Tumgik
zeiiru · 4 years
Text
Ligaya
simula ng makausap kita anong gaan ang nadarama unti-unti nating tinanong ang gusto ng isa't isa hangang sa pagtulog ko gusto ko'y kausap kita sana ang mga katanungan ay di na matapos pa gusto kong tuluyan at buong buo makilala kapa
anong saya ang hatid mo tuwing kausap kita at anong saya din ang matawag na mahal kahit alam kong ganon ka din sa iba dahil di sinasadya mong pinaramdam na kaya ko pa pala maging masaya nasa yugto ako ng pagbangon at sana ikaw ang makasama at wala ng iba
gusto kong makapasok sa mundo mo kaya ganito ako pagpasensyahan mo na kung minsan makulit ako sana bigyan mo ng pagkakataon ng isang tulad ko na makilala mo sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mapangiti ang isang tulad mo
sobrang ligaya ko nung ikaw ay nakausap ko sana ikaw na ang maging ligaya ng buhay ko
0 notes
zeiiru · 4 years
Text
DI AKO SANAY
ang sariling binabagkas ang mga gilid kinukulong ang sarili sa isang silid ang utak ay masyadong binabatid gusto kitang makilala ngunit ang puso'y manhid
sa unang beses ako na ang tatawag sayo sana dingin mo ang mga hinaing at mga nagustohan ko sayo ginawa ko to dahil gusto ko bumati sa kaarawan mo at sana di mo masamain ang mga intensyon ko
sa unang beses naging masama ang tingin ko sa sarili ko tama ba ako na gumawa ng unang galaw para lang makilala mo sana matamasa mo ang mga intensyon ko at di mo masamain ang aking pagkatao
sa unang beses na ginawa koto nabagabag ako gusto kitang makililala ngunit di ako sanay sa ganito sa unang beses bibitaw ako sa plano makilala mo dahil di ako sanay sa ganito ay di pa kaya ng sarili ko
0 notes
zeiiru · 4 years
Text
HUNYO BENTE OTSO
panahon at simula ng isang maikling storya, storya ng isang taong sumugal para maging masaya ng walang takot at pangamba, pagamba at takot sa magiging hangangan at gaano kaganda at maidudulot niya
tumagal at bumuti ang pagsasama sabay nating binagkas ang tila makitid na daan ng may tapang at gilas habang magkakapit ang ating mga kamay at patuloy na nagiging malakas sabay tayong naglakad at naglakbay at nagiwan ng mga bakas
dumating ang pagsubok at mas lalo nating nakilala ang bawat isa at nalaman na natin ang mga pagkakamali at kahinaan ng bawat isa sabi ko sayo tanggap kita kahit ano man ang pagkakamali mo sayong nakaraaan kaya kong isingit ka sa aking buhay at ang mga oras ko'y sayo mailaan
tanggap kita kahit sinasabi mong di ka gaanong kaganda dahil sa pagmamahal puso naman ang sayo'y nagdidikta kung isip ang pinairal mo tanong ko sayo naging totoo kaba? o minahal mo lang ako dahil sa gusto moko ipagyabang sa iba
minahal kita ng mas higit pa sa aking sarili pero bakit mo nagawang maging makasarili sa oras ng aking kahinaan akala ko yayakapin moko pero sayo mas nanaig ang kahihiyan at binitawan moko
sabi mo sabay natin sasalubungin ang bangong simula pero iniwan mokong sa madilim na langit at nakatulala ang ating mga plano at mga pangako'y naglaho pinatay mo ang pagkataong binuo mo at ngayon di ko na kilala kung sino ako
“hunyo bente otso ang panahon na di nalang ako dapat simugal sayo kung papatayin mo lang din ako”
0 notes
zeiiru · 4 years
Text
"wag na balikan ang mga ala-ala pag wala na kayo, mag move-on kana."
unang tanong saan ako maguumpisa? sa simula kung saan una tayong nagkakilala, sa gitna kung saan kung saan ang mga pagsubok ay ating hinarap ng magkasama, o sa dulo kung saan ang tayo ay malabo na.
sobrang bagal ng takbo ng panahon na ang buwan ay parang taon, kalimutan na ang damdamin ng nakaraan at itapon, itapon na o isilid at ilibing sa isang kahon, maging masaya na at muling bumangon
kalimutan na ang ngiti ng kahapon, na naging pait sa kasalukuyang panahon, pait na nasa puso mo at malalim na nakabaon, pait na nararamdaman ko sa bawat ngiti mo sa bago mo ngayon
mahalin ang sarili mo at magpamahal ka sa iba, wag mong ikulong ang sarili mo sa sinisigaw ng puso mo na mahal parin kita, ang pagmamahal ay di nawawala ngunit pero kaya mong tangapin na wala na talaga, wala na talaga pero marami pang nagmamahal sayo at nagpapahalaga
saan nga ba ako maguumpisa? isarado na ang libro ng nakaraan at simulan ang bagong kabanata, mahalin ang sarili at sa tamang panahon ay sumugal ka, malay mo sa susunod mong storya mas maging masaya ka
1 note · View note