Tumgik
knchuchi · 3 years
Text
Haliya - Yūgen Sundae (Cover by Krystene and JULS)
Tumblr media
Sa tuwing uuwi ako sa yakap mo Pagsalubong mo'y sapat na, buhay na 'ko Kailan kaya ulit ako uuwi?
     Hi, hello! Kamakailan lang ay naglabas kami ng isang video sa YouTube, at iyon ay ang aming cover ng ‘Haliya’ — ito ay isang kanta na binuo ng bandang Yūgen Sundae, at masasabi kong malapit ang awiting ito sa aking puso. Una ko itong napakinggan few months ago nang i-recommend iyon ng aking girlfriend, at hindi ko inaasahang magreresonate iyon sa akin hanggang ngayon.
     Lagpas isang taon na kaming LDR ng girlfriend ko, at kahit may distansya mang namamagitan sa amin ay pinaglalapit pa rin ang aming damdamin ng mga bagay na nagpapatatag hindi lamang sa aming relasyon, kundi pati sa mga taong mahal namin at gayundin sa aming aspirations sa buhay. Pero ano ba naman ang i-look forward ang muli naming pagkikita? Sa araw-araw na pagharap sa nakakapagod na routine at pagkilos, nandoon iyong pagkasabik na mahagkan at mayakap ang isa’t isa na para bang doon kami muling makakahinga nang maluwag at makararamdam ng pahinga. Bilang siya ang isa sa mga itinuturing kong tahanan, talagang may impact sa akin ang lyrics ng ‘Haliya’.
     Kaya naman, after ilang months na LSS pa rin ako sa kantang iyon, I decided to make a cover. Noong una, dapat solo project ko lang iyon (haha), ngunit naisip kong hindi pala ako marunong sa instruments. Esensyal pa naman sana ang gitara. E bilang tumutugtog naman ang aking girlfriend at kumakanta, naisipan kong tawagan siya at yayain na gawin naming dalawa ang cover. Ayun, after explaining my initial plans to her habang naliligo, pumayag siya then we worked on it.
     First time kong gumawa ng legit at medyo maayos na cover, at iyon ang pambawi kong content sa YouTube channel kong hindi ko na naasikaso mula noong pumasok ako ng kolehiyo. Mahirap pala talagang magrecord lalo na kung hindi naman kagandahan ang pangrecord at may mga ‘di maiiwasang ingay sa paligid. Sa environment ko dito ay kinelangan kong hintayin ang hatinggabi at magpatay ng electric fan kahit pa man mainit para lang makapagrecord nang walang istorbo. Hindi rin gaanong madali ang pagkuha ng video ng sarili ko habang kumakanta dahil may mga tao sa lugar na pinag-shootan ko at wala rin akong tripod para maging maayos ang pagkakakuha ng video sa cellphone. Pero syempre, like BDO, we find ways. Nakakatuwa lang na nagbunga ang mga sandaling iyon, pati na ang efforts ng aking girlfriend, ng isang ganap na cover.
     If you wanna listen to it or kung gusto niyong panoorin ang aming video, [NARITO ANG LINK]. Ikatutuwa din namin kung kayo ay magpapakita ng suporta at komento kung anong tingin niyo sa aming final output, at pati na rin sa kanta. Sana ay magustuhan niyo ito, at isipin na balang araw ay makauuwi rin tayo sa mga taong sandigan natin sa mga oras ng pagkawalang-bahala at kapaguran.
     Hanggang sa muli! ♥
4 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
Hi! Thanks for tagging me, Ces! :”)
     name: krystene
     gender: genderqueer
     age: 19
     height: 5’4” (the last time i checked)
     sexuality: genderqueer
     favourite animal: sheep/dolphin
     average hours of sleep: i dont even know skdjfskjf my sleeping sched is wRECKEDT
     dogs or cats: both
     current time: 12:37 am
     dream job: to be a voice actor and youtube content creator (shameless plug: subscribe to my channel, krystene li, if you’d like sksk)
     when i made this blog: june 2019
     why i made this blog: i made multiple accounts before and i was too lazy to organize and revamp 'em, so i decided to create this blog
     reason for url: idk i just want it to be simple so i took my initials and turned it into my pseudonym and then eventually, my url
tag those you’d like to get to know better ♥️ @talesfromthecosmos @fluffyartsy @xthenewmeiguess @maligalig​
tag 10 blogs you’d like to get to know better
a big thank you to @tspookyshima-kei and @hidden-otaku-stuff for tagging me! i didn’t want to elongate the thread further so i’ll start a new one,,
Tumblr media
name:  sol / percy (from my full: soleil persephone)
gender:  genderqueer; afab
age (if okay):  18
height:  165cm / 5′4″
sexuality:  demisexual
favorite animal:  dragons
average hours of sleep:  7h
dogs or cats:  yes
current time:  15:54 / 3:54PM
dream job:  civil rights attorney
when i made this blog:  170920
why i made this blog:  i wanted to read and write fics
reason for url:  i just think daifukus are neat
Tumblr media
.°🍓! |  tagging; ❞
@daishirou @natszoo @luvtoshi @sintaroou @bokutosworld @aiiishiiiteru​ @kkita​ @t-tatsumaki​ @mediocreme​ @kuraomi​ sry i keep tagging the same few ppl i have only u guys
584 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
HENLO, I’M ALSO ON INSTAGRAM!
O diba, ang inactive lately sa Tumblr pero ganito yung pambungad sksk. Anyway, gusto ko lang talaga sabihin na from time to time, nag-uupload din ako sa IG ng mga gawa kong tula or whatevuuuh. Kung gusto niyo pa rin pong makita ang mga pinaggagagawa ko sa buhay habang wala pa akong posts dito, pwedeng-pwede niyo pong i-search ang username ko na @/l.mktm, or click niyo na lang itong link na ito. Salamat!
Also, kaunting life update dahil nandito na rin naman ako, busy ako sa acads ngayon kaya wala rin akong masyadong ganap. Bukod sa readings, marami rin akong nakapilang papanoorin at isusulat. Two weeks from now, magtatapos na rin ako sa midyear ko, at mukhang kelangan na diretso mag-enroll for the next academic year. Like, shet, 2nd year na ako??? Ang bilis ng panahon, pero parang ambagal din.
Ayun lang naman for now, bukod sa istressedt na rin ang ako sa pamamalakad ni Dutortol. Sana masarap ang ulam at maayos ang kalagayan niyo. Padayon!
1 note · View note
knchuchi · 4 years
Text
QuaranScreen: Basically Everything I’ve Watched While In Quarantine (aside from the news)
     In times like these, many lean onto various forms of art either for them to escape, understand, or shape reality⁠⁠. In my case, I usually turn to reading essays, stories, webtoons; discovering songs and artists which I’ve never heard before; sketching and attempting to draw on an app installed in my phone; and writing almost everything I could think of, but there are just times where I can’t help but feel bored of doing them while staying at home. Luckily, the art world is diverse and someone invented the television, so I get to spend my time watching instead of the usual stuff that I do.
     My love for watching movies was greatly influenced by my dad who used to collect VCDs (if that’s what they call it), while my interest in the theater sprung up ⁠when I was in senior high. Now that I’m in college, I find it quite hard to make time for watching a new movie, binge-watching a series, or seeing any theatrical production live. Only now that we’re under quarantine, I had the opportunity to do so. Yesterday, I thought of making a list of everything I’ve watched (and re-watched) while in quarantine, and I was kinda surprised by how many I’ve seen so far. Mainly, I just wanna share them here so that I’ll have something to look back on, but please feel free to watch some of them. I’ll be leaving a ★ beside those of which I either love or would like y’all to see as well.
Tumblr media
The Phantom of the Opera
Ang Huling El Bimbo
Rated: PG
Kung Paano Ako Naging Leading Lady
Bakit Bawal Tumawa ★
A Game of Trolls ★
Tumblr media
Anohana: The Flower We Saw That Day
The Seven Deadly Sins (S1-S3) ★
Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba ★
Attack on Titan (S1-S3) ★
Tada Never Falls in Love
Violet Evergarden ★
Gakuen Babysitters
Kyoukai no Kanata
The Rising Of The Shield Hero ★
Tower of God ★
Food Wars!: Shokugeki no Soma (S1-S5) ★
Haikyu!! (S1-S4) ★
Death Note ★
Kaguya-sama: Love Is War (S1)
Citrus
Love Stage!! - i like the animation and some of the humor in the story, but i have to say that there are a lot of aspects in here which I find very problematic and might be triggering so I decided not to put a star
Tumblr media
Fluid
Hanging Out
Gameboys (S1) ★
BoJack Horseman (S1)
Hello Stranger (Ep1-Ep7)
Ur_Tadhana
I Am Not Okay with This (S1) ★
Sex Education (S2) ★
ROLES ★
Gaya sa Pelikula (S1) ★
Pearl Next Door ★
Boys’ Lockdown (S1) ★
Stranger Things (S1-S3) ★
Girl From Nowhere (S1-S2)
Santa Clarita Diet (S1-S3)
The End of the F***ing World (S2)
Weightlifting Fairy Kim Bok-joo ★
Goblin / Guardian: The Lonely and Great God ★
The Haunting of Hill House ★
The Haunting of Bly Manor ★
Sex Education (S1) ★
2gether: The Series ★
Still 2gether ★
Great Men Academy ★
TharnType: The Series
In Family We Trust ★
Fish Upon the Sky (2021) - i want to give this a star sana, but the second half of the series failed to sustain the points/elements that i loved in the first half. they used a catchy ost tho, which is probably the best part of the series haha (at least for me pala)
Tumblr media
Harry Potter (Film series) ★
The Hunger Games (Film series) ★
Frozen II (2019)
Tangled (2010)
Mulan II (2004)
Adan (2019)
Sleepy Hollow (1999)
The Perks of Being a Wallflower (2012) ★
Ang Babaeng Allergic sa WiFi (2018)
Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough (2016)
Raiders of the Lost Ark (1981)
Weathering With You (2019)
Bar Boys (2017) ★
Bliss (2017)
Flu (2013)
Never Not Love You (2018) ★
The 5th Wave (2016)
Miracle in Cell No. 7 (Philippine adaptation, 2019)
The Kingmaker (2019) ★
Water Lemon (2015)
House at the End of the Street (2012)
The Prince of Egypt (1998)
Senior Year (2010)
Bakwit Boys (2018)
Respeto (2017) ★
Heneral Luna (2015)
I’m Drunk, I Love You (2017) ★
Smaller and Smaller Circles (2017)
Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay (2011) ★
Sunday Beauty Queen (2016) ★
A Silent Voice (2016)
The Half of It (2020)
Us (2019)
Jojo Rabbit (2019) ★
Portrait of a Lady on Fire (2019) ★
Parasite (2019) ★
Hunt for the Wilderpeople (2016) ★
Boy (2010)
The Great Dictator (1940) ★
Little Women (2019)
The Way He Looks (2014) ★
Stand by Me (1986) ★
Flipped (2010)
Love, Rosie (2014)
Baka Bukas (2016)
The Kings of Summer (2013)
The Way, Way Back (2013) ★
Easy A (2010)
Back to the Future (1985) ★
We’re the Millers (2013)
The Bucket List (2007)
Crazy Rich Asians (2018)
Kontrolado ni Girly ang Buhay N’ya (Pride 2020 Cut)
Yesterday (2019)
Scott Pilgrim vs. the World (2010)
Y Tu Mamá También (2001)
Roma (2018)
Amores Perros (2000)
Midnight in Paris (2011) ★
Synecdoche, New York (2008)
Big Fish (2003) ★
Tigers Are Not Afraid (2017) ★
Aswang (2019) ★
Neruda (2016)
Hercules (1997)
Palm Springs (2020)
Midsommar (2019)
Nostalgia de la luz (2010) ★
Monos (2019)
City of God (2002) - still thinking whether i should give this a star or not skjdfhkjsf
The Secret Life of Walter Mitty (2013) ★
Juno (2007)
Insidious: Chapter 2 (2013)
Dahling Nick (2015)
Blue Bustamante (2013)
Where'd You Go, Bernadette (2019) ★
Paglisan (2018) ★
La Hora de los Hornos (1968) ★
Orapronobis (1989) ★
A Rustling of Leaves: Inside the Philippine Revolution (1988) ★
Trainspotting (1996)
Daddy (2020)
Tayo sa Huling Buwan ng Taon (2019)
Ang Kwento Nating Dalawa (2015)
Happy Death Day 2U (2019)
It Chapter Two (2019) ★
Happiest Season (2020) ★
Sing Street (2016) ★
Ferris Bueller's Day Off (1986)
Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (2018) ★
Lola Igna (2019) ★
Alone/Together (2019)
Through Night and Day (2018)
The Panti Sisters (2019)
Ang Pangarap Kong Holdap (2018)
Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story (2020)
Don’t Breathe (2016)
Spirit: Stallion of the Cimarron (2002) ★
Jurrasic Park (1993) ★
The Lost World: Jurassic Park (1997) ★
Patay Na Si Hesus (2016) ★
Bwakaw (2012)
Iska (2019)
The Feels (2017)
Death to 2020 (2020)
I’m Thinking of Ending Things (2020)
Soul (2020) ★
The Young Karl Marx (2017)
Dr. Bird's Advice for Sad Poets (2020)
Batch ‘81 (1982)
I Care a Lot (2020) ★
Into the Wild (2007) ★
Everybody’s Everything (2019) ★
All the Bright Places (2020)
Your Name (2016) ★
Kalel, 15 (2019)
Balangiga: Howling Wilderness (2017) ★
Back to the Future II (1989)
Carol (2015)
Moxie (2021)
Siargao (2017)
Dating Amber (2020)
Snowpiercer (2013) ★
Four Sisters Before the Wedding (2020)
ABNKKBSNPLAko?! (2014)
The Conjuring (2013)
Excuse Me, Miss, Miss, Miss (2019) ★
Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month (2017)
Ipinanganak Na Nakayapak (2014)
His House (2020)
Ocean's 8 (2018)
Cuddle Weather (2019)
Crazy Beautiful You (2015)
Shrek (2001)
Suddenly Twenty (2016) ★
Miss Granny (2018)
Tootsies & The Fake (2019)
Babae at Baril (2019)
Back to the 90s (2015)
3rd World Hero (1999)
100 Tula Para Kay Stella (2017)
Fear Street (Trilogy, 2021) ★
Lisyun Qng Geografia (2014) ★
Dark Shadows (2012)
Seoul Searching (2015) - from the synopsis, the story could've had a lot of potential, but the film was very problematic so I ended up hating it
Jaws (1975) ★ - giving it a star only because I love movies like this (lol yeah i know), and not because the cop was packaged to be the hero of the story
Fan Girl (2020)
     Since we are still in the midst of a pandemic, and technically, I would still be spending most of my time indoors, I would still have to continue watching movies and series at home, so I’ll prolly update this post from time to time. Also, our first semester is about to end, so while I’m at it, I’m gonna make the most of my remaining free time before “vacation”. If you have any movies you’d like to share with me, please do. I’d really appreciate it.
     Till next time!
17 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Link
     Today, my mom and I watched The Way He Looks— a coming-of-age film which I’ve been longing to see. I've been trying hard to cope up with anxiety lately, so I chose to watch this movie, thinking that it will give me peace of mind. Well, it did, but there are parts where I couldn’t help but shed a few tears.
     It’s a heartwarming film without the stereotypical plot, unlike the other movies with LGBTQ+ characters. Like this particular song used in the movie, they showed that there’s too much to love beyond an individual’s physical appearance. I won’t talk much about it though, because I’m not trying to write a film review here, but I hope you guys could give this movie a try.
5 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
chic neck accessories for your fascist of choice
59 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
Nanawagan ako sa mga kapwa Pilipino na tumungo sa UP Diliman University Avenue mamayang 2-4pm para sumamang ipahayag ang ating pagtutol sa iniraratsadang Anti-Terrorism Bill.
     Para sa mga nais pumunta ngunit magmumula sa malayo o walang masasakyan, mayroong #MobPH sa twitter kung saan mayroong mga carpooling/transportation initiatives. Sana makahanap kayo roon ng makakasabay!
     Para naman sa mga makakasama, magsuot ng facemask at magdala ng sanitizer o alcohol. Mahalaga ring alamin kung paano mabibigyan ng first aid ang sarili o ibang kabilang sa protesta, just in case na kinakailangan. I found this thread on Twitter na naglalahad ng info sa kung anong dapat gawin kung may mangyaring nangangailangan ng medical attention. CLICK THIS FOR THE THREAD.
     Para naman sa mga hindi makakasama, paingayin natin online ang panawagang ibasura ang terror bill! Pumirma sa petisyon, magpapirma, at ipakita ang pagtutol. Huwag manahimik. Magpahayag ng galit.
0 notes
knchuchi · 4 years
Link
     Kanina lang ay nagsagawa ng protesta (syempre, with social distancing!) ang iba’t ibang organisasyon laban sa pagpapasa ng Terror Bill. Ngunit hindi roon natitigil ang paglaban ng mamamayang Pilipino para sa karapatang pantao ng lahat. Tiyak kong hindi iyon ang magiging huli, at muling mapupuno ang lansangan balang araw.
     Ngayon, hinihikayat ko kayong muli na pumirma sa petisyon, at gamitin ang mga platapormang mayroon upang aralin at magsalita kung bakit nararapat ibasura ang bill na ito. Hindi sapat ang paglabas ng saloobin, pagkatapos ay muling pagtahimik. Let’s show Dudirty who’s the boss here, ganoin! Gawin natin ang ating makakaya, kahit pa man tayo ay nasa loob ng ating pamamahay.
PUMIRMA AT MAGPAPIRMA SA PETISYON! (pindutin lamang ang link sa itaas)
     Mas itinuturing ng rehimen ni Duterte na urgent ang pagpapasabatas sa Anti-Terrorism Bill, kaysa ang pagsasagawa ng malawakan at libreng mass testing at pagbibigay ng ayuda. Tayo’y nasa kasagsagan ng isang pandemiko, at dapat na unahin ng gobyerno na maghain ng konkreto at epektibong plano na hindi lalong magpapahirap sa mga health workers, magsasaka, mangingisda, drayber, at mga manggagawa na malaki ang ginagampanang tungkulin lalo sa ating sitwasyon ngayon.
     Harap-harapan tayong pinatatahimik at yinuyurakan ng karapatan, habang mas pinapadali ng estado na kanilang ma-target ang sinumang pasok sa kanilang depinisyon ng “terorista”— isang salita na makapaglalarawan din naman sa kanila. Silang mga nagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang sariling lupa para magbigay daan sa isang hindi inklusibong pag-unlad, silang mga kumikitil ng buhay ng mga maralita, silang mga hindi matugunan ang pangangailangan ng maraming Pilipino— ngayon, sino ba talaga rito ang terorista?
     Ang aktibismo at pagpuna sa mga kamalian ng gobyerno ay hindi terorismo! Ating laksan ang boses upang mapabasura ang Terror Bill!
3 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
Use your platform. Share the petition to your friends and family. Speak up. Let’s educate ourselves and fight for our rights! 
FILIPINOS URGENTLY NEED YOUR HELP: A CALL TO ACTION
Tumblr media
art by the wonderful @franshookie-art (DO NOT REPOST this image without their specific permission. check out more of their art on twitter.)
hi, all.. i know that a lot of our focus is on the BlackLivesMatter movement atm (which is wonderful and should’ve happened a long time ago), and i hate to distract you from that, but there’s something horrible happening in my country, the Philippines (yes, the one being lead by the so-called Filipino version of Donald Trump), right now.
our national government has passed a bill that’ll essentially take away our constitutional rights to freedom of speech and fair trial. it’s called the Anti-Terrorism Bill, but we’ve dubbed it Terror Bill. here’s a summary of what it entails:
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
if you want to read the actual bill in its entirety, here’s a link to the official Senate of the Philippines website, where you can download a pdf copy. i’d like you to keep in mind the political climate in our country, though, and just how rampant corruption and police brutality are here.
it has already been passed by the Senate; all it needs is the House of Representatives’ approval, and it will be enforced. if you want to help stop this from happening, here are a few ways:
sign and share this petition. we’re so close to 300,000 signatures!!!
Tumblr media
send e-mails to the Office of the President and the Senate. there’s an e-mail protest currently going on. i have qualms about copy-pasting the message, but ultimately, this method is a lot more effective than petitions:
Tumblr media Tumblr media
these posters were made and posted by @tentenyukki on twitter.
educate yourself about the bill and how it will affect us when it’s approved. here are some news articles, editorials, and thought pieces to get you started:
🗞 gov’t endorsing/defending the bill: 1, 2, 3, 4
🗞 reactions to the bill’s passing: 1, 2, 3, 4, 5
spread the word. on social media, our tags are #JunkTerrorBill and #JunkTerrorBillNow, but don’t stop there; tell your friends and family. please. people need to know this is happening.
your help could save the lives of millions of Filipinos, and we’d really, really appreciate it. i don’t usually ask for much, but when it comes to urgent issues like this, i can’t stay silent. unlike with BLM, i can speak my truth about this because i know personally what it’s like to be a Filipino citizen and to live in the Philippines. i hope it’s heard, and we keep an ounce of what little dignity we have as a “sovereign” country and rights as a “sovereign” people.
some of you might unfollow or get mad because this isn’t strictly studyblr content, but it’s not about aesthetic right now. i need your help. we need to hurry.
thank you for taking time to read! let’s uphold human rights together. #JunkTerrorBillNow!
34K notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
crowdsourcing (eme!)
     Henlo, I’m looking for more blogs to follow para lang mas masaya nern! Baka may mairerekomenda kayo diyan. Hehe. Sinong mga paborito niyong tao dito sa Tumblr, at anong madalas na content nila? Baka maaari niyong i-share.
     Sana may sumagot, and thank you in advance. :)
0 notes
knchuchi · 4 years
Text
Ok, this will be my last PH politics post (because I prefer to do that on my other socmed) but have a little history nugget for my beloved ph mutuals:
“Ingat” (Be careful, in Eng) was not used as a farewell greeting until Martial Law happened. It was used literally as a warning to be careful - i.e. Ingat sa basang sahig (Be careful, the floor is wet.)
Up until Martial Law, the common way to reply to a goodbye is to just say Sige (Okay/Sure).
But due to the rise in forced disappearances (desapericidos) and loved ones dying under mysterious circumstances or disappearing only to be found dead and mutilated in a ditch days later, people took to using Ingat as a form of goodbye.
From Sige (Okay) to Ingat (Be careful.) - Literaly expressing your wish for your loved one to be careful, to be vigilant, to come back safe, to stay alive.
516 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
Bilang buwan ngayon ng Hunyo, bakit hindi rin natin subukang bisitahin ang ilan sa mga ganap sa Pilipinas na may koneksyon sa diwa ng Pride? 🏳️‍🌈
     Habang inaalala natin ang kasaysayan ng Pride— ang riot sa Stonewall, pagbalikwas sa police brutality, at pagyakap sa sariling identidad bilang parte ng komunidad ng LGBTQ+— mainam ring tandaan ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa pagkakapantay-pantay, na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
     Nakatatak na sa mindset ng maraming Pilipino ang stereotypes at prejudice sa mga LGBTQ+, at ito’y maaaring i-trace back sa kolonisasyon ng Espanya sa ating bansa. Ayon sa aking pagkaka-alala, bago pa man kasi ang kanilang pagtapak sa ating lupain, walang supremacy sa kasarian at non-existent ang konsepto ng homosekswalidad. Hindi rin inferior ang tingin sa kababaihan, dahil malaki ang kanilang gampanin bilang mga manggagamot at/o katuwang ng lider sa mga tribo. Ang pagiging babaylan o katalonan na dati umanong ginagampanan lamang ng mga babae, ay kinalaunang ginampanan din ng mga lalaki na tinawag namang asog o bayogin (dito maiuugat ang salitang “binabae”). Sa aking palagay batay sa mga nabanggit, ang pagkakatatag ng patriyarkal na sistema sa ating bansa ay nagsimula lamang sa impluwensya ng mga Espanyol at ang kanilang pag-impose sa ideya na ang babae ay para lamang sa 3 K’s—  kusina, kama, kumbento.
     Ang pagpinta rin ng mga prayle sa mga isinagawang ritwal ng mga babaylan bilang “demonic acts” (kung hindi ako nagkakamali, sila rin ang naturingang mga sinaunang aswang) ay nakapag-ambag sa paghubog ng mga kumbensyon sa lipunan— ang gasgas ngunit degrading na “babae ka lang” treatment, ang pagiging mahina raw ng isang effeminate na lalaki (ang salitang “bakla” ay orihinal na ginamit bilang panukso sa mga “unmanly” na lalaki na sila ay mahina), at iba pa. Biruin mo, ito’y nangyari dahil lang sa layunin ng mga dayuhan na maging dominante sa ating lupain, at binyagan ang mga Pilipino sa kanilang relihiyon. Ang mga kaganapang ito ay nakapag-luwal din ng iba’t ibang porma ng diskriminasyon na laganap pa rin hanggang ngayon.
     Gayunpaman, patuloy na binibigyang-diin ng kababaihan, mga bakla’t lesbiyana ang kanilang posisyon at kahalagahan sa lipunan. Nariyan ang pagkilos ng mga militanteng babae upang bawiin ang ating kalayaan mula sa mga banyaga, ang pag-aambag ng mga LGBTQ+ sa ating kultura at wika (na kung iisipin, ang paggamit ng gay lingo o swardspeak ay epekto rin ng diskriminasyon at pag-exclude sa kanila sa maraming bagay o usapin), at ang pakikilahok ng parehong kababaihan at LGBTQ+ sa laban ng iba pang marhinalisadong sektor sa bansa. Makikita ang panghuli sa pagsasagawa ng taunang Pride march o events sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas (gaya ng sa Metro Manila at Baguio), paglawak ng representasyon sa komunidad sa media at literatura (hindi ibig sabihin nito na palaging maayos ang representasyon na naibibigay, ngunit patuloy rin namang dumadami ang mga manlilikha at manunulat na mas dedikadong bigyan ng tama at maayos na portrayal ang mga LGBTQIA+), at pagtindig sa mga panawagan ng hustisya at pagwawakas sa opresyon kasama ng ibang sektor.
     Sa kasalukuyan rin ay isinusulong ng komunidad at kaalyado ng mga LGBTQ+ ang pagpapasabatas ng Anti-Discrimination Bill na naglalayong protektahan ang sinuman mula sa anumang uri ng diskriminasyong batay sa kanilang sexual orientation, gender identity at expression (SOGIE). Ito rin ay upang mas palawigin ang safe spaces ng mga LGBTQ+ na madalas ay nakararanas ng malupit na pagtrato hindi lamang sa lansangan kundi’y maging sa loob ng pamamahay, trabaho (bilang marami ring mga bakla at lesbiyana ang kasama sa hanay ng mga manggagawa), at iba pa.
     Marami pa mang kailangang baguhin, at mahaba pa man ang lakbayin upang mabuwag ang umiiral na patriyarkal at hetero-normatibong sistema, hindi dito natitigil ang ating paglaban. Tunay ngang isang protesta ang Pride, at hindi lamang selebrasyon at pagkilala sa diversity ng komunidad. Patuloy tayong sumulong para sa pagkakapantay-pantay! 🌈✊
9 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Link
PUMIRMA AT MAGPAPIRMA SA PETISYON! (pindutin lamang ang link sa itaas)
     Mas itinuturing ng rehimen ni Duterte na urgent ang pagpapasabatas sa Anti-Terrorism Bill, kaysa ang pagsasagawa ng malawakan at libreng mass testing at pagbibigay ng ayuda. Tayo’y nasa kasagsagan ng isang pandemiko, at dapat na unahin ng gobyerno na maghain ng konkreto at epektibong plano na hindi lalong magpapahirap sa mga health workers, magsasaka, mangingisda, drayber, at mga manggagawa na malaki ang ginagampanang tungkulin lalo sa ating sitwasyon ngayon.
     Harap-harapan tayong pinatatahimik at yinuyurakan ng karapatan, habang mas pinapadali ng estado na kanilang ma-target ang sinumang pasok sa kanilang depinisyon ng “terorista”— isang salita na makapaglalarawan din naman sa kanila. Silang mga nagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang sariling lupa para magbigay daan sa isang hindi inklusibong pag-unlad, silang mga kumikitil ng buhay ng mga maralita, silang mga hindi matugunan ang pangangailangan ng maraming Pilipino— ngayon, sino ba talaga rito ang terorista?
     Ang aktibismo at pagpuna sa mga kamalian ng gobyerno ay hindi terorismo! Ating laksan ang boses upang mapabasura ang Terror Bill!
3 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Photo
Tumblr media
     Pride month na, mga ses!
     Sariwain natin ang pinag-uugatan ng lahat ng ito, at tumindig na rin sa ipinaglalaban ng ibang marhinalisadong sektor dahil hindi nawawalay ang ating mga karanasan mula sa kanila. Sama-sama nating buwagin ang sistemang sumusupil sa ating mga karapatan, at bigyang-diin ang kabuluhan ng ating komunidad sa lipunan.
     Makibeki, ‘wag mashokot! 🏳️‍🌈✊
4 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
FRAGMENTS OF YOU
     Hi!
     In the past couple of months, I’ve been working with Cozubee, an architecture student and digital artist based in the Philippines, on a very special project. Today, we’ve released the first episode of our webtoon, “Fragments of You”. It is also our entry for the Webtoon Short Story Contest 2020. You might wanna check it out here.
Tumblr media
Synopsis:
     Reese's dream of leaving her town slowly crumbled when Ethan, an injured man who seemed to have come from a far-away land, refused to accompany her. Turns out, it wasn't that bad— after all, what she really wanted is to encounter something new. And this time, she didn’t have to search as it deliberately found its way into hers.
2 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Text
HINDI KULONG, DAHAS, AT PAGPAPATAHIMIK ANG KAILANGAN NG MAMAMAYANG PILIPINO.
     Matagal na tayong ginagago ng mga nasa tuktok. Ngunit ngayong 2020, hindi pa man natin nakakalahati ang isang taon ay mas nailalantad na ng mga nagdaan at kasalukuyang kaganapan ang kabulukan ng sistemang pinalalakad ng mga naghahari-harian. Ilan lamang sa mga ito ay ang pananamantala ng mga kapitalista noong pumutok ang bulkang Taal; ang kawalan ng agarang aksyon at konkretong plano ng gobyerno para maiwasan ang paglaganap lalo ng COVID-19; ang pagiging sunud-sunuran ni Dudirty sa dayuhan; ang pagpapatuloy ng online classes kahit tayo’y nasa kasagsagan ng isang pandemya; ang sunud-sunod ring pagkulong sa mga kritiko ng gobyerno at iyong mga tumutulong lamang sa iba’t ibang komunidad; ang pag-atake sa press freedom; at ngayon naman ay ang pagratsada sa Terror Bill.
     Imbis na dinggin ang daing ng mamamayan at tugunan ang kanilang pangangailangan, palawigin ang mass testing at contact tracing, at panagutin ang mga lumabag sa quarantine protocols nang walang balidong rason, inuuna pa nila ang pananamantala at pagyurak sa ’ting mga karapatan. Ano, mag-antay na lang tayo sa vaccine? Magpaka-tuta sa dayuhan? Hindi pa flattened ang curve, pero isasailalim na ang Metro Manila sa GCQ? Teka, totoo muna ba ‘yang nilalabas ninyong bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pinas? Mass arrests at killings? Aba’y putang ama! Hindi ‘yan ang gusto namin!
     Nakakasawa ang paulit-ulit na maalipusta, pero hindi ito ang oras para manahimik. Tayo’y pinagkakaitan ng tamang impormasyon, pinatitikim ng dahas, at binubusabos sa sarili nating lupa. Ang kakapal lang ng apog nila. Baka nalilimutan nilang ang tao ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan at may kakayahan silang bawiin ito. Uulitin ko rin na hangga’t may boses tayo’t plataporma, hanggang may nakikitang mali sa sistema, tuloy ang pakikibaka!
3 notes · View notes
knchuchi · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
[ my life lately or sumth ]
     Kamakailan lang, sinimulan ko nang gawin ‘yung natitirang required paper namin para sa semestreng ‘to. I decided to start over again, dahil nawalan na ako ng will na ipagpatuloy ‘yung una kong naisulat. Nung una, ayaw ko nang magpasa, pero naalala ko na kailangan kong bumawi dahil may kababaan ang marka ko sa mga naisagawa naming pagsusulit. Nakakawindang din naman kung sa isang minor subject pa ako makatanggap ng INC, ‘no?
     May mga pagdadalawang-isip lang din pala ako sa susunod na acad year. Hindi ko alam kung hihinto ba muna ako o ipipilit magpatuloy (may posibilidad kasi na isagawa ang mga klase online— sa usapin pa lang ng Internet e medyo problemado na ako). Pero sa ibang araw na lang siguro ako magde-desisyon. At hopefully, grumadweyt na ako next year.
     Pero syempre, hindi consistent mag-acads si bakla. Naisingit pang mag-photo shoot at manuod ng pelikula. Naharap kong panoorin ang Jojo Rabbit at Portrait of a Lady on Fire, pero hindi rin naman ako nagsisisi. At walang halong biro, pang-walong araw (+2 times = 10) ko nang inuulit panoorin ‘yung Jojo Rabbit (someone please stop me ahaha). Hindi sapat ‘yung “maganda” para ilarawan siya, e. Panoorin mo kung may pagkakataon!
    So far, ayan lang muna ang pinaka-pinagkakaabalahan ko. Marami pang naka-sched sa planner, pero iniiwasan kong pagsabayin ang lahat para iwas burnout. Noon pa lang naman e madalas na akong mag-”multitask”, pero umaabot na sa puntong wala akong natatapos (ironic lang). Narealize ko lang din ‘yan sa sarili ko lately, kaya heto, sinusubukan kong gawin ang mga bagay-bagay sa mas maluwag na paraan.
5 notes · View notes