Tumgik
jcdjliteratura · 4 years
Text
JOSE CORAZON DE JESUS
Ang buong pangalan niya ay Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan De Jesus. Siya ang ika-dalawang anak nina Dr. Vicenti de Jesus at Gng. Susana Pangilinan na ipinanganak noong Nobyembre 22, 1894 at nakatira sa Purok Trinidad, Sta. Cruz, Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ay mayroong dalawang kapatid na sina Vicenti Fr., panganay, at ang bunso ay nagngangalang Rosa. Si De Jesus ay nag-aral ng sekondorya sa Liceo de Manila at ng abogasya sa Escuela de Derecho. Nagtapos siya ng Abogasya noong 1919. Nag-aral din siya ng Humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
MGA SAGISAG NI JOSE CORAZON DE JESUS
Tumblr media
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #1. ANG BUHAY NG TAO
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Ang buhay ng tao ay isang libro na ang bawat pahina ay walang humpay na sinusulatan ng bawat isa na may tumitibok na puso. Hindi lahat ay madaling basahin o ilathala sa mga libro ng ating buhay ngunit ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Kailangan ng bawat isa na mabuhay sa gitna ng pagangat at pagragasa ng alon dahil ang buhay ay hindi araw araw na madaling sabayan o pakisamahan, halos kalimitan ay magiging puno ito ng pagsubok at mga katanungan na di mahanap ang kasagutan. Sa ating paglalakbay sa buhay, marami tayong makikilala na magiiwan sa atin ng aral at mga abiso para sa ating ikauunlad, ngunit hindi lahat ay magiging masaya o madaling unawain sapagkat may mga papasok rin sa ating buhay na magdudulot ng sakit at sugat. May mga tao na napapaligid sa atin na hindi mabuti ang intensyon sa atin at sila ang magtuturo sa atin na mas maging matalino sa pagdedesisyon kung sino ang pagkakatiwalaan natin ng mga totoo na sarili natin. May mga taong nahuhulog sa kalungkutan at natutungo o sumusuko sa kasamaan ng mundo, kahit depende ito sa asal sa kanilang tahanan may kakayahan din silang magbago at umiwas sa mga iyon. Kailangan lang ng isang malakas na pagnanais upang makahakbang patungo sa mabuting pagbabago.Kaliwa’t kanan ay napapaligiran tayo ng naghalo halong kabutihan at kasamaan at hindi magiging madali ang pagtuklas kung sino ang nararapat natin nabigyan ng tiket sa ating buhay. Sa ating mga misyon sa buhay, malaking bagay ang pagkakaron ng matibay na paniniwala sa sarili dahil maraming pagsubok at tao na hahadlang sa atin sa pagkamit ng mga pangarap. May mga tao na hindi ka tutulungan at hihilahin ka papunta sa baba. May mga tao na susuko at hindi na lang hahabulin ang pangarap. Sa dinami dami ng tao sa mundo, hindi lahat ay natutupad ang pangarap at nauuwi sa pagkabigo. Importante ang magkaroon ng paguugali na mabuti at may paninindigan sa pangarap dahil ito ang magiging panlaban natin sa mga hamon ng buhay.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #2. PAG-IBIG
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Sa simula ng tula, napapahiwatig ditto ang kalungkutan o paghihinagpis. Kaakibat ng pagmamahal ang sakit at sadyang hindi to maaalis kailanman sa usapan kapag nagmahal ang isang tao. Nakakalito ang pag-ibig. Hindi maipaliwanag kung ano nga ba ang nagpapahirap para maunawaan ang pag-ibig sapagkat ito ay isang bagay na malawak ang depenisyon o nasasaklaw. Nagdudulot ito ng kilig na sadyang hindi maipaliwanag at kung bakit nito naaapektuhan ang buong sistema ng ating pagkatao.
Ang pag-ibig ay tila nakakalunod rin para sa mga puso. Kapag ang pag-ibig ay tunay at totoo ay hindi na malaman kung ito ba ay mabuti o masama para sa atin dahil tayo’y nasakop na ng pag-ibig. Hindi na nakokontrol halos ng tao ang mga sariling emosyon kapag natamaan ng tunay na pag-ibig, kahit ito man ay isang henyo o isang tao na marami nang napagdaanan, hindi pa rin kadalasan na nagagamit ang isip kapag ang pag-ibig na ang kumatok sa ating mga pintuan. Minsan ay kahit nasa mali na tayo ay inilalaban pa rin dahil sa ating pagiging mapangahas dulot ng pagkadakip ng pag-ibig. May mga bagay na hindi kadalasang nagagawa ng tao ngunit dahil sa pag-ibig ay nagagawa nitong lagpasan ang mga pagsubok at makawala sa kadena na bumalot sanhi ng paghihirap ng buhay. Nagagawa rin ng tao maging makasarili dahil tila para sa sariling kapakanan at kagustuhan lamang ito umaayon. Hindi na napapansin ang kapakanan ng iba lalo na ang kanilang mga damdamin.
Sa huling parte ng tula, nagpapahiwatig ito ng pagbibigay payo para sa bawat isa sa atin lalo na sa mga kabataan. Ipinapakita o ipinapaunawa nito ang kakayanan ng pag-ibig at inaabisuhan tayo na huwag maging mapangahas at magpakontrol sa pag-ibig na hindi tama ang landas. Maging maingat tayo sa mga aksyon natin at panatilihin ang kagandahan ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa sa wasto at mabuting paraan.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #3. ANG TREN
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Ang bawat isa sa atin ay naglalakbay sa ating buhay. Sa bawat desisyon, pagsubok, pagkabigo, at tagumpay ay nararanasan natin sa ating pagtuhog sa mga sariling daan natin. May mga panahon na tila parang wala nang patutunguhan ang ating paglalayag ngunit ang mga saglit na paghinto na ito ay nagsisilbi lamang pagsubok na kailangan natin malagpasan upang tayo ay mas matuto at mas maging gahaman sa ating mga ginagawang desisyon sa ating paglalakbay. Malaya ang bawat isa na pumili ng landas, gumawa ng desisyon, o manatili sa kanilang kinaroroonan. Ang kahiwagaan ng paglalakbay ng tao ay tunay na kahangahanga dahil sa bawat segundo na lumilipas ay may kabanata na nagsisimula o lalong mas nagiging kasiya-siyang subaybayan para sa mga nagkakatagpo sa mga tinahak na daan sa buhay. Ang lahat ng tao ay may nakatokang layunin o misyon sa buhay. Sa ating paglalakbay ay maaari nating matagpuan ang mga layunin na ito o kaya naman ay ang layunin ay maging tagapagsimula ng ating paglalayag sa buhay. Isa sa mga gintong layunin na maaari nating matamo o Makita ay ang pag-ibig. Napakaraming tao na ang nabigyan ng sigla sa kanilang mga paglalakbay dahil sa pag-ibig. Hindi maipaliwanag ang kakayanan nitong makapagbigay ng lakas at inspirasyon sa bawat isa na madapuan nito. Nagiging rason ang pag-ibig sa pagpapatuloy at pagtitiyaga ng mga manlalakbay sapagkat ang lahat ng paghihirap ay iniaalay nila sa pag-big at ang kapalit nito ay ang hindi maipaliwanag na pagkagaan sa puso. Ang buhay ay isang pagsubok. Ito’y isang paglalakbay na kailangang maranasan ng bawat isa dahil ito mismo ang kahulugan ng buhay ng tao. Hindi man araw araw maganda ang umaga at payapa ang mga gabi pero ang lahat ng ito ay napapaloob sa mga kwento ng bawat isa at ito’y humuhubog sa ating lahat upang tayo’y mas maging maalam at makapagbigay halaga sa bawat paglalakabay na ating tatahakin o sa tinatahak ng iba.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #4. PUSO, ANO KA?
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Maraming damdamin at layunin na nakapaloob sa puso ng tao. Ipinapakita ng tula na ang puso ay nagdadala ng maraming layunin sapagkat ito ang gumagabay sa mga desisyon, at pagiisip ng tao. Malaki ang gampanin ng puso ng bawat isa, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit nabubuhay at nakapaglalakbay ang tao sa mundo, ngunit ito rin ang puno at ugat ng ating pagkatao. Sa puso ng tao ay napapaloob ang mga damdamin at mga karanasan sa buhay. Kung ang utak ang nagiisip, tila ang puso ang nagsisilbing kwaderno na kung saan naiilathala dito ang kwento n gating buhay. Ang pagmamahal ay hindi malayong usapin kapag ang puso ang tinutukoy. Sa puso ng bawat isa ay nagtatago ang tunay na pagmamahal na ating kayang ibahagi sa ating kapwa hindi lamang sa aksyon at pagpapahalaga ngunit pati rin sa isang hindi maipaliwanag na aspeto ng pagmamahal at iyon ang tila nagbubuklod sa lahat ng tao sa mundo. Nagagawa ng pag-ibig na maging sandata natin laban sa mga pagsubok at hirap na ating mararanasan sa buhay. Ginagabayan tayo ng ating puso sa ating paglalakbay at ito ang nagbibigay ng lakas upang tayo’y tumayo kapag nadadapa sanhi ng mahirap na mga pagsubok na ating hinaharap. Maraming tao ay nabibigo sa mga desisyon na hindi pinakinggan muna ang puso at tuos na inisp. Kailangan natin alahanin na hindi hudyat ang ating mga pagkakamali upang tayo’y tumigil sa ating mga paglalakbay. Kailangan lang natin na magtiwala sa ating mga sarili at isapuso ang mga layunin sa buhay. Ang pagbabago ay nakikita sa loob ng sariling puso na gumagabay sa mga Gawain natin. Magiging maganda ang patutunguhan ng bawat isa kung matututo tayo na makinig ng mabuti sa ating mga puso.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #5. MANGGAGAWA
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Ang kabuuan ng tula ay nagpapahiwatig ng husay ng isang manggagawa. Ipinipinta sa tula ang isang manggagawa at ang kanyang mga kailangan pagdaanang pagsubok sa kanyang buhay. Hindi madali ang magsikap para sa ikabubuhay ng sarili lalo na kung may pamilya na umaasa sa katas ng pagtatrabaho. Sa simula ng tula, ipinapakita ang mga uri ng trabaho at ang kanilang pagpupursigi sa mga larangang iyon. Inipakita rito ang mahirap na proseso na kinakaharap ng mga manggagawa upang makalikha ng mga bagay na nagiging produkto na mabibili at magagamit ng mga mamamayan. Sa bawat pagtitiyaga at tulo ng pawis ng mga manggagawa ay may katumbas na kapakipakinabang para sa mamamayan. Malaking gampanin ang meron sila sapagkat sila ang nagsisilbing tagapaglikha ng mga bagay o instrumento na nagpapadali sa mga buhay ng mga gumagamit nito. Sa bawat bagay na ating tinatangkilik o ginagamit sa mga tahanan, halos lahat sa mga ito ay resulta ng pagpupursigi ng mga dakilang manggagawa natin. Sila ang dahilan kung bakit marami ang lahat na natatamasa na kaginhawaan sa pamumuhay. Sa pahuling parte ng tula, tinalakay naman dito na karapatdapat bigyan ng pugay at pasasalamat ang mga manggawa dahil kung sila’y huminto o piliin na huwag magsikap ay talagang magiiba ang pamumuhay ng mga mamamayan. Sila’y malaking parte ng buhay ng bawat isa at napakarami nilang naiambag sa lipunan. Hindi lang basta trabaho para sa kanila ang walang tigil na pagsisikap nila kundi ito’y dakilang misyon para sakanila. Ang mga manggagawa ang mga bayani na kailanman ay hindi dapat tumigil ang pagbibigay pugay natin sa kanila.
0 notes
jcdjliteratura · 4 years
Text
TULA #6. ISANG PUNONGKAHOY
Isinulat ni: Jose Corazon de Jesus
Tumblr media
Sa akdang ito ni Jose Corazon de Jesus, ginamit niya ang “Punongkahoy” bilang paghahalintulad sa kanyang sarili. Mapapansin sa unang saknong na tila may lalim ang pag-iisip ang awtor. Inilarawan niya ang kanyang persona na nagbibigay pugay o pansin sa Panginoon. Sa ikalawang saknong, nagpinta si Jose Corazon ng imahe na kung saan ay matatagpuan niya ang kanyang sarili sa isang lamay. Sa mga susunod na taludtod ng saknong ay tila naririnig niya ang daloy ng musika na tinutugtog sa simbahan sa kanyang lamay. Sa ikatlo at ikaapat naman na taludtod, ang naglalarawan sa kanyang lamay ay ang mga kandila na naghahalintulad sa mga tanod o mga nagbabantay sa kanyang lamay. Matatagpuan sa ikatlong saknong ang salitang “batis”at ang kahulugan nito sa tula ay ang pagluha ng mga taong tumatangis dahil sa kanyang pagpanaw. Sa ikatlo at ikaapat na taludtod naman ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na kinalalagyan at inihalintulad ito sa isang sanga ng punongkahoy. Sa pagsusuri sa ikaapat na saknong, mapupulot dito ang tunay na pag-iyak ng mga nagmahal ng tunay sa may akda. Sa kanyang imahinasyon ay napagtanto niya na talagang may nagmamalasakit sa kanya at ang patunay nito ay ang walang humpay na pagdadalamhati at pagtangis ng mga tao na nakaabang sa kanyang lamay. Sa ikalimang saknong, ang kampana ng simbahan ay tumunog bago ang pagalis ng kabong. Ito ang hudyat ng papalapit na paghahatid sa kanya sa huli niyang hantungan. Bawat isa sa mga nagmamahal sa kanya ay naghagis ng bulaklak sa kanyang kabong bilang isang uri ng pamamaalam. Patuloy pa rin ang pag-iyak ng mga tao at tunay na makikita ang kalungkutan na bumabalot sa mga ito dulot ng pagpanaw niya. Sa pagdako sa ikaanim na saknong, sinasabi rito na naihatid na ang awtor sa kanyang huling hantungan at nang ito’y matabunan ng lupa ay tila naglaho lahat ng kanyang kaligayahan. Naramdaman niya sa puntong iyon ang tunay na kalungkutan at pag-iisa sa dilim na bumabalot sa kanya sa loob ng kanyang huling kinalulugaran. Sa puntod na tahimik at madilim ay wala nang nakaabang, wala nang nagbabantay sa kanya. Sa huling dalawang saknong ng tula ay natigil na ang mga guni-guni ng awtor at napagisip-isip niya na hindi nakakatuwa ang dumaan sa kanyang isipan. Nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan sa puntong iyon. Inilaan niya ang kanyang mga gawa sa kabutihan upang maging inspirasyon sa kanyang kapwa. Ang panahon natin sa mundo ay may hangganan. Katulad ng lahat ng ating mga napagdaanang pagsubok, mga naramdamang emosyon, at mga pangarap ay lahat ng ito ay may tuldok rin. Sa abot ng ating makakaya, malaking bagay ang pagsulit natin sa oras na namamalagi tayo sa mundo sapagkat ang buhay ay napakagandang regalo sa atin na hindi dapat natin sinasayang. Nararapat pasalamatan natin ang Diyos na nagbigay buhay sa atin sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at gawing makabuluhan ang ating pamamalagi sa mundo.
2 notes · View notes