Tumgik
mywinnierose-blog · 6 years
Text
“FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK”
Ni Winnie Rose A. Abrena
             Magandang araw sa iyong Ginoong Glen Mark Ramos. Magandang araw mga kapwa ko mag-aaral. Ako si Binibining Winnie Rose A. Abrena na naririto sa inyong harapan upang ihayag ang aking talumpati tungkol sa temang “Filipino: Wika ng saliksik”. Ano nga ba ang wikang Filipino? Bakit nga ba sinabing :Filipino: Wika ng saliksik”? Ano ba ang layunin ng tema sa taong ito? Filipino: wika ng saliksik ang tema ng Buwan ng Wika sa taong 2018. Ang wikang Filipino ay wika na ginagamit ng Pilipino. Isang napakahalagang bagay sapagkat ito ang ginagamit natin sa pakikipag-talastasan o pakikipag-usap at ito rin ang sumasagisag sa ating bansang Pilipinas. Layunin ng tema na ito na panatilihing buhay at masagana ang wikang pambansa sa pag-aaral, pagtuturo at maging sa pananaliksik. Mananatiling buhay at maunlad an gating wikang pambansa sa pamamagitan ng paggamit at pagtangkilik nito kaya naman nais ng temang ito ang madalasang paggamit n gating wika sa mga larangan ng karunungan, mapa-matematika o agham. Pati na rin ang pagtuturo gamit ang wikang Filipino ay nakakatulog hindi lamang sa pagpapalaganap nito ngunit upang madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang asignatura. Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na ‘di gaanong marunong mag-Ingles. Maipapabatid ang kahalagahan n gating wika sa pananaliksik. Kung ikaw ay magbabahagi ng iyong kaalaman o iyong natuklasan hindi ba’t mas magandang gamitin an gating sariling wika? Nang sa gayo’y hindi lamang ang mga dalubhasa sa Ingles ang nakakaintindi ngunit pati na rin ang mga taong hindi magaling sa Ingles ay maibabahagian mo rin ng kaalaman. Wikang Filipino an gating kinagisnang wika ngunit bakit hirap nating gamitin na kahit na kadalasan o lagi nating gamit ay ibang wika na an gating gamit. Ang iba’t ibang lenggwahe na ang pinag-tutuunan na ng pansin. Ang mga makabagong henerasyon na bata ayb mas tinuturuan ng salitang Ongles, ito na ang kanilng nagiging unang wika na dapata sana’y wikang Filipino. Sa ating bansa, tila mas pinagtutuunan na ng pansin ang paggamit ng wikang dayuhan. Ang ilan ay sinasabing dahil kinakailangan ito sa terabaho o paghahanap ng trabaho at ang iba nama’y par masabing sila ay sosyal at dapat tingalain. Ating pagyamanin ang Filipino batay sa wika ng Pilipinas. Panatilihin nating buhay at maunlad ang wikang Pamabansa sa lahat ng aspekto. Ating linangin at palawakin ang bokubularyo sa wikang Filipino. Tangkilikin ang sariling atin, tangkilikin an gating wika. Maraming salamat pos a inyong pakikinig. Ako po muli si Binibining Winnie Rose Abrena, Magandang araw po.
0 notes
mywinnierose-blog · 6 years
Text
AH BOY
Mga Tauhan:
Boy
Nanay
Tagpuan:
Eskwelahan
Bahay
Panimula
Isang araw, may batang nag-ngangalang Boy. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya. Bago siya pumasok ng eskwelahan, naghahatid muna siya ng mga diyaryo sa mga bahay-bahayat dahil doon  kaya siya lagging nahuhuli sa klase. Sa tuwing siya ay nahuhuli sa klase, pinapatakbo siya ng sampung beses sa  boong eskwelahan. Palagi di siyang tinutukso ng kaniyang mga kaklase.
Katawan
Pagkatapos ng kanilang klase, mayroon siyang nakitang papel sa bullitien board ng kanilang eskwelahan at agad niya itong binasa. Nabasa niyang magkakaroon ng paligsahan sa pagtakbo at nais niyang sumali kaya naman kumuha siya ng form nito. Habang naglalakad pauwi, hinarang siya ng kaniyang mga kaklase at nakita nilang mayroon siyang form sa pagsali ng paligsahan. Kaya naman hinamon nila ito na tumakbo. Kapag siya ay natalo hindi na siya sasali sa paligsahang iyon, ngunit  siya ay natalo. Kahit na natalo siya doon pursigido pa rin siya na sumali kaya naman itutuloy niya ang pagsali. Habang naglalakad pauwi may nakita siyang sapatos at nagustuhan niya ito ngunit hindi sapat ang kaniyang pera upang bilhin ito kaya naman nagtrabaho siya at nag-ipon, nang sapat na ang kaniyang ipon para sa sapatos na iyon agad niya itong binili. Masayang-masaya itong umuwi ngunit habang nasa daan hinarang nanaman siya ng kaniyang mga kaklase at kinuhan mula sakanya ang sapatos kaya naman umuwi siyang umiiyak.
  Wakas
Nang siya ay nakauwi, nakita ng kaniyang ina na siya ay umiiyak at tinanong kung bakit ito umiiyak. Sinabi nitong hindi na siya makakasali sa paligsahan dahil ang kaniyang sapatos ay sira at ang binili niyang sapatos kanina at kinuha ng kaniyang mga kaklase at itinapon. Isinisi niya lahat sa kaniyang ama kung bakit sila naghihirap. Nang ibinigay ng kaniyang ina ang sapatos na  tanging alaala ng kaniyang ama nasiyahan siya. Ito ang kaniyang ginamit sa paligsahan. Habang siya ay tumatakbo natumba siya mua sa pagkakatakbo ngunit nagging detrminasyon niya ang pang-aapi at ang kaniyang ina upang ipagpatuloy niya ang laro. Sa bandang huli siya ang nagwagi sa kompetisyon.
 Aral
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay kahit ano man ang mangyari, kahit ano man ang humarang sa atin sa pagkamit ng ating pangarap huwag tayong susuko at papadaig.
0 notes
mywinnierose-blog · 6 years
Text
GIRLFRIEND FOR HIRE
ni Winnie Rose A. Abrena
Ang girlfriend for hire ay isang istorya ng isang babae at lalaki na hindi magkakilala at sa isang aksidente ay nagkatagpo. Ang pelikulang ito ay nakuha sa wattpad story. Ito ay isinulat ni Vanessa De Leon.
 Ang pelikulang Girlfriend for hire ay ginampanan nina Yassi Pressman bilang Nami at Andrei Paras bilang Brylle. Si Nami ay isa sa pangunahing tauhan na magpapanggap na kasintahan ni Brylle. Si Brylle ay isa din sa mga pangunahing tauhan na siyang magbabayad kay nami.
Ang tagpuan ng Girlfriend for hire ay sa bahay mismo ng pangunahing tauban na si Brylle. Dito nangyari o naganap ang kanilang kasunduan.
 Isang araw, sina Nami at ang kaniyang tiyahin (kaniyang pinagtutuluyan) ay nagkaroon ng alitan na dahilan upang palayasin siya sa kanilang bahay. Habang si Nami ay nasa daan siya ay nabunggo ng sasakyan ni Brylle at ito ay nahimatay. Habang nakatira sa bahay niya si Nami naisip niya na siya nalang ang magpanggap na girlfriend niya dahil matagal na itong hinihiling ng kaniyang tatay. Nangyari na ang kanilang kasunduan. Si nami ay nakatira na sa condominium ni Brylle at may nakilala siya na isang lalaki doon na magaling magluto kaya naman lagi na itong pumuounta doon. Nang nalaman ito ni Brylle na ginawa iyon ni nami ito ay nagalit at sila ay nag-away. Hindi nila alam na nahuhulog na sila sa isa't isa. Pinuntahan ni Brylle si Nami sa isang espesyal na lugar at doon nga nila natuklasan at naging siguradon sa kanilang nararamdaman. At sa kanilang pag-uwi siya namang pag-dating ng ex-girlfriend ni Brylle at sobrang nasaktan si Nami. Kaya naman napagdesisyonan niyang lumayo nalang at hayaan na sila. Nalaman na din ng kaniyang tiyahin ang kaniyang sitwasyon kaya sinundo niya ito sa condominium ni Brylle at humingi ng paumanhin. At nakauwi na nga si Nami. Nang malapit na ang araw ng engagement party ni Brylle kaya kinausap niya ito na siya ang pumunta doon sa event. Noong dumating na araw na iyon, ipinakilala na ng girlfriend ni Brylle si Nami bilang kaniyang mapapangasawa at nagulat si Brylle. At doon na nagtatapos ang girlfriend for hire.
0 notes