Tumgik
calli-writes · 2 years
Text
Testimonio
Maagang nagising para makapaghanda, iyon ang araw na nakatakdang magparehistro. Inasikaso na ang mga dadalhin at nagpaalam sa mga guro noong araw na iyon.
Kasama ang isa sa dalawang kaibigan noon na naimpluwensiyahang parehistro na rin. May ilang mga bagay na tumatakbo noon sa aking isip, magiging maayos kaya ang pagpaparehistro namin? Anong oras kaya ang magiging uwi namin? Ano kaya ang ulam pag-uwi? Kasya pa kaya ang perang pamasahe?
Subalit ang pag-aakalang magiging madali ang mangyayari ay kabaligtaran pala. Ubod ng haba ang pila. Inabot na ng tanghali dahil kumuha pa ng karagdagang papeles na kakailanganing pagkakakilanlan.
Mainit. Subalit wala ang init na mararamdamang pisikal kumpara sa bilang ng mga kabataang kasabayan. Ang alab sa kanilang mga puso ay higit na mainit at nakapapaso sa pagtanggap sa responsibilidad bilang isang mabuting mamamayan. Matyagang naghihintay ang lahat, kakikitaan ng disiplina. Nakatutuwang isiping handa sila at buong kooperasyon sa namamahala.
Nakapanghihinayang lamang na hindi nakuhaan ng larawan ang mga kaganapan subalit ang mga nangyari ay mananatili sa aking isipan.
At dumating ang panahon ng kampanya. Nagkalat na naman ang mga mukha ng kandidato sa kalsada. Kinakanta ng mga bata ang mga tugtuging pinasikat nila. Unti-unti nang umiingay ang bangayan sa paligid kung sino ang nararapat sa posisyon, habang unti-unti akong nabubuhayang piliin at silipin ang mga karakter nila.
Nagsimulang manaliksik sa mga tumatakbo, masusing inubserbahan ang mga pananalita at kinikilos ng mga ito. Binasang mabuti ang mga platapormang nakalatag at inisa-isa ang mga ito.
Bilang pagu-obserba ay sumama ako sa mga raling pampolitikal at ang sa akin na pinakatumatak na kandidato ay si Ginang Robredo. Ang plataporma ay plantsado. Ang mga impormasyon tungkol sa kanya ay naghuhumiyaw na siya ang mararapat para sa pwesto. Nagawang gisingin ang natutulog na diwa ng kabataan at tumindig para sa kinabukasan ng mga ito.
Hinding-hindi ko kakalimutan ang Hakbang Para Kay Mama Leni na kauna-unahan kong napuntahan at nadaluhan. Magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman. Sa paunang kaganapan na tinawag nilang "Solidarity Walk", ako ay mag-isa. Naiingit ako sa kapwa ko kakampink dahil may mga kasama sila. Masya ang araw na iyon — ginanap noong Linggo ng Pagkabuhay, at ang mga naroroon ay talagang buhay na buhay. Kung sa kabila ay nagbabatuhan ng upuan, sa amin ay pagkain ang nagliliparan.
Ikalawa at huling raling politikal na napuntahan ko — Hakbang Para Kay Kuya Kiko — kung saan ang placard ko ay kinuha at itinaas. Isang karangalan para sa akin ang naganap na animo ako ay nasa alapaap. Laking pasasalamat ko talaga sa lalaking pumunta sa harap at nag-abot nito sa napupusuan kong Bise Presidente, kasama ang mga dati kong kaklase para makisaya.
Pumunta rin ako sa raling pampolitikal ni Ginoong Marcos noon, kasama ang mga kaklase ko na nagbabalak na dumaan lang sana doon subalit may ibang pakay pala sa akin ang tadhana. Ako ay nadukutan! Tila kung sino ang idolo ay siya ring huwaran ng mga tagasuporta nito!
Alas-dos ng madaling araw nang magising ako. Ramdam ko ang malamig na hanging sumasampal sa akin, wari'y nagsasabing: ito na ang araw na matagal mo nang hinihintay — handa ka na ba sa gyera ng dagsaang botante para makaboto?
Sa araw na iyon, nakaramdam ako ng kakaibang kabog mula sa dibdib ko. Tumungo ako sa eskwelahan kung saan ako nakadestino na maging watcher. At dito ay opisyal na magsisimula ang pakikibaka ko sa matyagang pagbabantay, pagmamatyag at pagu-obserba sa bawat boto sa nakatalaga kong presinto.
Magkakahalong tuwa, pagod, gutom, inis at bagot ang naramdaman ko noong araw na iyon. Tuwa, dahil sa wakas, ganap na akong taong tumanggap sa responsibilidad — ng pagiging isang Pilipino. Pagod, dahil isang buong araw akong nasa eskwelahan — mula sa pag-aasikaso sa balota at iba pang kagamitan, pagbubukas nang opisyal ng botohan, aberya mula sa "pangalan ni ganito ang binibugan pero kay ganyan ang lumabas mula sa resibo nila", voting precint ko na ubod ng haba ang pila, VCM sa ibang presinto ay nasira, mabagal na signal para sa transmisyon ng mga resulta, hanggang sa tuluyang maisara ang ballot box at maselyuhan hanggang sa makauwi na — oo, inabot kami ng hanggang pasado alas-dos ng madaling araw sa eskwelahan. Gutom at inis, dahil ang kandidatong nangailangan sa akin bilang watser niya ay hindi nirasyunan ng pagkain, kahit tinapay at tubig man lang sana! At bagot dahil kung ganoong kahaba ng pila sa labas, siya namang kaunti ng pasok ng tao sa loob.
Alas-otso nang maglabas ng parsyal at hindi pa opisyal na bilangan ng mga nanalong pagka-Presidente, ang lahat ay tahimik na nakikinig at nananatiling nakaupo sa kanya-kanyang estasyon at upuan. Habang kami ay kinakabahan sa naturang bilangan ang mga Electoral Board naman ay hindi mapakali dahil hindi pa nakakapagpasa ng transmiyon ang aming presinto.
Naniniwala akong kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Kung may bahid ng dugo ang kamay ng ama ay siya ring maaaring tularan ng anak. Ako ay isang anak, at bilang anak, nakikita kong huwaran at nararapat gayahin ang ginagawa ng aking mga magulang. Sabihin nating bata pa lamang siya noong manungkulan ang kanyang ama, ngunit sa palagay ko'y nasa wastong gulang na siya noon at alam nang himayin at paghiwalayin ang mali sa tama. Kung korap ang kinagisnan, malamang na pagiging korap din ang isa sa kanyang gagawin. At bilang kabataan ng makabagong henerasyon, hindi ko ibig maranasan ang naganap noon. Minsan nang ipinaglaban at naglaan ng buhay ang kapwa Pilipino laban sa isang diktador na walang habas kumitil ng sinumang tumaliwas sa nais nito.
Marahil ang tagasuporta ay natutuwa, subalit ang inang bayan ay lumuluha. Ang mga tagasuporta ay humahalakhak, subalit ang mga taong pinagpalaban ang kinabukasan ay naghihinagpis sa pagkatalong natamo nila. Marami ang kabataang mangmang dahil napagkaitan ng pahkakataong makapag-aral na nalamon ng makabagong teknolohiyang hubog sa baluktot na paniniwala at kasinungalingan. Mga iskolar na minamasama ang pagsasalita at paghahayag ng damdamin ukol sa desisyon ng masang nabilog ang ulo. Mga magulang na handang ialay ang lahat ng kanila para sa mga anak.
Marami na ang nagsakripisyo at nadadagdagan pa ang bilang nila. Marami na ang mga taong nagbuwis ng buhay mapalaya lang ang bayang minamahal nila. Baon na sa utang ang bansa, ibinabaon pa sa kahihiyan.
Hindi ko matatanggap ang pagkatalo lalo kung ang nagwagi ay sila. Nanalo sila dala ng makinarya, subalit nagwagi kami dala ng mga sulo na nag-aalab at nagsusulong mg magandang kinabukasan para sa lahat.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
calli-writes · 2 years
Text
Editoryal
Mabusisi ang proseso sa pagboto. Pakasisipiing mabuti kung sino ang bibilugan at mamarkahang numero sa iyong balota.
Ayon sa ulat ng CNN Philippines noong ika-walo ng Pebrero, taong 2022, may limampu't-anim na porsyento (56%) sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa Pilipinas ay naglalaro sa edad na labing-walo (18) hanggang apatnapu't-isa (41) o tatlumpu't-pitong milyon, labing-limang libo, siyam na raan at isa (37, 015, 901).
Malaki ang papel na ginagampanan ng kabataan sa nagdaang eleksyon, bagaman karamihan sa kanila ay hindi pa botante na nasa edad na disi-siete pababa ay nagawa ng mga ito na manindigan at tumindig sa kahalagan ng halalan ng bayang ito.
Kasabay ng pag-ulos ng panahon ay unti-unting mabubuo ang responsibilidad. Sa pagsibol ng panibahong bukas, panibagong hakbang mula sa tinatahak na landas. Sa pag-usad ay hindi kailangang magmadali, sa sarili ay huwag maging marahas. Sa pagpili ng kandidato ay natutuliro, muli ay sinariwa ang tugon ng isang ama ukol dito: "Ang pagsusulit sa klase, maaaring hulaan at madaliin. Ang pagsagot sa resitasyong pinaghandaan ay maaaring mali rin, pero ang natatanging bagay na higit mong dapat na pagtuunan ng pansin ay ang halalang darating, dahil gaya ng mga pagsusulit, ang resultang lalabas anumang oras matapos ang eleksyon ay maaaring bunga ng pandaraya rin."
Mula rito ay napagtanto na ang kinabukasan ay nakalaan sa mga taong mailuluklok at hindi maaaring manahimik lang sa isang sulok. Marami ang tiwali na nasa pwesto, marami sa mga politiko na nagpapamudmod ng salapi para hindi kumanta ang mga taong nakaka-alam ng kabulastugang ginagawa nito.
Sa tatlumpu't-pitong milyong kabataan na rehistrado nakasalalay ang bukas at kasama na ako roon, subalit napakalungkot kung iisiping marami rin sa mga ito ang nabulag at napa-ikot ng mali at baluktot na impormasyon.
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya, hindi na kataka-taka kung bakit halos lahat ng tumatakbo ay maingay sa teknolohikong makinarya. Madali na lang paikutin sa mga kamay nito ang mga bagay para pumanig sa kanila.
Madaling baluktutin ang matuwid, kapag nilatigo ito ng kasinungalingang patung-patong ay tiyak na mamimilipit. Sigaw ng taumbayan na wari ang hustisya ay para lang sa mayayaman subalit hindi naglalakas-loob na suwayin ang umaabuso sa kapangyarihan.
Kunsabagay, ang maiingay ay pinatatahimik. Kabataang mag-aral man nang maigi ay mababalewala sa ganitong uri ng komunidad na may mga utak na makitid.
Ang maalam ay tinuturing na mangmang, ang magsalita ay pinuputulan ng dila, ang nakakakita ng mali ay tinatanggalan ng mata. Ito na ang bagong depenisyon ng demokrasya. Kabataan, dumilat ka. Pilipinas, gumising ka.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
calli-writes · 2 years
Text
ARTWORKS (mixed medium)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hi! This were some of the artworks of yours truly—Calli Writes! Oh yes, this were portraits.
By the way, I am open for commissions, and if you're interested, kindly DM me directly! Keep safe everyone! PADAYON!
1 note · View note
calli-writes · 2 years
Text
Guadalupe
Masayang tinititigan ni Guadalupe ang mukha ng lalaking kanyang palihim na sinisinta. Kaibigan. Ito ay ang kanyang kaibigan na may ilang taon na rin niyang inaasam.
Subalit ang matamis niyang ngiti ay agad napalitan ng pait na animo isang tasa ng kapeng nalimutan asukalan. Mariing ipinikit nito ang kanyang mata. Pinipigilang bumuhos ang kanyang luha na inaantabayan 'pagkat kanina pa nagbabadya habang sinusubukan ang sarili na ikalma. Kung tutuusin ay maaari na niyang sisihin ang hindi mabilang na kape na kanyang naitimpla.
Nanginginig ang kanyang mga kamay, kinuyom niya ang mga ito saka nagmura ng walang humpay.
"Hoy, Guadalupe! Ang lulutong naman yata no'n? Ano'ng nangyari ba sa 'yo?" Nagtatakang tanong ni Faustino dito.
"H-ha? Ah, wala. Huwag mo na lang akong intindihin pa. Marahil ako ay naiirita—oo, tama!" Natatarantang tugon niya.
Ikatlo. Nasa ikatlong beses na siyang nagpapahiwatig gamit ang mga tula na isinulat niya para rito. Baka nga manhid lamang ito, maaari rin naman na sadyang hindi siya ang gusto.
Kinabukasan ay pumasok si Guadalupe na ang mga mata nito ang namumugto. Hindi ito gaanong napapansin at hindi rin gaanong kadali ng mahalata dahil may kasingkitan ang mga mata nito.
Mapagbiro ang tadhana. Sa maling tao kung tinamaan ka, tiyak na ikaw ay luluha.
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya saka pumangalumbaba at natulala sa pisara sa harap niya.
Wala sa sarili ay napa-wika siya. "Bakit kasi ikaw pa? Napakarami naman diyang iba!"
Nakabalik siya sa huwisyo nang may pumalakpak sa harap niya. Ito ay ang kanyang guro na nasa harap niya kanina pa. Napayuko ito sa hiya saka humingi ng tawad ka agad sa kanya.
"Mabalik kayo sa ating tinatalakay, sana ay na sa wastong kaisipan ka na, Guada, hija." Naka-ngising wika nito sa kanya sanhi upang ang kanyang pisngi ay mamula.
"Tulad ng sinabi ko kanina, ilang linggo na lamang at kayo magtatapos na. Kay bilis ng panahon, hindi ba? Kaya naman marapat lamang na magkaroon ng isang espesyal na gabi ang lahat! May gaganaping gabing pag sayaw sa makalawa at ang lahat ay inaasahan." Masiglang wika ng guro nila.
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Bigla na lamang sumulpot ang dalawang kaibigan niya na sina Faustino at Soledad.
"Guada, ano itong nabalitaan naming nagd-dayalogo ka mag-isa kanina?" Mapang-usisang panimula ni Soledad.
"Oo nga! Lumilipad na naman ang isip mo ah. Bakit ba kasi ayaw mo magkwento sa aming dalawa? Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan!" Dagdag naman ng isa.
Napaisip sandali si Guadalupe. Ano kaya ko mag tanong ito sa kanya? Hindi naman kaya siya mahuli? Bahala na, kaysa naman bahain siyang tanong mula sa kanyang sarili.
"Faustino, tutal naman ikaw ay lalaki, ikaw na lang ang aking tatanungin," sandali itong napahinto upang ang kaba ay lunukin. "A-ano ang gusto niyo sa babae?" Wika nito saka yumuko ng kaunti.
"Uy, ang Guadalupe natin nagdadalaga na! Sino na muna ang malas na ginoo na iyong napupusuan? Akalain mo iyon, Soledad? Ang ating mabagsik at amasonang kaibigan ay may sinisinta na!" Pangangantyaw nito sa kanya dahilan para iwan nito ang dalawa.
Sabi na nga ba at isang pagkakamali ang magtanong sa kanya. Ngayon ay tampulan siyang tukso ng dalawang nasa likod niya.
"Hoy biro lang naman! Guadalupe naman, parang hindi ka na sanay! Pero sino nga ba ang malas na lalaking iyan? Ginayuma ka ba iyan kaya ka nagkakaganyan?" Pahabol ni Faustino na pang-aasar sa kanya.
"Ikaw ang malas na iyon, tanga." Bulong niya.
"Ano iyon? Ako ba?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
"A-ah, hindi ah! Kapal mo naman! Ang sabi ko, mukha kang kulugo, tanga!" Nakasimangot na tugon niya.
"Nakakatuwa ka talagang pagmasdan kapag napipikon ka." Wika naman nito saka tumawa.
Muli ay nakaramdam ng kakaibang kiliti si Guadalupe mula sa kaloob-looban niya. Ang bawat halakhak nito ay nagmistulang isang napakagandang musiak sa kanya. Ang ngiti na dahilan kaya naman nahulog siya. Ang mata nito na hindi makita sa tuwing tumatawa.
Nahahawa siya. Hanggang sa hindi nito namamalayan na habang  kasabay niya ito sa pagtawa ay tumulo na ang kanyang mga luha.
Maaari pala iyon ano? Na kahit anong saya pa ng sitwasyon, kung may bumabagabag sa iyo maiiyak ka na lang talaga.
Doon nito napagtanto na ang maglihim ng tunay na nadarama ay lubhang napakahirap lalo at sa kaibigan mo pa. Isang taong madalas mong makita at makasalamuha.
Pagka-uwi ng tahanan ay agad itong tumungo ng palikuran upang ibuhos ang natitirang luha. Ang nalalapit na pag-amin ay nararamdaman niya. Muli ay nanumbalik sa kanya ang mukha ng lalaking palihim ay iniibig niya. Ang panlalata nito sa tuwing sinisikmuraan niya dahil sa kagaguhan niya. Ang pag-iwas nito sa bawat bigwas na matatanggap niya. Ang bawat pag tawa at bungisngis nito kapag sila ay magkasama. Ang maamo nito mukha. Malumanay na mga mata.
Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Kung bakit ba naman kasi sa nahulog sa isang taong kailanman ay hindi magiging kanya.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Nakahanda na ba siya sa itinakdang araw ng pagsisiwalat niya ng kanyang nararamdaman? Handa na nga ba siya sa mga bagay na marinig niya mula sa taong mahal niya?
"Guada! Ang ganda natin ngayon lalo ah! Ano'ng sikreto, ha?" Tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
"Parang hindi nga eh," nahihiyang tugon niya.
"Guada, umamin ka nga. Matagal na kasi kitang minamatiyagan, may napapansin ako kapag si Faustino ay iyong tinititigan. Siya ba ay iyong napupusuan?" Pang-uusisa nito sa kanya.
Bahagya itong napa-atras. Nalaman. May nakakaalam, paano? Pumikit ito sandali. "O-oo," maikling tugon nito.
Napa-iling ang babaeng kausap niya. "Masama ito, Guada hindi ka maaaring mahulog sa kanya. Masasaktan ka lang." Malumbay na wika nito sa kanya. "M-may iba siyang nagugustuhan." Bumubulong na dugtong nito sa sinabi niya.
"A-alam ko. M-magkaibigan kami k-kaya alam ko." Naluluhang tugon nito.
Agad na hinatak si Guada ng kaibigan sa likod ng gusali ng paggaganapan ng pagsasayaw. Paano niya mahahanap ang kapares niya nang hindi tumutulo ang kanyang luha? 
"P-pinigil ko. Pangako, pinigil ko."  Wika niya sa pagitan ng mga hikbi nito.
"Guadalupe," tanging nasabi nito sa kanya.
Inayos nito ang hitsura ni Guada — pinulbusan at hinagod ang buhok sa likuran.
"Ayan, maayos na. Huwag na huwag kang iiyak ha? Kakausapin kita mamaya pagtapos ng sayaw." Kalmadong tinuran ito sa kanya.
"Guada! Narito ka lang pala, kanina pa kitang hinahanap! Saka ano iyong pinag-usapan ninyong dalawa? Ano at bakit ka naman naiiyak? Hoy, ikaw! Inano mo si Guadalupe, ha?!" Bungad ni Faustino sa kanya.
Kinalabit siya ng kanyang kaklase na animo sinisenyasan siya na ibigay ang liham na nakalaan para sa lalaking kanyang sinisinta.
"Mamaya mo na basahin pagkatapos ng pagsasayaw." Nakayukong tugon nito saka inabot ang sulat. "Faustino, mangako ka." Nanginginig ang boses na dugtong nito sa kausap.
Nagsimula na ang taga-anunsyo, hudyat na magsisimula na anumang sandali ang pinaka-aabangan ng lahat. Ito ang pinaka-unang pagsasayaw niya at kasama ang kanyang minamahal, subalit ito ang kanilang una at huli — hindi man sabihin ay batid na niya.
"Bakit ba ang tamlay mo ngayon? May nangyari ba sa 'yo?" Puno ng pagtatakang tanong ito.
"Wala," matipid naman nitong tugon.
Nag-iba na ang ritmo ng musika, oras na para makipagpalitan ng kapareha. At sa minamalas na pagkakataon, naipareha si Faustino sa babaeng tinitibok ng kanyang puso. Iba ang ngiti nito. Sampung beses na mas malawak kaysa sa nakikita niya, bagay na mas nakadurog ng puso niya.
Maganda ang singkronisasyon ng dalawa, animo inangkin ang musika. Napansin ni Guadalupe ang pagkahulog ng liham pinagpuyatan naisulat may dalawang araw na ang nakalipas. Sa kamay ng kapareha ay umalpas saka mabilis na kinuha mula sa sahig ang sulat.
At hindi na nagpapapigil pa ang luha nito na umaagos mula sa kanyang pisngi. Ang papel na hawak ay kinuyom ng maigi. Nanghihina ang kanyang puso maging ang kanyang mga tuhod at hindi na masuportahan ang sarili at napasalampak sa dumi. Kinagat ito ang kanyang labi, umaasang matitigil ang kumakawalang hikbi.
Binuklat nito ang papel na ngayon ay basa na dala ng luha na pumatak dito. Unti-unting ng binabasa ang bawat letra na nakasulat sa isang payak na papel na hawak nito.
"Narito ka nga subalit tayong dalawa ay hindi nagtatagpo,
At kumbaga sa isang kanta, kung ipagpipilitan natin ay mawawala sa tono,
Maikukumpara naman sa tula, malilihis tayo sa nakatakdang tugma nito.
Ang sakit pala nito.
Kung kailan handa na akong umibig saka naman napagpasyahan ng tadhana na maglaro.
Noon, ang sabi ko hindi na muling mag-aalay ng tula sa maling tao.
Subalit naririto akong muli, inilalahad ang tinatagong nararamdaman para sa iyo.
At ngayon, naging malinaw na sa akin ang lahat ng ito.
Subalit ako ay nakikiusap sa iyo, huwag ka naman sana magbigay pa ng motibo.
Sapagkat patuloy lang na aasa itong hangal kong puso.
Umaasa na sa muling pagbubukas ng libro ay magkakaroon tayo ng sarili nating kwento.
Unti-unting natatanggap na hindi ako ang tinitibok ng iyong puso,
Subalit sa tuwing sumasagi sa aking isipan ay hindi maiwasang luha ay tumulo.
Para akong pinipiga sa tuwing masisilayan ang bawat ngiti mo.
Animo ang aking puso ay paulit-ulit mong hinataw ng maso.
Lalong humihigpit ang paghinga sa tuwing nakikita na iba ang nakakapagpasaya sa 'yo.
May taong nauna sa akin at ngayon ay kumakatok sa iyong puso.
Samantalang ako na naghihintay sa 'yo ay nahuli sanhi ng pagkahuli ng realisasyon ko.
Umiibig nga ako. Umiibig nga sa iyo. Ngunit iba ang iniibig mo.
Iba ang sinisinta mo, subalit naririto naman ako.
Iba ang sinisinta mo. Masakit man, pero pipiliting tanggapin ito.
Mananatili na lamang dito sa isang sulok, palihim na nagmamahal sa iyo.
Mananatiling tikom ang bibig kahit durog na durog na ang aking puso." Hindi malinaw ang bawat salita na binabanggit subalit bakas ng hinanakit sa bawat katagang binitawan ito.
"Guadalupe!" Tatakbong tinungo ni Faustino ang kina-uupuan ng kaibigan sa dumi.
"Tumayo ka nga riyan! Ang dumi-dumi mo hindi ba nakikita?! Litanya nito sa kanya.
"A-ako ba hindi mo nakikita? Hirap na hirap na ako! Matagal ko nang tinatago ito sa iyo! Hindi mo ba talaga ako napapansin o ayaw mo lang talaga pansinin?" Tugon nito sa pagitan ng bawat hikbi.
"A-ano ba ang sinasabi mo riyan, Guadalupe?" Nagtatakang tanong niya.
"Manhid ka ba o tanga ka lang talaga? Hindi mo nga nahahalata? Faustino, gusto kita, matagal na! At oo, hindi mo naman kailangan na sabihin sa harap ko mismo na iba ang gusto mo kasi alam ko na. Hindi mo kailangan sampal sa akin ng katotohanan na kailanman ay hindi mo ako makikita sa higit pa sa isang kaibigan." Mahabang litanya niya.
Ikinulong ni Faustino si Guadalupe sa kanyang bisig dahilan para mas maiyak siya.
"Guada, pasensya na. Pasensya ka na talaga. Pero tama, ka hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo at hindi na hihigit pa doon, at bilang kaibigan mo gusto kitang tulungan makabangon, Guadalupe. Hindi tayo ito, 'wag ganito kasi hindi ako sanay dito," pampalubag-loob na tugon na dito.
"Napakamakasarili mo naman yata para hilingin sa akin iyan? Gusto mo akong makabangon, at sa paanong paraan mo ako matutulungan?" Huminto ito sandali para pilitin makawala sa bisig niya. "'Wag ka namang ganyan, durog na durog na eh, 'di mo ba nakikita? Wasak na wasak na ako dito!" Saka tinuro ang dibdib nito. "Pati dito," sunod na itinuro ang sentido. "Pagod na akong umasa sa mga maling pahiwatig mo. Sana noon pa lang na nakatunog na ako sa kinikilos mo lumayo na ako, e 'di sana hindi ako ngayon nagkaka-ganito." Litanya nito.
"Guadalupe, paumanhin. Hindi ko alam na may ganito." Tugon nito.
"Umalis ka na, pakiusap. Ayoko ng makita ka." Nakapikit na pakiusap nito sa kanya.
"Babalik ako, Guada. Pangako." Malumanay na wika nito.
"'Wag na, hindi naman kita kailangan dito." Malamig na tugon nito.
"Guadalupe," pagmamakaawa niya rito. "'Wag mo namang tapusin ang pagkakaibigan natin oh," dugtong nito.
"Mas mabuti na ang ganito," wala sa sariling anito.
Patakbong lumabas habang umaagos ang luha ng dalaga ang kanyang luha, hirap man sa paglalakad ay pinilit nito ang sarili at tinahak ang daan pauwi—kalsadang poste ng ilaw ang natatanging gabay sa pag-uwi ng tahanan. Pusong sugatan na kanyang tangan-tangan habang pinupunasan ang luhang walang humpay sa pagtulo mula sa kanyang mata.
Ang mga pangyayari ay hindi inaasahan, ang katawan ni Marfori ay tumilapon sa kalsada. Tanging puting nakakasilaw na liwanag ang kanyang nakikita.
Ilan pang sandali ay may nakikita na itong isang pamilyar na pigura ng lalaki sa harap niya na animo natataranta. Unti-unti ay nabibingi na siya at ang bawat sigaw ng lalaki ay nagmistulan na lamang na bulong sa kanya. Napangiti ito habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha hanggang sa unti-unti nang nagdilim ang lahat sa kanya.
"Binibining Guada, nakahanda na po ang pagkain sa lamesita!" Paggising sa kanya ng kasambahay nila.
Pinilit nitong imulat ang mata. Isang payak, subalit marikit na kisame ang bumungad sa kanya. Malawak ang kwarto na kinalalagyan niya. May makapal na telang nakasuot sa kanya subalit sapat upang hindi siya mairita.
"N-nasaan po ako? Pasensya na po pero sino po kayo?" Buong pagtatakang tanong niya sa babae sa gilid ng kamang hinihigaan nito.
"Marahil ay ganoon ngang kalakas ang naging epekto sa inyo ng pagkakasagasa sa inyo." Malumanay na panimula nito. "Kayo ho ay nasa inyong silid ngayon, at ako po ang inyong kasambahay dito." Nakangiting paliwanag nito.
"Ang mabuti pa, binibining Guadalupe ay mag-almusal na kayo 'pagkat may dalawang araw na rin ho kayong walang pinapasok sa inyong sikmura." Turan nito habang nag-aasikaso ng makakain niya.
Naninibago siya sa kanyang kapaligiran — tahanang payak subalit naghuhumiyaw sa karikitan, kasuotang nakita na sa mga pahayagang binasa na nito minsan, ganoon din ang pamamaraan ng pagsasalita.
May ilang linggo rin ang inilagi niya sa kanyang "silid". May ilan na rin siyang istorya at tulang naisulat.
Alas diyes y medya na nang magpasya itong matulog, ipagpapabukas na lang nito ang pagpapatuloy ng kanyang istorya na nasimulan nito kaninang hapon.
"Binibining marikit, ako sana ay mapansin
Ikaw ang siyang sinisigaw yaring damdamin,
Dinadasal sa Maykapal na ako rin ay 'yong mamahalin…"
Nagitla siya nang may kumatok sa kanyang pintuan, ito ay ang kanilang kasambahay.
"Binibini, hindi mo man lamang ba siya dudungawin? May ilang araw na rin ho siyang nariyan, kayo ay madalas abangan sa daan. At sa tuwing tutungo ako sa pamilihan ay itatanong ka sa akin," tugon nito na animo mas bata pa kay Guada kung kiligin.
Ito ang unang beses niyang maranasan ang haranahin. Ibig niyang ang ginoo ay dungawin subalit may kung anong bumabagabag sa kanya na animo isang malaking pader upang siya ay pigilin.
"Faustino. Bakit ba kasi hawig kayo ng boses ni Faustino?" Turan nito.
"A-ano raw ho ang kanyang ngalan?" Tanong nito sa kasambahay habang dahan-dahang binubuksan ang durungawan.
"Vicencio ho, binibini." Maikling tugon nito kay Guadalupe.
Tuluyan niyang binuksan ang bintana at nakita nito ang binata na may tangan na gitara at malawak na nakangiti sa kanya. "Vicencio, hindi ako maaaring magkamali 'pagkat ikaw nga ang lalaking mahal ko," bulong nito.
Maagang nagising si Guada, kumuha ng papel at panulat saka nagsimulang sumulat.
Hunyo 26, 1983
     Vicencio ang kanyang ngalan subalit hindi ko maiwasang paka-isiping siya nga ang aking iniibig. Nais kong siya ay mayakap ng mahigpit, sambitin ang mga salitang matagal ko nang kinikimkim. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang taong higit kong tinatangi.
     Ibig ko mang pakita ay hindi maaari, batid kong hindi nito maiintindihan kung ipaliliwanag ko ang nangyari. Sino naman kasing matino ang maniniwala sa aking sasabihin? Isang dalagang mula sa makabagong henerasyon ang nasagasaan at naglakbay patungo sa taong ito. Kahit sino ay mapagkakamalan akong nasisiraan na ng ulo! Kay gulo ng sitwasyong napasukan ko! Subalit walang kasiguraduhan kung paano akong makababalik sa panahon na kinabibilangan ko.
     Panginoon, ako nawa ay gabayan ninyo mula sa nangyayaring ito. Kung anuman po ang ipagkakaloob ninyo ay taos-pusong tatanggapin ko.
-Guada
Buwan ang binilang ni Guadalupe nang mapagpasyahan nito na ilaan ang oras at atensyon kay Vicencio. Hindi man nito maamin ang totoong naganap ay natutuwa siya na sa maling panahon ay natagpuan niya ang pag-ibig na pinaka-aasam nito.
Ilang taon ang nakalipas, ang katawan ni Guada sa ospital ay unti-unting humina. Kasabay nito ang unti-unti ring panghihina ng loob nito na sa mundo ay magtagal.
"Guada sampung taon na ang nakalipas, pero ang lahat ay parang naganap lang kahapon. Sampung taon ko ring pinagsisisihang iniwan kita ng gabing iyon." Panimula ni Faustino.
"Guada, hindi ko alam. Maniwala ka na wala talaga akong alam — at pasensya na kasi hindi ko inalam. Kung — kung maibabalik ko lang ang panahon — baka sakaling naririto ka pa." Humihikbing wika niya.
Masakit mang muli ay lisanin ang kaibigan sa muling pagkakataon ay pinilit niton tumayo, saka pinagpag ang pantalon. Iniwan nito ang bulaklak na hinahangad makuha ng dalaga noon. Pinahid ni Faustino ang luhang pilit kumakawala mula sa kanyang mata saka ngumiti ng matamis sa puntod ng yumaong dalaga.
"Kung kailan mahal na kita, saka mo naman ako iniwan. Bakit ka ganyan? Ang sakit mo naman yatang mahalin, alam ko namang nasaktan kita — at kung ito ang makakapagpasaya sa iyo —m ahayaan kitang puso ko ay iyong durugin. Makaaasa kang ikaw lamang ang aking paka-iibigin hanggang libing, mahal kong Guadalupe." Turan nito saka lumakad palayo nang may mapait na ngiti sa kanyang labi.
—PAGTATAPOS—
Tumblr media
0 notes
calli-writes · 2 years
Text
Killing Me Softly
SINOPSIS
Handa ka bang i-alay ang lahat ng sa iyo sa ngalan ng pag-ibig? Handa ka bang pumaslang para sa pag-ibig? Handa ka bang maramdaman ang naglalagablab na pagmamahal nito na hindi nagpapadaig? Handa ka bang mamatay dahil sa pag-ibig?
ANG ISTORYA
Dumausdos ang kamay nito patungo sa talulot ng kaligayahan habang patuloy sa pagtaas-baba ang dibdib — naghahabol ng hininga. Ipinasok sa bukana ng pag-ibig at pagnanasa ang panganay na agad namang sinundan ng pangalawa. Isang halinghing na animo musika sa kanyang tainga hudyat na tama ang kanyang ginagawa.
Malamig na hangin na yumayapos sa noon ay dalawa at ngayon ay pinag-isa, lubhang mabagal at wari'y kalkulado ang bawat kilos na ginagawa. Ninamnam ang bawat sandali na magkasama. Sa bawat haplos ay may kapalit na palahaw ng kalangitan.
"Handa ka na ba?" Tanong ng lalaki na nakapa-ibabaw sa kanya.
"Kanina pa." Tugon nito sabay hagikgik ng mahina.
Isang malawak na ngiti ang natanggap ni Penelope mula sa lalaking may matipunong pangangatawan na nasa taas niya.
"Ah!" Hiyaw nito ng matagumpay na maipasok ang bagay na iyon sa kanya.
Inabot ni Penelope ang buhok ng lalaki sabay sabunot ng pagkalakas-lakas. "Ayoko sa lahat ay iyong binibigla ako lalo na sa ganitong mga bagay." Malamig na tugon nito sa lalaking namimilipit sa sakit mula sa pagkakasabunot niya.
Kinuha ni Penelope iyon bilang magandang pagkakataon para mapaalis ang nilalang na iyon sa ibabaw niya. "Ayos lang bang ako ang umibabaw?" Maamong tanong ni Penelope sa kanya na ikinatango naman ng tanga.
Ngumiti si Penelope habang tinititigan ang lalaki. "Pero bago ang lahat kailangan muna kitang itali," dugtong ni Penelope. "Huwag kang gagalaw diyan at aabutin lang ako ng ilang sandali."
Inayos ni Penelope ang kadena mula sa poste sa hindi kalayuan sa pwesto nila. Iginiya nito ang lalaki para lumapit sa kanya. 
"Masyado kang malakas mula sa pagkakatanya ko kaya naman kadena ang gagamitin ko panggapos sa iyo. Gusto ko kasi na kapag ako ang nagmamaneho walang istorbo." Mahabang litanya nito na ikinatango muli ng bobo. Mukhang wala pa rin talagang ideya ang loko.
Nagpatuloy na si Penelope sa ginagawa. Pinadapa ang lalaki sa ibabaw ng mesa na agad din namang sinunod nitong tanga.
"Ayan, at tayo ay handa na sa biyahe papuntang kalangitan! Sabik ka na ba na ang rurok ay maramdaman?" 
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga, kinuha ang kutsilyo nito na bagong hasa, ipinasok sa puwitan ng lalaking nasa kanyang mesa. Isang malakas na palahaw ng lalaki ang maririnig mula sa beysment niya. Bagaman lalaki at may matipunong katawan ay nagawa nitong makalas ang kadena sa kaliwang paa na kanina pang pumipigil sa kanya na makawala. Si Penelope ay naalarma kaya't agad na kumuha ng kahoy na maaaring gamiting pandepensa sakaling ito ay makawala nga.
Nang mapagtanto ng lalaki na hindi nito kayang maialis ang mga kadena sa kanya ay agad na kinuha ni Penelope ang maso sa gilid ng pintuan saka nagmamadaling tumungo sa mesa para paulit-ulit na hatawin ang binti ng biktima. Nang makitang nanlulupaypay na ito ay agad na hinatak ang kutsilyong pinasok sabay pukol sa ari ng hamak na nilalang na kaawa-awa.
Nanghihina man ay makikita rito ang sakit na dulot ng pagsasaya ng hibang na dalaga. Matapos ang pagputol sa bagay na iyon ay tumungo ang hubad na si Penelope sa harap ng lalaking pinaglalaruan niya. "Oh, akala mo ba tapos na ako? Hindi pa, nagsisimula pa lang ang gabing ito!" Turan nito saka humalakhak ng nakakaloko.
"D-demonyo ka!" Nauutal na tugon ng lalaki sa kanya.
"Demonyo agad? Hindi ba pwedeng naglalaro lang muna?" Inosenteng sagot nito sa paratang sa kanya.
"M-mamatay ka n-na!" Buong lakas na sigaw nito sa kanyang mukha.
"Alam mo, tama ka eh, pero huwag mo akong dinidiktahan kasi darating din tayo sa bagay na iyan," panimula niya. "Ikaw, bakit nga ba hindi ka pa rin namamatay?" Puno ng pagtatakang tanong niya.
Ikukuyom sana ni Penelope ang kamao nang maalala na may hawak pa pala siya. Ang maikling bagay na iyo na minsan na ring nagpasaya sa kanya.
Nakaisip si Penelope ng isang magandang ideya. Mahigpit nitong hinawakan ang panga saka sapilitang isinubo ang aei nito sa kanyang bunganga at tinulak pababa. Pababa. Pababa. Mas mababa pa hanggang sa ang bagay na iyon ay hindi na makapa pa.
Tuluyan nang nawalan ito ng hininga. Isang walang buhay na tingin ang ipinukol ni Penelope sa kanya, nag-iisip ng paraan para ang bangkay nito ay maidispatsa.
Maagang nagising si Penelope upang gumayak, magkikita sila ng lalaking pinakamamahal niya. Dali-dali nitong isinuot ang kanyang simple ngunit naghuhumiyaw sa ganda na bestida — ito ay kulay pula. Agad na tumungo sa salamin ang dalaga, saka pinagmasdan ang repleksyon niya.
Dali-dali itong pumara ng kanyang masasakyan saka naupo sa bakanteng upuan. Ilan pang sandali ay pumara na ito sa babaan.
Nag-ikot-ikot muna si Penelope, nakita na nito ang ipinunta niya sa parke. Isang pamilyar na imahen ng lalaki. Hindi niya ibig na magmukhang sabik kaya't magliliwaliw na muna siya sandali.
"Binibini, kay ganda mo naman. Subalit mag-isa ka lang ba?" Tanong ng isang estranghero sa kanya. 
"Tanga ka ba o bobo? Baka naman pareho? O baka naman ay may nakikita ka na hindi nakikita ng mata ko? Bulag ka ba o may nakikita ka talaga na kasama ko?" Sarkastikong tugon nito. "Binibini, hindi ko yata gusto ang tabas ng dila mo?" Sagot niya rito. "Sana tinanong mo ako kung gusto kitang kausapin, ano?" Pabalang na wika nito.
Hinila siya ng lalaki papunta sa isang abandonadong gusali. Nagpahatak si Penelope, hindi nito nais masira ang ganda ng umaga niya dahil sa isang hindi kilalang lalaki. Itinulak siya nito kaya't nawalan siya ng balanse at napa-upo sa sahig. Ito na ang hinihintay niyang sandali, ang kanyang mga kamay ay nanginginig saka dahan-dahang sumilay ang isang ngisi.
Walang anu-ano'y tumayo ito saka niyakap ang lalaki sa harap niya, inilingkis sa baywang nito ang kanyang kanang hita, saka dahan-dahang kinuha ang balisong na itinatago niya. "Paumanhin sa inasal ko kanina. Dahil walang ibang tao dito bukod sa ating dalawa, maaari bang makipaglaro ka sa akin bilang pambayad at pambawi na rin sa iyo, ayos lang ba?" Mahaba nitong litanya na ikinatango naman ng tanga.
Hindi na nagsayang pa ng oras ito ng dalaga saka pinagsasaksak ang lalaking kayakap niya. Nagulat ay hindi agad ito naka-alma. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay. Hinalikan ni Penelope ang bangkay na tangan niya. Gamit ang balisong ay hiniwa nito ang dila saka sinubo sa bunganga. Napapikit ito sa kakaibang sensasyong hatid ng kinakain niya. Nang makulangan ay nilugit ang mata saka sunod na ninamnam.
Nang matapos na ay inaayos niya ang sarili sa ka tuluyang umalis ng gusali.
"Hala, pasensya ka na kung nahuli ako Keith. May ilang bagay lang kasi ako ng tinapos bago umalis," wika nito gamit ang pinakamalambing niyang tinig.
Tinitigan ito ang lalaki sa inalisa ang bawat detalye ng kanyang mukha; mula sa katamtamang kapal ng kilay, mapungay na mga mata, ilong na hindi katangusan, labi na katamtaman ang pagkakapula. Masyadong perpekto para sa mundong makasalanan.
"Ah, hindi ayos lang. Mas gusto ko na ako ang maghintay. Kumusta? Gusto mo ba ang kumain muna?" Tugon naman ni Keith sa kanya.
Pumayag si Penelope sa suhestiyon nya. Lalong nahuhulog si Penelope sa kanya. Napapangiti siya sa naisip niya. Imposibleng mahulog sa kanya ang kaibigan, isa pa may iba na itong napupusuan. Subalit hindi naman siya papayag na mahiwalay siya rito ng ganoon na lamang.
"Pasok ka muna sa loob, may inihanda akong regalo sa iyo." Malumanay nitong sinabi rito.
"Pero hindi mo naman ako kailangang regaluhan, Pen." Tugon naman ni Keith.
Pinaupo ni Penelope ang kaibigan saka magpunta ng beysment ng kanyang bahay. "Kung hindi ka sa akin mapupunta ay mabuti pang ipilit ko kahit pa ang kayakap ko sa gabi ay ang malamig mong bangkay." Wala sa sariling wika niya.
Lumilipad man ang isip ay nagawa nito na ihanda ang mga kakailanganin para sa isasagawa niya. Umakyat itong muli sa sala, naghanda ng ipapakain sa bisita. Hiniwa ang binti ng lalaking nauna niyang naging biktima, nang matapos lumabas sa kusina.
"Oh, heto at kumain ka muna. Mahalagang bago ka umalis ay may laman ang iyong sikmura." Bungad dito saka inayos ang lamesita.
"Nabalitaan mo na ba iyong sa parke na nangyari kanina? Sa abandonadong gusali ay may isang lalaking wala na raw mata at dila nang matagpuan nila! Nagtamo rin daw ito ng mga saksak sa likod na pinaghihinalaang ikinamatay niya. Kung sinuman ang may gawa nito ay tiyak na walang kaluluwa!" Mahaba nito ng litanya habang panaka-naka ang kanyang naging pagsubo mula sa pagkain na nakahain sa kanya. Bahagya itong nakaramdam ng pagkahilo subalit kaniya naman ding binalewala. 
"Wala pa, hindi ba at halos buong maghapon tayong magkasama? Pero grabe nga ang nangyari sa kanya, ngunit marahil ay marami lamang ang sinapit niya. Isa pa, hindi naman siguro dapat husgahan agad ang may sala! Walang kaluluwa? Grabi ka naman yata kung makapagsalita!" Depesa nito sa sarili niya.
Ang lalaki ay natulala. Animo nagitla sa inasal ng babae sa harap niya. Sa kabilang banda, nang mahimasmasan si Penelope ay agad na binawi ang mga sinabi niya.
"Muntik na," wika nito sa sarili nya. "Batid kong naghihinala na siya! Lintik, dapat ay naging maingat ako sa aking mga salita!" Dugtong niya.
"Naghihinala? Muntik na?" Pambungad ni Keith sa kanya. "Penelope, may dapat ba akong malaman?" Kinukutuban na pang-uusisa nito sa kanya.
"W-wala, a-ang antok ba ay hindi mo pa nararamdaman? Dapat ay tulog ka na!" Natatarantang tugon niya.
"A-antok? T-tulog? Penelope ano ba ang nangyayari sa iyo?!" Nagugulumihanan niyang tanong. 
Nagising si Keith nang nakatali sa isang upuan na nakatali ng kahigpitan. Iginala nito ang mata sa isang hindi pamilyar na lugar sa kanya, sa palagay nito ay nasa isang abandonadong bahay siya. Marumi ang paligid at amoy na masangsang. Bahagyang nakikita nito ang paligid, salamat sa buwan na nagsilbing ilaw niya na tumagos mula sa bintana.
Nagulat ito sa biglang pagbukas ng ilaw sa paligid niya, lubhang maliwanag kaya ipinikit nito ng mariin ang mata. Nang matantya nitong kaya na niya ay nagmulat siya. Isang pigura ng babae ang nakikita niya. Sa sobrang liwanag ay hindi nito makita ang kanyang mukha idagdag mo pa na nagsuot ito ng sumbrero dahilan para ang babae ay maging lalong misteryosa.
"Nasaan ako at sino ka?" Agad na tanong nito sa babaeng nasa harap niya.
"Ang sakit naman na hindi mo na ako nakilala, gano'n ba talaga akong tao — walang kaluluwa?" Naghihinanakit nitong wika.
Hindi nito batid kung bakit siya umabot sa ganoon punto ng buhay niya, ibig lang naman nito na maging masaya. Subalit ang hinahahangad ay pinagkait ng mundo sa kanya. Hindi nito ibig ang pumaslang makamtan lamang ang kaligayahang ninanais niya. 
"Gusto ko lang naman na mahalin mo ako, gusto kong titigan mo rin ako gaya ng pagtitig mo sa babaeng tinatangi mo! Nandito ako oh! Bakit-bakit hindi mo ako matutunang‐matutunang mahalin gaya ng babaeng iyon na walang ibang ginawa kundi saktan ka ng husto?!" Lumuluhang pagpapatuloy nito. "N-narito ako oh, paano naman ako na nagmamahal sa iyo? Paano naman ako na parating nasa tabi mo sa tuwing kailangan mo? Palibhasa ay naaalala mo lang ako kapag kailangan mo. Napakadaya ninyo!" Dugtong pa nito.
"P-Penelope?" Wika nito nang mapagtanto ang pagkakakilanlan ng babae.
"A-ako nga," turan nito habang malambing na hinaplos ang pisngi ng lalaking kausap niya. "Ako nga ang babaeng nasa harap mo noon pa, pero mas pinili mong ibaling ang pagmamahal at atensyon mo sa iba!"
"P-Penelope, ano ba ang sinasabi mo riyan? M-magkaibigan tayo, hindi ba?" Naguguluhang tugon ni Keith sa kanya.
"Magkaibigan," pag-ulit nito sa sinabi ng lalaki sa kanya saka nagpakawala ng mapait na paghalakhak. "Magkaibigan! Oo nga pala!" Dugtong nito sa pagitan ng pagtawa.
"P-Penelope, itigil mo na ito. K-kalagan mo na ako," pagsusumamo ng lalaki rito.
"Kung kakalagan ba kita ay makasisiguro akong mamahalin mo na ako?" Wala sa sariling tugon nito.
Tumango ang lalaki sa harap nito. Desperado. At ang paglaya sa kamay ng hibang na kaibigan ang tanging inaasam ng mga oras na iyon.
"Pumapayag ako, pero gaya nga ng sinabi ko kanina ay may regalo ako sa iyo." Malamig na turan niya saka umalis sa harap nito.
Isang malakas na hiyaw ang dumagundong sa lugar na kinatitirikan nila. Habol-habol ang hininga at hindi makapaniwala si Keith mula sa nakikita ng dalawa nitong mata. Ang babaeng pinakamamahal niya ay isang malamig na bangkay na nasa harapan niya, nakatali sa poste sa tapat nito at nakanganga. May mansanas sa parehong ibabaw ng ulo at bunganga, may palaso na nakatusok sa ulo na animo pumipigil na gumalaw sa kanya. Puno ng pasa ang katawan nito, animo pinaglaruan ng maso at pinaghahampas ng todo. Nagtamo rin ito ng ilang saksak sa mukha, dibdib, tiyan at braso nito. Wala itong kanang paa samantalang ang isa naman animo pinipilit na lang kumapit mula sa katawan nito. May bakas ng luha ang pisngi, durog mula sa pagkakapukpok ng matigas na bagay ang mga daliri. Puno ng pagdurusa at pasakit ang kanyang sinapit.
"Kumusta? Natuwa ka ba sa regalong inihandog ko sa iyo?" Panimula nito habang nakatayo sa likod nito. "Ganyan ang mangyayari sa mga taong umaagaw sa taong mahal ko, sa kasiyahan ko. Maaari ring higit pa riyan ang sapitin ng aagaw sa iyo." Nakangising wika nito.
"A-ang sama mo! Napakasama mong tao! D-demon-!" Napatigil ito sanhi ng malakas na paghalik ng maso sa tuhod nito.
"Ayos na ako sa 'masamang tao', pero sa 'demonyo'? Noong una ay 'walang kaluluwa' ang sa akin ay inakusa mo. Hindi ba at parang sumusobra ka na sa masasakit na salitang sa akin ay pinupukol mo? Iyon ba talaga ang matatanggap kong kapalit sa pagmamahal sa iyo? Ang sakit mo naman palang mahalin kung ganoon!" Tugon nito.
"Pero alam mo, masamang tao ka rin naman eh, ikaw kaya na nakaubos ng niluto kong binti. Hindi ka ba magpapasalamat sa minamahal mong babae para sa pag-aalay nito ng kanyang parte? Nakatutuwa kang tingnan kanina, sabik na sabik ka sa aking niluto na animo bata. Kumusta? Masarap ba?" Huminto ito saka lumapit sa kanyang tainga. "Masarap ba ang babaeng iyong pinakamamahal?" Bulong nito sa lalaki sa harap niya.
Natutuliro at hindi makapaniwala. Hirap itong tanggapin na isa siya sa nagpahirap sa kanya. Ang babaeng tinatangi niya ay hindi sadyang nasaktan niya. Tuluyang umagos ang luha sa pisngi niya. Galit ang nananalaytay sa kanya.
"H-hindi maaari. Bakit mo ba ito ginagawa sa amin? Sa akin? Ako na lang sana at hindi mo na siya dinamay pa, Penelope! Hi-hindi na kita kilala, h-hindi na ikaw ang Penelope na aking nakilala!" Bulyaw nito saka pilit kumakawala mula sa pagkaka-kadena sa kanya.
"Huwag kang umarte na akala mo kung sino kang walang kinalaman sa pagbabago ko! At sa tingin mo ba na ang lahat ng ito ay aking ginusto?!" Tugon nito saka hinatak ang buhok ng lalaking bihag nito. Nagpupumiglas ito mula sa kamay nito na hatak-hatak ang kanyang buhok na kulang na lang ay matanggal pati anit nito. "Kagagawan ninyong lahat ito! Kayo ang dapat kong sisihin sa dinaranas ko ngayong impyerno!" Ani nito habang mas nilalakasan ang paghila sa buhok ng nilalang sa harap nito. "Hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa kung nangyari sa akin dahil hindi naman kayo humingi ng kapatawaran nang ginawa ninyo sa akin." Wika nito saka huling pinasadahan ng maso ang mukha ng lalaking iniibig nito.
—PAGTATAPOS—
Tumblr media
0 notes
calli-writes · 2 years
Text
Regalo
This is a fan fiction of a couple—a boy to boy love story that I can hardly move on with. One of the couples of my favorite BL series named ‘2gether The Series’ and I am going to use as instrument to create this piece of both couple’s characters in the said series named—Sarawat and Tine, Type and Man. 
Sa loob ng ilang taon na nagdaan, marami ang nangyari at ang lahat ay mahirap paniwalaan. Lumipas ang panahon na hindi namamalayan, dumaan sa kasiyahan at kabiguan. Kung madapa man ay may kamay na sa iyo ay handang umaalalay. 
Sa dami ng nangyari sa loob ng apat na taon, ang magkasintahang Type at Man ay nananatiling matatag na nakatayo. Nananatiling nakakapit ng mahigpit sa mga binitawang pangako sa isa't-isa sapagkat ang dalawa ay muli na namang magkakalayo, distansya ang pagsubok sa dalawang nagmamahalang puso. 
Nababagot. Walang buhay na pumangalumbaba si Man habang hindi mapakaling lumilinga-linga at pagsulyap-sulyap sa kanyang telepono. Marahil ay hindi ito tinawagan ni Type kinagabihan kahapon. 
“Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang tumawag?” nagtatakang tanong sa kanya ng isa sa matalik nitong kaibigan na agad naman din sinang-ayunan ng iba. 
Umiling ito. “Ayaw ko naman gambalain siya sa oras ng kanyang pagta-trabaho, isa pa siya naman ang nagsabi na tatawag siya sa akin kapag nagkaroon siya ng libreng oras para makausap ako,” mahabang salaysay nito. 
“Kayo ba ni Tine, Wat. Kumusta?” Pag-iiba nito sa usapan. Sandaling natahimik si Sarawat at ang ulo ay iniyuko na siya namang ikina-ngisi ng loko. 
“Oh, kwento na! Ano nga ba ang nangyari sa inyong dalawa? Bakit nga ba napa-tahimik ka bigla?” masuyong tugon ni Man sa kanyang kaibigan. 
“Matagal ko ng naiisip ito, gusto ko siyang ayain pakasal na kaso hindi ako makahanap ng magandang tyempo, parating bulilyaso,” naiirita ng tugon nito saka inis na hinilamos ang mukha gamit ang mga kamay nito.
At tumungo na nga sa pag-uusap ang tatlo na tumuloy na sa paglalatag ng plano dahilan para hindi mapansin ang pagliwanag ng telepono niya, senyales na tumatawag na ang hinihintay nitong tao. 
Dumating na ang araw na pinakahihintay nito, ang planong pinaghirapan isipin at plantsahin, ilalatag na ang pinaghirapan at pagpapaguran. 
“Paano kung kumalpak?” nag-aalalang tanong ni Sarawat. 
“Paano kung huwag mo muna pangunahan ang pangyayari?” sagot naman ni Boss sabay akbay kay Wat at nagpilit ng ngiti. 
Napakamot ng ulo si Sarawat saka tumango, pasasaan nga ba at mangyayari ang dapat maganap sa araw na iyon, hahayaan na lamang ang tadhana na dalhin sila sa dapat patunguhan nito. 
Muli ay sinariwa ng tatlo ang dapat mangyari sa araw ring iyon, sa kabilang banda ay napapa-isip na si Man sa kung ano ang tunay na lagay ni Type sa trabaho. May ilang araw na rin kasi ito na hindi tinatawagan mula nang araw na hinihintay nito ang tawag niya na hindi naman din nito nasagot. 
“Hoy Man, tara na! Nandito na si Tine!” pagtawag ng pansin ni Fong na kaibigan naman ni Tine. 
Agad na sumunod si Man patakbo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ito, masayang tinitingnan ang dalawang lalaki sa harapan habang ang luha ay tumutulo. Ang isa ay nakaluhod, may hawak na maliit na  kahon. Sa wakas, matutuloy na ang plano! 
Malakas na tibok ng puso. Bagay na hindi maintindihan kung bakit nagaganap ito. Luha ay tuluyan nang umeskapo mula sa pisngi nito, tumalikod sandali para punasan ito at hindi na makapukaw pa ng pansin ng iba pang tao. 
“Tayo sana ito, Type. Kaso napakalayo mo sa akin at hindi mo tipo ang ganitong mga bagay. Pero ayos lang, alam kong darating din tayo riyan.” Mahaba nitong litanya sa isip niya. 
“Tine, matagal ko nang gusto sanang itanong ito sa iyo, subalit ako ay napanghihinaan ng loob,” yumuko ito sandali upang magpakawala ng tensyon na kasalukuyang yumayakap sa kanya. “Pero kita mo naman, nandito na ako at nakaluhod sa iyong harapan.” Nauutal nito na winika saka tumawa ng marahan. “Kung papayag ka—ay hindi—Tine, pakasal na tayo.” Natutuliro na winika saka bahagyang iniyuko ang ulo. 
Bahagya itong tumango, hiyawan sa paligid ay lumakas ng todo. “Hmm,” maigsing tugon nito habang masayang nakatitig sa lalaking sa harap niya’y nakayuko. 
Dahan-dahan itong tumingala upang masilayan ang lalaking nagbitaw ng tugon sa kanyang tanong. “A ano iyon?” Maang-maangang tanong ni Wat dito. “Ang sabi ko, oo.” Nakangiting turan naman nito. 
Walang mapagsidlan ng tuwa ang lahat, ang simpleng pagpalakpak ay hindisapat. 
Napuno ng hiyawan at kantyawan ang buong lugar, tunay na kay sarap pagmasdan ang pook na nag uumapaw sa pagmamahal.
“Wat, sandali lang, may tumatawag sa akin sasagutin ko lang.” paalam ni Tine sa kanya na ikinatango naman nito agad. 
Lumakad palayo sa ingay si Tine subalit sapat para nasilayan ang mapapangasawa nito. 
“A-ano ho kamo? A-ano ang nangyari sa kuya ko?” Gulat na tanong nito sa taong kausap sa kabilang linya ng telepono. 
Nabalot ng katahimikan ang lahat, ang kaba na kanina pang bumabagabag kay Man na pilit nitong iwinawaksi sa isipan. 
Agad na nagmadali ang apat para puntahan ang kinaroroonan ni Type sa ospital kung saan nasabi ng pulis naroon ang sinasabing labi ng kuya ni Tine. 
“May iilan kaming gamit na nakuha mula sa biktima, at sa telepono nito, may nakita kaming bidyo na nakalaan sa isang taong nagngangalang ‘Man’, narito ba siya?” Mahinahong tanong ng pulis sa kanila. 
Napatayo sa kinauupuan si Man, “a-ako po.” Naluluha nitong sambit habang pinipigil ang muling pagluha. Masilayan pa lamang ang bag na bumabalot sa malamig na bangkay ni Type ay hindi na nito kayang makita. 
Subalit may kung ano kay Man na nagsasabing panuorin ang nasabing bidyo nang masagot na ang samu’t-saring katanungan sa isip niya. 
“M-Man, gusto kitang ayain pakasal, p-pero parang huli na ang lahat,” nanginginig na usal ng lalaki sa bidyo na pinanunood ni Man. 
Kitang-kita nito ang tuwa sa mga mata ni Type subalit masisilayan din ang pagkalumbay ng katawan nito na animo pagod nang subuking iligtas ang sarili mula sa kinasasadlakan nito, “Man, mahal ko,” nahihirapang usal nito habang pinipilit na maniobrahin ang manibela ng sasakyan paliko. 
Naiiling ito habang pinupunasan ang luha na umagos sa kanyang pisngi, “h-huwag mong pabayaan ang sarili mo ha? K-kumain ka sa tamang oras. M-mag-iingat ka parati kapag naglalaro na kayo sa field,” nauutal na wika ni Type. 
“T-Type,” mahinang usal ni Man habang nakatitig sa mukha ng lalaking iniibig niya. 
“N-noong sinabi mong guguluhin mo ako’t susundan saan mang lupalop, nagpapasalamat ako at ginawa mo nga iyon. Noong sinabi mo na hindi mo ako papabayaan nagpapasalamat ako at tinupad mo ito. Nitong mga nagdaang mga araw, tila kay bigat sa akin ng bawat oras na lumilipas. Napakahirap pala na malayo ka sa taong mahal mo. Para akong nilulumpo, wala akong magawa nakapanlalamot,” mahabang litanya ni Type. 
Rinig ang malalakas na pagbusina sa paligid, ang pagkaskas ng gulong sa aspaltong sahig habang ang kamay naman ni Man ay nanlalamig. 
Totoo bang masisilayan nitong unti-unting binabawian ng buhay ang taong kanyang tinatangi? “T-Type, ano ba ang sinasabi mo riyan?” nangangatog na sambit ni Man.
“M-Man, masaya akong nakilala kita. Sa—sana—” huminto ito sandali dahil humampas sa kung saan ang kotse dahilan para maumpog siya sa salamin at ang dugo ay dumaloy sa kanyang mukha. 
Pinipiga. Ito ang nararamdaman ni Man ng mga oras na iyon. Animo kalahati ng katawan nito ay paralisado. 
“S-sana sa susunod na buhay, makita kita. S-sana sa susunod na buhay, maituloy natin ang kung anuman ang mayroon tayong dalawa. M-Man, hihintayin kita, p-pangako.” Lumuluhang tugon ni Type. 
“Mahal n-na mahal kita,” huling mga salita nito bago mariing ipinikit ang mata, ihinagis ang telepono palabas ng sasakyan. 
Subalit kahit anong higpit ng pikit animo’y nakadilat dahil sa nakasisilaw na liwanag. Ilang segundo pa lamang ang lumilipas at isang malakas na pagsabog ang narinig ni Man. 
Wala na. wala ang lalaking parati niyang hihintaying tumawag. Wala na siyang aabangang umuwi sa tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo at kaarawan. Wala na ang lalaking parati siyang sinusungitan. Wala na ang lalaking kanyang mahal. Wala na si Type. 
—PAGTATAPOS—
Tumblr media
0 notes
calli-writes · 2 years
Text
Salamin
Nananatiling nakatitig sa 'yong maririkit na mata,
Tila inaanalisa ang bawat detalye sa iyong mukha,
Ang iyong kilay na may payak na nagtataglay ng manipis na hibla.
Ang mata mong tuluyan ng nawalan ng sigla.
Ang magandang pilantik ng iyong pilik-mata.
Kulay rosas mong labi, subalit ngiti ay 'di na makita.
Subukan ka mang mabuting gamit ang dalawang kamay,
Ikaway o ikampay man ang mga ito ng walang humpay.
Subalit nagitla sa aking nasilayan, may pumatak mula sa iyong mga mata,
Kaya gamit ang daliri ko ay sinubukang punasan ang iyong luha,
Subalit may mas nakahiga pa pala sa ang makita kang lumuluha,
Sapagkat salamin pala ang nasa harap ko na aking pinakatitigan kanina pa. 
Tumblr media
0 notes
calli-writes · 2 years
Text
LikhAdira
“Panaginip. Isang napakagandang panaginip na hinihiling nito na mangyari. Sa ganda ng pagkakalimbag ay 'di mo aakalaing madalas kung pantasyahin. Masyadong malayo sa katotohanan, subalit hindi nalalayo sa reyalidad.
“Ang hawak nitong panulat na patuloy  sa pagkumpas sa ritmo ng musika sanhi ng pagaspas ng dulong bahagi nito na naglalabas ng tinta sa papel. Katuwang ang mga libro na nagkalat sa mesa, samahan pa ng pudpod na pinsel. May ibig isulat subalit 'di nagtatama ang nais sabihin at ipinupukol yaring damdamin.
“May mga salitang tugma subalit tataliwas sa ibig ipahiwatig. Mga bagay na gustong sambitin subalit mga kataga'y lubhang bitin.
“Nalulunod sa dami ng iniisip. Ang tula na nasimulan ay hirap nang tapusin. Ang akdang ilang beses mang ulitin ay hindi pa rin matutumbok ang salitang gagamitin.
“Nitong nagdaang mga araw ay hindi maintindihan ang sarili, ibig muli sana na mag-alay ng tula subalit maging ang paksa ay lumisan na rin. Mabuti pa sa panaginip ay kasama ka pa rin.”
Mga kataga na ibig isulat bilang pakikilahok sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-walong buwan ng samahan ng kapwa nito manunulat. Nitong mga nakalipas na panahon ay may bumabagabag sa kanya na tila nagdidiktang nararapat na itong magsulat.
Marso. Ika-dalawampung araw ng Marso subalit ang piyesa na ipapasa nito ay wala pa sa kalagitnaan. Mali, 'pagkat ito'y 'di pa talagang nasisimulan. Panulat at papel ay hindi pa nito muling nahahawakan habang ang ulo sa dulong bahagi ng mesa ay nakalapat, tinititigan ang mga pilas ng papel na nilamukos sa lapag.
0 notes