Tulad ng ibang estudyante, iba’t ibang emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang salitang “paaralan”, saya, lungkot, at iba pa. Ito ay dahil sa paaralan nangyari lahat ng masasaya kong alaala bilang isang binata, at dahil na rin dito nagmumula lahat ng aking stress.
Gusto kong pumapasok sa paaralan dahil sa aking mga kaibigan. Tuwing pumapasok ako, ang palagi kong hinahangad ay ang makita at makakwentuhan sila. Tuwing kami ay magkakasama, kami ay nagkukwentuhan at nagtatawanan tungkol sa iba’t ibang bagay. Ang isa pang dahilan kung bakit gusto kong pumapasok ng paaralan ay ang aking mga kaklase. Dahil araw araw kaming magkakasama, sila ay unti-unti kong nakikilala. Dumarami ang aking mga kaibigan dahil palagi akong nakikipaghalubilo sa aking mga kaklase. Para sa akin, sila ang pangunahing dahilan kung bakit natutuwa akong pumasok sa eskwelahan.
Sa kabilang dako, minsan ay ayaw kong pumapasok ng eskwelahan. Gusto ko na lamang manatili sa bahay at magpahinga. Mas nanaisin ko pang manatili sa aking kama at humilata habang naglalaro. Mas nanaisin ko pang magpahinga kaysa mapagod sa kakaaral. Mas nanaisin ko pang kumain ng sorbetes habang nanonood ng mga paborito kong pelikula.
Sa kabila ng lahat ng magagandang bagay na pwede kong magawa pag ako ay hindi pumasok ng eskwelahan, kailangan ko pa rin pumasok. Kung wala ang eskwelahan, ako ay walang kinabukasan. Alam naman nating lahat na edukasyon ang pundasyon ng tagumpay, at kahit na ito ay nakakastress at minsan toxic, mas nanaisin ko pang magpakahirap ngayon sa eskwelahan para sa hinaharap ako ay makakahinga na ng maluwag. Mas nanaisin ko pang kumayod ng kumayod ngayon, para ako ay mayroong magandang kinabukasa
May iba’t ibang uri ng ngiti may ngiting inosente, ngiting masaya at ngiting dismaya. Ngunit paano nga ba masasabing tunay ang ating ngiti?
Maraming rason ang pwedeng maging dahilan ng ating pag ngiti gaya ng pag pasa sa pagsusulit, nakakuha ng medalya, at magkaroon ng maipagmamalaki sa aking magulang.
Sinasabi rin dito na maraming benepisyo ang pag ngiti gaya na lamang nang pagdadala ng mga positibong kaisipan tungo sa mga taong nasa iyong paligid. Kaya ngiti lang kapatid malay mo may mabago kang araw dahil sa ganda ng ngiti mo.
Wala ring papantay sa ngiti kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan lalo na kapag alam niyong nalampasan niyo na ang isang pagsubok na sa una akala niyo ay hindi kakayanin. Nakatutuwang isipin na sa lahat ng kalungkutan na ating nadama ay masusuklian ng hindi masukat-sukat na kaligayahan.
Bilang pagtatapos, nais lang namin na ipabatid sa inyo na kahit anong mangyari ay huwag niyong kalilimutang ngumiti dahil isa ito sa pwedeng maging sagot sa mga problema at pasanin mo sa buhay.
Taon-taon ay nagbabakasyon ako sa Zambales kasama ang aking pamilya. Unang beses pa lamang na nagtungo kami sa Zambales ay nabighani na agad ako sa angking kagandahan na taglay ng kalikasan at tanawin sa lugar. Mapalit sa dagat ang Zambales kaya iba’t ibang resort at isla ang matatagpuan at sulit lahat ng pagod sa haba ng byahe dahil sa kalinisan at kaganadahan taglay nito.
Lumisan kami sa aming tahanan ng 6:30 ng umaga patungong Zambales at inabot ng mahigit sa apat na oras ang aming biyahe dahil na rin sa traffic na aming sinuong. Dumating kami sa bahay ng aming tinutuluyan sa Zambales at sinalubong kami ng mga taon duon at pinaghanda kami ng iba’t ibang putahe ng pagkain na galling sa farm. Nagustuhan ko ang mga pagkain sa Zambales dahil sariwa ang mga sangkap na ginagamit nila sa pagluluto, hindi tulad sa Imus na karamihan sa mga kinakain ko ay puro preserba at hindi gaanong masustansya. Wala ring wifi sa bahay na aming tinutuluyan kaya nakakapagpahinga ako muna sa social media at napapahinga ko rin ang aking isipan dahil malayo sa mga problema sa stress dahil sa madamingk gawain sa paaralan. Sariwa rin ang hangin sa Zambales malayo sa Imus dahil unti-unting lumalaganap ang polusyon dahil na rin sa dami ng sasakyan at kaunting puno na natira sa lugar.
Sa unang pananatili naming sa Zambales binisita muna naming ang mga panannim at kalagayan ng mga hayop na aming pinapaalagan. Makikita dito ang magagandang tanawin na napakasarap balikbalikan kada taon. Malalanghap dito ang sariwang hangin at katahimikan na malayo sa siyudad. May mga palaisdaan din na mayroon malalaking isda na hinuhuli at kinakain.
Ang pinaka nagustuhan ko ay noong pumunta kami sa Anawangin, nagtungo kami doon gamit ang bangkang inarkila na aking mga magulang. Pagkarating na pagkarating naming sa isla ay mapapansin na agad ang kalinisan ng paligid at mga punong nagtataasan. Malinis ang tubig sa dagat at malinaw na makikita ang mga maliliit na isda na lumalangoy malapit sa dalampasigan. Maliit ang mga alon na humahampas at mababaw lamang ang tubig kaya masarap magtampisaw at lumangoy langoy sa dagat. Pinanood naming ang kagandahan ng paglubog ng araw at mapagisip-isip ko na napakaswerte ko dahil nasaksihan ko ito kasama ang aking pamilya.
Noong huling araw na naming sa Zambales at nakapag isip isip ako na dapat pala ay sulitin ko ang mga ganitong pangyayari sa aking buhay dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon na masaksihan at maranasan ang mga kaganapan na nangyayari sa akin. Dapat ay magpasalamat sa mga biyayang dumating satin at huwag sayangin ang mga pagkakataon na ibinibigay satin.
- Ang Katitikan ng pagpupulong o Minutes of the Meeting ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong.
- Ibinabatay sa Agenda na unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon.
- Ito’y maaaring gawin ng kalihim, typist o reporta sa korte.
Sa isang pagupupulong dapat mayroong:
1. Kalihim
2. Typist
3. Encoder
4. Reporter
5. Shorthand notation
6. Video o audio recording.
Bago magsimula
- ihanda ang mga kakailanganing detalye. (Petsa, dadalo, atbp.)
Kasalukuyan
- itala ang kaganapa (recording o shorthand notes)
Pagkatapos
- Pagsunod-sunurin ang nakalap na detalye. Mabigay-tuon sa mahalagang datos. Maging obhetibo.