Tumgik
julievidworld · 2 years
Text
Sa Susunod Na Habang Buhay — Chapter 3
"Tangina, tol! Nagbibiro ka di 'ba? Gago ka! Tapos na April fools!" Ezekiel said after Dave Angelo told them about his condition.
Pagkauwi niya kanina sa bahay nila, he texted his friends kung pwede sila magkita-kita dahil may importante siyang sasabihin sa mga ito.
Buti at pumayag naman ang tatlong mga kaibigan niya. Kaya heto sila ngayon, magkakaharap. Nasa restaurant silang apat kung saan pagmamay-ari ng kamag-anak ni Ezekiel dahil bawal siya sa lugar na makakatrigger ng pagsakit ng ulo niya.
"Gago! Walang ganyanan, Dave!" Sabi naman ni Rick, isa rin sa mga matalik na kaibigan ni Dave Angelo.
"Mukha ba akong nagbibiro? Basta huwag niyong pabayaan si Janna ha? Tsaka walang magbabanggit sa inyo tungkol sa kondisyon ko." Mahinahong sabi ni Dave Angelo sa mga ito.
Nakikita niyang hindi sang-ayon ang mga ito sa sinabi niya lalo na si Moses.
"Gago ka ba?! Dapat malaman niya 'to!" Inis na sabi ni Moses sa kanya.
Moses is Dave Angelo's best friend. Ito rin ang unang nagkagusto kay Johanna Ashley, nagparaya ito noong nakita nito na si Dave Angelo talaga ang mahal ni Johanna Ashley.
"Hindi ko kayo patatahimikin kapag sinabi ninyo. Diskarte ko na 'to. Mas mabuting maka-move on na siya bago ako mawala." Sabi niya sa mga ito.
Hindi niya kasi talaga kayang sabihin dito ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang mahirapan ito. Kailangan tuloy lang ang buhay ng babaeng pinakamamahal niya.
"Pota! Anong sinasabi mo, pre?" Inis na tanong pa ni Rick sa kanya.
"Makikipaghiwalay na ako sa kanya, mga tol." Sabi niya sa mga ito habang pilit na ngumingiti.
"Tangina!"
"Gago!"
"Ampota, pre!"
Sabay sabay na komento pang sabi ng tatlo niyang mga kaibigan sa sinabi niya.
He smiled bitterly. "Papalayain ko na siya habang maaga pa at hindi pa ako kinakain ng brain tumor na 'to." Sabi niya sa mga ito.
"Hindi raw malabong magiging delusional ako in the coming days or months and it will worsen as I near my end."
At hindi niya na papaabutin pa doon. Kahit labag sa kanya, kailangan niyang makipaghiwalay na kay Johanna.
"Masasaktan si Johanna nito tol! Tangina, wag mong gawin 'to sa kanya." Frustrated na sabi ni Moses.
Naiintindihan ni Dave Angelo ang inaakto ni Moses. After all, he once loved Johanna Ashley.
"Mas makakabuti 'to, tol. Sa kanya." Sagot niya kay Moses.
"2nd option tol." Suhesyon naman ni Ezekiel.
Napailing naman siya dito. Naka-apat na doktor na siya pero pare-pareho lang naman ng ng sinasabi tungkol sa kondisyon niya.
"Umabot na kami sa 4th opinion ni Mama, mga pre. Pareho naman lahat. Swerte nalang talaga kapag umabot ako ng 6 months." Mapakla niyang sabi rito.
Kitang kita niya sa mga mukha nito ang frustration at awa sa sitwasyon niya. Sa kondisyon niya ngayon.
"Sasama ako kay Mama sa US. Doon na ako mags-stay. Hindi malalaman ni Janna ang mangyayari. Mawawala lang ako mga tol pero sya, magpapatuloy ang buhay niya. Magkakaroon siya ng pamilya at magiging masaya. Makakalimutan niya ako. At ako? Babaunin ko ang walong taong pinakamasayang memories kasama siya."
Sambit ni Dave Angelo sa mga ito. Na para bang nakaplano na ang lahat. Na talagang tinatanggap niya na ang kapalaran niya. At ayaw niya na alalahanin pa siya ng babaeng pinakamamahal niya.
"Tangina! Wag ka sumuko, pre!"
Hindi maiwasan ni Moses na makapagtaas ng boses dito.
"Kaya pa yan! Gawin mo lahat ng posibleng paraan para mabuhay ka. Kahit para kay Johanna nalang, pre."
Sana nga ganoon nalang kadali ang lahat. Na kapag lumaban siya, mabubuhay siya. Pero alam ni Dave Angelo na hindi ganoon ang sitwasyon niya.
Napailing nalang siya sa sinabi ni Moses sa kanya.
"Think positive lang tayo, pare!" Sabi naman ni Ezekiel sa kanya.
"Pipilitin ko namang lumaban eh. Pero wala pa ring kasiguraduhan 'yon, mga tol. Kaya hahayaan ko nalang siyang sumaya sa iba kesa masaktan sa akin. Kesa habang buhay niyang sisisihin ang sarili niya at habang buhay niyang pagdudusahan yung pagkawala ko."
"At sana maging mabait ang Diyos sa akin at bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pagmamahalan namin sa susunod na habangbuhay."
Sambit niya at napabuntong-hininga.
Awa. Iyon ang nararamdaman ng mga kaibigan ni Dave Angelo sa kanya. Naaawa sila para sa kaibigan nila. Sa dami naman kasi ng tao, ito pa nagkaroon ng ganitong klaseng sakit.
"Hindi ko kayang tignan si Johanna na hindi sabihin ang totoo. Fuck!" Frustrated na sabi ni Rick.
Mga kaibigan na rin kasi ni Johanna Ashley ang mga kaibigan niya. At alam niyang mahirap din sa kanila ito.
"Anong sasabihin mong rason sa kanya?" Tanong ni Ezekiel.
"That I fell out of love and I found someone new." Iyon lang ang tanging naisip niyang dahilan dito. Para magalit ito sa kanya at kamuhian siya.
Hindi sang-ayon ang mga kaibigan niya sa sinabi niya at sinubukan pa rin ng mga ito na kumbinsihin siyang sabihin ang totoo kay Johanna pero buo na ang desisyon niya. At sa huli, wala ring nagawa ang mga kaibigan niya kundi hayaan siya.
Nagtagal din ang pag-uusap nilang magkakaibigan. Mag-gagabi na nung naisipan nilang umuwi na.
Habang papunta siya sa apartment na tinutuluyan ni Johanna, tinext niya ito.
"Love, gising ka pa ba?"
Tanong niya rito sa text. Alas nwebe na rin kasi ng gabi.
Pagkatapos kasi nila kanina na magkita magbabarkada, umuwi pa siya sa bahay nila ng Mama niya. Natraffic siya ng kunti kaya ginabi ng sobra.
"Yes po, mahal. Kakauwi ko lang din kasi natraffic ako kanina."
Napangiti naman si Dave Angelo sa nabasang reply sa kanya. Hindi nito alam na pupuntahan niya ito ngayong gabi.
As soon as he arrived at the place, lumabas agad siya sa sasakyan niya at lumapit sa gate ng apartment. He pressed the doorbell.
Nagtaka naman si Johanna kung sino yung nagdoorbell eh anong oras na.
Mula sa labas ng gate, tanaw na tanaw ni Dave Angelo si Johanna Ashley na papunta sa bintana para silipin siguro kung sino ang nasa labas.
Pagkakita nitong siya ang nasa labas. Agad nanlaki ang mga mata nito at dali daling lumabas.
"Mahal? Oh my gad, mahal! Nandito ka?!" Johanna Ashley exclaimed.
Natawa naman si Dave Angelo sa reaction nito.
As soon as she opened the gate, she automatically hugged him.
"Namiss kita ng sobra, mahal!" Sabi nito sa kanya at hinigpitan pa lalo ang yakap.
Hinalikan niya ang ulo nito habang yakap yakap pa rin niya ito. "Namiss rin kita, love. So much."
Nakarinig naman siya ng hikbi mula rito. Umiiyak ito kaya napabitaw siya sa yakap.
"Akala ko ba bukas ka pa? Bakit nagpapaiyak lagi?" Tanong pa ni Johanna Ashley sa kanya at napasinghot pa.
Napatawa ng bahagya si Dave Angelo sa tanong ni Johanna Ashley sa kanya. He then cupped her face and wipe her tears.
"I want to surprise you, love. Di 'ba sabi ko gagawan ko ng paraan? And here I am now." Nakangiti niyang sabi rito.
"Tara pasok na muna tayo sa loob." Aya niya rito dahil medyo malamig na rin sa labas.
Pagkapasok nila sa apartment ni Johanna Ashley, niyakap na naman siya nito ng mahigpit tapos kumapit pa ito sa kanya.
"I love you, mahal. Thank you kasi andito ka na, umuwi ka na sa wakas. Sobra talaga kitang namiss." Sabi nito habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Dave Angelo.
"I love you even more, love. I love you so most." Halos bulong na sabi niya rito.
Umalis sa pagkakayakap si Johanna. Hinalikan siya nito and he responded to her kisses.
---
yaaay! finally, nagkatime ako para mag-update! dapat kanina tong 11PM pero hindi kinaya ng powers. 😂 anyways, happy julievid day!! kahit 15 na ngayon hehe. hope you liked it. #SSNHB3
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"Love is a hope of eternity. It erases all notion of time and all fear of an end."
Happy JulieVid Day! 💛
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
Sa Susunod Na Habang Buhay | Chapter 2
"Love, may work ka ba bukas?"
Tanong ni Dave Angelo kay Johanna Ashley. Katawagan niya ito ngayon.
Nakausap niya kagabi ang doctor niya. Pwede raw siyang makauwi ngayon pero babalik siya for some tests sa susunod na araw. At kailangan din masigurado na nasa kondisyon ang katawan niya bago niya simulan ang procedures na sinasabi ng doctor niya. Gagawin niya iyon pero gusto niya muna makasama si Johanna Ashley. Kahit sa huling pagkakataon man lang.
"Yes, mahal. Di 'ba sabi mo, uuwi ka ngayon?"
Bakas sa boses ni Johanna ang pagkamiss kay Dave Angelo. At miss na miss niya na rin talaga ito. He can't wait to see her.
"Di 'ba love, sabi ko, I will try?"
Malambing niyang sabi rito. At alam niyang naka-pout na naman ngayon si Johanna Ashley.
"Pwede ka bang umabsent bukas, love? Can we be together tomorrow?"
Malambing niyang tanong dito. Gusto niyang mag-date sila bukas. Gusto niyang sulitin yung araw na makakasama niya ito.
"Aww, bakit naglalambing? Miss na miss mo ko 'no?"
Pabiro pang sabi ni Johanna Ashley sa kanya. He chuckled.
"Yes, love. Sobra."
He honestly said. Miss niya na ito ng sobra. At sa mga oras na 'to, wala siyang ibang gustong gawin kundi makasama ito, mayakap, mahagkan, iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
"I love you, my baby Gelo. Sayong sayo ako bukas."
She said sweetly. Puno rin ng pagmamahal. Napangiti si Dave Angelo sa narinig niya mula rito.
"Thank you, love. I love you."
"Aysus! Mas mahal kita. Teka, saan ba tayo bukas?"
Johanna asked him. Bakas sa boses nito ang pinaghalong excitement at tuwa.
"Sa mga espesyal na lugar sa atin. Balik tayong UP? Sa isawan kung saan mo 'ko sinagot no'n."
Sagot ni Dave Angelo. Gusto niyang balikan nila ang mga espesyal na lugar sa kanilang dalawa at unang una doon ang lugar kung saan sinagot siya ni Johanna Ashley.
Bigla namang tumahimik ang kabilang linya. Nagtaka naman siya. Magsasalita na sana ulit siya nang magsalita si Johanna Ashley.
"May problema ba, Gelo? Pinapakaba mo 'ko!"
Halata sa boses nito ang pagkalito at pagtataka kung bakit bigla naisip ni Dave Angelo na magpunta sila sa isawan kung saan niya ito sinagot.
"Walang problema, love. I just missed the simple things we enjoyed before."
Sagot niya rito. Masigla ang boses niya. Hindi niya pinahalata na may problema. Ayaw niyang makaramdam ito na may problema.
"Hanna, my love?"
Tawag pansin niya rito dahil natahimik ito sa kabilang linya.
"Yes, mahal?"
"I love you very much, Hanna love."
Punong puno ng pagmamahal niyang sambit. Na para bang nauubusan na sya ng panahong sabihin ang mga katagang iyon. Na para bang bilang nalang ang pagkakataong masasabi niya iyon.
"Mahal na mahal din kita, Gelo ko. Miss na kita ng sobra sobra. Uwi ka na sakin."
"Uuwi ako sayo, love. Palagi akong uuwi sayo."
Gusto niya pa sana kausapin pa ito pero dumating na ang doctor niya kaya nagpaalam na siya rito.
"Sige na, love. May aasikasuhin lang ako. I love you."
Paalam ni Dave Angelo kay Johanna Ashley.
"Okay, mahal. Mahal din kita, sobra. Ingat ka diyan."
And when the call has ended, Dave Angelo faced his doctor.
"Here's the discharge papers, Mr. De Guzman. Babalik ka dito in two days. I scheduled your tests already. We also need to make sure your body is ready for the procedures and ofcourse, sa gagawin nating operasyon. Just make sure, tatawagan mo ako agad once sumakit ulit ang ulo mo and kapag naramdaman mong inaatake ka na naman ng sakit mo. We don't want another seizure here, Mr. De Guzman."
Pagbilin ng doctor niya sa kanya and gave the discharge papers to him.
"Thank you, Doc." He said to his doctor and smiled at him.
The doctor smiled at him, too. "Mauna na ako. See you in two days, Mr. De Guzman."
Pagkaalis ng doctor niya, agad siyang nag-ayos ng gamit. Papunta na rin ang mommy niya kaya hihintayin niya nalang ito para sa billing.
Habang nag-aayos, inisa isa niya ang mga nasa folder na mga papeles. It's actually all the records about his illness. Nasa folder ang mga resulta ng tests niya, lahat lahat.
Napako ang paningin ni Dave Angelo sa isang papel. Ito yung findings niya the moment he felt something so weird on his body. Lumala rin ang sakit ng ulo niya at nagcollapse pa siya.
"Mr. De Guzman, tatapatin na kita. You are suffering from glioblastoma. It's a kind of cancer that produces tumor in different areas from your brain. Walang specific na target ang glioblastoma, that's why whatever area ang tubuan ng tumor ay iyon ang magiging main target niya para sirain ang function ng isang tao."
Paliwanag ng doctor niya sa kanya at kahit gusto niyang manlumo sa narinig, pilit siyang ngumiti rito.
Hindi niya lubusang maisip kung ano ang sakit niya. The doctor explained everything in front of him hanggang sa maunawaan niya kung ano ang kondisyon niya.
Wala siyang matukoy na dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong klaseng sakit but maybe this is because of having a sharp memory.
"G-Gaano kalala?" Basag ang boses niyang tanong sa doctor na nasa harap niya at nababasa niya sa mga mata nito ang sagot.
Na kahit wala itong sabihin, ramdam niyang wala na siyang pag-asa.
"Stage 4. Among all the cancers, ang Glioblastoma ay laging classified as a grade 4 cancer dahil aggressive ang sakit na ito. That's why it is lethal."
Paliwanag muli ng doctor kay Dave Angelo at halos magliyab ang maya nito sa naririnig.
Hindi niya lubos maisip na ang tumor na akala niya madadaan lang sa mga gamot ay aabot sa ganito kalala.
"S-Sabihin niyo sa akin, may pag-asa pang gagaling ako, di 'ba?" Pagkumbinsi niya sa doctor niya pero tuluyang gumuho ang mundo niya sa naging sagot nito sa kanya.
"Yes, we can do some procedures and surgery but patients with glioblastoma stage 4 usually survive for 15 to 16 months after the said surgery. But mostly, patients don't survive as long. And in your case, I'm sorry Mr. De Guzman, kumakalat na sa brain cells mo ang tumor. And based sa result ng tests mo, I have to say, you have atleast 6 months to live. Unless, you survive the surgery and take the procedures."
Malalim at marahas na napabuntong hininga si Dave Angelo sa naalalang pag-uusap nila ng doctor niya no'n.
Napapikit siya sandali at bumuntong hininga ulit.
Ang daya ng tadhana. Napaka-daya.
Hi hello! Hehe. Ito na ang chapter 2 ng #SSNHB! Sana magustuhan niyo. Hehe. Sasaktan lang ng very light.
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
Sa Susunod Na Habang Buhay | Chapter 1
"Mahal? Kumusta ka dyan? I miss you so much."
Napatitig si Dave Angelo sa natanggap niyang text mula sa fiance niya. Ang alam nito may kailangan silang tapusin na isang project.
Dave Angelo De Guzman is an engineer. While his fiance, Johanna Ashley Saavedra is an Architect. Naging magkatrabaho na rin sila dati but when he proposed to her, he decided to accept the offer of Sy Corporation. Mas malaki kasi ang sahod dito at tamang tama dahil plano nilang umpisahan na gawin ang dream house nila.
"Hindi pa ba tapos ang project niyo dyan? 6 days ka nang di umuuwi mahal. :'("
Hindi pa siya nakakapagtype ng irereply, may natanggap ulit siyang text mula rito. Napabuntong hininga naman siya. Mabigat ang loob niya.
"Hi love! Miss na rin kita sobra. I'm sorry, we need to work overnight para matapos 'to. In 2 days love, uwi ako. Babawi ako sayo, promise."
Agad niyang sinend sa fiance ang reply.
"Anak, kailan mo sasabihin kay Johanna ito?" Tanong ni Mrs. Elena De Guzman, ang ina niya.
Napatingin naman siya rito. "Hindi na kailangan Ma. Hindi niya na dapat malaman 'to."
"Hindi rin pwede mag VC tayo, mahal? I want to see you. Grabe mahal parang 1st time to nangyari. Na ganito katagal tayong di nagkita. Miss na miss na talaga kita"
Napatingin ulit siya sa cellphone nya nang tumunog ito. May reply ang fiance niya sa kanya.
Miss na miss niya na rin ito. Pero hindi pa rin siya pwede umuwi.
"Bakit natitiis mo na ako ng ganito? After 8 years mahal?"
Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin dito. Tama naman ito, unang beses to nangyari na matagal sila di nagkita at hindi pa sila nagvivideo call man lang. Pero wala naman siyang magagawa.
"Love naman. Hindi ako makakapagfocus nito."
Reply niya dito. Totoo naman na hindi siya makafocus. Gustong gusto niya na lumabas dito at puntahan ang fiance niya. Gusto niya umuwi at yakapin lang ito.
"Anak, kailangan nyang malaman 'to." Muling salita ni Mrs. De Guzman.
Napatingin naman si Dave Angelo sa ina. "Ma, hindi na nga kailangan. Ayokong mahirapan siya."
Napailing naman sa kaniya ang ina niya. "Karapatan niyang malaman, anak."
Bahagya siyang ngumiti dito, "Ako na bahala, Ma. Wag niyo na isipin 'yon. 6 months naman lang di 'ba? Hindi ko na rin itutuloy ang kasal."
Hindi na kailangan pang malaman ni Johanna Ashley ang kalagayan niya. Para kay Dave Angelo, mas mabuti kung wala itong alam para hindi ito mahirapan at maging masaya lang itong magpapatuloy sa buhay niya kahit na mawala pa siya.
Napakunot naman ng noo si Mrs. De Guzman sa narinig mula sa anak niya.
"Ano bang sinasabi mo?! Anak, pupunta tayong US. Magpapagamot ka doon! Anak naman, may paraan pa rin naman." Nahihirapang sabi ng ina niya.
Pagod niya itong nginitian, "Narinig mo naman ang sinabi ng doctor, Ma. I only have 6 months to live. Mabuti na 'yong tanggapin nalang natin."
"Hindi, Anak! Mabubuhay ka. Basta sundin natin yung payo ng doctor mo. Mabubuhay ka, Anak. Kaya kailangan mong sabihin kay Johanna ito. Karapatan niyang malaman ito. Pwedeng sumama siya sa atin sa US. Anak, gagawin natin ang lahat para mabuhay ka."
Nakikita ni Dave Angelo sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman nito. Gusto niya umasa na gagana sa kanya ang procedures na sinabi ng doctor niya pero alam niya namang maliit lang ang tyansa doon. Paano kung hindi successful? Paano kung bigla nalang niyang maiwan ang mga taong mahal niya? Paano kung lumaban siya pero hindi pa rin sasapat? Hindi niya kaya na makitang nahihirapan sa kanya si Johanna. Mas mabuti na 'yong siya nalang. Para kapag wala na siya, makakahanap pa rin ito ng mamahalin na higit pa sa kanya.
Hinawakan ni Dave Angelo ang kamay ng kanyang ina.
"Ma, ayokong ipaalam 'to sa kanya. Please, ito lang hiling ko sa inyo. Don't tell her about this. Mangako ka, Ma. Please." Pakiusap nito sa kanyang ina.
Nag-aalangan man pero wala ring magawa si Mrs. De Guzman. Tumango nalang siya sa anak.
"Basta, gagawin natin ang procedures na kailangan. Please, Anak?" Pakiusap rin ng ina niya sa kanya.
Tumango siya rito bilang tugon. Kahit naman kasi sundin niya 'yong sinabi ng doctor, there's no guarantee na mabubuhay siya.
"Joke lang mahal! I love youuuu! And i miss you so much!"
Napangiti si Dave Angelo sa nabasa niyang reply text ng fiance niya.
"I love you more, love. Matulog ka na. Late na masyado."
Sagot niya naman dito. Mahal na mahal na mahal kita, Hanna ko.
Wala pang isang minuto, may reply na agad si Johanna Ashley sa kanya.
"Masyadong matagal ang 2 days mahal. Pwede bang after 2 days nalang ako magising para pag gising ko, andito ka na?"
Napailing naman si Dave Angelo sa nabasa.
"Kapag naging mabait ka at di na pasaway, baka bukas andiyan na ako."
Pero hindi naman sigurado ni Dave Angelo kung pwede na. Hindi pa nag rounds yung doctor niya. Pero gusto niya na talagang umuwi.
"Promise yan, mahal?"
Napabuntong hininga naman siya sa reply nito sa kanya.
"I will try, love. Sige na, tulog ka na. I love you so much."
Susubukan niya. Mamaya pagpunta ng doctor niya sa kanya, itatanong niya kung pwede na siyang madischarge. He's fine now. Wala naman na siyang nararamdamang sakit sa ulo niya.
"Okay, mahal. Ikaw rin diyan, matulog na. Don't stress yourself too much. Pahinga ka rin. I love you so so much po. Mwahh!"
Napangiti naman ulit si Dave Angelo sa nabasa niya.
"I will, love. Good night, sweetdreams! I love you more."
Inilagay niya ang phone niya sa malapit na table na nasa room niya.
Napabuntong hininga ulit siya. Muli, nakakaramdam ulit siya ng bigat sa dibdib. Ang hirap tanggapin na mayroon na lamang siyang anim na buwan sa mundo. Pakiramdam niya lahat ng pangarap niya, nawasak. How can he be a husband to Johanna Ashley kung 6 months nalang, mawawala na rin siya?
A year ago, his doctor told him na may Brain Tumor siya. Sinunod niya naman lahat ng bilin ng doctor sa kanya pero 2 weeks ago, while he is at the site, bigla siyang nahilo at nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo. The doctor said na kumalat ang tumor sa utak niya. Akala niya maagapan niya sa gamot, pero nag seizure siya 6 days ago. Dun na rin sinabi ng doctor na may taning na ang buhay niya.
Stage 4 Glioblastoma. A brain cancer. And according to his doctor, 5% lang ang nakakasurvive mula sa sakit na 'to if he'll go with the procedures and operations.
Fuck his life. Fuck this tumor. Fuck this cancer.
Kahit siya, hirap na hirap ding tanggaping ilang months nalang ang natitira sa buhay niya pero wala naman siyang magawa kundi maging handa at tanggapin kahit na may paraan pa.
Ito na guys!!! hehe #SSNHB1 😊 oo, magsakitan tayo dito chz! maikli lang sya bawat chapter kasi maikli lang talaga trip ko. Hope you like it. 💛
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"I'm sorry, Janna. Hindi na natin itutuloy ang kasal."
"Ano? Bakit? Anong problema?"
"I've been thinking these past few months, hindi pa pala ako handa."
"Bakit natin pinaabot sa ganito? Isang buwan nalang, Gelo! Napamigay na rin natin ang invitations. Mag-usap tayo please."
"I'm really sorry, Janna."
"May iba ba? Kaya ba pag magkasama tayo, parang ang lalim ng iniisip mo? Kaya ba lagi kang wala? Be honest with me, Gelo! May iba ka ba?"
"Walang iba, Janna. Pero di pa ako handa. I'm sorry."
"If you're not ready now, then let's postpone it. Mahal, mag-usap tayo. Pag-usapan natin to ng personal please."
"No, Janna. I'm sorry but, I'm leaving you."
Hindi ba pangako mo no'ng una, tiwala'y iingatan
Baka naman
Sa susunod na habang buhay
"Mamimiss ko ang bawat tawa, yakap, halik, pagmamahal at luha. Hanggang sa muling pagkikita natin mahal. Kung saan at kailan man yan, sana wala nang iwanan. Ikaw pa rin at ikaw lang, Dave Angelo."
- Sa Susunod Na Habang Buhay | JulieVid Short Story
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
Dave Angelo De Guzman & Johanna Ashley Saavedra
- Sa Susunod Na Habangbuhay | JulieVid Short Story by julielicauco
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
'Di talaga inasahang magkagulo't magkagulatan
Tahanang pinagpaguran, sa'n na napunta?
Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan?
Baka naman, sa susunod na habang-buhay
At kahit nabago na ng oras, ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin sa susunod na habang-buhay
Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Sa susunod na habang buhay
- Sa Susunod Na Habang Buhay | JulieVid Short Story
Will start this week. 😊
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"Love is
reading each other in silence
Love is
the infinity that circles the heart
Love is
the intimate strokes of the soul
Love is
an addiction of needs and wants
Love is
unconditional without doubts"
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"Love is
when I choose you without hesitation
every time my heart encounters your love.
Love is standing through every trial with you,
an unwavering spirit of hope & tenacity."
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"A man who breaks all barriers to be with only you
Every woman's dream" ❤
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"A day wrapped up in you
Perfection"
Tumblr media
1 note · View note
julievidworld · 2 years
Text
"The fact that I've finally found you.
does nothing but show me that life has a meaning: to make us complete & flawless when we're together,
to be more good & contaminate with our naive happiness.
To shed light in the darkness of daily boredom and to smile at life."
Tumblr media
1 note · View note
julievidworld · 2 years
Text
"Looking into each other’s eyes.
We have connection.
We have desire.
We have passion.
To feel each other.
We know,
We understand each other.
No need to say words.
I am all yours.
As you are all mine
For companionship.
For intimacy.
For everything.
To be together."
Tumblr media Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"One day I'll tell about how I undressed your heart, how I made you up.
How our all dreams come true
How U waited for me & how U shower your love like rain showers that satisfies the thirsty earth & when I came how your eyes sparkled & how your face glow with beautiful smile."
Tumblr media
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
"Hanggang kailan ba tayo magtatago?"
"Hanggang tahimik na ang mundo."
"Paano kung hindi tatahimik? Habang buhay nalang ba tayong magtatago?"
"Naiinip ka na ba?"
"Hindi. Pero gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na akin ka. Na sayo ako. Na tayo. Pwede ba yun? Pwede kayang maging malaya naman tayo?"
"Pwede naman. Pero huwag muna. Ayokong maraming makisawsaw sa atin."
"Sabagay. Pero sana, kapag pwede na, handa ka na. Kasi ako, una palang handang handa na."
0 notes
julievidworld · 2 years
Text
#JulieVid: ang natatangi kong pahinga, ang hantungan sa pag-iisa. 💛
Tumblr media
1 note · View note