Tumgik
ephraimval · 4 years
Text
A prayer from Athos for salvation from the coronavirus pandemic [also in Filipino]
Tumblr media
The following prayer was said at the Vatopedi Monastery in Mount Athos during the all-night vigil the monks in the Holy Mountain held lately to plead for the world’s salvation amid the global coronavirus pandemic. This was posted on The Ascetic Experience, a website being maintianed by the same monastery.
“Lord Jesus Christ, our God, the chief physician of our souls and bodies, who for us became Man in order to heal the great trauma of man; You, who did not despise the incurable ten lepers, but, through Your saving grace, cleansed them; You, who, as God and Man, during Your presence on earth, helped and cured all the sick and suffering; You, who also gave relief and restored health to the paralytic, the blind, the heavily transgressed, the demoniacs and the easily drawn into both the flesh and the spirit, do favorably accept our plea and expel, through Your power, the deadly virus that bears the shape of a corona, causing phobias or even death to the ailing and innocent victims. And, if for our many transgressions, You allowed these tempters, we beseech You, as the benevolent one, to take it away from us and from the entire world. But, if for a test of our faith, You found it necessary to continue its presence, ease the distress of the ailing from this epidemic.
“And, if through the evil works of Satan, or the negligence of careless humans, this virus was spread, smash its power, as omnipotent God.
“Protect the youth and guard all those who became ill; cure the old from the cursed virus; and deliver us all from the stress of the heart; instead, grant us health, comfort, and broadness through the intercessions of Theotokos and all the saints. Αmen.”
Sariling-salin sa Filipino (Filipino self-translation):
“Panginoong Hesukristo, aming Diyos, punong-manggagamot ng aming kaluluwa’t katawan, na para sa amin ay naging Tao upang pagalingin ang malubhang karamdaman ng sangkatauhan; Ikaw na hindi hinamak ang sampung ketongin, bagkus ay nilinis sila sa Iyong biyayang nagliligtas; Ikaw na bilang Diyos at Tao ay sinaklolohan at pinagaling ang lahat ng mga may-karamadaman at mga nagdarahop noong Ikaw ay nasa daigdig; Ikaw rin na nagbigay-lingap at nagbalik-sigla sa lumpo, sa bulag, sa lubhang nagkasala, sa mga sinapian ng demonyo, at sa mga mahina sa tukso ng katawan at kaluluwa, malugod Mong tanggapin ang aming pagsusumamo at sa Iyong kapangyariha’y puksain ang mapamatay na virus na nasa anyong korona, na nagdudulot ng takot at maging ng kamatayan sa mga naghihirap at walang-malay na biktima nito. At kung Iyong pinahintulutan ang mga pagsubok na ito dahil sa aming maraming pagsuway, isinasamo namin, O ikaw na may mabuting kalooban, na iadya ito sa amin at sa buong sanlibutan. Ngunit kung Iyong minarapat na pagpalagiin pa ito upang subukin ang aming pananampalataya, pagaanin Mo ang pagdurusa ng mga nagdarahop sa epidemyang ito.
“At kung, sa pamamagitan ng masasamang katha ni Satanas o sa kawalang-ingat ng mga pabayang tao, kumalat ang virus na ito, puksain Mo ang kapangyarihan nito bilang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat.
“Ingatan Mo ang kabataan at bantayan ang lahat ng nagkasakit; pagalingin ang matatanda mula sa sinumpang virus; at iadya kaming lahat mula sa kabigatan ng puso; bagkus pagkalooban kami ng kalusugan at kaaliwan sa pamamagitan ng mga panalangin ng Teotokos at ng lahat ng mga banal. Amen.”
The photo used in this post was taken from the web and is public domain.
0 notes
ephraimval · 4 years
Text
[Sariling-salin] Ang mga Kristyano sa panahon ng pandemya
Tumblr media
Noong ikatlong siglo, tumama ang isang pandemya sa Italya, Aprika, at sa Imperyong Romano sa Kanluran. Pinaniniwalaan ng mga iskolar na ito ay ang Ebola Virus. Sa kasagsagan nito, ang pandemya ay bumawi sa buhay ng higit 5,000 katao bawat araw sa Roma. Mayroong mga lungsod na halos 60 porsyento ng kanilang populasyon ang nawala sanhi ng pandemya.
Sa panahong iyon, nabahala’t nataranta ang mga tao. Marami ang inabanduna ang mga may-karamdaman at iniwang ’di-inililibing ang mga namatay. Nilisan ng mga tao ang mga lugar na laganap ang karamdaman at iniwan ang matatanda, mga may-sakit, at mga may-kapansanan.
Ang liham ni Julian Apostata
Ngunit may isang samahan na tumangging mabahala’t mataranta. Ang huling ’di-Kristyanong emperador ng Imperyong Romano ay si Julian, at sinulat niya sa isang liham na “ang paglago sa bilang kamakailan ng mga Kristyano ay dahil sa kanilang ‘katangiang moral, kahit pakitang-tao lamang’ at sa kanilang ‘kabutihang-loob sa mga dayuhan at pag-aalaga sa libingan ng mga patay.’”
Sa isa pang sulat sa isang paring pagano, sinabi niya, "Tinutulungan ng mga lapastangang Galileo [isang tawag noon sa mga Kristyano] hindi lamang ang mahihirap sa kanila ngunit maging ang mahihirap sa atin; nakikita ng lahat na kulang ng lingap mula sa atin ang ating mamamayan.”
Ang mga Kristyano sa panahon ng pandemya: ang mga resulta
Sa panahon ng pandemyang iyon, sa halip na lisanin ang lungsod, nanatili rito ang mga Kristyano, na napakamapanganib para sa kanila. Kinalinga nila ang mga maralita, ang mga may-karamdaman, at ang matatanda.
Sinasabi ng ilang istoryador na maaaring baybayin ang paglago ng Kristyanismo sa tatlong pinakamalalaking salot ng ikalawa, ikatlo, at ika-anim na mga siglo. Ani mga istoryador, lumago sa bilang ang mga Kristyano dahil nakita ng mga tao ang kanilang ’di-pangkaraniwang patotoo sa panahon ng krisis, na kaysa mabahala’t mataranta ay nagpamalas ng pambihirang pananampalataya at habag.
Kung ikaw ay mananampalataya, isa itong ’di-pangkaraniwang pagkakataon para makapagpatotoo sa iba, para maging mga tao ng pananampalataya at habag. Sa halip na magtambak nang maramihan para sa sarili, maging mapagbigay. Kaysa mabahala’t mataranta, tumugon sa tawag ng panahon nang nag-iisip. Ito ay panahon upang magpamalas ng pag-ibig na mapagsakripisyo at ng pag-asang hindi magagapi ng anumang karamdaman.
Gayunpaman, dapat tayong maging maingat na maging bahagi ng lunas at hindi pagmulan ng pandemya.
--- Ito ay isang sariling-salin sa wikang Filipino ng artikulong Christians during pandemic sa The Ascetic Experience, isang website na pinatatakbo ng isang monasteryong Orthodox sa Bundok Athos sa Gresya. Ngayong panahon ng ligalig dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19, akma ang mensaheng ito para sa bayan ng Diyos. 
(This is a Filipino self-translation of the article Christians during pandemic in The Ascetic Experience, a website being run by an Orthodox monastery in Mount Athos, Greece. In this time of unrest caused by the pandemic brought about by Covid-19, this message is right for God’s people.)
Ang larawang ginamit ay mula sa internet at public domain. 
(The image used was taken from the web and is public domain.)
0 notes
ephraimval · 4 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Today is the crown of our salvation, / and the revelation of the mystery which is from before the ages! / The Son of God becometh the Son of the Virgin, / and Gabriel announceth the glad tidings of grace. / Wherefore, with him let us cry out to the Theotokos: / Rejoice, O thou who art full of grace! // The Lord is with thee! (Troparion, Tone IV)
Orthodox Christian sisters and brethren in the New Calendar, may you have a meaningful and happy Feast of the Annunciation of the Theotokos! We who are in the Old Calendar will celebrate this feast on April 7. ☦️
P.S. Enjoy the fish! 😉 (Photos are taken from the web and are public domain.)
1 note · View note