Tumgik
passive-bility · 1 year
Photo
Tumblr media
"NYE2022" https://www.instagram.com/p/Cm2y9ZZv-uf/?igshid=NGJjMDIxMWI=
6 notes · View notes
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
"ARTablado" Artist: Luis Ac-ac (at Crowne Plaza Manila Galleria) https://www.instagram.com/p/ClQeN_9PWHq/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
"sabi sayo eh sisikat din ang araw" https://www.instagram.com/p/Ckptwc8PoQT/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
passive-bility · 2 years
Text
Dear Pauline,
Hindi ko alam kung saan sisimulan, at di ko din alam kung makakarating man tong isinusulat ko. Dahil kahit na umamin na ko sa'yo tungkol sa nararamdaman ko, ay hindi ko pa din magawang kausapin, o kaya i-chat ka o anuman. Sobrang nahihiya ako sayo lalo kapag kaharap ka, madami ako sayong tanong pero di ko mabitawan, natatanga ako kapag ikaw na ang kausap, at kahit na madami akong mali sa trabaho ay ayaw kong magkamali sa'yo bilang tao. Alam mo yung para bang ikaw ay sinag ng araw na nakakasilaw, hindi kita malapitan pero di rin kita makalimutan.
Alam mo yun na para kang porselanang sisidlan na nakakatakot na hawakan pero sa sobrang ganda talagang gusto kong pagkaingatan. Hibang na nga siguro kung ako'y ituturing, lagi kitang tanaw sa imahinasyon ko maski gising man o panaginip. Ang dami ko ng naisulat hindi ko din alam kung may sense ba sayo, pero alam ko magulo, ganito yung unang nararamdaman ko. Pero ngayon, tinanggap ko nalang, wala na kong mapaglagyan ng nararamdaman ko eh kaya sa sulat ko binuhos nalang.
Alam ko naman pagtatawanan mo lang mga sinulat ko, yung parte nang saloobin at nararamdaman ko sayo kasi maski ako di ko maintindihan pinag-gagawa ko pagdating sa'yo.Nakakainis lang din na nagkakalakas lamang ako ng loob makipag-interact sa'yo kapag nakainom, pero sisiguraduhin ko na hindi magiging ganun pagnaibigay ko yung liham kong ito sa'yo.Nawawala na yung esensya nung liham na to parang kung anu-ano na naisusulat ko, bago pa lumayo ay gusto ko lang ipahayag sa iyo na yung punto ko, na ikaw yung laging nasa panaginip ko, ikaw yung nagbigay ng dahilan sa mga bagay-bagay, yung dating sinabi ko na wala na kong pangarap sa buhay, ngayon naiba na dahil sa iyo. Ikaw yung nagbukas sa mga bintana ng mga mata ko na may magandang hinaharap, may mabuting kinabukasan, may masayang kabanata.
Ang dami ko pang gustong sabihin kaso siguro sa susunod nalang, yung tipong hindi ko na kailangangang itago sa liham yung lihim ko na pagtingin sa'yo.Ang pangit ng handwriting ko kaya itatype ko nalang siguro, panigurado di mo maiintindihan eh kapag ganun haha. Sample: (supposed to have my hand written words here but I guess di natuloy)
Kung dito mo nabasa to, malamang sa alamang, pinanghinaan nanaman ako ng loob hahaha oks lang. Korni din kase, pero ewan.
Anyway, kung nakaabot ka sa parte na to eh, maraming salamat. Ayoko na kitang abalahin kaya panay ganito lang ako. Ika nga dun sa kanta ng Lola Amour (https://youtu.be/S3wytd6ZbXc) "I'm okay with being by your side for as long as I can hide" pero nevermind, I don't want to give you any trouble. :)
For now, I'll end this kahibangan nalang muna with a song by SUD, yung title ay baliw. Potek yan, buti nalang di ako tuluyang nabaliw, pero sayo lang ako nagkaganito, sayo lang nasira lalo yung ulo ko, nabaliw ng ganito.
Osiya, sincerely,
Vince M. c",)
0 notes
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
22.08.2022
0 notes
passive-bility · 2 years
Text
eh-meh
It was somewhere in February 2022, first RTO sa office sa Taguig. Nagjoke ako sa group chat sa work about reporting all emails as phishing emails. You later saw it then looked at me while laughing, kahit naka facemask tayo kita ko na napatawa talaga kita. Normal na araw, normal na corny joke, pero the image of you laughing, tumatak yun sakin. Call me crazy (well maybe I am) pero simula non, nasa panaginip na kita madalas. Di ko ina-acknowledge dati, dahil  simpleng lead-agent lang naman talaga tingin ko, co-workers, pero bat ganun teh. Di ka na naalis sa aking isipan? Struggle at first, kasi for months, everytime I get drunk, high or whatever, ikaw talaga yung imahe na nangingibabaw. I tried denying the feeling, at umiwas sa iyo tulad ng di pagchachat atbp, di ka kinakausap kapag RTO pero ewan ko ba, Agosto na, ikaw pa din talaga. Ngayon susubukan kong lumayo, lilipat akong Baguio baka sakaling dun mawala yung nararamdaman ko, tapos malaman laman ko na dun ka pala pinanganak hahaha idk, nakakaloko talaga mga bagay bagay. Hayaan ko nalang. Goodluck sa akin sa September onwards haha eh-meh.
0 notes
passive-bility · 2 years
Text
Mga ideya ng pag-ibig
Paano kung yung mga bagay na magpapasaya sa atin ay magpapalungkot naman sa iba? Paano kapag pinili mo yung gusto mo tapos nawalan naman yung isa? Kapag pinili ba yung sarili ay ibig sabihin neto ay makasarili ka? Kapag ginawa mo ba yung mga gusto mo ay ibig sabihin nun ay sasaya ka talaga? Gumising ako ngayong araw para lang itanong yung mga bagay na to sa sarili ko. Mga tanong na alam ko naman yung kasagutan pero mas pinili kong ilahad nalang dito para kung sakaling mabasa niyo ay magulumihanan din kayo. A nice person that I know once said na “unahin mo ang sarili mo”. Napagtanto ko naman na laging sarili ko ang inuuna ko. Yung tipong wala akong pakialam sa mga gawaing bahay at ginagawa ko lang din naman yung gusto ko, pero napasaya ba ako ng mga desisyon kong ito? In a way, napunan nito yung pangangailangan ko, given na yung mga pangangailangan ko ay provided na ng pamilya ko. Dami ko nang naisip habang nagtatype na nalihis na sa topic na gusto kong ilahad dito. Siguro ganyan talaga yung isip ko, magulo, walang patutunguhan yung gusto, pero sa ngayon kasi ang sarap sa pakiramdam na malaman na may nararamdaman pa pala ako. Tulad lamang ng dati na hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito, yung pag-ibig para sa iba, kahit huli na yung sarili ko. At tulad lamang din ng dati, pakiramdam ng pagmamahal para sa taong alam mo namang malabong makasama mo. Pero okay na din sa akin yung maramdaman lang ng ganito at alam ko na hindi ko naman kailangan na gumawa ng mga bagay bagay para mas lumalim pa ito. Pero napapaisip din ako kung paano kung sundin ko yung gusto ng puso ko, yung nararamdaman ko, yung mga bagay na magpapasaya sakin na alam ng isip ko, yung mga bagay na nakikita ko na paraan para mas lumigaya pa. Pero pano kapag pinili ko yung at ginawa yung mga bagay na yun eh siyang paglungkot ng ibang tao. Siguro masyado ko lamang iniisip pero simple lang din naman yung sagot, siguro napapaisip ako masyado kasi hati yung puso at isipan. Statistically, hindi ako yung tipo nyang lalake, generally, hindi naman talaga ako yung tipong lalaki ng karamihan. Tanggap ko naman na yun matagal na. Subalit sa history ng buhay ko, may mga nagkamali parin namang mga babae, mga babaeng akala ko ayun na. Ano ba yung “ayun na”? Yun ata yung kaisipan na ang end goal ng buhay eh mag-asawa, magkapamiilya, at magka-anak/apo. Subalit sa aking pananaw eh hindi ko naman nakikita yung sarili ko na ganun. Sa mahaba kong panahon dito sa mundo, hindi sumayad sa isip ko yung ganon, kung sumayad man ay naging temporary lang naman din. Pero may mga bagay talaga na magaganap at mangyayari at may mga tao kang makikilala na biglang mapapaisip ka na parang gusto mo na. Gusto mo mag settle down, maging normal na mamamayan na magpamilya at ipasa yung “genes” mo sa susunod na hinerasyon. Eto nanaman ako, andun nanaman ako sa punto na maiinlove ka sa isang tao pero alam mo namang sa dulo na matatapos din. Kaso iba yung ngayon eh, parang lahat ay kay ganda, na hindi mo iniisip na matatapos, yung kahit alam mo yung kabaliktaran ng mga bagay na masasayang kaganapan eh hindi ko pa din maisip na mangyayari. Ewan ko ba, nasa “peak” siguro ko ng nararamdaman ko, alam kong lilipas din to, di ko alam, baka mamaya, bukas, sa makalawa, sa susunod na mga araw o linggo, hindi ko alam kung kailan matatapos to pero susulitin ko nalang yung nararamdaman ko. Walang end goal tong sinulat ko, gusto ko lang mag type ng kung ano ano, sayang kasi, alam ko pagtulog ko mamaya makakalimutan ko na ulit to. Basta ewan ko ba, bigla ko nalang nakita ang sarili ko na magkapamilya, siguro tinutulak lang din ito ng edad ko at ng pre-disposition idea of evolution na kailangan magsuruve ng species ko. Hahahaha tangina, tama na nga kung saan-saan na lumilipad yung isip ko. Sarap din talaga lumipad, saan naman kayo ako mapapadpad?
1 note · View note
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
"aww di nag-aya" https://www.instagram.com/p/Cgt_1k1P601/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
passive-bility · 2 years
Link
0 notes
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
"imahe bago suwagin ng baka" https://www.instagram.com/p/CgedWQOP623/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
passive-bility · 2 years
Photo
Tumblr media
Passive-bility turned 11 today!
0 notes
passive-bility · 3 years
Photo
Tumblr media
safety lang (at Cafe Lupe Antipolo - Restaurant, Events, KTV, Hotel) https://www.instagram.com/p/COkiHSTtbXu/?igshid=ji16r3xtl859
0 notes
passive-bility · 3 years
Photo
Tumblr media
"pahinga ka maige, pa" Saglit na lang to, wait mo ko. https://www.instagram.com/p/CKJQOOAsVaz/?igshid=16bkriddxd0if
0 notes
passive-bility · 3 years
Text
Tumblr media
0 notes
passive-bility · 3 years
Photo
Tumblr media
"mga champion sa tulak at lubak" https://www.instagram.com/p/CJdpjm0s5XP/?igshid=g2pwb3c2grtu
0 notes
passive-bility · 3 years
Photo
Tumblr media
"saraplumanghapngsariwangdamo" https://www.instagram.com/p/CJLMYthsUKs/?igshid=v6fqqux0wwjd
0 notes
passive-bility · 3 years
Photo
Tumblr media
"anggandagandamo" https://www.instagram.com/p/CJEKnmaMS3V/?igshid=4z5d77rqt8c1
0 notes