Tumgik
Photo
Tumblr media Tumblr media
Milk And Honey
34K notes · View notes
Text
Tay hindi ako mapapagod na tagapunas mo tuwing bago ka matulog. Lilinisan kita. Lalagyan ko ng gamot yung mga tuhod mo, yung mga kasukasuan mo. Tyaka ko papahiran ng pain reliever mo.
Tay, hindi ako mapapagod. Mahal na mahal kita. Kahit minsan lang ako clingy sayo, at ganun ka rin sakin.
Ayoko lang namang nakikita kang nahihirapan. Bukod sa trabaho, eh sa sakit mo. Kapag nirarayuma ka at hinihika. Kulang nlang magkandarapa ako maalalayan ka lang.
Naiiyak kasi ako kapag nag dadrama ka. Lalo na kapag may sinasabi kang ayokong marinig mula sayo. Alam kong hindi mo to mababasa, kasi wala kang tumblr. Basta aalagaan kita hanggang sa pagtanda ko tay.
- C.A.
PS. Matagal na talaga to ngayon ko lang na post. Ngayon lang ulit nakapag bukas HAHA
0 notes
Text
Ramdam ko na yung pagod. Pero ayokong sumuko. Takot ako. Takot na takot akong mawala ka.
- C. A.
0 notes
Text
Mahal kita. Yan ang gusto kong iparamdam sayo ng paulit-ulit. Hindi ako magsasawa. Kasi masaya ako sa ginagawa ko.
- C. A.
0 notes
Text
AKALA.
Akala ko puro saya lang pagdating sa pag-ibig. Akala ko madali. Akala ko. Akala ko lang pala.
Oo, Masaya nga pero sa umpisa lang pala. Hindi pala dapat laging puro saya lang. Hindi pala kung ano yung saya sa umpisa ganun din habang tumatagal. Hindi pala dapat.
Masaya naman. Hindi nga lang palagi. Kailangan mo maging matatag. Kailangan mong lawakan pangunawa mo.
Kapag mahal mo, dapat hindi ka naghihintay ng kapalit. Kapag mahal mo, dapat di mo sinisira tiwala nya sayo. Kapag mahal mo, dapat tanggap mo kung sino sya.
- C. A.
0 notes
Text
no hate in my heart just pain
9 notes · View notes
Text
“Sometimes you need to lose yourself a few times before you can find yourself.”
— Unknown
3K notes · View notes
Text
Yung hindi ko na lang talaga alam saan ako lulugar.
0 notes
Text
Kaya ko.
Kaya ko pa.
1 note · View note
Text
Hindi ko na alam kung nasa tama pa ba. Palagi na tayong nagkakaroon ng tampuhan na madalas nauuwi sa away. Lagi na lang ako yung unang nagpapakumbaba. Ako na lang lagi yung may kasalanan. Ako ng lahat. Ayoko sanang dumating yung time na sukuan ko na lang lahat. Hanggang sa bigla ko na lang naisip na. T*ng*n*! Ako pa ba ito? Napaka sakit na nung nangyayari. Pinipilit kong maging ok ako pero. Putcha! Ang sakit na! Ginawa ko na yung part ko. Time na siguro para sarili ko naman. Sarili ko naman yung intindihin ko. Yung tipong si ligaya na masaya noon kahit mababaw. Punong-puno na ako ng lungkot. Hindi ko na alam.
1 note · View note
Text
Overthink.
Ewan kagabi pa ako overthink. Ultimo sa mga panaginip ko, yun at yun din problema ko. Bakit? Anong kasalanan ko? Bakit ayaw akong tantanan? Bakit parang laging kasalanan ko? Bakit ako na lang? Ayoko kasing dumating yung time na, napagod na lang ako kakaunawa ng mga bagay-bagay. Nakakasawa na. Mukang matotrauma pa yata ako.
2 notes · View notes
Text
Thank you.
Hindi ko alam kung deserved ko ba ito. Yung i-treat mo ako ng parang princess. Yung tipong ok lang kahit mahirapan ka, basta maayos ako, basta hindi ako nahihirapan. Niyayakap na lang kita, kasi yun yung way ko to say THANK YOU. Thank you kasi dumating ka. Thank you for everything.
0 notes
Text
Mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi mo alam kung saan mangyayari. O kung kailan mangyayari yung mga bagay na kinatatakutan mo. - C.A.
0 notes
Text
Hindi ko alam. Natuturn-off ako. Ang hirap iwasan pero. Bigla na lang e. Sabi na magbabago rin e. Wala talagang permanente. Wala bahala na. Kaya ko pa kahit maliit na porsyento. Kakayanin ko pa. SANA. - C.A.
1 note · View note
Text
Baka masanay na akong lagi kitang kasama, at kausap. Baka masanay ako na lagi kang nandyan. Baka dumating yung araw na sanay na sanay na ako. Bigla kang maglaho. Handa naman akong sumugal. Kahit wala akong pantaya. Bahala na lang ang aking sagot. Basta kasama ka MASAYA NA AKO. - C.A.
0 notes
Text
Bago matapos itong gabing ito. Gusto ko lang maishare yung nangyari samin mula kagabi hanggang kaninang umaga.
Sa totoo lang celebration talaga ng Birthday ng mga kaibigan namin dapat yun. Tapos pagdating namin kila wiwit kami kami lang pala tao, wala yung may mga birthday. So napaka sweet namin sinelebrate namin mga birthday nila kahit wala sila.
Sobrang gusto kog tumanggi uminom, kaso gin lang naman kako e, juice ganun so go ko na. Aba nakakadalawang tagay plang ako nahihilo na ako, sabi ko mukang very wrong ito. Ade naubos namin yung kwatro kantos na tawag dun sa gin na yun. Si Jean bumagsak na natulog, kasi mag dadrive pa sya motor. Ade pinagtripan nami. Vinideohan ng kaibigan ko habang tawa kami g tawa sa pinag gagagawa nila biglang nangiti si jean, ade tawa kami lalo. Nagpalipas oras lang kami. Kasi may dalang car si al.
Nung pauwi na kami sabi ko kay al tyaka kay chlong, hot choco kako kami sa mcdo. Basta Nlex. Dun talaga ako nag-aaya NLEX! tapos e akala ko aayaw tong si al, ade go pala sya. Inuwi muna ni jean yung motor nya. Dapat talaga matutulog na sya sinundo ko lang sa kwarto nila hahahahaha. At kung hindi nag alarm yung sasakyan ni al, hindi kami maaalis agad.
Tapos eto na nasa Nlex na kami, sabi ko kape lang ng mcdo. Aba mga mayayaman nasa starbucks, sabi ko syet hindi yata kasya pera ko ha. Kasi 5 kami. Biglang umepal tong si al, sabi eka mag tagaytay nalang eka tayo, sabi ko naman ganito nlang baguio tayo? Picture lang kako kami sa lion tapos baba na ulit kami para umuwi. Ade nagtawanan sila. Pero sabi nila tagaytay nlang daw para malapit. Sabi ko tara tagaytay mcdo dun na tayo mag kape.
Aba ang bibilis magsitayo. Mag 1am na rin yun. So nagpagas kami ng 500 HAHAHAHA syempre wala kaming perang dala e.
Tapos eto na papunta na kaming Tagaytay, sabi ko habang nasa NLEX kami, seryoso ba to mga bes? Ilalaban natin yung tagaytay? Sumagot sila oo wala ng aayaw. Napapaisip kami wala kaming mga pera. Roadtrip na matino lang talaga.
Tapos nung nasa cubao na kami, umidlip na muna ako para mawala yung hilo ko. Aba naririnig ko pa si chlong, eka yung dalawang katabi daw nya tulog na. Ako yun tyaka si jean tulog HAHAHAHA. Kasi naman pagoda ako sa maghapon. So umidlip ako maya maya naririnig ko si al tyaka lawrence naguusap kung magpapalit ba sila e nagising ako, nakita ni chlong. Sabi eto eka si joy gising na. Si al kasi masama timpla ng tyan, tyaka pagod na rin. Jusq! Nagising ako nasa SLEX na kami!
So pupungaypungay akong lumipat sa driver seat. Syempre walang gaanong sasakyan kaya buti nlang tamang andar lang muna. Ang haba pala ng daan para makaexit dun. Si Lawrence and Chlong nag silbi naming compass para lang makarating ng Tagaytay. Tapos naccr na daw si al, jusq naghanap kami ng gasoline station. May gasoline station kaming nakita walang katao-tao pero may ilaw. Sa may Sta. Rosa, Laguna na kami nun. Tapos nag drive thru kami mcdo laguna, kasi di na kaya ng sikmura ni al. Tapos ade tuloy kami papuntang tagaytay. Putcha padilim ng padilim yung daan. So super high light kami, sa buong byahe namin naka open window kami, nalaman lang namin na nasa tagaytay kami abey nakapants na ako nilamig yung binti ko naka open window nga kasi kami. Tyaka ang bango.
Ade nagtititili kami sa daan. Sabi namin TAGAYTAY WE LOVE YOU, TOTOO KA NA BA? Habang daan napapasabi ako ng, mga bes totoo ba? Nakarating tayo ng tagaytay ng ganito? Mga nakapambahay lang, tapos ako galing pang script reading, si chlong galing duty sa call center. Tawang-tawa kami sa outfit namin promise. Kasi halatang biglaan.
Ade na aamaze ako kasi nakarating kami tagaytay ako driver. Tapos ang gaganda ng view sobra. Pero target namin Mcdo talaga yung modern super ganda!!
Halos 2hrs lang byahe namin papuntang tagaytay. Nakapunta kami sa Mcdo, Skyranch, side seing ng very light sa gilid gilid yung kita yung para bangin na. Tapos People's Park. Grabe yung Pineapple dun 200pesos mo may 17 pcs. ka na. Tamis pa. Tapos nag picture lang talaga kami. Tapos umuwi na kami mga bandang 6am. Nakauwi kami ng 8:30am.. Super sulit ng roadtrip namin. Tapos eto pa nung natulog na ako pagkauwi. Aba parang hindi ako makatulog kasi feeling ko nag dadrive pa rin ako kasi nalulunod ako sa hangin. Grabeeeeeeeeee! HAHAHAHAHA... Sulit! Pinusuan ng tagaytay ang buhay namin.
0 notes
Text
MEMA.
Nanlalamig na mga katawan. Teka katawan nga ba? Oh, baka naman feelings? Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko. Kasi baka eto yung pumatay sakin e. Yung selos. Putcha Ligaya kilos! Wag ka patalo. That what if's thingy. Maiinis ka nlang talga bigla kahit hindi mo alam yung dahilan. Basta magulo. Gulong gulo yung sarili ko.
0 notes