Tumgik
shaiflrntno · 2 years
Text
And all this pain is gonna be invisible
0 notes
shaiflrntno · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
February 21, 2020 💛
0 notes
shaiflrntno · 4 years
Text
COVID-19 PANDEMIC!!!
This too shall pass. Lord heal our land, only you can save us. Have mercy on us ☝️🙏
Tumblr media
0 notes
shaiflrntno · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Thankful for my first ever Job! I am truly grateful 💛
From my New Joiners Orientation dated October 11, 2019 to my last day at work May 01, 2020. Thank you Accenture for letting me experience the real corporate world. Unto bigger opportunities, I'm so ready 💛
0 notes
shaiflrntno · 4 years
Text
Tumblr media
My happiness 💛
I love you! Thank you for loving and making me feel special. I'm the luckiest!
Luis Matthew Cuyong.
A guy full of dreams for himself and his family. A very responsible son to his parent, and a loving sweet bunso to his Ate Loma, and a faithful servant of God 💛
Looking forward to spend the rest of my life with him. Thank you Lord, He found me 💛☝️
Anniversary Date: September 07, 2019
0 notes
shaiflrntno · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
shaiflrntno · 6 years
Photo
Tumblr media
 TO OUR DEAREST FRIEND WHO WAS TAKEN AWAY TOO SOON...
   First and foremost, I would like to say sorry to you Vin for I am not not been able to get back home for me to at least visit and see you for the last time and to personally extend my deepest and sincere condolences to your mom, your brother and to Clarisse as well. I could still remember how goofy and playful you were when you guys throw a birthday surprise for me last summer when I turned 18. Sinayaw mo pa ako that time, tapos sumayaw kayo nila Tatay Joel at Carlo ng running man kase yun dati yung nauusong sayaw. Wala akong kaalam-alam na yun na pala yung huli nating pagkikita since sobrang bihira ko lang umuwi ng Cagayan.
    Can you still remember the good old days? Isa ka sa mga tinuturing kong naging malaking parte ng pagkabata ko at isa sa mga naging kaibigan at kaasaran ko as I grow up. Imagine, kaklase kita from kinder to grade 6, tas hanggang highschool same class padin tayo. HAHA. Pano kase parehong nag-uumpisa sa letter “F” yung surname natin, actually di lang first letter, first five letters tapos sa pang anim lang nagkatalo, FLORES/ FLORENTINO.
   Grade 1, we’re on the same class. Our adviser is Mrs. Venus Sorita which is your Aunt. Sa pagkakaalala ko, lagi ka dating may pabirthday party, may pakaen lagi sa inyo. Hanggang Grade 2 ata tayo nun, tapos kaming mga kaklase mo laging invited. After class pinapapila kami ng dalawang hanay magkabukod ang lalaki at babae tapos yung kamay namin nasa likuran namin parang ang babait, habang lalakad towards your house. Ang dami mo dating handa, diko makakalimutan lagi ka dating may cake na may mga cartoon character o mga superheroes tapos di nawawala yung macaroni soup. Haha. Funny that I could still remember those moments.
   Grade 3. This is were the stage na nagkacrush ako sayo pero di mo alam kase madalas kitang tinutukso sa iba. Hindi mo ako crush nuon eh, you were having a crush on Cassandra before that happens to be my friend as well. Naalala ko dati yung puno ng Paper Tree ang dami niyang bulaklak yung kulay yellow. Summer nuon eh, which means summer break natin pero pinapasok tayo for a week I think para maging estudyante ng mga practice teachers na nagprapracticum. G naman tayo kase may palibreng snacks. One morning, maaga kami dumating sa school tapos saktong wala pa kayo pareho ni Cassandra so we ended up planning a wedding kind of like for both of you. Inipon namin lahat ng mga bulaklak ng paper tree at ginawang kinemeng flower crown tapos one of our classmate volunteered to act as the priest. Nung dumating na kayong pareho, ang nangyari naghabulan lang kayo ng mga boys kase aayaw ayaw ka as well as Cassan. Tawang tawa lang ako nuon pero deep inside masakit. Naging aware ka nalang siguro sa kwentong ito nung highschool na tayo, kwinento ko sayo to tapos tawang-tawa lang tayo at niyayabangan mo pa akong masyado kang pogi at aakto akong nasusuka. Hahaha. Puppy love indeed! Pero eventually nung nag-grade 4 tayo, nagkaroon nako ng bagong crush which means di na ikaw ang crush ko nuon. Naalala ko isa ka sa mga tumutukso sa aming dalawa, good job! May inambag ka sa ikakikilig ko. Hays, lande kebata-bata. Haha. Ang cute lang, sana ganito nalang ngayon, crush crush lang tapos hindi masyadong masakit. Keme!
   Grade 5. Kay Mrs. Leonor Baddal tayo nuon. Ang naaalala ko dito, yung makikipag-compete tayo for MTAP Contest but we are not on the same team. Team A ka together with Jherome at Noelle Ann while Team B ako, si Albert at Carla. Lagi dati tayo kila Maam Baddal, bukod sa purga tayo dati ng problem set purga din tayo ng mani. Laging yun ang pa-snack satin ni Maam kase yun daw ay nakakatalino, iba iba lang ng flavor. Minsan, matamis, yung nilaga, pero madalas maalat. HAHA. LODI KITA SA MATH! Lagi ko yang sinasabi sayo eh, galing mo kase. Yun yung expertise mo, no wonder nag-BS Math ka sobrang bagay sayo nung kinuha mong course.
   Grade 6, this stage I think nag-start ka magtry magka-lovelife or di lang ako aware sa mga nauna mo. Basta, naging kayo ni Noelle sa mga panahong ito pero nagbreak din ata kayo agad. HAHA. Nagkwekwento ka dati ng tungkol senyo eh. Still cute thou, bata pa naman tayo nuon at normal lang yon. Tapos dito sa stage na ito, yung lagi akong sura sayo kase ubod ka ng tamad. Jusko! Realtalk HAHA. Uso pa dati mga cleaners cleaners eh, tas ayun minsan pinapa-iwanan mga taga Naruangan pag may evaluation para maglinis tapos tumatagal yung trabaho kase puro kayo laro, na instead na magfloor wax gamit yung bunot ginagawa niyong bola at shinushoot sa trash can, HAYS. Tapos ang lalakas niyo rin dati mangbully. HAHA 
    High school years! I could still remember, how you actually try to court me. Pero mag-aask ka palang manligaw, reject kana agad. HAHAHA. At that time, hindi kita nakikita o hindi ko nakikita yung sarili ko having a romantic relationship with you but rather a sister-brother relationship, and that is so much better. Ang dami mo dati naging syota my god, and I’m so surprised na hindi kana nakakasali sa top. I know you, matalino ka nawalan kalang ng focus. Mas pinili mong i-enjoy ang teenage life mo, kesa ipressure ang sarili mong makapasok sa top. Which I actually envy you the most, you could do whatever you want to do, and I know you’re happy with that just by the look of your face way back then, compared to us na nagpapadala sa pressure na baka matanggal sa top na hindi naman nagdedefine sa kung gaano katalino ang isang tao. Alam ko wala kang regrets dun, because you get to live your life the way you want it. Dati tinatanong mo ako, kung bakit ayaw ko pa magkaboyfriend sabi ko bata pa ako. Tapos sabi mo, bahala ka once lang dumaan ang teenage life, chill relax enjoy lang, sa pag-aaral naman, sa college na ako magseseryoso kase yun na talaga yung totoo. At duon ko nasabi na yung mga pananaw mo sa buhay madalas may point kahit gaano kapa ka-immature dati na lagi kong sinasabi sayo. Nuong nag-4th year tayo lalo na nung nag-college, sobra kang nag-iba. The immature Marvin I had known for so long was gone, sobrang nagmature ka, and sobra akong proud sayo, seriously. Siguro kase ang laki ding part ni Clarisse sa kung paano ka nagbago. I’m so happy for both of you, hindi ko man yan nasasabi sa inyo, pero I am. Sobrang nakakahappy na makita kayong dalawa na inspired, at nagiging inspirasyon nyo yung bawat isa. Of course alam ko may mga ups and downs din yung relationship niyo just like any other relationship pero kayong dalawa pa rin talaga. Linulook forward ko nga na grumaduate kayong dalawa eh, ang saya siguro ng moment na yun. Tanda mo pa Vin, pag nagkakachat tayo as I ended up our convo ang lagi kong sinasabi, ingatan at wag mong sasaktan si Clarisse ha. Gusto ko lang sabihin na, you did a very good job. Although this time, sinaktan mo siya kase umalis ka nalang ng walang paalam. I know, siguro kase mahihirapan kang umalis pag nakita mo siyang umiyak. Gaya pa rin ng dati, wag mo siyang pababayaan ha? Watch her from a far! Guide and protect her. 
   I am very honored na naging isa ako sa mga kaibigan mo. Mamimiss ko yung mga pagbati mo sa birthday ko na may kasamang paglait. Tapos yung mga panglalait mo sakin na dalawang likod at payatot, hayaan mo tataba na ako. Thank you sa memories! Forever incomplete na ang tropa. Swiswimming pa tayo eh, ililibre mo pa kami. Aral ka mag-langoy diyan ha? Kasama mo na Papa mo diyan.  May God rest your soul in peace! We will miss you, and we will never forget you bro! See you again our dearest friend MARVIN TEJADA FLORES
😘🙏
1 note · View note
shaiflrntno · 6 years
Text
Nice to meet you 2018!
   Ngayong taong ito, pinapangako kong uunahin kona ang sarili ko. Ngayong taon, lahat ng desisyon ko nakabase sa anong ikasasaya ko at hindi para sa ibang tao. I will no longer care for what other people might think of me based on my decisions in life, rather to just believe in myself and start living life to the fullest. Hindi ako nabubuhay para sakanila, hindi ako nagdedesisyon  sa kung anong naaayon sa paniniwala nila. This is my life, so I’m the one incharge of it.                      
   Bagong taon, kaya dapat move on na tayo sa kung anong nangyari last year. This is a great opportunity for us to get rid of all the sadness, disappointments and heartbreaks we had in the year 2017. Ofcourse, imposible naman kaseng puro saya lang buong taon kailangan din nating maranasang masaktan. Minsan naiisip ko, siguro kaya tayo nasasaktan kase yun yung naiisip ni Lord na way for us na magbalik loob sakanya. Because we always tend to forget him pag masaya na tayo at pag nakuha na natin yung gusto natin, pagkatapos pag malungkot nanaman, saka lang natin maiisipang kausapin siya. Kaya sa taong ito, pinapangako kong mas  kikilanin ko pa siya at mas magtitiwala pa ako lalo sa kung ano mang plano niya saken at sa pamilya namin. Isa siya sa forever na dadalhin ko kada taon bukod sa pamilya ko 😇
   At para naman sa mga taong never ako naappreciate, nanakit, at nang-iwan saken, goodbye! You are no longer part of my life, thank you thou tsaka napatawad ko na kayo hindi dahil deserve niyo pero deserve kong magkaron ng peace of mind. Sabi nga, you don’t meet people by accident. There is always a reason. A lesson or a blessing, so tanggap kona na baka yung reason na yun na nakilala ko kayo ay para masaktan ako, and to learn new life lessons such as to never trust someone so easily. So thanks, ginawa niyo lalo akong mas strong at independent  😊✌🏻
  At para naman sa mga nag-stay at never ako iniwan through thick and thin, thank you guys so much. Kayo talaga yung tunay na nagmamahal sakin at kayo ang nakakakita sa worth ko. I will forever cherish each and everyone of you, you are all my treasure, my gem and gold. Thank you for staying with me last year, sana nandyan parin kayo this year. I love you all so so so much. I will no longer mention names, basta kilala niyo na sarili niyo 😘❤️
    Keclaim kona, magiging masaya ang 2018 ko! I will love myself more, guard my heart and chase my dreams. Tandaan wag maghabol ng tao, yung pangarap mo ang habulin mo. Thank you Lord for giving me another chance to live my life the way I want it . 🙏🏾❤️
    Nice meeting you 2018!🙂😊 I survived, 2017! 😜💪🏻
0 notes
shaiflrntno · 7 years
Audio
Great Godly song to start the day right! Thank you Lord sa blessings!! 😊🙏
0 notes