Tumgik
wikawikaeheh · 7 years
Text
KABANATA 18
Nagsimula ang kabanata sa kapansin-pansing matamlay at iritableng Padre Salvi pagkatapos ng misa. Ipinakitang nagpapalaluan ang mga manong at manang ng kani-kanilang natamong indulhensiya nang biglang dumating si Sisa sa kumbento upang hanapin ang kanyang nawawalang anak. Ngunit walang tumulong sa kanya rito, bagkus ay ininsulto pa ang pagkatao ng kanyang mag-aama kaya’t sa huli ay umalis si Sisa nang hindi pa rin nakikita si Crispin.
Ang kabanatang ito ay pinamagatang “Mga Kaluluwang Naghihirap” dahilan sa ang mga tauhang iniikutan dito ay pawang mga nagdurusa (si Sisa dahil sa pagkawala ni Crispin, si Padre Salvi dahil sa kunsensiya). Tinutukoy din nito ang mga kaluluwang nasa purgatoryo, dahil hindi naman sa kanila napupunta ang plenaryang ibinabayad ng mga mamamayan sa mga manong at manang. Kung makikita natin ay sa pera nagsisimula lahat ng kasakiman: ang pagkamatay ni Crispin, pagkabaliw ni Sisa, at ang mga taong naghihirap na walang makain ay sa kadahilanan na ginawa nilang diyos ang pera. Nang dahil dito ay mistulang hindi kami naniniwala na ang mga kaluluwang naghihirap ay ang nasa purgatoryo; ang mga kaluluwang naghihirap ay ang mga Pilipinong nang dahil sa kamangmangan laban sa mga makakapangyarihan.
Inilalahad din sa kabanata ang koneksyon ni Padre Salvi sa pagkamatay ni Crispin. Sa nakaraang kabanata, binanggit sa panaginip ni Basilio na kinagat ni Crispin ang kamay ng kura at mapapansing matamlay at ayaw magpamano ni Padre Salvi sa simula ng kasalukuyang kabanata. Maaaring ipinahihiwatig nito na nakukunsensiya ang kura sa kanyang ginawa kaya siya’y matamlay.
Isa pang makikita hanggang ngayon ay ang paghuhusga sa anak base sa kanilang mga magulang. Napagbintangan ang magkapatid na Crispin at Basilio ng pagnanakaw dahil lamang sa kanilang ama na isang sugarol. Mga halimbawa nito ay si dating Presidenteng Benigno Aquino III na ang nakaimpluwensiya sa pagpili sa kanya ng tao ay ang kanyang mga magulang at si Senator Bongbong Marcos na kinaaayawan ng maraming tao dahil sa ginawa ng kanyang amang si Ferdinand Marcos.
Ang higit na ipinapakitang ‘kanser’ dito ay ang purgatoryo. Paunang binanggit sa kabanata 14 na hindi nakasulat sa Bibliya ang konsepto ng purgatoryo. Sinasabing ito ay makapagliligtas sa ating mga yumao, ngunit ang katotohana’y ginagawa lamang itong negosyo ng mga manong at manang sa kumbento.
Sa kasamaang palad, makikita pa rin ang mga kanser na ito sa kasalukuyang panahon. Mayroon pa ring mga taong inaakalang nabibili ang kabanalan ng salapi. Marami pa rin ang naniniwala sa konsepto ng purgatoryo at marami pa ring ginagawang negosyo ang kanilang posisyon. Batay sa mga ito, masasabing hindi pa umuunlad ang Pilipinas pagkat nakakulong pa rin ang ating pag-iisip sa nakaraan.
GROUP 4 - MOLAVE:
Abalos, Castillon, Flores, Garcia, Guillermo, Lawas, Magmanlac, Ngo, Oruga, Palis, Reyes
0 notes
wikawikaeheh · 7 years
Photo
Tumblr media
Kabanata 19
0 notes
wikawikaeheh · 7 years
Text
KABANATA 17: SI BASILIO BILANG ISANG ANAK, KAPATID AT ESTUDYANTE
Isang mapagmalasakit at mabuting anak, isang mapagparaya at maalalahaning kuya at isang marangal na estudyante - ang mga ito ang makapaglarawan sa isa sa mga natatanging tauhan sa Noli Me Tangere, si Basilio. Bilang isang anak, siya ay mapagmahal at mapagmalasakit. Ipinakita sa kabanata kung gaano ang pag-aalala ni Basilio sa kanyang ina. Sa labis na pagmamahal dito ay hindi niya matatanggap na tinitiis lamang ni Sisa ang madalas na pananakit ng kanyang asawa. Sa katunayan ay mas pipiliin pa niyang sila na lamang tatlo nina Crispin at Sisa ang magsama-sama.
Sa isang bahagi ng kabanata, ang panaginip ni Basilio ay nagpakita rin ng labis na pag-aalala niya kay Crispin. Ayaw niya na naghihirap ang kanyang kapatid. Ipinakita sa panaginip niya na pinapalo ng sakristan mayor ang kanyang nakababatang kapatid ng malaking yantok. Dahil dito'y nakaramdam ng matinding pangangamba si Basilio sapagkat alam niyang higit pa rito ang kayang gawin ng sakristan mayor.
Siya’y minsan ding naging masipag at mabuting estudyante. Ito'y dahil nang magkasakit ang kanyang guro, siya lamang ang kaisa-isang estudyante bumisita rito. Pinahahalagahan niya ng husto ang pag-aaral ngunit mas nananaig ang pagpahalaga niya sa kanyang pamilya. Isinantabi niya ang sarili at nagsakristan upang matulungan kumita ang kanyang ina. Nirerepresenta ni Basilio sa panahon ngayon ang mga batang naghahangad na makapag-aral ngunit walang kakayahan. Hindi man tahasan, ipinapakita sa kabanata kung gaano dapat nating pahalagahan ang edukasyon sapagkat hindi lahat ay nagbibigyan ng oportunidad upang makapag-aral.                
Maihahalintulad natin si Basilio sa maraming kabataan ngayon na handang tumulong at magsakripisyo para sa kanilang pamilya. Isang halimbawa nila ay ang mga batang araw-araw na nagtitinda ng kakanin at sampaguita sa daan mula umaga hanggang gabi. Hindi nila ginagawang hadlang ang pagiging kulang-palad sa pagsusumikap upang makaraos sa kahirapan ng buhay. Gaya ni Basilio, nananatili silang matatag at matapang hindi lamang para sa kanilang mga sarili, ngunit pati na rin sa kanilang mga pamilya. Kailanma’y hindi sila nawawalan ng pag-asang balang araw, sila’y makakaahon din.
Group 1 ng 9-Molave
1 note · View note
wikawikaeheh · 8 years
Text
Kabanata 20
Sa Kabanata 20 ng Noli Me Tangere, ipinahayag ni Rizal ang iba’t ibang problema sa lipunan noong kanyang panahon gaya ng pista, pagiging makapangyarihan ng simbahan, at pagiging sunud-sunuran ng mga tao. Ang ilan sa mga suliraning ito ay nakikita parin sa kasalukuyang panahon. Ang pista ay iginugunita para sa kasiyahan at benepisyo ng lahat. Subalit ito ay nakasasama kapag ang perang nawawaldas ay napupunta sa walang kabuluhang bagay imbis na sa ikabubuti ng nakararami. Hanggang ngayon, ang kaugalian ng pagdiriwang ng mararangyang mga pista ay nakikita parin, kung saan ang ibang tao ay nangungutang pa para lamang may ipanghanda at ipakain sa kanilang mga bisita. Nagpapakita rin ito ng pagiging makasarili at sumisimbolo sa korupsyon sapagkat iilan lamang ang nakikinabang sa perang binabayaran ng lahat.  Tulad na lamang sa ating bansa ngayon, ang pera na binabayaran ng mamamayan ay hindi ginagamit ng gobyerno sa pag-unlad ng Pilipinas kundi ginagamit nila sa mga walang katuturang mga bagay o para lamang sa kanilang ikabubuti at ikauunlad. Isa pang tinatalakay sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng impluwensiya ng simbahan sa mga desisyon ng gobyerno. Ang kura ang nasunod kahit na nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal na nagpapakita ng kanyang pagiging makapangyarihan. Nawalan ng laban at natakot ang mga Pilipino dahil alam nilang mapapahamak at may malulupit na mga kaparusahang haharapin ang hindi sumunod sa kura, kaya naging sunod sunuran na lamang sila. Ang pulong na ang kura lamang ang nasunod ay nagpapakita ng ilusyon na ang mga tao ay may kakayahang ipahayag ang kanilang mga sarili ngunit isa lamang naman talaga ang masusunod, at iyon ay ang kura. Halimbawa nito ay ang hindi pagpapatupad ng RH bill dahil sa pangingialam ng simbahan sa pagdedesisyon ng pamahalaan. Bukod dito, nakikita rin ang pagsisikap ng mga kabataan ng magkaroon ng pagbabago. Ipinakita sa kabanata na sa kagustuhan nilang mas mapabuti ang paglalaanan ng pondo ay handa silang ialay ang sarili nilang karangalan upang matamo ang mithiing ito. Nais ipahayag ni Jose Rizal na “ang kabataan ang kinabukasan ng bayan” at kahit nanaaig ang kasakiman, mayroon paring pag-asa ang ating bayan. Ang katangiang ito ay ipinamamalas parin ng maraming kabataan tulad ng mga boluntaryo sa pagtuturo, mga mag-aaral, mga kasalukuyang "youth ambassadors" at "youth advocates", at iba pa. Marami sa mga tinalakay na problema at isyu sa lipunan ni Jose Rizal ang nararanasan pa rin natin hanggang ngayon. Patuloy ang pag-ikot ng gulong ng korupsyon sa ating bansa, na nagsimulang bumiyahe noon pa lamang. Ipinahihiwatig nito na ang Pilipinas ay hindi pa lubusang umuunlad at nakaposas pa rin ito sa mga problema ng nakaraan. Dito sa kabanatang ito, tayo ay namulat sa korupsyong di natin napapansin ngunit ito pala ay unti-unti tayong pinapatay dahil akala natin nakabubuti ito sa atin, ngunit hindi pala talaga.
- Arcillas, Arago, Araya, Castillo, Dacquil, Decano, Figarola,Martinez, Santos, Toring
3 notes · View notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Kabanata 17
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Kabanata 20
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Text
Kabanata 19
   Pinakita sa kabanata 19 ang pagiging makapangyarihan ng kura noong panahon ni Rizal. Nabaluktot na nang husto ang sistema ng edukasyon dahil sa pagmamanipula ng Pransiskano sa. Ang guro ay nagsisilbing “puppet” o sunod-sunuran lamang kay Padre Damaso. Hindi na tunay na makapagabot ng kaalaman ang guro sa nais nitong paraan.
   Gustuhin man ng guro na magkaroon ng pagbabago sa tila mapangabusong pagtuturo, ay papagalitan lamang siya at ipipilit padin ang nakasanayang pamamaraan kahit na ito ay hindi tama. Maging ang mga magulang ng mga mag-aaral ay umangkop na sa kaisipang ito at mas ginugusto pa na napapalo ang kanilang mga anak sa paaralan. Sa katunayan, ang mga bata ay hindi na natututo, at napipilitan na lamang na kabisaduhin ang mga aralin buhat ng takot na masaktan kapag nagkamali. Tumatak sa isip nila na ang pagkakamali ay nagdudulot ng sakit, hindi ng bagong aral na maaaring gamitin sa susunod pa. Tinanggal lamang nang saglit ang pamamalo, at nang ito ay ibalik, nagtanim ng sama ng loob ang mga mag-aaral. Sadyang mas nagustuhan lamang nila ang pamamaraan ng guro, kaysa sa masamang paraan na ipinapagawa ng kura.
   Nang subukan namang magturo ng guro gamit ang wikang Espanyol, ay minaliit pa ito at sinabihan ng kura na wikang Tagalog na lamang ang gamitin dahil masyado siyang mababa para magsalita ng Espanyol. Maaari din na kaya ayaw ni Padre Damaso na ituro ang wikang Kastila ay para lalong hindi maintindihan ng mga susunod na henerasyon ang mga nagaganap na isyu sa lipunan. Ang mga isipan ng mga mag-aaral ay pilit na inilalayo sa tunay na edukasyon upag hindi mamulat sa pangit na katotohanan ng mga ginagawa nila sa Pilipinas, partikular na sa bayan ng San Diego.
   Ang mga bata na walang ibang hinangad kung hindi matuto, ay wala namang kamuwang-muwang na puro bahid na ng kaisipang Pransiskano ang nakararating sa kanila at hindi ang normal na edukasyon na pakay nila. Sa kabila ng mga balakid, hindi pa rin tumigil ang guro sa pagtuturo at patuloy na inabot ang mga bata upang makapagabot ng maayos na edukasyon.
-Ikatlong Pangkat: (Marcial, Dado, Dela Cruz, Nunag, Tenorio, Ebron, Limpiada, Manalo, Castillo, Ducusin) ng Molave
1 note · View note
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Kabanata 18 Mga Kaluluwang Naghihirap
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Ang Buhay ni Pepe Ikatlong Pangkat ng Molave
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Karanasan ng Isang Bayani Unang Pangkat ng Molave
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Buhay ni Rizal Ikaapat na Pangkat ng Molave
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media
Ang Ating Pambansang Bayani Ikalawang Pangkat ng Molave
0 notes
wikawikaeheh · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Buhay ni Jose Rizal Ikalimang Pangkat ng Molave
0 notes