Tumgik
russellarraga · 2 years
Video
PT in Filipino & Heath (Russel Larraga) 
Ang Paninigarilyo at Ang Tobacco Regulation Act of 2003 (R.A. No. 9211)
1 note · View note
russellarraga · 2 years
Text
Ang Paninigarilyo at Ang Tobacco Regulation Act of 2003 (R.A. No. 9211)
Sa panahon natin ngayon madami dami na ang mga taong ang bisyo ay ang paninigarilyo karamihan sa mga ito ay mga kabataan  kaya naman nagpatupad ang pamahalaan ng isang batas na nagkokontrol ng paggamit ng mga produktong Tabako lalong lalo na sa mga kabataan.
       Kaya naman dapat na natin tigilan ang paggamit ng mga produktong tobacco o sigarilyo dahil nagdudulot lang ito ng di maganda sa mga gumagamit nito. Isa sa mga di magandang naiidudulot ng paggamit ng sigarilyo ay nagdudulot ito ng mga sakit gay na lamang ng COPD o ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Asthma, Emphysema, Lung cancer, malalang ubo at mga iba bang mga sakit sa baga na nagiging dahilan ng hirap ng paghinga ng isnag tao na pwedeng maging sanhi ng pagkamatay ng isang tao at ayon nga sa mga balita halos karamihan ng mga namamatay na mga tao ay ang bisyo ay paninigarilyo.
       Kaya naman dapat na natin tigilan ang paninigarilyo habang maaga pa huwag na natin hintayin na magkasakit tayo bago natin itong tigilan kasi naniniwala ako sa isang kasabihan na “Prevention is better than Cure” at nariyan ang ipinatupad na batas ng pamahalaan at ito ay ang Tobacco Regulation Act of 2003(R.A No. 9211) upang tulungan tayo sa pagtigil ng paninigarilyo dahil ang batas na ito ay nagkokontrol ng paggamit ng mga produktong tabako o sigarilyo, nagsusulong ng malinis na kapaligiran nakakabuti sa kalusugan, at higit sa lahat ang batas na ito ang nagbabawal na pagbentahan ang mga kabataan ng mga produktong tabako kaya naman ang batas na ito ang naglalayo sa mga kabataan sa paggamit ng mga produktong ito.
       Kaya naman Malaki ang naitulong ng batas na ito dahil nalalayo at naiiwasan ng mga kabataan ang mga bisyo ng paninigarilyo at ang pagtigil ng paninigarilyo ng isang tao ay malaking tulong upang maiwasan na magkarioon tayo ng mga sakit sab aga at para maging ligtas dahil nakakalungkot isipin na ang paninigarilyo ay isa sa nangungunang dahilan ng kamatayan di lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Kaya naman dapat na natin iwasan ang paninigarilyo.
       Ako nga po pala si Russel Kent P. Larraga na nagmula sa Grade 10 – St. Benedict maraming salamat!
2 notes · View notes