Tumgik
#52weeksoftheyear
madmic0206 · 4 years
Photo
Tumblr media
I'm so excited to get the chance to trial the new and improved lifeline online for our @slimmingworld members #proudconsultant #support #joinslimmingworld #morethanjustmembers #morethanjustweightloss #52weeksoftheyear (at Birmingham, United Kingdom) https://www.instagram.com/p/B5uRxhZBF3e/?igshid=1tjmvgfrfphrm
0 notes
akosidorkk-blog · 12 years
Text
05
This week sobrang nagloko yung mood ko na sobrang babaw ng pinag-awayan at dahilan ng cool off namin. Naging sunod sunod lang yung kabanasan ko sa kanya kaya parang sumabog ako talaga ng sobra. Pero thank god for the seminar na pinuntahan ko may mga narealize ako at sympre yung mali ko narealize ko and say sorry to her. Sobrang dami nga ng mga natutunan ko sa seminar na yun eh. Pahalagahan ang mga taong nagpapahalaga sayo at manatiling mapagpatawad sa iba. :D
0 notes
akosidorkk-blog · 12 years
Text
04
Pang-apat na linggo ng taon eh wala din masyadong nangyari pwera nalang sa pumunta kami sa bday nung lola ko at nakasama ko ang mga pinsan at ibang kamag-anak sa side ng mom ko. Kahit na hindi ko naabotan ang lola kong to at hindi ko sya nakilala at maalala since sobrang bata ko pa nung sya ay nawala. Nakakalungkot lang pala kapag wala kayong memories ng taong malaki din ang bahagi sa buhay mo. Sana kahit papano kahit konting alala lang may maalala ako na meron kami kaso wala talaga eh. 1 year old and ilang months lang ako nun nung nawala sya. How sad. But then still Happy Birthday Lola!!
0 notes
akosidorkk-blog · 12 years
Text
03
Sa linggong ito eh wala naman masyadong nangyari. Sobrang tamad ako the whole week puro school-bahay lang ako dahil nagtitipid at tinatamad akong maggala lagi at walang sapa na budget panggala. Puro tulog kain lang din madalas ginagawa ko kapag walang kausap at wala sya. 
Random Week.
0 notes
akosidorkk-blog · 12 years
Text
02
Sa pangalawang linggo ng tao eh sobrang dami ng pinagdaanan ko at sobrang dami din ng natutunan ko dahil sa mga nangyari. Dumating yung time na wala sya sa tabi ko at nagkaproblema kami ng dad ko. Pero buti nalang anjan yung kaibigan ko para kausapin ako kahit papanu at mapagsabihan ko ng sama ng loob. Pero minsan talaga kailangan mo magpakatatag para sa sarili mo at mag-isip ng positibo para at least makalimutan mo ang mga negatibong nangyayari sa buhay mo. 
And narealize ko na sobrang hirap pala pagwala kayong tamang communication ng nobya mo. Sobrang hirap dahil hindi nyo mapag-uusapan ang problema at limitado ito. At hindi nyo maayos kaagad sa kadahilanang limitado nga ito. Mahirap pala pagsobrang layo na talaga. Kailangan mo nalang maging open minded at gawan ng paraan.
0 notes
akosidorkk-blog · 12 years
Text
01
Sa unang week ng taon narealize ko kung gaano ito kaiba sa dati. Lalo na ang kauna unahang araw ng taon ay sobrang iba ngayon. Dati hindi man sya ganun kasaya sa mga nagdaang taon pero masaya parin. Nararamdaman ko na bagong taon na and may bago talaga pero sa taon na ito parang isang ordinaryong araw lang. Tapos ang mga sumunod na araw naman parang wala lang talaga. Hinihintay ko bumalik ang pasukan. Tapos lagi pa kaming nag-aaway ng aking nobya kaya medyo kawalang gana din ang simula ng taon kong ito. May mga araw din naman na nagtatawanan at nagkukulitan kami kasi ang mga kaibigan sa confe pero wala ibang iba. Nakakawalang gana at kahit anu nalang ang pumapasok sa isip ko. Wtf lang talaga.
Hindi ko alam kung maganda ba ang taon na ito para sa akin pero hopefully. Marami din naman akong natutunan sa mga nangyari sa linggong ito. Hindi lahat ay permanente at hindi magbabago. Ganun talaga ang buhay kahit ayaw mo itong magbago wala kang magagawa magbabago tlaga ito.
0 notes