Tumgik
Photo
Tumblr media
Read "BHO & CAMP #3: Trapping Mr. Rockstar Into Wedlock [Short Story]" on #wattpad #adventure #quote http://w.tt/TGfdrb
0 notes
Photo
Troy the V-line!
Tumblr media
26 notes · View notes
Quote
“Sa panahon ngayon, wala ng pakialam ang mga tao sa ugali. Kung ano ang unang tatanggapin ng mga mata nila, iyon na agad ang gusto nila.”
Reina (Mapapansin Kaya)
48 notes · View notes
Text
Tulog Na...
Tulog na, mahal ko..
Hayaan na muna natin ang mundong ito..
Lika na, tulog na tayo...
Mahilig akong matulog. Halos lahat ng nakakakilala sa'kin kapag tinanong kung anong hobby ko, pagtulog ang isasagot. Bestfriend ko daw ang kumot, buddy ko ang unan at lover ko ang kama. 
Kapag hindi ako matagpuan, sa kwarto lang daw ako matatagpuan. Well, totoo naman, tama sila.
Hindi na ata talaga maaalis yan sa sistema ko? Kahit sa ibang bahay nadadala ko. Naalala ko pa isang araw pagkatapos ng trabaho. Nagkayayaan sa bahay ng isang kaopisina para tumambay at maghapunan. Andun ka din. Syempre, officemates tayo. Magkaibigan tayo. Tropa tayo.
Dahil hobby ko ang matulog at hobby mo ang tumugtog, nagkanya-kanya na tayo ng pwesto. Komportableng pumwesto ako sa kama, ikaw naman sa upuang katabi nito. Bitbit mo ang gitara at sinimulang magpalabas ng tono.
Alam mo bang ang sarap ng pagkakapikit ko nun? Nakakarelax kasi ang nililikha mong tunog. Gitarista ka nga pala ng banda nyo nung ika'y kolehiyo, sabi mo. Wala namang duda, kasi talagang ang galing mo. 
At alam mo bang ang laki rin ng utang na loob ko sa gitara na yan, akala mo? Dahil sa gitara naging close tayo. Naalala ko nung bago pa lang ako sa kompanya, ikaw rin. Pagkatapos din yun ng office hours at nagkayayaan tumambay sa isang kaopisina. Bonding daw para sa mga bagong tulad natin? Abala ang lahat sa pagkilala sa isa't-isa haggang sa mamataan mo ang gitara at ako naman yung songhits sa lamesita. 
Habang abala ko sa pagscan ng mga lyrics ng kanta, nakalapit ka na pala sa tabi ko at nagsimulang kumalabit ng kwerdas. 'Jamming tayo.' Yan ang sabi mo. Mula noon, may common factor na tayo, ang musika. Yan ang espesyal na ugnayan natin bilang magkaibigan.
Naalala mo ba nung nag-Christmas party tayo? Monito-monita, siyempre meron nun. May codenames pa nga tayo. Ang nakakatawa lang nun, nabunot mo ko, kaw naman nabunot ko. Hanggang sa nalaman din natin na palitan lang pala tayo? Ang hirap pang mag-isip ng regalo nun, ikaw lang pala yun? Sa huli, literal na nagpalitan nga lang talaga tayo. Napagkasunduan natin na gitara na lang ang regalo, blue yung sa'yo, red naman ang sa'kin. Nung araw ng party, naalala mo, pinagperform pa tayo gamit yung bagong mga gitarang yun. Haha.. Nakakatawa lang, na yung kantang napili natin ay pinamagatang 'Kailan?' Bakit kamo? Kasi nung mga panahon na 'yun, alam kong iba na ang pagtangi ko sa'yo. Kelan mo kaya mapapansin ang aking lihim? sa loob-loob ko. 
Aaminin ko, nahirapan akong aminin sa sarili ko na dahil sa isang gitara, nahulog ako sa'yo.  Nung una talaga, pinigilan ko, sinubukan ko, ayoko. Bakit? Cliche na rason, magkaibigan tayo, baka mawala pa yun o magbago? Joke lang. Pero hindi talaga yun yung dahilan. 
Naalala mo ba ulit yung kantang Kailan?  Alam mo bang alam ko kung bakit yun yung pinili mong kanta? Dahil yun sa kaniya di ba? Dahil kung para sa'kin, sa'yo nakadedicate ang kantang 'yan? Ikaw naman, sa kaniya mo inaalay yan. Alam ko naman, simula pa lang. Kaya nga di ba sinubukan ko, pinigilan ko, ayoko! Sana...
Tulog na, mahal ko..
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama..
Saka na, mamroblema...
  Alam kong ganun ka din sa kaniya. Sinubukan mo, pinigilan mo. Taken na siya eh. Ang saklap lang. Sawi ako sa'yo, sawi ka sa kaniya. 
Pero gaya ko, matigas din ang ulo mo. Hirap din turuan ang puso. Tulad ngayon, andito na naman tayo sa paboritong hobby natin. Ako nga ang matulog, at ikaw ang tumugtog. Nasabi ko na bang ang sarap talaga sa tenga ng gitara mo, at pati na rin ng boses mo. Nakakarelax talaga. Paulit-ulit na 'ko. Haha.. Para akong ipinaghehele sa saliw ng yong boses at gitara. At ang galing mo lang talaga sa pilian ng kanta, saktong-sakto ang pamagat, Tulog Na.
Pero kahit anong sarap ng pikit ko sa lamyos ng boses mo, masakit pa rin talaga. Ang hirap lang tanggapin ang reyalidad na ekstra lang ako sa bawat kanta mo. Tulad ngayon, habang nagkukunwaring natutulog ako. Ang sweet sana na kumakanta ka ng Tulog Na habang natutulog ako. Kaya lang, alam ko naman ang totoo. Dahil sa kabilang panig ng kamang hinihigaan ko, andun siya, ang siyang pinag-aalayan mo ng kantang 'to. Tulog na, mahal ko..
Nakakatawang isipin na pareho lang naman tayo ng sitwasyon, parehong nahulog, parehong nasasaktan, parehong nagmamahal, parehong umaasa.. Pero kung tulad man tayo ng sitwasyon, magkaiba naman tayo ng direksyon. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa'yo, yung daan patungo sa kaniya ang binabaybay mo. 
Sa palagay mo, magtatagpo pa kaya tayo? Kailan? Darating pa kaya yun? Hayst? Itulog na nga lang muna 'to. Baka bukas ngingiti rin sa wakas at sabay nating haharapin ang mundo. Tulog na.
******************************************************************************************
Para sa'yo. Dapat happy ending 'to eh? Hindi ko alam kung bakit naging ganun? Siguro, sinalamin lang talaga ang nararamdaman ko ngayon? 
Tulog Na yung kanta dito, pero kabaligtaran yan ng gusto kong mangyari sa ngayon. Ayokong matulog ka. Gumising ka na please... Gising na. Kaya mo 'yan. Pambihira ka naman? Pag nagkita tayo, babatukan talaga kita. Kaya wag ka ng magpatumpik-tumpik pa diyan, gumising ka na. Nakakainis ka! Gising na. Pagaling ka na. Magkikita pa tayo. Aasahan ko yan.
0 notes
Video
youtube
sexy free & single 
and ready to bingo
^____^
0 notes
Link
6th jib
sexy free & single
and ready to bingo
^___^
0 notes
Text
JALEC <3
Tagal ng tapos ng PBB Teens pero may JALEC hang-over pa din ako ^_____^
0 notes
Text
Lordy :)
Today marks the comeback of the Alaminos Assasin in the hardcourt.  After a year of missing in action due to an injury, he surprisingly appeared today on their match with Barako bulls.
It's a good comeback as I may say. A total of 9 pts in less than 10 minutes of play. 1/1 on three point area, 2/2 on two-point area, 2/3 on free-throw (a missed throw on free shot due to foul).
What makes me feel good about this comeback is the fact that he was given another chance to show the entire PBA crowd that he still deserves to be spotted on a hardcourt action.
And he didn't take this chance for granted.  He proved us all that he is the one and only Alaminos Assain of PBA. 
Hwaiting Lordy! All the best..
Hope to see more of you in the future..
:))
0 notes
Text
SuJu Senti...
It's been a while since I first watched their performance.
I got hooked by their up-beat type of songs.. But as I got to know them more, and the songs they were sharing to the world, I am surprised how their ballads moved my emotions.. 
I don't know if I'm just a ballad biased but I really love my earphones plugged inside my ear and music flowing into my eardrums whenever I hear their ballads.
Maybe I am just amazed that I'm hearing that kind of song from a boyband under a pop genre. It's simply amazing.
Here's the list of my ballad favorites from Super Junior:
1.   7 Years of Love - Kyuhyun 
2.   Let's Not - KRY
3.   Hate U Love U - Suju
4.   Heartquake - KRY Eunhae
5.   At Least I Still Have You - SJ-M
6.   The First Feeling To You - Kyuhyun
7.   What If - KRY Sungmin
8.   Coagulation - KRY
9.   All My Heart - Suju
10. She's Gone - KRY SM KI DH
11. Stop Walking By - KRY
12. Andante - Suju
13. In My Dream - KRY SungHae
14. Angel - KRY SungEunHae
15. A Day - Suju
:)
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Text
Lee Hye Hoon
my korean name based on birthdate
7-4-10
0 notes
Text
Lee Yeon Young
my korean name  
Lopez Joanne
0 notes
Text
Lee Joo Chan
my korean name :)
Lopez Jo Anne
0 notes
Video
youtube
my first ever uploaded video on you tube
Super Junior's No Other with English sub
0 notes
Photo
Tumblr media
YouTube first 'comment' & 'like'
Haha.. I can't believe it.. I just made my first comment and like a video posted on youtube.. Just for you Super Junior..
And I'm really glad that 25 viewers liked it! :))
Can I say that I'm officially an ELF now?? hehehe.. Hwaiting! :)
0 notes
Link
0 notes
Video
My Prince Kyu :)
0 notes