Tumgik
unclerussel-blog · 7 years
Text
Intrams: Pinakahihintay ng mga Ananians
Masigla at excited ang lahat nang nabalitaang ngayong buwan ng Setyembre ipagdiwang ang intrams. Sa temang "Ananians on fire at 7", halatang naglalagablab sa tuwa ang lahat ng estudyante sa pagkakaroon ng pagkakataong magpapakita ng malas at galing sa iba't-ibang palaro at kompetisyon.
Halos araw-araw nagpupulong ang mga guro at estudyante sa mga dapat na gagawin para sa mga patimpalak at palarong magaganap. Kasama na dito ang cheer dance competition, basketball at volleyball ng mga babae at lalaki ng bawat strand. Nagkaroon din ng dodgeball, badminton, table tennis, chess, mga running events at literary competition kung saan nandito ang impromptu, pop song, at pop dance.
Sa di inaasahang mga pangyayari nagkaroon ng issue ang bawat strand sa mga grupong nananalo sa iba't-ibang kompetisyon. Kagaya na lamang sa cheer dance competition, HUMMS ang nanalo at siyempre natural lang naman sa tao ang pagiging competitive, may mga bagay na iniisip ng mga grupong natalo na parang hindi pantay ang pagkapanalo nila, pero walang magawa ang lahat at sinunod lamang ng HUMMS ang patakaran ng kompetisyon at mismo hurado na ang nagpasya na sila ang nanalo.
Lahat ng strand na nagsali sa mga palahok ay siyempre nagkaroon ng kanya-kanyang tagumpay. Di ko na isa-isahin dahil alam naman nating lahat na panalo tayo.
HUMMS ang nanalo sa pangkabuuang kampyon. Siyempre di sila makapaniwala na sila ang nanalo, at parang di mababayaran ang saya na nadarama nila.
Alam naman nating titulo lamang ito na naghahatid ng kasiyahan, pero and pinakamagandang nangyari ay ang pagkilala ng bawat myembro, pagkakaisa at pagtanggap ng mga bagay na dumarating sa buhay.
0 notes
unclerussel-blog · 7 years
Text
Intrams: Pinakahihintay ng mga Ananians
Masigla at excited ang lahat nang mabalitaang ngayong buwan ng Setyembre magkakaroon at ipagdiwang ang intrams.
Sa temang "Ananians on fire at 7", halatang naglalagablab sa tuwa ang lahat ng estudyante na maipamalas ang galing sa bawat palaro at kompetisyong magaganap.
Halos araw-araw nagpupulong ang mga guro at estudyante sa mga dapat gagawin para sa mga patimpalak at iba't-ibang palaro, kasama na di to ang basketball, at volleyball. Nagkaroon din ng dodgeball, badminton, table tennis, chess mga running events at literary competition kung saan nandito ang impromptu, pop song at pop dance na dapat paglalahukan ng mga babae at lalaki ng bawat strand.
Sa di inaasahang mga pangyayari, nagkaroon ng isyu ang bawat strand sa mga grupong nananalo sa bawat kompetisyon. Kagaya na lamang sa cheer dance competition, HUMMS ang nanalo at syempre natural lang naman sa tao ang pagiging competitive, may mga bagay na iniisip ang mga grupong natalo na parang di pantay ang pagkapanalo nila. Pero walang magawa ang lahat dahil sinunod lamang nila ang patakaran ng kompetisyon at mismo ang mga hurado na ang nagpasya na sila ang nanalo.
Lahat ng strand na nagsali sa intrams ay syempre may kanya-kanyang tagumpay. Di ko na isa-isahin
dahil alam naman nating lahat na panalo tayo.
HUMMS ang nanalo sa pangkabuuang kampyon at tuwang-tuwa sila sa di inaasahang pagkapanalo nila.
Di mababayaran ang sayang naihatid ng intrams sa isa't-isa. Sabi nga ng guro namin titulo lang ito ang mahalaga ay nagkakilala ang lahat, pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtanggap ng mga bagay na dumarating sa buhay.
0 notes
unclerussel-blog · 7 years
Text
Sana Maranasan mo rin 'to
So ayun! Isang araw nakita ko na naman si Darna nakikipaglaban kay Godzilla kasama sina Tom at Jerry at Hello Kitty. Pero di naman sila kasali sa kwentong ‘to noh, kaya pagtutuunan muna natin ng pansin ang kakaibang istorya ko bilang estudyante ng STEM dito sa paaralang pinag-aaralan ko. Nagtataka ka ba kung bakit palagi kong kasama ang foreigner sa strand namin? Ikukwento ko sayo kung paano kami nagkakilala at naging magkaibigan. September na ngayon, sobrang busy ang lahat sa klase nang biglang…boom! Sumabog ang balitang papalapit na ang intrams. Siyempre sino pa ba ang hindi magugulat sa impormasyong yan dahil akala ng nakararami October pa daw ang intrams namin at para sa college pa daw ang September, kaya tuwang-tuwa ang lahat. Inanunsyong marami raw ang mga sports at palarong magaganap kasama na dito ang inaabangan ng lahat; ang Cheerdance Competition. Tatlong lingo na lang ang natitira, kaya sunod-sunod ang meetings ng mga guro at estudyante. Sinabi ko nga palang kakaiba ito. Sisimulan ko na ang kwento. Practice noon sa cheerdance, alam naman nating may foreigner sa strand namin. Magkatabi lang kami sa isang linya ng sayaw at napapansin kong palagi niya akong tinititigan na parang gusto niya akong patayin. Pero di ko muna ito binigyan ng kahulugan at nagpatuloy na lng sa pagpraktis. Hapon, uuwi na ang lahat at nakasakay na ako sa bus. Kinuha ko yung cellphone ko at inadd siya sa Facebook. Sumunod ang ilang araw at ganun parin ang napapansin ko, palagi pa rin niya akong tinititigan. Sinabihan ko pa yung kaklase ko ng,“tingnang mo yung foreigner oh! palaging nakatitig sakin, ”
“oo nga noh,” sabi niya. Tapos na ang araw at nakasakay na ako ng bus pauwi. Binuksan ko yung cellphone ko at nagfacebook. Pagbukas ko ng Messenger nakita ko may nakalagay; “You and Mattia Santoro are now connected on messenger”. Nagmessage ako sa kanya ng, “oh! thank you”. Tapos nag reply siya ng, “Sorry I didn’t recognized you”. So ibig sabihin, kung nalaman niyang ako pala yun, matagal niya na sana akong inaccept. “It doesn’t matter, but thanks for accepting,” sabi ko sa kanya. Tapos tinanong pa niya ako ng “Do you dance as sports?”. “Sometimes, but dancing is not my passion, why did you ask?” tanong ko sa kanya. “Because you move very well during cheerdance practice,” sagot niya. Pagkatapos nagchat pa ako sa kanya ng ,“I heard that you are good at Math, and you want to be a space engineer someday”. Oo daw sabi niya. Tinanong niya rin ako kung ano raw yung gusto kong kurso, sabi ko gusto kong maging Geologist balang araw. Tapos nagtanungan kami kung bakit ganun mga kurso namin. Itatanong ko sana kung bakit ganun siya makatitig sakin tuwing praktis, kaso di ko muna sinabi dahil baka maoffend siya. Pero di ko talaga matiis at sinabi ko na lng sa kanya. “I noticed that, when we practice you are looking to me just like you wanted to kill me”. Tapos nagreply siya, “Really? I didn’t notice that, maybe is because I like you. Don’t misunderstand me, I’m talking like a friend”. Napaisip ako, kaya pala ganun makatitig sakin, nagandahan lang siguro sa pagsayaw ko(medyo feeler). “Of course it didn’t mean a lot to me”, sabi ko. Tapos sinabihan ko pa siya na ang ganda ng kulay ng buhok niya at mga mata niya, in English siyempre. “What a cute guy”, sabi ko sa kanya. “Pls. no the pets are cute not me”, sagot niya. Napahiya ako ng konti sa kanya ng malaman kong para lang pala sa mga hayop ang salitang cute. “Huh! Is it? Sorry because it’s different in here,” sagot ko. Patuloy kaming nagtatanungan sa isa’t-isa tungkol sa buhay namin hanggang naging magkaibigan muna kami sa chat. Wala naman sana akong intensyon na makipagkaibigan sa kanya dahil magkaiba ang mundo namin. Ibig kong sabihin magkaiba yung pagsasalita namin. Hindi pa naman akong magaling mag English kapag sa personal pero sa chat okay lang. Unang araw ng pagkikita namin bilang magkaibigan ay hindi ako muna lumapit sa kanya dahil medyo nahiya pa ako at sabi ko nga di pa ako masyado marunong magsalita ng English. Pero lumapit siya sakin pagkatapos magpraktis at nag-usap kami. Gusto niya raw matutunang magsalita ng Hiligaynon kasi para siyang nilalang na wala sa mundo na nakatunganga sa nag-uusap. Kaya tinuturuan ko siya ng mga salitang madali lamang maintindihan gaya ng gwapo, gwapa at naiintindihan niya na rin ang mga salitang pagbati katulad ng maayong aga, maayong hapon, etc. alam niya na rin ang mga numerong 1-10. Siyempre nang naging kaibigan ko siya, natuwa ako dahil minsan lang dumating sa buhay natin ang ganitong bagay. Tinutulungan ko siyang mag-ipon nga mga larawan para di niya daw malilimutan ang mga bagay na nangyayari sa kanya araw-araw. Kung ako sa inyo(kung pwede) magpapapicture na lang ako sa kanya baka maalala ka pa niya kapag magkita kayo balang araw. Sinabihan niya pa nga ako na iinstall ko raw yung Whatsapp na application at magbigayan kami ng cellphone number dahil kapag nandoon na raw siya sa Italy patuloy pa rin daw ang aming pag-uusap. Nagplano kami na magpalitan kami ng T-shirt naming orange, at patuloy pa rin kaming nag-uusap tungkol sa mga nangyayari araw-araw. End
0 notes
unclerussel-blog · 7 years
Text
Salamat sa Trahedya
"Mommy? anong araw nga ngayon? " Tanong ko kay mommy habang naliligo sa swimming pool sa rooftop ng aming 50 floor na hotel dito sa Pilipinas. Ay oo nga pala Lunes ngayon, magshoshoping kami mamaya sa London, tapos maglulunch sa New York at maghahapunan sa Italy, kasi nga birthday ko ngayon.
"Mommy! pakikuha nga ng cellphone ko sa room ko". At dahil nga na spoiled ako ng mommy ko, wala siyang magagawa kundi kunin na lang ito at dali-dali niyang ibinigay sa akin. 18 yrs. old na ako noh! di ko na kailangan ng yaya.
Ay muntik ko na makalimutan, magshoshoping pala kami. Kaya dali-dali akong bumihis, lumabas ng hotel, at lumakad patungo sa aming praybeyt plane. Makikita ang aming praybeyt plane sa tapat lamang ng aming hotel, at nandoon ang airport.
"Hala, yung cellphone ko nga pala naiwan", at dahil nga spoiled ako, inutusan ko na lang si mommy na kunin yun sa room ko sa 16th floor ng hotel. Kinuha niya naman ito.
Eeeeeng! lumilipad na ngayun ang eroplano at makikita sa bintana ang nagpuputiang mga ulap. Siyempre ayoko namang mamiss to kaya kinuha ko yung phone ko at.. selfie, selfie. " Nak isali mo naman ako diyan" sabi ni mommy. "Mamaya na nga pagkatapos ko" sabi ko sa kanya.
Sa di kalayuan nakikita ko na ang aming destinasyon at yun ang London. Super excited ako kaya bigla kong sinigawan si mommy ng; " Mommy bilisan mo nga, para kang pagong lumakad". "Oh sige-sige sabi naman niya". Gigil na gigil ako, at iniisip ko ano ang mga magagandang mangyayari mamaya.
"Mommy pwede bang magshoping muna tayo? tanong ko sa kanya. "Ahh, anak pwede bang kumain muna tayo?"tanong niya sa akin. "Naku, si mommy naman oh, diba pumunta tayo dito para magshopping lang? " Sige na nga" sagot niya sakin."At tsaka sa New York pa tayo kakain diba? "Oh siya", magshoping na tayo.
Tiningnan ko yung oras 8:30 a.m pa lang, kaya... Shopping-shoping, shopping-shopping...
"Nak, di kapa ba nagugutom?" Tanong niya sakin. "Di pa" sagot ko. "Tingnan mo nga yung oras, " Hala, 3:30 na ng hapon at di pa kami nakakain. Nakalimutan kong dapat pupunta pala kami ng New York para mag lunch. Kasi di ko naalala, napilitan kaming dito na lng kumain. "Mommy bukas pupunta tayo ng New York ha?" hiling ko sa kanya.
So ayon, lumipad kami patungong NY. Siyempre ginamit namin yung plane, at hindi naman kami makakalipad wala naman kaming mga pakpak. Pagdating namin sa NY, mukhang may iba akong nararamdaman, para bang may mangyayaring masama ngayon. Pero sa sobrang excited ko, di ko to pinansin. Alas nwebe na ng umaga nang tiningnan ko ang relo ko.
Sana kakain lang kami dito sa NY, pero sayang lang ang pagpunta namin dito kung kakain lang kami, kaya dinagdagan ko na lang ang mga ponamili namin doon sa London. Nagshoping kami sa isang mall. Makikita sa tapat ng mall ang World Trade Center(WTC) at ang katabi nitong malaking building na di ko kilala.
10:27 a. m. na nang tiningnan ko ang aking relo. Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain kami dito. Inutusan ko si mommy na umorder, at ako siyempre andito nakaupo.
Sa di inaasahan,eeeeng! booooom!!, may biglang sumabog sa labas. Nagulat ako at naisip ko kung saan nanggaling
ang pagsabog. Kaya lumabas ako. Mabilis ang pagtakbo ko palabas ng mall habang sinisigawan ni mommy na huwag lumayo sa kanya. Pero di ako nakinig at patuloy pa rin ang pagtakbo ko. Nang nakalabas na ako, kitang-kita ng dalawang mata ko ang eroplanong sumabog sa WTC at sa building na katabi nito. "Mga terorista ang mga yan," sigaw ng aking katabi. Boooom!!
Nagsigawan ang lahat nang biglang pinasabugan ang mall kung nasaan kami ni mommy. "Naku nasa loob pa si mommy". Parang kidlat ako kung tumakbo papunta sa loob ng mall. Binilisan ko pa ang pagtakbo papunta sa lugar kung saan kakain sana kami.
"Naku sandali lang", may nakita akong isang babaeng nahulugan ng haligi at naipit ito. Pero di ko ito pinansin dahil sigurado akong patay na iyon. Hinanap ko si mommy, at hindi ko siya makita. " Naku nasan na kaya siya? mommy! mommy!" patuloy ko siyang tinatawag habang umiiyak na may halong takot. Dahil di ko siya nakita, naisip ko na lumabas na lang dahil baka nakalabas na siya ng mall. Patuloy akong tumatakbo habang naririnig ang hiyawan, at mga pagsabog na nagaganap. Nakita ko ulit yung babaeng naipit, at nilapitan ko ito. Umiyak ako ng todo nang makita kong si mommy pala yung babaeng naipit. Umiiyak, sumisigaw ako ng todo.
Naging isa rin kami sa mga biktima ng September 11 bombardment o 911 ang tawag ngayon. Maraming nasawi at nasugatan sa terorismong nangyari.
Umiyak ako ng todo, at sa isang iglap, nagising ako nang bigla akong nahulog sa pool galing sa salbabidang aking hinihigaan at muntik pa akong malunod. "Naku panaginip lang pala iyon".
Bumihis ako at niyakap ko si mommy, at sinabi ko sa sarili kong di na ako magiging spoiled at hihingi ako ng sorry kay mommy sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Kaya salamat sa trahedya.
0 notes