Tumgik
mistercryptic · 7 years
Text
No. You promised yourself. You promised to do everything. You promised to give everything. You promised to endure even the worst form of pain. You promised to love all of him. You promised you’d understand him. You promised you’d be happy even if you’re hurting. You promised you’d never give up on him. You promised.
4 notes · View notes
mistercryptic · 7 years
Text
You’re like a princess waiting and wanting to be rescued. The only difference is that you love the dragon. And somehow, a part of you keeps on making you enjoy the stay.
1 note · View note
mistercryptic · 7 years
Text
I am here again. This is a familiar place, I know. But somehow, the way the pain is inflicted still crushes me inside. I never learn. Never.
0 notes
mistercryptic · 7 years
Text
One day I will be valued in the best manner I have been dreaming of. But for now, I should endure this misery. After all, this is my own choice of pain.
1 note · View note
mistercryptic · 8 years
Text
I have decided to live and leave everything behind.
1 note · View note
mistercryptic · 8 years
Text
Your happiness is my suffering.
32 notes · View notes
mistercryptic · 8 years
Text
I decided to die tonight. I started it with killing everything inside.
0 notes
mistercryptic · 8 years
Text
Tungkol sa gago
Ilang linggo na ang nakakaraan nang tawagan ako ng ex mo. Oo. Magkaibigan kami. Alam niyang nagkaroon ng “tayo” at alam ko ring nagkaroon ng “kayo”. Pero wala akong pakialam doon. Wala kaming pakialam doon. ‘Di namin pinag-usapan ‘yon kahit kailan; nitong nakaraan lang.
Minahal kita. Alam mo ‘yan. Tanginang nagkasira-sira direksyon ko sa’yo. Tanginang nagkalabo-labo ‘tong loob ko. Okay na ko e. Titigil na ko sa mga kahibangan. Babalikan ko na nga ‘yung pinakamatagal kong minahal. Pero hindi. Pinili kita. Kaya nga ‘ayun. Wala nang tiwala sa’kin ngayon ‘yung “pang-matagalan” at “pang-kasalan” ko. Iniwan ako. Sabi ko kasi, pag sa’yo, “exciting”; sabi ko “bago”. Gago.
First year college palang nagparamdam ka na. Kinuha mo pa nga number ko. Kaso wala kong interes noon ‘di ba? Laki ng galang ko sa’yo. 2 years ahead ka sa’kin e. May pag ”po” at “opo” pa ako.
Second year college ako nang sabihin mong ikaw pa ang manliligaw. Gagawin mo kamo lahat. Sumige naman ako. Hinayaan kitang ulol ka hanggang sa ayun, nahuli mo ‘ko. Nahuli mo puso ko. Tanginang galing mong sumisid. Nagmamalalim na ko’t lahat, nabitag mo pa rin.
Binuksan ko pa bahay ko sa’yo noon. Wala namang official na tayo. ‘Di kasi ako mahilig sa pormal na relasyon. Nakakapunta ka sa bahay. Nagkakasama tayo. Alam ng close friends ko ‘yung atin. Alam nila ‘yung “tayo”.
Okay ka naman. Sweet ka naman. Gusto mo magkatext at magkatawagan tayo. Gusto mo lumalabas  tayo paminsan-minsan. Kaso gago ka talaga. Ilang beses na kitang ginustong iwan. Ilang beses ko nang ginustong tapusin. Pero di ba may paghabol at luhod ka pa? May pag-pangako ka pa sa harap ng mga akala ko e kaibigan ko?
Pagkatapos no’n, hinayaan kitang landiin ako. Kaso pwe. Nakakasawa ka. Ilang months din naman tayong naging “tayo”. Bukod pa ‘yung kinginang landian lang.
Ngayong incoming fourth year college na ko, hindi ba’t gustong-gusto mo pang makipagbalikan? Noong nakipag-reconcile ako sa’yo, iba gusto mong mangyari. Sinabihan lang kitang pinapatawad na kita pero ang gusto mo bumalik tayo sa dati. Sinampal na kita ng hindi, gusto mo pa rin.
Tangina. Akala ko ‘yung guluhin lang ‘yung buhay ko ‘yung kasalanan mong dapat kong patawarin. Akala ko ‘yun lang. Salamat sa kaibigan kong ‘to. Nang mag-usap kami tungkol sa’yo, nalaman naming sobra-sobra mo kaming niloko. Sabay pala kami. Mas una lang siya. Noong binreak ka niya, sa’kin ka pa napunta. Habang sinasabihan mo pala kong mahal mo ako, siya pala ‘yung ini-imagine mo.
Hindi lang ‘yun. Bukod sa ginawa mo kong kabit at panakip-butas, literal na pinaglaruan mo pala ko. ‘Yung mga sinasabi mo sa’kin, recycle lang pala lahat. ‘Yung mga pinapangako mo, recycle lang pala lahat. Sarap mong ibasurang gago ka.
Ibig palang sabihin, habang magkasama tayo noon, pinagtatawanan ako ng mga kaibigan mo. Alam kasi nilang pinaglalaruan mo ako. Alam kasi nilang ginagamit mo ako.
Natawa pa ko habang magkausap kami. Noong may tayo, isinama mo ako sa SM. Bibili ka kamo ng relo. Dalawa ang binili mo. Ako pa pinapili mo kung anong maganda. Sabi mo ipanreregalo mo ‘yung isa. Tangina ka. Ipinangregalo mo nga. Ipinangregalo mo sa kaniya. Nasan ang konsensiya mong hayop ka?
Hindi na kita mahal. Matagal nang hindi. Pero masakit. Masakit malaman ‘tong lahat. Hirap na hirap na kong magtiwala. Nang malaman ko pa ‘yan, mas naging basag-basag pa ang pagtitiwala ko sa mundo. Durog na durog ako. Awang-awa ako sa sarili ko. Natikman ko na yata lahat ng pait. Salamat sa’yo, gago.
Ang tindi ng pandidiri ko sa sarili ko. Ang tindi ng galit ko sa sarili ko.
Alam mo ba? Pinanalangin kong karmahin ka. Pinanalangin kong balikan ka ng karma ng may interes na kasama.
Wala akong gagawin na kahit ano laban sa’yo bukod do’n. Ipagpapaubaya ko na ‘yan sa taas. Gusto ko lang itong ilabas. Galit ako. Galit na galit. Basag ako. Basag na basag. Nasasaktan ako. Masakit na masakit. 
2 notes · View notes
mistercryptic · 8 years
Text
Kadalasang sa tuldok nagtatapos. Pero sa kuwit ako, sa kuwit ako.
1 note · View note
mistercryptic · 8 years
Photo
Tumblr media
Natutuwa talaga ko kapag chinachat ko/ako ng gagong ‘to. Kalimitan, puro kadramahan, kawalang-hiyaan o kaya naman ka-shit-an ng buhay ang pinag-uusapan namin. Sa totoo lang, siya lang yung taong napagkukwentuhan ko ng bawat katangahang naiisip ko sa buhay. Siya 'yung napagpapakitaan ko ng bawat madilim na bahagi ng isip ko, ng puso ko.
Siya 'yung original na “B” ko. Haha. Oo. Dumating sa punto ng mga maling desisyon ko na magustuhan ko rin 'tong taong 'to. Ganun lang siguro kapag marupok at kapag napagtutuunan ng bahagyang atensyon at pag-aalala. 'Di ko rin naman pinigilan ang sarili ko noon. Siya rin lang naman kasi 'yung naging takbuhan ko 'pag gusto kong tumakas sandali sa ingay at gulo ng mundo ko. Pero syempre, kagaya ng sa iba, kinailangan kong tapusin 'yung kahibangan ng nakaraan. Magkaibigan pa rin kami. Bagama’t madalang magkita (ilang buwan na yata 'yung huli), alam kong magkaibigan pa rin kami.
Dati, kapag kinakausap/tinetext/chinachat/dm ko siya, madalas na mainis siya kapag sinasabi kong “ayoko na”, “sawa na ko”, “pagod na ko”, “gusto ko nang mamatay”, at “gusto kong magsuicide”. Madalas din na pagsabihan niya ko. At, oo. 'Di pa rin siya nagbago.
'Di ko naman talaga balak na iwan ang bagahe ko sa buhay sa pamamagitan ng “suicide”. I just fancy the idea; but at the same time, I am terrified of it. Kaso lang, 'di ko hawak yung gulo ng isip at puso ko. Natatakot ako na baka sa sobrang fucked up ko na e magawa ko. Pero salamat sa taong 'to. Aaminin ko. Nasa bingit na ko ng pagbitiw ng napatawa niya ko sa sagot niya.
Matalino raw ako. Haha. Sana sa lahat ng pagkakataon nagagamit 'yang talinong 'yan. Sana 'di ako nagago kung umiral lang 'yang talinong 'yan. At shet. Shet lang. 'Yan ang dahilan kung bakit kinginang pagod na pagod na ako– literal.
May hitsura raw ako. Lahat naman meron. Gago. Pero 'di ba? Hindi sapat 'yun para di masaktan?
May pera raw ako. Eh kingina 'tong si B. Wala na nga kong pera kakabayad, kakabili, kakapunta at kakagastos sa kung ano-ano pa. Hirap talaga 'pag graduating. Sabaw at lutang ka na, butas pa ang bulsa.
May kaibigan daw ako. Oo. Meron naman talaga. Pero 'yung iba, 'di ko alam kung kaibigan ko ba talaga o kasabwat sa halos isang taong panggagago sa'kin nung gagong tanga na sana e karmahin na. Ngayon na.
May talent daw ako. Haha. Alin? 'Yung maging tanga?
Sana nga mababaw lang yung nilalangoy kong sakit. Sana nga mababaw lang yung nilulusong kong hirap. Sana nga mababaw lang yung binabaybay kong dagat ng pagka-tanga at tangina. Pero hindi.
'Di sapat 'yung matalino, may hitsura, may pera, may kaibigan at may talent. 'Di ako exempted sa trip ng universe. Masakit.
P.S. B, pangako. Susulatan kita 'pag napagpasiyahan kong lumisan na.
0 notes
mistercryptic · 8 years
Text
Mahal, 'di pagsakay sa trike ang pag-ibig. 'Di pwedeng iangkas mo ako at pangakuang ako ang "hanggang dulo" kung panaka-naka kang hihinto at magsasakay ng iba dahil lang may malawak ka pang espasyo. Kung ganun din lang, para, teka, hinto. Bababa na ako. Sa biyahe ng tayo.
4 notes · View notes
mistercryptic · 8 years
Text
We are strangers with memories.
6 notes · View notes
mistercryptic · 8 years
Text
Sinabi mo lang
Nang sinabi mong iniibig mo ako Hindi ko naman alam Na sinabi mo lang.
Nang sinabi mong mahalaga ako Hindi ko naman alam Na sinabi mo lang.
Nang sinabi mong ako ang mundo mo Hindi ko naman alam Na sinabi mo lang.
Hindi ko alam. Dahil kung alam ko lang…
Hindi ko sana hinayaang paglaruan mo Ang puso kong binola mo Balak mo pa ngang idribol ito At i-shoot sa basurahan ninyo.
Hindi ko alam. Dahil kung alam ko lang…
Hindi ko sana hinayaang ibasura mo Ang puso kong binasag mo Balak mo pa ngang ipakain ito Sa mga katulad mong nag-iinaso.
Hindi ko alam. Dahil kung alam ko lang… Hindi ko sana hinayaan, Kung alam ko lang.
Hindi ko naman alam na mapaglaro ka Edi sana’y nakisakay na lang ako. Hindi ko naman alam na hayop ka Edi sana’y nakisabay na lang ako. Hindi ganitong naiwan mo ako Sa sukdulang sakit ng paglalaro mo At sa hangganang dusa ng kahayupan mo.
Hindi ko naman alam na mapaglaro ka Edi sana’y nagpatintero na lang tayo. Hindi ko naman alam na hayop ka Edi sana’y nagpaka-ulul na lang din ako.
Hindi ganitong naiwan mo ako Sugatan sa gitna ng playground mo At tulala sa lawak ng gubat mo.
Hindi ko kasi alam, Pero sana’y iyong alam…
Na darating ang panahong ikaw ang magiging taya, Sa laro ng pag-ibig, ikaw rin ay madarapa. Maiisip mong hindi ka sana nandaya, At mauunawan mong hindi ka na bata.
Na darating ang panahong ikaw ay babagyuhin, Sa alon ng pag-ibig, sa pasakit ka lulunurin. Maiisip mong hindi ka sana nag-aksaya, Nang sa gayo’y di ka balikan ng mga basura.
Na darating ang panahong ikaw ay mabibitag, Sa pana ng pag-ibig, sa pighati’y di ka makasasalag. Maiisip mong nagpakatao ka sana, At mauunawan mong ang pang-unawa ay sa tao talaga.
1 note · View note
mistercryptic · 8 years
Text
Sa oras na marinig mo, ang sigaw ng nagdaramdam na puso, ang hiyaw para sa nasirang pangako, ang bulong ng diwang naghihingalo. Pakiusap lamang, pakinggan mo. Pakinggan mo ang musika ng pasakit. Pakinggan mo ang awit ng nilumang pag-ibig. Pakinggan mo ang namimighating tinig. Pakinggan mo sapagkat, Ikaw ang may pakana nitong lahat.
Sa oras na maaninag mo, ang kulay na umaagos sa nasugatang puso, ang tanawin ng mga nilimot na pangako, ang paraiso ng diwang naghihingalo. Pakiusap lamang, aninagin mo. Aninagin mo ang lawak ng idinulot na pasakit. Aninagin mo ang lalim ng pagkahulog sa pag-ibig. Aninagin mo ang rurok ng namimighating isip. Aninagin mo sapagkat, Ikaw ang may pakana nitong lahat.
Sa oras na madama mo, ang lamig ng pinagtaksilang puso, ang init ng pag-asa sa iyong mga pangako ang pagkamuhi ng diwang naghihingalo. Pakiusap lamang, damhin mo. Damhin mo ang pagitan ng mga sugat at pasakit. Damhin mo ang lubak ng tinahak nitong pag-ibig. Damhin mo ang hapdi ng pusong nagpumilit. Damhin mo sapagkat, Ikaw ang may pakana nitong lahat.
At sa oras na, narinig, naaninag at nadama mo na, hinto ka lamang, maghintay ka lamang, huwag kang magmadali, huwag kaagad lumisan, huwag kaagad kalimutan, dahil lilisanin ka rin, sa iyong nagdudumaling, paghihintay at paghinto Ng oras ng iba, para pakinggan naman, para maaninag naman, para madama naman Ang mga pasakit. Ang mga sugat ng pag-ibig. Ang nanlulumong tinig at isip sa pagpilit Na hindi mo sana ginawa, na hindi mo sana tinangka, Na hindi ka sana naging bingi, hindi sana naging bulag at hindi sana naging manhid.
Dahil sigurado ako, Alam ko, Sigurado ako. Dahil narinig ko, Naaninag ko, Nadama ko, Sa pag-ikot ng mundo, Sa pag-ikot ng gulong ng palad, Sa pagbaliktad ng triangulo, Ikaw naman ang mababasag, Ikaw naman ang magkakasugat, Ikaw naman ang iiyak. Ikaw naman. Ikaw naman. Ikaw.
At sa wakas, maririnig ko, maaaninag ko at madarama ko, Na may hustisya pa, na may pag-asa pa, Na makaganti ang isang api.
Para makadama naman, para makaaninag naman, para makarinig naman ng isang magandang wakas at maghilom na ang bakas at makabawi ng lakas para gumising bukas.
1 note · View note
mistercryptic · 8 years
Text
Hawakan mo naman ako.
Kahit saglit lang. Kahit sandali lang. Hawakan mo ako sapagkat ako'y ubos na. Ubos na ubos na. Sapagkat ako'y pagod na. At latang-lata pa. Sa walang pagal kong paghihintay at pag-antabay sa pagkakataong suntok sa buwan at hampas sa kalawakan– na ako ay ibigin at ika'y maging akin.
0 notes
mistercryptic · 8 years
Text
Handa na akong sumugal nang magpakita ka ng pagkatalo. Handa na akong magmahal nang magpakita ka ng pagsuko. Handa na akong sumubok nang magpakita ka ng pag-ayaw. Handa na kong magsimula nang magpakita ka ng huling sayaw.
Mahal, ipinakita mo ang dulo nang balakin kong isulat muli ang ating tula na bagama’t kinakapa pa ang tugma at angkop na salita para sa lawak at lalim ng pagnanasa na ang dating mali ay itama, huminto ka.
Huminto ka at nagpaalam sa hangin na wala akong nagawa pa kundi langhapin. 
Huminto ka at nagpaalam sa akin na wala akong nagawa pa kundi tuldukan ang atin.
Huminto ka at nagpaalam sa tayo na wala akong nagawa pa kundi wakasan ang tulang ito.
Huminto ka at nagpaalam sa tayo kaya heto’t humihinto na rin, paalam sa iyo.
2 notes · View notes
mistercryptic · 8 years
Text
When you told me you loved me, I kissed you and it tasted like you didn't. When you told me you needed me, I hugged you and it felt like you didn't. When you told me I was your world, I saw somebody else in your eyes. I saw a universe clinging to your tongue, to your hands, to your heart, to your mind and to your life. I was told to leave but baby, your words are the very lies I live for. Forgive me for staying.
0 notes