Tumgik
notmenotl · 3 months
Text
ang totoo niyan, hindi ko inaasam na lagi mo akong maintindihan. at sa mga araw na wala sa ’yo ang pag-unawa sa sarili kong katahimikan, magiging sapat na sa akin na maramdaman ang presensya mo kahit na alam kong pareho tayong naguguluhan.
0 notes
notmenotl · 4 months
Text
bakit nagdurugo ang mga matang nakakita sa ginawa ng iyong kamay?
Hinaharang halinghing, hustisya’y hinahadlangan. hiyaw hinahawi hanggang himalayan. Umaaping uri’y umiiral, umaalipustang ugali’y umaalingawngaw. Salaulang sistema, sukdulang saklap. sakdal sa sulsol, sumpa’y sumusulong. ’Tong tumatangis, tumututol, tagilid ’tinuturing. tinatali’t tinitikom, tapos tatrabahuhing tila taksil. Isipang imunumulat, istorya’y ibinubunyag. ibig ipilit ipinagkakait, inaapi inaabuso’t iniipit. Sistemang salari’y sinasamba, sa sikmura’y siyang ’sinusuka. Yaong yinayapos yaring yaman, yumuyukod, yagit yinuyurakan. busado, abo ang Adhikain. ano ang ginawa mo upang katarunga’y patahimikin?
sumulyap ka sa salamin. pagmasdan ang pagdurugo ng mga matang nakakita sa ginawa ng iyong kamay.
HU$T1$¥∆
0 notes
notmenotl · 5 months
Text
“Posible palang mayakap nang mahigpit nang hindi nadudurog.”
Sakit ang kalakip na salita ng pagmamahal na iyong kinamulatan, kaya siguro kakatwa para sa iyo na makilala ang pagmamahal sa isang banayad na paraan. Gulat kang masilayan na káya pala ng mundo na yumakap nang may pag-iingat; káya pala nitong magbigay ng liwanag na sapat lang at hindi masakit sa balat. Bukás pala ito sa mga lugar na maaaring ituring na tahanan: kung saan naghihilom ang sugat at napapawi ang tangan na bigat. Káya pala ng mundo na gawing marahan ang pag-uusap, kung saan bawat salita ay maingat at hindi mo kailangan pang bumuo ng bakod dala ng pag-aalala sa mga punyal na maaaring sumalubong sa ’yo. Káya pala nitong magpakilala sa katauhan ng kahinahunan, at hindi sa porma ng mga bagay na labis kinatatakutan. At marahil nga . . . ito ang tunay na wangis ng pagmamahal.
0 notes
notmenotl · 6 months
Text
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kan’yang paniniwala.
Para Kay B, Bob Ong
0 notes
notmenotl · 7 months
Text
“When you were my age, what did you want to be when you grew up?”
Grandmother smiled and winked at him.
“All I know for a certain was that I wanted to be worthwhile.”
Taylor Kirkpatrick, Worthwhile ‧ ₊˚ 🩰
0 notes
notmenotl · 8 months
Text
Hard days are when you’re fighting the hardest.
There will be countless days and nights where you’ll feel that you are just an another name for pain and agony, and it’s okay to cry your heart out and shed for tears that you can’t get a hold of. Life isn’t always full of rainbows and butterflies, or of gummy bears and candy pops, but when hardships lure you on the edge of an abyss, please choose to give your life a chance to have a good fight, and surely you will see . . . that it’s always worth the shot.
imogen ⨾ to every fighter, please hang in there.
1 note · View note
notmenotl · 9 months
Text
“You are not tied
to anything
you have outgrown.
You owe nothing
to what
holds you down.”
When The Stars Wrote Back
1 note · View note