Tumgik
#pangitain
dimagapi · 11 months
Text
I plan on translating Rizal's satire
KATATAPOS KO LANG sa Life and Works of José Rizal course ko at sa isang banda ay naiinggit ako sa tatay kong tatlong beses itong kinuha. Nabitin ako! Hinayaan ako ng Rizal course na magiging madaldal about something that I'm passionate about, at na-challenge din akong mag-explore pa lalo.
Sa pag-e-explore na 'yun, napadpad ako sa collections ng wirtings ni Rizal, particularly Epistolario Rizalino at Jose Rizal National Centennial Commission (JRNCC) publications, and some other resources tulad ng La Senda del Sacrificio ni José Alejandrino (kung saan ni-recall ni Alejandrino 'yung time na sinabi ni Rizal na pinagsisihan niyang pinatay niya si Elias sa Noli me tangere).
Na-assign akong mag-report, along with two other groupmates, tungkol sa stay ni Rizal sa London at Paris at tungkol sa writings ni Rizal from around those times. Nababanggit lang talaga in passing sa mga discussion ang La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Fray Rodriguez) at Por Teléfono (Sa Pamamagitan ng Telepono), mga satirical stories na sinulat ni Rizal bilang ganti sa mga prayleng kritiko ng Noli na sina José Rodriguez at Salvador Font.
Isiningit ko sa paghahanda ng report ang pag-skim sa mga kuwentong ito at na-fixate naman ako agad (because of course). Interesting ang premises ng dalawang kuwento. Sa La Vision, sinermunan ni San Agustin si Padre Rodriguez at pinarusahang magsulat ng nonsense habambuhay. I particularly like na isa sa reasons ng pagbaba ni San Agustin ay dahil kahiya-hiya na sa paningin ng ibang mga santo ang pinaggagagawa ng mga prayleng Agustino. Sa Por Teléfono naman, I love the sarcasm! May part sa may umpisa that goes like this: "Salamat sa perpektong pagkagawa sa telepono ay maririnig maging ang katahimikan sa komedor, at mababatid mula sa mga tunog ng pagnguya na maging ang pinakamatakaw na prayle ay hindi kumakai ng higit sa limang subo sa isang araw."
At the time, 'yung original Spanish pa lang ang nakita ko. May existing translations naman ng mga ito sa Filipino sa JNRCC publications, pero medyo luma na at sinusunod ang Spanish-style formatting na posibleng ikalito ng non-Spanish speaking readers. Gusto kong gumawa ng updated translations, para rin madali kong ma-share sa iba itong dalawang story na 'to. Hopefully, makapag-translate ako ng kahit isa sa dalawang ito habang sem break ko.
Gusto ko nga rin sanang gawan ang mga 'to ng komiks adaptation, pero siyempre, mas labor-intensive 'yun. Looking back at the content ng mga kuwento, tingin ko ay mas magandang gawing komiks ang La Vision—parang ang satisfying makita 'yung eksena kung saan pinalo ni San Agustin si Padre Rodriguez ng baston sa tiyan, hindi siya nakilala, kaya pinukol niya naman sa ulo at nabali ang baston dahil matigas ang ulo ng prayle. Literal na phone conversation lang at kaunting narration ang Por Teléfono, so I think this will stay as prose.
I'd really love for others to read these stories, sadyang (1) hindi lang ito accessible sa marami sa ngayonand (2) hindi lahat ay interested sa mga bagay-bagay na may kinalaan sa Philippine history. Hopefully, maging tulay itong plano ko para malagpasan kahit 'yung unang problema man lang.
4 notes · View notes
dairyquim · 2 years
Text
Nung on the way kami sa Tagaytay, sa bandang Trece na, kitang kita namen yung lalaking nka motor, kung paano sya sumalpok sa poste, tpos wala pa syang helmet, so lumagapak tlga sya, at nawalan sya malay, tpos yung motor nya wasak wasak na. Grbe. So di rin kami nakababa since magkaiba kami ng way. Pero gulat tlga kami.
Then nung pauwi naman kami, bandang Amadeo na, nakakita nanaman kami gn aksidente, si tatay na naka bike e na out of balance naman, at natumva sa may gilid, at nasupalpal din sa sahig. Grbe.
Dalawang aksidente na agad 🥹🙏🏻
Tpos..... yang mga yan pala e pangitain na sa amen.
After i drop off ni Froilan yung dalawa naming friend, somewhere sa Bacao, nagulat nalang kami mag kumalampag sa gilid, yun pala may nakasagi or kami nasagi, since nagulat nalang kami e. Kulay black yung kotse then sobrang labo ng lights nya.
Pero mabait naman si Tatay, mejo may katandaan na rin, nakipag areglo nalang, pero ayon nagbayad nalang din kami pra di na maabala pa.
Ang mahalaga safe kami! Huhu thanks G 🙏🏻🥹
Tumblr media
10 notes · View notes
anitosoul · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media
sikodiwa:
Huwag pumasok sa gubat kung takot ka sa ahas. (Do not enter the jungle if you are afraid of snakes.) 🌳🐍🌳 Pasukin ang gubat ng diwa at kilalanin ang katutubong alaala ng ating mga ninuno. Sa “Kutob at Kababalaghan,” maaalala mo ang likas mong kakayahan na makipagugnayan sa malaya at malawak na diwa ng sansinukob. Sa “Ang Hiwaga at Kahulugan ng mga Panaginip,” matututo kang basahin ang mga pangitain na dala ng iyong kaluluwa sa kaniyang paglalakbay. Sa “Spirits, Folk Belief, and the Filipino Soul,” malalaman mo ang kasaysayan ng iyong diwa. English: Enter the jungle of your consciousness and meet the indigenous spirit of our ancestors. In “Kutob at Kababalaghan,” you will remember your natural ability to tap into shared consciousness. In “Ang Hiwaga at Kahulugan ng mga Panaginip,” you will learn how to read the visions of your traveling soul. In “Spirits, Folk Belief, and the Filipino Soul,” you will know the history of your spirit. Physical copies available only to those in Metro Manila. ₱900 for all three, delivery fee shouldered by buyer. Payment through GCash, delivery through Lalamove. Digital copies are also available through the link in my bio, under “Offerings.” #zine #zinemaker #zinesph #zines #spirituality #psychology
2 notes · View notes
gioelline · 1 year
Text
Ah oh
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tam'at mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon bago ito ay maging kahapon (kahapon)
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (oh)
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay ngayon (kayganda ng buhay ngayon)
Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit (oh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)
Bukas mo'y matibay (bukas mo'y matibay)
Dahil ang sandiga'y ngayon (dahil ang sandiga'y ngayon)
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang (ituring mong kahapo'y waring panaginip lang)
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang (ah n'yang ganda'y sa isip lang)
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay sulit lang (ah)
Kayganda ng buhay (kayganda ng buhay)
Bukas mo'y matibay (bukas mo'y matibay)
Dahil ang sandiga'y ngayon (dahil ang sandiga'y ngayon)
3 notes · View notes
Tumblr media
KAMPANA'T PIGING
Halina't makisalo't makikain sa inihandog na piging Sa Araw na kung saan matutupad Ang mga dasal na hinihiling Sa laro ng Buhay na may panganib at saya na tila tinikling Tayo'y nakagawa ng kwentong tutumbas sa anumang singing
At ngayon na tayo'y sa ikatlong taon ay humantong Sa pagpapahiwatig ng pagmamahal na kahit pasigaw o pabulong Saludo na Rin sa ating mahabaang pagreresolba at pagpupulong At nangangarap na sa harap ng kampana tayo'y tutungtong
Bagama't malayo pa Ang ninanais na makamit Ngunit Ang nsabing pangitain ay kailanma'y Hindi ipagpapalit ipaglalaban,hahangarin, pangangalagaan at hahawakan ng mahigpit Dahil Ang singsing ay inaasam na balang-araw sayo'y maisukbit
0 notes
mnaasilveira · 7 months
Text
Fatima, Agosto 13, 1917
______________________________________________________________ Fatima, Portugal ______________________________________________________________ Libu-libong tao ang dumagsa sa Fatima noong Agosto 13, 1917, dala ng mga ipinapalagay na pangitain at himala. Hinarang at ikinulong ng provincial administrator na si Artur Santos (walang kaugnayan kay Lucia) ang mga bata bago makarating sa Cova da Iria,…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
karmareign03 · 1 year
Text
Grabeng pangitain ba
0 notes
dan6085 · 1 year
Text
Ang leadership ay isang mahalagang konsepto sa mundo ng negosyo at organisasyon. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na pamunuan ang mga tao at organisasyon tungo sa isang layunin. Sa panahon ngayon, mahalaga ang magkaroon ng isang mahusay na lider upang matulungan ang mga kawani at organisasyon na magtagumpay.
Ang mga lider ay mayroong mga katangian na ginagamit upang maging mabisa sa kanilang trabaho. Una sa lahat, kailangan nila ng isang malinaw na pangitain. Ito ay tumutukoy sa isang mahusay na plano kung paano makakamit ang mga layunin ng organisasyon. Sa ganitong paraan, ang lider ay maaaring magbigay ng direksyon at magtakda ng mga layunin sa kanilang mga kawani.
Bukod sa pangitain, mahalaga rin na mayroong malakas na pakikipag-ugnayan sa ibang tao ang lider. Ito ay dahil ang isang lider ay kadalasang nagtatrabaho sa isang grupo ng mga tao. Kung walang magandang ugnayan sa mga kasapi ng grupo, maaaring hindi magtagumpay ang organisasyon sa kanilang mga layunin.
Isa pa sa mga katangian ng isang mahusay na lider ay ang kakayahan na mag-udyok ng mga kawani sa organisasyon. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo o pagpapakita ng kahalagahan ng trabaho ng isang kawani sa organisasyon.
Gayundin, mahalaga rin na magkaroon ng positibong pananaw ang isang lider sa panahon ng pagkakaroon ng mga suliranin sa organisasyon. Kung mayroon siyang magandang pananaw, maaari niyang ma-motivate ang kanyang mga kasapi na patuloy na magtrabaho nang mabuti.
Sa pangkalahatan, ang isang mahusay na lider ay mayroong malinaw na pangitain, malakas na pakikipag-ugnayan sa ibang tao, kakayahan sa pag-udyok ng mga kawani, at positibong pananaw sa pagharap sa mga suliranin. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, ang isang lider ay maaaring magtagumpay sa pagpapatakbo ng isang organisasyon tungo sa kanilang mga layunin.
Tumblr media
0 notes
akosishane · 1 year
Text
79|100
Noon pa,Mga pangitain na nakita ko
Kumapit ka lang sa perpektong pangako
Panigurado
Walang mawawala saiyo
-ElshannE
0 notes
ard0116 · 1 year
Text
Mirasyon dahil sa Kahirapan, Pangarap, at Pandemiya
"Kapag abroad ka mayaman ka" Dahil sa mga pangitain na ganyan madami sa ating mga kababayang Pilipino ang gusto manirahan sa ibang bansa dahil sa malaki ang sahod, mababa ang tax, madaming binibigay na sustento ang gobyero, at iba pa. Lalo na nung nag pandemiya tumaas ang kalidad ng buhay sa Pilipinas nagmahal ang bilihin at bumaba ang kita.
Tumblr media
Ang mga Pilipino ay madaming sinsabing dahilan bakit nila pinipili manirahan sa ibang bansa, kagaya ng akin nakapanayam na si Prince siya ay naninirahan sa Estados Unidos simula nung 2015 dahil sa baba ng kalidad ng buhay at nakipag sapalaran sa ibang bansa para guminhawa ang kanyang buhay.
Tumblr media
Ayon kay Prince sa loob ng pitong taon mas gusto niya daw manirahan doon at tinagdag niya na doon bumoo ng pamilya dahil sa sinabi ng kanyang Ina na simula nung nagkapandemiya madaming nawalan ng trabaho sa Pilipinas at madami na din hindi nakabalik sa ibang bansa kaya mas pipiliin niya na doon na lang siya at magpadala na lang ng pera para sa kanyang magulang.
Tumblr media
Bagamat kahit ganito na mas madaming Piilipino ang gusto sa ibang bansa, mas madami pa din Pilipino ang gusto manirahan dito dahil mahal nila ang bansa na kinagisnan nila at ang bansang pinaghirapan ipaglaban ng ating mga bayani.
1 note · View note
ulapluna · 1 year
Text
Si Tiya Sera
Kinukulayan ng mga bahaghari ang kalangitan. Yumayakap ang mapagkalingang init ng araw sa bawat nasisinagan. Dinadalaw ng kapayapaan ang dinadaanan ng nakikipaghabulang hangin. Nakapaligid ang lahat kay Tiya Sera habang naghahanda sa kuwentong pinagmulan ng lahat. Isang diwata ng kalikasan ang aking Tiya.
Sinimulang ikumpas ang maliit na sanga para magpalabas ng hiwaga.
Isang kumpas, napalitan ang tanghaling-tapat ng buwang nakasipat.
Dalawang kumpas, sumindi sabay-sabay ang pailaw ng mga alitaptap.
Tatlong kumpas, umawit ang mga kuliglig kasabay nang pagpapaliwanag ng buwan. Bumulong ang hangin sa aming mga pisngi. Ito na ang senyales na lahat ay dapat makinig.
Katabi ni Tiya Sera ang pinakamatandang duwende dahil kasama niya ito sa pagkukuwento. Nagmamasid naman sa malaking sanga ng Narra ang tikbalang at katabi nito ang mangkukulam. Tumatayo ang balahibo ko kapag sabay silang tumatawa lalo na kapag masaya ang kuwentuhan. Mabuti na lang at nasa tabi ko ang mga kaibigang sirena ni Tiya Sera. Kapag ako’y natatakot umaawit sila na sobrang nakahahalina. Nasa likod naman namin ang mga siokoy, iba pang engkanto at mga hayop. Sumasayaw naman sa paligid ang mga alitaptap, paro-paro at iba pang insekto. Isang salo-salo para sa napakagandang kuwento mula sa aking Tiya Sera. Lahat ay magkakaibigan at nagkakasiyahan. Pati ang buwan nakikitawa habang kayakap ang mga ulap.
Nagsimula sa pagwasiwas ng maliit na sanga na sa lahat ay nagpahanga. Nahawi ang mga bituin dahil naging isang malaking panoorin ang kalangitan. Sandaling tumabi ang buwan at nakipanood din. Isang mahikang kagila-gilalas. Natapos ang palabas sa pumaligong mga munting tala. Inihatid ng hangin ang bawat isa sa kanilang tahanan. Kumukundap-kundap na ang mga bituin nang kami ay humimbing. Nanatili si Tiya Sera sa kaniyang puwesto at doon nagpahinga.
Kinabukasan ay nasa paborito kong puwesto lang ako habang pinagmamasdan si Tiya Sera. Hindi ko siya malapitan dahil kinakausap niya isa-isa ang kaniyang mga kaibigan. Kapag pinapayuhan niya ang mga ibong nawalan ng tirahan ay nagsasalita rin siya na parang ibon. Kinakampay rin niya ang mga kamay hanggang sila’y magkapalagayan. Nakatatakot naman kapag kausap niya ang mga engkanto lalo na ang mangkukulam. Pinapatinis ni Tiya Sera ang boses niya dahil nasasaktan daw ang mangkukulam kapag ang boses niya ang pinagtatawanan. Kapag naman ang mga insekto ang kausap ay parang silang nagbubulungan. Ayaw raw kasi ng mga insekto na para silang sinisigawan.
Madalas ay hindi ko nakakausap si Tiya Sera dahil napakarami sa kaniya ang nagpapakonsulta. Nagrereklamo na rin siya sa akin dahil lahat na raw ng trabaho sa mundo ay ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa napakahabang pila ng mga humihingi ng tulong sa aking Tiya Sera. Hindi naman ito nalalayo sa utos ng aking Inang Reyna, inatasan akong maging tagapag-alaga ng aking diwatang tiya. Pagkatapos ng araw ay hindi mawawala ang yakap sa akin ni Tiya Sera. Pero minsan hindi niya na ako nakikilala, napagkakamalan niya akong duwende, isda, siokoy, kapatid ng tikbalang at minsan pa nga ay isa sa kaniyang mga kaaway — ang mga bungisngis.
Malakas ang buhos ng ulan, umaapaw ang mga ilog at gumagapang ang baha papunta sa trono ni Tiya Sera. Wala ang kaniyang mga kaibigan, ako lang at siya ang magkasama. Bumubulong si Tiya hindi ko sigurado kung may kausap siyang insekto.
“Nariyan na naman ang mga bungisngis. Papalapit na sila sa atin. Mag-iingat ka munting kaibigan.”
Hindi ko muna nilapitan si Tiya. Baka nagkaroon siya ng mga masamang pangitain.
Kinabukasan, may iniutos si Inang Reyna sa akin. Nagpaalam ako upang maagang makaalis. Nagsabi rin ako kay Tiya Sera na mag-iingat habang wala ako.
“Huwag kang umalis munting kaibigan, maraming bungisngis sa labas ng ating kaharian.”
“Kaya ko po ang sarili ko, hindi po ba, ako ang tagapag-alaga ninyo?”
Napatitig sa akin si Tiya Sera. Balot ng takot ang kaniyang mukha. Hindi rin niya ako gaanong makilala.
Paglabas ko may malaking pista sa labas ng kaharian. Dumadagundong ang kalabog ng malalaking tambol kasabay ng mga hiyawan. Nakapaligid ang banderitas. Nagkakasiyahan ang mga tao. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang makarating tapat ng simbahan. Sa rebulto ng malaking anghel may mga sigaw na pumaibabaw.
“Munting kaibigan! Nariyan na sila!” sigaw ng pamilyar na boses. Ang aking Tiya Sera.
Tumatakbo siya papunta sa akin. Sumisigaw at hinahawi ang karamihan ng mga nababangga. Humahangos. Itinutok ang espada sa paligid. Buong tapang makikipaglaban.  
“Mga bungisngis lumayo kayo!”
Ngunit unti-unti, nawala ang kaniyang ganda’t liwanag. Ang kumikislap na kasuotan ay naging nakapalupot na kumot. Ang korona na yari sa mga rosas ay naging pulang balabal na hanggang bewang ang haba. Ang mga umiikot na alitaptap na nagpapaliwanag ng kaniyang paligid ay naging polbo sa mukha at hindi na siya nakakalutang. Lumitaw ang sugatang paa na walang suot-suot na tsinelas. Napahinto ako’t hindi makapagsalita.
            Niyakap niya ako.
“Proprotektahan kita Sariel dahil ako ang iyong diwatang tiya,” bulong niya. Nakilala na ako ni Tiya Sera.
            Hindi nagbago ang kaniyang mapagkalingang yakap pero nagsimula ang hagikgikan hanggang mapunta sa halakhakan.
“Si Serang baliw narito na naman,” sigaw ng isa naming kapitbahay.
            Kilala ko ang mga tumatawa, hindi sila mga bungisngis pero habang tumatagal ay nagbabago ang kanilang itsura. Ang mga kalaro ko, naging bungisngis. Ang mga kapitbahay namin, naging bungingis. Hindi ko na sila makilala dahil sa kanilang tawa. Gusto kong protektahan ang aking tiya pero mahigpit ang yakap niya sa akin. Siya ang pumoprotekta sa akin.
“Huwag kayong lalapit sa amin! Mga bungisngis!” habang winawasiwas ang walis tingting na kanina ay espada.
            Sumaklob ang isang anino sa amin.
“Tumigil na kayo! Walang nakakatawa!” sigaw ni Mang Lito. Sinundan din ito ni Aling Fe. Tinangay ng hangin ang malakas na tawanan. Para silang mga kabalyerong anghel katulad ng malaking rebultong anghel na nilalabanan ang mga halimaw sa tapat ng simbahan. Mainit rin ang kanilang mga yakap at akbay. Mapagkalinga.
            Inakay nila kami papauwi. Sa parada ng pangungutya ay hindi naman lahat nakikisaya.
Hindi naman lahat tumatawa, iilan lang ang bungisngis. May ilang nakatingin lang at nagmamasid parang ang kaibigang tikbalang ni Tiya Sera. May ilan ring nagbabawal at nagtatanggol, mga anghel rin kaya sila?
Naiuwi namin si Tiya Sera. Sa kaniyang silid at paboritong upuan, naglaho ang kaninang takot at pangamba. Nakausap ko si Inang Reyna o ang aking Nanay Celi.
“Sa mundong ito, marami ang mga anghel na nagtatago. Minsan hindi nila alam na anghel pala sila pero alam nila ang misyon nila sa mundo,” paliwanag ni Nanay.
Tulad nila Mang Lito at Aling Fe na kay bubuti. Tulad ni Tiya Sera na sinubok ngunit hindi nagpagapi. Malinis ang puso at hindi gumagawa ng masama. Tulad ng mga may kapansanan sa katawan ngunit pinili paring maging mabuti. Tulad nating buo ang regalo’t hindi nagpapatukso.
“Ituring natin lahat bilang isang biyaya at maging biyaya sa lahat,” dagdag ni Nanay Celi.
Binukadkad ko ang aking kamay, lumapit at yumakap kay Nanay at Tiya Sera.
Ako rin pala ay isang anghel at isang biyaya. Isang anghel na may dalang kabutihan na susupil sa lahat ng uri ng kasamaan.
Ang Akdang ito ay entry para sa Kuwentong Pambata Category ng Saranggola Blog Awards 12. #SBA12
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
https://culturalcenter.gov.ph/?fbclid=IwAR3P4ZmQIat6becHidrWTjBc9zpz4OEXaYD5zlDamYepjOTMoxNTDTGtJE4
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
happyjaja · 2 years
Text
Sandaling Paghinto at Pananalangin: Isang Araw ng Paglalakbay sa Manaoag
Tumblr media
Bago matapos ang buwan ng Enero taong kasalukuyan, minarapat ng aking pamilya ang magpunta sa Our Lady of Manaoag upang magkapagpasalamat at manalangin para sa mabuting taon. Matagal na nung huli ako makapunta rito, kaya nga nang malaman kong magtutungo kami rito ay labis akong nagalak. Binigyan ako nito ng isang masayang alala na higit pa sa inaasahan ko. Ang pagtungo rito ay tunay ngang nakapanunumbalik ng sigla, matahimik, at madamdamin. Nangyayari nga ang mga himala sa mga naniniwala. Maniwala ka lang.
Pag-unawa sa Our Lady of Manoag
Ang Our Lady of Manaoag ay isang sikat na destinasyon sa Pilipinas para sa mga Katolikong manlalakbay sa buong mundo. Ang “Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag o kilala bilang “Our Lady of Manaoag” ay isa sa mga pinaka-binibisitang relihiyosong simbahan sa Pangasinan, na ngayon ngayo’y kinikilala at itinuturing na rin bilang "Catholic Mecca" sa bansa. Ang simbahan ay matatagpuan sa mataas na bahagi ng bayan ng Manaoag, na nagbibigay ng nakakamanghang tanawin sa nakapalibot ditong kanayunan.
Itinayo ito noong ika-17 siglo, at ayon sa lokal na alamat, isang lalaki ang nagkaroon ng pangitain tungkol sa Birheng Maria na siyang nagpahayag sa kanya ng mensahe na magtayo ng isang dambana na ngayon ay kinalalagyan ng simbahan ng Manaoag. Pagkatapos, bumuhos sa bayan ang mga lokal at dayuhang pilgrim na nakarinig tungkol sa mahimalang imahen. Ngayon, libu-libong tao ang pumupunta sa lalawigan bawat taon upang maranasan ang espirituwal na kalikasan ng lugar at tingnan ang iba't ibang makasaysayang at relihiyosong atraksyon.
Malaking bahagi ng ekonomiya ng bayan ang nakasalalay sa pagdagsa ng mga turista at mga peregrino sa dambana ng Our Lady of Manaoag.
Mga Maaaring Gawin
Ang pangunahing atraksyon ng turista sa bayan ng Manaog ay ang dambana. Ang Minor Basilica ng Our Lady Of The Rosary Of Manaoag na dinaragsa ng libu-libong mga relihiyosong peregrino.
Tumblr media
Sa aming pagdating dito, una kaming nagtungo sa pangunahing simbahan na tinatawag na Manaoag Basilica upang dumalo sa misa. Sa loob, makikita ang ilan sa mga himala na iniuugnay sa Our Lady of Manaoag na inilalarawan sa mga mural. Matapos ang misa’y nagtungo kami sa Paschal Chapel sa tabi ng south flank ng simbahan. Hindi rin namin pinalagpas ang pagkakataong makita ang malaking imahe ng Kristong Ipinako sa Krus, na siyang nasa santuwaryo sa kaliwang bahagi ng pangunahing pasukan.
Tumblr media
Bukod sa pagdalo sa misa sa pangunahing simbahan, nagtungo rin kami sa Veneration Room na siyang sikat sa mga peregrino. Matatagpuan ito sa likod na bahagi ng simbahan kung saan kami’y nagkaroon ng pagkakataong mahawakan ang damit ng Birheng Maria.
Tumblr media
Ang Candle Gallery, sa tabi mismo ng pasukan sa Veneration Room, ay isa rin sa magandang lugar na aming tinunguhan para mag-alay ng mga panalangin para sa aming mga mahal sa buhay.
Tumblr media
Hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na makapasok at makita ang Our Lady of Manaoag Museum, na nagtatampok ng mga memento halos, korona, scepters, baton, at iba pa. Ito ay madilim at tahimik, na naglalaman ng isang malawak na koleksyon ng mga artifact at vestment, mga regalo sa Birheng Maria, at iba pang mga bagay sa relihiyon.
Tumblr media
Matapos ang kamangha-manghang pag-iikot sa loob ng museo ay nagtungo na kami sa Rosary Garden, na siyang aking maituturing na perpektong lugar upang magnilay at magmuni-muni. Naglalaman man ng malaking bilang ng mga mananampalatayang bumumibista dito, ang lugar ay may sapat na laki kaya namn ang mga taong bumibisita rito ay madaling makahanap ng isang lugar para sa pag-iisa at pagdarasal.
Ang Bukas ng Simabahan:
Araw-araw: mula 5.00 am hanggang 7.00 pm
Iskedyul ng Misa:
Araw-araw: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 11.00 AM at 5.00 PM
Sabado: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 12.00 AM at 4.30 PM
Linggo: Bawat oras mula 5.00 AM hanggang 12.00 AM at 3.00 PM hanggang 5.00 PM
Mga Maaaring Kainan
Narito ang mga kalapit na restaurant na aming kinainan pagkatapos bisitahin ang Our Lady of Manaoag.
Tumblr media
Hardin sa Paraiso
Bago magpatuloy sa aming pamamamasyal ay nagtungo muna kami sa Hardin sa Paraisoupang mananghalian. Ang kainang ito'y mayroong hindi lamang malinamnam na pagkain para sa tiyan sapagkat ang hardin ay sadyang kaya-aya sa mata. Ang ilan sa aming kinain rito na siguradong aking babalikan ay ang kanilang crispy tuna tail, kare-kareng bagnet, at Bangus ni Kaka.
Ito’y matatagpuan sa Brgy. Lelemaan, Manaoag, Pangasinan.
Tumblr media
Antonio Restaurant
Matapos ang kamangha-manghang paglalakbay sa Manaoag Church ay nagtungo kami sa Antonio Restaurant upang kumain bago tumulak pabalik dito sa Bataan. Ang kainang ito ay siguradong babalik-balikan ko dahil sa kanilang hindi matatawarang masasarap na pagkain. Idagdag pa rito ang ganda ng lugar na syang nagbibigay ng karagdagang sarap sa iyong pagkain. Ang kanilang kilawing bangus ay talagang malinamnam.
Ito’y matatagpuan sa Binalonan-Mangaldan National Road, Manaoag, Pangasinan.
Pasalubong
Bukod sa simbahan, pagbibigay-galang at pag-aalay ng panalangin sa patrona ng Manaoag, may isa pang bagay na hindi ko natiis nang kami’y magtungo rito, ito ay ang kanilang mga pasalubong. Kagaya ng mga taong nagtutungo dito ay hindi namin hinayaang basta-bastang umaalis sa bayan ng walang dalang pasalubong. 
Sa paligid mismo ng simbahan ay marahil daan-daang mga tindahan ang nagbebenta ng mga souvenir tulad ng kandila, rosaryo, at iba pang bagay na panrelihiyon, at masasarap na pagkaing sikat sa bayan. Ngunit ang pinakatampok, para sa akin, ay ang tupig, patupat, at boneless bangus. Ang perpek na pasalubong!
Tumblr media
Hindi naming hinayaang umaalis sa Manaoag nang hindi tumitikim at nag-uuwi ng isang dosenang tupig na may niyog na nakabalot sa dahon ng saging, halos katulad ng suman maliban na ito ay inihaw.
Tumblr media
At sino ang hindi mahuhulog sa isa sa mga kaakit-akit na matamis na malagkit na bigas na nakabalot sa mga dahon ng palma na kahawig ng pitaka? Tinatawag silang "patupat". Ang pagkasalimuot at kagila-gilalas ng balot nito ay napapalooban nang lahat ng katutubong pamibihira nito.
Sa tuwing ako’y kakain ay hindi ko maiwasang mapaangil dahil sa kasiya-siya nitong lasa. Ang pagbubukas nito ay nagpahirap sa akin ng husto sapagkat kinakailangan mo munang tanggaling ang bawat hibla ng dahon na nasabit sa lagkit nito. Hindi ako makaangal sapagkat ito’y masarap at sulit ang lahat ng pagsisikap.
Tumblr media
Hindi rin namin nakalimutan bumili nang matamis na batik-batik na mani na hinugis bilog upang gawing kendi, isang bag ng malutong na saging o camote chips, butong kasoy, suman, at iba pang pagkaing matatamis at katakamtakam. Gayundin ang mga pulseras na nabili naming sa halagang 25 hanggang 40 pesos bawat isa depende disenyo.  
Mga tip:
Pinakamainam na oras para bumisita ay mula 4 AM pataas upang maiwasan ang kawan ng mga tao at ang init.
Magdala ng pamaypay, payong at bote ng tubig. Ang Pangasinan ay isang napaka-init na lugar at idagdag pa rito ang bilang ng mga tao na dumagsa sa dambana.
Bumili ng mga kandila sa paligid ng simbahan - maraming mga abot-kayang kandila ang mapagpipilian.
Magdala ng maraming pasensya. Dahil sa milyun-milyong deboto, hindi makakatulong sa iyo ang iyong pagkainip dito. Mayroong mga pila sa halos lahat ng dako.
Sa kabila ng lahat ng iyon, ipikit mo lang ang iyong mga mata at taimtim na sabihin ang iyong mga panalangin. Ang dambana ay hindi sikat sa wala.
Paanong makakatungo sa Manaoag?
Ang pagpunta roon ay maaaring tumagal ng halos 4 na oras. Mula sa Cubao, maaari kang sumakay ng bus mula sa mga terminal sa kahabaan ng EDSA. Ang biyahe ay maaaring magkahalaga ng higit o mas mababa sa Php400, ito’y depende sa kung klase ng bus na nais mong sakyan. Kung walang mga bus na direktang papunta sa Manaoag, maaari ka ring sumakay papuntang Dagupan City at bumaba sa harap ng Magic Mall. Mula roon ay kinakailangan mong sumakay ng tricycle o jeep at ito ang maghatid sa iyo patungong Manaog Church.
Bilang Pagtatapos:
Ito ay isang magandang karanasan para sa akin. Ang lugar ay puno ng mga deboto na dumadalo sa misa, nag-aalay ng mga panalangin, nagsisindi ng kandila, nakapila para hawakan ang damit ni Birheng Maria, bumibili ng mga souvenir, at kumukuha ng litrato. Ngunit maliban sa lahat ng mga debosyonal na aktibidades na ito, tunay kang mapapahanga sa kagandahan ng simbahan at ang galerya ng mga eskultura, na karamihan ay ang mga Dominican na santo at prayle, parehong nasa looban at daanan.
Ang Our Lady of Manaoag ay isang magandang lugar na puntahan para manalangin at magpasalamat kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan. Bukod sa sayang idinulot sa akin ng pagtungo rito ay pinanumbalik at mas pinalakas din nito ang aking nanghihinang pananampalataya. Nagtungo ako roon ng may mabigat na puso at nagugulumihanang isip, ngunit umuwi ako na ang ang puso’t isip ay panatag. Nais kong bisitahin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon upang magpasalamat sa mga pabor na sa aki’y ipinagkaloob.
Ang kwento sa likod ng biyaheng ito ay sadyang tumutunaw sa aking puso sa tuwing aking naaalala, sapagkat ito’y naganap dahil sa naisin ng aking pamilya na tunay akong makasama at sumaya. Sinasabi kasi nila na magmula nang magsimula ang aking klase ay madalang na lamang akong lumabas ng aking kuwarto, lagi na lamang akong nakaharap sa laptop, at madalang nila akong makita tumawa. Dahil doon ay napagdesisyunan nilang magtungo sa Manaoag upang dumalo sa misa kung saan naroroon ang mapaghimalang Nuestra Señora del Rosario de Manaoag. Ito raw ang kanilang napiling gawin at puntahan sapagkat bilang isang deboto ay naniniwala sila na sa tulong nitong mapaghimalang Maria at tiyaga ay makakamtan ko ang aking mga naisin sa buhay. Ito'y isang araw ng masayang paglalakbay kasama ang aking mga lubos na minamahal sa buhay.
Ang mga piraso ng masasayang alala ang nagpapanatili sa tao para magpatuloy. Kaya dapat huwag mong hahayaan na lumipas ang isang araw na hindi ka nakagagawa ng mga bagay na makapagpapasaya sa iyo, kahit na gaano pa ito kaliit. Maging masaya tayo ngayon para sa ating kinabukasan.
0 notes
sselleb · 2 years
Text
Big Mouth (2022)
Ep 1. Potrayal ng (actual or maybe palabas na) life ni Changho. Lawyer na di nagwwork under a law firm, nagtayo ng sariling office to practice, di nanalo sa trials, may mga utang, money problems within family etc. Then a business/opportunity involving high profile ppl came, kinagat agad without assessing yung risks hmmm Ep 2. So si Changho raw si Big Mouse - dahil nakita yung pera at drugs at everything sa law office (HOW). Also nabobother ako how "calm" yung wife, father in law and lawyer friend niya nung nireveal na sya si Big Mouse. Sya ba talaga??? haha. Suicidal na rin sya sa kulungan or baka iniestablish lang nya na may power sya idk huhu Ep 3. Natulugan ko mid-episode haha. Bali, si wifey ay into the case na rin. Ininfiltrate nya yung hospital ng punu't dulo ng lahat ng nangyari. Ano ba talaga yung info na nasa paper ni Dr Seo? Somethin about DNR policies sa cancer ward, somethin ba about a new drug, baka may patient trials?
Meanwhile, si Changho, nagkukunwari or pinaninindigan na na sya si Big Mouse. Ewan ko ba nya naisip na igrant yung outside the jail wishes nung mga tauhan nya, kung di talaga siya si Big Mouse. Or baka naman kasi sya talaga si Big Mouse?? idk huhu This episode rin nirisk ko yung chances of spoiler to search ano theories ng mga tao kung sino si Big Mouse, baka raw si Jerry (yung bestfriend nya sa kulungan hahahha na may tattoo) or yung room leader. Yung room leader parang may pangitain!!! Sya yung nasaksak this ep + may binulong sya sa warden tas pinakawalan si Changho hmmm Ep 4. I hate yung hospital nung asawa nung Mayor, the malpractices, and corruption ughhh brings back memories. Ang highlight ng ep na 'to ang yung list ng drug dealears na binentahan (?) ni Big Mouse. Di alam ni Changho (or nagkukunwari lang), di rin alam ni Mayor. Di ko alam ano magiging ending ng next ep kung yung fake names masabi ni Changho huhu Ep 5. CHANGHO HOW DID YOU KNOW THE NAMES?? WUT. Also, sino si elder? Senior person na connected sa director nung hospital/asawa ni mayor at connected rin kay jihoon. Also, bat may pagkuha ng dugo sa cancer patient? San pumunta si head nurse? Sige puro tanong haha Ep 6. Ok, so possible isa nga sa mga inmates si Big Mouse. ANDD Ok, it also turns out na kabit nung wife nung isa sa VIP si Dr. Seo kaya nasa kanya yung copy nung paper. Ep 7. My brain is malfunctioning at this point HAHA. May pagedit pa ng hidden camera?! wtf is happening. sino ka ba big mouse huhu. Ep 8. Kinidnap si Changhoo to a mental hospital, andun rin si head nurse (HUH). Tinurukan ng truth serum, nagsabi ng bluff yet may gold bar na nakita sa bluff location like wat paano nalaman ni big mouse yon! Tapos nirescue sya ng mga firefighters and ni Jerry (rip) para tumakas sa mental hospital. From then on, alagang big mouse na sya, kung sansan na sya nakakarating nang walang nakakakita sa kanya. may livestream guesting pa haha next weekend na lang uli, inaantok na ako sa 2 cans of suntory huhu Ep 9. I hate this ep. Ang lame ng mga pasabog ni Changho HAHA. grabe im so tired haha cant even finish an ep. bukas nalang ulit :> -- napakabusy ng buhay, di ko na natuloy panuorin to hahaha
0 notes
oishikim · 2 years
Text
The Weak One’s Are The Deprived One’s
I am contemplating on how should I start with this. I wanted to write it here to ease the painful feeling maybe, or the feeling of being so weak. Ang pakiramdam na para kang pinagbagsakan ng lahat. Ang pakiramdam na para kang basahan na maaaring tanggalin o ilipat sa iyong kinalalagyan at kukunin na lamang kung kinakailangan. Sa Departamento ng Pilipinas na kung saan ko inialay ang propesyon ko at nangakong hindi titigil at babalik balikan ko hanggat kaya ko dahil alam kong marami ang umaasa sa mga katulad ko, patawad. Inang Bayan, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan sa sistemang ginagawa nila na kung saan ang mga nasa taas at may kapangyarihan lamang ang lubos na nasa kaginhawaan. Ang mga tulad ko na lumaban ng patas at nagsimula sa mababa ang tumatamasa ng mga dumi nilang tinatapon na dapat pa raw naming ipagpasalamat. Hindi ko maintindihan ang ganitong sistema. Ipinagpupuyos ito ng aking damdamin. Gusto kong umiyak, sumigaw, at isumbat lahat pero para saan? Para kanino? Para bang ako ay nakikipag-usap lamang sa bato. Walang nagnanais na malagay sa ganitong sitwasyon. “Paumanhin, hindi kita naipaglaban” iyan ang iyong turan. Gusto kong tumawa ng mapakla. Naipaglaban mo ang iyong kasamahan. Sino nga ba naman ako para ipaglaban mo? Isa akong mahinang humahamak na mabago ang sistemang inyong sinimulan. Wala akong karapatan. 
Sa ganito ko na lamang ilalabas ang hinanakit na paulit-ulit na umuukit sa aking isip at damdamin. Sana man lang sa ganitong paraan ay maibsan ang damdaming nagpipilit sumidhi ng masasamang pangitain. 
0 notes
danalazy · 2 years
Video
sabi ko babye na pero pucha nahagilap ko old phone ko. tas may nahanap akong lumang video. pasintabi sa pangit na pader at iba pang pangit na pangitain 😂
1 note · View note
mnaasilveira · 7 months
Text
Fatima, Agosto 13, 1917
______________________________________________________________ Fatima, Portugal ______________________________________________________________ Libu-libong tao ang dumagsa sa Fatima noong Agosto 13, 1917, dala ng mga ipinapalagay na pangitain at himala. Hinarang at ikinulong ng provincial administrator na si Artur Santos (walang kaugnayan kay Lucia) ang mga bata bago makarating sa Cova da Iria,…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes