Tumgik
#bahay na bato
shibarulata · 4 months
Text
Tumblr media
My rendition of a sala (living room) in a "Bahay na Bato" (Filipino Ancestral Home). Using some of LordCrumps latest conversion!
It's still a wip tho
52 notes · View notes
witchyplantmc · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
bahay na bato in the middle of nowhere
418 notes · View notes
kirkeyeeeart · 3 months
Text
dalawang lumang bahay malapit sa bambang
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
jecroisenmoi · 2 years
Text
📍Bahay na Bato, Luna, La Union
Tumblr media
2 notes · View notes
propertylisting · 2 months
Text
𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗟𝗢𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗥𝗘𝗡𝗧
📍Canlubang, Calamba, Laguna
Near Ayala Malls Solenad, Miriam College Nuvali
Tumblr media Tumblr media
𝗕𝗮𝗰𝗸
0 notes
fedik · 4 months
Text
youtube
Bahay na bato la union
0 notes
solreix · 7 months
Text
shoko ieiri as yn's peace.
minsan nakakasawa na lang talagang magkaro'n ng paulit-ulit na ginagawa. gigising, papasok, mag-aaral, uuwi. buti sana kung ganoon kadali, pero sa pagitan no'n ay mayroong katakot-takot at nakakapagod na commute.
minsan, payapa rin sa pakiramdam na maupo sa bus, mag-isa, katabi ng bintana sa tuwing rush hour dahil oo pagod ka, pero alam mo ring pagod ang mga kasama mong pasahero. as if you share the similar, but also different struggles which makes you feel you're not alone.
since she reached college, yn had felt that. exhaustion. loneliness. in the middle of exhausted crowd. hustle lang nang hustle kahit pagod kasi wala namang choice.
she thought she already got accustomed to that life style, and it's okay. she's gonna grow old to that.
not until shoko ieri entered the picture. at ang dating mag-isang si yn sa tabi ng bintana ng bus, pinipilit na magising dahil alam niyang delikadong makatulog—ngayon ay may katabi na, at handang maging sandalan niya.
"okay ka lang?" bulong ni shoko. "sleep, love. mahaba pa."
napanguso siya sa sarili, isinandal ang ulo sa balikat nito bago sumagot, "sorry. imbis na naka-motor ka."
kaya niya namang nagcommute mag-isa. shoko might have insisted on sending her home through her motorcycle, but she refused. trauma sa kaniya ang motor, so she insisted on going home alone.
shoko chuckled. "pinili ko 'to ano ba. isa pa kapag naka-motor tayo, we wouldn't have moments like this," sagot nito.
pero makulit si shoko. mabuti na lang at halos pareho naman sila ng destinasyon kaya hindi na ito mahihirapan nan sobra.
"maghihirap magcommute para sa landi?" biro niya."
mas lalo itong natawa. pabiro nitong pinitik ang noo niya. "oo, para sa landi."
natawa rin siya. never did she imagine she would have someone by her side as she reach for her goals. sanay na sanay siyang mag-isa, being the only child, yet still not the favorite that she is.
but when she met shoko, she realized how it feels be taken care of—and to take care of someone not because she feels obligated to do so. she wants to take care of her too, every waking moment.
"how's your day, by the way?" tanong niya. ayaw niyang matulog as yn wants to enjoy this.
"ayon. ang sarap sakalin ni gojo, sinasadyang galitin si utahime." naramdaman niya ang mahina nitong pagtawa na parang may naalala. "lintik na 'yon, college na nanlalagay pa rin ng bato sa bag."
nanlaki ang mata niya. "umuusok na naman si utahime niyan." miski siya ay natawa. hindi pa man siya ganoon pamilyar noon sa magkakaibigan, ang dalas niyang marinig ang galit ni utahime kay gojo at geto dahil pare-parehas naman sila ng org.
"oo, bukas alam ko lalagyan niya ng palaka sa bag 'yung dalawa eh. nagpapatulong kila mai maghanap."
ganito ang bonding nilang dalawa sa bus. pag-usapan ang buhay ng iba. ng iba equals to kalokohan ni gojo at geto.
"mai?"
"mga freshmen sa isa pa niyang org," shoko replied. "tulog ka na," dagdag nito.
umiling siya. "ayaw. marami ka pang chika."
at nagtuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa nga tropa nito. comedy talaga kapag si gojo ang bida kaya halos nawawala ang antok niya sa bus.
sinusulit niya na, dahil panigurado, realidad ang sasalubong sa kaniya pag-uwi ng bahay. few months left, and she could already feel freedom, pero ngayon—suck it up. basta gigising siyang alam na one day, pareho na sila ng uuwian ni shoko.
"thank you, love," she suddenly whispered as she felt her eyes getting heavy.
"hmm?" shoko seemed to peek at her face, only to see yn fighting sleep. "no. thank you," she whispered back, and finally, yn drifted to sleep.
9 notes · View notes
xandezsims · 1 year
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
[Build Shell Dump 1]
Three (of the dozens of) builds Xan started but drifted away from. The exteriors are all finished, interiors painted and floored, but they’re unfurnished and unlandscaped. A friend wanted them, so I’m sharing. In order:
The Old Colonial - Based on this graphic by @shatterstag. Thought it was cute, so it exists now. Could be anything.
Functional Debug - An accurate recreation of a City Living debug building; two buildings merged, with three and four floors respectively.
Bahay na Bato - Based on Filipino townhouses; two floors, multi-level.
DOWNLOAD (SFS)
Feel free to decorate or modify for your own purposes, just credit us please. And tag us if you use them. We’d love to see what you do with them.
(Also, let us know if you’re interested in more shells. There’s a lot more of these that will never see the light of day. Someone may as well enjoy them.)
@maxismatchccworld @emilyccfinds @sssvitlanz @faaeish (thank you! :3)
45 notes · View notes
qrstuvvvvv · 2 months
Text
SINING NG ILOCOS
Sa pagbigay ng pagkakataon na muling makumpleto ang pamilya ko, hindi namin ito sinayang at nagplanong maglakbay. Noong February 2024, napagdesisyunan ng aking pamilya na libutin at pasyalan ang lugar ng Ilocos, bago muling umalis ng bansa ang aking tatay. 
Tumblr media
Alas-otso ng umaga nang magsimula kami patungo sa una naming pupuntahan, ang Vigan City. Ang binalak ng aking pamilya na puntahan sa Vigan City ay ang kilalang Calle Crisologo, kung saan ipinagmamalaki nito ang mga siglong lumang bahay na bato, magagandang tungsten lamp, at ang paggamit nito sa mga karwahe o kalesa na hinihila ng kabayo bilang transportasyon.
Tumblr media
Mga alas-dos ng hapon kami nakarating sa Vigan City at nagcheck-in muna kami sa isang Airbnb na Happy Grey Hotel upang makapagpahinga nang saglit. Paglipas ng ilang oras na pahinga, nag-ayos na muli kami para sana pumunta sa Baluarte Resort and Mini Zoo, ngunit sarado na ito nung kami ay makarating. Kaya naman, dumiretso na kami sa Calle Crisologo nang mga alas-singko ng hapon. Pag-apak ko pa lamang ay manghang-mangha ako sa ganda ng mga bahay doon. Naglakad-lakad kami at ninais naming sumakay sa kalesa. Sumakay kami ng aking mga kapatid at ang isa kong pinsan sa karwahe o kalesa. Sa halagang dalawang daan ay inikot na kami sa mga lugar sa Calle Crisologo at makikita talagang makaluma ang mga bahay doon, ganoon din ang mga kainan, banko, at bilihan ng medisina. Pagkatapos kaming ilibot ay bumili kaming ang dirty ice cream na kilala rin doon. Nagikot-ikot muli kami para makabili ng mga pasalubong at mga souvenirs. Binilhan ko ang mga kaibigan ko ng mga pasalubong ko sa kanila. Ilang oras din kaming naglilibot sa Calle Crisologo at naisipan na naming umalis. Ang kasunod na pinuntahan namin ay ang Musical Dancing Fountain sa kanilang plaza. Bilib na bilib akong panuorin ang paggalaw ng tubig at ang mga ilaw. Pagkatapos ng show ay nag-hapunan kami sa isang sea food restaurant. Umuwi na kami at napagpasyahang magpahinga para sa muling paglakbay kinabukasan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Alas-sais ng umaga, naglakbay kami papunta naman sa Bangui kung saan nandoon ang sikat na mga windmill. Apat na oras ang byahe papunta doon ngunit hindi ko ito naramdaman dahil sa ganda ng mga dagat at tanawin na nadadaanan namin. Pagkarating naming doon, kumuha lamang kami ng litrato at nilusong ko ang aking mga paa sa dagat. Ang panandaliang oras na iyon ay nakakawala ng pagod at problema, kasama ko lamang ang hangin, dagat, at ang aking pamilya. Napagdesisyunan naming umalis na dahil din mainit. Sinagad na namin at tumungo pa sa Pagudpud sa Patapat Viaduct. Sumaglit lamang kami doon para lamang pagmasdan ang tanawin at kumuha muli ng litrato. Naglakbay na kami pabalik para kumain dahil nakakaramdam na kami ng gutom. Kasunod ng pagkain namin, ay nilakbay namin pabalik ang Rock Formation, isang tourist attraction sa Ilocos. Mga alas-dos ng tanghali kami nakarating doon kaya init na init kami pero hindi naming sinayang ang bawat oras kaya itinuloy namin ito. Lumakad kami ng konti para makalapit sa Rock Formation at kumuha ulit ng mga litrato. Ayan ang huli naming pinuntahan bago kami umuwi. Sa lakbay namin pauwi ay kumain kami sa Jollibee sa may La Union. Tuloy-tuloy na ang byahe naming pauwi at umabot kami ng alas-dose ng madaling araw para makarating sa aming tahanan. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang kamakailan na paglalakbay na ito ay naging isang magandang ala-ala na madadala ko habang buhay. Lahat kami ay umuwing may bitbit na memoryang hindi malilimutan. Ang paglalakbay na ito ay nagsilbi na oras namin para sa isa’t-isa. Ang tanging hiling ko na lamang ay maulit muli ang ganitong uri ng paglalakbay sa panahon na kami ay makumpleto muli.
Tumblr media
2 notes · View notes
wolywaly · 2 months
Text
Ang mahabang biyahe sa Ilocos Sur at Ilocos Norte
Noong April 18, 2019, sa kalagitnaan ng tag-init, nagsimula ang aming pamilya ng masayang paglalakbay patungo sa Ilocos Norte. Isang planong inorganisa ng mga kapatid ni Nanay, ito ay isang pagkakataon para masaksihan ang ganda ng mga tanawin at maranasan ang kultura ng Ilocos.
Tumblr media
Credits to TripadvisorBaluarte
Sa malapit na pagdating namin sa Ilocos Sur, nagpasya kaming huminto saglit para kumuha ng mga litrato at bumisita sa Baluarte Wild Animal Gallery. Subalit, nadismaya ako sa napabayaan na kalagayan ng lugar. Sa kabila ng kaunting hayop at kulang sa pagpapalakad.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Patuloy pa rin kaming naglakbay patungo sa Vigan City. Kahit na mainit ang panahon, hindi ko nai-enjoy ang pagbisita sa mga lumang bahay. Ngunit, nakatagpo kami ng mga kakaibang produkto ng mga taga-Ilocos Sur kagaya ng Bagnet, longganisa, at kalamay na tunay na nakatatak sa alaala.Pagdating ng gabi, nagpatuloy kami sa aming biyahe patungo sa Ilocos Norte.
Tumblr media
Credits to Laoag Ilocos Norte things to do, best travel spots and travel
Sa Laoag City, nagpasya kaming huminto saglit para magpahinga at bisitahin ang kamag-anak ng aking tito. Sa paggising kinabukasan, agad kaming nagtuloy sa Ilocos Norte. Nararamdaman ko na malapit na kami sa aming mga destinasyon dahil sa mga windmills na sumasalubong sa amin malapit sa dagat.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Ang Kapurpurawan Rock Formation ang unang lugar na aming pinuntahan, kung saan namangha ako sa ganda ng mga bato na nabuo dahil sa lakas ng alon ng tubig. Matapos nito,
Tumblr media
Credits to Guide to the PhilippinesCape Bojeador Lighthouse
Bumisita kami sa Cape Bojeador Lighthouse, isang historikal na lugar na patuloy na nagbibigay liwanag sa karagatan mula noong 1892. Ako ay natuwa dahil mura lamang ang entrance fee na nagkahalaga ng ₱40.00 at nasulit ko naman ang paglilibot sa Loob ng Lighthouse ngunit Hindi ko na naakyat ang lighthouse dahil ito ay pinagbabawal ng mga Bantay doon
Tumblr media
Credits to Arinaya White Beach Resort
Sa Arinaya Whitebeach Resort, nagpahinga kami at nagsaya kasama ang aming mga pinsan sa ilalim ng maliwanag na araw. Ngunit, dahil sa mahal ng mga tulugan, pinili naming matulog na lamang sa aming sasakyan.
Tumblr media
Credits to Wikipedia
Sa huling araw ng aming paglalakbay, bumisita kami sa Bangui Windmills, kung saan hindi mapapantayan ang ganda ng tanawin. Kasabay ng aming pag-alis, bumili kami ng mga souvenirs bilang alaala ng aming pagbisita sa Ilocos.Sa pag-uwi, nagpatuloy kami sa aming biyahe at dumaan sa Laoag City at Vigan City para magpahinga at magdagdag ng mga pasalubong.
Sa kabuuan, bagaman naging mapanglaw at mainit ang ilang bahagi ng aming paglalakbay, ang mga karanasan at alaala ay hindi malilimutan. Ang paglalakbay sa Ilocos Norte ay isang pagkakataon upang masilayan ang ganda ng Pilipinas at maranasan ang kultura ng mga taga-roon.
3 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 1 year
Text
"The Mañosa-designed LRT-1 elevated railway stations were built to look like a Bahay na Bato, a prominent type of housing structure during the Spanish colonial era which succeeded the Bahay Kubo."
12 notes · View notes
kirkeyeeeart · 8 months
Text
american era na lumang bahay sa mandaluyong
Tumblr media
2 notes · View notes
jecroisenmoi · 2 years
Text
Let's get lost...
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
tokwattoge · 1 year
Text
I'm living the life I want right now.
Sa totoo lang, pag inisip, yung realidad ko ngayon ang buhay na gusto ko pero ngayon narealize ko, pang mayaman pala yung ganito para maenjoy mo ng buo. Kung tutuusin relax lang ako eh, libre ang gasul, tubig, bahay, gulay at isda ang madalas naming ulam. Healthy na mura pa. Yung gulay na sahog minsan galing lang dito sa tanim namin. Bato naman tong bahay na tinitirahan namin ngayon, walang renta pero hindi amin. Ako nag-aalaga sa anak ko, nakakapag halaman pa ako at nakakasali sa community activities gaya nung laro ng volleyball. Bata pa ako, still in my 20s. May trabaho naman ako, work from home kaya hindi kailangan gumastos ng pamasahe o gumising ng maaga o makulong sa schedule. Magkasama din kami lagi ng partner ko, parang lagi kami nakakapagdate at bonding habang nag-aalaga sa bata. Super hands-on kami at lagi kami may oras para mag-usap at magconnect.
Pero alam niyo yung kulang? Wala kaming pera. Haha hays! Talaga sigurong you can't have it all. Hindi naman ako anak ni Manny para ma-enjoy yung ganitong lifestyle na hindi iniisip pano kumita ng pera. Ineenjoy ko na lang rin talaga :) Kasi alam ko hindi naman forever na ganito yung set-up namin.
9 notes · View notes
fedik · 5 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
bahay na bato La union Philipines
1 note · View note
delfindakila · 7 months
Text
Tumblr media
BABALIK AT BABALIK KA PA RIN
Kay sarap balikan ang nakaraan Iwanan muna ang sariling sasakyan Magtungo sa estasyon ng bus At magtungo sa bayang kanalakhan.
Dalawin ang lugar na sinilangan Alalahanin noon ng ikaw ay tinuturuan Ng ABAKADA ng mahal mong ina Sa liwanag ng ilaw na gasera.
Ang mga dating kalaro ay puntahan Landasin ang hagdanang bato Tungo sa tuktok ng bundok At sa talong may tubig maligo.
Sa katanghaliang tapat, magpasalamat Kumaing salo-salong nakakamay Sabay huntahan ng mga kalikutan At paghandaan ang liwanag ng buwan.
Kunin ang lumang gitara at magharana Sa tapat ng bahay ng dating kaeskwela Makipagdweto sa mga kantang sinauna Habang hinihigop ang salabat na mainit.
Ang mga nakalipas na panahon Ay kusang magbabalik at doon mo Matatanto na ang buhay ay kay sarap Kahit ito ay ipinahiran lamang.
Babalik ka rin ✍️ Manuel D. Baldemor
2 notes · View notes