Tumgik
tawneenuza · 7 years
Photo
Tumblr media
IKTUS Band at Colegio de San Juan de Letran - Calamba: Juan Knight Only V.2
0 notes
tawneenuza · 7 years
Text
Nakasanayan.
Mahirap talagang masanay sa nakasanayan.. Yung tipong nung umpisa, ramdam na ramdam mo kung gaano siya kasabik na makasama ka, yun bang maipakita at maibigay sa'yo ang mundo sa lahat ng pagkakataon na may oras kayo para sa isa't isa. Gagawin at hahamakin niya lahat, para lang sa'yo. Hanggang sa pagtagal, parehas na kayong nasanay na tamang andyan para sa isa't-isa. Parehas nabulag sa pagsusumikap na maiparamdam sa bawat isa na mahalaga kayo sa buhay ng isa't-isa.. Na mahal niyo ang isa't-isa. Lumipas ang panahon, nasanay kayo sa binibigay na oras at pagmamahal ng isa't-isa. Nasanay kayo sa mga bagay na di niyo inakalang pansamantala lang pala. Nasanay sa mga salita at pagpaparamdam na mahal niyo ang isa't-isa. Nasanay sa pag-ibig na yun pala ay sa inyo'y mawawala lang din lamang. Mahirap masanay sa nakasanayan, lalo na kung ang katumbas pala nito ay walang kasiguraduhang kinabukasan, walang kasiguraduhang totoong pagmamahal ang binibigay at pinararamdam sa isa't-isa. Kagaya ng nakasanayan mong andyan siya, sa paglipas ng panahon, masasanay ka din na wala na siya at dapat ka nang gumising at bumangon sa realidad na dapat mo ng tanggapin na ang mga bagay na nakasanayan mo ay isang panaginip na makasasanayan mo ring limutin kahit ilang beses pang umulit. 
~ TN
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
Mema sa ulan.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan sa aming bubong ang damdamin kong pilit lamang sa sarili'y binubulong. Isip ko'y gulong gulo sa mga nais ipahiwatig nito, ngunit ang puso ko'y sigurado sa tanging gusto nito. Katulad ng pagbuhos ng ulan na kailanman ay walang makabibilang ng mga pinapatak nito, ay ang bilang ng mga pagkakataon na gusto kong ikaw ay kapiling ko. Kagaya ng pinagmumulan ng ulan ang kinalalagyan mo, malayo.. Hindi ko mawari kung paano maaabot. Ngunit pilit na sinusubukan kung paanong ako ay maaaring makapunta sa'yo. Kagaya ng ulan, inisip kong sana ang mga araw ay mapadali ang pagdaloy.. Dahil pamula pa man ng araw na malaman kong ikaw ang gusto ng puso ko, umaasa ng sa twina'y kayakap ka muli sa pag-gising ko.
2 notes · View notes
tawneenuza · 8 years
Text
9/10
Heto nanaman ako, sumusulat para sa’yo
Sumusulat kahit na alam kong saan man ay di tayo patutungo
Talagang di ko mapagtanto kung bakit ikaw ay palaging nasa isip ko
Pero wala naman sigurong masama kung hayaan kong ika’y nandito
Ilang linggo na rin ang nakalipas pero walang nagbago
Ang hirap magpigil, pero wala e, kakayanin ko
Wala naman akong magagawa kundi sundin ang mga sinabi mo
Sana bumalik na lang sa pangalwang sabado ng setyembre ko
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
Hahawakan o Bibitawan?
Unti unti mo akong pinaniwala na ang pag-ibig mo ay naglaho na
Na tanging pagmamahal ko na lamang sa’yo ang natira
Pinipilit kong mabuhay sa kalokohang may pag-asa pa
Kahit mga kilos at salita mo ay nagsasabing tayo’y tapos na
Sa bawat oras na ika’y kasabay at kasama
Sinasadja ito upang ika’y makatabi at madama
Ligaya na makita kong ika’y aking kasama
Inaasam na ang nakaw na sandali ay di na matapos pa
Mahal, pag-ibig ko sa’yo ay di kagaya ng mga sasakyan
Na humihinto anu mang oras at kung saan saan
Nadaramang ito ay parang pagkapit mo sa mga hawakan
Hahawakan ko ng mahigpit, bumagsak man ay hindi ko ito bibitawan
~ TN
1 note · View note
tawneenuza · 8 years
Text
Kom-pli-ka-do
Akala ko sabi mo ayaw mo ng maramdaman muli na mawala ako sa’yo
Sinasabi mo pa ngang wag akong magsasawa sa kung anong meron tayo
Kaya siguro hindi ko mapagtanto kung bakit dito’y humantong tayo
Mga planong di natuloy at di kinasanayang iyong nasa bokabularyo
Hindi ko mawari kung bakit nais mong ika’y di ko isipin
Marahil sa’yong pakiwari ay madali kang limutin
Ang isip ko’y gulong gulo sa mga salitang binitawan mo
Ang puso ko’y umiiyak dahil sa muling paglisan mo
Ayokong magpaalam dahil umaasa pa rin akong maaayos tayo
Pero paalam sa ngayon, kung ayan ang nais mong lunas sa komplikadong sitwasyon na mayroon tayo
Ngunit kasing gulo ng utak at puso ko ang tumatakbo sa isip ko
Tadhana, sana ako’y pagbigyan na ikaw ay muling masilayan ko
Hindi ko naman hinihiling na pagsasamahang may tamis ay muling pagbigyan
Kagaya ng mga nangyari noong may tayo pa na naglaho na sa nakaraan
~ TN
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
PAG-IBIG
May mas sasakit pa ba sa pagpapaalam sa taong hindi mo maintindihan ang dahilan kung bakit kailangan mong iwan at iwasan? Wag kayong pilosopo. Alam kong may ibang factors. Pero sa pag-ibig, kung tungkol don, meron ba? Yung akala niyo kasi ready na ulit kayong balikan yung isa’t-isa, tapos isang araw, biglang nagbago lahat.
Naransan niyo na ba yung sa sobrang sakit, hindi niyo na halos ma-process yung mga sinasabi niya sa’yo, tinititigan mo na lang kung anong mga sinasabi niya habang wala kang magawa kundi umiyak at mapabuntong hininga?
Bakit ganun? Parang wala akong maintindihan. Sinabi naman yung dahilan, pero parang di ko pa din talaga maunawaan.. Parang di ko matanggap. Ganun ba talaga kakomplikado ung pitong letra na yun?
~ TN
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
Okay lang.
Mahirap din pala kapag sobrang laki ng halaga mo sa isang tao
Gugustuhin niyang ibigay sayo lahat, ang buong mundo
Kapag nagkamali siya, pakiramdam niya hindi na niya deserve ang taong kagaya mo
Pakiramdam kasi nila, masyado tayong naging mabuti at totoo
Teka lang ha, di ko pa rin kasi maintindihan
Hindi ko maisip kung bakit damay pati ung pagkakaibigan
Pero wala naman akong magagawa kundi sambitin ang mga salitang “okay lang”
Kahit di ko maintindihan kung anong sobrang laking dahilan sa tingin mo’y pagkukulang
Siguro nga sapat na ang dahilan na hindi ka pa lang talaga handa
Walang kasiguraduhan kung meron pang araw na sa atin ay muling itatakda
Pero okay lang, okay lang talaga
Kung ayan ang tanging paraan para ikaw naman ang makakita ng sarili mong halaga
~ TN
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
Ganun lang.
Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin sa loob ng ilang araw. 
Mga salita mong nakapagparamdam ng saya sa puso at isip kong nauhaw.
Nauhaw marahil dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili dahil sa mga nangyari.
Nauhaw dahil sa matagal na panahon, ang sarili ay nabigyan din ng pakiwari.
Akala ko muli nating susubukan ang nawalang samahan.
Nakakatawa pala, dahil muli akong umasa sa walang hanggan.
Nakalimutan kong sa nakaraan ako ay umasa at nasaktan.
Nakalimutan kong maaaring ang lahat ng ito ay pansamantalang libangan.
Isang araw at ilang oras na kong hindi mapakali.
Di ko maintindihan kung anong nangyari.
Di ko naman pipilitin kung wala talagang kahihinatnan ang sana’y muling sisimulan at susubukan.
Tanging hiling ko, ang pagkakaibigan natin ay huwag mong kalilimutan.
~ TN
0 notes
tawneenuza · 8 years
Text
Ang sarap lang magbalik tanaw
sa mga araw na tayo’y nag-uumpisa pa lamang.
Punong puno ng kakaibang pakiramdam; yung excited pa tayo. Excited makatanggap ng text galing sa isa’t isa, kahit anong ginagawa magrereply, kahit antok na antok na’t halos di na magawang maimulat ang mga mata, kahit hindi pa nagtotoothbrush sa umaga. Sa bawat pag gising sa umaga, mala-snow white sa pakiramdam na may gigising sayong mga ibon na humuhuni ng love song at mapapasayaw ka pa habang nakatingin dahil sa isang “Good morning, have a great day” niya. Yung halos nagmamadali ka pumasok sa school kasi di ka na makapag-intay na makita siya ulit, at sa dismissal ihahatid ka niya sa sakayan pauwi ng bahay niyo. Yung pag-uwi mo magbubukas ka agad ng facebook para maka-chat mo siya. Magpapagalingan pa kayo sa Tetris. Bago matulog, papakiligin ka muna niya, magte-text sayo ng “Good night, sleep tight. Think of me while you dream tonight.”  Masarap hindi ba?
Masarap sa pakiramdam yung inaalala ka niya, yung tinetext ka niya kasi gusto niya. Yung kada-monthsary niyo, kahit walang celebration o regalo, ipaparamdam niya sayo na espesyal yung araw, kasi araw niyo yon. Ang sarap sa pakiramdam na bago lahat, yung nagkakakilala pa lang, yung kahit may hindi maganda, tanggap mo. Yung ang tingin mo lang sa kanya “Ay, ang swerte ko.”
Pero di maiiwasang dumating sa point na mapapagod. Dahil sa relasyon magkaibang indibidwal kayo, may kanya kanyang paniniwala at punto sa iba’t ibang mga bagay. Minsang dumadating sa pagkakataon na hindi na kayo nagkaka-intindihan. Walang nagpapatalo. Nakakalimot na sa pinangakuang magbibigayan. Nakakapagsalita ng hindi maganda, nagkakasumbatan, hanggang sa hindi inaasahan, sumusuko na. Ngunit hindi lahat ng relasyon, nagtatapos sa pagsuko. May mga pagkakataon na mas nananaig ang pag-ibig. Maraming nagsasabi na walang forever. Mali sila. Hindi pa lang nila nahahanap yung taong magpapatawad at hihingi ng tawad. Yung taong gagawa ng maraming mali, pero susubukan pa rin magbago. Yung taong mapapagod, pero makikita pa rin yung pagmamahalan na nabuo nila. Yung magkarelasyon na maiisip na “Mahal ko tong taong to, naaalala ko pa noon, ito yung pinipilit kong pa-ngitiin kasi pag nakita ko siyang masaya, masaya din ako.”
Sa relasyon, dalawa kayo. Hindi pwedeng isang tao lang ang sumusubok na maging maayos kayo. Hindi maaaring isang tao lang ang lumalaban para sa inyo. Maaaring mapagod, masaktan, malungkot, magalit… pero ang pusong totoong nagmamahal hindi nakakalimot at palaging handang magpatawad.
3 notes · View notes
tawneenuza · 8 years
Photo
Tumblr media
EK Bumalik ako sa lugar kung saan maraming masayang alaala Lungkot at saya ay aking nadama ng di inaakala Nakakamiss pa rin talaga lahat ng ating pinagsamahan Lalo iyong mga nabuo sa lugar na tinatangkilik na pasyalan Bawat pag-apak at pag-sakay ko sa mga libangan Ikaw ang tangi kong naaalala at ang ating nakaraan Akala ko madaling makalimot dahil sa sakit na iyong ipinadama at iniwan Ngunit nagkamali ako dahil tagos ang sakit nito magpakailanman Ang pagmamahal na nagkaroon tayo, marahil hanggang ngayon, ay parang ang pasyalan Dito ay maraming masasakyan na magbibigay kahulugan sa komplikadong nararamdaman Mahal, ang mga alaala ay hindi malilimutan at hindi mapapaltan Mahal, dahil dito natuto akong maging matatag at patuloy na pipiliin ang lumaban Hindi ko na pahahabain pa ang aking pagbabalik tanaw Ngunit tandaan mo na gaya ka ng mga nakakapukaw at doon ay nag-gagandahang ilaw Salamat dahil sa loob ng ilang taon ako ay iyong inaruga at pinasaya Mahal, wala na ang ilaw at oras na para palayain ang isa't-isa ~TN
1 note · View note
tawneenuza · 8 years
Photo
Tumblr media
XXI Ngayon ay mag-isa at piniling lumayo Hindi ko pa rin mapagtanto bakit nagkaganito tayo Maraming mga alaala na gusto ko ng limutin Ang pagmamahal na di ko alam kung saan pa pupulutin Mahigit anim na taon tayo'y nagkasama Lahat ng emosyon noon ay ating nadama Ikaw ang matalik kong kaibigan pamula noon Ngunit ngayon ay di ko mawari kung saan tayo paroroon Maraming bagay ang hindi ko pa rin lubos maisip Maraming bagay ang iniiyak at idinadaan sa pag-idlip Maraming bagay ang aking pinanghihinayangan Maraming bagay ang nangyari na kailanman ay di malilimutan Dalangin ko noon sa araw-araw na tayo ay Kanyang bigyang gabay Ngayon ay walang nagbago kahit may kanya kanya na tayong nilalakbay Huwag mong kakalimutan na ikaw ay minahal kong tunay Mahal, ngayon ay nagpapaalam at di na muling maghihintay habang buhay ~ TN
1 note · View note
tawneenuza · 9 years
Photo
Tumblr media
(from left to right: iss - my youngest cookie, she’s 12 years younger than me 👭, mommy dang - my zumba lord and horse mommah 👯🐴, daddy jon/minor/batchoy - my bully dad 😁🐷, and me! 😊, guiel - my bestfriend and boyfriend since 2009 👫 EH EX PALA, SINGLE SINCE FEB 2016 HAHAHAHAHAHA, ia - my cookie who’s 6 years younger than me 👭)
OHANA!! ❤ I’ve been just praying for this (everything behind the photo) things to happen and yes it’s true and always true, God will always answer your prayers in His most perfect time. My answered prayer I felt for the two weeks vacation of my dad from Japan and claiming to forever. After all, family is family (I know they never have unloved each other yiee!! ✌😁😂) plus one, not by blood, but by heart. I am so blessed to have these people in my life. They’re the ones whom I truly call, “God’s Gift” ❤
“Never lose hope. Greater things are yet to come.” 💞
0 notes