Tumgik
ilosaphria · 3 years
Link
Sana'y maenganyo tayo na magaral ng mabuti sa online classes kahit na sa maraming pagsusubok na ating nararanasan. Halina at makinig para sa tips na makakatulong sa ating pang araw-araw bilang estudyante
0 notes
ilosaphria · 4 years
Text
Manunulat, Sarili Nating Libro ng Wika
Isinulat ni: Justin A. Francisco 
      Ang wika ay parang libro, ito ay isang malawak na lalagyanan ng damdamin, impormasyon, atbp. ngunit ang laman ng libro ay nanggagaling sa manunulat. Ano ang mangyayari sa libro, kung ang sarili nitong manunulat, ang naninira o nagpupunit ng mga pahina nito? Ang wika ay maaaring itaguri bilang identidad ng isang bansa, ngunit ano ang mangyayari kung ito ay hahayaang mamatay dahil sa kapabayaan ng sarili nitong bansa? Bakit nga ba tuluyang nawawala ang Filipino sa mga Pilipino kahit na ito ay ang kanilang pambansang wika? Hindi ba nila gustong protektahan ang sarili nilang identidad bilang Pilipino, o bilang sariling bansa? Madalang na sabihin ng tao na ang wika'y ginagamit lamang para sa komunikasyon, "bakit natin kailangan pahalagahan ang wika ng ganito kataas?" Kung ganoon nga dapat ang paningin natin sa wika, bakit hindi na lamang isang wika ang gamitin natin para sa buong sangkatauhan? Ang mundo ay puno ng mga bansa na may sari-sariling mga identidad, kultura atbp. Ang wika ng bawa't bansa ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan ng bansang iyon, sapagkat ito ay itinatagurian bilang pangangalaga sa kanilang kalayaan. Ang lahat ng wika ay pantay-pantay ngunit ang taas ng tingin ng mga Pilipino sa ibang wika dahil sa napakaraming mga maling akala. Ito ay isang napakalaking pagkakamali na nag-ugat sa sakop ng impluwensiya ng wikang banyaga sa ating bansa.
     Ang Filipino ay iniikutan ng napakaraming mga pangyayari na madalang ay di nakakabuti sa estado nito bilang wikang pambansa. Ang pinakamalaking problema ng kung bakit ganito ang estado ng Filipino ay dahil sa kapabayaan ng mga Pilipino mismo pagdating sa paggamit o pagrespeto sa sariling wika. Malimit ay ingles na ang ginagamit sa mga paraalan, sa pagtuturo ng magulang sa anak, at sa napakaraming mga gusali, palatandaan, anunsyo, atbp. Ito ay dahil sa kagustuhan ng gobyerno na ituro na lamang ang ingles sa kabataan kaysa Filipino sa ilalim ng kasabihang "Young minds must be trained to be fluent in the language being used worldwide as this will serve as their stepping stone in a guaranteed good career in the future." Isa itong halimbawa ng pagiging sakim ng gobyerno sapagkat wala na silang paki na protektahan ang identidad ng Pilipinas bilang sarili nitong bansa. Sila'y umaasa na lamang sa serbisyo ng ibang mga bansa sapagkat hindi abot sa kapasidad nila na gawan ng paraan ang sarili nitong mga problema. Itinuro ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas, na pag-aralin ang mga bata para sa kinabukasan ng ating bayan, ngunit ang pinagaaralan nilang wika ay gagamitin lamang sa panghimasok sa ibang mga bansa. Imbes na mabigyan ng diin ang Wikang Filipino na sumasalamin sa ating kulturya, ay ang wikang banyaga ang nagiging maskilala sa mga kabataan. Naloloko ang mga kabataan at napupunta sa kanilang isip na ang wikang Ingles ay superyor sa Filipino, ngunit iyon ay malayo sa katotohanan. Ang paggamit sa sariling wika ay hindi nakababawas sa katalinuhan, reputasyon at katanyagan ng isang tao kahit na ito'y gagamitin sa iba’t ibang mga larangan. Kailangan nating paghusayin ang bawat mag-aaral sa Pilipinas, upang ang potensyal na kaalaman ng Pilipinas ay hindi mapunta sa ibang mga bansa.
 Ang wika natin ay parang libro at tayo ang manunulat. Kahit na ang mga pahina nito ay punit-punitin ng sarili nating mga mamamayan, may kakayahan parin tayong makapagsulat. Ang problemang ito ay hindi nakikita ng napakaraming mga Pilipino, kung kaya't tayo lamang ang may kakayahang ayusin ang problemang ito. Tayo dapat ang gumalaw upang ayusin ang problema na ito kung ayaw magsi-kilos ng mga tao sa gobyerno. Kailangan natin protektahan ang ating bansa, tulad ng kung paano ito prinotektahan ng ating mga sundalo sa kasaysayan.
0 notes
ilosaphria · 4 years
Text
Epekto ng Social Media sa ating Pagka-Pilipino
Isinulat ni: Justin Francisco
Ang kalagayan ng Filipino bilang wika sa sarili niyang bansa ay tuluyan nang nababale-wala. Namulat ang aking mata sa mga problema na kinakaharap ng ating pambansang wika nang aking pinanood ang dokyumentaryo na ibinigay sa akin para bigyan ng kritisismo. Natutunan ko sa aking pagpapanood na marami-rami pala sa ating mga kabataan ngayon ay nahihirapan gumamit ng wikang Filipino. Ako ay sumasang-ayon sa mga problemang inilahad sa bidyo sapagkat nakikita ko rin ngayon sa ating mga mamamayan na tunay ngang nawawala na ang ating mga pagka-pilipino. Sa bidyo ay isinasaad at binibiggyan ng diin ang mga pagkakamali, kahirapan, at maling mga kuro-kuro ng mga estudyanteng pilipino pagdating sa wika na ito. Sa blog na ito, gusto kong ipakita sa pamamagitan ng sulat ang aking pananaw tungkol sa kalagayan ng ating pambansang wika at kung paano ito itrinatrato ng ating mga mamamayan.
      Sa panahon ngayon, masmadaling makahanap ng magaling gumamit ng wikang Ingles kesa Filipino. Malimit ang tanging mga tao na marunong gumamit ng wika natin sa kasalukuyan ay ang mga nagaaral ng Filipino bilang klase sa kolehiyo o ang mga matatanda na hanggang ngayon ay marunong pa magsalita. Ako ay sumasang-ayon sa pahayag ng dokyumentaryo na tunay ngang bumaba ang ating kahusayan sa wikang Filipino noong inilungsad ang paggamit ng internet para sa lahat . Aking naiintindihan na ang Internet ay para sa lahat ng tao at hindi lamang para sa mga Pilipino kung kaya't tayo'y nagiingles; ngunit aking napapansin na ang mga pilipino talaga'y gumagamit ng ingles bilang pormal ni wika pagdating sa kanilang mga Internet posts at texts. Malimit ay makikita mo na pinagsasama ngayon ng mga estudyante ang wikang Ingles at Filipino sapagkat hindi kayang subaybayan ng kanilang bokabularyo ang kanilang mga gustong sabihin. Sa aking palagay, ito ay sanhi ng napakahinang ekonomiya ng Pilipinas, kapag ikinumpara sa mga amerikano, tsino, at iba pa. Ito ay aking nasabi sapagkat marami sa mga kabataan ngayon ay nagnanasang magtrabaho sa ibang bansa sapagkat masmaganda raw ang sweldo at ang mga lugar doon. Ang pangarap rin ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay lumiban sila ng Pilipinas upang makapagaral o makapagtrabaho sa ibang bansa upang gumanda-ganda raw ang kanilang mga buhay. Ang naging epekto nito sa ating mga pilipino ay naisip nila na ang wikang ingles ay massosyal ang dating kaysa sa sariling nilang wika. Sa aking palagay, ito ang naging sanhi ng pagpili ng mga kabataan na magaral na lamang ng ingles imbes na Filipino; sapagkat gusto nilang maranasan ang masarap na buhay sa ibang bansa. Sa aking palagay, kung tayo ay makakaahon bilang isang bansa mula sa kahirapan, ay mastatalino ang mga pilipino, at magiging tanyag ang ating wikang sinilangan.
    Ang mga usapin na patungkol sa wika ay malawak rin, kung kaya't marami talagang problema na maaaring sumalubong dito. Hindi rin natin masasabi na kasalanan ng sangkatauhan ang pagkawala ng ating nasyonalismo sapagkat ang problemang ito ay tunay na mahirap tuklasan. Isang halimbawa kung bakit napakahirap makita ang problemang ito ay dahil sa paglaganap at paggamit natin ng internet. Sa kasalukuyan, mapapansin na mahirap talaga ang buhay ng mga taong walang ganap na paraan upang makakuha ng isang gadyet upang magamit para sa pangkalatang pangangailangan. Ang isang cellphone ay maaaring makapagbigay sa tao ng pagkain, tubig, damit, edukasyon, gamot, at marami pang iba. Malimit ay ingles nga ang gamit ng mga tao kapag nagamit ng internet, kung kaya't ingles na rin ang inaaral ng mga pilipino. Ang gusto kong ipaalala sa ating mga pilipino ay ang ating wika ay ipinaglaban at ikinamatay ng ating mga kapwa-pilipino. Isang malaking taksil sa kanila, sa ating bansa, at sa ating pagkapilipino ang pagtalikod sa sarili nating wika. Magandang matuto ng iba't-ibang lengguwahe, ngunit dapat nating ipakita sa iba na tayo ay pilipino, hindi lamang sa papel, ngunit pati na rin sa salita. 
7 notes · View notes