Tumgik
Ang Aking Sarili
Ako si Jamaica Mae Cenita Radan. 17 taong gulang at nakatira sa Purok Mango Umapad Mandaue City. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pumapangalawa.Ang panganay ay si Johan Jave Radan at ang bunso ay si Jandelle Radan. Ang aking ina ay si Ma. Lee Radan at ang aking ama ay si Junvelle Radan. Ang aking pangarap sa buhay ay maging isang kilalang Medical Technologist sa loob at labas ng bansa. Ang aking libangan ay ang paggawa ng mga calligraphy arts at pngongolekta ng mga maliliit na notebook na may magagandang disenyo. Paglalaro ng volleyball ang gusto kong laro at ang talento ko na hindi ko masyadong nilalabas o pinapakita sa iba ay ang pagsasayaw. Ang aking problema ay tungkol sa aking pagtulog. Ang pagtulog ay importante para tayo ay di-haggard tingnan pero sa aking sitwasyon, palagi akong napupuyat. Kinulang ako sa tulog dahil sa kaka-cellphone at  minsan ay nakakalimutan ko ang oras. Kahit pagod ako galing sa paaralan, nagagawa ko pa ring mag facebook. Minsan naman ay sinusumpong ako ng insomnia at tuwing gabi din ako inaabala ng mga bagay-bagay na ginagawa ko. Ang tanging solusyon sa problema ko ay ang ‘wag gamitin ang cellphone tuwing gabi. Sa ganitong paraan, maiiwasan ko ang paggamit ng facebook. Dapat ko ding iwasan ang pag-iisip ng mga walang kwentang bagay pag matutulog. Kailangan kong i-refresh ang aking utak at maging kalma lang. Chill lang at yun na nga, matulog ng mahimbing. Isantabi ang mga bagay na nakakasagabal sa pagtulog. Ang aral na aking napulot sa problemang aking kinakaharap ay dapat huwag tayong maging alipin o sunod-sunuran ng teknolohiya. Nawawala ang atensyon ng tao dahil sa mga teknolohiya. May disadvantage ang mga teknolohiya na dapat nating iwasan. Huwag nating hintayin na bilogin ng teknolohiya ang ating mga utak. Iwasan nating gamitin ito palagi para tayo ay hindi maapektohan nito.
0 notes