Tumgik
#akonamanngayon
ampanonymous · 5 years
Text
Dear Alex,
Gusto kong balikan yung 5yrs ago self ko :( Sabihan na wag i-take for granted ang mga tao sa paligid niya. Pa-feel na importante sila. Pa-feel na na-aappreciate ko sila. Pa-feel na di ko kakayanin kapag wala sila. Kasi ang totoo, miss na miss ko na yung Alex 5 yrs ago :( pati na din yung mga taong part ng ganung phase sa buhay ko :(
Gusto ko nalang isiksik sarili ko sa tabi ng nanay at tatay ko :( o di kaya mga ate ko :( o kunin yung aso ko sa tulugan niya at tatabi ko sakin :(
Di ko alam bakit despite meron na ‘kong freedom ay mas pipiliin at pipiliin ko i-trade lahat mabalik lang sa dati yung buhay ko :(
Pwede ba balik nalang ako sa dati na hinihintay yung parents ko para umuwi na kami. Tatanong ko sa nanay ko ano ba gagawin or pano gawin ang bagay bagay :( Okay lang masermonan ako ng nanay ko kahit ilang ulit na basta alam ko magiging okay naman lahat. Pwede ba magla-late night talks nalang kami ng mga ate ko? Pwede ba magsleepover nalang yung mga pinsan ko? Pwede ba reunion nalang palagi? Pwede ba gawa nalang kami ng papee na due na next day? Pwede ba tambay nalang kami somewhere with friends? Pwede ba mag stream nalang ako ng kdramas or mga series? Kahit nung wala pang netflix, basta may torrent. Pwede ba may weekly allowance lang uli ako?
Siguro ito talaga plans ni Lord. Nilagay niya ko dito kasi may purpose. Di man ako sure kung ano yon pero tangina kelangan ko na talaga humingi ng enlightenment sa kanya. Lost na ako masyado. Di ko alam ano ba talaga gusto ko sa buhay. 🙏🏻
Kaya mo yan,
Alex
09212019, AA
0 notes