patungong Baguio city. Nang makarating kami ng baguio ay sobrang namangha ako sa taglay nitong kagandahan. At ang una nga naming nilibot ay ang grotto upang mag alay ng bulaklak, magdasal at magpasalamat sa panginoon. Ang Lourdes Grotto ay isa pang Katolikong dambana at lugar ng pagninilay sa Baguio. Ito ay matatagpuan sa isang mataas na burol sa kanlurang bahagi ng lungsod kung saan ay makikita mo ang larawan ng Lady ng Lourdes. Tila kamangha-mangaha ito dahil sa tuktok ng grotto ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-akyat sa 252 na mga hakbang o sa pamamagitan ng pagmamaneho ng ilaw na sasakyan sa pamamagitan ng isang paikot-ikot na, makitid at matarik na aspalto-aspaltadong kalsada.Kapag nakapunta ka na sa tuktok ay makikita mo ang Lady ng Lourdes. Dito ay pwede kang magdasal para sa ibang biyaya at maaari ka ring magpasalamat sa Diyos tungkol sa mga bagay na magagandang nangyari sa iyong buhay. Dito rin ako unang nakatikim ng strawberry, ang mga strawberry sa Baguio ay napakatamis at ito ay tampok at pangunahing binibili sa Baguio.
Tumblr media
Ang aming sunod na pinuntahan ay ang mines view upang tumangin ng mga maaaring mabiling pasalubong para sa aking ibang pinsan. At upang makita namin ang napakagandang tanawin dito. Hindi nawawalan ng mga turista dito, dahil na rin sa ganda ng tanawin, malamig na simoy ng hangin na pinatamis ng mga punò ng pino, at iba pang maaaring gawin sa liwasan. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita ng mga dumadayo rito ang napakagandang tanawin dito.
Tumblr media
Sunod naman naming pinasyalan ang wright park. Ang Wright Park na matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod Baguio. Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. Ito rin ay lugar para sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng larawan kasama ng Igorot.
Tumblr media
At ang huli naming pinuntahan bago namin lisanin ang Baguio ay ang Baguio Catholic Cathedral upang kami ay manalangin at humingi ng gabay sa Panginoon. Ito ay isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Ito ay napakaganda at napakalaking simbahan sa lungsod ng Baguio.
Tumblr media
Sa pagpasyal namin sa Baguio ay isang napakagandang pagkakataon na kami ay nakapunta dito dahil masaya at maganda ang mga tanawin dito. Naranasan ko rin sumakay sa kabayo, kumain ng iba't ibang pagkain dito tulad ng strawberry, sundot kulangot, hotpot at iba pang mga pagkain na tampok na tampok sa Baguio. Ka'y sarap balikan na mga ala ala na ito kaya halinat humayo kayo sa taglay na kagandahan ng Baguio city.
Tumblr media
1 note · View note
aleksander-r · 1 year
Text
Halina’t Maglakbay sa Baguio City
Tunay nga na napakaganda at napakalawak ng bansang Pilipinas. Hindi maikakaila ang mga tanawing nakamamangha na siyang pumpukaw sa mga paningin ng mga mga Pilipino at pati na rin ang maraming turista na nanggaling pa sa iba't ibang upang ito ay kanilang mapagmasdan. Maganda ang pakikisama na ipinapakita ng mga Pilipino at ito ang hinahanap ng mga turista na gustong makitungo kaya binabalik balikan nila ang lugar na ito.
Kung ninanais niyo mag-enjoy at makatanaw ng mga magagandang tanawin at para na rin makapag unwind, wag nang magdalawang-isip pa. Halina’t maglakbay sa Baguio o tinagurian “City of Pines”.
Tumblr media
Sa hilagang isla ng Luzon matatapuan ang Baguio City. Habang ito ay aking ginagawa, ako ay napasaliksik at aking natagpuan na ito ay Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'.
Burnham Park
Tumblr media Tumblr media
Sa Burnham Park, may mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan kasama ang iyong mga kaibigan o pamilya, tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang tanawin dito. Mapapagod ka man sa kakapadyak sa bangka o sa mga bisikleta sulit naman ang iyong pagod kapalit ng mga masasayang alaala kasama ang iyong mahal sa buhay.
Mines View Park
Ang Mines View Park ay isa rin sa mga kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaaring matanaw ang Benguet’s gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Maraming mga tindahan ng souvenir na bubungad sa’yo sa iyong pagpasok. Pinagkakaabalahan ng mga turista ang pagkuha ng litrato sa mga kabayo at pagrenta ng mga native na kasuotan ng mga Cordillera.
Tumblr media
Sanggunian ng Larawan:
Wright Park
Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay ng kabayo at puwede ring magpakuha ng larawan kasama ang mga Igorot. Masarap sa pakiramdam noong ako ay nakasakay na sa kabayo dahil doon pa lang ang aking unang beses na magawa iyon. Ang parke na ito ay ipinangalan kay Gobernador Luke E. Wright na nag-utos sa arkitekto na si Daniel Burnham na bumuo ng lugar para sa mga sundalong Amerikano at sibilyam na magkaroon ng isang lugar sa pra sa libangan at paglilibang.
Tumblr media Tumblr media
Botanical Garden
Kung naghahanap ka ng paggagalaan na parehong kaakit-akit at nakakarelaks, huwag nang magdalawang-isip na pumunta sa Botanical Garden ng Baguio City. Matatagpuan sa gitna ng rehiyon ng Cordillera, ang malawak na hardin na ito ay tahanan ng iba’t-ibang mga katutubong halaman at bulaklak. Nature lover ka man o naghahanap lamang nang magandang lugar para kumu ha ng ilang mga litrato pra i-post sa mga sosyal midya, ang pagbisita rito ay tiyak na kahanga-hanga.
Tumblr media Tumblr media
Baguio Catholic Cathedral
Ang Katedral ng Baguio o Katedral ng Kalubagang-loob ay isang Romano Katolikong Katedral na matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa Session Road sa Baguio. Ito ay nagsilbi bilang sentro ng paglikas noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig. Maraming kwento ng kababalaghan dito dahil mayroon daw madre na pakalat-kalat at nagpapakita at mga boses na hindi mo alam kung saan nanggagaling tuwing madaling-araw.
Tumblr media
Sanggunian ng Larawan:
Strawberry Farm
Ang maganda sa Stawberry Farm dahil dito ay mayroong tintawag na “strawberry picking” kung saan ikaw mismo ang mangunguha ng sariwang prutas na nanggagaling sa kanilang mga pananim. Ngunit noong pumunta kami rito ay hindi pa panahon ng anihan kaya wala kaming nakuha na kahit isang strawberry. May mga samu’t-saring gulay, prutas, at mga halaman din silang mga pnanim kung saan maaari knag makabili sa mas murang halaga.
Tumblr media
Sanggunian ng Larawan:
Maraming mga itinatagong tanawin ang Pilipinas. Mayroong mga lugar na may masaya o mapait na alaalang nakapalibot dito. Ngunit, ang mararapat na lang na ating gawin ay ingatan ito at atin itong pagyamanin upang sa gayon ay maranasan ito ng mga susunod pa na henerasyon. Sa akin paglakbay ay natutunan ko na talagang nakapaswerte na natin dahil mayroon tayong napagmamasdan na mga tourist spots katulad ng ganito sa Baguio City. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang lugar sa Pilipinas na simula pa noong ikaw ay bata ay pinapangrap mo nang puntahan? Kung isa sa pangarap mo ay Baguio ay ano pa ang iyong hinihintay?
Halina’t Maglakbay sa Baguio City!
1 note · View note
rararascosama · 1 year
Text
Patungong Batangas Kasama ang Maling Tao
Tumblr media
Batangas ang tahanan ng magigiting na mga bayani, nakakawili at sikat na pook pahingahan ng mga taong pagod na sa magulong mundo. Kilala sa natatangi nitong kagandahan, masasabi rin na isa sa piling bakasyunan ng lahat. Puno ng naggagandahang yamang tubig at yamang lupa, kilala sa isa sa pinakamaliit na bulkan sa buong mundo walang iba kung hindi ang Mt. Taal.
Bilang isang Pilipino tiyak na kasama ang lugar na ito sa ninanais mo na mabisita at matanglawan ang ganda na nakatago sa bawat sulok ng malawak na probinsya sa dakong timog ng ating bansa.
Tumblr media
Nag-umpisa ang aming paglalakbay patimog ganap na alas diyes ng umaga ika-dalawampu't tatlo ng Disyembre noong nakaraang taon. Masama ang panahon ngunit pinilit pa rin naming tumuloy, ang unang lugar na aming tutunguhin ay ang probinsya ng Bulacan upang daanan ang iba pa naming mga kasama at sabay-sabay na makapunta sa resort na amin nang napili. Hindi naging madali ang byahe dahil na rin sa ulan madulas ang mga kalsada at dobleng pagiingat ang kinakailangan.
Matapos ang ilang oras na pagtunton sa kalsada ay nakarating kami ng Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan. Dito ay kinita namin ang ilan sa aking mga pinsan at mga kaibigan. Dahil sa pagod sa byahe pinili muna namin na magpahinga at maghintay ng kakaonting oras bago pumakalsada muli.
Tumblr media
Matapos ang ilang oras na pahinga ay muli kaming byumahe upang makarating sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa aming mga kaibigan. Puno ng pagkwekwentuhan at tawanan ang napakahabang oras ng byahe. Habang binabaybay ang kalsada ay hindi maiiwasan mapag-usapan ang mga kaganapan sa aming mga buhay at ang napili nilang tanungin ay walang iba kung hindi ako. Dito ay nabunyag ang kasalukuyang relasyon namin ng aking "kaibigang" babae at sa lahat ng pagkakataon na kami ay umaalis ay ngayon lamang ako nagsama. Tampulan ng tukso at batuhan ng mga kung ano-anong salita ang bumuhay sa aming byahe. Hanggang sa ilang oras pa ay nakarating na kami sa aming destinayon.
Tumblr media
Kami ngayon ay nasa Lawas Seaside Resort na at ibinababa na ang aming mga bagahe, saktong paggabi na kami ng makarating at pagod na ang lahat sa haba ng panahon na binuhos namin sa kalsada. Pinili ng lahat na tikman ang isa sa pinakasikat na pagkain sa Batangas, and loming Batangas na binabalik-balikan ng mga turista at lokal dito. Matapos ang hapunan na iyon ay saglit na humiga ang bawat isa upang makapag-ipon ng lakas at makapagpatuloy sa aming mga aktibidad.
Hindi kumpleto ang lahat kung walang inuman na magaganap sa gabing iyon, isang maliit na selebrasyon dahil kumpleto at payapa kaming nakarating. Ang unang gabi namin ay sadya ngang nakakagiliw at tahimik kaming nakatulog lahat pagkatapos.
Kinabukasan ay pinagdiwang namin ang kaarawan ng aming kaibigan sa tabi ng dagat, hindi mawawala ang boodle fight kung saan ang lahat ay masayang kuumakain at nagkwekwentuhan. Iniisip kung gaano kapalad ng mga tao na dito ay naninirahan at kung kailan ang susunod naming pagbalik.
Ang mga sumunod na araw ay ginugul namin sa pagtuklas at paglibot sa iba't ibang lugar sa probinsya na ito kasama na dito ang pakikisalamuha sa mga lokal at ibang turista na naroon.
Tumblr media
Kinahapunan sa aming huling araw ay tahimik kaming umupo sa dalampasigan upang pagmasdan ang ganda ng dagat at ng araw na dahan-dahan sa paglubog. Napakasarap panoorin ang kalikasakasan na walang bahid ng kahit anong dumi mula sa ating mga tao at walang makakapantay sa kapayapaan na dulot nito sa puso ng bawat isa sa amin. Mababait ang mga tao at handang tumulong sa lahat ng pagkakataon. Naging masaya ang mga karanasan ko sa lugar na ito at tiyak na babalik ako sa mga susunod pa na panahon.
Napakadaming aktibidad na aming nasubukan at napakadaming lugar na napuntahan, nabigyan buhay nito ang saglit na panahon na kami ay nanatili sa napakayamang probinsya ng Batangas.
Tumblr media
Habang kasama ko ang isang babae na sa aking pagkakaakala ay makakasama ko sa mahabang panahon. Ang tadhana ay sadyang mapaglaro at sinong mag-aakala na sa aming pag-uwi ay hindi na katulad ng dati. Parehas na naging mapait at masaya ang mga araw sa Batangas. Namulat ang aking mga mata sa paraiso na hindi lamang matatagpuan bilang lugar kung hindi bilang isang tao.
1 note · View note
aliahjashen · 1 year
Text
Tumblr media
Bakasyon ang pinaka inaasam-asam ng bawat isa sa atin sapagkat maaari tayong makapunta sa isang lugar at makatuklas ng mga bagong kultura at magagandang tanawin. Tuwing bakasyon ang aming pamilya ay nagpaplanong makapasyal upang makahanap ng mapagkakaabalahan at para na rin makapagpahinga sa abalang taon. Bilang karagdagan, ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gawin lalo na kapag kasama natin ang ating pamilya at mga kaibigan.
Nang ika-22 ng Disyembre napagdesisyunan namin na mamasyal sa Baguio. Ito ang tinaguriang “Summer Capital” ng Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ang lungsod ng Baguio ay nasa ibabaw ng isang talampas na may 1,520 metrong taas mula sa dagat at may pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang malamig na klima ng siyudad ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan ito ng mga bakasyonista at mga dayuhan lalo na sa panahon ng tag-init. Para masigurado at maayos ang aming bakasyon at pananatili sa Baguio kami ay nagpareserba ng isang bahay sapagkat nais namin na sama-sama kami sa isang bahay upang mas masaya ang aming paninirahan ng dalawang araw sa Baguio. Sa bakasyon na ito kasama ko ang aking mga magulang, kapatid, pinsan, at ang aking tita. Kahit ito ay biglaan dahil ito'y aming napagdesisyunan bago ang araw ng aming alis masaya pa rin kami sapagkat ito ang aming pagkakataon upang magsama-sama.
Tumblr media
Ang Baguio City mula Dinalupihan, Bataan ay may layo na 208.4 km at mahigit apat na oras ang biyahe papunta rito. Bago kami umalis ng aming bahay naghandog muna kami ng oras upang humingi ng patnubay sa Panginoon. Pagkatapos kami ay umalis ng alas tres nang hating gabi at nakarating ng ika-pito nang umaga. Ang biyahe papunta ay naging madali at maganda ang daloy sapagkat kami ay ginabayan ng ating Panginoon. Nang kami ay makarating sa aming inupahan na bahay napagkasunduan namin na magpahinga muna dahil kami ay napagod sa tagal ng biyahe. Kasunod nito ay dumeretso na kami sa aming unang patutunguhan. Ang una naming pinuntahan ay ang Burnham Park sinimulan naming libutin ang paligid at napag-usapan ng aking mga pinsan na sumakay sa bisikleta upang makapaglibang. Nang mapagod kami sa pagbibisikleta napagdesisyunan naming kumain ng mga Ilokano na pagkain tulad ng dinakdakan at papaitan.
Tumblr media
Makalipas ang ilang oras nagpunta kami sa Wright Park, napili namin ito sapagkat nais naming maranasan na sumakay ng kabayo. Pagtapos naming sumakay ng kabayo ay nilibot na namin ang napakagandang lugar na ito at aming nakita ang isang kilalang aso sa Baguio na nahahawig sa isang sikat na aso sa pelikula. Alas sais nang gabi napagkasunduan namin na umuwi upang makapagpahinga dahil pagsapit ng alas nuwebe kami ay pupunta sa Session Road upang makabili ng mga murang damit at iba pang gamit.
Tumblr media
Kinabukasan, ito na ang aming huling araw sa Baguio at kami ay tutungo sa Strawberry Farm upang masaksihan ang napakagandang paligid. Kami ay nagsimulang pumitas ng mga strawberry at dinala namin ito sa lamesa upang mapagsaluhan namin ito. Nagtagal kami ng tatlong oras sa Strawberry Farm sapagkat aming sinulit ang pagkakataon na makakain ng strawberry kasama ang isa't isa. Sa aming pagsasaya sa Baguio ay nagkaroon ng biglaang problema sa botika ng aking tita at ayon ang nag-udyok kaya kami ay napilitang umuwi sa Bataan. Nakauwi kami ng ligtas sa aming mga tahanan, kahit na hindi namin natapos ang dalawang araw ng aming paninirahan sa Baguio ito pa rin ay nagdulot ng saya at hindi malilimutang karanasan.
Tumblr media
Sa paglalakbay na ito nakaramdam kami ng saya sa aming pagbisita sa Baguio, hinding hindi namin malilimutan ang mga lokal na pagkain, pasalubong at mga magagandang tanawin na taglay ng Baguio. Ito rin ay mayroong nakakamangha na kasaysayan sapagkat ang Baguio ay naitatag ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre 1909. Sa aming pagbisita sa iba't ibang lugar sa Baguio aking nasaksihan ang napakayaman nitong kultura tulad ng kanilang tradisyon na Panagbenga Festival ito ay ginaganap tuwing ika-1 ng Pebrero kung saan dito nila ipinagmamalaki ang kasaganaan ng mga bulaklak sa kanilang lugar. Kaya naman aking irerekomenda ang Baguio City bilang isang magandang lugar upang magsama-sama ang buong pamilya.
Tumblr media
1 note · View note
kinoo2waevy · 1 year
Text
Tumblr media
Halina sa Mala Talang Ganda ng Sinagtala (Orani, Bataan)
Isa ang ganitong uri ng mga pasyalan ang tunay na kinagigiliwan ng mga Pilipino, lalong-lalo na't tag-init ang panahon ngayon kaya't maraming pamilya ang nais makapag "relax", at makaalis man lang sa kanilang tahanan upang magsaya. Ang ganitong uri ng mga bakasyunan ay tiyak na perpekto para sa mga pamilyang nais makapagsama-sama at masulit ang kanilang oras. Isa ang Sinagtala Resort sa mga popular na destinasyon ng mga magpapamilya, upang sila'y makapaglibang at mabigyan ng oras ang kani-kanilang mga kaanak. Nakilala ang lugar na ito dahil sa mga tanyag nitong aktibidad, iba't ibang uri ng languyan, pero mas nakilala ito dahil sa lawak ng hektarya nito kasama na rin ang mayayabong at matitingkad na kulay berdeng kagubatan malapit sa "resort" na ito. Dahil diyan ay talaga namang patuloy na tinatangkilik o binabalik-balikan ito ng mga turista.
Tumblr media Tumblr media
Dahil sa mga makapigil-hiningang ganda ng mga tanawin at kabigha-bighaning mga aktibidad sa lokayasyong ito ay dito namin naisipang magbakasyun na magkakaibigan. Dahil nga medyo may kalayuan kami sa aming destinasyon, ay minarapat na lamang namin na umalis nang mas maaga upang hindi makapagsayang ng oras, at masulit ang aming bakasyon. Umalis kami ng mga bandang 8:00AM upang makabiyahe at makarating kami agad sa aming paroroonan, nang kami’y makarating ng mga bandang 9:00AM, ay amin nang sinimulan mag-ayos ng mga kagamitan upang maging maayos at tuloy-tuloy na ang aming pagsasaya. Pagkatapos ay nagsimula na agad kaming kumain ng aming almusal dahil magiging abala na kami sa iba't ibang uri ng mga aktibidad na makikita sa “resort”, at maari nitong ubusin agad ang aming mga lakas, kaya minarapat naming kumain na muna upang magsimula sa mga aktibidad na ito.
Tumblr media
(Ang litrato ay nagmula sa internet)
Ang akomodasyon na aming tinuluyan ay kayang mapaunlakan ang higit sa sampung katao, dahil ang mga higaan ay mayroong "pull-up bed" sa ilalim na kung saan puwede pang mahigaan ng nais magtsek-in dito. Sa pangkalahatan, ang aming natuluyang akomodasyon ay malinis, maayos, at tamang-tama lamang sa isang buong magkakaibigan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
(Ang litrato ay nagmula sa internet)
Ito ang ilan sa mga aktibidad na aming sinubukan na puwedeng-puwede at perpekto sa lahat ng mga turista. Isa sa mga aktibidad na aming sinalihan ay ang "Hanging Bridge Walking" kung saan kailangan makatawid ng mga lalahok sa isang tulay na nakakabit lamang sa magkabilang dulo na poste, kung kaya't hindi ito malakaran nang maayos sapagkat ito ay yumuyugyog. Sumunod naman ay ang "Zipline Riding", sa aktibidad naman na ito ay kailangan sumakay ng lalahok sa isang higaan nang padapa na konektado sa isang linya na mag-aalalay sa kanilang bigat, saka sila bibitawan upang bumulusok nang padausdos. Kasunod naman nito ay ang "Extreme Cradle", na kung saan ang mga lalahok ay kailangan sumakay sa isang duyan at sila'y iuugoy nang malakas upang sa taas nito'y makita nila ang buong tanawin ng mga kagubatang makikita sa resort. Ang huli naman ay ang "Bike Riding", sa aktibidad naman na ito ay nakasakay ang lalahok sa isang “bike” na konektado sa isang tuwid na linya lamang at nakabitin ang kanilang gagamiting mga bike, at kailangang makadaan dito habang nasa taas. Sa konklusyon, nasulit ang mga aktibidad na aming nilahukan, sapagkat bukod sa makapigil-hininga ang mga aktibidad na ito, hindi mawawala ang lubos na pag-iingat at responsibilidad ng mga tauhan ng “resort” sa kanilang mga turista.
Tumblr media
Siyempre hindi mawawala ang pinaka-inaabangan ng mga turista, lalong-lalo na ang mga bata, ito ay ang mga languyan o mga "pool". Iba't ibang klase ng mga languyan ang makikita sa resort na ito, sa dami ng mga languyan na puwedeng pagpilian ng mga turista dito, ay tiyak na hinding-hindi sila magsasawang lumangoy nang lumangoy sa iba't ibang klase ng "pool" na meron ang “resort” na ito. Hindi rin gaanong mainit o malamig ang tubig, kung kaya't tamang tama lang ito pati na rin sa mga matatanda, lalong-lalo na sa mga taong sensitibo ang mga balat.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nang matapos na ang aming mga aktibidad, ay napagpasyahan na naming magligpit at maghanda na upang umuwi. Amin ding siniguro na walang maiiwang kalat na maaaring makasira sa imahe ng resort. Nakalulungkot man dahil darating din sa puntong kami’y maghihiwa-hiwalay ulit, ngunit ang aming naging karanasan sa resort” ay babaunin namin habang buhay. Bakas man ang pagod sa aming nga mukha dahil sa nakakapagod na araw, ay panigurado namang hindi napagod ang aming masasayang mga puso.
1 note · View note