Tumgik
tsubakiilove · 4 years
Photo
Tumblr media
Gusto kong magsimula Sa unang beses na binigyan kita ng babala Diba sabi ko sayo ayoko munang kumawala Sa bugso ng damdamin ayokong magpadala
Gusto kong magsimula sa unang beses na tinawagan mo ko Sa kalagitnaan ng gabi tinanong kita kung anong intensyon mo hawak ang telepono, sinabi mong ika'y namamangha Sa pagpapalitan ng salita sa magkabilang linya
Nagpatuloy ang gabi, dumating ang umaga Hanggang sa dapit hapon ika'y matiyaga Sa pagtatanong sakin ng "kumain ka na ba?" at "Ano ang iyong ginagawa?"
Gusto kong magsimula Sa unang beses na inamin mong ang iyong paghanga ay tila nag iba Narinig kong sinabi mo ang mga katagang "Gusto kita at iba ka sakanila"
Pinaalala ko sayo ang aking babala Diba sabi ko sayo ayoko munang kumawala Sa bugso ng damdamin ayokong magpadala
Pero aaminin ko, nagustuhan rin kita Mapusok ang damdamin, Marupok ang puso Di napigilan dahil di ko kontrolado
Nahulog ako sayo at agad mong sinalo Sinabi mo kung gano ka kaseryoso at kung anong mga plano mo Masaya kong pinakinggan ang iyong mga pangako
Parang wala nang mas sasaya pa kapag dalawa puso ang nag tagpo Bawas araw ay dumadaan, bawat oras ay humihinto Biglang nag iba ang ikot ng mundo
Pero sandali... Gusto kong magsimula Bakit nga ba hindi? Simulan na natin to Mahal, gusto kong magsimula pero bakit di pa tayo nagsisimula parang sinimulan mo na sa iba?
Ang sabi ko gusto kong magsimula pero bakit natapos na? Hindi mo ata ako nadinig Ang sabi ko "simulan na natin to" Magkaiba yung salitang "tayo" at "kayo"
Pero wala akong magagawa, Sa aking mga nakita Dapat pala nung una hindi ako sayo nagbabala Dapat pala sa sarili ko ako nagsalita
Kaya ngayon, Hindi muna ako kakawala Sa bugso ng damdamin hindi na ko papadala Dahil mapusok ang damdamin Marupok ang puso
At oo hindi ko ko kontrolado Kaya magtitiwala nalang ako sa may mas alam Sa totoong nagplano at marunong magseryoso Sakanya na tinutupad ang pangako.
At sa huli kapag muli tayong nagtagpo Sasabihin kong muli sayo na nakapag simula ako At kaya ko nang ngumiti dahil narating ko yung dulo.
0 notes
tsubakiilove · 4 years
Photo
Tumblr media
“Kung pipili ka dapat isa lang At kung pipiliin mo sya Siguraduhin mong sya na Wag ka nang lumingon pa sa iba.”
Diba patay ka na? Wag ka nang magmulto Hinayaan na kita sa kanya Kaya palayain mo na rin ako
Ibinigay ko nang lahat Hindi pa ba sapat? Ano pa bang gusto mo? Bakit di ka pa makuntento?
Durog na yung puso ko Gusto mo ba pati pagkatao ko? Sige, aaminin kong ikaw na ang panalo Hindi ko na kilala ang sarili ko
Pilit kong hinahanap, san ba ko nagkulang? Sabihin mo naman kasi sobra na kong nahihibang May mali ba sakin? O masarap lang talaga kong lokohin?
Nakikiusap ako sayo, palayain mo na ko Kung sya na talaga, matatanggap ko At kung mahal mo sya ng sobra, lalayo na ko Hindi madali pero kakayanin ko
Pakiusap wag ka nang magparamdam pa Mahalin mo nalang sya ng sobra Iparamdam mo sakanya yung mga bagay na di ko naramdaman Alagaan mo sya kung paano kita inalagaan.
1 note · View note