Tumgik
weaslecake · 2 years
Text
Paradise amidst Pandemic
Circuit City Makati By: Xyrus Joshua B. Magtibay
Tumblr media
Kung ang nais ninyo ng magandang pasyalan, parke o mamili ng mga gamit tulad ng damit, laruan, gadgets or di kaya msarapa na kainin, tara na sa Circuit City.  Ito ang tamang lugar na aking mairerekomeda dahil sa lawak at laki ng lugar para sa lahat ng nais mong gawin habang namamasyal. Ito ay kumpleto, mula sinehan hanggang sa mga restoran na swak sa swak sa budget.  Ito ay isa sa mga Malls na pet-friendly.   Pagpasok mula sa parke, tatambad syo ang haba ng mga tiangge kung saan makakabili ka ng mga iba’t-ibang knick knacks at kung anu ano pang mga bagay bagay sa presyogn abot kaya. Sa may bandang kaliwa, mayroong mga sports area at go-carts na tiyak na magugustuhan mo at ng iyong mga barkada. Ang alfresco area ng mall ay makikitaan ng man-made na tubig lagusan at sa palibot nito ay maaring pansamantalang maupo at magpahinga.  Ang buong lugar ay maaring tambayan ng buong barkada at pamilya. Kaya ano pang ginagawa nyo, tara na. STAY-CATION SA CEBU: SHANGRI-LA MACTAN By: Marquis Louis Calelero
Tumblr media
Kilala ang Shangri-La sa kanilang kahusayan sa kahusayan ng paglilingkod sa kanilang mga customer, at sa kanilang mala-paraisong hotel at resort.
Ang Shangri-La Mactan ay ang pinakamagandang resort na aking napuntahan kumpara sa kanilang ibang hotel at resort. Bumisita kami sa Cebu noong Marso para kasal ng aking pinsan, nakita din namin ang summer promo ng Shangri-La Mactan na humahalagang Php 10,500/night, kaya nag-book na kami ng dalawang linggo. Mayroon din silang day-tour fees na may access sa pool, beach, shower, at gym, na naghahalagang Php 2000 para sa mga adult at Php 1000 sa mga bata.
Tumblr media
Arrival palang ng eroplano namin ay nagpaalala na ang customer service ng Shangri-La saamin na ang kanilang complimentary airport shuttle ay naghihintay na sa labas. Mabilis lang ang biyahe dahil halos katabi lang ng Mactan International Airport ang Shangri-La Mactan.
Tumblr media
Sa aming pagkarating palang sa resort ay pinaakyat na kami sa aming rooms, naging mabilis lang ang proseso dahil nag-check-in kami sa kanilang website. Dalawang kwarto ang aming kinuha, isa sa kanila mama at papa, at isa para sa aming magkakapatid. Diretsong natulog agad sila lahat mula sa pagod ng pagsakay ng eroplano, pero ako ay dumiretso agad sa kanilang gym.
Tumblr media
Mula noong simula ng pandemic, natuto akong maging responsable sa kalusugan ng aking katawan kaya madalas akong magnuhat at tumakbo sa aming gym. Napakalaki ng ngiti noong nakita ko ang kanilang gym, kumpleto lahat ng kagamitan mula cardio, pilates, yoga, at weightlifting (aking paborito). Katabi lang rin ng gym ay ang kanilang libreng jacuzzi, sauna, at shower rooms para sa mga nais maligo pagkatapos magpawis.
Tumblr media
Sabi ng tauhan doon na dumadami ang tao sa kanilang restaurant kapag gabi na kaya hapon palang ay nagmadali na kaming kumuha ng mesa sa Acqua. Masarap ang kanilang mga pagkain at kitang-kita ang pagsinta ng kanilang mga kusinero sa kanilang pagluluto, subalit mamahalin nga lang ang kanilang mga pagkain. Ang aking paborito ay ang kanilang Fiorentina di Angus Steak na naghahalagang Php 4500 per 600g. Napaka lambot ng karne at sakto ang tusta ng bone marrow, kahit konti lang ang bone marrow ay naghati nalang kami ng aking ama. Napansin din namin na talagang mahal ang presyo ng pagkain at inumin dito sa Shangri-La Mactan kaya naisipan namin na bumili ng snacks at inumin sa labas, hindi naman nila ito pinagbabawal kaya payo ko sainyo ay bumili nalang rin kayo sa labas para mabawasan ang gastusin.
Tumblr media
Ang pinaka-highlight ng aming stay-cation ay ang kaunaunahang pagkakataon naming makapag-scuba diving. Kilala ang Shangri-La Mactan sa kanilang coral reefs at iba’t-ibang isda na matatagpuan dito. Si Diver Jana ang naging guide at instructor namin, bago kami nag-dive ay nagbigay muna siya ng oryentasyon sa pag-scuba dive, mula hand signals, do’s and don’ts, kasaysayan ng SCUBA, at mga isdang matatagpuan sa Mactan reef, nakakaaliw pakinggan ang kanyang oryentasyon dahil parang nag face-to-face classes na rin ako. Pinakainaabangan talaga namin ang whale shark na nagpapakita raw sa coral reef nila, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nagpakita sa amin, de bale nakita ko naman sina Nemo, Marlin, at Dory.
Tumblr media
Sa pangkalahatan, napakaganda ng stay-cation namin sa Shangri-La Mactan, kahit hindi kumpleto ang kanilang facilities dahil sa bagyong Odette, napakasaya parin, talagang hindi ka mawawalan ng aktibidad sa dami ng pwedeng gawin. Pinupuri ko ang mabuting pakikitungo ng mga tauhan doon, ni-isang beses kaming hindi natugunan sa aming mga hinihingi. Maghanda lang kayo ng perang gagastusin dahil mamahalin din ang presyo dito, pero napakasulit parin. Talagang babalik kami sa Shangri-La Mactan sa sunod namin na bisita sa Cebu.
Balood Balud, Masbate. By: Joshua Anthony Abelita.
Tumblr media
Ang Balud ay isang Munisipalidad sa probinsya ng Masbate na may populasyon na mahigit 40, 155 na katao.
 Ang aking karanasan sa lugar na ito ay natatangi. Marahil, dahil ang Masbate ang probinsya ng aking pamilya at ito ay may espesyal na lugar sa aking puso. Ang dalampasigan na makikita sa Balud ay maaari nating ikumpara sa mga natatangi at kaganda ganda na dalampasigan na makikita natin sa ibang mga lugar sa bansa tulad na lamang ng Boracay. Bukod pa rito, natatangi rin ang karanasan ko dahil sa lawak ng turismo sa lugar.
 Mayroon na ding mga pahingahan o mga resort na makikita sa lugar. Ang iba sa kanila ay matatagpuan sa mga dalampasigan, habang ang iba naman ay nakatagpo sa mga matataas na bundok ng Munisipalidad. Ito ay isa sa mga hanapbuhay ng karamihan ng mga mamamayan ng munisipalidad.
Tumblr media
Noong una, hindi pa masyado nabibigyan ng importansya ang turismo sa lugar dahil sa kakulangan sa pondo at tanging ang dalampasigan lamang ang makikita dito. Ngayon, ito ay nabibigyang pansin na at kung ikukumpara ko ang aking karanasan noon hanggang ngayon, masasabi ko na mas marami na akong magagawa ngayon dahil sa lawak ng turismo sa lugar. Kabilang na rito ang mga lumulutang na mga kainan na lumilibot sa ilog sa mura at tamang presyo.
 Isa din sa mga makikita sa lugar ay ang Jintotolo Island kung saan makikita dito ang isang tanging Parola na itinayo ng mga Kastila noong taong 1896. Isa rin sa aking mga karanasan ay ang pag futbol sa dalampasigan, isa sa mga natatanging palakasan sa lungsod.
 Siyempre, hindi ko malilimutan ako scuba diving na isinasagawa sa mga malalim na dagat, at dito makikita mo ang ganda ng mga batuhan o ang mga coral reef na tinitirahan ng mga isda na hindi makikita sa ibang lugar dito sa Pilipinas.
GEN-SAN, Buayan district By: Mark Andrei Malicad.
Tumblr media
Ang malay ay munisipalidad sa isla o lugar ng boaracay sa cebu na may populasyon na
32,267 na katao nung 2015.
Ang aking mga karanasan sa lugar na ito ay bihira lamang. Marahil na ang lugar na ito ay pinaka espyal na pinupuntahan namin ng aking pamilya dahil nandito dinang kanilang trabaho o hanap buhay simula pa lng ng bata ko gustong gusto ko na makasama sa lugar na ito pero dahil ako ay nagaaral dito sa manila hindi ako nakaksama sa aking magulang. Ang lugar n ito punong puno ng mg anyong tubig na noong 2016 na sumama ako sa akin magulang ay marami ditong talon at batis na napakalamig ng tubig at masarap puntahan na ikakatauwa ng buong pamilya.
Bukod sa lugar nito o mga pahingahan, Masasarap din ang mga pagkai at kainan dito sa GENSAN ang pinaka masarap na pagkain dito ay ang TUNA. Naalala ko po nung ako ay naiiwan pa dito sa maynila ang aking mga magulang ay parating may nauuwi mga sariwa at malalaking Tuna na aming pinagsasaluhan sa hapunan.
Tumblr media
NOONG una, kami ay hirap na hirap dahil madalas sa pagkagat ng dilim maraming siyudad ang walang kuryente at kabilang na ang syudad namin duon wala kaming ilaw, hirap kami sa pagtulog, at higit sa lahat ay mnapaka init.
Pero kami nman ay naging masaya pa din dahil sa ang gensan ay isang lugar na gugustuhin mong puntahan dahil lahat ng mga galaan or mALL ay punong puno at nakapaligid dito meroon ROBINSON, SM, GLORIETT, KCC VERANZZA AT MARAMI PA. mura din ang mga cinehan dito kaya nman tuwing linggo kami’y ng aking pamilya ay parati lumalabas para manood at makapagkaroon ng oras at pahinga para sa bawat isa.
Hinding hindi ko din malilimutan, ang aking mga kaibigan na nakilala dito na dahil sa kanila at lugar na ito ako ay madaling natuto na makapag bike at makapg maneho na din ng kotse sa tulong ng aking magulang, marami din akong natutunan sa mga parte ng kotse at bisikleta na aking naaggamit ngayonsa aking mga transportasyon at sa aking paglabas.
Tokyo: The Farfetched. Gawa ni: Seanne Patrick Dela Cruz
Tumblr media
Ang lugar na aking napili ay Tokyo, Japan, Napili ko tong lugar na ito dahil dati ko pang gusto pumunta dito at nakamit ko ito noon 2019 dahil pumunta kami dito para mag bakasyon at maglibot. Kaya ko ito napili dahil pangalawa to sa mga unang bansa na napuntahan ko maliban man sa Pilipinas. Ang Japan ay kilala dahil dito nanggaling karamihan na pinapanooran natin na mga Anime. Kilala rin sila dahil sa mga pagkain nila lalo na sa mga Ramen, Sushi atbp. Dito mo rin makikita na ang mga taong nakasuot ng mga Kimono dahil isa ito sa mga tradisyonal nilang suotan. Nakakilala ako ng mga tao dito sa dahil minsan pag naliligaw kami kailangan namin magtanong sa mga hapon kung saan yung direction at sa pagtatanong tinatanong rin nila na kung saan ang mga gusto namin na destinasyon at kung bisita ba kami sa bansa nila. Natutunan ko rin sa kultura nila nung kumain kami sa restaurant na bawal itusok ang mga chopsticks sa mga pagkain dahil ito daw ay parang hindi pagrespeto sa pagkain.at simula noon kami ng pamilya ko ay hindi na nag tusok ng chopsticks sa pagkain.
  Marami akong nakuha at natutunan sa pagpunta namin dito sa Japan. Una na dito ang tungkol sa kultura nila sa pagkain ng mga pagkain at sa paggamit ng chopstick. Pangalawa nakamit ko dito ang isa sa mga pangarap ko na kung saan makapunta ng Japan dahil lagi akong nanonood ng mga anime at gusto ko pumunta kung saan nanggaling ang mga anime.Panghuli ay nagkaroon rin kami ng oras sa pamilya ng aking pamilya dahil sa pag bisita dito sa bansa na to nagbonding rin kaming mag kapamilya.
0 notes
weaslecake · 4 years
Text
Ang Baraiti ng Wika
Tumblr media
https://www.youtube.com/watch?v=pcOpw0Y8rB4
Ang wika natin ay dinamika, merong iba’t ibang uri ng wika lalo na sa ating wika. Hindi tagalog lamag ang wika, at kung tagalog lamang ang alam ng marami, merong itong iba’t ibang baraiti dahil sa marararaming grupo na merong sariling pamamaraan ng pag-salita ng wikang tagalog Ipinapahayag namin ang aming mga sarili sa mga salita, bahagi nito kung sino tayo, tayong mga tao ay may malayang kalooban na magsalita kung ano ang komportable sa amin. Ipinapakita ng dokumento ang iba't ibang mga pangkat na may iba't ibang mga paraan ng dayalekto, bawat isa ay natatangi sa kanilang sariling pangkat. At ito ay ganap na normal, dahil ang mga grupo ay gumagawa ng kani-kanilang wika, dahil maging iba sa mga ibang tao na nag-sasalita ng wika, ang mga “gay lingo” ay isang halimbawa. Ang wika ay bahagi ng ebolusyon ng tao, at habang umuusbong pa tayo sa hinaharap, ginagawa ng ating wika, hindi ito titigil sa pag-unlad, patuloy itong nagbabago araw-araw, ang mga taong may magkakaibang pangkat, magkakaibang pananaw sa buhay ay lumilikha ng mga wikang naaangkop sa kanilang paraan ng pagsasalita Hindi nila pinipilit na gawin ito, ngunit sa bagay na ito na pinaka-komportable silang magsalita, pareho sa "conyos", "jejemons" at iba’t-ibang pang grupo ng tao depende sa kani-kanilang perspective at sitwasyon sa mga buhay nila. Ito ay tumutugma sa pagtaas ng teknolohiya at social media. Ipinapakita nito na ang aming wika ay umangkop sa modernong lipunan, at mabuti ako rito.
0 notes
weaslecake · 4 years
Text
youtube
Ang video ay ipinapakita na merong tao na kaya pang ikalat ang wikang Filipino sa mga kababatang bayan.  Ipinapakita rin kung gaano mahalaga ang wikang filipino sa mga kababayan. Ang wika ay isa sa mga pagtukoy ng aspekto ng ating kultura at ang ating kasaysayan at kung saan sila nararating at nakakasabi din ito sa relasyon nila sa mga ibang bansa na nakaaway o nakapagtulungan nila importante ang filipino sa aatin dahil ito ang parte kung bakit tayo isang Pilipino. Ito ang pagmamalaki ng ating bayan biling isang lungsod. parte ito ng ating buhay, ng ating araw araw, parte ng ating musika. Nagkaroon tayo ng ating sariling linguahe para mapakita natin ang ating kalayaan. Ito ang lipunan na dinulot sa sulat ng mga tao tulad ni jose rizal para hindi natayo matapakan ng ibat ibang tao. dito nagsisimula ang mga buhay natin, kung paano tayo magiisip sa iba para maipakita kung saan tayo nararating. Ang tunog ng wika ay nagunguna sa paggawa ng kultura. At nakaklungot ito na hindi na ito napapansin masyado ng mga kasalukuyang kababayan. Ang wikan Filipino ay merong iba’t-ibang uri, hindi lamang ito basta lamang sa wikang tagalog at natatangi sila sa kani-kanilang rehiyon sa bansang Pilipinas.
3 notes · View notes