Tumgik
waterdrainage-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Maraming problema ang makikita sa aming Barangay isa na rito ang nasa larawan ( ang kanal ). Ito ang isang problema na kinakaharap ng Ambatali, Ramon, Isabela ngunit maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan. Sa tagal ng panahon na ang problemang ito, naiparating na kaya sa Punong Barangay ang problemang ito sa Purok 5 ? Naaksyunan na kaya nila ito ngayon? Ano kaya ang masasabi ng Punong Barangay tungkol sa isyung ito? Noong ika-08 ng Agosto, 2017 sa ganap na alas singko ng hapon ako'y nakipagpanayam gamit ang telepono sa aming Punong Barangay na kagalang-galangan Mr. Ruben Gamiz. Ayon sa kanya, may tagas ang mga tubo ng Nawasa sa ilalim ng daan na nagiging dahilan ng paglubak at ang manatili ang tubig sa daan. Ang problemang ito'y nakarating na sakanya noon pa man at ito'y naaksyunan na rin nila. Ang daan ay magiging kongkreto na at magpapagawa rin sila ng kanal (pavement) at magpapagawa na rin sila ng agusan ng tubig (water drainage) papunta sa main canal. Ang mga materyales na gagamitin sa paggawa nito ay sasagutin ng LGU Ramon at ang Labor Cost ay manggagaling na sa pondo ng Barangay ng Ambatali. Ang proyektong ito ay magaganap na sa taong 2018. -Leah Yaranon
0 notes
waterdrainage-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Ano ang AKSYON? Ilang taon na ang nakalipas Nakalipas na hindi parin kumukupas Bawat taong dumadaan ay umiiwas Umiiwas sa daang maputik na hindi maaliwalas Mga kapitbahay! Halina't inyong tingnan Tingnan ang masamang dulot ng ating dinadaanan Dinadaanan ng mga estudyanteng papasok sa paaralan Pagdating sa eskwelahan mga paa nila'y putikan Nay, tingnan niyo ang tubig na inyong pinaghugasan Pinaghugasan niyong napupunta sa ating daan Ate't kuya, sa kanal dumadaloy ang inyong pinagliguan Pinagliguan ninyong napupunta rin sa ating daan Ang tubig ay umaapaw kapag ang ulan ay malakas Malakas na para bang baha ang wakas Dahil na rin sa daang butas butas Butas butas na hindi nagwawakas Mga batang naglalaro sa tubig nitong marumi Marumi na ang epekto'y sakit na hindi mo mawari Sipsip at lamok na nakaantabay palagi Ito ba ang ating minimithi? Mga kabarangay, ano ba ang balak ninyong gawin? Gawin upang solusyonan ang isa sa mga problema natin Ano kaya ang mabisang aksyon? Aksyon sa problema ng ating nayon.
0 notes
waterdrainage-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Play your PART, be water SMART💪👀
0 notes